"Kahit busy, napagbigyan niya tayo ngayong araw, ang nag iisang heathrob na tinitilian hindi lang ng mga teens, pati mga moms!! Mr. Drake Sanchez!!!!" pakilala ng aming host kay Drake. Lumabas ito at kumaway kaway sa lahat ng naroroon. Hindi ko siya tinitingnan. Ayokong isipin ng iba, na magkakilala kami. "Kumusta kayong lahat?!!" sigaw niya, na halis magpasabog ng aking tenga sa lakas ng tili ng mga tao sa paligid. "It's an honor to be here, pangarap ko talagang maging judge ng mga ganitong palabas, lagi kasi akong host." nagtawanan ang mga audience. "Well, Drake, ano naman ba ang criteria ng mananalo para sayo?" tanong ng host sa lalaki. "Yung beauty, na lahat naman sila ay meron, magkakatalo na lang sa attitude at intelligence," masayang sagot niya. "Ngayon, mag umpisa na tayo, thank you Mr. Drake Sanchez. And now, ito na, ang ating mga nag gagandahang dilag!" Anim kaming lahat, at ako ay pang number 5. Isa isa kaming lumalapit kay Drake. Nung turn ko na, tiningnan niya a
Napangiwi ako, kung saan kami dinala ng date na sinasabi ni Drake! Baguio! Sa laki ng Manila, sa Baguio pa talaga niya ako isinama!"Bakit dito?" tanong ko sa kanya. Malamig sa lugar na ito. Nakikita ko ang kapal ng fog sa dinadaanan namin."Dito lasi, hindi tsismoso ang mga tao. Isa pa, common dito ang nakapanlamig, kaya hindi nila ako makikilala," sagot niya sa akin, "baka isipin pa nila, wala akong standard sa babae, dahil ikaw ang kasama ko."Napaikot na naman niya ang mata ko. Alam na alam ng lalaking ito, kung kailan ako mabubwesit! "Alam mo, ang gwapo mo talaga," may gigil sa aking tinig."Thanks, alam ko naman," nakatuon pa rin ang kanyang mata sa daan.May kasama kaming isang driver, ang kanyang P.A, at isang camera man. Nauna na sa amin ang manager niya para ayusin ang aming pagdating."Bakit kasi may paganito pa. Pwede namang wala na lang," napasandal ako sa upuan, "baka mamaya, kung ano pa ang gawin mo sa akin diyan!""Alam mo, ikaw nga ang pinaka less ang ganda sa mga kas
GLASS wall ang sumalubong sa akin, na halos kita ang kabuuan ng Baguio. Familiar ang structure na ito sa akin, ang design, hindi ko lang mawari kung saan. Inisip ko itong mabuti. Lumapit ako sa glass wall na matatanaw ang kalakihan ng Baguio at mga strawberries na namumula."Dito kita dinala," narinig ko ang baritonong tinig ni Drake, "dahil alam kong magiging Familiar ka sa lugar na ito, kahit hindi ka pa nakakarating.""Paanong--" naguguluhan ako sa sinasabi niya."Noong sabihin ko sa daddy, na ikaw ang nanalo sa contest ng university niyo, na sa Manila lang naman sana tayo, sinabi nila sa akin, na dito kita dalahin.. Design ito ng daddy mo."Namangha ako. Sinasabi ko na nga ba, nakita ko na ito, sa sketch at sa computer ng daddy ko. May isa daw espesyal na kaibigan ang nagpapagawa nito sa kanya. Napangiti na lang ako. Ganon siguro kamahan ng tatay ko si tita Leona. Ganitong ganito talaga iyong nakita niya."Ang ganda.." naibulalas ko na lang."Nalaman ko din, na marami kaming buil
"Aaaaah!!!!" sigaw ko. Sobrang sakit. "Aaaah!" Nagmamadaling lumapit sina Drake sa akin kasama si Mira. "Justine!!" niyugyog niya ako sa balikat. Pagmulat ng aking mga mata, nag aalalang hitsura ni Drake ang bumungad sa akin. Maayos siya, hindi nakatali. "Drake!!" niyakap ko siya, "tulungan mo ako!! si Don Ernesto.. si Don Ernesto!!" iyak ako ng iyak. "Sshhh.. walang don Ernesto dito. Hanggang nasa poder kita, hindi ka niya malalapitan." hinagod hagod niya ang aking buhok. "Ito ang tubig," iniabot sakin ni Drake ang tubig na nagmula kay Mira. Kaagad akong uminom. Pinunasan ni Drake ng kanyang panyo, ang aking mga mata. "Tahan na.. tahan na," sabi niya sa akin. Iniisip ko, kung saan ko narinig iyong mga katagang iyon. Bakit parang narinig ko na ang salitang sinasabi niya."Anong nangyari sayo? okay ka lang ba?" tanong ni Mira sakin."Okay lang ho ako, pasensiya na ho kayo. Binabangungot ho ako," matapat kong sagot sa kanya."Natulog ka kasi ng gutom at masama ang loob. Gusto ko
"Bahay natin ito?" masayang masaya kami ni Bettina, ng makita ang aming bagong bahay. "Oo, tig isa na kayo ng kwarto ni Bettina," sabi ni tita Bernadeth sa amin, "sige na, mamili na kayo ng kwarto niyo, pero ang masters, siyempre, sa amin ng daddt niyo." "Woooh," tumakbo kami paakyat ng mga kwarto. "Ito ang sa akin," sabi ni Bettina na pinili ang kwarto sa sulok. "Sigurado ka na ba diyan?" tanong ko sa kanya, "baka kapag nakapili na ako ng room, saka mo sasabihing ayaw mo diyan." "Ito na ang sakin, promise ate. Mommy, ito ang sakin," itinuro pa niya kina tita ang napili niya. "Nagcheck ka ba ng buong room?" tanong ni tita Bettina sa kanya. "Nope, pero dito na ako talaga," humiga siya sa kama. "Ikaw, anak, nakapili ka na ba?" tanong ni daddy sa akin. "Titingnan ko pa po yung dalawa," sagot ko sa kanya. Una kong tiningnan ang isang kwarto, na mas maliit sa kwartong napili ni Bettina. Maganda din iyon. Kulay powder pink ang pader. Pero mas nagustuhan ko ang cool na hi
"Drake!!!" ang daming fans na kumapit kay Draje upang magpapicture. Naiwan na lang ako sa tabi. Ayokong maissue sa lalaking ito.Tumunog ang aking cellphone, si Tita Bernadeth."Kumusta ka na Justine? nasa Baguio ka?" tanong niya sa akin."Oho, bakit ho?""Wala naman. Maganda nga yang minsan, nakakapagrelax ka. Sino ang kasama mo?""Kaibigan ko lang ho.""Sige, mag enjoy ka lang. Pagbalik mo na lang tayo mag kwentuhan, may trabaho na kasi ako," masaya niyang balita sa akin."Talaga ho?" masaya kong sabi sa kanya, "congrats ho tita!""Naku, dapat nga, matagal ko ng ginawa. Naisip ko kasi, na hindi habang buhay, magkakasama tayo, lalo na, at hindi naman ako ang totoo mong mommy," maramdamin niyang wika sa akin."Tita, kayo ang mommy ko, okay ho ba? kahit kailan, hindi ko kayo itinuring na iba. Mahal ko kayo," sabi ko sa kanya."Saka, nahirapan akong mag move on sa daddy mo, kaya hindi ako agad nakabangon, pero ngayon, tatayo tayo ng magkakasama."Naluha ako sa sinabi niya. Talagang maba
Sinabihan ako ni Drake, na wag magpahalata kay tita Bernadeth na may alam ako sa ginagawa nitong pag ispiya sa akin. Sinamahan ako ni Drake na umuwi sa aming bahay. Ipinakilala ko siya kay tita, wala doon si Bettina. "Kaibigan ko lang ho siya tita, si Drake Sanchez," pakilala ko sa kanya. "Naku, tingnan mo nga naman ay may dumalaw na artista sa bahay natin, Justine. Kumusta ka hijo?" nakipagkamay si tita kay Drake. "Ayos naman ho ako," ngumiti si Drake sa kanya ,"totoo ho pala na maganda talaga kayo." "Naku, at ibinenta ako agad ng batang ito," parang nagblush pa si tita Bernadeth, "maganda naman kaming lahat dito sa bahay." "Tita, sabi niyo, may trabaho na kayo?" tanong ko sa kanya. "Oo, tinanggap ako ni don Ernesto maging manager ng restaurant niya, nagulat nga ako sa alok niya eh." ngumiti si tita Bernadeth, nagkatinginan naman kami ni Drake. "Tita, may restaurant din ho kami, gusto niyo, ilagay ko kayo doon as manager?" suhestiyon ni Drake. "Nakakahiya naman hijo kay don
Drake: "Sakay Janella!" sigaw ko sa aking nobya. "Drake, please, wag mo na silang patulan.." pagtutol niya sa akin. "Oh, mayabang na Sanchez, ano? kakasa ka ba? wala ka pala eh, duwag!" pinagtatawanan ako nina Andrei. "Baka Andres de saya," wika ng kasama nito. Pinaharok ko ang aking kotse, "oh, ano pang itinatanga tanga niyo diyan? game na!" sigaw ko sa kanila. Hindi ko alam, na ang kotse ko pala ay siniraan nila ng preno. Nalaman ko na lang iyon, noong nakasakay na kami at mabilis ang takbo. Sinasabayan kami nina Andrei. "Mamamatay ka ng mayabang ka! hahaha" sigaw niya sa akin. May nadaanan kaming dalawang tao sa gilid ng kalsada, nagtatalo sila. Biglang itinulak nung babae, ang maedad ng lalaki, dahilan upang ma out of balance siya. Nakita ko pa ang gulat sa mata ng babae nung mabilis akong nakaiwas, subalit hindi na nakaiwas ang lalaki, pagdaan nina Andrei. Nasapul nila ang lalaking itinulak ng babaeng iyon. Nagtama pa ang mata namin nung babae, kaya sigurado ako