Nanlulumo si Estella. Hindi niya mawari kung tama bang nagpakasal siya nang hindi man lang nakilala nang lubusan ang lalaki. Ngayon, unti-unti na siyang nilulunod ng mga problema dahil sa dating kasintahan ng kanyang asawa. Akala niya'y tiwala siya na hindi siya magagawang lokohin ni Ludwig, ngunit mali pala ang kanyang akala. Pilit niyang iniwasan ang mga matang nagmamasid sa kanya habang pumasok siya sa loob ng bahay. Sinalubong siya ng kanyang biyenang si Marsha, na tila handa nang ibulalas ang kanyang hinanakit. "Maaari ba tayong mag-usap, Estella?" malamig na tanong ni Marsha. "Tungkol po saan?" sagot ni Estella, pilit pinipigilan ang emosyon sa kanyang mukha. Ayaw niyang ipakita na siya'y nasasaktan. "Magkano ang kailangan mo upang layuan ang anak ko?" biglang tanong ni Marsha. "Hindi kita maaaring tanggapin, dahil isa ka lamang dukha! Saan ka ba napulot ni Ludwig? Sa club? At sinong nakakaalam kung yang dinadala mo ay anak nga ng anak ko?" Isang matalim na sampal iyo
Laking gulat ni Ludwig na pagdating sa bahay ng kanyang ina, ay wala na ang kanyang asawa doon. Agad siyang tumawag sa kanilang bahay upang alamin kung umuwi room si Estella, hindi daw. Napahilamos siya sa mukha at agad na itinapon ang kanyang cellphone. Hindi pa alam ng kanyang ina, na darating siya ng araw na iyon. Nang mabungaran siya nito, agad umiyak ang matanda. "Anak.. sinakyan ako ng asawa mo, isa daw akong kunsintidor na ina," niyakap ni Emie ang kanyang anak. Mabuti na lang at nakalimot na niya ang sarili, alam niyang darating si Ludwig dahil natawagan na siya ni Raquel, "galit na galit siya sa akin.." "Saan siya nagpunta?" matiim siyang tinitigan ng kanyang anak. "Ewan, may kausap siyang lalaki, tapos nag alsa balutan. Nagkaroon lang naman kami ng hindi pagkakaunawaan, nilayasan agad ako," malungkot niyang sagot, "nag aalala nga ako sa aking mga apo. Pero base sa kwento sa akin ni Estella, iba ata ang tatay ng bata. Hindi kaya, iyong sumundo sa kanya?" kailangan n
Paano mo hahanapin ang taong ayaw talagang magpakita?" tanong ni Emie kay Ludwig. "Pinagtataguan ka na ng babaeng iyon!" "Ma, asawa ko si Estella, kailangan ko soyang hanapin!" mariin na sagot ni Ludwig sa ina, "baka kung ano ang mangyari sa kanila ng mga magiging anak namin!" "Baka naman, hindi talaga saiyo ang kanyang dinadala, kaya ka niya tinakasan? hinahamon ko nga siya ng DNA, aba, nag alsa balutan pala!" napapaypay si Emie sa kasinungalingang hinahabi niya. "Bakit mga pala sumunod si Raquel sa Singapore, ma?" tanong ni Ludwig sa ina, "wala naman siyang ganap doon?" Natigilan si Emie, hindi makahanap ng sasabihin kung ano ang ginagawa ng dating nobya ng kanyang anak doon. Pinagplanuhan nila ito ni Raquel, upang masira ang relasyon ngag asawang Ludwig at Estella. Kailangang maging lihim ang lahat. Hindi siya maaaring masira sa kanyang anak. "Nagbakasyon lang ata siya doon. Eksakto namang may out of town ka. Masaya namang kasama si Raquel ah," sabi niya sa anak. "Ma!
Gulong gulo na ang isipan ni Ludwig kung saan hahanapin ang kanyang asawa. Kahit ang background ng babae ay lubhang limitado lamang."Sir, coffee niyo po," pumasok ang kanyang secretary sa loob. Ng ibaba nito sa lamesa ang kape, nag spill iyon at tumapon ng bahagya sa platito ang laman."Shit! ano ka ba naman ha? mag ingat ka nga!" bulyaw niya dito.Nahintakutan si Mariz sa kanya, at biglang napaatras, "pa-pasensiya na po kayo sir..""Pasensiya? lumabas ka na nga!" itinuro pa niya ang daan palabas.Lumabas si Mariz ng opisina ni Ludwig na maluha luha. Nakasalubong ito ni Raquel."Oh, Mariz, anong nangyari sayo?" nag aalala niyang tanong sa babae."Mam, galit na naman po si sir.. ilang linggo na po siyang laging galit kahit kanino.." malungkot nitong sagot sa kanya."Kakausapin ko siya, wag kang mag alala.." nakangiti niyang sagot sa babae, habang hawak niya ito sa balikat."Baka po magalit si sir sa akin mam.. sabihin naman po niya, sumbungera po ako.." nag aalalang sabi nito."Hindi
Dismayado si Ludwig sa nakita. Hindi ang asawa niyang si Estella ang naroroon, ibang tao iyon. Magkahawig lang sila kapag nakatalikod ngunit iba sa malapitan. "Hindi siya yan," malungkot sa sabi niya sa detective. "Pasensiya na sir, kamukha niya kasi," napakamot sa ulo ang kausap subalit lihim na ngumingiti. "Sige, ipagpatuloy mo lang ang paghahanap, salamat." umalis na siya at iniwan ang lalaki. Pagkaalis ni Ludwig, agad tinawagan ng detective si Emie at nagbalita. 'Hello, mam, nakaalis na ang anak niyo." "Magaling! may bonus ka sa akin. Bweno, saan na daw siya pupunta?" tanong ni Emie habang nagpapamasahe ng paa. 'Wala pong sinabi mam." "Sige, basta wag kang maingay sa napag usapan natin ha, sikreto lang ito, naiintindihan mo ba?" "Opo mam." Naputol na ang tawag nila. Binalingan niya si Raquel, "okay na hija." "Anong okay na mommy?" tanong ni Raquel sa kanya. "Nanggaling na dun ang anak ko. Malamang nadismaya na yun. Puntahan mo siya mamaya, upang macomfort m
"Ludwig? Ludwig?" kanina pa umuungol ang lalaki kaya naisipan ng gisingin ni Raquel. Panay ang tawag nito sa asawang si Estella, "Ludwig.." Nakasandal ito sa swivel chair ng opisina. Mabuti na lang at naisipan niya itong puntahan. "Estella!!" bumalikwas ng bangon ang lalaki, at iginala ang mata sa paligid, "na-nasaan si Estella?" Napasimangot siya sa narinig, "iniwan ka niya, hindi ba? Wala siya dito.. ako ang narito, bakit hinahanap mo pa siya?" "Anong ginagawa mo dito?" asik ni Ludwig kay Raquel. "Kailangan mo ng makakausap, Ludwig," akmang lalapit si Raquel sa kanya, ngunit nagmamadali siyang tumayo at lumayo sa babae. Nagtungo siya sa glass wall. Napatda naman si Raquel sa kanyang ginawa. Muntik pa itong madapa. Sinundan siya nito, at akmang hahawakan. "Wag mo akong hahawakan," saway ni Ludwig kay Raquel. Napatigil si Raquel, na parang tinamaan ng malamig na hangin. Ang pagtanggi ni Ludwig ay parang kutsilyong bumaon sa kanyang puso. Ilang ulit na niyang pinagdaanan ang g
ESTELLA: "Hindi ako magpapakasal sa matandang ‘yon, Papa," ang mariing sabi ni Estella, ang kanyang mga mata ay nag-aapoy sa galit at hinanakit. "Hindi ko kayang tanggapin ang hinihiling mo sa akin." Ang kanyang boses ay nanginginig sa pagpigil ng mga luha, ngunit hindi niya hahayaang makita ng mga impakta na umiiyak siya. "Bakit ako magpapakasal sa matandang ‘yon? Gusto mo bang masira ang buhay ko? Papa, masyadong matanda si Don Lucas para sa akin… mas matanda pa siya sa’yo!" Tumayo siya mula sa kanyang kinauupuan at puno ng hinanakit na tumingin sa ama. "D-Daig mo pa akong binenta sa matanda na ‘yon.” “Exactly, sis, ” Nakangising singit ni Luna, ang kanyang kapatid sa ama, “bakit hindi ka nalang pumayag? Matanda na siya at hindi hindi na magtatagal, mababalo ka rin naman ng maaga kaya sumunod ka nalang sa gusto ni papa.” Ang kanyang mga salita ay puno ng pang-uuyam at kawalang-interes sa tunay na kalagayan ni Estella. "Bakit hindi na lang ikaw ang magpakasal? Kayo naman ang naka
"Saan ka pupunta?" Hinarangan si Estella ng kanyang madrasta sa pinto. Talagang nakabara ito sa kanyang dadaanan, para bang isang guard sa basketball na ayaw siyang makalagpas."Papasok, bakit?" Sagot niya dito. Hindi pa rin siya nakakamove on sa ginawa ng mga ito sa kanya noong nagdaang gabi. Parang gusto nilang gawin siyang robot at tau-tauhan sa kanilang pamamahay. "Wag niyong sabihing hindi niyo ako palalabasin?""Oo, hindi ka lalabas at dito ka lang sa kwarto mo!" Itinulak siya ng kanyang madrasta papasok ng kanyang kwarto dahilan para siya ay bumagsak sa sahig. Bago pa siya makabawi sa pagkatumba, naisara na at nai-lock na nito ang pintuan ng kanyang silid."Tita, buksan mo 'to!" Kinalampag niya ang pintuan at pinihit ang sendura para subukan na lumabas. "Tita! hindi niyo pwedeng gawin sa akin 'to!""Lalabas ka lang ri'yan kapag ikakasal na kayo ni Lucas! Masyado kang mapagmatigas, Estella! Kung ang daddy mo ay napapakiusapan ka. Pwes, ibahin mo ako! Hindi kita bibigyan ng pagk