Hindi niya akalain, na mabilis naman pla siyang matatanggap ng kanyang biyenan, taliwas sa sinasabi ni Ram. Nakangiti siya habang patungo sa kanilang department. Mapagkasunduan nila ng ka yang asawa, na iaannounce nilangmag azawa sila, kapag pumunta na doon ang kanyang biyenang si Marsha. "Estella, mukhang masayang masaya ka ah," bati sa kanya ni Ludwig. "Oo, alam na kasi ng mommy mo na mag asawa ka.i ni Ludwig," sagot niya dito, "akala ko ba, mataray siya? hindi naman." Napatda si Ram sa sinabi niya. Napisip siya kung paano matatanggap mg kanyang mommy si Estella, gayung ang gusto nito ay si Raquel. Bigla siyang kinabahan. Napatingin siya kay Estella. Sumigid ang kanyang awa dito. Marahil, may plano ang kanyang ina na hindi maganda kaya madali nila itong nakausap. "Walang ibang sinabi sayo si mommy?" paninigurado niya. "Ah, wala naman," sagot ni Estella, na may kislap sa kanyang mga mata. "Sabi lang niya, gusto niya akong makilala nang mas mabuti. Mukhang mabait naman si
Nakaupo si Raquel sa isang cafe habang hinihintay si Marsha, ang ina ni Ludwig. Kaclose niya ang matanda, at gustong gusto siya nito. Kahit naman siya, si Ludwig ang gusto niya, subalit talagang natukso lang marahil ito kay Estella. Natanae na niya na papalapit ito sa kanya. Malayo pa lang ay nakangiti na. Tumayo siya para salubungin ito. "Mommy.." nakipagbeso pa siya dito at inalalayan itong maupo. "Kumusta ka na hija, lalo ka atang gumanda?" maluwang ang pagkakangiti nito. "Kumusta ang abroad?" "Okay naman, maganda pa rin, pero malungkot ako,' yumuko pa siya. Totoong nasasaktan siya sa nangyari sa kanila ni Ludwig, "iniwan na ako ng tuluyan ng anak niyo." Napabuntong-hininga si Marsha at inabot ang kamay ni Raquel, pinisil ito ng mahigpit. "Hija, huwag kang malungkot. Alam mo naman na ang gusto ko talaga para kay Ludwig ay ikaw," sagot nito nang may pag-aalalang nakikita sa kanyang mga mata. "Hindi pa huli ang lahat. Hindi ko hahayaan na mawala ka sa pamilya namin." Tuma
Biglang nagtayuan ang kanyang mga kasama upang makiusyuso sa bagong dating na dumadaan. "Si mam Raquel?" tanong ni Irene. "Oo, bagong investor daw ng kumpanya," sagot ni Elena. "Mukhang makakakita na naman tayo ng love team dito at makakakain tayo ng masarap every weekend," wika pa ni Irene. "Hi guys," bati ni Raquel pagtapat sa kanilang department, "hi, Estella.." Napatingin ang lahat sa kanya. Mga matang nagtatanong bakit siya binati ng babae. "Hi Raquel.." mahina niyang sagot at kiming ngumiti. "Kumusta na kayong lahat?" baling ni8 Raquel sa mga tao doon, "malapit na akong mag office dito kaya sana, maging okay ang relasyon natin sa isa't isa.." nakangiti niyang sabi. Si Estella sa kabilang Banda, ay parang hindi mapakali. Ang pakiwari niya sa sinasabi ni Raquel ay parang kaplastikan. Habang nakatayo si Raquel sa gitna ng departamento, ramdam niya ang tingin ng lahat sa kanya. Nagtataka ang mga tao kung paano siya nagkaroon ng access sa kanilang lugar at kung ano a
Nasa bahay sila at naghahapunan, ng biglang magpaalam si Ludwig sa kanya. "Estella, may urgent business trip ako. Sabi ni mommy, maaari ka daw mag stay sa kanila habang wala kang kasama dito," sabi ni Ludwig sa kanya, "makakapag bonding kayo doon. "Talaga?" natuwa siya sa sinabi ng asawa, "gaano ka ba katagal mawawala?" "Mga dalawang linggo siguro. Tapos pagbalik ko, ipapakilala na kitang asawa ko sa opisina. "Masaya akong marinig 'yan," tugon ni Estella, ngumingiti habang iniisip kung paano makikilala ang pamilya ni Ludwig. "Pero sigurado ka bang okay lang kay mommy?" "Oo naman," sagot ni Ludwig. "Si mommy pa, excited nga siya na makasama ka. At saka, magiging maganda rin ito para sa inyong dalawa na magkausap at makilala nang husto ang isa't isa." Napatingin si Estella sa asawa, may bahagyang kaba at pananabik sa kanyang dibdib. "Magiging masaya nga ito," bulong niya, halos sa sarili. "Sigurado akong magiging maganda ang pakiramdam mo roon," dagdag pa ni Ludwig. "At sa
Habang pinagmamasdan ni Estella ang paligid ng bahay ng kanyang biyenan, napansin niya ang masinop na pagkakaayos ng bawat sulok. Malinis at maaliwalas ang sala, may mga bulaklak sa bawat lamesa, at ang bawat dekorasyon ay tila may mahalagang kahulugan. Ngunit kahit gaano kaganda ang paligid, hindi maiwasan ni Estella ang makaramdam ng kaba."Halika na, Estella," sabi ni Tita Marsha, habang inakay siya papasok. "Pinaghanda kita ng kwarto sa itaas, para komportable ka habang nandito."Sumunod si Estella sa kanyang biyenan, umaakyat sa hagdanan na yari sa kahoy. Malawak at maaliwalas ang bahay, ngunit bawat hakbang ay tila nagpapalalim sa pag-aalinlangan sa kanyang dibdib. Pagdating sa dulo ng hagdan, itinuro ni Tita Marsha ang isang pinto sa kanan. "Dito ka muna, iha. Sana magustuhan mo ang inihanda kong kwarto para sa iyo."Binuksan ni Estella ang pinto at napangiti sa nakita. Maayos ang kwarto, may malaking bintana na nagpapasok ng natural na liwanag, at may malambot na kama sa gitna
"Naliligaw ka ata?" Malamig ang tinig ni Marsha sa anak na si Ram, "anong ginagawa mo dito?""Nalaman ko na narito ang aking hipag, si Estella, kaibigan ko siya ma," may diin sa huling salita na kanyang binitiwan."Ano ngayon?" Nakatakas ang kilay nito ng sagutin siya.'Binabalaan kita ma, wag mong kakantiin si Estella, mabuti siyang tao!"Napangiti si Marsha, ngunit malamig pa rin ang kanyang mga mata. "Binabalaan?" Hinagod niya ng tingin si Ram mula ulo hanggang paa. "Anong akala mo sa akin, anak? Isang masamang ina na may binabalak laban sa asawa ng kapatid mo?"Tumitig si Ram sa ina, matigas ang mukha at hindi nagpapakita ng anumang takot. "Alam kong may ibang plano ka, Ma. Kilala kita. Alam kong may dahilan kung bakit bigla-bigla mong gustong magpabonding kay Estella. Ayokong magpadalos-dalos, pero hindi kita hahayaan na saktan siya."Nagbago ang ekspresyon ni Marsha, tila nawala ang anumang bakas ng ngiti sa kanyang mukha. "Bakit? Ano ba sa tingin mo ang gagawin ko sa kanya, ha,
Maagang nagising si Estella, at nabungaran niya ang kanyang biyenan sa kusina kung saan naghihintay ito habang nagbabasa ng diyaryo."Ma-magandang umaga po tita," bati niya."Uuhm.. hindi ko nasabi sayo, na alas sais impunto, nag aalmusal na dito," ibinaba nito ang reading glass upang tingnan siya. Alas sais diyes na.."Napalunok si Estella. Ramdam niya ang lamig sa tinig ng kanyang biyenan at tila isang panunuya sa huling sinabi nito. Agad niyang sinilip ang orasan sa dingding—alas sais diyes nga. Hindi niya namalayang nalampasan niya ang itinakdang oras ng almusal.“Pasensya na po, tita,” magalang niyang sagot, pilit na ngumingiti kahit may kaba sa dibdib. “Hindi po ako sanay gumising nang ganito kaaga. Susubukan ko pong mag-adjust sa mga oras dito.”Tumango si Tita Marsha, ngunit ang tingin nito sa kanya ay nananatiling matalim. “Mabuti naman kung gano’n. Dapat ay nasasanay kang sumunod sa oras dito. Disiplina ang mahalaga sa bahay na ito, lalo na’t magkakasama tayo.”Umupo si Este
Nagising si Estella sa umaga na may bahagyang pangamba sa kung ano ang magiging takbo ng araw. Pagdating sa kusina, agad niyang napansin ang mas pinahigpit na iskedyul ng mga gawain na ipinapasa sa kanya. Habang ang iba pang kasambahay ay abala sa kanilang sariling gawain, siya ang inaatasan na mag-ayos ng lamesa, maglaba ng basahan, at maglinis ng iba pang bahagi ng bahay. “Estella, kailangan kong ipagawa ang mga ito,” sabi ni Tita Marsha habang ipinapakita ang ilang basahan at mga kagamitan na kailangan linisin. “Wala nang oras para maghintay. Maraming trabaho ang kailangan tapusin.” “Apo, Tita,” tugon ni Estella, kahit na nagtataka kung bakit siya ang laging pinipili para sa mga ganitong gawain. Hindi niya maikakaila ang pag-aalala sa kanyang isipan. Ang mga gawain ay tila mas mabigat kaysa sa karaniwang inaasahan, lalo na't madami naman silang kayulong sa bahay. Ngunit sa kabila ng kanyang mga pagsusumikap, tila hindi pa rin sapat para kay Tita Marsha. Madalas na naririnig n