Share

Chapter 27

Alanganin ang pag ngiti nina Mr. Emperial. Nagpupunas ang mga ito ng pawis habang halatang hindi alam ang mga gagawin.

"Ngayon, andito na ang mga kasamahan niyo, bakit niyo sila pinapirma ditan sa petition?" tanong ni Ludwig.

"Hi-hindi namin sila pinilit!" matapang na sabi ni Mia, "nagkusang loob sila!"

"Sabi po nila sir," nagsalita na ang mga katrabaho nila, "kaya daw nila.kaming ipatanggal kung hindi kami pipirma. Gagawan daw nila.kami ng issue."

"Hindi totoo yan! sinungaling ka!" sigaw ni Melody dito, "daddy.." nagmamakaawa ang mukha nito habang hawak ang braso ng ama.

"Ah.. mapag-uusapan naman natin ito, hindi ba Ludwig?" alanganin ang ngiti ni Mr. Emperial, "pwede naman natin itong-- itong palagpasin na lang."

"Palagpasin?" nakangising sagot ni Ludwig, "nong si Miss Amorez ang idinidiin niyo, pinapaluhod niyo pa, saka hihingi ng tawad. Ngayon, gusto nyo, palagpasin ito? unfair naman ata kayo, hindi ba?"

"Pero Ludwig, maaatim.mo bang ipahiya ang magiging biyenan mo?"
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status