Share

Chapter 100

"Nasaan ang anak ko? sino ang kumuha sa anak ko!" naghehestirikal na ako habang nasa lobby ng ospital. Ibinalita sa akin na may kumuha sa aking anak. Hindi ko malaman kung sino ang nagtraydor sa akin. Bakit may nakapasok doon ng hindi namamalayan ng gwardiya sa labas.

"Ma'am, huminahon kayo," awat sa akin ng isang nurse.

"Huminahon? putang ina! hihinahon ako? nawawala ang anak ko!" sigaw ko, "nasaan si Trina!!" sigaw ko pa sa kanila.

"Ah.. eh.. ma'am.. " napayuko ang nurse sa aking harapan, "si--si ma'am Ti-Trina po- na-nasa operating room."

"Bakit?" napamulagat siya ng malaman iyon.

"Sa-sabi po ng gwardiya, si mam Trina ang nalabas sa bata, pero nakita po namin siya, nasa gilid ng kama ni Blake, may laslas po siya sa leeg, hubad po siya.. puro sugat po ang kanyang mga kamay at braso.. May saksak po siya sa likod.

Nagmamadali kong tinakbo ang operating room. Halos liparin ko ang patungo doon. Hindi niya lubos maisip ang nangyari kay Trina.

May isang doctor na lumabas buhat doon
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status