Share

Chapter 57

last update Huling Na-update: 2024-09-09 17:45:50
Nasa bahay sila at naghahapunan, ng biglang magpaalam si Ludwig sa kanya.

"Estella, may urgent business trip ako. Sabi ni mommy, maaari ka daw mag stay sa kanila habang wala kang kasama dito," sabi ni Ludwig sa kanya, "makakapag bonding kayo doon.

"Talaga?" natuwa siya sa sinabi ng asawa, "gaano ka ba katagal mawawala?"

"Mga dalawang linggo siguro. Tapos pagbalik ko, ipapakilala na kitang asawa ko sa opisina.

"Masaya akong marinig 'yan," tugon ni Estella, ngumingiti habang iniisip kung paano makikilala ang pamilya ni Ludwig. "Pero sigurado ka bang okay lang kay mommy?"

"Oo naman," sagot ni Ludwig. "Si mommy pa, excited nga siya na makasama ka. At saka, magiging maganda rin ito para sa inyong dalawa na magkausap at makilala nang husto ang isa't isa."

Napatingin si Estella sa asawa, may bahagyang kaba at pananabik sa kanyang dibdib. "Magiging masaya nga ito," bulong niya, halos sa sarili.

"Sigurado akong magiging maganda ang pakiramdam mo roon," dagdag pa ni Ludwig. "At sa
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • My Billionaire Ex-husband Regrets   Chapter 58

    Habang pinagmamasdan ni Estella ang paligid ng bahay ng kanyang biyenan, napansin niya ang masinop na pagkakaayos ng bawat sulok. Malinis at maaliwalas ang sala, may mga bulaklak sa bawat lamesa, at ang bawat dekorasyon ay tila may mahalagang kahulugan. Ngunit kahit gaano kaganda ang paligid, hindi maiwasan ni Estella ang makaramdam ng kaba."Halika na, Estella," sabi ni Tita Marsha, habang inakay siya papasok. "Pinaghanda kita ng kwarto sa itaas, para komportable ka habang nandito."Sumunod si Estella sa kanyang biyenan, umaakyat sa hagdanan na yari sa kahoy. Malawak at maaliwalas ang bahay, ngunit bawat hakbang ay tila nagpapalalim sa pag-aalinlangan sa kanyang dibdib. Pagdating sa dulo ng hagdan, itinuro ni Tita Marsha ang isang pinto sa kanan. "Dito ka muna, iha. Sana magustuhan mo ang inihanda kong kwarto para sa iyo."Binuksan ni Estella ang pinto at napangiti sa nakita. Maayos ang kwarto, may malaking bintana na nagpapasok ng natural na liwanag, at may malambot na kama sa gitna

    Huling Na-update : 2024-09-09
  • My Billionaire Ex-husband Regrets   Chapter 59

    "Naliligaw ka ata?" Malamig ang tinig ni Marsha sa anak na si Ram, "anong ginagawa mo dito?""Nalaman ko na narito ang aking hipag, si Estella, kaibigan ko siya ma," may diin sa huling salita na kanyang binitiwan."Ano ngayon?" Nakatakas ang kilay nito ng sagutin siya.'Binabalaan kita ma, wag mong kakantiin si Estella, mabuti siyang tao!"Napangiti si Marsha, ngunit malamig pa rin ang kanyang mga mata. "Binabalaan?" Hinagod niya ng tingin si Ram mula ulo hanggang paa. "Anong akala mo sa akin, anak? Isang masamang ina na may binabalak laban sa asawa ng kapatid mo?"Tumitig si Ram sa ina, matigas ang mukha at hindi nagpapakita ng anumang takot. "Alam kong may ibang plano ka, Ma. Kilala kita. Alam kong may dahilan kung bakit bigla-bigla mong gustong magpabonding kay Estella. Ayokong magpadalos-dalos, pero hindi kita hahayaan na saktan siya."Nagbago ang ekspresyon ni Marsha, tila nawala ang anumang bakas ng ngiti sa kanyang mukha. "Bakit? Ano ba sa tingin mo ang gagawin ko sa kanya, ha,

    Huling Na-update : 2024-09-09
  • My Billionaire Ex-husband Regrets   Chapter 60

    Maagang nagising si Estella, at nabungaran niya ang kanyang biyenan sa kusina kung saan naghihintay ito habang nagbabasa ng diyaryo."Ma-magandang umaga po tita," bati niya."Uuhm.. hindi ko nasabi sayo, na alas sais impunto, nag aalmusal na dito," ibinaba nito ang reading glass upang tingnan siya. Alas sais diyes na.."Napalunok si Estella. Ramdam niya ang lamig sa tinig ng kanyang biyenan at tila isang panunuya sa huling sinabi nito. Agad niyang sinilip ang orasan sa dingding—alas sais diyes nga. Hindi niya namalayang nalampasan niya ang itinakdang oras ng almusal.“Pasensya na po, tita,” magalang niyang sagot, pilit na ngumingiti kahit may kaba sa dibdib. “Hindi po ako sanay gumising nang ganito kaaga. Susubukan ko pong mag-adjust sa mga oras dito.”Tumango si Tita Marsha, ngunit ang tingin nito sa kanya ay nananatiling matalim. “Mabuti naman kung gano’n. Dapat ay nasasanay kang sumunod sa oras dito. Disiplina ang mahalaga sa bahay na ito, lalo na’t magkakasama tayo.”Umupo si Este

    Huling Na-update : 2024-09-09
  • My Billionaire Ex-husband Regrets   Chapter 61

    Nagising si Estella sa umaga na may bahagyang pangamba sa kung ano ang magiging takbo ng araw. Pagdating sa kusina, agad niyang napansin ang mas pinahigpit na iskedyul ng mga gawain na ipinapasa sa kanya. Habang ang iba pang kasambahay ay abala sa kanilang sariling gawain, siya ang inaatasan na mag-ayos ng lamesa, maglaba ng basahan, at maglinis ng iba pang bahagi ng bahay. “Estella, kailangan kong ipagawa ang mga ito,” sabi ni Tita Marsha habang ipinapakita ang ilang basahan at mga kagamitan na kailangan linisin. “Wala nang oras para maghintay. Maraming trabaho ang kailangan tapusin.” “Apo, Tita,” tugon ni Estella, kahit na nagtataka kung bakit siya ang laging pinipili para sa mga ganitong gawain. Hindi niya maikakaila ang pag-aalala sa kanyang isipan. Ang mga gawain ay tila mas mabigat kaysa sa karaniwang inaasahan, lalo na't madami naman silang kayulong sa bahay. Ngunit sa kabila ng kanyang mga pagsusumikap, tila hindi pa rin sapat para kay Tita Marsha. Madalas na naririnig n

    Huling Na-update : 2024-09-10
  • My Billionaire Ex-husband Regrets   Chapter 62

    Kinaumagahan, hinanap ni Estella ang kanyang biyenan at natagpuan iyon sa garden. Agad niya itong nilapitan. "Tita, baka po pwedeng makahiram ng phone, baka nag aalala na ang asawa ko sakin sa akin, Sira po kasi ang phone ko at..." hindi na niya naituloy ang kanyang sasabihin dahil agad itong sumagot. "Hindi maaari ang phone ko, nalolobat agad. Saka ayos lang naman siguro ang asawa mo sa Singapore. Pabalik na rin naman sila dito next week ." Sagot ni Marsha. "Sila?" Kunwari ay hindi niya alam na ang ex nitong si Raquel ang kasama nito sa business trip. "Oo, sila," sagot ni Marsha habang sinasabayan ng bahagyang ngiti. "Kasama niya si Raquel sa business trip na 'yun. Alam mo naman, importante 'yung lakad na 'yun para sa kumpanya nila." Napilitang ngumiti si Estella, kahit pakiramdam niya'y bumigat ang kanyang dibdib. "Ah, ganun ba? Mabuti naman kung gano'n," sagot niya, pilit na itinatago ang pagkabalisa sa kanyang tinig. "Huwag ka nang mag-alala, Estella," patuloy ni Marsha

    Huling Na-update : 2024-09-11
  • My Billionaire Ex-husband Regrets   Chapter 63

    Pinilit ni Estella na manatiling kalmado, kahit na ang mga salita ni Marsha ay tila mga punyal na tumatama sa kanyang dibdib. Alam niyang hindi na ito bago, ngunit hindi niya mapigilang maramdaman ang sakit sa tuwing tinatawag siyang tamad o walang silbi ng kanyang biyenan. "Tita, hindi po ako tamad," mahinahong sagot ni Estella, kahit na ramdam niya ang panghihina ng kanyang katawan. "Masama lang po talaga ang pakiramdam ko. Nagugutom po ako, at..." Bago pa man niya matapos ang kanyang sasabihin, mabilis siyang pinutol ni Marsha. "Ayoko ng mga palusot mo, Estella! Kung gusto mong manatili dito sa pamamahay ko, gawin mo ang mga tungkulin mo bilang asawa ni Ludwig!" matalim na sabi nito habang tumatawa nang mapanukso. "Hindi ka na nga bagay sa anak ko, wala ka pang silbi rito." Napayuko si Estella, ngunit pilit na itinago ang sakit sa kanyang mukha. Nagpasya siyang manatiling tahimik. Kailangan niyang maging matatag at hindi magpadala sa mga pang-aasar ni Marsha. "Tama na po, Ti

    Huling Na-update : 2024-09-11
  • My Billionaire Ex-husband Regrets   Chapter 64

    Subukan niyo, na pahiramin ng cellphone si Estella, malilintikan kayo sakin! lalo ka na, Berting!" duro ni Marsha sa hardinero, "talagang ikaw kahit kailan!" "Mam.. nakakaawa naman po si mam Estella.. nakita ko po na nahihirapan na siya," sagot ni Berting. "Eh kung ikaw kaya ang pahirapan ko?" sagot ni Marsha . " Masyado kang nagiging mapapel Berting!" "Hindi na po mauulit, mam," nakayukong sagot ni Berting. "Aba, dapat lang! nakakahiya naman kung plano mo pang ulitin, hindi ba?" nakataas ang kanyang kilay ng sagutin ang matanda. "Ayoko na tutulungan ng kahit sa inyo si Estella, maliwanag?" "Opo" nakayuko ang mga katulong ng sumagot sa kanya. "Hmmmp!" Umakyat siya sa kwarto, at kinuha ang kanyang isang lumang cellphone. Inayos iyon at plano niyang ibigay sa manugang. KINAGABIHAN.. "Estella, ito ang phone, inayos ko lang yan, pero magagamit mo," sabi ni Marsha kay Estella. "Thank youpo tita," tinanggap niya iyon, pagkakataon na niyang makausap ang asawang si Ludwig. Subal

    Huling Na-update : 2024-09-12
  • My Billionaire Ex-husband Regrets   Chapter 65

    Nanlulumo si Estella. Hindi niya mawari kung tama bang nagpakasal siya nang hindi man lang nakilala nang lubusan ang lalaki. Ngayon, unti-unti na siyang nilulunod ng mga problema dahil sa dating kasintahan ng kanyang asawa. Akala niya'y tiwala siya na hindi siya magagawang lokohin ni Ludwig, ngunit mali pala ang kanyang akala. Pilit niyang iniwasan ang mga matang nagmamasid sa kanya habang pumasok siya sa loob ng bahay. Sinalubong siya ng kanyang biyenang si Marsha, na tila handa nang ibulalas ang kanyang hinanakit. "Maaari ba tayong mag-usap, Estella?" malamig na tanong ni Marsha. "Tungkol po saan?" sagot ni Estella, pilit pinipigilan ang emosyon sa kanyang mukha. Ayaw niyang ipakita na siya'y nasasaktan. "Magkano ang kailangan mo upang layuan ang anak ko?" biglang tanong ni Marsha. "Hindi kita maaaring tanggapin, dahil isa ka lamang dukha! Saan ka ba napulot ni Ludwig? Sa club? At sinong nakakaalam kung yang dinadala mo ay anak nga ng anak ko?" Isang matalim na sampal iyo

    Huling Na-update : 2024-09-12

Pinakabagong kabanata

  • My Billionaire Ex-husband Regrets   Final Chapter

    Sobrang lungkot si Ram. Kung ano ano ang sumasagi sa kanyang isipan. Simula bayan, lalakarin lang niya hanggang bahay, para makapag isip siya ng tama. Iba pala talaga kapag nagmahal ang puso. Ang tama sa kanya ay sobra sobra. Sari sari ang pumapasok sa kanyang isipan, marahil, isinama na ni Ludwig sina Estella. Wala na siyang habol doon. Legal na asawa yun. Habang naglalakad si Ram, ang bigat sa kanyang dibdib ay lalong bumibigat sa bawat hakbang. Hindi na niya mabilang kung ilang oras na siyang naglalakad, parang wala na siyang pakialam kung gaano kalayo ang mararating niya. Pakiramdam niya ay wala nang halaga ang oras o direksyon—lahat ay mistulang nawalan ng saysay mula nang mawala sa kanya si Estella at ang mga anak nila. Ang tahimik na gabi ay parang sumasalamin sa kanyang kalungkutan. Ang mga ilaw ng poste ay nagbibigay ng malabong liwanag, habang ang mga dahon ng puno ay sumasayaw sa hangin na tila binubulong sa kanya ang mga alaala ng mga masasayang araw kasama si Est

  • My Billionaire Ex-husband Regrets   Chapter 117

    "Ayoko ng makarinig ng kasinungalingang mo, Raquel.." malumanay na sabi ni Ludwig kay Raquel, "tama na.. mamamatay ka na, sinungaling ka pa." "Totoo ang sinasabi ko, Ludwig, "sagot ni Raquel, "maniwala ka naman sakin, please naman.." Ang kanyang mga luha ay patuloy na umagos, dahil sa takot na maaaring gawin ni Ludwig sa kanilang dalawa. Ang labis na pagpapatakbo nito ng mabilis at ang granadang hawak nito ang nagbibigay pangamba lalo sa kanya. "Pinaghiwalay niyo kami ng asawa ko, ngayon, muntik mo na akong ipapatay. Ganyan ka ba magmahal, Raquel?" naningkit ang luhaang mata ni Ludwig. "Ako naman ang nauna, Ludwig, ako.. Hindi si Estella.. Kahit pinalabas naming patay na siya, parang wala pa rin sa akin ang puso mo. Gaano ako katagal maghihintay upang mahalin mo ulit?" "Mabuting tao si Estella, Raquel," napapailing si Ludwig, "hindi mo siya kayang pantayan." Parang kutsilyo na tumusok sa kanya ang sinabing mga salita ni Ludwig. Labis siyang nasasaktan at hindi makapaniwala

  • My Billionaire Ex-husband Regrets   Chapter 116

    "Uuwi na pala kami, Ludwig.." paalam ni Estella sa lalaki. "Maraming salamat, at nakilala ko ang aking mga anak.. Salamat sayo, at kay Ram sa pagpapalaki sa mga bata na maayos at mabuti." malungkot ang mga ngiti ni Ludwig sa kanya. "Maaari mo naman silang dalawin kung nais mo," nakangiting sabi ni Estella dito. "Okay na ko.. salamat, salamat sa inyo, mga anak!" niyakap ng mahigpit ni Ludwig ang mga bata, "salamat sa inyo at pinagbigyan niyo si daddy.." "Opo, daddy, ingat po kayo," sagot ni Calvin. "Bye po daddy," sabi naman ni Caleb. "Estella.." niyakap siya ng lalaki, "ikaw pa rin ang pinakamamahal ko hanggang sa huli.. alagaan mo ang sarili mo at ang mga bata.. maging masaya sana kayo ni Ram.." Hindi nila akala, na iyon na pala talaga ang huling pagkakita nila.. "UUWI na tayo?" tanong ni Raquel kay Ludwig. Masayang masaya ito. "Oo, uuwi na tayo," nakangiting sagot naman niya dito. Naninibago man, masayang sumama si Raquel sa kanya. Hindi alam ng babae, kung ano a

  • My Billionaire Ex-husband Regrets   Chapter 115

    Nakatayo si Ram sa malayo, nakatutok ang tingin sa masayang eksena sa playground. Ang mga bata ay tumatakbo sa paligid, naglalaro at nagtatawanan, habang si Estella at Ludwig ay nag-uusap na tila ang lahat ay maayos na muli. Saksi siya sa pagbuo ng isang mundo na gusto niyang maging bahagi, ngunit sa kabila ng mga ngiti at tawanan, naramdaman niya ang matinding sakit sa kanyang puso. "Ngunit paano naman ako?" tanong niya sa sarili habang pinapahid ang pawis sa kanyang noo. Alam niyang mahalaga si Estella kay Ludwig, at wala siyang magagawa kundi ang manood sa malayo habang unti-unting bumabalik ang kanilang koneksyon. Ang mga alaala ng kanilang mga sandaling magkasama ay bumalik sa kanyang isip. Ang mga tawanan, mga pangarap na pinagsaluhan, at ang mga tamang desisyon na nagdala sa kanila sa isang bagong simula. Pero ngayon, tila naiiwan siya sa dilim habang ang kanyang puso ay naglalaban sa pagseselos at pag-asa. “Bakit hindi ko sila matanggap?” tanong niya sa sarili, kasabay ng p

  • My Billionaire Ex-husband Regrets   Chapter 114

    Habang papasok sina Estella at ang mga bata sa restaurant, ramdam ni Ram ang bigat ng kanyang puso. Lahat ng nangyayari ay tila naglalaro sa kanyang isipan—ang takot na mawalay kay Estella, ang pag-aalala para sa mga bata, at ang pangambang baka hindi sila maging maayos ng kanilang ama. Nang makapasok, nakita ni Estella si Ludwig na nakaupo sa isang sulok, tahimik na nag-aantay. Ang kanyang hitsura ay puno ng pagka-abalang nag-aalala. Nagkatinginan sila, at sa loob ng isang segundo, parang nagkaroon ng diyalogo sa kanilang mga mata—mga tanong, mga alaala, at mga damdaming hindi pa natatapos. “Ludwig,” mahinang tawag ni Estella habang papalapit sila. “Nandito na kami.” “Salamat na nagpunta kayo,” sagot ni Ludwig, masiglang tumayo at sinimangutan ang mga bata. “Sila ba ang mga anak ko?” Tanong nito na puno ng pag-asa. “Oo, sila nga,” sagot ni Estella, nakatingin sa kanyang mga anak na tahimik na nagmamasid kay Ludwig. “Sila si Caleb at Calvin.” “Hello, kids!” bati ni Ludwig, su

  • My Billionaire Ex-husband Regrets   Chapter 113 SPG

    Mabigat ang kanyang mga paa, ng dumating kina Estella. Wala noon ang mga bata dahil nasa paaralan. Bandang alas diyes pa lang noon.Akala niya, naroon si Estella, ngunit wala. Lumabas na siya ng bahay nito, at tinungo ang kanyang bahay. Pagbukas niya ng pinto, biglang may bumagsak sa kanyang kwarto.'Magnanakaw!" sa loob loob niya.Dahan dahan siyang umakyat ng hagdanan, saka mabilis niyang sinipat ang pinto.Nagulat siya kung sino ang naroroon, isang babaeng naka night gown. Kitang kita ang kabuuan ng katawan nito sa manipis na kasuotan. Wala itong panloob.Ang kanyang laway ay agad niyang nalunok. Hindi siya makapaniwala. Dahan dahan itong lumapit sa kanya.Hinawakan ni Estella ang kanyang mga kamay, at inilagay sa suso nito, "please.. ayokong ganito tayo.." saka siya hinalikan ni Estella sa labi.Binuhat niya ito, patungo sa pasimano ng bintana. Iniupo ni Ram si Estella doon, at hinubad ang night gown na suot nito.Agad siyang sumuso sa malalambot nitong dibdib, Habang unti unting

  • My Billionaire Ex-husband Regrets   Chapter 112

    "Maaari ko bang makita ang mga anak ko?" tanong ni Ludwig kay Ram, "gusto ko lang silang makilala ng personal." "Susubukan kong tanungin si Estella kung nais niya,' sagot ni Ram, " wala ako sa posisyon para magdisisyon. Lalakarin na ba natin ang pagpafile ng kaso?" "Wag na!" maagap na sagot ni Raquel. Nangunot ang kanilang mga noo, ng marinig ang boses ni Raquel. "Bakit naman?" tanong niya dito, "kailangang managot ang mga nanakit sa aking kapatid!" "I--ibig kong sabihin, hindi na kailangan. Ayaw ko ng gulo. Uuwi na lang kami ng Maynila. Maayos na naman si Ludwig, makakapagmaneho na siya." "Hayaan mo Raquel, wag na nga tayong magfile ng kaso," nakangiti si Ludwig, subalit malungkot ang kanyang mga mata.Napansin ni Ram ang biglaang pag-aalangan ni Raquel. Hindi ito ang inaasahan niyang reaksyon mula sa isang taong nakakita ng kanyang kapatid na binugbog ng mga hindi kilalang tao. Alam niyang may mali, ngunit hindi niya alam kung ano ang motibo ni Raquel."Bakit bigla mong guston

  • My Billionaire Ex-husband Regrets   Chapter 111

    Nakabalik na si Ram kina Estella. Nag aalala ang mukha nito. "Kumusta na si Ludwig? Hindi ba siya masyadong nasaktan? Nahuli ba ang gumawa?" Sunod sunod na tanong ni Estella kay Ram, "naipablotter na ba? Na x-ray na ba siya? CT scan?" Tinitigan ni Ram si Estella. Ang kanyang mata ay napuno ng selos. Lalo pa at halata ang pag aalala ni Estella kay Ludwig. Si Ram ay tahimik na nakatayo sa harap ni Estella, pinagmamasdan ang bawat kilos at reaksyon nito. Ang kanyang mga mata ay nagdilim sa dami ng mga tanong ni Estella tungkol kay Ludwig—halatang malalim pa rin ang nararamdaman nito para sa lalaking minsan niyang minahal. "Estella," malamig na sabi ni Ram, pilit pinipigilan ang selos na lumalagablab sa kanyang dibdib. "Ligtas na si Ludwig. Hindi siya seryosong nasaktan." Nakahinga nang maluwag si Estella, ngunit agad ding bumalik ang pag-aalala. "Sigurado ka? Kailangan nating malaman kung sino ang nasa likod ng nangyari sa kanya. Hindi pwedeng basta-basta na lang iyon. Paano kung m

  • My Billionaire Ex-husband Regrets   Chapter 110

    Nagising si Ludwig na masama.amg pakiramdam ng katawan. Umiikot ang kanyang paningin. Habang tinitingnan ang puting liwanag na nasa kisame, binabalikan niya ang alaala kung bakit siya naroroon. Marahil, ospital iyon. Dahan dahan niyang ibiniling ang kanyang ulo. Naroon ang kanyang ina, sa kabilang kama naman, ay naroon si Raquel. "Anak!" bungad sa kanya ng kanyang ina, "kumusta ka na? may masakit ba sayo? tatawag ako ng doctor.." nagmamadali itong tumayo, subalit nahawakan niya ito, "Ba-bakit anak?" "Nasaan ako?" tanong niya. Napatingin sila sa pinto, at iniluwa nito si Ram. Nang pumasok si Ram, agad na bumigat ang hangin sa silid. Ang mga mata ni Ludwig ay nagtama sa kay Ram, puno ng tanong at tensyon. Si Raquel, na nakaupo sa tabi, biglang sumimangot, ngunit hindi makatingin nang direkta kay Ram. Alam niyang siya ang dahilan kung bakit nangyari ang lahat ng ito—ang lahat ng gulo, ang kalituhan, at ang pananakit kay Ludwig. “Ludwig, mabuti at gising ka na,” malamig na bung

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status