"Hoy! Drake Sanchez! puro ka yabang at kagwapuhan lang ang alam mong gawin sa buhay! bakit hindi ka lumaban ng karera sakin ha!" sigaw ni Andrew, dati kong kaibigan.
"Kapag inggit, pumikit na lang. Kaya hindi ka sumisikat, masyado kang mayabang!" sigaw ko sa kanya. Mayabang talaga ang isang to, kaya hindi sumikat sikat. "Woooo, ang sabihin mo, duwag ka lang! wag kang maraming sinasabi diyan, ano mga par? eh duwag pala tong Sanchez na to eh! magaling ka lang kapag kasama mo ang mga pinsan mong pulpol na kagaya mo! pa marine marine pa kayo, mga duwag naman!" pang aasar pa niya sa akin. "Janella, sakay!" sabi ko sa girlfriend ko. "Wag mo na lang kasi silang patulan Drake," awat sa akin ni Janella, "baka mapahamak lang tayo." "I said, get in!" bulyaw ko sa kanya. Nagmamadali naman siyang pumasok, "sige, game! ang matatalo, sa impiyerno ang bagsak!" "Yun oh.. talagang lalaban na siya, let's go!!" sumakay na si Andrew sa kotse niya, kasama ang girlfriend nito. Pinapainit ko na ang sasakyan, ng hawakan ako ni Janella. "Drake, please, tama na.. baka mapahamak pa tayo!" awat niya sakin. "Fasten your seat belt. Ipapakita lang natin sa hayop na yan, kung bakit hindi siya sumisikat." sagot ko kay Janella. Ngunit sana, nakinig na lang ako sa kanya, dahil sa bilis ng takbo namin, nawalan ng preno ang sasakyang minamaneho ko. "Ano yabang, mamamatay ka na!!!" sigaw sa akin ni Andrew. "Hayop ka!!" sigaw ko sa kanya. "Draaaake!!!!" huling tinig ni Janella na narinig ko, doon na nagdilim ang aking paningin. NAPABALIKWAS ako ng bangon. Butil butil ang aking pawis, hapong hapo ako. Napanaginipan ko na naman ang madilim na nakaraan na iyon. Ano bang petsa na? Ah, oo nga pala, ikatatlong anibersaryo na ng pagpanaw ni Janella. Hanggang ngayon, galit pa rin sa akin ang pamilya nila, dahil hindi man lang ako binigyan ng pagkakataon, na masilip ang babaeng pinakamamahal ko, at ang anak namin na noon ay limang buwang gulang pa lamang sa kanyang sinapupunan. Kung nakinig lang sana ako sa kanya, na wag ng patulan si Andrew, hindi sana kami nagkahiwalay habang buhay! Subalit pinairal ko, ang katigasan ng aking ulo. Hindi ako nakinig sa kanya. Naging mayabang ako. Minabuti ko na lang tumayo, para maligo. Alas kwatro na naman din, may taping pa ako para sa commercial. Ayoko ng pinaghihintay ang production, dahil naniniwala akong professional ako dapat. Binuksan ko lahat ng ilaw sa aking kwarto. Bumungad sa akin, ang larawan namin ni Janella na nasa head board ko. Ipinapinta ko talaga ang larawan namin para lagi ko siyang naaalala. Binaybay ko naman ang walk in closet, bago ako makarating sa banyo. Nagising ang diwa ko, ng malamig na lagaslas ng tubig na nagmumula sa shower. Napatingala ako, at napausal na lamang ng "sana, kasama pa kita ngayon.. hindi kita kayang limutin." Hindi mahahalata ang luha na umaagos sa aking pisngi,, kasabay ng tubig na nagmumula sa shower. Ang ilang taong pagkawala ni Janella, ay hindi man lang naibsan ang aking pangungulila sa kanya. Ang sabi ng mga kuya ko, (pinsan) nagiguilty daw ako, kasi sinisisi ko ang aking sarili sa pgkawala niya. Tama naman sila. Lagi ko pang naaalala ang mga nakaraan naming dalawa ni Janella. Sobrang mahal ko siya. *********** "Siya ang-- ang magiging P.A ko?" tanong ko kay Mira, ang aking manager. "Oo, bakit?" tanong niya sa akin. Hindi ako makapaniwalang ang babaeng madalas kong pinapantasya sa aming school noong high school, ay nasa harapan ko na! Matagal kong iniisip kung paano ito makakausap sa hindi mayabang na paraan. Tanging sa kanya lang tumitiklop ang aking dila. "Ba--bakit siya?" tanong ko kay Mira, upang maitago ang aking kilig. "Accountant yan. Maganda na yung ang P.A mo na rin ang mag aayos ng pera at taxes mo. Hindi ko na kasi magawa yan. Kaya lahat kayo, inihahanap ko ng sariling P.A na may degree ng accountancy! bakit, ayaw mo ba?" tanong niya sa akin, "gusto mo ipalit ko na---" "Hindi na, okay na yan sakin!" sagot ko kay Mira. Baka ilipat pa kasi nito si Janella sa iba. Nakita ko rin kung paano umaliwalas ang mukha niya sa sinabi ko. "Sir, salamat po," yumuko pa siya ng paulit- ulit. "Ayoko lang ng walang alam ha! ayoko ng mabagal, ayoko ng tatanga tanga. Sa set kasi, mabilisan ang kilos, gets mo?" tanong ko sa kanya, pero ang totoo, ang puso ko ay parang hinahampas na tambol na. "Yes sir! naorient na po ako ni Mam Mira." sagot niya sa akin. "Iiwanan ko muna kayo, at tatawagin ko yung isang nakuha ko para kay Joanna," paalam sa amin ni Mira. "Sir, ano pong gagawin ko?" tanong niya sa akin. May dala siyang backpack at trolley. "Gamit mo ba yan?" itinuro ko ang dala dala niya. "Opo sir, bakit po?" tanong niya sa akin. "Wag paharang harang yan sa dadaanan ko ha, sisipain ko yan!" banta ko kay Janella. "Sorry, sir, sorry po.." sagot niya na hinila ang mga gamit sa gilid. "Dapat mapapagkatiwalaan ka, ayoko ng malilikot ang kamay. May driver naman ako, pero marunong ka bang magdrive?" tanong ko sa kanya. "Yes sir. May sasakyan akong sarili," sagot ni Janella sa akin. Sunod siya ng sunod kahit saan ako magpunta. "Janella, pwede ba? mag stay ka.lang diyan, hayaan mo na lang ako ang magpaikot ikot, naiintindihan mo ba?" kunwari ay galit ako sa kanya, subalit ang totoo, kabadong kabado ako, lalo na kapag titingnan ko siya. (Ang ganda niya, pa rin. Siya pa rin ang dating Janella na natatanaw ko sa malayo. Siya pa rin iyong kiming babae na pangiti ngiti lang.) Lihim akong napangiti, (sa dinami dami ng babaeng nakilala ko, sayo rin pala ang bagsak ko. Ilang taon akong sumubok umibig sa iba, subalit bitbit mo talaga ang aking puso.) Napatingin ako sa kanya, inililibot niya ang mga mata sa kabuuan ng aking dressing room. Tinitingnan niya ang mga gamit sa vanity mirror. "Janella.." naibuka na lang ng aking labi.Niyaya ako ng mga pinsan ko na mag bar hopping. Kararating lang ni Kuya Cris mula sa ibang bansa. Isa siya sa tinitingala kong tao, dahil sa kanyang tatag ng loob. Na kahit ulila na siya, nakayanan niya pa rin ang lahat ng bagay ng nag iisa siya. Naiwan siya sa America noong magdecide na kaming mag uwian ng Pilipinas para mag settle ng aming mga career. Hindi pa sila dumarating kaya naglaro muna ako ng ML. Buti pinayagan ako ni Mira na maghappy happy at magsaya, masyado na akong burn out sa trabaho. Halos patayin ko na ang sarili ko sa mga taong lumipas. "Deserve ko naman to" bulong ko sa sarili. Pagtaas ko ng aking paa, may dumaan sa harapan ko, at huli na para bawiin ko ang aking gagawin, napatid ko na siya sa paa. May dala siyang tray na may laman. Nadapa siya ng tuluyan. "Ano ba yan Miss! are you blind?," agad ko siyang dinaluhan para pulutin ang mga bumagsak na bote. "Justine! anong nangyari?" malamang, manager iyon, "hindi ka na naman nag iingat! Sir, pasen-- Drake San
Dumating na sa wakas ang aking mga pinsan, after 95 years! Ano ba kasing naisipan ng mga ito at hindi agad nagsidating! Ang siste, hindi pa sabay sabay! "Kuya Cris," tawag ko sa pinsan ko, na malayo pa lang, nakangiti na sa akin. "Kanina ka pa?" tanong niya sa akin, nagyakapan kami at nagtapikan ng likod. "Tinubuan na ko ng ugat," nakanguso kong sabi sa kanya. "Ang usapan natin, alas sais ah." "Naku, sigurado ako, late ka rin dumating!" ginulo niya ang aking buhok. "Kuya naman, guluhin mo na ang buhay ko, wag lamang ang buhok ko," umiiwas ako sa kanyang mga kamay. "May pinagpapacutan ka siguro dito ano?" naupo na kaming dalawa sa aming table. Cubicle iyon na glass, pwedeng isara ang pinto kapag naiingayan sa tugtog, at pwede rin namang hindi. "Wala no. Alam mo namang si Janella lang ang laman ng puso ko." sagot ko sa kanya. "Kalimutan mo na si Janella, matagal na siyang wala," sabi niya sa akin. "Kung ganoon lang kadali kuya, ginawa ko na," mapait akong ngumiti sa kanya, "ika
Justine:"Sir, wag na ako ang magserve sa mga Sancgez na yun, alam niyo namang allergic ako sa mga yun!" tanggi ko sa manager namin. Ang alam ko, mas malala pa kay Drake ang mga pinsan nito. *Nakakainis ang Drake na tun, rapos kasama pa ang mga pinsan niya na katulad niyang baliw!""Sssh!! ano ka ba, ang bunganga mo!" saway sa akin ni sir, "sige, kakausapin ko na lang si Drake mamaya, sasabihin ko na busy ka.""Salamat sir!" nakahinga ako ng maluwag. "Baka mawalan pang ako ng trabaho ka0ag ako ang nagsilbi sa mga yun.""Bakit ka ba kasi nagagalit kay Drake, eh ang bait nun?" taning ni sir sakin. Gusto ko sanang sabihin na bakla siyang kinikilig, kaso baka magalit pa sakin."Basta, ayoko lang!" tanggi ko. Naiinis ako sa Drake na iyon!At ito na nga, halos isang oras din ang lumipas, bigla akong tinawag ni sir Gab."Ikaw daw ang magsiserve sa kanila," sabi niya sa akin."Sir? akala ko ba hindi na ako? bakit ako?" nagtataka kong tanong. Masama ang tingin na ibinato ko sa lalaking mayaban
"Ito na po ang order niyo mga sir!" si sir Gab talaga ang bida bida pag aasikaso sa mga Sanchez, Iwanan ko kaya siya? "Ito ba ang waiter natin?" tanong ni Cris kay Drake. "Manager yan dito, yan ang waitress natin, si Justine," itinuro pa ako ng mokong na ito. "Babae?" gulat na gulat sila sa sinabi ni Drake sa kanila. "Oo, mukha namang kargador yang si Justine, saka sanay siya sa trabahong ito, kaya siya ang kinuha ko," mayabang pang sabi ni Drake sa mga pinsan. "Gabriel?" paniniguro niya si sir Gab. "Natatandaan mo pa ako?" kilig na kilig ang manager ko, na akala mo, binubulate sa pwet. "Oo, magkaklase tayo nung elementary," wala man lang kangiti ngiti sa labi ng lalaki. "Oo, ak---" hindi na naituloy ni sir Gab ang sinasabi ng magsalita si Dixon. "Ano? kwentuhan na lang to? hindi naman pala ikaw ang waiter namin, doon ka na sa lugar mo!" sita nito kay sir, "Hoy, ikaw, buksan mo na yang mga alak at ng makapag umpisa na kami, tatanga tanga ka riyan!" "O--opo sir," na
Nangatal ang buo kong katawan. Dahan dahan akong naupo pag alis ni Drake. Binilang ko ang pera na inilagay niya sa lamesa, nasa thirty thousand iyon. Hindi man lang nila naubos ang inumin. Napailing ako, Iba talagang mag ubos ng pera ang mayayaman! Doon ko naisipang kunin ang pera na isinuksok niya sa aking cleavage, halos magkasing dami. Napahinga ako ng marahas, kasya sa thesis at bahay. "Sana wag na siyang bumalik!" muli kong isinuksok ang tip sa akun ni Drake sa aking bra, "Deserve ko to. Deserve mo yan Justine, kabayaran yan sa pambabastos niya sa akin!" "Hoy, ano yan, lutang ka?" tinig iyon ni Trina. "Nasaan na sila?" "Umalis na," sagot ko. "Ang bayad?" nag aalala siya dahil kung ang customer namin ay nag 1,2,3, deduction iyon sa sahod namin. "Yan ang bayad," itinuro ko ang pera sa kanya. Kinuha niya ito, saka binilang, "Trenta mil? iba talaga ang mayayaman!" sabi niya. Natawa naman ako, dahil pareho kami ng iniisip. "Yung tira daw diyan, tip natin," sabi niya sa
"Nasaan na yun?" nabuklat ko na ang bag ko, pero wala ang pera doon. Tatanghaliin na ako sa klase ko. Pang share ko sa thesis ang sampung libo doon! Nabayaran ko na ang bahay, nagtira lang ako ng gagamitin ko sa school! Bumaba ako, upang tanungin ang aking kapatid at madrasta. Pagbaba ko, nag-a-unboxing ng mga online shopping ang mga ito. "Oh, gising ka na pala. May pagkain diyan sa lamesa, kumain ka na," hindi man lang ako nililingon ng aking madrasta. Binuklat ko ang nakatakip na pagkain, Grab? "Saan kayo kumuha ng pambili nito?" nakakunot kong taning sa kanila. "Nagkita ako ng pera sa bag--" nagulat ang madrasta ko sa aking tinig. "Ano? pera sa bag ko? tita naman, pang thesis ko yun!" mangiyak ngiyak kong sabi sa kanya. "Kailangan kasi ng kapatid mo ng mga bagong damit, mag o-audition kasi siya sa pag aartista," sagot niya sa akin. "may screening siya bukas." "Pero kailangan ko yun!" napaiyak ako sa sama ng loob. Madalas nila itong ginagawa sa akin. Kaya ang sakit s
"Napakaimposible talaga ng mag inang yun!" inis na sabi ni Trina sa akin, sa phone. Nagsumbong ako agad sa kanya dahil nababadtrip talaga ako, "parang utang na loob mo pa na binigyan ka nilang limang daan." "Ano pa nga ba?" sagot ko sa kanya, hawak ang cellphone ko na puro tape ang paligid, "saka hindi na daw mag aaral si Bettina." "Hayaan mo nga sila. Masyado na silang pabigat sayo," sagot pa ni Trina sa akin, "ano pang sinabi?" "Yan, ganyan, kinukonsensiya ako, na kesyo pabigat nga daw sila sa akin, hindi naman daw kami magkadugo," napabubtong hininga na lang ako, "gusto ko ng sumuko pero ayoko." "Ewan ko ba sayo!" naiinis na rin siya sa akin, "ipapadala ko na sayo ang pang--" "Wag na! malaki na ang utang ko sayo friend," tanggi ko sa kanya. "Gaga! bayaran mo ako kapag nakaluwag luwag ka na, hindi yung maluwag ka," sabi niya sa akin, "noing ako ang walang wala, andiyan ka, ngayong kailangan mo, at kaya kong ibigay, tutulungan kita," sagot niya sa akin. Doon na ako napaiy
"Sino bang baliw ang naglagay sayo nito?" pinuntahan ko si Kuya Cris na noon ay paalis na sana sa kanyang misyon, "mukhang ang laki ng galit sayo?" "Si Justine," maiksi kong sagot sa kanya. "Justine? you mean, yung waitress?" naguguluhan niyang tanong sa akin, "bakit ka naman niya lalagyan ng bubble gum sa ulo?" idinampi dampi niya sa aking buhok ang yelo, unti unting tumitigas ang bubble gum, at unti unting natatanggal. "Yun nga! tapang na tapang. Wala pang babaeng gumanito sa akin, even Janella!" inis kong sabi sa kanya. "Here!" iniabot niya sa akin ang bubble gum. Naghugas siya ng kamay, bago isinuot ang polo, "inabala mo ako ng dahil sa bubble gum? kahit kailan Drake, isip bata ka talaga!" napapailing niyang sabi sa akin, "subukan mo kayang lumapit kay Marcus minsan? or kay Dixon? wala ka ng ibang inabala kundi kami ni kuya Luis!" "Si Marcus? parang robot yun eh, walang pakiramdam, si Dixon naman, parang laging makikipag away. Si Devon naman, hindi pa rin nagpapakita sa a
"Aalisin na natin ang iyong benda," narinig ko ang tinig ni doc, habang ako ay nakapikit. "Justine, handa ka na ba?" "Opo doc, handa na po ako," sagot ko sa kanya. Nakaambang sa amin sina Blake at ang iba pang taong malalapit sa amin. Unti unti ng inaalis ni doc ang benda sa aking mukha. Parang ang pagkakapulupot noon sa akin ay napakatagal alisin. Naiinip ako sa bawat Segundo na lumilipas. Sa wakas, natapos na ang aming paghihintay. Ang lahat ay namamangha, na nakatingin sa akin. Napalunok na lang ako. Ang tinging iyon ba ay nagagandahan? o tinging masama ang nakikita? Napalunok ang doctor sa pagkakatitig sa akin. "Doc?" medyo kinakabahan na ako sa naging resulta. Inabutan niya ako ng salamin. Dahan dahan ko iyong tinanggap. Nanginginig ang aking mga kamay habang inilalapit ko ang salamin sa aking mukha. Habang papalapit ang salamin sa aking mukha, ramdam ko ang kabog ng aking dibdib. Hindi ko alam kung handa na akong makita ang resulta ng operasyon. Unti-unting lumi
"Ooperahan ka na daw, narinig mo?" masaya kong sabi kay Justine. Napapasaya ko, dahil pagkatapos nito, mapapakasalan ko na siya. Ang babaeng aking pinakamamahal. Ngumiti si Justine, kahit may bahid ng kaba sa kanyang mga mata. “Oo, narinig ko,” sagot niya, mahina pero puno ng pag-asa ang boses. "Sana nga matapos na ito nang maayos." Hinawakan ko ang kanyang kamay nang mahigpit, pinipilit ipakita ang lakas ng loob at pagmamahal. “Maging matapang ka lang, mahal. Alam kong makakayanan mo ito. At pagkatapos ng lahat ng ito, magkasama nating haharapin ang bagong yugto ng ating buhay.” Napangiti siya, kahit halata ang pag-aalala sa kanyang mukha. “Drake, natatakot pa rin ako… sa resulta, sa kung anong mangyayari pagkatapos ng operasyon.” “Huwag kang mag-alala, Justine,” sabi ko, inilapit ang kanyang kamay sa aking mga labi at hinalikan ito. “Ano man ang mangyari, nandito ako. Hindi magbabago ang pagmamahal ko sa'yo. At kapag naging maayos ang lahat, matutupad ang pangako ko—ikakasal
Isang linggo na kaming nanatili sa ospital, kasama si Blake. Kahit maayos na ang lagay namin, hindi pa rin mapanatag ang loob ko na iwan si Justine. Alam kong kailangan niya ng suporta at pagmamahal ngayon higit kailanman, kaya’t pinili naming manatili sa ospital upang alalayan siya. Si Blake ay palaging nasa tabi ko, tahimik ngunit bakas sa kanyang mga mata ang pag-aalala sa kanyang ina. Minsan ay hinahawakan niya ang kamay ni Justine, para bang nais iparamdam na nandito lang kami para sa kanya. "Mommy, andito lang kami ni daddy," bulong ni Blake sa kanya isang araw, habang nakaupo siya sa gilid ng kama ni Justine. "Magiging okay ka rin." Napangiti si Justine kahit halata ang hirap sa kanyang mukha. "Salamat, anak," mahinang sabi niya, hinahaplos ang buhok ni Blake gamit ang natitirang lakas. "Lahat ng ito... lahat ng sakit, kakayanin ko... para sa inyo." Araw-araw, binibisita kami ng doktor at mga nars, inaalam kung paano ang kondisyon ni Justine. May mga araw na tila may pag-
Iyak ng iyak si Justine ng dumating sa ospital. Nagpilit akong bumangon upang makita siya. "Anak, kaya mo na ba?" tanong ni mommy sa akin. Nasa tabi siya ng aking anak na mahimbing na natutulog. “Oo, mommy,” sagot ko, pinipilit ang sarili na bumangon mula sa kama. Mahapdi pa ang mga sugat ko, pero hindi ko kayang magpahinga nang hindi nakikita si Justine. Kailangan kong malaman kung ayos lang siya, kung ligtas na siya mula sa kamay ni Jhoanna. Nang makarating ako sa pintuan ng kwarto, nakita ko si Justine na nakahiga habang nilalapatan ng paunang lunas. "Drake, lumabas ka muna, baka hindi mo kayanin ang makikita mo," pigil sa akin ni kuya Luis. "Nais ko siyang masilayan kahit ano pa ang nangyari sa kanya.." malungkot kong sabi. 'Binuhusan ni JHoanna ng asido ang kanyang mukha, nasira iyon, at sunog na sunog. Iba na ang hitsura niya ngayon." paliwanag ni Luis sa akin. "Kuya, kahit ano pa ang kanyang hitsura, alam ko sa sarili ko na iniibig ko siya. Marami namang procedure na maa
Hinahanap ni Devon ang cord na maaaring putulin upang matanggap ang Bomba sa katawan ng paslit na si Blake. "Kuya Cris, parang walang cord na maliit ito, mukhang hindi ito Bomba,' sabi niya sa akin. Agad ko iyong tiningnan. Tama nga siya, wala iyong cord na may mga kulay, parang isang cable cord lang iyon. "Patingin nga," sabi ni Luis. Sinipat niya ang buong katawan ng bata. "Hindi po ako sasaktan ni mommy.." sabi ni Blake sa amin. "mabait po siya. Nangunot naman ang aking noo, "hindi ka talaga kayang saktan ng mommy mo, kaya nga hinanap ka niya, hindi ba?" 'HIndi siya.. si mommy Jhoanna, mabait po siya.. " sagot ng bata. "Ano ba itong inilagay niya sayo?" tanong ni Luis habang iniikot ikot ang bata. "Wala lang daw po itong suot ko kaya wag daw po akong matakot. Humingi siya ng sorry sa akin," humihikbing sabi ni Blake, "nasaktan lang daw po siya." "Kung ganoon, cord lang ito?" napatingin pa si Devon. Eksaktong pag alis nila ng cord, biglang sumabog ang kotse kung saa
"Oo naman, ano ang kailangan kong gawin upang pakawalang mo ang anak ko?" tanong ko sa kanya, habang patuloy ang umakyat na pag aalala sa aking puso. "Ikaw ang pumalit sa pwesto ng anak mo," nakangiting sagot ni Jhoanna, "halika dito.. para mapaalis na natin ang anak mo." "Sige.. sige, gagawin ko!" Sagot ko sa kanya. "Justine.. mag iingat ka," bulong ni Luis sa akin, "mukhang nahihibang na si Jhoanna. "Ano pang ipinagbubulungan niyo diyan! bilisan mo!" sigaw naman ni Jhoanna sa amin. Napalunok ako ng malalim at tumingin sa mga mata ni Jhoanna. Nakita ko ang galit na tila apoy na naglalagablab, pero may bahid din ng kirot at takot. Hindi ko alam kung anong balak niya sa akin, pero alam kong kailangan kong iligtas si Blake, kahit pa ang kapalit ay ang sarili kong buhay. Dahan-dahan akong lumapit kay Jhoanna, itinaas ang aking mga kamay bilang tanda ng pagsuko. "O, heto na ako," sabi ko, pilit pinapakalma ang sarili kahit pakiramdam ko'y parang may malaking bato sa dibdib ko. "Pakaw
"At ang Lagay, magiging masaya kayo?" asik ni Jhoanna sa akin, "walang ganoong magaganap, ano yan? si snow white ka at ako ang witch?" "Jhoanna! maawa ka sa anak ko.." sigaw ko sa kanya, naglulumuhod ako at nagmamakaawa. "pakawalang mo ang aking anak!" pagsusumamo ko. "Jhoanna, sumuko ka na!' sigaw ni Cris, "wala ka ng ibang mapupuntahan!" "Huh!" ikinasal nito ang baril," okay lang, magsasama na lang kami ng batang ito sa impiyerno!" "Mommy.. bakit po?" nilingon si Jhoanna ni Blake, "akala ko ba, bati tayo?" Hindi sinagot ni Jhoanna ang bata, subalit ang kanyang hawak na baril ay nakatutok dito. Naguguluhan din ako, bakit mommy ang tawag ni Blake kay Jhoanna. "Anak, ako ang mommy mo.." tawag ko kay Blake. Malungkot niya akong tiningnan, saka tumingin ulit kay Jhoanna, "mommy.." ang kanyang mga mata ay basang basa na sa luha na dulot ng labis na pag iyak. "Tumigil ka na, Jhoanna! hindi namin akalaing magagawa mo ito!" sigaw ni Luis, "wala kang awa! pati bata, idinadamay m
"Ayun," wika ng isang pulis naming kasama, natanaw niya ang isang kotse sa di kalayuan. "Sssh, magdahan dahan tayo, hawak pa ni Jhoanna ang bata. baka kung ano pa ang gawin niya kay Blake," warning ni Cris sa amin. Halos gumapang na lang kami paglapit doon. Pinalibutan namin ang sasakyan, kung saan naroroon iyon sa may gilid ng puno. Binuksan nila ang pinto ng kotse, walang tao sa loob. Nakita pa namin ang mga balat ng candies at chocolates sa lapag. "Naunahan niya tayo, nakatungo agad siya," wika ni Luis sa amin, "halughugin ang paligid, naririyan lang iyon." Parang gumuho ang aking mundo, ng marealized na hindi ko na naman makikita ang aking anak. Sobrang sakit sa puso na ang aking pag aalala ay nagpatung patong pa. Napaupo na lang ako sa isang tabi. Nanlulumo ako at nanlalambot. Masakit para sa akin ang umaasa ng umaasa tapos ako ay mabibigo lang. Sinubukan kong igala ang aking mga mata, baka sakaling may mapapansin akong bakas ni Jhoanna. Nagtungo ako sa sasakyan, at
Habang pinagmamasdan ko si Blake na mahimbing na natutulog, hindi ko maiwasang mapabuntong-hininga. Napakaamo ng kanyang mukha, tila ba walang kamuwang-muwang sa lahat ng gulong nagaganap sa aming paligid. Ang liit ng kanyang katawan, halos magkasya sa upuan ng sasakyan. Napakasimple ng kanyang mundo, walang iniintinding problema, walang iniisip na hinanakit. Sinulyapan ko ang gauge ng gas, kaunting-kaunti na lang. Malapit na itong maubos, at hindi ko alam kung saan kami tutuloy pagkatapos. Wala na akong ibang plano kundi manatili rito, sa loob ng sasakyan na tila ba nagsisilbing tanggulan namin mula sa magulong mundong ito. Pero gaano pa katagal? Hanggang kailan ko kakayanin? Iniisip ko si Justine. Puno ng galit at hinanakit ang puso ko. Sa tuwing naiisip ko siya, parang apoy na gustong lumabas mula sa aking dibdib. Siya ang dahilan kung bakit nagkaganito ang lahat. Siya ang pumasok sa buhay namin ni Drake, ang sumira sa lahat ng plano, sa lahat ng pangarap. Isang nakakapason