"Ito na po ang order niyo mga sir!" si sir Gab talaga ang bida bida pag aasikaso sa mga Sanchez, Iwanan ko kaya siya?
"Ito ba ang waiter natin?" tanong ni Cris kay Drake. "Manager yan dito, yan ang waitress natin, si Justine," itinuro pa ako ng mokong na ito. "Babae?" gulat na gulat sila sa sinabi ni Drake sa kanila. "Oo, mukha namang kargador yang si Justine, saka sanay siya sa trabahong ito, kaya siya ang kinuha ko," mayabang pang sabi ni Drake sa mga pinsan. "Gabriel?" paniniguro niya si sir Gab. "Natatandaan mo pa ako?" kilig na kilig ang manager ko, na akala mo, binubulate sa pwet. "Oo, magkaklase tayo nung elementary," wala man lang kangiti ngiti sa labi ng lalaki. "Oo, ak---" hindi na naituloy ni sir Gab ang sinasabi ng magsalita si Dixon. "Ano? kwentuhan na lang to? hindi naman pala ikaw ang waiter namin, doon ka na sa lugar mo!" sita nito kay sir, "Hoy, ikaw, buksan mo na yang mga alak at ng makapag umpisa na kami, tatanga tanga ka riyan!" "O--opo sir," nataranta ako bigla. Kita ko pa sa sulok ng aking mga mata, ang pagngisi ni Drake. "Ah, sige, mauuna na ko, Justine, bahala ka na sa kanila," paalam ni sir sa akin, malamang, napahiya siya sa ginawa ni Dixon. Bigla akong naging robot. Ni ayaw ko silang tingnan. "Bakit mo naman binastos yung tao, Dixon?" tanong ni Cris. "Hindi ko siya binastos, kung wala siyang business dito, anong gagawin niya dito?" kinuha niya ang binuksan kong alak,"hoy, siguraduhin mong hindi mawawala ang lamig diyan ha." "Opo sir," sagot ko na lang sa kanya. "Bakit nga ba babae ang waiter natin?" tanong ni Luis kay Drake. "Gusto ko lang," sagot niya sa pinsan, "saka, magaling daw yan, eh di susubukan." Pagod na pagod ako sa mga ito. Walang ginawa kundi mag utos, lalo na ang Drake na ito. Kahit mga walang kwentang bagay, ipinapagawa sakin, gaya ngayon. "Bakit ko tatanungin? bakit hindi na lang ikaw?" tanggi ko sa kanya. Gusto niyang malaman ang pangalan ng isang babae sa gitna, pero gusto niya, ako pa ang magtatanong. "Babayaran kita, para sumunod sa inuutos ko, hindi para sagut sagutin ako!" nahintakutan ako sa kanya, medyo lasing na silang magpipinsan, at nag uumpisa ng magalit si Dixon. Panay ang mura nito. Akala ko, matapang na ang Drake na ito, mas kakaiba pala ang iba niyang pinsan! Mga mukhang papatay ng wala sa oras! "Wag mo ng utusan ang babaeng yan, at baka crush ka niyan kaya ayaw kang sundin," si Cris iyon, na nakikipagtawanan na sa ibang mga kasama. "Maaari nga," si Marcus naman iyon, na kahit nagbibiro, hindi man lang nito makuhang ngumiti. "Punyemas!! nasaan na si Devon!" inis na sabi ni Dixon. Bigla akong nalungkot at na stress. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa ang mga taong ito hanggang mamaya. "Ikuha mo nga kaming kape!" utos ni Drake sa akin. Hindi ako agad nakakilos, kaya sinigawan niya ako, "bilisan mo!!" "O--opo-- si-sige," natataranta na ako sa kanila. Akala ko, mataray ako, at kaya ko ang kahit na sino, ngunit mukhang nabaliktad na ang mundo namin ni Drake, parang hindi ko na siya kayang barahin, lalo pa ngayon na kasama niya ang nga pinsan niyang puro abnormal! Nagmamadali akong nagtungo sa kusina. Kinompronta na ako ni Trina, "Friend, anong nangyayari sayo? bakit aligaga ka?" "Yung mga bruho, humihingi ng kape," hindi ko na siya nilingon. Minamadali ko na ang ginagawa ko. Hindi ko na ito nilagyan ng asukal. "Go, friend, kaya mo yan!!" pangmomotivate sa akin ni Trina, "kapag pumalag pa rin, gahasain mo!" "Baliw!" hindi ko na siya mahampas dahil may dala akong tray. Paglapit ko sa mga "Bruho" si Drake na lang ang naroroon. May kausap siya sa phone. Sumimangot pa ang lalaki nung makita ako. Ibinaba ni Drake ang cellphone, indikasyon na tapos na siya sa pakikipag usap. Humalukipkip siya, habang tinitingnan ako. "Umalis na ang mga iinom niyan, bakit ang tagal mo?" reklamo niya sa akin, na animo, kasalanan ko na nagsialisan ang mga pinsan niya. "Kita mo ba kung gaano kasikip ang dinaanan ko, makarating lang dito?" sagot ko sa kanya. Biglang hinawakan ni Drake ang aking mukha, pinisil niya ang aking mga pisngi, "ikaw, ayusin mo yang pananalita mo sakin ha! kapag ganitong badtrip ako, ayusin mo yang mga isinasagot mo!" saka niya binitawan ang aking pisngi, na bahagya niya pa akong itinulak. Napatuon ang aking mga kamay, sa malambot na upuan, pinipigilan ko ang aking galit. Saka ko siya tiningnan ng masama, ngunit mas masama ang tingin na ipinukol niya sa akin, para akong napapaso! "Inumin mo yang mga kape!" utos niya sa akin. "Babayaran ko na lang yan!" sagot ko naman sa kanya. "Ipapainom mo yan sakin? sa daming yan? ikaw kaya ang umubos niyan!" "Ano?" hinaklit niya ang aking braso, "anong sinabi mo?" napakalapit ng kanyang mukha sa mukha ko, "eh kung halikan kaya kita?" "Subuk--" bigla akong nangatog ng ilapat niya sa labi ko, ang amoy alak niyang labi. Paaaak!!! Nabiling ang kanyang mukha sa sampal na pinakawalan ko, "bastos kang talaga!" Dahan dahan niya akong nilingon, bakat ang aking palad sa kanyang pisngi, "no one, dare.. to slap me!" lalo niya pang hinigpitan ang kapit sa braso ko. Bigla niya akong hinila, pakandong sa kanya. Niyakap ako ng matigas niyang braso, habang ang kanyang isang kamay ay kumabig sa aking ulo. Marahas niya akong hinalikan sa labi. Kahit anong panlalaban ang gawin ko, hindi ko na siya mapigilan. Nanlambot na lang ako sa pambabastos niya sa akin. Maya maya pa, naramdaman kong tumigil siya, may kinuha sa bulsa, at ipinasok sa aking cleavage. "Tip ko sayo, salamat sa halik.. maswerte ka, may pupuntahan pa ako, kung wala, sa kama ka sana nakalatag ngayon," bulong niya sakin. Pabigla akong tumayo mula sa kanyang kandungan. Ni hindi ko na siya matingnan sa mata. Nakayuko na lang ako. Nag iwan siya ng bayad sa nay tray ng kape, "yung sukli, tip ko na lang sa iba mong kasama," hinawi niya pa ang aking buhok at isinabit sa tainga ko. Hiyang hiya ako sa kanya, "bye, Justine." Hindi ko na nakuhang lingunin si Drake hanggang sa makaalis na siya. Naiwan akong tulala pa rin, hawak ang labing pinagsamantalahan ng lalaki.Nangatal ang buo kong katawan. Dahan dahan akong naupo pag alis ni Drake. Binilang ko ang pera na inilagay niya sa lamesa, nasa thirty thousand iyon. Hindi man lang nila naubos ang inumin. Napailing ako, Iba talagang mag ubos ng pera ang mayayaman! Doon ko naisipang kunin ang pera na isinuksok niya sa aking cleavage, halos magkasing dami. Napahinga ako ng marahas, kasya sa thesis at bahay. "Sana wag na siyang bumalik!" muli kong isinuksok ang tip sa akun ni Drake sa aking bra, "Deserve ko to. Deserve mo yan Justine, kabayaran yan sa pambabastos niya sa akin!" "Hoy, ano yan, lutang ka?" tinig iyon ni Trina. "Nasaan na sila?" "Umalis na," sagot ko. "Ang bayad?" nag aalala siya dahil kung ang customer namin ay nag 1,2,3, deduction iyon sa sahod namin. "Yan ang bayad," itinuro ko ang pera sa kanya. Kinuha niya ito, saka binilang, "Trenta mil? iba talaga ang mayayaman!" sabi niya. Natawa naman ako, dahil pareho kami ng iniisip. "Yung tira daw diyan, tip natin," sabi niya sa
"Nasaan na yun?" nabuklat ko na ang bag ko, pero wala ang pera doon. Tatanghaliin na ako sa klase ko. Pang share ko sa thesis ang sampung libo doon! Nabayaran ko na ang bahay, nagtira lang ako ng gagamitin ko sa school! Bumaba ako, upang tanungin ang aking kapatid at madrasta. Pagbaba ko, nag-a-unboxing ng mga online shopping ang mga ito. "Oh, gising ka na pala. May pagkain diyan sa lamesa, kumain ka na," hindi man lang ako nililingon ng aking madrasta. Binuklat ko ang nakatakip na pagkain, Grab? "Saan kayo kumuha ng pambili nito?" nakakunot kong taning sa kanila. "Nagkita ako ng pera sa bag--" nagulat ang madrasta ko sa aking tinig. "Ano? pera sa bag ko? tita naman, pang thesis ko yun!" mangiyak ngiyak kong sabi sa kanya. "Kailangan kasi ng kapatid mo ng mga bagong damit, mag o-audition kasi siya sa pag aartista," sagot niya sa akin. "may screening siya bukas." "Pero kailangan ko yun!" napaiyak ako sa sama ng loob. Madalas nila itong ginagawa sa akin. Kaya ang sakit s
"Napakaimposible talaga ng mag inang yun!" inis na sabi ni Trina sa akin, sa phone. Nagsumbong ako agad sa kanya dahil nababadtrip talaga ako, "parang utang na loob mo pa na binigyan ka nilang limang daan." "Ano pa nga ba?" sagot ko sa kanya, hawak ang cellphone ko na puro tape ang paligid, "saka hindi na daw mag aaral si Bettina." "Hayaan mo nga sila. Masyado na silang pabigat sayo," sagot pa ni Trina sa akin, "ano pang sinabi?" "Yan, ganyan, kinukonsensiya ako, na kesyo pabigat nga daw sila sa akin, hindi naman daw kami magkadugo," napabubtong hininga na lang ako, "gusto ko ng sumuko pero ayoko." "Ewan ko ba sayo!" naiinis na rin siya sa akin, "ipapadala ko na sayo ang pang--" "Wag na! malaki na ang utang ko sayo friend," tanggi ko sa kanya. "Gaga! bayaran mo ako kapag nakaluwag luwag ka na, hindi yung maluwag ka," sabi niya sa akin, "noing ako ang walang wala, andiyan ka, ngayong kailangan mo, at kaya kong ibigay, tutulungan kita," sagot niya sa akin. Doon na ako napaiy
"Sino bang baliw ang naglagay sayo nito?" pinuntahan ko si Kuya Cris na noon ay paalis na sana sa kanyang misyon, "mukhang ang laki ng galit sayo?" "Si Justine," maiksi kong sagot sa kanya. "Justine? you mean, yung waitress?" naguguluhan niyang tanong sa akin, "bakit ka naman niya lalagyan ng bubble gum sa ulo?" idinampi dampi niya sa aking buhok ang yelo, unti unting tumitigas ang bubble gum, at unti unting natatanggal. "Yun nga! tapang na tapang. Wala pang babaeng gumanito sa akin, even Janella!" inis kong sabi sa kanya. "Here!" iniabot niya sa akin ang bubble gum. Naghugas siya ng kamay, bago isinuot ang polo, "inabala mo ako ng dahil sa bubble gum? kahit kailan Drake, isip bata ka talaga!" napapailing niyang sabi sa akin, "subukan mo kayang lumapit kay Marcus minsan? or kay Dixon? wala ka ng ibang inabala kundi kami ni kuya Luis!" "Si Marcus? parang robot yun eh, walang pakiramdam, si Dixon naman, parang laging makikipag away. Si Devon naman, hindi pa rin nagpapakita sa a
JUSTINE:"Oh? bakit para kang natuklaw ng ahas?" tanong sa akin ni sir Gab. "Okay ka lang ba? natawag ang madrasta mo dito kanina, hinahanap ka.""May nangyari kasing hindi maganda sir, muntik na kong makidnap," sumbong ko sa kanya."Ha? nino?" nagulat siya sa sinabi ko, "hindi ka naman mayaman, makikidnap ka?""Yung matandang gustong magpakasal sakin, si Don Ernesto?""Ha? naku..Yung mayaman na yun? mag iingat ka. Ang hirap pa naman isumbong sa pulis yun, kaya nun baliktarin ang batas," sagot ni sir Gab sa akin."Ganoon ba siya kayaman?" sa totoo lang, hindi ko naman kilala yung matandang yun, hindi kasi ako tsismosang tao."Mayaman talaga yun, as in! Buti hindi ka natuluyan, may tumulong ba sayo?""Si Drake.""Drake? as in? DFrake Sanchez, ganun?" paninigurado niya sa akin."Uhuh..""Paano naman kayo nagkita ng lalaking iyon?" tanong sa akin ni sir."Napadaan siya doon, kaya nakakuha ako ng tiyempo na makatakas sa humihila sakin. Kilala siya nung driver, natakot sila noong malaman k
DRAKE: Napansin ko, ang sasakyan na nagtangkang kumidnap kay Justine. Nakaabang sila sa labas. Kawawa naman ang babaeng ito, kung mapupunta kay Ernesto! Kaya minabuti kong pumasok sa bar, at kausapin si Justine. Kaagad ko namang nakita si Gab. "Drake, napasyal ka ulit? nasaan ang mga pinsan mo?" tanong niya sa akin. "Gusto ko lang sanang kausapin si Justine." Nangunot ang kanyang noo sa sinabi ko, "Si Justine? bakit naman?" "Basta, mahalaga lang ang pakay ko. Palabasin mo muna siya saglit." "Oh-eh -eh sige," nagtataka marahil si Gab, dahil hindi naman kami close ni Justine. Hindi malayong pumunta si Ernesto dito, makuha lang ang gusto niya. At ang mga tao dito ay walang magagawa sa matandang iyon. Tinititigan ko ang paa ng lamesa, ng makita ko ang pares ng sapatos na nasa harapan ko, si Justine. "Anong kailangan mo?" tanong niya sa akin. "Kailangan mong makaalis sa lugar na ito," tumayo ako sa harapan niya. "At bakit naman?" nakataas ang kilay niya habang nakatingin sa akin
JUSTINE: "Ernesto? si Don Ernesto ba?" paglilinaw ni Frank, ang tatay ni Drake. "Yes, daddy, siya nga," sagot ng lalaki, kinuha ang isang basong juice saka iniabot sa akin. "Gago talaga yun!" napailing si Frank sa sinabi ng anak. "Honey, your mouth.." malumanay na saway dito ng asawang si Leona. "Sorry honey, nadala lang ako," ibinaba ng matanda ang hawak na tasa, "anong olano mong gawin ngayon dito kay-- ano ngang pangalan mo hija?" "Justine ho," mahina kong sagot. "Pardon?" umupo ng maayos ang daddy ni Drake, nakakunot ang noo at bahagyang inilapit ang ulo. "Ayaw ni daddy ng mahina ang boses," bulong sa akin ni Drake. "Ako ho si Justine," malakas ang aking tinig ng sagutin ko ang katanungan ng matanda. "Justine what? Justine Bieber?" malagong ang boses ng tatay niya, at alam ko na, kung kanino nagmana si Drake. "Felipe ho, Justine Felipe," sagot ko sa matanda. Kinakabahan ako sa kanya, oarang anybtime, palalayasin niya ako. "Eh, bakit dito mo iniuwi ang batan
Maaga akong nagising kinabukasan. Alas singko. Sumilip ako sa pinto, natanaw ko ang magulang ni Drake na nagkakape na sa lamesa. Nagulat pa ako, ng bumukas ang pinto ng kwarto ni Drake. Bagong ligo na ito. "Anong ginagawa mo diyan?" tanong niya sa akin. "Wala naman, naulinigan ko lang na parang may nag uusap," pagdadahilan ko sa kanya. Nangunot ang noo niya, "paano mo sila mauulinigan, ang layo ng lanai dito," sagot niya sa akin. "Bakit-- bakit ang aga niyong gumising?" paglilihis ko sa usapan. Baka magalit pa siya sa akin eh. "Military time, bakit? kumakain na kami dito ng alas sais," sagot niya sa akin, "kaya ikaw, maligo ka na at magbihis. Walang bisi bisita dito sa amin." Nagmamadali akong bumalik sa kwarto, saka naligo. Binilisan ko lang at baka mainip sa akin ang mag anak. Pagbaba ko, kumakain na sila. "Oh, hija, bakit ang aga mong bumaba?" magiliw na tanong sa akin ng kanyang mommy. "Ah, hindi na po ako makatulog," kimi kong sagot. "Ipapahatid kita sa driver
"Aalisin na natin ang iyong benda," narinig ko ang tinig ni doc, habang ako ay nakapikit. "Justine, handa ka na ba?" "Opo doc, handa na po ako," sagot ko sa kanya. Nakaambang sa amin sina Blake at ang iba pang taong malalapit sa amin. Unti unti ng inaalis ni doc ang benda sa aking mukha. Parang ang pagkakapulupot noon sa akin ay napakatagal alisin. Naiinip ako sa bawat Segundo na lumilipas. Sa wakas, natapos na ang aming paghihintay. Ang lahat ay namamangha, na nakatingin sa akin. Napalunok na lang ako. Ang tinging iyon ba ay nagagandahan? o tinging masama ang nakikita? Napalunok ang doctor sa pagkakatitig sa akin. "Doc?" medyo kinakabahan na ako sa naging resulta. Inabutan niya ako ng salamin. Dahan dahan ko iyong tinanggap. Nanginginig ang aking mga kamay habang inilalapit ko ang salamin sa aking mukha. Habang papalapit ang salamin sa aking mukha, ramdam ko ang kabog ng aking dibdib. Hindi ko alam kung handa na akong makita ang resulta ng operasyon. Unti-unting lumi
"Ooperahan ka na daw, narinig mo?" masaya kong sabi kay Justine. Napapasaya ko, dahil pagkatapos nito, mapapakasalan ko na siya. Ang babaeng aking pinakamamahal. Ngumiti si Justine, kahit may bahid ng kaba sa kanyang mga mata. “Oo, narinig ko,” sagot niya, mahina pero puno ng pag-asa ang boses. "Sana nga matapos na ito nang maayos." Hinawakan ko ang kanyang kamay nang mahigpit, pinipilit ipakita ang lakas ng loob at pagmamahal. “Maging matapang ka lang, mahal. Alam kong makakayanan mo ito. At pagkatapos ng lahat ng ito, magkasama nating haharapin ang bagong yugto ng ating buhay.” Napangiti siya, kahit halata ang pag-aalala sa kanyang mukha. “Drake, natatakot pa rin ako… sa resulta, sa kung anong mangyayari pagkatapos ng operasyon.” “Huwag kang mag-alala, Justine,” sabi ko, inilapit ang kanyang kamay sa aking mga labi at hinalikan ito. “Ano man ang mangyari, nandito ako. Hindi magbabago ang pagmamahal ko sa'yo. At kapag naging maayos ang lahat, matutupad ang pangako ko—ikakasal
Isang linggo na kaming nanatili sa ospital, kasama si Blake. Kahit maayos na ang lagay namin, hindi pa rin mapanatag ang loob ko na iwan si Justine. Alam kong kailangan niya ng suporta at pagmamahal ngayon higit kailanman, kaya’t pinili naming manatili sa ospital upang alalayan siya. Si Blake ay palaging nasa tabi ko, tahimik ngunit bakas sa kanyang mga mata ang pag-aalala sa kanyang ina. Minsan ay hinahawakan niya ang kamay ni Justine, para bang nais iparamdam na nandito lang kami para sa kanya. "Mommy, andito lang kami ni daddy," bulong ni Blake sa kanya isang araw, habang nakaupo siya sa gilid ng kama ni Justine. "Magiging okay ka rin." Napangiti si Justine kahit halata ang hirap sa kanyang mukha. "Salamat, anak," mahinang sabi niya, hinahaplos ang buhok ni Blake gamit ang natitirang lakas. "Lahat ng ito... lahat ng sakit, kakayanin ko... para sa inyo." Araw-araw, binibisita kami ng doktor at mga nars, inaalam kung paano ang kondisyon ni Justine. May mga araw na tila may pag-
Iyak ng iyak si Justine ng dumating sa ospital. Nagpilit akong bumangon upang makita siya. "Anak, kaya mo na ba?" tanong ni mommy sa akin. Nasa tabi siya ng aking anak na mahimbing na natutulog. “Oo, mommy,” sagot ko, pinipilit ang sarili na bumangon mula sa kama. Mahapdi pa ang mga sugat ko, pero hindi ko kayang magpahinga nang hindi nakikita si Justine. Kailangan kong malaman kung ayos lang siya, kung ligtas na siya mula sa kamay ni Jhoanna. Nang makarating ako sa pintuan ng kwarto, nakita ko si Justine na nakahiga habang nilalapatan ng paunang lunas. "Drake, lumabas ka muna, baka hindi mo kayanin ang makikita mo," pigil sa akin ni kuya Luis. "Nais ko siyang masilayan kahit ano pa ang nangyari sa kanya.." malungkot kong sabi. 'Binuhusan ni JHoanna ng asido ang kanyang mukha, nasira iyon, at sunog na sunog. Iba na ang hitsura niya ngayon." paliwanag ni Luis sa akin. "Kuya, kahit ano pa ang kanyang hitsura, alam ko sa sarili ko na iniibig ko siya. Marami namang procedure na maa
Hinahanap ni Devon ang cord na maaaring putulin upang matanggap ang Bomba sa katawan ng paslit na si Blake. "Kuya Cris, parang walang cord na maliit ito, mukhang hindi ito Bomba,' sabi niya sa akin. Agad ko iyong tiningnan. Tama nga siya, wala iyong cord na may mga kulay, parang isang cable cord lang iyon. "Patingin nga," sabi ni Luis. Sinipat niya ang buong katawan ng bata. "Hindi po ako sasaktan ni mommy.." sabi ni Blake sa amin. "mabait po siya. Nangunot naman ang aking noo, "hindi ka talaga kayang saktan ng mommy mo, kaya nga hinanap ka niya, hindi ba?" 'HIndi siya.. si mommy Jhoanna, mabait po siya.. " sagot ng bata. "Ano ba itong inilagay niya sayo?" tanong ni Luis habang iniikot ikot ang bata. "Wala lang daw po itong suot ko kaya wag daw po akong matakot. Humingi siya ng sorry sa akin," humihikbing sabi ni Blake, "nasaktan lang daw po siya." "Kung ganoon, cord lang ito?" napatingin pa si Devon. Eksaktong pag alis nila ng cord, biglang sumabog ang kotse kung saa
"Oo naman, ano ang kailangan kong gawin upang pakawalang mo ang anak ko?" tanong ko sa kanya, habang patuloy ang umakyat na pag aalala sa aking puso. "Ikaw ang pumalit sa pwesto ng anak mo," nakangiting sagot ni Jhoanna, "halika dito.. para mapaalis na natin ang anak mo." "Sige.. sige, gagawin ko!" Sagot ko sa kanya. "Justine.. mag iingat ka," bulong ni Luis sa akin, "mukhang nahihibang na si Jhoanna. "Ano pang ipinagbubulungan niyo diyan! bilisan mo!" sigaw naman ni Jhoanna sa amin. Napalunok ako ng malalim at tumingin sa mga mata ni Jhoanna. Nakita ko ang galit na tila apoy na naglalagablab, pero may bahid din ng kirot at takot. Hindi ko alam kung anong balak niya sa akin, pero alam kong kailangan kong iligtas si Blake, kahit pa ang kapalit ay ang sarili kong buhay. Dahan-dahan akong lumapit kay Jhoanna, itinaas ang aking mga kamay bilang tanda ng pagsuko. "O, heto na ako," sabi ko, pilit pinapakalma ang sarili kahit pakiramdam ko'y parang may malaking bato sa dibdib ko. "Pakaw
"At ang Lagay, magiging masaya kayo?" asik ni Jhoanna sa akin, "walang ganoong magaganap, ano yan? si snow white ka at ako ang witch?" "Jhoanna! maawa ka sa anak ko.." sigaw ko sa kanya, naglulumuhod ako at nagmamakaawa. "pakawalang mo ang aking anak!" pagsusumamo ko. "Jhoanna, sumuko ka na!' sigaw ni Cris, "wala ka ng ibang mapupuntahan!" "Huh!" ikinasal nito ang baril," okay lang, magsasama na lang kami ng batang ito sa impiyerno!" "Mommy.. bakit po?" nilingon si Jhoanna ni Blake, "akala ko ba, bati tayo?" Hindi sinagot ni Jhoanna ang bata, subalit ang kanyang hawak na baril ay nakatutok dito. Naguguluhan din ako, bakit mommy ang tawag ni Blake kay Jhoanna. "Anak, ako ang mommy mo.." tawag ko kay Blake. Malungkot niya akong tiningnan, saka tumingin ulit kay Jhoanna, "mommy.." ang kanyang mga mata ay basang basa na sa luha na dulot ng labis na pag iyak. "Tumigil ka na, Jhoanna! hindi namin akalaing magagawa mo ito!" sigaw ni Luis, "wala kang awa! pati bata, idinadamay m
"Ayun," wika ng isang pulis naming kasama, natanaw niya ang isang kotse sa di kalayuan. "Sssh, magdahan dahan tayo, hawak pa ni Jhoanna ang bata. baka kung ano pa ang gawin niya kay Blake," warning ni Cris sa amin. Halos gumapang na lang kami paglapit doon. Pinalibutan namin ang sasakyan, kung saan naroroon iyon sa may gilid ng puno. Binuksan nila ang pinto ng kotse, walang tao sa loob. Nakita pa namin ang mga balat ng candies at chocolates sa lapag. "Naunahan niya tayo, nakatungo agad siya," wika ni Luis sa amin, "halughugin ang paligid, naririyan lang iyon." Parang gumuho ang aking mundo, ng marealized na hindi ko na naman makikita ang aking anak. Sobrang sakit sa puso na ang aking pag aalala ay nagpatung patong pa. Napaupo na lang ako sa isang tabi. Nanlulumo ako at nanlalambot. Masakit para sa akin ang umaasa ng umaasa tapos ako ay mabibigo lang. Sinubukan kong igala ang aking mga mata, baka sakaling may mapapansin akong bakas ni Jhoanna. Nagtungo ako sa sasakyan, at
Habang pinagmamasdan ko si Blake na mahimbing na natutulog, hindi ko maiwasang mapabuntong-hininga. Napakaamo ng kanyang mukha, tila ba walang kamuwang-muwang sa lahat ng gulong nagaganap sa aming paligid. Ang liit ng kanyang katawan, halos magkasya sa upuan ng sasakyan. Napakasimple ng kanyang mundo, walang iniintinding problema, walang iniisip na hinanakit. Sinulyapan ko ang gauge ng gas, kaunting-kaunti na lang. Malapit na itong maubos, at hindi ko alam kung saan kami tutuloy pagkatapos. Wala na akong ibang plano kundi manatili rito, sa loob ng sasakyan na tila ba nagsisilbing tanggulan namin mula sa magulong mundong ito. Pero gaano pa katagal? Hanggang kailan ko kakayanin? Iniisip ko si Justine. Puno ng galit at hinanakit ang puso ko. Sa tuwing naiisip ko siya, parang apoy na gustong lumabas mula sa aking dibdib. Siya ang dahilan kung bakit nagkaganito ang lahat. Siya ang pumasok sa buhay namin ni Drake, ang sumira sa lahat ng plano, sa lahat ng pangarap. Isang nakakapason