Naglalakad siya patungo sa kanilang department ng makasalubong niya si Ram. Ngumiti ito sa kanya. "Good morning Estella," bati nito sa kanya. "Good morning din, kumusta ka na?" "Okay naman," napatingin si Ram sa kanyang mata, "puyat ka ba?" "Ha? ah, eh.. hindi naman, bakit?" natense siya sa tanong nito. Halata siguro na nangangalumata siya. "Sige, pupunta kasi ako sa pantry, kukuha ako ng kape, ikaw, gusto mo ba?" alok ni Ram sa kanya. "Sige, hot coffee na lang sana. Salamat." nilagpasan na niya ito. Hindi niya napansin ang kislap sa mata ni Ram. "Ang ilap mo sakin, pero susiguraduhin kong ako din ang pipilitin mo sa huli," ngumisi si Ram na animo mga koreanong kontrabida sa koreanovela. Pagpasok ni Estella sa opisina, agad nagkwento si Irene sa kanya. 'Alam mo ba, bumalik na pala sa Pilipinas si mam Raquel. Nakita ko siya kagabi.." kwento nito sa kanya. “Nakakatuwang isipin, Estella, baka babalikan na ni Ma’am Raquel si Sir Ludwig. Alam mo, kung makikita mo lang s
Kinakabahan siya habang papalapit sa kanya si Raquel. Grade school pa lang, talagang crush na niya ito, at umusbong iyon ng umusbong hanggang ngayong kolehiyo na sila. Pinapanood niya ang malamyos nitong pagtakbo, at ang TILA ba sumasayaw sa hangin nitong mga buhok. Napakaganda. "Kanina ka pa?" tanong sa kanya ni Raquel. Hindi siya agad nakapagsalita, dahil nakatulala pa rin siya sa maamo nitong mukha. "Hi Raquel," bati ng mga dumadaan. "Hi," kumaway pa ang babae sa mga ito, bago siya binalingang muli, "hoy, Ram, ano ka ba? kanina pa ko dito ah." Pumitik pitik si Raquel sa kanyang harapan, at doon, waring nagising siya buhat sa pagkakatulog."A-ah, eh... oo, kanina pa," nauutal na sagot ni Ram. Parang nawala ang boses niya sa sobrang kaba."Bakit ganyan ka? Para kang nakakita ng multo," natatawang sabi ni Raquel."H-hindi naman," nahihiyang sabi ni Ram. "Na-starstruck lang ako. Ang ganda mo kasi."Tumawa si Raquel at bahagyang namula. "Naku, Ram, ang sweet mo naman. Pero ano
"Ram!! dali may sasabihin ako sayo," nagmamadali siyang tinatawag nito.Hindi kaya, tutugunin na ni Raquel ang pag ibig na kanyang iniluluhog? hindi kaya aamin na rin ito sa kanya?""Bakit?" masaya niya itong nilapitan, "ano yun?""May sasabihin ako sayo," hinawakan nito ang kanyang mga kamay. Npapalundag ang kanyang puso sa labis na excitement. Ngunit agad napawi iyon sa sinabi nito."May boyfriend na ko!" nagniningning ang mga mata ni Raquel.Parang nag-freeze ang mundo ni Ram. Napako siya sa kinatatayuan niya, ang mga kamay ni Raquel na nakakapit sa kanya ay parang nagiging init na bakal sa kanyang balat. Ang kanyang mga mata ay nanlalaki, at ang kanyang puso ay parang tumigil sa pagtibok."H-ha?" Ang tanging lumabas sa kanyang bibig ay isang nauutal na tanong."Oo, may boyfriend na ako," nakangiting sabi ni Raquel. "Ipapakilala ko siya sayo sa susunod. Pangako, matutuwa ka."Hindi siya makahanap ng isasagot sa kaibigan."Bakit parang hindi ka masaya?" malungkot na tanong sa kan
"Ibig mong sabihin, ikaw ang nauna kay Raquel?" tanong ni Estella kay Ram, "inagaw ba siya sayo? ni Ludwig?" "Parang ganun na rin" tugon ni Ram, "ngunit iniisip ko na lang, na baka si Raquel ay hindi nakalaan sa akin." "Pero hindi mo ba sinubukan na ipaglaban siya?" usisa pa ni Estella, hindi maitago ang pagka-usisa sa kanyang tinig. Saglit na tumahimik si Ram, tila ba bumabalik ang mga alaala sa kanyang isipan. "Sinubukan kong ipaglaban siya," sagot niya sa wakas. "Ngunit minsan, kahit gaano mo pa ipaglaban ang isang tao, kung hindi naman siya para sa'yo, kailangan mong tanggapin iyon." "At si Ludwig?" tanong ni Estella, "Ano'ng ginawa niya?" Napabuntong-hininga si Ram. "Si Ludwig... siya ang naging dahilan kung bakit nawala si Raquel sa akin," sabi niya nang marahan. "Pero ngayon, mas naiintindihan ko na. Siguro nga, may mga bagay na nangyayari para sa isang mas malaking dahilan." Tahimik si Estella, hinayaan si Ram sa kanyang mga iniisip. Alam niyang may mga sugat na hi
"Bakit hindi ka pumasok?" tanong ni Ram sa kanya. "Hindi ka naman basta nag absent ah." "Tinanghali ako ng gising.." sagot ko sa kanya. Totoo naman yun, hindi ako agad nagising. "Yung asawa mo, narito, kasama niya si Raquel.." pagbabalita niya sa akin. Napatda ako sa sinabi niya. Hindi ko akalaing pupunta doon ang babaeng iyon. Sinadya ba niya na hindi ako gisingin upang magsolo silang dalawa? Pero impossible naman. Wala namang nabanggit si Ludwig sa kanya na tungkol sa bagay na iyan. Hindi nito nasabi sa kanya na pupunta si Raquel doon. "Estella? hello? nandiyan ka pa ba?" nawala na sa alaala ko na kausap ko si Ram, "pupunta ka ba?" "Ah.. eh hindi na.. dito na lang ako sa bahay. Alam ko namang may dahilan kaya siya nagpunta diyan. Okay lang naman iyon sa akin." sagot ko sa kanya. "Sigurado ka ba? Okay ka lang ba talaga?" Nag-aalalang tanong ni Ram. Narinig ko ang pag-aalala sa boses niya. Alam niya kung gaano ko kamahal si Ludwig, at alam niyang malaki ang posibilidad n
Agad siyang bumangon pagkarinig ng ugong ng sasakyan. Kailangan niyang tanungin ang lalaki, tungkol kay Raquel. Pagbaba niya ng hagdanan, nakita niya ang kanyang asawa na langung lango sa alak! maaga pa lang, lasing na ito. Inaalalayan ito nina Arvie at Rick. "Ano bang naisipan ng lalaking ito at nag inom mag isa sa opisina," tanong ni Arvie kay Rick, "mabuti na lang at tinawagan tayo ni Ram." "Kaya nga, siraulo talaga tong Ludwig na to. Baka naman si Raquel ang..." tinapik ni Arvie si Rick ng makita siyang nasa hagdanan, "magandang gabi Estella." bati ng mga ito sa kanya. "A-anong nangyari?" tanong ko sa kanila, "ba-bakit siya na- na lasing?" hindi ako makapaniwala sa aking nakikita. Hindi naman naglalasing ang kanyang asawa, bakit kaya? "Ewan ba sa lalaking ito, iaakyat na namin siya sa itaas," sabi ni Rick sa kanya. Agad siyang umalis ng hagdan at nauna pang umakyat upang makahinga ng maayos si Ludwig sa kama. Tumulong siya sa pag alalay at pag ayos nito ng pwesto. "Ang
Nagising si EStella na mabigat pa rin ang pakiramdam, ngunit napangiti siya dahil kayakap niya ang asawa ng mamulatan niya. Nakaunan siya sa braso nito habang nakasandig siya sa dibdib nito. Nagmulat ito ng mata, saka tumunog sa kanya, "good morning.." "Good morning," lalo niya itong niyakap ng mahigpit. Alas siyete na ng umaga, Biyernes, ngunit wala atang balak pumasok si Ludwig sa opisina. "Kumusta na ang pakiramdam mo?" hinahalik halikan niya ang ulo ni Estella. "Okay naman ako.. masama pa rin ang pakiramdam ko, pero lumabas ako nung magisingan kita," niyakap niya ito ng mahigpit. "Hindi ka ba papasok?" "Hindi muna, aalagaan muna kita," sagot niya. "Nagugutom ka na ba?"Napangiti si Estella sa sinabi ni Ludwig. Hindi niya inaasahan ang ganitong pagbabago. Sa loob ng ilang linggo, parang laging wala sa sarili si Ludwig, laging abala sa trabaho, at madalas hindi na rin umuuwi ng maaga. Ngayon, narito ito sa tabi niya, buong pusong inaalagaan siya."Hindi pa naman," sagot niya,
"Hindi ka ba papasok sa opisina?" malakas ang tinig mula sa kabilang linya, si Raquel iyon na galit na galit, "kanina pa ako naghihintay dito ah!" "Raquel, wag mo akong talakan, unang una, hindi Ikaw Ang asawa ko, pangalawa, nakikipag business partner ka lang sakin! may sakit ang asawa ko at hindi ko siya maiiwan!" naiirita ang tinig ni Ludwig. Nasa kwarto siya at nanood, kasama ang kanyang asawa. Naririnig ni Estella ang pinag uusapan nila, kaya naniniwala siya sa kanyang asawa, na titigilan na nito ang pakikipag communicate sa babaeng iyon. "Baka gusto mong sabihin ko sa asawa mo na--" nananakot pa si Raquel ngunit agad niya iyong sinagot. "Alam na niya, umamin na ako," walang kagatul gatol na wika ni Ludwig. 'Hindi ako naniniwala!" "Hi, Raquel.." si Estella ang sumagot sa babae. 'Anong..?" 'Alam ko na ang lahat, wag kang mag alala.."Biglang natahimik si Raquel sa kabilang linya. Halata sa kanyang tinig ang pagkagulat at pag-aalinlangan. "Estella?" may pag-aatubili niyang t