"Ang sabi mo may gagawin ka ngayon. Anong ginagawa mo sa silid ko?" tanong ko sabay taas ng kilay ko. "I canceled the meeting," sagot niya at hinila ako paupo sa kama ko. Pagod ang nakikita ko sa mukha niya. "I canceled it because I miss you," dagdag niya na siyang ikinagulat ko. Napatitig ako ng ilang segundo sa kaniya at unti-unti ko ring nararamdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko. "Gusto kitang makatabing matulog. Kung ayaw mo, hindi kita pipilitin." "Marco, hindi pa nga ako pumayag na magpaligaw sa 'yo tapos tatabi ka na sa aking matutulog," sabi ko at tumayo saka inilagay sa ibabaw ng table ang bulaklak. "Baka makita rin tayo ng mga kaibigan ko at ibang mga empleyado tapos bibigyan nila ng ibang kahulugan -" "Then I will tell them that we are dating," he interrupted what I was about to say. He stood up and started unbuttoning his polo. Tinakpan ko naman ang mga mata ko. "Huwag mong takpan ang mga mata mo, Emily. Nakita mo naman 'to lahat," nakangising saad niya bago pumasok
Idinilat ko ko ang aking mga mata nang naramdaman kong may yumakap sa akin. Nakita ko si Miguel, na mahimbing na natutulog habang nakayakap pa rin sa akin. Dahan-dahan kong inalis ang braso niya, ngunit mas lalo niya lang hinigpitan ang pagyakap sa akin, na para bang mauubosan ako ng hininga. "I can't breath," sabi ko. Nang napansin ko ang pagdilat ng mga mata niya, agad akong bumangon at tumayo. "Kung makayakap ka naman sa akin, mauubosan ako ng hininga." Napatingin ako sa pinto nang may narinig akong ingay na nanggagaling sa labas. Bubuksan ko na sana ang pintuan nang hilahin ako ni Marco papalapit sa kaniya. "Nandito ang Mommy ko," he whispered. "Mommy mo?" "Mommy natin." Tumayo ako at napatingin sa kaniya. Naka-topless pa rin siya. Kung alam ng Mommy niya na rito siya natulog at makikitang nakahubad ang anak niya baka kung ano ang iisipin no'n. Kinuha ko ang polo shirt miya at ibinato ito sa kaniya. "Suotin mo 'yan. Baka isipin ng Mommy mo na may ginagawa tayong milagro kap
"Bored ka ba?" tanong ko imbes sagutin ang tanong niya. Umigting ang panga ni Marco. "Kung bored lang ako hindi kita hahabulin matapos kitang makuha ng gabing 'yon," seryosong saad niya na siyang ikinalaglag ng panga ko. "Fine! I'll be your date for today. Huwag mo ngang ipaalala sa akin ang nangyari sa atin!" asik ko at isinara ang pinto pagkatapos kong kunin ang bulaklak at teddy bear sa kaniya. Tiningnan ko ang sarili ko sa malaking salamin habang nagsusukat ng dress. Hindi ko alam kung bakit ako nahihirapang mamili ng susuotin ko ngayong araw. Makikipag-date siya sa akin at hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Balak ko pa naman sanang maligo ng dagat ngayong araw, pero mukhang malabong mangyari 'yon kasi wrong timing ang pagyaya niya sa akin. Makalipas ang mahigit sampung minutong pag-iisip kung ano ang susuotin ko, nagpasya akong magsuot ng itim na tube at short. Naglagay ako ng light make up para hindi naman ako haggard tingnan. "Saan tayo pupunta?" tanong ko pagkalab
Sumandal ako sa malaking puno habang pinagmamasdan si Marco na naliligo sa dagat. Nangunot ang noo ko nang napansing may lumapit sa kaniyang tatlong babae nang umahon na siya sa tubig. Napatayo ako nang hawakan ng isang babae ang braso ni Marco habang kinukunan sila ng litrato. Nag-igting ang panga ko nang napansing nakangiti lang si Marco at mukhang nag-e-enjoy kasi naka-two-piece ang mga babae. Parang sasabog din ang mga dibdib nila sa sobrang laki. Nag-unat-unat muna ako bago hinubad ang suot kong damit at jogging pants. Ako ang date niya ngayong araw, pero ibang babae ang kinakausap niya. Inayos ko ang buhok ko bago nagpasyang maglakad papalapit sa kinaroroonan nila. Inirapan ko si Marco nang nahuli ko siyang nakatingin sa akin. May nakita akong dalawang foreigners, na nakatingin din sa akin. Imbes magtungo sa kinaroroonan ni Marco, sinadya kong dumaan sa harapan ng mga foreigners upang magpapansin. Hindi ako pwedeng magpakabog sa mga babaeng kausap niya ngayon. Palihim akong n
Buong maghapon kaming naligo ng swimming pool ni Marco na nasa loob ng villa nila. Mula nang nakita ko kasi si Eunice nawalan na ako ng ganang lumabas baka makita kaming magkasama ni Marco at baka may mapadpad na mga empleyado sa resort. Kahit papaano hindi naman ako nainip kasi may mga oras ding nanunuod kami ng palabas habang kumakain ng pagkain. "Want some rice?" tanong niya pagkatapos niyang lagyan ng kanin ang plato niya. Umiling ako agad. Pakiramdam ko parang sasabog na ang tiyan ko sa sobrang busog. Kanina pa kami kumakain. At paniguradong tataba ako kapag siya palagi ang kasama ko. Nasa villa niya pa rin kami, kumakain ng hapunan. Mag-a-alas siyete na ng gabi at hindi pa rin kami bumabalik sa kabilang resort. Infairness may pagka-boyscout din 'tong si Marco kasi palagi siyang handa. Kahit underwear ay hindi ako nagdala, pero hindi ko aakalaing binilhan niya na pala ako ng mga gamit kahapon. Kaya pala hindi rin siya nag-abalang magdala ng ibang gamit na susuotin niya kasi m
Nakapatong pa rin ako sa kaniya habang patuloy sa paghalik. Habang tumatagal ay mas lalong lumalalim ang halikan namin. Ayaw niyang pakawalan ang labi ko. Tumukod ako sa sahig nang naramdaman ko ang pagbangon niya. Pareho na kaming nakaupo at walang ni isa sa aming may balak, na huminto sa paghalik. Pareho kaming uhaw sa isa't isa. Napadaing ako nang bigla niyang kagatin ang pang-ibabang labi ko at bumaba ang kamay niya sa pang-upo ko. "Is this what you want?" bulong niya sa gitna ng paghahalikan namin. Pakiramdam ko pinamulahan ako ng mukha sa tanong niya. Tumango ako, hindi ko maalis ang paningin ko sa labi niya. Napakapit ako sa batok niya nang bigla niya akong buhatin. Kaagad kong ipinulupot ang mga paa ko sa beywang niya. Napalunok ako nang nakitang lumusog siya sa pool. Nang tuloyan na kaming nabasa, siniil niya na naman ulit ng halik ang labi ko. He drowned me with hungry and suffocating deep kisses. Umatras ako habang ginagawa niya iyon dahil masyadong agresibo ang kani
Marco's POV Pinagmasdan ko si Emily, na mahimbing na natutulog sa aking bisig. Inayos ko ang takas niyang buhok at niyakap ng mahigpit. Hindi pa rin ako makapaniwalang may nangyari na naman sa amin. At first, I was hesitant to do it lalo na't pareho kaming hindi nakainom ng alak. Nililigawan ko pa siya at ayokong i-take advantage si Emily. Seryoso ako sa panliligaw sa kaniya at alam kong hindi agad siya maniniwala sa ginagawa at pinapakita ko. Kaya kahit gaano pa 'yan katagal, hihintayin ko ang matamis niyang oo. Naputol ako sa pag-iisip nang marinig ang pagdaing niya. Hindi ko mapigilang kagatin ang pang-ibabang labi ko nang marinig ang maganda niyang boses. Hinaplus-haplos ko ang mahaba niyang buhok habang paulit-ulit na hinahalikan ang noo niya. "I love you," bulong ko. Dahan-dahan kong nilagyan ng unan ang ulo niya. Sobrang himbing ng tulog niya at ayokong gisingin siya. She looks so tired. Ang lakas niyang humilik, pero para sa akin, ang ganda ng boses niya sa pandinig ko.
Umupo ako nang maayos nang makita kong pumasok si Emily sa loob ng opisina ko. Napakagat-labi ako nang biglang sumagi sa isipan ko ang nangyari sa amin sa resort. "Good morning, S-Sir," she greeted. "May meeting po kayo ngayong araw -" "Alam ko na lahat ng 'yan, Miss Em. Umupo ka muna riyan at kumalma. Mukhang kinakabahan ka. May problema ba?" "Wala naman. Naninibago lang." Tinaasan ko siya ng kilay. "At bakit ka naninibago?" "Ilang linggo rin kasi akong nawala." Bumukas ang pinto at nakita kong pumasok si Nick. Nagtagal ng ilang segundo ang paningin niya kay Emily. "Nagawa mo ba ang pinapagawa ko?" "Yes, Marco. We'll be there before lunch," sagot ni Nick. "Miss Emily," sambit ko. Tumayo siya ng matuwid at tumingin sa akin. "Come with me." "Yes, Sir!" tugon niya at inayos ang suot niyang skirt. Pagdating namin sa parking lot, inagaw ko ang susi ng kotse kay Nick. Nagulat siya sa ginawa ko, pero nginitian ko na lang siya. Pinagbuksan niya ng pintuan si Emily. "Ikaw muna ang
Emily's POV Pagkalipas ng ilang buwan, mas lalo pang naging matibay ang pagsasama namin ni Marco. Simula nang bumalik siya sa buhay namin ni Frost, wala na akong ibang hinangad kundi ang magkaroon ng isang buong pamilya kasama siya. Ngayon, nandito kami sa isang pribadong beach resort na pagmamay-ari ng pamilya niya. Isang linggo na kaming nandito, at hindi ko akalaing magiging ganito ako kasaya. "Mommy! Daddy!" sigaw ni Frost habang tumatakbo sa buhanginan. "Tara na! Malapit nang lumubog ang araw!" Nakangiting hinila ako ni Marco papunta sa dalampasigan. Hawak-kamay kaming naglakad patungo kay Frost, na masayang naglalaro sa buhangin. Napakaganda ng tanawin—ang papalubog na araw, ang malamig na simoy ng hangin, at ang masayang tawanan ng aming anak. Pakiramdam ko, wala na akong mahihiling pa. Nang makarating kami sa tabi ni Frost, biglang bumitaw si Marco sa kamay ko. Napatingin ako sa kanya, at laking gulat ko nang bigla siyang lumuhod sa harapan ko. "Marco?!" gulat kong tawa
Emily's POV Pagkalipas ng ilang araw, unti-unting bumalik sa normal ang buhay namin. Matapos ang lahat ng gulong idinulot ni Serenity, ngayon lang ulit ako nakahinga nang maluwag. Pero kahit tapos na ang laban, hindi maalis sa isip ko ang trauma at sakit na dinaanan namin ni Marco.Maaga akong nagising isang umaga at lumabas ng kwarto para maghanda ng almusal. Napangiti ako nang makita kong mahimbing pa ring natutulog si Frost sa kama niya. Para siyang anghel na walang kamalay-malay sa lahat ng pinagdaanan namin.Sa kusina, inihanda ko ang paboritong agahan ni Marco—garlic rice, tapa, at scrambled eggs. Pero bago ko pa man matapos ang pagluluto, naramdaman kong may mga bisig na biglang pumalibot sa bewang ko."Good morning, Mrs. Montevallo," malambing na bulong ni Marco sa tenga ko.Napangiti ako at sinandig ang ulo ko sa dibdib niya. "Good morning, Mr. Montevallo. Ang aga mong gumising.""Hindi ako sanay na hindi ikaw ang unang bumabati sa akin pagkagising," sagot niya, sabay halik
Emily's POV Tahimik ang paligid ng safehouse, pero hindi ako mapanatag. Kahit nasa bisig na ako ni Marco, kahit mahimbing na ang tulog ni Frost sa kwarto, hindi mawala ang kaba sa dibdib ko."Morgan said we’re safe here," bulong ni Marco habang hinahaplos ang likod ko."I know," mahina kong sagot, pero hindi ko pa rin kayang itago ang pag-aalala. "Pero hanggang kailan tayo magtatago? Hanggang kailan tayo matatakot na baka bigla na lang siyang sumulpot?"Naramdaman ko ang pagpisil ni Marco sa kamay ko. "We’re not running forever, Emily. This is just temporary. Kapag nahanap na natin ang ebidensyang magsasangkot kay Serenity sa lahat ng ginawa niya, she will pay for everything."Bumuntong-hininga ako at tumango. Gusto kong maniwala. Gusto kong isipin na may katapusan ang bangungot na ito.Biglang bumukas ang pinto ng kwarto at lumabas si Morgan. Halatang puyat at pagod."May balita na ba?" tanong agad ni Marco.Tumango si Morgan, pero seryoso ang ekspresyon niya. "She’s looking for you
Emily's POV Nagising ako sa mahina at malamig na haplos sa aking buhok. Dahan-dahang bumalik ang aking ulirat, at nang iminulat ko ang aking mga mata, bumungad sa akin ang maamong mukha ni Marco. Nakaupo siya sa gilid ng kama, nakasuot ng isang simpleng itim na shirt at pajama, pero kahit ganoon, bakas pa rin sa kanya ang awtoridad at lakas ng isang Montevallo."Good morning, sweetheart," mahina niyang sabi habang marahang inaayos ang ilang hibla ng buhok ko.Saglit akong natulala. Ilang taon ko siyang hindi nakasama nang ganito. Ilang taon kong inakala na nawala na siya sa buhay ko, at ngayon, nasa tabi ko na siya ulit.Napayakap ako sa kanya, mahigpit, para lang masiguradong hindi ito isang panaginip."I'm here," bulong niya sa tenga ko. "And I'm never leaving again."Napapikit ako habang pilit na pinipigilan ang luhang nagbabadyang tumulo."Huwag mo akong iiwan ulit, Marco..." mahina kong bulong.Hinawakan niya ang mukha ko at marahang tinapik ang ilong ko. "I promised you before,
Emily's POV Matapos ang pag-uusap namin ni Marco, mabilis na umandar ang mga pangyayari. Halos hindi ko na namalayan ang oras sa dami ng kailangang ayusin. Gusto ko mang manatili at ipaglaban ang tahanan namin, pero mas nangingibabaw ang takot na baka isang araw ay magising na lang ako na may nangyaring masama kay Frost."Mommy, are we going on vacation?" inosenteng tanong ni Frost habang abala ako sa pag-aayos ng maleta niya.Napatingin ako sa kanya. Kita ko sa mga mata niya ang excitement, hindi niya alam na hindi ito basta isang simpleng bakasyon lang."Yes, baby," pilit kong nginitian siya. "It’s going to be fun. We’ll be in a different place for a while.""Where?""Secret," singit ni Marco na kakapasok lang sa kwarto. Lumapit siya at kinarga si Frost bago nito ginulo ang buhok ng bata. "But I promise you, you’ll love it.""Yay! Can we go to Disneyland?"Napatawa si Marco. "Of course. Anything for my little prince."Nakita ko ang saya sa mukha ni Frost kaya kahit papaano ay nabaw
Emily's POV Mula nang mapansin ko ang itim na sasakyan na tila sumusunod sa akin, hindi na nawala ang kaba sa dibdib ko. Kahit anong gawin kong pagpapakalma sa sarili, may bumubulong sa isip ko na may hindi tama, na may paparating na panganib.Kinagabihan, habang mahimbing na natutulog si Frost sa kanyang kwarto, ako naman ay nakatayo sa veranda ng kwarto namin ni Marco. Mahigpit kong niyakap ang sarili habang nakatitig sa madilim na kalangitan. Malamig ang hangin, ngunit hindi sapat iyon para maibsan ang init ng kaba sa katawan ko."Kanina ka pa tahimik," malalim na boses ni Marco ang gumising sa malalim kong pag-iisip. Lumapit siya sa akin at marahang hinaplos ang aking likuran. "Anong iniisip mo?"Napayuko ako at mariing napakagat sa labi bago siya tiningnan. "Marco, hindi ko gusto ‘tong nararamdaman ko. Hindi ako mapakali. Hindi ko alam kung sino ang sumusunod sa akin at kung ano ang gusto nilang mangyari.""Alam ko," sagot niya habang mas hinigpitan ang yakap sa akin. "At hindi
Emily's POV Pagkalipas ng ilang araw, unti-unti nang bumalik sa normal ang takbo ng buhay namin ni Marco at Frost. Pero kahit anong pilit kong itago ang pag-aalala, alam kong hindi pa tapos ang lahat. Lalo na nang malaman kong umalis na ng bansa si Serenity. Hindi ko alam kung dapat akong matuwa o matakot.Alam kong hindi siya susuko nang ganoon lang.Ngunit sa kabila ng pangambang iyon, pinili kong ituon ang sarili ko sa pamilya namin.Isang gabi, habang nagpapahinga kami ni Marco sa kwarto…“Emily…”Napalingon ako sa kanya. Katatapos lang naming ihatid si Frost sa kwarto niya, at ngayon ay kami na lang dalawa ang natira sa master's bedroom.May seryoso siyang ekspresyon sa mukha, halatang may bumabagabag sa kanya.Hinawakan ko ang kamay niya. “What’s wrong?”Huminga siya nang malalim bago nagsalita. “Kinausap ako ni Morgan kanina. May sinabi siya tungkol kay Serenity.”Napakunot ang noo ko. “Anong sinabi niya?”Tila nag-alinlangan si Marco bago nagsalita. “Baka hindi pa siya tapos
Emily's POV Matapos umalis ni Serenity, nanatili akong nakaupo sa sofa, ramdam ko pa rin ang panginginig ng mga kamay ko. Hindi ko alam kung dahil sa galit, kaba, o takot sa kung ano pang kayang gawin ng babaeng iyon. Isa lang ang sigurado ako—hindi pa siya tapos.“Emily.”Napatingin ako kay Marco na ngayon ay nakaluhod sa harapan ko. Nakahawak siya sa magkabilang balikat ko, at sa kabila ng galit sa mga mata niya kanina, ngayon ay puno ito ng pag-aalala.“You okay?” tanong niya, mas mahina ang boses.Tumango ako, pilit na ngumiti. “I’m fine.”Pero alam kong hindi siya kumbinsido. “Are you sure?”Muli akong tumango, pero this time, pinilit kong itago ang kaba sa puso ko. Ayoko nang dagdagan pa ang iniisip niya. Sapat na sa akin na alam kong pinagtanggol niya ako.Biglang bumukas ang isang pinto.“Mommy?”Napalingon kami ni Marco sa direksyon ng boses. Si Frost. Nakatayo siya sa tapat ng pintuan ng kwarto niya, kinakagat ang ibabang labi, kita sa mukha niya ang pag-aalalang hindi niya
Emily's POVKinabukasan, nagising ako sa malalakas na katok mula sa pintuan. Agad akong bumangon, sinilip si Frost na mahimbing pa ring natutulog sa tabi ko, at mabilis na lumabas ng kwarto. Pagbaba ko, nakita kong si Marco ang nagbukas ng pinto—at bumungad sa amin si Morgan."Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Marco, bakas sa boses niya ang gulat at pagtataka.Mukhang hindi maganda ang balita dahil seryoso ang mukha ni Morgan. "Kailangan nating mag-usap. Tungkol kay Serenity."Napakunot ang noo ko. "Ano na naman ang ginawa niya?"Pumasok si Morgan at agad naming isinara ang pinto. Pinaupo namin siya sa sala, at hindi ko maiwasang kabahan sa magiging sagot niya."Nagbanta siya," diretso niyang sabi. "Hindi siya titigil hangga't hindi niya nakukuha ang gusto niya."Napalunok ako. "At ano ang gusto niya?""Ikaw, Marco," sagot ni Morgan. "Gagawin niya ang lahat para makuha ka pabalik. At kapag hindi siya nagtagumpay…" Natigilan siya sandali, bago tumingin sa akin. "...si Emily ang pagbab