"Ram, ano bang pinagsasasabi mo?" alanganin ang ngiti niya sa lalaki, "hay naku, kmain ka na nga lang." "Nagtatanong lang naman ako eh, mukhang guilty ka," ngumisi pa ito sa kanya. "Puro kalokohan na ang naiisip mo," naiiling niyang sagot dito. "Ano ba ang nagustuhan mo kay Ludwig? mas gwapo naman ako diyan?" hindi niya akalaing diretsahan itong magtatanong sa kanya. "Kasi, mabait siya," sagot niya dito. "Mabait din naman ako ah," sagot sa kanya ni Ram, "saka mas bata ako sa kanya at sariwa." "Ram!" tinig iyon ni Ludwig, "ano ka, karne? saka mahiya ka naman, hipag mo si Estella! ate mo siya!" "ANong hipag? kasal na ba kayo? malay ko bang iisa ang tipo natin sa babae," ngumuya pa si Ram. "Okay ah, maayos ka ng sumagot ngayon. Samantalang hindi ka naman makabasag pinggan," nangunot ang noo ni Ludwig sa kapatid, "ano yan? sinasapian ka ni Boy Abunda?" "Depende, kapag may nakita akong alam ko ay para sa akin, hindi ko hinihintay na dumating siya, lalo na kung pwede ko naman siyan
Napatingin siya kay Ram. Hindi naman ito ganito noong una niyangdatnan sa opisina 3 months ago. Bigla na lang itong nagpakita ng interes sa kanya ngan.. "Nangako na ako sa sarili ko, na hindi na ako magpapalamang. Kung kaya kong agawin, gagawin ko," sagot ni Ram. Napatda siya sa sinabi ng kanyang bayaw , "anong ibig mong sabihin?" "Hindi kita ipalalamang sa kanya, pangako yan.." saka ito tuluyang lumayo sa kanya. Hinabol na lang niya ito ng tingin. Masyado palang possessive si Ram. Napailing na lang siya. Ramdam niya na nakatingin ito sa kanya at pinagnmamasdan ang bawat niyang kilos. Naiilang siya sa ginagawa ng lalaki. Parang kinikilabutan siya sa paraan ng pagtingin nito sa kanya. Tiningnan niya ito ng masama saka inirapan.. Napansin ito ng isa nitong katabi at agad na lumapit sa kanya. "Estella, galit ka ba sakin?" tanong ni Irene. "Huh? bakit naman ako magagalit sayo, " nginitian niya ito. "Kanina mo pa kasi ako iniirap irapan eh," sabi nito. "Naku Irene, hindi
"Ano itong nababalitaan kong may babae ka daw kinakalantare sa opisina niyo, Ludwig?" umuwi sa na siya ng bahay upang ipaalam dito sa kanyang mommy ang tungkol kay Estella, subalit may makating dila na pala ang naunang magtsismis sa kanya. "Sino namang nagtsismis sa inyo niyan?' tanong niya dito. Hindi muna siya sumagot, dahil alam niyang magmimisa ang kanyang mommy ng pagkahaba haba kung saka sakali. "Ang tanong ko ang sagutin mo, Ludwig, meron ba?" ibinuka pa nito ang hawak abaniko saka nagpaypay. "Ano naman kung meron? nasa tamang edad na naman ako, wala namang masama dahil binata ako," naupo siya sa sofa at pinanood na lang niya ang ina na magpalakad lakad sa kabuuan niyon. "Anong meron? mayaman ba yan? kilala ba? baka mamaya, ubusin lang niya ang yaman natin!" ainghal nito sa kanya. "Mabait siya ,ma. May unawaan na kaming dalawa. Hindi ako makakapayag na pigilan niyo ako ngayon. Pumalpak na nga kayo kay Raquel, tapos kung kani kanino niyo na naman ako nais ireto?" walan
"Anong nangyayari dito?" tanong nito habang nakatingin sa kanilang dalawa. "Nanlibre ng kape si Ram, gusto mo?" alok niya dito, "masarap pala tong flavor na to ng kape." "Tapos na ang breaktime, magtrabaho na kayo!" utos nito sa kanila. Agad siyang napatingin sa kanyang asawa. "Nagtataas kayo sir ng boss?" tanong niya dito. Pati mga kasamahan nila doon ay napatingin din sa kanila, "bakit sir?" Waring napahiya naman ito. Nagulat din sa ginawa. Huminga muna ito ng malalim saka siya tiningnan. "Pasensiya na. Pasensiya na kayong lahat," tumalikod na si Ludwig sa kanila diretso labas sa pinto. "Saglit lang, kakausapin ko lang siya," paalam ni Ram sa kanya, saka nagmamadali ding lumabas ng kanilang opisina. Malalaki ang hakbang ni Luswig paalis ng lugar na iyon. Nadala pa niya doon ang sama ng loob sa ina. Nakakahiya sa mga nakakita sa kanya. Baka isipin ng mga ito na tinotoyo siya. "Ludwig! Ludwig!" malakas ang boses na tawag sa kanya ni Ram. Kaagad siyang huminto, "Bakit
Wala pa si Ludwig sa kanilang bahay. Nagiguilty siya, na hindi niya man lang ito pinakinggan. Pakiramdam tuloy niya ay wala siyang kwentang asawa. Nakita niya lang sa CCTV na si Ram ang nauna. Kahit pa galit ang kanyang asawa, si Ram ang unang sumugod. Hindi na lang nagsalita si Ram at humingi agad ng tawad. Ngunit siya, bilang asawa, hindi man lang niya napanindigan na manatili sa tabi ng asawa, bagkus, siya pa ang namimilit dito na humingi ng tawad kahit hindi naman dapat. Nagluto siya agad ng hapunan. Alam niya na nagkamali siya. Kailangang makabawi siya kay Ludwig. Nakakahiya ang kanyang ginawa. IPinagluto niya ito ng paborito nitong sinigang na hipon. Madali itong lambingin, subalit alam niyang sumama ang loob nito. Patapos na siyang magluto, ng bumukas ang pinto. Natigilan pa siya saglit. Pinakulo lang niya ang hipon, saka pinatay na ang apoy. Humarap siya dito. Nasa may pinto lang ito. Naluha siya ng makita itong may dalang bulaklak. Hindi na siya nakakilos. Ngumiti
"Ho--hoy Estella, umayos ka nga!" singhal sa kanya ni Rosa, "nababaliw ka na ba? anong hindi mo kami kilala? ayusin mo yang mga sinasabi mo!" "Nasisiraan na talaga ng bait ang babaeng iyan! halika nga dito!" hihilahin sana siya ni Luna, subalit mabilis na natapik ni Ludwig ang kamay nito. "Hoy, mga baliw! tantanan niyo nga ang asawa ko! wala akong paki kung sino man kayong dalawa. Baka ipakulong ko pa kayo!" inis na sabi ni Ludwig sa mga ito, "umalis na kayo bago ko pa kayo ipakulong!" "Ipakulong daw oh?" nagkatawanan pa ang magkapatid, "Luna, ipakita mo nga sa impaktong lalaking ito ang katibayan na kapatid natin siya!" Nagmamadaling kinuha ni Luna ang cellphone, at hinanap ang kanilang mga pictures, "ito oh!" Nangunot ang noo ni Ludwig ng makita iyon, "oh? tapos?" "Anong tapos? ayan na nga oh, ipinakita na namin sayo ang katibayan! kaya dapat lang na iuwi na namin siya!" mayabang na sabi ni Luna kay Ludwig. "Hindi na bata si Estella, kaya wala na kayong pakialam sa buh
"A-anong ibig niyang sabihin?" tanong niya sa asawa habang pinapanood nila ang paglayo ni Ram. Parang may laman ang mga binitawang salita nito, na para sa kanya ay labis na nakakabahala."Wala yun, hayaan mo na lang si Ram, halika dun," inakbayan na siya ng kanyang asawa patungo sa maternity section. Ang kanyang mga mata ay habol pa rin kung saan dumaan si Ram. "Wag mo na siyang pansinin, baka may pinagdadaanan lang talaga siya.""O-oo nga, baka nga," sumama na lang siya kay Ludwig patungo sa gusto nitong puntahan.Nakita ng kanyang asawa ang isang kulay pink na maternity dress. Maganda talaga iyon. May Ruffles sa laylayan at puff ang mga manggas."Honey, maganda ito, gusto mo ba?" tanong nito sa kanya, "isukat mo kaya..""Oo nga no, ang ganda.. ikaw ha, may taste ka sa mga dresses, bakit kaya?" biro niya dito, "siguro noong una mong buhay, babae ka?""Alam mo te, feel ko rin yan," at nag inarte pa itong bakla, "palagay mo te? dati kaya akong babae? oh, baka bagay sa akin ito."Natawa
Naglalakad si Rhodora, ang kanyang madrasta, papalapit sa kanila ni Ludwig. Animo isa itong miyembro ng alta sosyalidad! Kasunod nito ang kanyang mga anak na parang mga anak ng pato na pakendeng kendeng paglapit sa kanila. "At totoo pala ang nalaman ko, na ibinalita sa akin ng aking mga anak, na naririto ka pala talaga!" lumapit ito sa kanila na nanlalaki ang butas ng ilong. "Halika na, Estella, uuwi na tayo!" hinawakan na naman siya nito sa braso gaya ng ginawa ng kanyang mga kapatid kanina. "Ayoko nga hong sumama sa inyo," nagpipiksi siya sa pagkakahawak nito. "Teka lang, sino ba kayo?" tumayo si Ludwig upang komprontahin ang mga ito, "bakit nanggugulo kayo dito?" "Anak ko yan, at iuuwi ko na siya! ikakasal na yan, lumayas lang. Konting hindi pagkakaunawaan, nag alas balutan agad!" pagdadrama ng kanyang tita Rhodora, "maigi at nakita siya ng mga kapatid niya dito!" "Hindi totoo yan! hindi kayo ang mama ko. Kung itinuturing niyo talaga akong anak, bakit ipinipilit ninyong i
Sobrang lungkot si Ram. Kung ano ano ang sumasagi sa kanyang isipan. Simula bayan, lalakarin lang niya hanggang bahay, para makapag isip siya ng tama. Iba pala talaga kapag nagmahal ang puso. Ang tama sa kanya ay sobra sobra. Sari sari ang pumapasok sa kanyang isipan, marahil, isinama na ni Ludwig sina Estella. Wala na siyang habol doon. Legal na asawa yun. Habang naglalakad si Ram, ang bigat sa kanyang dibdib ay lalong bumibigat sa bawat hakbang. Hindi na niya mabilang kung ilang oras na siyang naglalakad, parang wala na siyang pakialam kung gaano kalayo ang mararating niya. Pakiramdam niya ay wala nang halaga ang oras o direksyon—lahat ay mistulang nawalan ng saysay mula nang mawala sa kanya si Estella at ang mga anak nila. Ang tahimik na gabi ay parang sumasalamin sa kanyang kalungkutan. Ang mga ilaw ng poste ay nagbibigay ng malabong liwanag, habang ang mga dahon ng puno ay sumasayaw sa hangin na tila binubulong sa kanya ang mga alaala ng mga masasayang araw kasama si Est
"Ayoko ng makarinig ng kasinungalingang mo, Raquel.." malumanay na sabi ni Ludwig kay Raquel, "tama na.. mamamatay ka na, sinungaling ka pa." "Totoo ang sinasabi ko, Ludwig, "sagot ni Raquel, "maniwala ka naman sakin, please naman.." Ang kanyang mga luha ay patuloy na umagos, dahil sa takot na maaaring gawin ni Ludwig sa kanilang dalawa. Ang labis na pagpapatakbo nito ng mabilis at ang granadang hawak nito ang nagbibigay pangamba lalo sa kanya. "Pinaghiwalay niyo kami ng asawa ko, ngayon, muntik mo na akong ipapatay. Ganyan ka ba magmahal, Raquel?" naningkit ang luhaang mata ni Ludwig. "Ako naman ang nauna, Ludwig, ako.. Hindi si Estella.. Kahit pinalabas naming patay na siya, parang wala pa rin sa akin ang puso mo. Gaano ako katagal maghihintay upang mahalin mo ulit?" "Mabuting tao si Estella, Raquel," napapailing si Ludwig, "hindi mo siya kayang pantayan." Parang kutsilyo na tumusok sa kanya ang sinabing mga salita ni Ludwig. Labis siyang nasasaktan at hindi makapaniwala
"Uuwi na pala kami, Ludwig.." paalam ni Estella sa lalaki. "Maraming salamat, at nakilala ko ang aking mga anak.. Salamat sayo, at kay Ram sa pagpapalaki sa mga bata na maayos at mabuti." malungkot ang mga ngiti ni Ludwig sa kanya. "Maaari mo naman silang dalawin kung nais mo," nakangiting sabi ni Estella dito. "Okay na ko.. salamat, salamat sa inyo, mga anak!" niyakap ng mahigpit ni Ludwig ang mga bata, "salamat sa inyo at pinagbigyan niyo si daddy.." "Opo, daddy, ingat po kayo," sagot ni Calvin. "Bye po daddy," sabi naman ni Caleb. "Estella.." niyakap siya ng lalaki, "ikaw pa rin ang pinakamamahal ko hanggang sa huli.. alagaan mo ang sarili mo at ang mga bata.. maging masaya sana kayo ni Ram.." Hindi nila akala, na iyon na pala talaga ang huling pagkakita nila.. "UUWI na tayo?" tanong ni Raquel kay Ludwig. Masayang masaya ito. "Oo, uuwi na tayo," nakangiting sagot naman niya dito. Naninibago man, masayang sumama si Raquel sa kanya. Hindi alam ng babae, kung ano a
Nakatayo si Ram sa malayo, nakatutok ang tingin sa masayang eksena sa playground. Ang mga bata ay tumatakbo sa paligid, naglalaro at nagtatawanan, habang si Estella at Ludwig ay nag-uusap na tila ang lahat ay maayos na muli. Saksi siya sa pagbuo ng isang mundo na gusto niyang maging bahagi, ngunit sa kabila ng mga ngiti at tawanan, naramdaman niya ang matinding sakit sa kanyang puso. "Ngunit paano naman ako?" tanong niya sa sarili habang pinapahid ang pawis sa kanyang noo. Alam niyang mahalaga si Estella kay Ludwig, at wala siyang magagawa kundi ang manood sa malayo habang unti-unting bumabalik ang kanilang koneksyon. Ang mga alaala ng kanilang mga sandaling magkasama ay bumalik sa kanyang isip. Ang mga tawanan, mga pangarap na pinagsaluhan, at ang mga tamang desisyon na nagdala sa kanila sa isang bagong simula. Pero ngayon, tila naiiwan siya sa dilim habang ang kanyang puso ay naglalaban sa pagseselos at pag-asa. “Bakit hindi ko sila matanggap?” tanong niya sa sarili, kasabay ng p
Habang papasok sina Estella at ang mga bata sa restaurant, ramdam ni Ram ang bigat ng kanyang puso. Lahat ng nangyayari ay tila naglalaro sa kanyang isipan—ang takot na mawalay kay Estella, ang pag-aalala para sa mga bata, at ang pangambang baka hindi sila maging maayos ng kanilang ama. Nang makapasok, nakita ni Estella si Ludwig na nakaupo sa isang sulok, tahimik na nag-aantay. Ang kanyang hitsura ay puno ng pagka-abalang nag-aalala. Nagkatinginan sila, at sa loob ng isang segundo, parang nagkaroon ng diyalogo sa kanilang mga mata—mga tanong, mga alaala, at mga damdaming hindi pa natatapos. “Ludwig,” mahinang tawag ni Estella habang papalapit sila. “Nandito na kami.” “Salamat na nagpunta kayo,” sagot ni Ludwig, masiglang tumayo at sinimangutan ang mga bata. “Sila ba ang mga anak ko?” Tanong nito na puno ng pag-asa. “Oo, sila nga,” sagot ni Estella, nakatingin sa kanyang mga anak na tahimik na nagmamasid kay Ludwig. “Sila si Caleb at Calvin.” “Hello, kids!” bati ni Ludwig, su
Mabigat ang kanyang mga paa, ng dumating kina Estella. Wala noon ang mga bata dahil nasa paaralan. Bandang alas diyes pa lang noon.Akala niya, naroon si Estella, ngunit wala. Lumabas na siya ng bahay nito, at tinungo ang kanyang bahay. Pagbukas niya ng pinto, biglang may bumagsak sa kanyang kwarto.'Magnanakaw!" sa loob loob niya.Dahan dahan siyang umakyat ng hagdanan, saka mabilis niyang sinipat ang pinto.Nagulat siya kung sino ang naroroon, isang babaeng naka night gown. Kitang kita ang kabuuan ng katawan nito sa manipis na kasuotan. Wala itong panloob.Ang kanyang laway ay agad niyang nalunok. Hindi siya makapaniwala. Dahan dahan itong lumapit sa kanya.Hinawakan ni Estella ang kanyang mga kamay, at inilagay sa suso nito, "please.. ayokong ganito tayo.." saka siya hinalikan ni Estella sa labi.Binuhat niya ito, patungo sa pasimano ng bintana. Iniupo ni Ram si Estella doon, at hinubad ang night gown na suot nito.Agad siyang sumuso sa malalambot nitong dibdib, Habang unti unting
"Maaari ko bang makita ang mga anak ko?" tanong ni Ludwig kay Ram, "gusto ko lang silang makilala ng personal." "Susubukan kong tanungin si Estella kung nais niya,' sagot ni Ram, " wala ako sa posisyon para magdisisyon. Lalakarin na ba natin ang pagpafile ng kaso?" "Wag na!" maagap na sagot ni Raquel. Nangunot ang kanilang mga noo, ng marinig ang boses ni Raquel. "Bakit naman?" tanong niya dito, "kailangang managot ang mga nanakit sa aking kapatid!" "I--ibig kong sabihin, hindi na kailangan. Ayaw ko ng gulo. Uuwi na lang kami ng Maynila. Maayos na naman si Ludwig, makakapagmaneho na siya." "Hayaan mo Raquel, wag na nga tayong magfile ng kaso," nakangiti si Ludwig, subalit malungkot ang kanyang mga mata.Napansin ni Ram ang biglaang pag-aalangan ni Raquel. Hindi ito ang inaasahan niyang reaksyon mula sa isang taong nakakita ng kanyang kapatid na binugbog ng mga hindi kilalang tao. Alam niyang may mali, ngunit hindi niya alam kung ano ang motibo ni Raquel."Bakit bigla mong guston
Nakabalik na si Ram kina Estella. Nag aalala ang mukha nito. "Kumusta na si Ludwig? Hindi ba siya masyadong nasaktan? Nahuli ba ang gumawa?" Sunod sunod na tanong ni Estella kay Ram, "naipablotter na ba? Na x-ray na ba siya? CT scan?" Tinitigan ni Ram si Estella. Ang kanyang mata ay napuno ng selos. Lalo pa at halata ang pag aalala ni Estella kay Ludwig. Si Ram ay tahimik na nakatayo sa harap ni Estella, pinagmamasdan ang bawat kilos at reaksyon nito. Ang kanyang mga mata ay nagdilim sa dami ng mga tanong ni Estella tungkol kay Ludwig—halatang malalim pa rin ang nararamdaman nito para sa lalaking minsan niyang minahal. "Estella," malamig na sabi ni Ram, pilit pinipigilan ang selos na lumalagablab sa kanyang dibdib. "Ligtas na si Ludwig. Hindi siya seryosong nasaktan." Nakahinga nang maluwag si Estella, ngunit agad ding bumalik ang pag-aalala. "Sigurado ka? Kailangan nating malaman kung sino ang nasa likod ng nangyari sa kanya. Hindi pwedeng basta-basta na lang iyon. Paano kung m
Nagising si Ludwig na masama.amg pakiramdam ng katawan. Umiikot ang kanyang paningin. Habang tinitingnan ang puting liwanag na nasa kisame, binabalikan niya ang alaala kung bakit siya naroroon. Marahil, ospital iyon. Dahan dahan niyang ibiniling ang kanyang ulo. Naroon ang kanyang ina, sa kabilang kama naman, ay naroon si Raquel. "Anak!" bungad sa kanya ng kanyang ina, "kumusta ka na? may masakit ba sayo? tatawag ako ng doctor.." nagmamadali itong tumayo, subalit nahawakan niya ito, "Ba-bakit anak?" "Nasaan ako?" tanong niya. Napatingin sila sa pinto, at iniluwa nito si Ram. Nang pumasok si Ram, agad na bumigat ang hangin sa silid. Ang mga mata ni Ludwig ay nagtama sa kay Ram, puno ng tanong at tensyon. Si Raquel, na nakaupo sa tabi, biglang sumimangot, ngunit hindi makatingin nang direkta kay Ram. Alam niyang siya ang dahilan kung bakit nangyari ang lahat ng ito—ang lahat ng gulo, ang kalituhan, at ang pananakit kay Ludwig. “Ludwig, mabuti at gising ka na,” malamig na bung