Share

Chapter 11

DRAKE:

Napansin ko, ang sasakyan na nagtangkang kumidnap kay Justine. Nakaabang sila sa labas. Kawawa naman ang babaeng ito, kung mapupunta kay Ernesto!

Kaya minabuti kong pumasok sa bar, at kausapin si Justine. Kaagad ko namang nakita si Gab.

"Drake, napasyal ka ulit? nasaan ang mga pinsan mo?" tanong niya sa akin.

"Gusto ko lang sanang kausapin si Justine."

Nangunot ang kanyang noo sa sinabi ko, "Si Justine? bakit naman?"

"Basta, mahalaga lang ang pakay ko. Palabasin mo muna siya saglit."

"Oh-eh -eh sige," nagtataka marahil si Gab, dahil hindi naman kami close ni Justine.

Hindi malayong pumunta si Ernesto dito, makuha lang ang gusto niya. At ang mga tao dito ay walang magagawa sa matandang iyon. Tinititigan ko ang paa ng lamesa, ng makita ko ang pares ng sapatos na nasa harapan ko, si Justine.

"Anong kailangan mo?" tanong niya sa akin.

"Kailangan mong makaalis sa lugar na ito," tumayo ako sa harapan niya.

"At bakit naman?" nakataas ang kilay niya habang nakatingin sa akin
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status