Hinahanap ni Devon ang cord na maaaring putulin upang matanggap ang Bomba sa katawan ng paslit na si Blake. "Kuya Cris, parang walang cord na maliit ito, mukhang hindi ito Bomba,' sabi niya sa akin. Agad ko iyong tiningnan. Tama nga siya, wala iyong cord na may mga kulay, parang isang cable cord lang iyon. "Patingin nga," sabi ni Luis. Sinipat niya ang buong katawan ng bata. "Hindi po ako sasaktan ni mommy.." sabi ni Blake sa amin. "mabait po siya. Nangunot naman ang aking noo, "hindi ka talaga kayang saktan ng mommy mo, kaya nga hinanap ka niya, hindi ba?" 'HIndi siya.. si mommy Jhoanna, mabait po siya.. " sagot ng bata. "Ano ba itong inilagay niya sayo?" tanong ni Luis habang iniikot ikot ang bata. "Wala lang daw po itong suot ko kaya wag daw po akong matakot. Humingi siya ng sorry sa akin," humihikbing sabi ni Blake, "nasaktan lang daw po siya." "Kung ganoon, cord lang ito?" napatingin pa si Devon. Eksaktong pag alis nila ng cord, biglang sumabog ang kotse kung saa
Iyak ng iyak si Justine ng dumating sa ospital. Nagpilit akong bumangon upang makita siya. "Anak, kaya mo na ba?" tanong ni mommy sa akin. Nasa tabi siya ng aking anak na mahimbing na natutulog. “Oo, mommy,” sagot ko, pinipilit ang sarili na bumangon mula sa kama. Mahapdi pa ang mga sugat ko, pero hindi ko kayang magpahinga nang hindi nakikita si Justine. Kailangan kong malaman kung ayos lang siya, kung ligtas na siya mula sa kamay ni Jhoanna. Nang makarating ako sa pintuan ng kwarto, nakita ko si Justine na nakahiga habang nilalapatan ng paunang lunas. "Drake, lumabas ka muna, baka hindi mo kayanin ang makikita mo," pigil sa akin ni kuya Luis. "Nais ko siyang masilayan kahit ano pa ang nangyari sa kanya.." malungkot kong sabi. 'Binuhusan ni JHoanna ng asido ang kanyang mukha, nasira iyon, at sunog na sunog. Iba na ang hitsura niya ngayon." paliwanag ni Luis sa akin. "Kuya, kahit ano pa ang kanyang hitsura, alam ko sa sarili ko na iniibig ko siya. Marami namang procedure na maa
Isang linggo na kaming nanatili sa ospital, kasama si Blake. Kahit maayos na ang lagay namin, hindi pa rin mapanatag ang loob ko na iwan si Justine. Alam kong kailangan niya ng suporta at pagmamahal ngayon higit kailanman, kaya’t pinili naming manatili sa ospital upang alalayan siya. Si Blake ay palaging nasa tabi ko, tahimik ngunit bakas sa kanyang mga mata ang pag-aalala sa kanyang ina. Minsan ay hinahawakan niya ang kamay ni Justine, para bang nais iparamdam na nandito lang kami para sa kanya. "Mommy, andito lang kami ni daddy," bulong ni Blake sa kanya isang araw, habang nakaupo siya sa gilid ng kama ni Justine. "Magiging okay ka rin." Napangiti si Justine kahit halata ang hirap sa kanyang mukha. "Salamat, anak," mahinang sabi niya, hinahaplos ang buhok ni Blake gamit ang natitirang lakas. "Lahat ng ito... lahat ng sakit, kakayanin ko... para sa inyo." Araw-araw, binibisita kami ng doktor at mga nars, inaalam kung paano ang kondisyon ni Justine. May mga araw na tila may pag-
"Ooperahan ka na daw, narinig mo?" masaya kong sabi kay Justine. Napapasaya ko, dahil pagkatapos nito, mapapakasalan ko na siya. Ang babaeng aking pinakamamahal. Ngumiti si Justine, kahit may bahid ng kaba sa kanyang mga mata. “Oo, narinig ko,” sagot niya, mahina pero puno ng pag-asa ang boses. "Sana nga matapos na ito nang maayos." Hinawakan ko ang kanyang kamay nang mahigpit, pinipilit ipakita ang lakas ng loob at pagmamahal. “Maging matapang ka lang, mahal. Alam kong makakayanan mo ito. At pagkatapos ng lahat ng ito, magkasama nating haharapin ang bagong yugto ng ating buhay.” Napangiti siya, kahit halata ang pag-aalala sa kanyang mukha. “Drake, natatakot pa rin ako… sa resulta, sa kung anong mangyayari pagkatapos ng operasyon.” “Huwag kang mag-alala, Justine,” sabi ko, inilapit ang kanyang kamay sa aking mga labi at hinalikan ito. “Ano man ang mangyari, nandito ako. Hindi magbabago ang pagmamahal ko sa'yo. At kapag naging maayos ang lahat, matutupad ang pangako ko—ikakasal
"Aalisin na natin ang iyong benda," narinig ko ang tinig ni doc, habang ako ay nakapikit. "Justine, handa ka na ba?" "Opo doc, handa na po ako," sagot ko sa kanya. Nakaambang sa amin sina Blake at ang iba pang taong malalapit sa amin. Unti unti ng inaalis ni doc ang benda sa aking mukha. Parang ang pagkakapulupot noon sa akin ay napakatagal alisin. Naiinip ako sa bawat Segundo na lumilipas. Sa wakas, natapos na ang aming paghihintay. Ang lahat ay namamangha, na nakatingin sa akin. Napalunok na lang ako. Ang tinging iyon ba ay nagagandahan? o tinging masama ang nakikita? Napalunok ang doctor sa pagkakatitig sa akin. "Doc?" medyo kinakabahan na ako sa naging resulta. Inabutan niya ako ng salamin. Dahan dahan ko iyong tinanggap. Nanginginig ang aking mga kamay habang inilalapit ko ang salamin sa aking mukha. Habang papalapit ang salamin sa aking mukha, ramdam ko ang kabog ng aking dibdib. Hindi ko alam kung handa na akong makita ang resulta ng operasyon. Unti-unting lumi
"Hoy! Drake Sanchez! puro ka yabang at kagwapuhan lang ang alam mong gawin sa buhay! bakit hindi ka lumaban ng karera sakin ha!" sigaw ni Andrew, dati kong kaibigan. "Kapag inggit, pumikit na lang. Kaya hindi ka sumisikat, masyado kang mayabang!" sigaw ko sa kanya. Mayabang talaga ang isang to, kaya hindi sumikat sikat. "Woooo, ang sabihin mo, duwag ka lang! wag kang maraming sinasabi diyan, ano mga par? eh duwag pala tong Sanchez na to eh! magaling ka lang kapag kasama mo ang mga pinsan mong pulpol na kagaya mo! pa marine marine pa kayo, mga duwag naman!" pang aasar pa niya sa akin. "Janella, sakay!" sabi ko sa girlfriend ko. "Wag mo na lang kasi silang patulan Drake," awat sa akin ni Janella, "baka mapahamak lang tayo." "I said, get in!" bulyaw ko sa kanya. Nagmamadali naman siyang pumasok, "sige, game! ang matatalo, sa impiyerno ang bagsak!" "Yun oh.. talagang lalaban na siya, let's go!!" sumakay na si Andrew sa kotse niya, kasama ang girlfriend nito. Pinapainit ko na
Niyaya ako ng mga pinsan ko na mag bar hopping. Kararating lang ni Kuya Cris mula sa ibang bansa. Isa siya sa tinitingala kong tao, dahil sa kanyang tatag ng loob. Na kahit ulila na siya, nakayanan niya pa rin ang lahat ng bagay ng nag iisa siya. Naiwan siya sa America noong magdecide na kaming mag uwian ng Pilipinas para mag settle ng aming mga career. Hindi pa sila dumarating kaya naglaro muna ako ng ML. Buti pinayagan ako ni Mira na maghappy happy at magsaya, masyado na akong burn out sa trabaho. Halos patayin ko na ang sarili ko sa mga taong lumipas. "Deserve ko naman to" bulong ko sa sarili. Pagtaas ko ng aking paa, may dumaan sa harapan ko, at huli na para bawiin ko ang aking gagawin, napatid ko na siya sa paa. May dala siyang tray na may laman. Nadapa siya ng tuluyan. "Ano ba yan Miss! are you blind?," agad ko siyang dinaluhan para pulutin ang mga bumagsak na bote. "Justine! anong nangyari?" malamang, manager iyon, "hindi ka na naman nag iingat! Sir, pasen-- Drake San
Dumating na sa wakas ang aking mga pinsan, after 95 years! Ano ba kasing naisipan ng mga ito at hindi agad nagsidating! Ang siste, hindi pa sabay sabay! "Kuya Cris," tawag ko sa pinsan ko, na malayo pa lang, nakangiti na sa akin. "Kanina ka pa?" tanong niya sa akin, nagyakapan kami at nagtapikan ng likod. "Tinubuan na ko ng ugat," nakanguso kong sabi sa kanya. "Ang usapan natin, alas sais ah." "Naku, sigurado ako, late ka rin dumating!" ginulo niya ang aking buhok. "Kuya naman, guluhin mo na ang buhay ko, wag lamang ang buhok ko," umiiwas ako sa kanyang mga kamay. "May pinagpapacutan ka siguro dito ano?" naupo na kaming dalawa sa aming table. Cubicle iyon na glass, pwedeng isara ang pinto kapag naiingayan sa tugtog, at pwede rin namang hindi. "Wala no. Alam mo namang si Janella lang ang laman ng puso ko." sagot ko sa kanya. "Kalimutan mo na si Janella, matagal na siyang wala," sabi niya sa akin. "Kung ganoon lang kadali kuya, ginawa ko na," mapait akong ngumiti sa kanya, "ika