Share

Chapter 2

"Saan ka pupunta?" Hinarangan si Estella ng kanyang madrasta sa pinto. Talagang nakabara ito sa kanyang dadaanan, para bang isang guard sa basketball na ayaw siyang makalagpas.

"Papasok, bakit?" Sagot niya dito. Hindi pa rin siya nakakamove on sa ginawa ng mga ito sa kanya noong nagdaang gabi. Parang gusto nilang gawin siyang robot at tau-tauhan sa kanilang pamamahay. "Wag niyong sabihing hindi niyo ako palalabasin?"

"Oo, hindi ka lalabas at dito ka lang sa kwarto mo!" Itinulak siya ng kanyang madrasta papasok ng kanyang kwarto dahilan para siya ay bumagsak sa sahig. Bago pa siya makabawi sa pagkatumba, naisara na at nai-lock na nito ang pintuan ng kanyang silid.

"Tita, buksan mo 'to!" Kinalampag niya ang pintuan at pinihit ang sendura para subukan na lumabas. "Tita! hindi niyo pwedeng gawin sa akin 'to!"

"Lalabas ka lang ri'yan kapag ikakasal na kayo ni Lucas! Masyado kang mapagmatigas, Estella! Kung ang daddy mo ay napapakiusapan ka. Pwes, ibahin mo ako! Hindi kita bibigyan ng pagkakataon. Kung kinakailangang putulin ko ang mga paa mo ay gagawin ko huwag ka lang makatakas!" sigaw nito mula sa labas.

"Tita Ellen, buksan mo ito! Palabasin mo ako rito! Wag mong gawin sa akin ito!" Patuloy pa rin ang kanyang pagpalo sa pintuan. Halos mamaga na ang kanyang kamay subalit hindi na pa rin siya pinakinggan ng matanda. Bingi ito sa pagmamakaawa niya.

"Hanggang kailan natin ikukulong ang babaeng 'yan di'yan? Gusto ko sanang kunin ang mga gamit niya." Atat na tanong ni Luna. "Lalo na ang mga damitit niya. Magaganda pa naman, lalo na yung regalo ng mga bosses noong nagbirthday siya."

"Sakin mommy yung mga bags," sabi naman ni Rosa.

"Oo mga anak, basta, kapag naikasal na siya at nakaalis ng bahay na ito, kunin niyo na ang lahat ng gamit niya na gusto niyo. Yung iba naman, ibibenta natin online," parang halimaw ang tinig ng kanyang tita Ellen. Naririnig niya ang pinag-uusapan ng mag-iina, at garapalan pa talaga sila kung mag-usap, mga walang kahihiyan!

Tinigilan na niya ang pagpalo sa pinto. Isisave niya ang kanyang energy upang makapagplano. Hindi siya maaaring diktahan ng kahit na sino, lalo pa ng kanyang papa. Simula noong mawala ang kanyang mama, doon niya nalaman na may dati itong kinakasama, at may anak silang dalawa, ang kanyang mga evil step sisters, na walang ginawa kundi lustayin ang mga perang pinaghirapan ng kanyang mama. Hindi man lang nag-aral ang mga ito upang may pakinabang sa mundo.

Inis na inis siya, subalit hindi siya dapat magpanic. Hindi siya makakapag-isip, kapag nagpaapekto siya sa kanyang mga narinig kanina.

"Hindi ako makakapayag na pagdisisyunan ninyo ang aking buhay. Lalo na ang buhay pag-ibig ko. Kaya kong maging matandang dalaga na lamang kesa magpakasal sa matandang iyon na halos lolo ko na."

Nakarinig siya ng mga yabag mula sa labas. Kumatok iyon, saka tumawa.

"Knock knock, sis!" Narinig niya ang tawanan ng dalawang m*****a na parang inaasar siya. "Magpakasal ka na lang kasi, sayang naman. Alam mo ba, nalaman namin na maraming pagmamay-ari ang matandang iyon? Baka mamatay na yun after ng kasal niyo, o kaya, habang kinakabayo ka niya, atakehin siya sa puso, oh, eh di instant milyonaryo na tayo!"

"Kapag ako, nakalabas dito, kakalbuhin ko kayong dalawa!" Banta niya sa mga ito. Napangisi siya, at iniready ang maliit na bag na gagamitin upang makaalis ng lugar na iyon. Laman noon ang kanyang mga ID, passbook, ATM, at konting cash.

Nagbihis na rin siya ng damit na makakakilos siya ng maayos. Alam niyang maaasar ang dalawang ito, at bubuksan ang pinto, upang pagtulungan siya. Inihanda na niya ang kanyang sarili, upang makatakas. Kilala niya ang dalawang ito, magaling mang-asar subalit mga pikon.

"Huh? Paano mo gagawin yun, eh nakakulong ka diyan?" Saka naghagikhikan ang mga ito, "Magiging Mrs. Vuenaventura ka na sis. May lolo ka na, may asawa ka pa. Hugasan mo ng pwet kapag tumae."

Talagang inuubos ng mga ito ang kanyang pasensya!

"Bakit nga ba hindi kayo ang natipuhan ng matandang iyon?" sagot niya sa mga ito. "Hay… bakit kasi kamukha kayo ng mama niyo, hindi tuloy kayo kagandahan. Katawan niyo, wala pang korte. Kung ikakasal man kami ng matandang iyon, sisiguraduhin kong maghihirap kayo. Hindi ko kayo aambunan ng kahit na konti."

"Ano kamo?" mataas ang boses ni Luna nang tanungin siya. Lihim siyang napangiti. Alam niyang umuubra ang kanyang planong asarin ang mga ito.

Asar talo pa at mga pikon kasi!

"Hindi ko kayo bibiyayaan. Ano ako? Magpapakain ng mga walang pakinabang? Tsk… kung ako sa inyo, magpapaganda ako, para naman may mag-aalok din sa inyo ng kasal," lalo niyang pinag-iinit ang ulo ng mga ito. "Akala siguro nila, kakaya kayahin nila ako. Tapos na ang aking paghihirap sa pamilyang ito. Kailangan ko na silang sukuan. Tutal naman, wala na ring pagmamahal ang daddy sakin." bulong niya sa kanyang sarili. Nagrerebelde ang kanyang puso dahil sa kanyang sasapitin. Kailangan niyang makaalis sa lugar na ito bago pa siya makasal sa matandang hukluban na ‘yon.

"Napakayabang mo, Estella… sino ang may sabing pangit kami?" Galit si Rosa, "kunin mo nga ang susi, at sasampolan natin ang babaeng ‘to ng gulpi ng magtanda siya,” narinig niyang utos nito sa kapatid, "Dapat alam ng babaeng ito kung paano gumalang sa mas matanda sa kanya!"

Lalo niyang pinag-igihan ang pang-aasar. "Kaya nga ako ang nagustuhan ng matandang iyon, kasi nga, kayo, mukhang mga bilasang isda, eh ako, sariwa na, virgin pa. Ilan na ba ang nakakangkang sayo sis? Baka naman malaki na ang butas niyan?" Alam niyang sa mga oras na iyon, para ng toro ang mga ito sa sobrang inis sa kanya.

"Kakalbuhin kitang babae ka! Makikita mo!" banta ni Rosa sa kanya, na sa tantiya niya, ay naginginig na sa galit at namumula na ang pisnging puno ng tagiyawat. Narinig niya ang pagtakbo ni Luna papalapit. Lumayo siya ng konti sa may pinto, dahil malamang, babalyahin iyon ng dalawa.

Hindi nga siya nagkamali, talagang pabagsak na binuksan ng mga ito ang pinto at nanlilisik ang mga matang pumasok. Habang siya naman ay pangisi-ngisi lang, na lalong ikinagalit ng mga ‘to.

"Oh, mga sis. Kalma lang at baka kayo ma-stroke. Galit yarn?" napapahagikhik pa siya, "Baka magputukan yang mga pimples niyo sa mukha. Ano ba kasi ang ipinapahid niyo diyan? T***d?"

"Bastos ka talagang sampid ka!" sigaw ni Rosa, na akmang susugod na sa kanya.

Tinaas niya ang kamay para pigilan ito. "Ah, mga sis, kalma, okay? Mga pangit na nga kayo, mga duwag pa? Paano kung mapuruhan niyo ang maganda kong mukha, ano ang sasabihin ninyo kay Lucas? Gusto niyo ba, tawagan ko siya ngayon din?" Pagbabanta niya sa mga ito. Nagpanic ang hitsura ng kanyang mga step sisters. Hindi agad nakahuma sa sinabi niya.

"Luna, sa labas ka muna, kakatukin na lang kita kapag nabalda ko na ang babaeng ito. Sa katawan ang tira, para hindi madamage ang mukha," wika ni Rosa sa kapatid.

"Sige ate, basta, titira din ako ha? Matagal tagal ko ng gustong saktan ang babaeng iyan magagalit lang si daddy. At least ngayon, sabihin natin, nagwawala siya." saka ito masayang lumabas ng kanyang kwarto.

"Paano pangit, sugod na!" Naghahamon na utos niya rito. Halatang gigil na gigil ito sa kanya; at mas gusto niya iyon dahil tatalab ang plano niya.

Sabik na sabik si Luna ng marinig ang mga katok mula sa loob, nagmamadali itong pumasok sa pag-aakalang ang ate niya ito. "Ako naman—“ hindi na naituloy ni Luna ang sasabihin, dahil natumba na ito ng dapuan ng kamao.

Hinila niya ito sa papasok ng kwarto. Itinabi niya ito sa nakataling si Rosa, na ngayon ay may busal na ang bibig.

"Oh, paano ba yan, mukhang magugupit ko ang inyong buhok," nanlaki ang mata ng dalawa ng makita ang gunting na hawak niya. Sa pamamagitan ng tingin ay nagawa pa ng mga ‘to na magbanta. Pero hindi siya papayag na hindi makaganti. Bago siya aalis ay gaganti muna siya. “Deserve ninyong makalbo… ito na!” Bakas ang galit sa kanilang mata nang gupitin niya ang buhok ng dalawa. Wala na itong nagawa ng halos ubusin niya ang mahahaba nilang buhok.

Pinagpag niya ang dalawang kamay. “Oh, paano ba ‘yan sis. Aalis na ko, bye.." Madali siyang nakalabas, dahil wala doon ang kanyang madrasta, baka kaya naisipan ng dalawa niyang kapatid na pangit na bullyhin siya. Hindi siya maaaring manahimik ngayon, kahit man lang sa kahuli-hulihang pagkakataon maiganti niya ang kanyang sarili. Nagmamadali siyang sumakay ng taxi sa labas.

"Manong, diretso lang," utos niya sa driver pagkasakay. Nakita pa niya ng magkasalisi ang kotse ng kanyang madrasta at ng sinasakyan niya. Napausal siya ng pasasalamat ng makalagpas na dito "Salamat, Lord, hindi mo ako pinabayaan." Napaantanda na lang siya. Napatingin siya sa rear view ng sasakyan. Nakatingin sa kanya ang driver noon.

‘Gosh ang gwapo niya!’

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status