Share

Chapter 46

Kinakabahan siya habang papalapit sa kanya si Raquel. Grade school pa lang, talagang crush na niya ito, at umusbong iyon ng umusbong hanggang ngayong kolehiyo na sila.

Pinapanood niya ang malamyos nitong pagtakbo, at ang TILA ba sumasayaw sa hangin nitong mga buhok. Napakaganda.

"Kanina ka pa?" tanong sa kanya ni Raquel. Hindi siya agad nakapagsalita, dahil nakatulala pa rin siya sa maamo nitong mukha.

"Hi Raquel," bati ng mga dumadaan.

"Hi," kumaway pa ang babae sa mga ito, bago siya binalingang muli, "hoy, Ram, ano ka ba? kanina pa ko dito ah."

Pumitik pitik si Raquel sa kanyang harapan, at doon, waring nagising siya buhat sa pagkakatulog.

"A-ah, eh... oo, kanina pa," nauutal na sagot ni Ram. Parang nawala ang boses niya sa sobrang kaba.

"Bakit ganyan ka? Para kang nakakita ng multo," natatawang sabi ni Raquel.

"H-hindi naman," nahihiyang sabi ni Ram. "Na-starstruck lang ako. Ang ganda mo kasi."

Tumawa si Raquel at bahagyang namula. "Naku, Ram, ang sweet mo naman. Pero ano
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status