Naglalakad si Rhodora, ang kanyang madrasta, papalapit sa kanila ni Ludwig. Animo isa itong miyembro ng alta sosyalidad! Kasunod nito ang kanyang mga anak na parang mga anak ng pato na pakendeng kendeng paglapit sa kanila. "At totoo pala ang nalaman ko, na ibinalita sa akin ng aking mga anak, na naririto ka pala talaga!" lumapit ito sa kanila na nanlalaki ang butas ng ilong. "Halika na, Estella, uuwi na tayo!" hinawakan na naman siya nito sa braso gaya ng ginawa ng kanyang mga kapatid kanina. "Ayoko nga hong sumama sa inyo," nagpipiksi siya sa pagkakahawak nito. "Teka lang, sino ba kayo?" tumayo si Ludwig upang komprontahin ang mga ito, "bakit nanggugulo kayo dito?" "Anak ko yan, at iuuwi ko na siya! ikakasal na yan, lumayas lang. Konting hindi pagkakaunawaan, nag alas balutan agad!" pagdadrama ng kanyang tita Rhodora, "maigi at nakita siya ng mga kapatid niya dito!" "Hindi totoo yan! hindi kayo ang mama ko. Kung itinuturing niyo talaga akong anak, bakit ipinipilit ninyong i
Nakikipagkwentuhan siya sa kanyang mga kasamahan, ng lumapit si Ram. Nagkakayayaang mamasyal sina Irene, inaaya siya ng mga ito. "Susubukan ko," tanging naisagot niya. Ayaw naman niyang basta pumayag, tapos hindi siya papayagan ng asawa niya. "Baka may nagbabawal, kaya hindi na siya magkasama," si Ram iyon na namulsa pa sa kanilang harapan. "May boyfriend na ata si Estella na hindi namin nakikilala ah," nakangiting biro sa kanya ni Irene, "meron na ba?" "Tinatanong ka nila, Estella, meron na ba?" naghihintay din si Ram. Gusto niya itong buhusan ng kape, subalit nanaig pa rin sa kanya ang pagiging makatao niya. May utang na loob din naman siya dito kahit papaano. "Bakit ka na naman naririto?" inis niyang asik dito, "usapan ng mga babae ito, nakikisali ka na naman.." "Bakit? gusto kong sumama sa gala niyo, bawal ba?" sagot nito sa kanya. Nasa mood ata Mang asar ang lalaking ito ngayon. 'Lalo akong hindi sasama, kung kasama ka," pinandilatan niya ito. Kung kaya lang magka l
Hindi siya makapag react sa sinabi ni Ram. Parang bawat salita na lumalabas mula sa bibig nito ay may kasamang kutsilyo na patuloy na gumigilit sa puso nito. Masakit siguro ang naging childhood ni Ram, kaya ganoon na lang ang naging reaction nito sa sinabi ni Ludwig. Hindi niya rin magnets kung ano ang ibig sabihin nito ng itinatatwa. Nababanaag ko sa mukha ng aking asawa ang awang nararamdaman para sa kapatid. Marahil ay alam nito ang kwento ng buhay ni Ram. "Alam ko kung ano ang nararamdaman mo, ngunit hindi naman natin kasalanan iyon, kasalanan yan ng ating ina. Kahit ako, hindi makapaniwala na makakaya niyang lokohin ang tatay ko," malungkot na sabi ni Ludwig kay Ram. "Alam ko," sagot nito, "kaya ramdam ko si Estella, kung paanong hindi mo siya mailabas kasi kailangan mo pa siyang itago at pangalagaan. In short, kailangan mo syang itanggi." "Noong malaman ko, na anak ako sa labas, nagalit ako, dahil hindi ko ninais maging anak ng isang kabit, ngunit kailangan ko na lang
"Ang totoo guys, I'm already taken," nakangiting sabi ni Ludwig sa kanyang mga empleyado. Nagkagulo ang mga ito at kaagad na umugong ang bulungan ng mga ito. Si Estella naman ay hindi nakapagsalita sa biglang pag amin ng lalaki. "Kilala ba namin siya sir?" "Taga saan siya?" "Katrabaho ba namin?" Nangungulit ang mga ito ng kasagutan, ngunit walang Plano si Ludwig na sagutin iyon, "hanggang doon na lang muna ang clue, sekreto na lang muna ang iba pang detalye. Malalaman niyo rin naman kung sino siya, sa takdang panahon." 'Naku si sir, binibitin tayo!" "Oo nga, grabe siya!" Natatawa siya sa wild reaction ng kanyang mga empleyado. Ang lahat ay nag iisip kung sino ang girlfriend niya. Ayaw naman niyang titigan ang asawa dahil baka makahalata ang mga ito. "Kumain na kayo, at least, ngayon alam niyo na, kung ano ang pinaghuhugutan ng aking saya," sabi pa niya sa mga ito. Naging masaya ang kanilang pagsasalo hanggang makatapos sila ng tanghalian. Tumunog ang cellphone ni Ludwig. "S
Tahimik lang siya sa sasakyan, habang nasa kahabaan siya ng biyahe. Magkatabi sila sa backseat ng kanyang asawa, at hindi sila nakikita ng kanilang driver. 'Kanina pa ata tahimik ang misis ko,"tanong nito sa kanya, "bakit kaya?" 'Sino si Raquel?" hindi na siya nakatiis kaya tinanong na niya ito. "Si Raquel? paano naman siya napasok sa usapang ito?" bahagya pang napakunot ang noo nito sa kanyang tanong, "wag mong sabihing nagseselos ka?" "Hindi no!" inirapan noya ang kanyang asawa, "may nakapagsabi lang sa akin na siya ang pinakamamahal mo." "Siya nga.. noon..pero ngayon, siyempre, ikaw na, kayo ng mga magiging anak natin ang pinakamamahal ko." hinila siya palapit ng kanyang asawa saka hinalikan sa noo. "Paano kapag- kapag bumalik siya?" humilig siya sa balikat ng kanyang asawa. Natatakot siya, na baka iwanan siya nito kapag nagkataon. Na baka pilitin nitong bumalik kay Raquel.. paano sila ng mga anak niya? "Wag kang mag alala, tapos na ang kwento namin ni Raquel. Kung s
Ramdam ni Ludwig ang tense sa pagitan nilang mag asawa. Hindi nagsasalita si Estella habang sila ay kumakain. Halos ayaw na ring inangat ng kanyang asawa ang mukha nito buhat sa pagkakayuko. Iniisip niya kung paano ikukwento dito ang naging nakaraan nila ni Raquel. Baka isipin ni Estella, na Mang aagaw siya. "Si Raquel, ay kababata ni Ram..' bungad ko sa aming usapan na ikinaangat ng kanyang paningin, "sila ang nauna, bago kami." Nakatingin lang sa kanya ang asawa, na parang naghihintay ng kanyang ikukwento pa. "Magkaibigan silang dalawa. Tandang tanda ko pa, kung paano kami nagkakilala ni Raquel, at iyon ng ay dahil kay Ram. Sabi naman ni Raquel sa akin noon, ay wala silang relasyon ng aking kapatid, ni hindi nga daw siya nililigawan ni Ram. Kaya umeksena ako. Gustong gusto ko si Raquel.. noon.. mabait siya at malambing, isa pa, ubod naman talaga siya ng ganda. Nang sagutin niya ako, noon ko lang nalaman na mahal pala siya ni Ram. Nais ko sanang magparaya, subalit naibigay
Tumaas siya, upang sagutin ito. Ayaw naman niyang maabala ang pagtulog ng kanyang asawa. Mahirap para dito ang maghanap ng tulog lalo na at buntis ito. "Hello? sino ito?" tanong niya sa tumawag matapos niya itong sagutin. "Baby, please, mag usap naman tayo," tinig iyon ni Raquel. "What for? ano pa bang kailangan mo?" mahina ang kanyang boses. "Please baby, don't do this to me! ilang buwan lang akong nawala, tapos sasabihin mo sakin, may asawa ka na? alam kong ginawa mo lang rebound ang asawa mo, dahil iniwan kita. But, I'm back! ako na ulit ito.. please, let's fix everything.." umiiyak ito. Halata niya sa tinig ni Raquel na umiinom ito. "Are you drunk?" tanong niya sa babae. "Yeah.. just a few.. come and see me.. please.. I need you right now." "Hindi ako maaaring umalis. Gabi na!" may diin sa kanyang tinig na sagot dito. "Hahayaan mo lang ba ako, Ludwig? hahayaan mo na lang ako mapahamak? paano na kung may mga lalaking magtangka sa akin? kakayanin ba iyon ng kunsensiya mo?" t
Kinapa niya ang kanyang katabi, nangunot ang kanyang noo, at nakapikit na kinapa kapa ito, wala ang asawa niya doon. Napabalikwas siya ng bangon. Mukhang hindi natulog ang kanyang asawa doon, dahil malamig ang unang nito. Tumayo siya at hinanap ang kanyang robe. Lumabas siya ng tuluyan mula sa kanilang silid. Madilim ang kabahayan, ibig sabihin, wala doon ang kanyang asawa. Pagsipsip niya sa bintana, wala din ang sasakyan nito. Napasilip siya sa orasan, alas tres pa lang ng umaga. "Nasaan siya?" bumalik siya sa kanilang kwarto, at kinuha ang kanyang cellphone. Sinubukan niyang tawagan ang asawa, ngunit nakaratay ang cellphone nito. Ayaw naman niyang tawagan ang mga kaibigan ni Ludwig at maalarma lamang ang mga ito. Baka mamaya, kung ano pa ang isipin ng mga ito. Bumalik na lang siya sa kanyang pagkakahiga, at hindi namalayan, na nakatulog na ulit siya. Nagising siya, bandang alas sais, at gaya kanina, wala pa rin ang kanyang asawa doon. Sinubukan na ulit niya itong tawagan,
Sobrang lungkot si Ram. Kung ano ano ang sumasagi sa kanyang isipan. Simula bayan, lalakarin lang niya hanggang bahay, para makapag isip siya ng tama. Iba pala talaga kapag nagmahal ang puso. Ang tama sa kanya ay sobra sobra. Sari sari ang pumapasok sa kanyang isipan, marahil, isinama na ni Ludwig sina Estella. Wala na siyang habol doon. Legal na asawa yun. Habang naglalakad si Ram, ang bigat sa kanyang dibdib ay lalong bumibigat sa bawat hakbang. Hindi na niya mabilang kung ilang oras na siyang naglalakad, parang wala na siyang pakialam kung gaano kalayo ang mararating niya. Pakiramdam niya ay wala nang halaga ang oras o direksyon—lahat ay mistulang nawalan ng saysay mula nang mawala sa kanya si Estella at ang mga anak nila. Ang tahimik na gabi ay parang sumasalamin sa kanyang kalungkutan. Ang mga ilaw ng poste ay nagbibigay ng malabong liwanag, habang ang mga dahon ng puno ay sumasayaw sa hangin na tila binubulong sa kanya ang mga alaala ng mga masasayang araw kasama si Est
"Ayoko ng makarinig ng kasinungalingang mo, Raquel.." malumanay na sabi ni Ludwig kay Raquel, "tama na.. mamamatay ka na, sinungaling ka pa." "Totoo ang sinasabi ko, Ludwig, "sagot ni Raquel, "maniwala ka naman sakin, please naman.." Ang kanyang mga luha ay patuloy na umagos, dahil sa takot na maaaring gawin ni Ludwig sa kanilang dalawa. Ang labis na pagpapatakbo nito ng mabilis at ang granadang hawak nito ang nagbibigay pangamba lalo sa kanya. "Pinaghiwalay niyo kami ng asawa ko, ngayon, muntik mo na akong ipapatay. Ganyan ka ba magmahal, Raquel?" naningkit ang luhaang mata ni Ludwig. "Ako naman ang nauna, Ludwig, ako.. Hindi si Estella.. Kahit pinalabas naming patay na siya, parang wala pa rin sa akin ang puso mo. Gaano ako katagal maghihintay upang mahalin mo ulit?" "Mabuting tao si Estella, Raquel," napapailing si Ludwig, "hindi mo siya kayang pantayan." Parang kutsilyo na tumusok sa kanya ang sinabing mga salita ni Ludwig. Labis siyang nasasaktan at hindi makapaniwala
"Uuwi na pala kami, Ludwig.." paalam ni Estella sa lalaki. "Maraming salamat, at nakilala ko ang aking mga anak.. Salamat sayo, at kay Ram sa pagpapalaki sa mga bata na maayos at mabuti." malungkot ang mga ngiti ni Ludwig sa kanya. "Maaari mo naman silang dalawin kung nais mo," nakangiting sabi ni Estella dito. "Okay na ko.. salamat, salamat sa inyo, mga anak!" niyakap ng mahigpit ni Ludwig ang mga bata, "salamat sa inyo at pinagbigyan niyo si daddy.." "Opo, daddy, ingat po kayo," sagot ni Calvin. "Bye po daddy," sabi naman ni Caleb. "Estella.." niyakap siya ng lalaki, "ikaw pa rin ang pinakamamahal ko hanggang sa huli.. alagaan mo ang sarili mo at ang mga bata.. maging masaya sana kayo ni Ram.." Hindi nila akala, na iyon na pala talaga ang huling pagkakita nila.. "UUWI na tayo?" tanong ni Raquel kay Ludwig. Masayang masaya ito. "Oo, uuwi na tayo," nakangiting sagot naman niya dito. Naninibago man, masayang sumama si Raquel sa kanya. Hindi alam ng babae, kung ano a
Nakatayo si Ram sa malayo, nakatutok ang tingin sa masayang eksena sa playground. Ang mga bata ay tumatakbo sa paligid, naglalaro at nagtatawanan, habang si Estella at Ludwig ay nag-uusap na tila ang lahat ay maayos na muli. Saksi siya sa pagbuo ng isang mundo na gusto niyang maging bahagi, ngunit sa kabila ng mga ngiti at tawanan, naramdaman niya ang matinding sakit sa kanyang puso. "Ngunit paano naman ako?" tanong niya sa sarili habang pinapahid ang pawis sa kanyang noo. Alam niyang mahalaga si Estella kay Ludwig, at wala siyang magagawa kundi ang manood sa malayo habang unti-unting bumabalik ang kanilang koneksyon. Ang mga alaala ng kanilang mga sandaling magkasama ay bumalik sa kanyang isip. Ang mga tawanan, mga pangarap na pinagsaluhan, at ang mga tamang desisyon na nagdala sa kanila sa isang bagong simula. Pero ngayon, tila naiiwan siya sa dilim habang ang kanyang puso ay naglalaban sa pagseselos at pag-asa. “Bakit hindi ko sila matanggap?” tanong niya sa sarili, kasabay ng p
Habang papasok sina Estella at ang mga bata sa restaurant, ramdam ni Ram ang bigat ng kanyang puso. Lahat ng nangyayari ay tila naglalaro sa kanyang isipan—ang takot na mawalay kay Estella, ang pag-aalala para sa mga bata, at ang pangambang baka hindi sila maging maayos ng kanilang ama. Nang makapasok, nakita ni Estella si Ludwig na nakaupo sa isang sulok, tahimik na nag-aantay. Ang kanyang hitsura ay puno ng pagka-abalang nag-aalala. Nagkatinginan sila, at sa loob ng isang segundo, parang nagkaroon ng diyalogo sa kanilang mga mata—mga tanong, mga alaala, at mga damdaming hindi pa natatapos. “Ludwig,” mahinang tawag ni Estella habang papalapit sila. “Nandito na kami.” “Salamat na nagpunta kayo,” sagot ni Ludwig, masiglang tumayo at sinimangutan ang mga bata. “Sila ba ang mga anak ko?” Tanong nito na puno ng pag-asa. “Oo, sila nga,” sagot ni Estella, nakatingin sa kanyang mga anak na tahimik na nagmamasid kay Ludwig. “Sila si Caleb at Calvin.” “Hello, kids!” bati ni Ludwig, su
Mabigat ang kanyang mga paa, ng dumating kina Estella. Wala noon ang mga bata dahil nasa paaralan. Bandang alas diyes pa lang noon.Akala niya, naroon si Estella, ngunit wala. Lumabas na siya ng bahay nito, at tinungo ang kanyang bahay. Pagbukas niya ng pinto, biglang may bumagsak sa kanyang kwarto.'Magnanakaw!" sa loob loob niya.Dahan dahan siyang umakyat ng hagdanan, saka mabilis niyang sinipat ang pinto.Nagulat siya kung sino ang naroroon, isang babaeng naka night gown. Kitang kita ang kabuuan ng katawan nito sa manipis na kasuotan. Wala itong panloob.Ang kanyang laway ay agad niyang nalunok. Hindi siya makapaniwala. Dahan dahan itong lumapit sa kanya.Hinawakan ni Estella ang kanyang mga kamay, at inilagay sa suso nito, "please.. ayokong ganito tayo.." saka siya hinalikan ni Estella sa labi.Binuhat niya ito, patungo sa pasimano ng bintana. Iniupo ni Ram si Estella doon, at hinubad ang night gown na suot nito.Agad siyang sumuso sa malalambot nitong dibdib, Habang unti unting
"Maaari ko bang makita ang mga anak ko?" tanong ni Ludwig kay Ram, "gusto ko lang silang makilala ng personal." "Susubukan kong tanungin si Estella kung nais niya,' sagot ni Ram, " wala ako sa posisyon para magdisisyon. Lalakarin na ba natin ang pagpafile ng kaso?" "Wag na!" maagap na sagot ni Raquel. Nangunot ang kanilang mga noo, ng marinig ang boses ni Raquel. "Bakit naman?" tanong niya dito, "kailangang managot ang mga nanakit sa aking kapatid!" "I--ibig kong sabihin, hindi na kailangan. Ayaw ko ng gulo. Uuwi na lang kami ng Maynila. Maayos na naman si Ludwig, makakapagmaneho na siya." "Hayaan mo Raquel, wag na nga tayong magfile ng kaso," nakangiti si Ludwig, subalit malungkot ang kanyang mga mata.Napansin ni Ram ang biglaang pag-aalangan ni Raquel. Hindi ito ang inaasahan niyang reaksyon mula sa isang taong nakakita ng kanyang kapatid na binugbog ng mga hindi kilalang tao. Alam niyang may mali, ngunit hindi niya alam kung ano ang motibo ni Raquel."Bakit bigla mong guston
Nakabalik na si Ram kina Estella. Nag aalala ang mukha nito. "Kumusta na si Ludwig? Hindi ba siya masyadong nasaktan? Nahuli ba ang gumawa?" Sunod sunod na tanong ni Estella kay Ram, "naipablotter na ba? Na x-ray na ba siya? CT scan?" Tinitigan ni Ram si Estella. Ang kanyang mata ay napuno ng selos. Lalo pa at halata ang pag aalala ni Estella kay Ludwig. Si Ram ay tahimik na nakatayo sa harap ni Estella, pinagmamasdan ang bawat kilos at reaksyon nito. Ang kanyang mga mata ay nagdilim sa dami ng mga tanong ni Estella tungkol kay Ludwig—halatang malalim pa rin ang nararamdaman nito para sa lalaking minsan niyang minahal. "Estella," malamig na sabi ni Ram, pilit pinipigilan ang selos na lumalagablab sa kanyang dibdib. "Ligtas na si Ludwig. Hindi siya seryosong nasaktan." Nakahinga nang maluwag si Estella, ngunit agad ding bumalik ang pag-aalala. "Sigurado ka? Kailangan nating malaman kung sino ang nasa likod ng nangyari sa kanya. Hindi pwedeng basta-basta na lang iyon. Paano kung m
Nagising si Ludwig na masama.amg pakiramdam ng katawan. Umiikot ang kanyang paningin. Habang tinitingnan ang puting liwanag na nasa kisame, binabalikan niya ang alaala kung bakit siya naroroon. Marahil, ospital iyon. Dahan dahan niyang ibiniling ang kanyang ulo. Naroon ang kanyang ina, sa kabilang kama naman, ay naroon si Raquel. "Anak!" bungad sa kanya ng kanyang ina, "kumusta ka na? may masakit ba sayo? tatawag ako ng doctor.." nagmamadali itong tumayo, subalit nahawakan niya ito, "Ba-bakit anak?" "Nasaan ako?" tanong niya. Napatingin sila sa pinto, at iniluwa nito si Ram. Nang pumasok si Ram, agad na bumigat ang hangin sa silid. Ang mga mata ni Ludwig ay nagtama sa kay Ram, puno ng tanong at tensyon. Si Raquel, na nakaupo sa tabi, biglang sumimangot, ngunit hindi makatingin nang direkta kay Ram. Alam niyang siya ang dahilan kung bakit nangyari ang lahat ng ito—ang lahat ng gulo, ang kalituhan, at ang pananakit kay Ludwig. “Ludwig, mabuti at gising ka na,” malamig na bung