Paalis na sana sina Emily at Marco nang bigla silang pinigilan ni Ethan. Ngumisi si Ethan. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Marco, na ito ang papalit sa kaniya. "Emily, alam ko namang may nararamdaman ka pa sa akin. Itatama ko lahat ng mga pagkakamali ko. Huwag mo lang akong ipagpalit sa lalaking 'yan!" saad ng binata. Sinubokan niyang hawakan uli kamay ng dalaga, ngunit agad siyang hinarangan ni Marco. "Huwag mo siyang hahawakan kung gusto mo pang mabuhay ng matagal," pagbabanta ni Marco. Hindi niya na rin maitago ang nararamdaman niyang galit sa binata kasi halos araw-araw nitong kinukulit ang dalaga. "Ethan, tama na. Mahiya ka naman. Ikaw pa 'tong nangloko sa akin tapos ikaw pa ang galit," singit ng dalaga at inalis ang nakapulupot na kamay ni Marco sa beywang niya. "Hinding-hindi na ako babalik sa 'yo. Huwag mo na uli gugulohin ang buhay ko." "Emily..." sambit ni Ethan. "Ethan, isang lapit mo pa sa akin, ipapapulis na talaga kita!" pagbabanta ng dalaga at hinila paalis an
Napadilat ng mata si Emily nang napansin niyang may bumuhat sa kaniya. Napalunok siya nang bigla siyang ipasok sa loob ng kwarto ng binata at maingat na ibinaba sa kama. "Nagising ba kita?" tanong ng binata nang napansin niyang nakatingin ang dalaga sa kaniya. "Dito ka na lang magpalipas ng gabi. Hindi pa rin tumitila ang ulan." Inayos ng binata ang kama. "Anong oras na ba?" tanong ng dalaga at tumingin sa relos niya. "Okay. Basta siguradohin mong walang makakaalam na rito ako natulog sa condo mo," bilin ng dalaga. "Magbihis ka muna ng damit. Gamitin mo na lang ang damit ni Mommy," sabi ng binata bago ito lumabas para kunin ang damit ng Mommy Caroline niya. "Sigurado ka bang ayos lang sa Mommy mo na hiramin ang damit niya? Baka mapagalitan ka." Bumaba ang paningin ng dalaga sa mga dress. "Ayos lang naman kung matulog akong nakaganito. Baka masira ko pa 'yan." "How about my clothes? Kung ayaw mong suotin ang damit ni Mommy, you can use mine." "Sige," tipid na sagot ng dalaga. Na
Mahigpit na hinawakan ni Marco ang kamay ng kaibigan niyang si Serenity nang lumabas ang personal assistant niya. "Don't you dare open up again of what happened to the gardener, Serenity!" Marahas niyang binitawan ang dalaga. "Don't you dare!" "Bakit? Dahil ba namatay siya nang dahil sa 'yo?" Ngumisi si Serenity at inayos ang necktie ng binata. "Bakit ganiyan ka naman maka-react, Marco? Hindi naman siya ang anak ni Emilio -" "Shut up, Serenity!" saway ng binata. Hinalikan ng dalaga ang labi ni Marco kaya mas lalo itong nagalit. Itinulak ng binata ang dalaga. Napaupo ito sa couch sa lakas ng pagkatulak niya. Nang nakita ni Emily ang ginawa ng binata, mabilis siyang lumapit kay Serenity upang i-check ito. "A-Ayos lang po ba kayo?" nag-aalalang tanong ng dalaga. "Umalis ka na, Serenity," wika ni Marco gamit ang maawtoridad niyang boses. Padabog na tumayo naman ang dalaga at lumabas ito ng opisina. Napabuga ng hangin ang binata at sinipa ang couch. Hindi mapigilan ni Emily ang mag-a
Emily's POV Napaigtad ako nang bigla akong kalabitin nina Luna at Tina. Hinila nila ako patungo sa labas ng opisina ni Marco. Nanlaki ang mga mata ko nang narinig ang malakas na pagdaing ng babae sa loob. "Kilala mo ba ang babaeng kasama ni Sir Marco sa loob?" tanong ni Luna, idinikit niya ang tainga niya sa pinto. Mabilis akong umiling. "Hindi." "Akala namin ikaw ang kasama niya," wika ni Luna. Napamura siya nang hampasin ko siya ng malakas sa balikat niya. "Kung hindi ka lang namin nakita sa table mo aakalain talaga namin -" Napautol ang sasabihin ni Tina nang biglang bumukas ang pinto. Muntik pang matumba si Luna. Tumuwid kami ng tayo nang napansin ang malalim na pagtingin ng babaeng lumabas sa opisina ni Marco. "Good afternoon, Ma'am!" bati naming tatlo, pero hindi niya kami pinansin. Dire-diretso lang ang paglakad niya. Sinubokan naming sumilip sa loob, ngunit napansin namin ang paglakad ni Marco palabas. Muntik na akong matumba nang hilahin ako ng mga kaibigan ko paalis.
After that incident, hindi na ako pumasok sa trabaho ko. Hindi rin ako umuwi sa condo ni Tina. Dumiretso ako sa beach resort para mag-unwind. Ang bigat-bigat ng ulo ko sa rami ng problemang hinaharap ko ngayon. My boyfriend cheated on me, I fucked the wrong man - my boss, iniba niya ang posisyon ng trabaho ko, at nalaman kong buntis si Eunice. Kaya siguro palagi siyang wala sa trabaho kasi nagdadalang tao. Napabuntong-hininga ako habang pinagmamasdan ang kulay asul na dagat. Ipinikit ko ang mga mata ko. Nandito ako upang magpahinga bago maghanap ng bagong trabaho. Hindi ko dapat iniisip ang mga problema ko. Nagdilat ako ng mata nang naamoy ko ang pamilyar na perfume. Ibinaba ko ang sunglasses ko upang tingnan ang taong kararating lang. Mabilis akong napabangon nang nakita ko si Marco. "Anong ginagawa mo rito?" tanong ko. Pinulot ko ang aking cardigan jacket ang isunuot ito. "Sinusundo ka," kalmadong sagot niya, nasa malayo ang paningin niya. "At bakit mo naman ako susunduin? Hind
"Sir Marco, narito na po ang pinapabili niyo," sabi ng tauhan niya, na kararating lang. Inabot ni Marco sa akin ang puting box. Tinanggap ko ito agad kesa magtanong kung ano ang laman nito. "Wear it. Baka masugatan ang paa mo mamaya," saad niya. Nakita ko ang kulay caramel na doll shoes sa loob ng box. Tiningnan ko kung tamang size ba ang pinabili niya. "Paano mo nalaman na size 36 ang sukat ng paa ko?" "Hinulaan ko lang," sagot niya at nag-iwas ng tingin sa akin. Bumaling siya sa mga tauhan niya. "Sir Marco, pinapapunta na po kayo ng wedding coordinator," hinihingal na saad ng lalaking kararating lang. Napalingon ako kay Marco nang hawakan niya ang kamay ko. "Coming. Hinihintay ko lang ang bridesmaid ko. Napansin ko ang pagtingin ng lalaki sa akin. "Si Ma'am Serenity po ay nandoon na sa venue -" "She's not the bridesmaid," putol ni Marco sa sasabihin ng lalaki. "Let's go, Em. Hinihintay na nila tayo," sabi niya at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko. Pagdating namin sa venue,
Hindi nakatakas sa pandinig ko ang sinasabi ng mga taong nadadaanan namin palabas ng venue. Isinubsob ko na lang ang mukha ko sa leeg ni Marco nang napansing may kumukuha ng litrato sa amin. "Ibaba muna ako. Nasa labas na tayo," reklamo ko nang nahagip ng mga mata ko ang nanlalakihang mga mata ni Serenity nang nakita niya kami. "Mamaya na. Nandiyan pa siya," bulong ni Marco. "Sino? Ang demonyita mong kaibigan at ex-fling?" tanong ko. Hindi ko maitago ang iritasyon sa boses ko matapos sirain ng babaeng 'yon ang dress ko. "She's not my ex-fling. Magkaibigan lang kami," sabi niya. Sinulyapan ko si Serenity, idiniin ko ang pagkapit sa batok ni Marco. Palihim akong napangisi nang padabog siyang umalis papalayo. Bumaling ako kay Marco nang bigla siyang huminto sa paglalakad. "Where's your room?" tanong niya. Nasapo ko ang noo ko nang naalala ang susi ng kwarto ko. Dali-dali akong bumaba at tumakbo patungo sa tapat ng kung saan nahulog ang mga gamit ko kanina. Hindi ako makakapasok sa
"Let him stay here, Marco," sabi ko at pilit na hindi pinapahalatang naiilang ako sa kaniya. Kung may makakakita man sa amin, malaking issue ito kasi kasama kong kakain ang CEO ng Montevallo Enterprises. "Fine!" pagmamaktol niya at sinundan ang mga tauhan niya. Mabuti na lang at hindi ito umabot kay Ethan. Baka magkagulo na naman. Umupo na lang ako sa table namin habang hinihintay siyang makabalik. Sinilip ko si Marco sa kinaroroonan ni Ethan nang napansing hindi pa rin siya nakabalik sa table namin, ngunit wala siya roon, at tahimik ding kumakain si Ethan. Napalunok ako nang nakita ang limang staffs na naglagay ng pagkain sa table. Nakakatakam ang mga pagkain dito. My eyes widened when one of the staffs gave me a bouquet of sunflower. "Pinapabigay po pala sa inyo, Ma'am," sabi ng staff. Napakagat-labi ako bago tinanggap ang bulaklak at hinanap si Marco. Tumindig ang lahat ng balahibo ko nang may lumapit na namang staffs sa akin habang nagpi-play ng violin. Yumuko ako nang napans
Emily’s POV Halos malaglag ang panga ko sa tanong niya. Parang tumigil ang oras, at hindi ko alam kung paano ko sasagutin. “Ha?” iyon lang ang nasabi ko, pero nakita kong napangiti siya, halatang natutuwa sa reaksiyon ko. “Huwag kang magulat,” sabi niya, bahagyang tumatawa. “Pero oo, seryoso ako. Matagal ko nang gustong sabihin ‘to, pero ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob. Gusto kita, Emily. At gusto kong malaman kung may chance ba ako sa ’yo. Ang hirap kasi magselos sa ex-boyfriend mong manloloko kung wala naman tayong label. Gusto kong lagyan ng label ang relasyon nating dalawa.” Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Parang hindi ko alam kung saan ako titingin, pero hindi ko rin kayang alisin ang tingin ko sa kaniya. “Marco,” sabi ko, halos pabulong. “Sigurado ka ba rito? Hindi mo ako pinagtitripan?” “Sigurado,” sagot niya, walang pag-aalinlangan. “Alam kong hindi ito perpekto, at may mga bagay tayong kailangang harapin. Pero isa lang ang sigurado ako—ayokon
Emily’s POV Pagkarating namin sa sasakyan, inakala kong ihahatid na ako ni Marco pabalik sa kumpanya, pero sa halip na dumiretso sa opisina, kumanan siya papunta sa direksyon ng condo namin. “Marco, hindi ba dapat bumalik tayo sa opisina?” tanong ko habang tahimik siyang nagmamaneho. Tumingin siya sa akin nang saglit, isang ngiting may kasamang panunukso ang bumakas sa mukha niya. “Hindi na,” sagot niya. “Mas importante ngayon ang makapagpahinga ka.” “Ha? Pero may mga reports pa akong kailangang tapusin—” “Emily,” putol niya sa akin, “minsan lang akong magdesisyon para sa atin, pagbigyan mo na ako.” Napanganga ako, hindi alam kung matatawa o magagalit. “Para sa atin? Kailan pa naging tayo?” pabirong sagot ko, kahit ang totoo, ang lakas ng tibok ng puso ko sa sinabi niya. Ngumiti siya, halatang natutuwa sa reaksyon ko. “Eh ‘di simula ngayon,” sagot niya bago bumalik ang atensyon sa daan. Hindi ko na siya sinagot. Alam kong kahit anong sabihin ko, siya pa rin ang masusuno
Emily’s POV Paglabas namin mula sa restaurant, akala ko ay babalik na kami sa opisina para tapusin ang natitira pang trabaho. Pero habang naglalakad kami pabalik sa parking lot, biglang tumigil si Marco at tumingin sa akin na parang may iniisip. “Emily,” tawag niya. “Yes, Sir?” sagot ko, kahit ang totoo, nasanay na akong tawagin siyang ‘Marco’ sa mga personal naming usapan. Tumawa siya nang mahina, halatang naaaliw sa pagtawag kong ‘Sir.’ “Marco,” pag-ulit niya, “ilang beses ko bang kailangang ipaalala na Marco na lang ang itawag mo kapag tayong dalawa lang?” “Okay, Marco,” sagot ko, pilit na hindi nagpapahalata na naaasiwa ako. “Ano po ‘yon?” Ngumiti siya nang malapad, ang ngiting iyon na parang laging may balak. “Ayaw mo bang mag-relax muna? Ayoko sanang bumalik agad sa opisina.” Nagtaas ako ng kilay, hindi sigurado kung ano ang ibig niyang sabihin. “Anong ibig mong sabihin?” Tumuro siya sa kalye sa tapat ng restaurant. Napatingin ako at nakita ang isang cine na may m
Emily’s POV Ang tahimik na pag-ikot ng air conditioner at ang tunog ng keyboard ang karaniwang kasama ko sa buong araw. Pero ngayong araw na ito, parang may kakaibang hangin na bumalot sa paligid. Hindi ko maipaliwanag, pero pakiramdam ko, lahat ng galaw ko ay sinusundan ng isang pares ng mga mata. “Emily,” tawag ni Marco mula sa kabilang mesa. Hindi ko alam kung bakit, pero kahit simpleng pagbanggit lang ng pangalan ko mula sa kaniya, para bang may kakaibang kilabot na dumadaloy sa akin. Tumingala ako mula sa laptop ko. Nakaupo siya sa harap ng kaniyang desk, bahagyang nakasandal at naglalabas ng isang mapanuksong ngiti. Ang ganda ng ngiti niyang iyon—nakakapanghina. “Yes, Sir?” sagot ko, pilit na pinapanatili ang propesyonal kong tono. “Kanina pa kita pinagmamasdan,” sabi niya, kaswal, ngunit may halong lambing sa boses. “Mukhang masyado kang seryoso sa trabaho. Hindi ka ba napapagod?” Napatigil ako. Hindi ko alam kung paano sasagot. “Ah, hindi naman. Marami lang talaga
Emily’s POV “What the –” Napatakip ako nang bibig nang bumungad sa akin ang sandamakmak na mga branded bags sa loob ng kwarto ko. Kagigising ko lang. Dali-dali akong lumabas sa aking kwarto, hinanap ko si Marco. Nakita ko siya sa sala, umiinom ng kape, nakaupo ng pandikwatro. Tumingin siya sa akin sabay taas ng kaniyang kilay. “Nagustohan mo ba ang mga bags na binili ko?” “Y-You bought those branded bags? Nababaliw ka na ba? Paano ko gagamitin ang mga ‘yon?” Umupo ako sa harapan niya. “Hindi mo ba nagustohan? Sinabihan na kita kagabi, na itapon lahat ng bagay na galing sa ex-boyfriend mo, Emily. Use those bags,” kalmadong sabi ni Marco at sumimsim ng kape. “Mamaya naman ay darating ang mga damit at sapatos na binili ko para sa ‘yo.” “Nababaliw ka na talaga!” sigaw ko kay Marco. “Well, sa ‘yo ako nababaliw, Emily,” hirit ni Marco sabay kindat sa akin. “Gusto kitang bigyan ng magaan na buhay. From now on, you will live like a Disney Princess.” “Disney Princess mo ang mukh
Emily’s POV“Hey, may nagawa ba akong mali?” tanong ni Marco at hinawakan ang braso ko.“Pagod ako. Magpapahinga na ako.” “Pinagluto kita ng paborito mong pagkain,” saad niya sa malambing na boses. Dahan-dahan akong humarap sa kaniya. “I’m not hungry,” I lied. Kanina pa ako nagugutom. “Emily, galit ka ba sa akin?” Pinasadahan niya ako ng tingin. “Where is your necklace? Bakit hindi mo suot ang kwintas na binigay ko?”Napahawak ako sa leeg ko at nasapo ang aking noo. “Nakalimutan ko kanina,” pagsisinungaling ko ulit.Sa totoo lang, hinubad ko ‘yon kasi nakakapansin na ang mga kaibigan ko. “Ang bata-bata mo pa nagiging ulyanin ka na. Wear it.” Binitawan niya ang braso ko. “Saan mo naiwan? Ako na ang kukuha at nagsusuot ng kwintas na ‘yon sa ‘yo.” “Sa banyo – hindi pala. Ako na lang ang kukuha.” Mabilis akong tumakbo papasok sa aking silid. Ginulo ko ang aking buhok kasi hindi ko maalala kung saan ko nailagay ang kwintas na ‘yon. Tiningnan ko sa banyo, pero wala roon. Tiningnan ko
Emily’s POV Gabi na nang makauwi ako sa condo na pagmamay-ari ni Marco. Humiga kaagad ako sa kama dahil pagod na pagod ang aking buong katawan. Kinapa ko ang phone ko sa loob ng bag nang marinig na may tumatawag. “Hello?” “I miss you.” Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ang boses ni Marco sa kabilang linya.“Umuwi ka na kung miss mo ma ako,” pagbibiro ko. Binuksan ko ang camera upang makita ang mukha niya. Napalunok ako nang makitang topless siya habang nakahiga sa kama. “Tomorrow. Uuwi ako.”Lumiwanag ang mukha ko. “Really?” “Yes, Em. Hindi mo ba ako na-miss?”“Hindi.”“Why?” Nangunot ang noo niya at bumangon sa pagkakahiga. “Nabalitaan ko kanina, bumisita na naman daw ang ex-boyfriend mo sa opisina.” Nanliliksik ang mga mata niya.“Oo. Pero pinaalis ko naman siya. Bakit mukhang galit ka na naman?”“Ano ang ginagawa niya sa opisina mo?” “Gusto niyang makipag-usap, pero hindi ko pinayagan. Pinaalis ko siya kaagad. Okay na ba?” I rolled my eyes. “Seloso.”“Hindi ka pa ba
Emily’s POV“Another email from Mr. Alvarez asking for the latest sales figures for the European market,” bulong ko sa sarili habang nagtipa sa keyboard. Napabuntong-hininga ako. Kahit wala si Marco sa bansa, hindi naman nagbabago ang workload ko. Simula nang umalis si Marco para sa business trip niya sa Singapore, parang naging double duty ang trabaho ko. Hindi lang ako ang personal assistant niya, kundi pati na rin ang temporaryong tagapangasiwa ng mga proyekto niya rito sa opisina. “Emily, pwede bang tulungan mo akong i-compile ‘yung mga data para sa presentation bukas?” tanong ni Sarah, ang isa sa mga kasamahan ko. Tumango na lang ako kahit medyo na-overwhelm na. Hindi lang emails at reports ang inaasikaso ko. May mga tawag pa akong sinasagot, mga meeting na ina-attend-an, at mga bisitang inaasikaso. Kahit weekends, hindi ako nakakapagpahinga dahil may mga urgent matters na kailangan kong asikasuhin.“Emily, may naghahanap sa ’yo sa baba,” sabi ni Anna, ang receptionist. Bumab
Emily's POV Kanina ko pa napapansin na panay sulyap sa akin ang kapatid ni Marco na si Kalix. Hindi ako makapag-focus sa pakikinig ng pinag-uusapan nila kasi nadi-distract ako. Umupo ako sa tabi ni Marco. Bakas naman ang gulat sa mukha niya dahil sa ginawa ko. "May gusto ba 'yang kapatid mo sa akin? Panay ang tingin kasi," reklamo ko. "He will like you? No way, Em! He's a bachelor, pero hindi ka pasok sa standard niya." Mas lalo lang akong nainis sa sinabi ni Marco. Sana pala hindi na lang ako nagsumbong kasi parang ang pangit ng pagkakaintindi niya sa sinabi ko. "Type mo ba ang kapatid ko?" tanong ni Marco. I rolled my eyes. "Hindi ako pumapatol sa matanda, 'no." Tinawanan niya ako. "How about me, Emily?" Biglang nanuyo ang lalamunan ko sa tanong niya. Hindi rin ako makatingin ng diretso sa kaniya. "Let's not talk about it. Pareho lang kayong magkakapatid," saad ko at ibinaling ang atensiyon ko sa mga magulang nila. "Really?" Napaigtad ako nang maramdaman ang kamay ni Marc