Kinalabit ko si Marco nang nakalayo na ang mga kaibigan ko sa amin. "Sa 'yo ba 'to galing? Couple necklace, ganoon?" tanong ko. "It's just a necklace. Baka sa susunod, singsing na ang ipapasuot ko sa 'yo," sagot niya at inakbayan ako. Mabilis ko namang inalis ang kamay niya sa balikat ko nang biglang lumingon sina Luna at Tina sa gawi namin. Huhubarin ko na sana ang kwintas nang bigla niya akong pinigilan. "Ano ba? Ibabalik ko 'to sa 'yo! Hindi ako tumatanggap ng ganitong bagay!" "Subokan mong hubarin. Hahalikan talaga kita at wala akong pakialam kung makakita man sa atin ang lahat ng empleyado ko," pagbabanta niya sa akin. "Nababaliw ka na nga!" asik ko at binilisan ang paglalakad papalayo sa kaniya. Nasa lobby na kaming lahat, nagkukwentuhan at nagtatawanan. Ang aming team leader, si Manager Norma, ay nagbigay ng maikling briefing tungkol sa mga gagawin namin para sa araw na ito. May mga laro, mga activities, at syempre, masasarap na pagkain.Naglakad kami papunta sa isang ma
"Ang sabi mo may gagawin ka ngayon. Anong ginagawa mo sa silid ko?" tanong ko sabay taas ng kilay ko. "I canceled the meeting," sagot niya at hinila ako paupo sa kama ko. Pagod ang nakikita ko sa mukha niya. "I canceled it because I miss you," dagdag niya na siyang ikinagulat ko. Napatitig ako ng ilang segundo sa kaniya at unti-unti ko ring nararamdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko. "Gusto kitang makatabing matulog. Kung ayaw mo, hindi kita pipilitin." "Marco, hindi pa nga ako pumayag na magpaligaw sa 'yo tapos tatabi ka na sa aking matutulog," sabi ko at tumayo saka inilagay sa ibabaw ng table ang bulaklak. "Baka makita rin tayo ng mga kaibigan ko at ibang mga empleyado tapos bibigyan nila ng ibang kahulugan -" "Then I will tell them that we are dating," he interrupted what I was about to say. He stood up and started unbuttoning his polo. Tinakpan ko naman ang mga mata ko. "Huwag mong takpan ang mga mata mo, Emily. Nakita mo naman 'to lahat," nakangising saad niya bago pumasok
Idinilat ko ko ang aking mga mata nang naramdaman kong may yumakap sa akin. Nakita ko si Miguel, na mahimbing na natutulog habang nakayakap pa rin sa akin. Dahan-dahan kong inalis ang braso niya, ngunit mas lalo niya lang hinigpitan ang pagyakap sa akin, na para bang mauubosan ako ng hininga. "I can't breath," sabi ko. Nang napansin ko ang pagdilat ng mga mata niya, agad akong bumangon at tumayo. "Kung makayakap ka naman sa akin, mauubosan ako ng hininga." Napatingin ako sa pinto nang may narinig akong ingay na nanggagaling sa labas. Bubuksan ko na sana ang pintuan nang hilahin ako ni Marco papalapit sa kaniya. "Nandito ang Mommy ko," he whispered. "Mommy mo?" "Mommy natin." Tumayo ako at napatingin sa kaniya. Naka-topless pa rin siya. Kung alam ng Mommy niya na rito siya natulog at makikitang nakahubad ang anak niya baka kung ano ang iisipin no'n. Kinuha ko ang polo shirt miya at ibinato ito sa kaniya. "Suotin mo 'yan. Baka isipin ng Mommy mo na may ginagawa tayong milagro kap
"Bored ka ba?" tanong ko imbes sagutin ang tanong niya. Umigting ang panga ni Marco. "Kung bored lang ako hindi kita hahabulin matapos kitang makuha ng gabing 'yon," seryosong saad niya na siyang ikinalaglag ng panga ko. "Fine! I'll be your date for today. Huwag mo ngang ipaalala sa akin ang nangyari sa atin!" asik ko at isinara ang pinto pagkatapos kong kunin ang bulaklak at teddy bear sa kaniya. Tiningnan ko ang sarili ko sa malaking salamin habang nagsusukat ng dress. Hindi ko alam kung bakit ako nahihirapang mamili ng susuotin ko ngayong araw. Makikipag-date siya sa akin at hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Balak ko pa naman sanang maligo ng dagat ngayong araw, pero mukhang malabong mangyari 'yon kasi wrong timing ang pagyaya niya sa akin. Makalipas ang mahigit sampung minutong pag-iisip kung ano ang susuotin ko, nagpasya akong magsuot ng itim na tube at short. Naglagay ako ng light make up para hindi naman ako haggard tingnan. "Saan tayo pupunta?" tanong ko pagkalab
Sumandal ako sa malaking puno habang pinagmamasdan si Marco na naliligo sa dagat. Nangunot ang noo ko nang napansing may lumapit sa kaniyang tatlong babae nang umahon na siya sa tubig. Napatayo ako nang hawakan ng isang babae ang braso ni Marco habang kinukunan sila ng litrato. Nag-igting ang panga ko nang napansing nakangiti lang si Marco at mukhang nag-e-enjoy kasi naka-two-piece ang mga babae. Parang sasabog din ang mga dibdib nila sa sobrang laki. Nag-unat-unat muna ako bago hinubad ang suot kong damit at jogging pants. Ako ang date niya ngayong araw, pero ibang babae ang kinakausap niya. Inayos ko ang buhok ko bago nagpasyang maglakad papalapit sa kinaroroonan nila. Inirapan ko si Marco nang nahuli ko siyang nakatingin sa akin. May nakita akong dalawang foreigners, na nakatingin din sa akin. Imbes magtungo sa kinaroroonan ni Marco, sinadya kong dumaan sa harapan ng mga foreigners upang magpapansin. Hindi ako pwedeng magpakabog sa mga babaeng kausap niya ngayon. Palihim akong n
Buong maghapon kaming naligo ng swimming pool ni Marco na nasa loob ng villa nila. Mula nang nakita ko kasi si Eunice nawalan na ako ng ganang lumabas baka makita kaming magkasama ni Marco at baka may mapadpad na mga empleyado sa resort. Kahit papaano hindi naman ako nainip kasi may mga oras ding nanunuod kami ng palabas habang kumakain ng pagkain. "Want some rice?" tanong niya pagkatapos niyang lagyan ng kanin ang plato niya. Umiling ako agad. Pakiramdam ko parang sasabog na ang tiyan ko sa sobrang busog. Kanina pa kami kumakain. At paniguradong tataba ako kapag siya palagi ang kasama ko. Nasa villa niya pa rin kami, kumakain ng hapunan. Mag-a-alas siyete na ng gabi at hindi pa rin kami bumabalik sa kabilang resort. Infairness may pagka-boyscout din 'tong si Marco kasi palagi siyang handa. Kahit underwear ay hindi ako nagdala, pero hindi ko aakalaing binilhan niya na pala ako ng mga gamit kahapon. Kaya pala hindi rin siya nag-abalang magdala ng ibang gamit na susuotin niya kasi m
Nakapatong pa rin ako sa kaniya habang patuloy sa paghalik. Habang tumatagal ay mas lalong lumalalim ang halikan namin. Ayaw niyang pakawalan ang labi ko. Tumukod ako sa sahig nang naramdaman ko ang pagbangon niya. Pareho na kaming nakaupo at walang ni isa sa aming may balak, na huminto sa paghalik. Pareho kaming uhaw sa isa't isa. Napadaing ako nang bigla niyang kagatin ang pang-ibabang labi ko at bumaba ang kamay niya sa pang-upo ko. "Is this what you want?" bulong niya sa gitna ng paghahalikan namin. Pakiramdam ko pinamulahan ako ng mukha sa tanong niya. Tumango ako, hindi ko maalis ang paningin ko sa labi niya. Napakapit ako sa batok niya nang bigla niya akong buhatin. Kaagad kong ipinulupot ang mga paa ko sa beywang niya. Napalunok ako nang nakitang lumusog siya sa pool. Nang tuloyan na kaming nabasa, siniil niya na naman ulit ng halik ang labi ko. He drowned me with hungry and suffocating deep kisses. Umatras ako habang ginagawa niya iyon dahil masyadong agresibo ang kani
Marco's POV Pinagmasdan ko si Emily, na mahimbing na natutulog sa aking bisig. Inayos ko ang takas niyang buhok at niyakap ng mahigpit. Hindi pa rin ako makapaniwalang may nangyari na naman sa amin. At first, I was hesitant to do it lalo na't pareho kaming hindi nakainom ng alak. Nililigawan ko pa siya at ayokong i-take advantage si Emily. Seryoso ako sa panliligaw sa kaniya at alam kong hindi agad siya maniniwala sa ginagawa at pinapakita ko. Kaya kahit gaano pa 'yan katagal, hihintayin ko ang matamis niyang oo. Naputol ako sa pag-iisip nang marinig ang pagdaing niya. Hindi ko mapigilang kagatin ang pang-ibabang labi ko nang marinig ang maganda niyang boses. Hinaplus-haplos ko ang mahaba niyang buhok habang paulit-ulit na hinahalikan ang noo niya. "I love you," bulong ko. Dahan-dahan kong nilagyan ng unan ang ulo niya. Sobrang himbing ng tulog niya at ayokong gisingin siya. She looks so tired. Ang lakas niyang humilik, pero para sa akin, ang ganda ng boses niya sa pandinig ko.
Emily’s POVPagmulat ng mga mata ko kinabukasan, ang unang bagay na naramdaman ko ay ang init ng bisig ni Marco na mahigpit pa ring nakayakap sa akin. Nakapulupot ang mga braso niya sa bewang ko, para bang natatakot siyang mawala ako sa tabi niya.Napangiti ako. Hindi pa man ako gumagalaw, ramdam ko na ang mahinang paghinga niya sa leeg ko. Ipinikit ko ulit ang mga mata ko, ninanamnam ang sandaling ito. Ilang beses ko nang naisip kung paano kung hindi namin kailangang itago ang ganitong klaseng umaga—'yung gigising ako sa tabi niya nang walang pangamba, walang iniisip na ibang tao.Habang nakikiramdam ako, naramdaman kong gumalaw si Marco. Mas humigpit ang yakap niya, sabay bulong sa tainga ko, "Bakit gising ka na?"Napangiti ako at hindi agad sumagot. Pinaglaruan ko ang mga daliri niyang nakapulupot sa akin. "Bakit, bawal?""Hmm, mas gusto ko sana kung mahimbing ka pang natutulog sa yakap ko."Napatawa ako nang mahina. "Ang clingy mo sa umaga.""Only with you," sagot niya kaagad.Bag
Emily’s POVPagkalipas ng ilang minuto ng katahimikan habang nakahiga kami sa sofa, marahang hinaplos ni Marco ang buhok ko. Nasa kandungan niya ang ulo ko, at habang nilalaro-laro niya ang ilang hibla ng buhok ko sa pagitan ng mga daliri niya, ramdam ko ang init ng katawan niya na nagbibigay ng hindi maipaliwanag na ginhawa.“Emily…” tawag niya sa akin, mababa ang boses, parang may gustong sabihin.“Hm?” sagot ko, hindi pa rin idinidilat ang mga mata ko.“Paano kung hindi na natin kailangan itago ‘to?”Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ako agad nakasagot. Naramdaman ko ang dahan-dahang paghigpit ng yakap niya sa akin, waring hinihintay ang magiging reaksyon ko.Kahit anong pilit kong itago, hindi ko maitanggi na minsan, napapagod din akong magpanggap na wala kaming relasyon. Sa opisina, kailangang magpaka-professional—walang malalagkit na tinginan, walang lambingan, walang kahit anong pahiwatig na magbubunyag sa kung anong meron sa amin.Pero ang tanong niya… posible ba tal
Emily’s POVPagkatapos ng mahabang araw sa opisina, wala na akong ibang gustong gawin kung 'di umuwi at magpahinga. Pero ang katotohanang si Marco ang kasama ko sa iisang condo ay parang isang matamis na lihim na nagbibigay sa akin ng kakaibang kilig at kaba.Pagkapasok ko ng unit, inihagis ko ang handbag ko sa sofa at dumiretso sa kusina para kumuha ng malamig na tubig. Pero bago ko pa man maabot ang baso, naramdaman kong may mainit na katawan na dumikit sa likuran ko."Pagod ka?" bulong ni Marco sa tainga ko, at ramdam ko ang init ng kanyang hininga na dumampi sa balat ko.Napapikit ako saglit bago ko siya nilingon. Nakatitig siya sa akin, ang mga mata niyang puno ng kakaiba na hindi ko maipaliwanag—parang paghanga, pagmamahal, at kaunting pang-aasar na pinaghalo."Obviously," sagot ko, pilit na hindi nagpapahalata ng kilig. Pero hindi ko maiwasang mapangiti nang hinaplos niya ang pisngi ko gamit ang likod ng kanyang mga daliri."Hmm, paano kita mapapagaan?" tanong niya, at bago ko
Emily’s POVNagkakasalubong ang mga tingin namin ni Marco sa buong araw, at sa kabila ng lahat ng trabaho at abala, ang bawat sulyap na iyon ay tila may kasamang lihim na hindi kayang ipaliwanag ng kahit anong salita. Sa mga mata niya, may isang hindi matatawarang kalaliman, parang ang bawat hakbang at desisyon na ginagawa namin ay nagiging mas makulay at puno ng kahulugan.Habang abala kami sa pagpapatuloy ng mga proyekto, may mga sandaling tumitigil ang oras—ang lahat ng ingay sa opisina ay nagiging malabo at hindi ko na naririnig. Tanging ang malalim na tingin ni Marco sa akin ang nararamdaman ko. Hindi ko kayang itanggi, hindi ko kayang lumikha ng mga dahilan para umiwas. Ang bawat pagtingin niya ay nagsasabi ng higit pa sa mga salitang hindi namin kayang iparating.Sa isang pagkakataon, naglakad kami papunta sa conference room para tapusin ang isang usapin na matagal nang ipinagpapaliban. Ngunit bago kami makapasok, huminto siya sa isang bahagi ng hallway, at ang mga mata niya ay
Emily’s POVAng araw na iyon ay tila kakaiba. Marahil ay dahil sa bigat ng mga nangyayari sa paligid namin ni Marco, o baka naman dahil sa mga hindi maipaliwanag na damdamin na patuloy na bumangon sa aking dibdib. Ang trabaho, na matagal ko nang iniiwasan ang maging komplikado, ay ngayon isang tulay na nagdudugtong sa amin—hindi lamang bilang mga katrabaho, kung 'di bilang magkasama. Ang relasyon namin ay isang lihim na pilit namin itinatago mula sa ibang tao, at habang kami ay abala sa mga ulat at mga proyekto, may mga pagkakataon na magkaibang mundo kami sa harap ng mga tao, ngunit sa loob ng aming mga mata, may isang realidad na tanging kami lang ang nakakaalam.Sa opisina, natapos namin ang mga dokumento para sa isang malaking negosyo. Habang binabalikan ko ang mga detalye ng mga ulat, naramdaman ko ang mga mata ni Marco sa akin. Hindi ko na kayang iwasan ito. Ang bawat pagtingin niya ay may kasamang tanong na hindi ko kayang sagutin—hindi pa ngayon. Ngunit hindi ko maitatanggi an
Emily’s POVDahil sa bigat ng responsibilidad na ibinigay ni Marco, hindi ko na maiwasang mag-isip ng mas malalim. Habang sinisilip ko ang mga dokumento sa aking laptop, ang mga numero at detalye ng proyekto ay nagsisilbing paalala na hindi na ako basta-basta assistant ni Marco. Ang mga desisyon ko sa mga susunod na linggo ay magiging bahagi ng higit pa sa trabaho. May mga bagay na hindi na pwedeng pagtakpan, hindi na pwedeng itago.Nagising ako ng maaga kinabukasan, isang araw na puno ng mga tanong at hindi maiiwasang kaba. Nandiyan pa rin ang hindi-kayang-alisang takot—ang takot na baka mabigo ako, o baka ang relasyon namin ni Marco ay magdulot ng hindi inaasahang komplikasyon. Ngunit sa bawat tanong, natutunan ko na hindi ko kayang umiwas. Hindi ko kayang takasan ang nararamdaman ko para sa kanya.Habang nagbibihis ako, naiisip ko pa rin ang sinabi ni Marco. Ang tiwala na ibinigay niya sa akin, ang pananaw niyang hindi ako pababayaan, at ang mga salitang nagbigay sa akin ng lakas—l
Emily’s POVNasa opisina ako, nakaupo sa aking desk, at abala sa mga gawain. Pero hindi ko maitatanggi na ang bawat minuto ay tila tumatagal, at sa bawat tiningin ko kay Marco mula sa aking pwesto, pakiramdam ko ay may isang 'di-mabilang na katanungan na hindi ko kayang sagutin. Marahil dahil hindi ko rin alam ang mga sagot, o baka naman hindi pa kami handa na harapin ang mga tanong na iyon.Naririnig ko ang tunog ng mga tao sa paligid, ang tunog ng mga keyboard na patuloy na nagsusulat, ngunit parang ako lang at si Marco ang naroroon. Alam ko, at ramdam ko, na hindi na kami tulad ng dati—ang magkaibang mundo namin ay nagsanib at nagiging mas magulo at mas kumplikado. Ngunit hindi ko magawang itanggi ang pakiramdam ko. Ang simpleng titig niya sa akin mula sa kanyang lamesa, o ang pagkakaroon niya ng mga maliliit na gestures—'yun ang mga bagay na nagpapagulo sa akin.Maya-maya, narinig ko ang tunog ng kanyang boses. “Emily, may gusto akong itanong.”Tumingin ako sa kanya, at nagulat na
Emily’s POVIlang araw na rin ang lumipas mula nang mag-usap kami ni Marco tungkol sa kung anong nangyayari sa amin. Sa totoo lang, kahit na alam ko ang magiging komplikado ng lahat, hindi ko maiwasang mag-isip. Magkahalong saya at takot ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa amin, pero sa tuwing kasama ko siya, ang mundo ko ay tila humihinto sa isang paghinga lang.Ngunit hindi ko rin matanggal ang mga tanong na patuloy na bumabagabag sa akin. Anong mangyayari kung malaman ng ibang tao? Kung magising kami isang araw at matutuklasan namin na hindi namin kayang itago ang lahat ng nararamdaman namin?Pumasok ako sa opisina ng may mabigat na pakiramdam. Ang mga araw na ito ay puno ng mga galak at hirap na hindi ko maipaliwanag. Dahil habang tumatagal, lalo akong nahuhulog kay Marco. Sa lahat ng nararamdaman ko, siya lang ang dahilan kung bakit may saya sa puso ko.Pagdating ko sa office, nakaupo na siya sa kanyang desk, naka-suit, maayos ang buhok, at ang buong aura
Emily’s POVHindi ko alam kung paano nangyari, pero isang gabi lang iyon—isang simpleng hapunan sa isang ordinaryong karinderya—at pakiramdam ko, may nabago sa pagitan namin ni Marco.Pagkauwi namin, tahimik lang siya habang nagmamaneho, pero hindi ito ‘yung tipong awkward na katahimikan. Para bang pareho kaming nag-e-enjoy sa presensiya ng isa’t isa, kahit walang sinasabi. Minsan, napapansin kong sumusulyap siya sa akin, pero hindi ako nagtatanong. Hinahayaan ko lang siyang pagmasdan ako sa paraang gusto niya.Pagdating namin sa condo, pareho kaming napahinga nang malalim. Para bang bumalik na kami sa realidad, kung saan kailangang maging maingat, kailangang pigilan ang sarili. Pero kahit ganoon, hindi ko mapigilang mapangiti nang maalala ang mukha niya habang tinatakam ko sa tapsilog ni Ate Nita.Habang binubuksan niya ang pinto ng unit namin, napansin kong may bahagya siyang ngiti sa labi niya. Hindi ko alam kung napansin niya iyon, pero sa totoo lang, gusto ko iyong makita sa kany