PAALIS NA SIYANG muli nang magsalita si David. Humigpit ang hawak niya sa strap ng bag na dala-dala."Nasa hospital siya. She's sick. Wala na rin siyang ibang pamilya at ang mga malalayong kamag-anak naman ay ayaw rin siyang tulungan dahil natatakot sila sa kanya dahil galing siya sa kulungan..."Nalaglag ang panga niya sa pagkabigla. Napahawak siya sa dibdib nang sandali itong nanikip at nahirapan siyang huminga."Prison must be hell to her, then," nanginginig na sabi niya. "Tinutulungan siya ni Fiona ngayon, siya ang nagbabayad ng hospital bills niya. Fiona thinks she still owes that person, that's why," tuloy-tuloy na sabi ni David.Hindi umimik si Yanna at napaatras nang humakbang ng isang beses palapit si David sa kanya.Napaigtad siya nang hawakan ng lalaki ang kamay niya at sisigawan na sana siya nito kung hindi lang niya naramdaman na may inilagay ang lalaking papel sa palad niya."Alam ko galit ka at hindi ko rin alam kung paano ako hihingi ng tawad sa lahat. But I will try
SA PAGKAKAALAM ni Yanna ay galit si Fiona kay Hiraya Cruz, ang biological mother ni Yanna na nakulong ng ilang taon dahil napag-alaman na pinagpalit nito ang anak sa anak ng mga Smith para magkaroon ng marangyang buhay.Nakatitig siya ngayon sa harap ng tablet niya sa kusina ng tinutuluyang condo. Sinulat niya ang nangyari ngayong araw, na nakita niya si Fiona na lumabas mismo sa hospital room ni Hiraya. Napuno ng pagtataka ang isip niya.Nasa ganoon siyang posisyon nang pumasok ni Kristoff. Lumapit ito sa kanya at humalik sa ulo nito bago naupo sa tabi niya."What happened? Hindi kayo nakapag-usap?" tanong ni Kristoff.Sinadya niyang hindi magkwento sa text dahil gusto niyang personal na sabihin dito ang nasaksihan.Tinuro niya ang nakasulat na sa tablet niya at nakabilog pa ng kulay pula."Lumabas si Fiona sa kwarto ni Hiraya," basa ni Yanna sa sariling sulat at kinagat ang hinlalaki sa kamay habang nag-iisip. "Something is really weird.""What? May kasama ba siya?" tanong ni Kristo
NAPATAYO SI KRISTOFF nang makita na si Yanna ang pumasok sa opisina niya. Pabiro niyang pinaningkitan ng mata ang dalaga bago ngumiti at kinuha ang dala nito na lunch box."Na-bo-bored na ako sa condo," natatawang kwento ng babae. "Baka magkikita kami ni Kuya Paulo mamaya, nakarating na raw siya kagabi."Sumulyap si Kristoff sa vintage wall clock na nasa opisina niya. Pagkatapos ay iminuwestra niya ang upuan para maupo si Yanna na agad namang ginawa ng babae."Actually, dadaan siya rito mamaya. After lunch ang sabi niya," saad ni Kristoff na ang tinutukoy ay si Paulo.Hindi inaasahan ni Kristoff na magiging sobrang close nila ni Paulo. Siguro dahil na rin sa dami ng nangyari. Paulo became one of his closest friends, kung tutuusin ay pwede na nga niyang sabihin na si Paulo nga ang best friend niya.Binuksan ni Kristoff ang lunch box at napangiti nang manuot sa ilong niya ang amoy ng bagong luto na tinola."Dumaan lang talaga ako pata ihatid iyan," sabi ni Yanna na tila nagpapaalam na.
MAGKAKRUS ANG DALAWA niyang kamay sa harap ng kanyang dibdib habang nakasandal sa kanyang sasakyan. Malamig na tingin ang sinalubong ni Yanna sa titig ni David na tila kinakabahan."Don't get me wrong," pauna ni Yanna. "Hindi kita gustong kausapin, ayaw ko lang na kung ano ang isipin ng mga tao roon lalo na't empleyado niyo ang mga iyon. I don't want Kristoff to be in such a mess because of me."Mapait na ngumiti si David at tumango, hindi na nakipagtalo pa sa mga sinabi ni Yanna. Sa halip ay tumayo lang ito sa harap ng babae, maayos ang tindig, at nakapamulsa ang dalawang kamay.Isang linggo mula noong huli silang magkita ay napansin agad ni Yanna ang bagong tubo na balbas nito. He looked more manly on it. Gayunpaman ay kapansin-pansin ang tila biglaang pagpayat ni David. Hindi nalang iyon pinuna ni Yanna dahil ayaw niyang isipin ng lalaki na may pakielam siya rito."Uhh..." Nahihiyang sinuklay ni David ang sariling buhok habang nag-iisip ng sasabihin kay Yanna. Ngayong kaharap na ni
SINUNDAN NI DAVID nang tingin ang sasakyan ni Yanna na papalayo. Ilang araw rin siyang hindi nagparamdam sa babae dahil ayaw niyang tuluyang magalit ito sa kanya. Ngunit ngayon na nagkausap sila at nilinaw niya kay Yanna ang totoong nararamdaman niya, pakiramdam ni David ay mas lalong lumayo ang loob sa kanya ng babae. Pero naiintindihan niya iyon, sino nga ba naman siya para tanggapin at patawarin pagkatapos ng lahat.Nang hindi na niya matanaw ang sasakyan ni Yanna ay tumalikod na siya para bumalik sa loob nang bigla nalang siyang salubungin ng kamao ng kung sino.Nalasahan niya ang metal sa bibig. Pinunasan niya iyon at nakita ang ilang patak ng dugo sa kanyang kamay. Nanlilisik ang mga mata at handa ng sumugod nang makilala niya kung sino iyon. Sumalubong sa kanya ang itim at nagngangalit na mga mata ni Paulo. Isang suntok na naman ang pinakawalan ng lalaki at tinanggap na lamang iyon ni David. Hindi siya gumanti at hindi niya rin iyon iniwasan. Matapos ang dalawang suntok ay k
"MAY SAKIT SA PUSO si Yanna mula pagkabata. Hindi ganoon kalakas ang katawan niya. Yung operasyon para mag-donate siya ng kidney kay Fiona? Everyone knows that will be her death bed. At isa ka sa mga taong namilit sa kanya na gawin iyon, isa ka sa mga taong gustong pumatay sa kanya!"Ilang minuto na ang lumipas mula nang makaalis si Paulo sa harapan ni David subalit tulala pa rin si David at hindi maproseso ng tuluyan ang narinig."May sakit sa puso si Yanna mula pagkabata..."Unti-unting nag-sink in sa kanya ang nangyari noong mga panahon na iyon. Kung paano magmakaawa si Yanna sa kanya na tulungan niya ito. Kung paano nito pinipilit na mamamatay siya roon.At noong pinapili siya ni Yanna sa kanilang dalawa ni Fiona... sinabi niya na kailanman ay hindi niya pipiliin si Yanna.Malakas na sinuntok niya ang walang kamuwang-muwang na mader at inulit pa iyon ng ilang beses. Tumutulo na ang dugo mula sa kanyang kamay pero wala siyang pakielam dahil wala siyang maramdaman.Nang makakuha ng
HINDI MAKAPANIWALA si David sa naririnig na mga salita mula sa pamilyang pinagkatiwalaan niya ng sobra. Sa paraan ng pananalita ng mga ito ay tila gusto nilang baliktarin si Yanna."Walang sinabi sa akin si Yanna at kahit may dapat siyang sabihin ay hindi niya ginawa. She's mad at me... and her feelings are valid.""Then what the hell are you trying to prove now, David?" mas kalmado na kaysa kanina ngunit bakas pa rin sa boses ang galit na sabi ni Elizabeth Smith. "I respect you a lot and adore you a lot. Gusto kita para sa anak ko at para maging parte ng pamilya namin, alam mo iyan. But you, doing this right now? Pointing finger at us. I don't appreciate it."Kitang-kita ang pagkadismaya sa mukha ni Elizabeth. "Alam niyo po na may sakit si Yanna sa puso pero pinilit niyo pa rin siya mag-donate ng kidney para kay Fiona," saad ng lalaki, hindi naninigaw ngunit bakas ang pagkadismaya sa boses nito."Fiona needs a kidney, David. We need an urgent donor back then, alam mo iyan," sagot ni
SA HARAP NG isang simpleng bahay na napaliligiran ng mga puno't halaman, sa bako-bakong daan at walang mga sasakyan na dumadaan, ay nakatayo si Yanna. Nakasuot ito ng puting bestida na hanggang tuhod. Hinahangin ng bahagya ang dulo ng bestida nito at ang mahaba niyang buhok."Wait lang po, tatawagin ko lang si Tita."Tumakbo ang isang teenager na lalaki papasok sa bahay at narinig ni Yanna ang pagtawag nito sa kanyang tita. Sa pagkakataong iyon ay naramdaman niya ang panlalamig ng katawan sa kaba sa magiging reaksyon ng babae.Ilang minuto pa ay lumabas sa bahay na iyon ang isang medyo may katandaan ng babae. Sumikip ang dibdib niya habang pinagmamasdan ito, sa ilang taon na lumipas ay halata ang pagbabago sa katawan ng babae."Sino iyan?" malakas ang boses na tanong nito dahil hindi siya mamukhaan. Naglakad pa ito palapit sa kanya habang naniningkit ang mga mata."Ako po ito, Manang Rose," mahina at nanginginig ang boses na sabi ni Yanna. Napalunok siya dahil sa sandaling iyon ay gus
"CHECK FIONA'S WHERABOUTS ON THIS DATE."Ibinigay ni David ang date noong bago nakulong si Fiona maging noong bago ito mahuli na may kasamang lalaki sa hotel. Ngayong nalaman niya na na si Fiona nga ang nasa likod no'n, talagang kahina-hinala ang babae noon pa man dahil papaanong naniwala nalang siya rito na nakita niya si Yanna basta-basta at sa ganoong pagkakataon pa?"Fiona... Smith, Sir?" gulat na sabi ng assistant niya na siyang inuutusan niya ng halos lahat ng bagay."May problema ba?" salubong ang kilay na tanong niya pabalik sa lalaki.The guy was taken aback. Agad ito humingi ng paumanhin kahit hindi naman dapat."May ipapagawa pa po kayong iba?""Give me the current standing of the Smiths," sabi niya. "Business and personal."Tumayo ng tuwid ang assistant niya na tila ba handang-handa sa ire-report sa harap ng boss."Maraming tumalikod sa kanila nang malaman na halos wala na silang shares sa Smith Group. Some lose their trust, too, at ang iba ay takot ng tumayang muli sa kan
Ilang taon at panahon nga ba ang sinayang niya dahil naniwala siya sa ibang tao at hindi sa taong mahal niya?Labis ang pagsisisi ni David nang makauwi siya ng Pilipinas. Kumukulo ang dugo niya sa galit pero ang unang taong gusto niyang makita sa mga oras na iyon ay si Yanna.Namumungay ang mga mata na binuksan ni Yanna ang pintuan ng unit niya. Pagbukas ng pintuan ni Yanna ay bumalik sa isipan ni David yung araw na nakita niya ang babae na may ibang kasamang lalaki sa kama. Lahat ng mga masasakit na salitang sinabi ni David kay Yanna ay nanumbalik sa kanyang isipan.Hindi niya namalayang tumulo na pala ang kanyang luha habang nakatingin sa mukha ni Yanna na ngayon ay kunot ang noo at medyo nag-aalala."Ano'ng nangyari sa'yo?" nagtatakang tanong ni Yanna at binuksan pa ang pintuan para makapasok si David.Nang maisara ang pintuan ay hinigit ni David si Yanna at niyakap mula sa likuran nito. Ang mga luha niya ay isa-isang pumapatak sa balikat ni Yanna."I'm sorry," garalgal ang boses n
MAGANDA ANG GISING NI YANNA. Pagkatapos niyang tawagan ang anak kaninang madaling-araw, ngayon naman ay katatapos niya mag-jogging. Umupo ito sa isang bench sa may park para magpahinga at uminom ng baon niyang tubig. Mag-isa niya lang ngayon at payapa ang kapaligiran. May mga bata sa paligid, mga aso kasama ang kanilang mga amo, at mga nagbebenta ng pandesal, kakanin, at palamig. Sa hindi kalayuan ay may natanaw siyang shop na mukhang nagtitinda ng mga bulaklak base sa makulay nitong harapan at ilang mga bulaklak sa labas. Nag-stretching lang siya sandali bago lumakad patungo roon. "This great day deserves some flowers," maligayang wika niya sa sarili. At tama nga siya, flower shop iyon at medyo may kalakihan. "Magandang umaga po," bati ng nagbabantay. Tumingin siya sa paligid, wala pang tao na bumibili maliban sa isang lalaki na ngayon ay ine-entertain pa ng isang nagbebenta roon. "Ang aga niyo pong nagbukas," puna niya at ngumiti sa babaeng nasa harapan. Paglingon niya ay na
PINIGILAN NI DAVID ang sarili na suntukin ang lalaking nasa harapan. Nakaupo ito sa upuan at may posas ang dalawang kamay. Hindi na siya nahirapang hanapin ang lalaki dahil accurate ang nasagap nilang impormasyon tungkol sa lokasyon niya ngunit nang mamukhaan siya ay sinubukang tumakas nito. Mabuti na lamang ay prepared siya roon at nakaikot na ang mga tao niya sa mga posibleng takbuhan nito. Kevin Alejandro... That was his real name. The man behind Yanna's sufferings. And the one who ruined them. "I can kill you right at this moment," nagngangalit na sabi ni David habang masama ang tingin sa lalaki na nakangisi pa sa kanyang harapan ngayon. Kevin laughed like a mad man. "Bakit? Ano ba ang ginawa ko?" Tila inosenteng sabi nito habang nakangisi. Kinuyom ni David ang dalawang kamao at hinampas ng malakas ang mesa na nasa pagitan nila. "I want to hear the truth from you," mariing sabi ni David. "Eight years ago..." Umigting ang panga niya nang maalala ang mga nangyari. "Were
"WALA PA RIN BANG USAD ANG IMBESTIGASYON?" Nasapo ni Yanna ang noo habang ka-meeting ngayong araw ang mga kasama niya sa pag-iimbestiga sa kaso niya. "Hindi kami makakuha ng matinong sagot sa mga nakasama mo sa kulungan, Ma'am, hindi rin daw nila kilala ng personal ang nag-utos," sabi ng isang lalaki. Kristoff patted her back. "Relax, alright? Matatapos din ito." Nagbuga ng hininga si Yanna at agad inayos ang sarili. Dali-dali siyang humingi ng sorry sa mga kaharap dahil sa inasal. Pakiramdam kasi niya ay nauubusan na siya ng oras at habang tumatagal ay mas lalong wala silang nakukuha. "Yanna's biological mother, may bago ba kayong impormasyon sa kanya?" tanong ni Kristoff at noon lang muling naalala ni Yanna na hindi pa nga pala niya nakakaharap ang babae. "She's a liar," mapait na sambit ni Yanna. "Lahat ng sinabi niya sa kanila ay puro kasinungalingan. I'm sure she knows someting- kung hindi man siya ang pinaka-mastermind." "Ayon sa doctor ay totoo na may sakit ito at ang ma
DAVID EXPLORED HER body like he's trying to memorize every inch of it. Lahat na yata ng sulok ng katawan niya ay nadaanan ng kamay ng lalaki. Bumaba ang labi ni David sa collar bone niya. He sniffed and tasted her skin like it's the best dish he'd ever tasted. Napasinghap si Yanna at pumikit nang mariin. Pinigilan niya ang sarili na umungol dahil ayaw niyang malaman ng lalaki kung gaano siya kasabik sa katawan nito. Napaliyad siya nang bumaba ang dila ni David sa kanyang dibdib hanggang sa tinunton nito ang kaliwang nipples niya na naghihintay ng matikman kanina pa. He licked it like an icing. Ang isang kamay ni David ay nakahawak sa isa niya pang kabundukan. A soft moan came from her lips. Tumigil si David at inangat ang ulo upang makita ang mukha ni Yanna. "That's it?" anito at nanlaki ang mga mata ni Yanna sa gulat nang dakmain ng lalaki ang perlas niya. Sakop na sakop ng malaking kamay nito ang pagkababae niya na ngayon ay basang-basa na rin. "AAAHH," napaliyad ito nang
SININDI NI YANNA ang ilaw at bumungad sa kanila ang isang double size na bed. Tumikhim siya at inikot ang mata sa kabuuan ng kwarto. May dalawang upuan at isang mesa pero walang sofa na pwedeng tulugan ng isa sa kanila. "Sino'ng mauuna mag-shower?" "Are you going to shower first?" Nagkatinginan sila dahil sabay silang nagsalita. Kapwa sila natigilan at sabay rin na nag-iwas ng tingin. "Y-you go first," sabi ni David. "H-hindi, ikaw na muna," saad naman ni Yanna at naglalad palapit sa cabinet upang ilagay ang bag niya. "Ikaw na, magpapatuyo ka pa ng buhok." Hindi na nakipagtalo pa si Yanna at kinuha na ang mga gamit. Naligo ito habang ang utak ay nasa taong nasa labas ng banyo. Malakas ang dagundong ng dibdib niya at hindi kayang alisin ng malamig na tubig ang init ng pisngi niya. Pagkatapos maligo at saka niya lang na-realize na wala siyang dalang tuwalya sa loob. "Shit," tarantang sabi niya. Huminga ito nang malalim at kumatok sa pinto mula sa loob. "David?" "Wh
"SAAN TAYO PUPUNTA?" Pagkatapos mag-breakfast ay dinala ni David si Yanna iba pang lugar. Isang magandang resort na maraming activities na pwedeng gawin. Pinagmasdan ni Yanna ang paligid, tulad kahapon ay hindi pamilyar sa kanya ang lugar kung nasaan sila. Nang hindi siya sagutin ni David ay nagsalita itong muli. "Huwag mong sabihin na sa'yo rin ito?" Napahalakhak ang lalaki. "No. Pero alam kong mag-e-enjoy ka rito." Pinaliitan ng mata ni Yanna si David. "Bakit pakiramdam ko ay iniyayabang mo lang sa akin lahat ng ari-arian mo?" Nagpakawala ng maikling ngiti si David at hinawakan ang siko ng babae upang igiya sa pupuntahan nila. "Hindi ko na kailangan gawin iyon." "Huh?" "Mapapa-sa'yo rin naman lahat," mahinang sabi ni David na hindi gaanong narinig ni Yanna. "Ano iyon?" Nakangiting umiling ang lalaki at hindi na sumagot pa. Pagpasok ay nakita agad ni Yanna ang hagdan na pataas, sa isang gilid ay ang pader na ginagamit para sa wall climbing. May malawak din na espasyo
"PWEDE BA AKONG MAGTANONG?" tanong ni David kay Yanna na ngayon ay katabi niya. Nakaupo sila sa tig-isa nilang camping chair habang kumakain ng mga inihaw nila kanina na isda, barbecue, at mga gulay na paborito ni Yanna. Sumulyap si David sa dalaga, hanggang ngayon ay hindi niya lubos akalain na darating muli siya sa ganitong sitwasyon, na nasa tabi niya ang babae, hindi galit o hindi siya pinagtatabuyan. Lahat ay payapa sa kasalukuyan para kay David. At gagawin niya ang lahat para mapanatili ang kapayapaang iyon. "Ano iyon?" sagot ni Yanna bago sumubo ng kanin. "How was it like living like a dead person?" seryosong tanong niya. Matagal na niyang gustong malaman kung ano ba talaga ang nangyari kay Yanna. Kita ang pagkabigla ng babae sa tanong ni David. Ibinaba nito ang hawak na kutsara at tipid na ngumiti sa lalaki. Bago sumagot ay uminom muna ito ng tubig. "Mahirap," unang salita ni Yanna. Ilang sandali itong tumahimik bago nagpatuloy. "Pero mas okay na iyon sa akin kaysa