Emily's POV Pagkalipas ng ilang araw, unti-unting bumalik sa normal ang buhay namin. Matapos ang lahat ng gulong idinulot ni Serenity, ngayon lang ulit ako nakahinga nang maluwag. Pero kahit tapos na ang laban, hindi maalis sa isip ko ang trauma at sakit na dinaanan namin ni Marco.Maaga akong nagising isang umaga at lumabas ng kwarto para maghanda ng almusal. Napangiti ako nang makita kong mahimbing pa ring natutulog si Frost sa kama niya. Para siyang anghel na walang kamalay-malay sa lahat ng pinagdaanan namin.Sa kusina, inihanda ko ang paboritong agahan ni Marco—garlic rice, tapa, at scrambled eggs. Pero bago ko pa man matapos ang pagluluto, naramdaman kong may mga bisig na biglang pumalibot sa bewang ko."Good morning, Mrs. Montevallo," malambing na bulong ni Marco sa tenga ko.Napangiti ako at sinandig ang ulo ko sa dibdib niya. "Good morning, Mr. Montevallo. Ang aga mong gumising.""Hindi ako sanay na hindi ikaw ang unang bumabati sa akin pagkagising," sagot niya, sabay halik
Emily's POV Pagkalipas ng ilang buwan, mas lalo pang naging matibay ang pagsasama namin ni Marco. Simula nang bumalik siya sa buhay namin ni Frost, wala na akong ibang hinangad kundi ang magkaroon ng isang buong pamilya kasama siya. Ngayon, nandito kami sa isang pribadong beach resort na pagmamay-ari ng pamilya niya. Isang linggo na kaming nandito, at hindi ko akalaing magiging ganito ako kasaya. "Mommy! Daddy!" sigaw ni Frost habang tumatakbo sa buhanginan. "Tara na! Malapit nang lumubog ang araw!" Nakangiting hinila ako ni Marco papunta sa dalampasigan. Hawak-kamay kaming naglakad patungo kay Frost, na masayang naglalaro sa buhangin. Napakaganda ng tanawin—ang papalubog na araw, ang malamig na simoy ng hangin, at ang masayang tawanan ng aming anak. Pakiramdam ko, wala na akong mahihiling pa. Nang makarating kami sa tabi ni Frost, biglang bumitaw si Marco sa kamay ko. Napatingin ako sa kanya, at laking gulat ko nang bigla siyang lumuhod sa harapan ko. "Marco?!" gulat kong tawa
"Mauuna na ako sa inyo. Baka hinihintay na ako ng boyfriend ko," kinikilig na saad ni Emily habang nililigpit ang mga gamit niya para umuwi at ipagdiwang ang ika-pitong taong anibersaryo nila ng boyfriend niyang si Ethan. "Happy 7th Anniversary sa inyo. Kailan pala kayo magpapakasal? Ang tagal-tagal niyo na hindi pa rin siya nag-po-propose sa 'yo?" Palihim na isinilid ni Tina ang isang box ng condom sa bag ni Emily. "Kaya nga kailangan ko ng umuwi. Baka ngayon niya ako yayayaing magpakasal!" Hindi maitago ni Emily ang excitement habang iniisip si Ethan, nakaluhod ito sa harapan niya at hinihingi ang kamay niya upang isilid ang singsing. "Balitaan mo kami kapag nag-propose na si Ethan. Excited na kaming lahat na makita kayong ikasal!" saad ni Luna at sinundot-sundot ang tagiliran ni Emily. Dumaan muna si Emily sa paborito niyang salon para magpaganda. Gusto niyang surpresahin ang boyfriend niya. Isang linggo na kasi siyang hindi umuuwi sa bahay nila dahil may seminar sila sa ibang
Hindi na nagawang mag-ayos ni Emily sa sarili nang pumasok siya sa trabaho ilang minuto na lang ang natitira. Natatakot siyang ma-late lalo na't biglang inanunsiyo ng manager nila na kababalik lang daw ng bansa ang boss nila. Gulat na gulat naman ang mga kaibigan niyang empleyado pagkarating niya kasi hindi ito nakapagpalit ng damit, magulo ang buhok, at namamaga ang mga mata. "Mukhang napalaban ka yata kagabi. Anong nangyari sa 'yo at ganiyan ang itsura mo?" nag-aalalang tanong ni Luna at kumuha ng wet wipes para punasan ang mukha ng kaibigan niya. "Kumusta ang anniversary niyo? Nag-propose na ba kaya ganiyan kamaga ang mga mata mo kasi naiiyak ka sa sobrang saya?" nakangiting tanong ni Tina at tiningnan ang kamay ni Emily. Kumunot ang noo niya nang napansing wala siyang singsing na nakita. "Hindi pa rin nag-propose? My God, Emily! Hiwalayan mo na lang kaya ang lalaking 'yan. Mukhang walang balak mag-settle down." Napabuga ng hangin si Emily. "They betrayed me. May relasyon sina
"Ayos ka lang ba?" tanong ni Luna kay Emily nang napansing tahimik ito habang kumakain sila ng pananghalian sa pantry. "Ikwento mo na lang kaya sa amin kung paano mo nalaman na may relasyon silang dalawa," pagpaparinig ni Tina nang nakitang dumaan si Eunice sa harapan nila. "Huwag dito, Luna," saway ni Emily. Kahit ganoon ang ginawa ng matalik niyang kaibigan, ayaw niya pa rin itong ipahiya sa maraming tao. Ilang taon niya rin kasi itong nakasama. At sa mahabang taon ng pinagsamahan nila, hindi niya man lang napansin na may relasyon ang boyfriend at best friend niya. "Emily..." Nabitawan ng dalaga ang hawak niyang kubyertos nang narinig niya ang boses ni Ethan. Tumayo ang dalaga at hinarap ang binata. Ngumisi siya nang nakitang may dala itong bulaklak. "Anong ginagawa mo rito?" kaswal na tanong niya. Napasinghap siya nang napansin ang paglingon ng ilang empleyado sa kanila. "Pakinggan mo naman ako, please..." pagmamakaawa ng binata. Kinrus ni Emily ang mga braso niya. "Para saa
Pagkauwi ni Emily sa bahay nila, tumambad sa kaniya ang mga basag na bote ng alak at ilang mga kagamitan nila na nakakalat sa sala. Basag din ang kabibiling flatscreen na TV nila. Agad siyang nagtungo sa kwarto nila para kunin ang mga gamit niya. Sa condo ni Tina muna siya pansamantalang titira habang kasi maghahanap pa siya ng bagong malilipatan niya. "Aalis ka?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ethan pagkapasok nito sa kwarto nila. Hindi siya pinansin ng dalaga. Dire-direso lang ito sa pagsilid ng mga gamit nito sa loob ng maleta. Humakbang siya papalapit sa dalaga, pero agad rin siyang napahinto nang bigla siyang batohin ng unan ni Emily. "Huwag na huwag kang lalapit sa akin!" sigaw ng dalaga at isinara ang cabinet. "Pakinggan mo muna ako, Emily. Hindi ko sinasadya. Nadala lang ako. Hindi ko mahal ang kaibigan mo. Ikaw ang mahal ko," ani ng binata at muling humakbang papalapit sa dalaga. "Emily, patawarin mo ako. Huwag mo naman akong iiwan. Sayang ang pitong taong pinagdaanan nat
Hindi nakatulog ng maayos si Emily sa kaiisip kung ano ang gagawin niya para hindi siya ang piliing maging personal assistant niya. Nang sabihin niya sa kaibigan niya na mag-re-resign siya, kinuha nila ang cellphone at laptop ni Emily para hindi ito makagawa ng resignation letter. "Inhale, exhale," saad ni Tina habang pinapaypayan si Emily pagkarating nila sa labas ng opisina ng boss nila. "Miss Emily, pumasok ka na. Kanina pa naghihintay si Sir Marco," saad ni Manager Norma at naunang pumasok sa loob ng opisina. "Go, girl! Kaya mo 'yan!" sabi ng mga kaibigan niya at itinulak siya papasok sa loob. Humugot ng malahim na hininga si Emily nang nakita niya ang limang empleyadong nakatayo sa harapan ni Marco. Nang napansin ni Marco ang pagdating niya ay saka pa lang ito nag-angat ng tingin. "Let's start," kaswal na saad ng binata habang binabasa ang mga resume ng anim na kandidata. May hinandang random questions ang binata na kailangang masagot ng mga empleyado. Ito ang pagbabasehan
Emily needs to reserve an exclusive restaurant as instructed by her boss. That's her first task as the newly appointed personal assistant. Despite her reluctance to do this kind of job, she had no choice. Apat na taon na siyang nagtatrabaho sa kompanya. Nagsimula siya bilang isang intern. Nang nakatapos sa pag-aaral ay nag-apply siya agad at nakuha siya bilang isang Junior Staffer. Dahil masipag at malinis siyang magtrabaho, matapos ang dalawang taon ay na-promote siya bilang isang Department Specialist. Ngayon, isa naman siyang personal assistant ng boss niya na hindi niya aakalaing mangyayari. "Congratulations, Emily!" bati ng mga kaibigan niya pagbalik sa table niya. She grunted hard when she realized that she would always see and be with her boss. She also had no idea how to get along with him or how he treated his employees. She's the 40th person who became her boss's personal assistant. Agad na magpapalit ng bagong personal assistant ang binatang CEO kapag hindi siya satisfied
Emily's POV Pagkalipas ng ilang buwan, mas lalo pang naging matibay ang pagsasama namin ni Marco. Simula nang bumalik siya sa buhay namin ni Frost, wala na akong ibang hinangad kundi ang magkaroon ng isang buong pamilya kasama siya. Ngayon, nandito kami sa isang pribadong beach resort na pagmamay-ari ng pamilya niya. Isang linggo na kaming nandito, at hindi ko akalaing magiging ganito ako kasaya. "Mommy! Daddy!" sigaw ni Frost habang tumatakbo sa buhanginan. "Tara na! Malapit nang lumubog ang araw!" Nakangiting hinila ako ni Marco papunta sa dalampasigan. Hawak-kamay kaming naglakad patungo kay Frost, na masayang naglalaro sa buhangin. Napakaganda ng tanawin—ang papalubog na araw, ang malamig na simoy ng hangin, at ang masayang tawanan ng aming anak. Pakiramdam ko, wala na akong mahihiling pa. Nang makarating kami sa tabi ni Frost, biglang bumitaw si Marco sa kamay ko. Napatingin ako sa kanya, at laking gulat ko nang bigla siyang lumuhod sa harapan ko. "Marco?!" gulat kong tawa
Emily's POV Pagkalipas ng ilang araw, unti-unting bumalik sa normal ang buhay namin. Matapos ang lahat ng gulong idinulot ni Serenity, ngayon lang ulit ako nakahinga nang maluwag. Pero kahit tapos na ang laban, hindi maalis sa isip ko ang trauma at sakit na dinaanan namin ni Marco.Maaga akong nagising isang umaga at lumabas ng kwarto para maghanda ng almusal. Napangiti ako nang makita kong mahimbing pa ring natutulog si Frost sa kama niya. Para siyang anghel na walang kamalay-malay sa lahat ng pinagdaanan namin.Sa kusina, inihanda ko ang paboritong agahan ni Marco—garlic rice, tapa, at scrambled eggs. Pero bago ko pa man matapos ang pagluluto, naramdaman kong may mga bisig na biglang pumalibot sa bewang ko."Good morning, Mrs. Montevallo," malambing na bulong ni Marco sa tenga ko.Napangiti ako at sinandig ang ulo ko sa dibdib niya. "Good morning, Mr. Montevallo. Ang aga mong gumising.""Hindi ako sanay na hindi ikaw ang unang bumabati sa akin pagkagising," sagot niya, sabay halik
Emily's POV Tahimik ang paligid ng safehouse, pero hindi ako mapanatag. Kahit nasa bisig na ako ni Marco, kahit mahimbing na ang tulog ni Frost sa kwarto, hindi mawala ang kaba sa dibdib ko."Morgan said we’re safe here," bulong ni Marco habang hinahaplos ang likod ko."I know," mahina kong sagot, pero hindi ko pa rin kayang itago ang pag-aalala. "Pero hanggang kailan tayo magtatago? Hanggang kailan tayo matatakot na baka bigla na lang siyang sumulpot?"Naramdaman ko ang pagpisil ni Marco sa kamay ko. "We’re not running forever, Emily. This is just temporary. Kapag nahanap na natin ang ebidensyang magsasangkot kay Serenity sa lahat ng ginawa niya, she will pay for everything."Bumuntong-hininga ako at tumango. Gusto kong maniwala. Gusto kong isipin na may katapusan ang bangungot na ito.Biglang bumukas ang pinto ng kwarto at lumabas si Morgan. Halatang puyat at pagod."May balita na ba?" tanong agad ni Marco.Tumango si Morgan, pero seryoso ang ekspresyon niya. "She’s looking for you
Emily's POV Nagising ako sa mahina at malamig na haplos sa aking buhok. Dahan-dahang bumalik ang aking ulirat, at nang iminulat ko ang aking mga mata, bumungad sa akin ang maamong mukha ni Marco. Nakaupo siya sa gilid ng kama, nakasuot ng isang simpleng itim na shirt at pajama, pero kahit ganoon, bakas pa rin sa kanya ang awtoridad at lakas ng isang Montevallo."Good morning, sweetheart," mahina niyang sabi habang marahang inaayos ang ilang hibla ng buhok ko.Saglit akong natulala. Ilang taon ko siyang hindi nakasama nang ganito. Ilang taon kong inakala na nawala na siya sa buhay ko, at ngayon, nasa tabi ko na siya ulit.Napayakap ako sa kanya, mahigpit, para lang masiguradong hindi ito isang panaginip."I'm here," bulong niya sa tenga ko. "And I'm never leaving again."Napapikit ako habang pilit na pinipigilan ang luhang nagbabadyang tumulo."Huwag mo akong iiwan ulit, Marco..." mahina kong bulong.Hinawakan niya ang mukha ko at marahang tinapik ang ilong ko. "I promised you before,
Emily's POV Matapos ang pag-uusap namin ni Marco, mabilis na umandar ang mga pangyayari. Halos hindi ko na namalayan ang oras sa dami ng kailangang ayusin. Gusto ko mang manatili at ipaglaban ang tahanan namin, pero mas nangingibabaw ang takot na baka isang araw ay magising na lang ako na may nangyaring masama kay Frost."Mommy, are we going on vacation?" inosenteng tanong ni Frost habang abala ako sa pag-aayos ng maleta niya.Napatingin ako sa kanya. Kita ko sa mga mata niya ang excitement, hindi niya alam na hindi ito basta isang simpleng bakasyon lang."Yes, baby," pilit kong nginitian siya. "It’s going to be fun. We’ll be in a different place for a while.""Where?""Secret," singit ni Marco na kakapasok lang sa kwarto. Lumapit siya at kinarga si Frost bago nito ginulo ang buhok ng bata. "But I promise you, you’ll love it.""Yay! Can we go to Disneyland?"Napatawa si Marco. "Of course. Anything for my little prince."Nakita ko ang saya sa mukha ni Frost kaya kahit papaano ay nabaw
Emily's POV Mula nang mapansin ko ang itim na sasakyan na tila sumusunod sa akin, hindi na nawala ang kaba sa dibdib ko. Kahit anong gawin kong pagpapakalma sa sarili, may bumubulong sa isip ko na may hindi tama, na may paparating na panganib.Kinagabihan, habang mahimbing na natutulog si Frost sa kanyang kwarto, ako naman ay nakatayo sa veranda ng kwarto namin ni Marco. Mahigpit kong niyakap ang sarili habang nakatitig sa madilim na kalangitan. Malamig ang hangin, ngunit hindi sapat iyon para maibsan ang init ng kaba sa katawan ko."Kanina ka pa tahimik," malalim na boses ni Marco ang gumising sa malalim kong pag-iisip. Lumapit siya sa akin at marahang hinaplos ang aking likuran. "Anong iniisip mo?"Napayuko ako at mariing napakagat sa labi bago siya tiningnan. "Marco, hindi ko gusto ‘tong nararamdaman ko. Hindi ako mapakali. Hindi ko alam kung sino ang sumusunod sa akin at kung ano ang gusto nilang mangyari.""Alam ko," sagot niya habang mas hinigpitan ang yakap sa akin. "At hindi
Emily's POV Pagkalipas ng ilang araw, unti-unti nang bumalik sa normal ang takbo ng buhay namin ni Marco at Frost. Pero kahit anong pilit kong itago ang pag-aalala, alam kong hindi pa tapos ang lahat. Lalo na nang malaman kong umalis na ng bansa si Serenity. Hindi ko alam kung dapat akong matuwa o matakot.Alam kong hindi siya susuko nang ganoon lang.Ngunit sa kabila ng pangambang iyon, pinili kong ituon ang sarili ko sa pamilya namin.Isang gabi, habang nagpapahinga kami ni Marco sa kwarto…“Emily…”Napalingon ako sa kanya. Katatapos lang naming ihatid si Frost sa kwarto niya, at ngayon ay kami na lang dalawa ang natira sa master's bedroom.May seryoso siyang ekspresyon sa mukha, halatang may bumabagabag sa kanya.Hinawakan ko ang kamay niya. “What’s wrong?”Huminga siya nang malalim bago nagsalita. “Kinausap ako ni Morgan kanina. May sinabi siya tungkol kay Serenity.”Napakunot ang noo ko. “Anong sinabi niya?”Tila nag-alinlangan si Marco bago nagsalita. “Baka hindi pa siya tapos
Emily's POV Matapos umalis ni Serenity, nanatili akong nakaupo sa sofa, ramdam ko pa rin ang panginginig ng mga kamay ko. Hindi ko alam kung dahil sa galit, kaba, o takot sa kung ano pang kayang gawin ng babaeng iyon. Isa lang ang sigurado ako—hindi pa siya tapos.“Emily.”Napatingin ako kay Marco na ngayon ay nakaluhod sa harapan ko. Nakahawak siya sa magkabilang balikat ko, at sa kabila ng galit sa mga mata niya kanina, ngayon ay puno ito ng pag-aalala.“You okay?” tanong niya, mas mahina ang boses.Tumango ako, pilit na ngumiti. “I’m fine.”Pero alam kong hindi siya kumbinsido. “Are you sure?”Muli akong tumango, pero this time, pinilit kong itago ang kaba sa puso ko. Ayoko nang dagdagan pa ang iniisip niya. Sapat na sa akin na alam kong pinagtanggol niya ako.Biglang bumukas ang isang pinto.“Mommy?”Napalingon kami ni Marco sa direksyon ng boses. Si Frost. Nakatayo siya sa tapat ng pintuan ng kwarto niya, kinakagat ang ibabang labi, kita sa mukha niya ang pag-aalalang hindi niya
Emily's POVKinabukasan, nagising ako sa malalakas na katok mula sa pintuan. Agad akong bumangon, sinilip si Frost na mahimbing pa ring natutulog sa tabi ko, at mabilis na lumabas ng kwarto. Pagbaba ko, nakita kong si Marco ang nagbukas ng pinto—at bumungad sa amin si Morgan."Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Marco, bakas sa boses niya ang gulat at pagtataka.Mukhang hindi maganda ang balita dahil seryoso ang mukha ni Morgan. "Kailangan nating mag-usap. Tungkol kay Serenity."Napakunot ang noo ko. "Ano na naman ang ginawa niya?"Pumasok si Morgan at agad naming isinara ang pinto. Pinaupo namin siya sa sala, at hindi ko maiwasang kabahan sa magiging sagot niya."Nagbanta siya," diretso niyang sabi. "Hindi siya titigil hangga't hindi niya nakukuha ang gusto niya."Napalunok ako. "At ano ang gusto niya?""Ikaw, Marco," sagot ni Morgan. "Gagawin niya ang lahat para makuha ka pabalik. At kapag hindi siya nagtagumpay…" Natigilan siya sandali, bago tumingin sa akin. "...si Emily ang pagbab