Hindi nakatulog ng maayos si Emily sa kaiisip kung ano ang gagawin niya para hindi siya ang piliing maging personal assistant niya. Nang sabihin niya sa kaibigan niya na mag-re-resign siya, kinuha nila ang cellphone at laptop ni Emily para hindi ito makagawa ng resignation letter.
"Inhale, exhale," saad ni Tina habang pinapaypayan si Emily pagkarating nila sa labas ng opisina ng boss nila. "Miss Emily, pumasok ka na. Kanina pa naghihintay si Sir Marco," saad ni Manager Norma at naunang pumasok sa loob ng opisina. "Go, girl! Kaya mo 'yan!" sabi ng mga kaibigan niya at itinulak siya papasok sa loob. Humugot ng malahim na hininga si Emily nang nakita niya ang limang empleyadong nakatayo sa harapan ni Marco. Nang napansin ni Marco ang pagdating niya ay saka pa lang ito nag-angat ng tingin. "Let's start," kaswal na saad ng binata habang binabasa ang mga resume ng anim na kandidata. May hinandang random questions ang binata na kailangang masagot ng mga empleyado. Ito ang pagbabasehan niya kung sino ang karapat-dapat na maging personal assistant niya. Kinakabahan ang lahat nang nagsimulang magtanong ang boss nila ng random questions. Pagkatapos ng limang tanong ay lalabas ang empleyado at tatanongin na naman ang isang empleyado. Nakakunot ang noo ni Marco habang pinapakinggan ang mga sagot ng empleyado sa random questions. Niluwagan niya ang necktie niya kasi hindi siya satisfied sa mga sagot. "Next, please," kaswal na saad niya pagkatapos niyang tanongin ang limang empleyado. Ngumisi ang binata nang napansin niya ang panginginig ng kamay ni Emily. "It's nice to see you, Sir Marco. My name Emily Ford." "Say your name again," saad ni Marco at tiningnan ang resume ng dalaga. Napakagat-labi ang dalaga bago nagsalita. "Emily. Emily Ford." Napalunok siya nang tinitigan siya ng binata ng ilang segundo. "I have extensive experience in administrative work. And -" "You're gonna be my new personal assistant," pagputol ng binata sa sasabihin ng dalaga. "Your personal assistant?" Lumingon si Emily sa sekretarya ng kaniyang boss st muling tumingin kay Marco. "H-Hindi niyo po ba ako tatanongin ng -" "You'll be my personal assistant starting tomorrow." Napilitang ngumiti si Emily nang naoansin niya ang pagtaas ng kilay ng binata. Bumaba ang paningin ni Marco sa cellphone niya nang nakita ang pangalan ng Tito Michael niya. "Marco, how can you treat my daughter like this? You left her behind for a whole year right after she confessed to you. You made her sad, and you made me mad. You go see her right away!" Michael said on the other line. Napahawak ang binata sa kaniyang noo at hinilut-hilot ito. "I will, Tito Michael," tamad na sagot ni Marco. "I plan on seeing her tonight." "You make sure that you do," saad ni Michael bago binaba ang tawag. Bumaling si Marco sa kaniyang sekretarya. "Nick, can you help me find the necklace we auctioned in Switzerland? I'm going to use it tonight." "You mean, the Eclipse? The one you bought for $5 million? It's ready, Sir," saad ni Nick. Tumingin si Marco sa bagong personal assistant niya. "What do you think, Emily? It sounds like a good gift for my friend?" "Y-You're asking me?" tanong ni Emily. "Yeah." Napalunok muna siya bago sumagot, "It sounds nice." "Just nice?" singit ng sekretarya. "It's $5 million." Ngumisi si Emily. "Jewelry is a good start, but I think you might want to do something for her to show your feelings for her. You have not seen her in a year. Maybe buy her some flowers and take her out to dinner." "I like this plan, but I don't have a feelings for her. We're just friends. Thank you. Would you be willing to make us some reservations?" saad ng binata habang nakatingin sa relod niya. "Yeah. Of course, Sir," sagot ng dalaga bago ito humakbang palabas ng opisina. She grunted hard as she left the office. Halos sipain niya na ang pinto kung wala lang sanang makakita sa kaniya ay ginawa niya na. She had no choice but to accept the offer. She's the newly appointed personal assistant of her boss.Emily needs to reserve an exclusive restaurant as instructed by her boss. That's her first task as the newly appointed personal assistant. Despite her reluctance to do this kind of job, she had no choice. Apat na taon na siyang nagtatrabaho sa kompanya. Nagsimula siya bilang isang intern. Nang nakatapos sa pag-aaral ay nag-apply siya agad at nakuha siya bilang isang Junior Staffer. Dahil masipag at malinis siyang magtrabaho, matapos ang dalawang taon ay na-promote siya bilang isang Department Specialist. Ngayon, isa naman siyang personal assistant ng boss niya na hindi niya aakalaing mangyayari. "Congratulations, Emily!" bati ng mga kaibigan niya pagbalik sa table niya. She grunted hard when she realized that she would always see and be with her boss. She also had no idea how to get along with him or how he treated his employees. She's the 40th person who became her boss's personal assistant. Agad na magpapalit ng bagong personal assistant ang binatang CEO kapag hindi siya satisfied
Nasapo ni Marco ang noo niya nang nakita ang reservation time na ibinigay ng kaniyang personal assistant. Kasasabi niya lang na palitan ang oras, pero binawasan lang ng isang oras. "Maganda naman ang ambiance ng restaurant na napili niya. And you are a night owl, Marco. Hindi ka natutulog pagsapit ng alas diyes kasi kadalasan nasa bar ka," saad ng kaniyang sekretarya na si Nick. "Noon 'yon, Nick. Hindi na ngayon. Babaguhin ko na ang sleeping time ko -" "Really, Mr. Montevallo? Galing ka sa bar noong isang araw, right?" Tinaasan siya ng kilay ni Nick. "Kakain lang naman kayo ni Serenity." "May choice pa ba ako? Tito Michael will get mad at me again." Halos paliparin na ng binata ang pagmamaneho sa kotse niya patungo sa restaurant kung saan sila magkikita ni Serenity, ang anak ng Tito Michael niya. Serenity is his childhood friend at parang best friend na rin. Sabay silang lumaki. Magkaibigan kasi ang mga magulang nila. Pero biglang nagbago ang pagtingin niya rito matapos itong um
"Marco, mawawala ako ng dalawang linggo kasi pupunta kami ng asawa ko sa Australia," saad ni Nick at inabot sa binata ang vacation leave letter. "Nandiyan naman si Miss Emily. Baka pwedeng siya muna ang papalit sa posisyon ko. She will be your instant secretary at personal assistant for the mean time." "Okay," tipid na sabi ng binata bago pinirmahan ang papel at ibinalik ito agad kay Nick. "Mag-asawa ka na rin kasi malapit ka ng lumagpas sa kalendaryo," natatawang saad ni Nick at ibinalik sa loob ng brown envelope ang letter. "Wala ka naman sigurong balak kagayahin ang kapatid mong si Kalix na single pa rin hanggang ngayon." "Hindi pa nga ako nagkaka-girlfriend gusto mo na agad akong mag-asawa?" Tinaasan ni Marco ng kilay ang binata. "Ang arte mo kasi. Nandiyan naman si Serenity, pero ayaw mo sa kaniya. Maraming babae ang umaaligid sa 'yo, pero ni isa wala kang pinapatulan. Baka hindi talaga babae ang gusto mo -" Naputol ang sasabihin ni Nick nang napansin ang masamang pagtitig ni
Padabog na umupo si Emily sa swivel chair na siyang ikinagulat ng mga kaibigan niya at ng ibang empleyado. Kinuha niyang maliit na salamin sa bag niya upang tingnan ang mukha niya at ng makasiguro siyang hindi siya namumula sa harap ng binata. "Si Ethan na naman ba 'yan? Para ka na namang pinagsakluban ng langit at lupa!" saad ni Luna at maingay na inilagay sa table ni Emily ang laptop nito. Tumingin si Luna sa table ni Eunice. "Wala pa rin si Eunice? Kahapon ko pa napapansin na hindi siya pumasok." Hindi rin mapigilan ni Emily na lumingon sa table ng dati niyang kaibigan. "Bahala siya sa buhay niya," bulalas ng dalaga at muling tiningnan ang sarili sa maliit na salamin. Napakagat-labi siya nang nakitang pulang-pula ang mukha niya. Binuksan ni Emily ang computer niya upang gumawa ng resignation letter. Kating-kati na siyang bumalik sa dati niyang trabaho. Nagkunwari siyang manuod ng mga palabas at balita para hindi mapansin ng mga kaibigan niya na gumagawa siya ng resignation lette
Halos makipag-away na si Emily sa ibang customers ng flower shop para lang makabili siya ng sampung bulaklak para sa mga babaeng magiging ka-date ng boss niya. Naikwento ni Manager Norma sa dalaga na hindi na raw bago sa kanila ang ganoong eksena, na biglaang ikakansela lahat ng meeting para lang makipag-date ang binata. Pakana kasi ito ng ina ng binata na si Caroline. Nang aminin ni Marco na wala siyang gusto sa anak ng kaibigan ng Daddy niya na si Serenity, walang ibang naisip na paraan ang ina para mag-asawa ang mga anak niya kundi i-blind date ito. Gusto ng Mommy ni Marco na mag-asawa na siya kasi tumatanda na rin sila. Natatakot ang ina na baka matulad ang ibang mga anak niya sa panganay nilang anak na si Kalix. "Bayad po," saad ni Emily pagkatapos niyang i-check kung kumpleto na ba ang sampung bulaklak na nasa loob ng kotse niya. "Keep the change na lang po," dagdag niya nang ibigay ng tindera ang sukli. Pagkarating ni Emily sa restaurant kung saan gaganapin ang blind dates, a
Paalis na sana sina Emily at Marco nang bigla silang pinigilan ni Ethan. Ngumisi si Ethan. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Marco, na ito ang papalit sa kaniya. "Emily, alam ko namang may nararamdaman ka pa sa akin. Itatama ko lahat ng mga pagkakamali ko. Huwag mo lang akong ipagpalit sa lalaking 'yan!" saad ng binata. Sinubokan niyang hawakan uli kamay ng dalaga, ngunit agad siyang hinarangan ni Marco. "Huwag mo siyang hahawakan kung gusto mo pang mabuhay ng matagal," pagbabanta ni Marco. Hindi niya na rin maitago ang nararamdaman niyang galit sa binata kasi halos araw-araw nitong kinukulit ang dalaga. "Ethan, tama na. Mahiya ka naman. Ikaw pa 'tong nangloko sa akin tapos ikaw pa ang galit," singit ng dalaga at inalis ang nakapulupot na kamay ni Marco sa beywang niya. "Hinding-hindi na ako babalik sa 'yo. Huwag mo na uli gugulohin ang buhay ko." "Emily..." sambit ni Ethan. "Ethan, isang lapit mo pa sa akin, ipapapulis na talaga kita!" pagbabanta ng dalaga at hinila paalis an
Napadilat ng mata si Emily nang napansin niyang may bumuhat sa kaniya. Napalunok siya nang bigla siyang ipasok sa loob ng kwarto ng binata at maingat na ibinaba sa kama. "Nagising ba kita?" tanong ng binata nang napansin niyang nakatingin ang dalaga sa kaniya. "Dito ka na lang magpalipas ng gabi. Hindi pa rin tumitila ang ulan." Inayos ng binata ang kama. "Anong oras na ba?" tanong ng dalaga at tumingin sa relos niya. "Okay. Basta siguradohin mong walang makakaalam na rito ako natulog sa condo mo," bilin ng dalaga. "Magbihis ka muna ng damit. Gamitin mo na lang ang damit ni Mommy," sabi ng binata bago ito lumabas para kunin ang damit ng Mommy Caroline niya. "Sigurado ka bang ayos lang sa Mommy mo na hiramin ang damit niya? Baka mapagalitan ka." Bumaba ang paningin ng dalaga sa mga dress. "Ayos lang naman kung matulog akong nakaganito. Baka masira ko pa 'yan." "How about my clothes? Kung ayaw mong suotin ang damit ni Mommy, you can use mine." "Sige," tipid na sagot ng dalaga. Na
Mahigpit na hinawakan ni Marco ang kamay ng kaibigan niyang si Serenity nang lumabas ang personal assistant niya. "Don't you dare open up again of what happened to the gardener, Serenity!" Marahas niyang binitawan ang dalaga. "Don't you dare!" "Bakit? Dahil ba namatay siya nang dahil sa 'yo?" Ngumisi si Serenity at inayos ang necktie ng binata. "Bakit ganiyan ka naman maka-react, Marco? Hindi naman siya ang anak ni Emilio -" "Shut up, Serenity!" saway ng binata. Hinalikan ng dalaga ang labi ni Marco kaya mas lalo itong nagalit. Itinulak ng binata ang dalaga. Napaupo ito sa couch sa lakas ng pagkatulak niya. Nang nakita ni Emily ang ginawa ng binata, mabilis siyang lumapit kay Serenity upang i-check ito. "A-Ayos lang po ba kayo?" nag-aalalang tanong ng dalaga. "Umalis ka na, Serenity," wika ni Marco gamit ang maawtoridad niyang boses. Padabog na tumayo naman ang dalaga at lumabas ito ng opisina. Napabuga ng hangin ang binata at sinipa ang couch. Hindi mapigilan ni Emily ang mag-a
Emily’s POVPagmulat ng mga mata ko kinabukasan, ang unang bagay na naramdaman ko ay ang init ng bisig ni Marco na mahigpit pa ring nakayakap sa akin. Nakapulupot ang mga braso niya sa bewang ko, para bang natatakot siyang mawala ako sa tabi niya.Napangiti ako. Hindi pa man ako gumagalaw, ramdam ko na ang mahinang paghinga niya sa leeg ko. Ipinikit ko ulit ang mga mata ko, ninanamnam ang sandaling ito. Ilang beses ko nang naisip kung paano kung hindi namin kailangang itago ang ganitong klaseng umaga—'yung gigising ako sa tabi niya nang walang pangamba, walang iniisip na ibang tao.Habang nakikiramdam ako, naramdaman kong gumalaw si Marco. Mas humigpit ang yakap niya, sabay bulong sa tainga ko, "Bakit gising ka na?"Napangiti ako at hindi agad sumagot. Pinaglaruan ko ang mga daliri niyang nakapulupot sa akin. "Bakit, bawal?""Hmm, mas gusto ko sana kung mahimbing ka pang natutulog sa yakap ko."Napatawa ako nang mahina. "Ang clingy mo sa umaga.""Only with you," sagot niya kaagad.Bag
Emily’s POVPagkalipas ng ilang minuto ng katahimikan habang nakahiga kami sa sofa, marahang hinaplos ni Marco ang buhok ko. Nasa kandungan niya ang ulo ko, at habang nilalaro-laro niya ang ilang hibla ng buhok ko sa pagitan ng mga daliri niya, ramdam ko ang init ng katawan niya na nagbibigay ng hindi maipaliwanag na ginhawa.“Emily…” tawag niya sa akin, mababa ang boses, parang may gustong sabihin.“Hm?” sagot ko, hindi pa rin idinidilat ang mga mata ko.“Paano kung hindi na natin kailangan itago ‘to?”Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ako agad nakasagot. Naramdaman ko ang dahan-dahang paghigpit ng yakap niya sa akin, waring hinihintay ang magiging reaksyon ko.Kahit anong pilit kong itago, hindi ko maitanggi na minsan, napapagod din akong magpanggap na wala kaming relasyon. Sa opisina, kailangang magpaka-professional—walang malalagkit na tinginan, walang lambingan, walang kahit anong pahiwatig na magbubunyag sa kung anong meron sa amin.Pero ang tanong niya… posible ba tal
Emily’s POVPagkatapos ng mahabang araw sa opisina, wala na akong ibang gustong gawin kung 'di umuwi at magpahinga. Pero ang katotohanang si Marco ang kasama ko sa iisang condo ay parang isang matamis na lihim na nagbibigay sa akin ng kakaibang kilig at kaba.Pagkapasok ko ng unit, inihagis ko ang handbag ko sa sofa at dumiretso sa kusina para kumuha ng malamig na tubig. Pero bago ko pa man maabot ang baso, naramdaman kong may mainit na katawan na dumikit sa likuran ko."Pagod ka?" bulong ni Marco sa tainga ko, at ramdam ko ang init ng kanyang hininga na dumampi sa balat ko.Napapikit ako saglit bago ko siya nilingon. Nakatitig siya sa akin, ang mga mata niyang puno ng kakaiba na hindi ko maipaliwanag—parang paghanga, pagmamahal, at kaunting pang-aasar na pinaghalo."Obviously," sagot ko, pilit na hindi nagpapahalata ng kilig. Pero hindi ko maiwasang mapangiti nang hinaplos niya ang pisngi ko gamit ang likod ng kanyang mga daliri."Hmm, paano kita mapapagaan?" tanong niya, at bago ko
Emily’s POVNagkakasalubong ang mga tingin namin ni Marco sa buong araw, at sa kabila ng lahat ng trabaho at abala, ang bawat sulyap na iyon ay tila may kasamang lihim na hindi kayang ipaliwanag ng kahit anong salita. Sa mga mata niya, may isang hindi matatawarang kalaliman, parang ang bawat hakbang at desisyon na ginagawa namin ay nagiging mas makulay at puno ng kahulugan.Habang abala kami sa pagpapatuloy ng mga proyekto, may mga sandaling tumitigil ang oras—ang lahat ng ingay sa opisina ay nagiging malabo at hindi ko na naririnig. Tanging ang malalim na tingin ni Marco sa akin ang nararamdaman ko. Hindi ko kayang itanggi, hindi ko kayang lumikha ng mga dahilan para umiwas. Ang bawat pagtingin niya ay nagsasabi ng higit pa sa mga salitang hindi namin kayang iparating.Sa isang pagkakataon, naglakad kami papunta sa conference room para tapusin ang isang usapin na matagal nang ipinagpapaliban. Ngunit bago kami makapasok, huminto siya sa isang bahagi ng hallway, at ang mga mata niya ay
Emily’s POVAng araw na iyon ay tila kakaiba. Marahil ay dahil sa bigat ng mga nangyayari sa paligid namin ni Marco, o baka naman dahil sa mga hindi maipaliwanag na damdamin na patuloy na bumangon sa aking dibdib. Ang trabaho, na matagal ko nang iniiwasan ang maging komplikado, ay ngayon isang tulay na nagdudugtong sa amin—hindi lamang bilang mga katrabaho, kung 'di bilang magkasama. Ang relasyon namin ay isang lihim na pilit namin itinatago mula sa ibang tao, at habang kami ay abala sa mga ulat at mga proyekto, may mga pagkakataon na magkaibang mundo kami sa harap ng mga tao, ngunit sa loob ng aming mga mata, may isang realidad na tanging kami lang ang nakakaalam.Sa opisina, natapos namin ang mga dokumento para sa isang malaking negosyo. Habang binabalikan ko ang mga detalye ng mga ulat, naramdaman ko ang mga mata ni Marco sa akin. Hindi ko na kayang iwasan ito. Ang bawat pagtingin niya ay may kasamang tanong na hindi ko kayang sagutin—hindi pa ngayon. Ngunit hindi ko maitatanggi an
Emily’s POVDahil sa bigat ng responsibilidad na ibinigay ni Marco, hindi ko na maiwasang mag-isip ng mas malalim. Habang sinisilip ko ang mga dokumento sa aking laptop, ang mga numero at detalye ng proyekto ay nagsisilbing paalala na hindi na ako basta-basta assistant ni Marco. Ang mga desisyon ko sa mga susunod na linggo ay magiging bahagi ng higit pa sa trabaho. May mga bagay na hindi na pwedeng pagtakpan, hindi na pwedeng itago.Nagising ako ng maaga kinabukasan, isang araw na puno ng mga tanong at hindi maiiwasang kaba. Nandiyan pa rin ang hindi-kayang-alisang takot—ang takot na baka mabigo ako, o baka ang relasyon namin ni Marco ay magdulot ng hindi inaasahang komplikasyon. Ngunit sa bawat tanong, natutunan ko na hindi ko kayang umiwas. Hindi ko kayang takasan ang nararamdaman ko para sa kanya.Habang nagbibihis ako, naiisip ko pa rin ang sinabi ni Marco. Ang tiwala na ibinigay niya sa akin, ang pananaw niyang hindi ako pababayaan, at ang mga salitang nagbigay sa akin ng lakas—l
Emily’s POVNasa opisina ako, nakaupo sa aking desk, at abala sa mga gawain. Pero hindi ko maitatanggi na ang bawat minuto ay tila tumatagal, at sa bawat tiningin ko kay Marco mula sa aking pwesto, pakiramdam ko ay may isang 'di-mabilang na katanungan na hindi ko kayang sagutin. Marahil dahil hindi ko rin alam ang mga sagot, o baka naman hindi pa kami handa na harapin ang mga tanong na iyon.Naririnig ko ang tunog ng mga tao sa paligid, ang tunog ng mga keyboard na patuloy na nagsusulat, ngunit parang ako lang at si Marco ang naroroon. Alam ko, at ramdam ko, na hindi na kami tulad ng dati—ang magkaibang mundo namin ay nagsanib at nagiging mas magulo at mas kumplikado. Ngunit hindi ko magawang itanggi ang pakiramdam ko. Ang simpleng titig niya sa akin mula sa kanyang lamesa, o ang pagkakaroon niya ng mga maliliit na gestures—'yun ang mga bagay na nagpapagulo sa akin.Maya-maya, narinig ko ang tunog ng kanyang boses. “Emily, may gusto akong itanong.”Tumingin ako sa kanya, at nagulat na
Emily’s POVIlang araw na rin ang lumipas mula nang mag-usap kami ni Marco tungkol sa kung anong nangyayari sa amin. Sa totoo lang, kahit na alam ko ang magiging komplikado ng lahat, hindi ko maiwasang mag-isip. Magkahalong saya at takot ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa amin, pero sa tuwing kasama ko siya, ang mundo ko ay tila humihinto sa isang paghinga lang.Ngunit hindi ko rin matanggal ang mga tanong na patuloy na bumabagabag sa akin. Anong mangyayari kung malaman ng ibang tao? Kung magising kami isang araw at matutuklasan namin na hindi namin kayang itago ang lahat ng nararamdaman namin?Pumasok ako sa opisina ng may mabigat na pakiramdam. Ang mga araw na ito ay puno ng mga galak at hirap na hindi ko maipaliwanag. Dahil habang tumatagal, lalo akong nahuhulog kay Marco. Sa lahat ng nararamdaman ko, siya lang ang dahilan kung bakit may saya sa puso ko.Pagdating ko sa office, nakaupo na siya sa kanyang desk, naka-suit, maayos ang buhok, at ang buong aura
Emily’s POVHindi ko alam kung paano nangyari, pero isang gabi lang iyon—isang simpleng hapunan sa isang ordinaryong karinderya—at pakiramdam ko, may nabago sa pagitan namin ni Marco.Pagkauwi namin, tahimik lang siya habang nagmamaneho, pero hindi ito ‘yung tipong awkward na katahimikan. Para bang pareho kaming nag-e-enjoy sa presensiya ng isa’t isa, kahit walang sinasabi. Minsan, napapansin kong sumusulyap siya sa akin, pero hindi ako nagtatanong. Hinahayaan ko lang siyang pagmasdan ako sa paraang gusto niya.Pagdating namin sa condo, pareho kaming napahinga nang malalim. Para bang bumalik na kami sa realidad, kung saan kailangang maging maingat, kailangang pigilan ang sarili. Pero kahit ganoon, hindi ko mapigilang mapangiti nang maalala ang mukha niya habang tinatakam ko sa tapsilog ni Ate Nita.Habang binubuksan niya ang pinto ng unit namin, napansin kong may bahagya siyang ngiti sa labi niya. Hindi ko alam kung napansin niya iyon, pero sa totoo lang, gusto ko iyong makita sa kany