BUMALIK SA ISIPAN niya ang nangyari noong araw na iyon nang may unknown number na tumawag sa cellphone niya.Eight years ago...Kapapasok lamang ni Brianna sa kwarto niya at kakatapos lang nila kumain sa labas na pamilya. Masaya siya at nakangiti pa habang bitbit ang ilang paperbags na pinamili nila ng mommy niya.Ibinaba niya lahat ng iyon sa isang gilid bago nagtungo sa damitan upang kumuha ng pamalit at nag-shower.Paglabas niya ng CR ay nag-ring ang cellphone niya. Agad niya iyong tiningnan. Hindi siya sumasagot ng unknown number at lagi rin namang bilin sa kanya iyon ng mga magulang lalo na at isa silang mayamang pamilya, talamak ang mga manloloko sa paligid.Gayunpaman ay pinag-iisipan niyang sagutin ang tawag dahil naalala niya na may pina-customize siyang relo para kay David, ibibigay niya iyon sa kaarawan ng lalaki. Ibinigay niya ang number at email niya doon sa pinagbilhan niya ng relo at inaasahan ang tawag nito ngayon o bukas.Kaya naman sinagot niya ang tawag sa pag-aakal
PAALIS NA SIYANG muli nang magsalita si David. Humigpit ang hawak niya sa strap ng bag na dala-dala."Nasa hospital siya. She's sick. Wala na rin siyang ibang pamilya at ang mga malalayong kamag-anak naman ay ayaw rin siyang tulungan dahil natatakot sila sa kanya dahil galing siya sa kulungan..."Nalaglag ang panga niya sa pagkabigla. Napahawak siya sa dibdib nang sandali itong nanikip at nahirapan siyang huminga."Prison must be hell to her, then," nanginginig na sabi niya. "Tinutulungan siya ni Fiona ngayon, siya ang nagbabayad ng hospital bills niya. Fiona thinks she still owes that person, that's why," tuloy-tuloy na sabi ni David.Hindi umimik si Yanna at napaatras nang humakbang ng isang beses palapit si David sa kanya.Napaigtad siya nang hawakan ng lalaki ang kamay niya at sisigawan na sana siya nito kung hindi lang niya naramdaman na may inilagay ang lalaking papel sa palad niya."Alam ko galit ka at hindi ko rin alam kung paano ako hihingi ng tawad sa lahat. But I will try
SA PAGKAKAALAM ni Yanna ay galit si Fiona kay Hiraya Cruz, ang biological mother ni Yanna na nakulong ng ilang taon dahil napag-alaman na pinagpalit nito ang anak sa anak ng mga Smith para magkaroon ng marangyang buhay.Nakatitig siya ngayon sa harap ng tablet niya sa kusina ng tinutuluyang condo. Sinulat niya ang nangyari ngayong araw, na nakita niya si Fiona na lumabas mismo sa hospital room ni Hiraya. Napuno ng pagtataka ang isip niya.Nasa ganoon siyang posisyon nang pumasok ni Kristoff. Lumapit ito sa kanya at humalik sa ulo nito bago naupo sa tabi niya."What happened? Hindi kayo nakapag-usap?" tanong ni Kristoff.Sinadya niyang hindi magkwento sa text dahil gusto niyang personal na sabihin dito ang nasaksihan.Tinuro niya ang nakasulat na sa tablet niya at nakabilog pa ng kulay pula."Lumabas si Fiona sa kwarto ni Hiraya," basa ni Yanna sa sariling sulat at kinagat ang hinlalaki sa kamay habang nag-iisip. "Something is really weird.""What? May kasama ba siya?" tanong ni Kristo
NAPATAYO SI KRISTOFF nang makita na si Yanna ang pumasok sa opisina niya. Pabiro niyang pinaningkitan ng mata ang dalaga bago ngumiti at kinuha ang dala nito na lunch box."Na-bo-bored na ako sa condo," natatawang kwento ng babae. "Baka magkikita kami ni Kuya Paulo mamaya, nakarating na raw siya kagabi."Sumulyap si Kristoff sa vintage wall clock na nasa opisina niya. Pagkatapos ay iminuwestra niya ang upuan para maupo si Yanna na agad namang ginawa ng babae."Actually, dadaan siya rito mamaya. After lunch ang sabi niya," saad ni Kristoff na ang tinutukoy ay si Paulo.Hindi inaasahan ni Kristoff na magiging sobrang close nila ni Paulo. Siguro dahil na rin sa dami ng nangyari. Paulo became one of his closest friends, kung tutuusin ay pwede na nga niyang sabihin na si Paulo nga ang best friend niya.Binuksan ni Kristoff ang lunch box at napangiti nang manuot sa ilong niya ang amoy ng bagong luto na tinola."Dumaan lang talaga ako pata ihatid iyan," sabi ni Yanna na tila nagpapaalam na.
MAGKAKRUS ANG DALAWA niyang kamay sa harap ng kanyang dibdib habang nakasandal sa kanyang sasakyan. Malamig na tingin ang sinalubong ni Yanna sa titig ni David na tila kinakabahan."Don't get me wrong," pauna ni Yanna. "Hindi kita gustong kausapin, ayaw ko lang na kung ano ang isipin ng mga tao roon lalo na't empleyado niyo ang mga iyon. I don't want Kristoff to be in such a mess because of me."Mapait na ngumiti si David at tumango, hindi na nakipagtalo pa sa mga sinabi ni Yanna. Sa halip ay tumayo lang ito sa harap ng babae, maayos ang tindig, at nakapamulsa ang dalawang kamay.Isang linggo mula noong huli silang magkita ay napansin agad ni Yanna ang bagong tubo na balbas nito. He looked more manly on it. Gayunpaman ay kapansin-pansin ang tila biglaang pagpayat ni David. Hindi nalang iyon pinuna ni Yanna dahil ayaw niyang isipin ng lalaki na may pakielam siya rito."Uhh..." Nahihiyang sinuklay ni David ang sariling buhok habang nag-iisip ng sasabihin kay Yanna. Ngayong kaharap na ni
SINUNDAN NI DAVID nang tingin ang sasakyan ni Yanna na papalayo. Ilang araw rin siyang hindi nagparamdam sa babae dahil ayaw niyang tuluyang magalit ito sa kanya. Ngunit ngayon na nagkausap sila at nilinaw niya kay Yanna ang totoong nararamdaman niya, pakiramdam ni David ay mas lalong lumayo ang loob sa kanya ng babae. Pero naiintindihan niya iyon, sino nga ba naman siya para tanggapin at patawarin pagkatapos ng lahat.Nang hindi na niya matanaw ang sasakyan ni Yanna ay tumalikod na siya para bumalik sa loob nang bigla nalang siyang salubungin ng kamao ng kung sino.Nalasahan niya ang metal sa bibig. Pinunasan niya iyon at nakita ang ilang patak ng dugo sa kanyang kamay. Nanlilisik ang mga mata at handa ng sumugod nang makilala niya kung sino iyon. Sumalubong sa kanya ang itim at nagngangalit na mga mata ni Paulo. Isang suntok na naman ang pinakawalan ng lalaki at tinanggap na lamang iyon ni David. Hindi siya gumanti at hindi niya rin iyon iniwasan. Matapos ang dalawang suntok ay k
Huminga nang malalim si Brianna pagkalabas na pagkalabas ng kulungan. Unti-unti niyang minulat ang kanyang mata at bumungad ang ilang puno at ang kalsada sa harap niya.Limang taon...Limang taon siyang nabilanggo.Limang taon siyang naghirap.Limang taon ang kinuha sa kanyang buhay para pagsisihan ang isang kasalanan na hindi naman siya ang may gawa."Lalayo na ako sa pamilyang iyon..." aniya sa sarili habang sumisikip ang dibdib. "Kahit masakit."Pumara ng taxi ang dalaga, mabuti na lang ay may dumaan."Manong, sa may Dosco Condominium po," sambit niya sa driver na hindi naman tumugon sa sinabi niya.Hinayaan na lamang iyon ng dalaga at tumingin sa labas ng bintana.Nakakapanibago, ibang-iba talaga ang hangin sa labas. Napangiti siya dahil sa kabila ng hirap na dinanas, ngayon ay makakahinga na siya ng mas maluwag."Grabe po, ano? May mga hotel na rin po palang nakatayo rito?" daldal niya sa driver. "Dati po ay mga lumang bahay na may kaliitan lang ang nakatayo diyan."Muli ay hindi
"F-fiance m-mo?"Wala na halos lakas ang dalaga pero nagawa niya pa ring maiyukom ang kamao sa galit at sakit na gustong sumabog.Does she even deserve this?Hindi pa ba sapat ang lahat ng paghihirap na dinanas niya sa limang taon?"Oh, oo nga pala, hindi ka updated sa mga nangyayari dahil nasa kulungan ka. News flash, fake sis, si David at Fiona na ang magpapakasal. Medyo naliwanagan ka na ba? Kaya pirmahan mo na iyan bilang regalo para sa dalawa..."Tila walang narinig ang dalaga at sa halip na makipagtalo pa kay Brent ay tumingin na lamang ito sa gawi ni David. Hinuli nito ang mga mata ng lalaki, umaasa na hindi totoo lahat ng narinig niya.Arranged-marriage lamang ang nangyari sa kanila six years ago. Pero sobrang nagkasundo sila sa maraming bagay. Sa kulang-kulang isang taon na magkasama sila, labis ang kasiyahan na dinulot ni David sa kanya.He's gentle with her.He's gentle with her heart.Dumating pa sa puntong ibinigay niya ng buong-buo ang sarili para sa lalaki. Alam niyang