Share

Chapter 4

Author: Deigratiamimi
last update Huling Na-update: 2024-07-09 20:32:02

Pagkauwi ni Emily sa bahay nila, tumambad sa kaniya ang mga basag na bote ng alak at ilang mga kagamitan nila na nakakalat sa sala. Basag din ang kabibiling flatscreen na TV nila. Agad siyang nagtungo sa kwarto nila para kunin ang mga gamit niya. Sa condo ni Tina muna siya pansamantalang titira habang kasi maghahanap pa siya ng bagong malilipatan niya.

"Aalis ka?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ethan pagkapasok nito sa kwarto nila.

Hindi siya pinansin ng dalaga. Dire-direso lang ito sa pagsilid ng mga gamit nito sa loob ng maleta. Humakbang siya papalapit sa dalaga, pero agad rin siyang napahinto nang bigla siyang batohin ng unan ni Emily.

"Huwag na huwag kang lalapit sa akin!" sigaw ng dalaga at isinara ang cabinet.

"Pakinggan mo muna ako, Emily. Hindi ko sinasadya. Nadala lang ako. Hindi ko mahal ang kaibigan mo. Ikaw ang mahal ko," ani ng binata at muling humakbang papalapit sa dalaga. "Emily, patawarin mo ako. Huwag mo naman akong iiwan. Sayang ang pitong taong pinagdaanan natin -"

"Sana inisip mo 'yan bago mo ako ginawang tanga, Ethan!" sigaw ni Emily.

"Mahal na mahal kita, Em. Patawarin mo ako. Pangako, hinding-hindi na mauulit 'yon. Hinding-hindi na ako magpapadala sa temptasiyon -"

"Tama na, Ethan! Kahit anong pagpapaliwanag mo, hinding-hindi pa rin kita mapapatawad! Sinayang mo ang pitong taong pinagsamahan natin! Sinira mo ang lahat-lahat! Inabuso mo ang pagmamahal na ibinibigay ko sa 'yo! Hindi ako manhid para patawarin ka ng ganoon lang kadali matapos niyo akong lokohin, Ethan!"

"Emily, huwag naman ganito. Huwag kang aalis. Huwag mo akong iiwan..." pagmamakaawa ng binata. Lumuhod ito sa harapan ng dalaga. "Bigyan mo ako ng pagkakataon para maitama ang pagkakamali ko. Pangako, babawi ako sa 'yo. Huwag mo lang akong iwan. Mahal na mahal kita."

"Mahal? Kung totoong mahal mo ako, Ethan, bakit mo ako niloko? Bakit mo pinatulan ang best friend ko? Bakit siya pa? Kasi napupunan niya ang mga pagkukulang ko sa 'yo? Kasi kaya niyang ibigay ang sarili niya sa 'yo? Mahal kita, Ethan, pero hindi ako manhid! Kahit mahal kita, hinding-hindi ako mananatili sa isang taong katulad mong manloloko! Magsama kayo ni Eunice!"

Hinawakan ni Ethan ang paa ng dalaga nang palabas na ito sa kwarto nila. "Patawarin mo ako, Emily. Huwag mo akong iwan, please. Maawa ka sa akin. Hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko. Hindi ko kakayanin, Em. Bigyan mo ako ng isa pang pagkakataon na itama ang pagkakamali ko. Please, Em..."

"Kahit anong gawin mo, hinding-hindi na natin maibabalik ang dating tayo, Ethan," ani ng dalaga at sinipa ang binata kaya nabitawan nito ang paa niya. "You can use this house to build a family with Eunice."

Emily was building a man for another woman. Hindi niya aakalain na ang bahay na pinagpaguran nilang maitayo ay mapupunta lang sa wala. Kung hindi rin tatanggapin ni Ethan ang bahay, naisip niya na ibenta na lang ito at hahatiin nila ang pera. 'Yon ang nasa isip niya habang tinatahak ang daan patungo sa condominium unit ng kaniyang kaibigan.

Pagdating niya sa condo ni Tina, nakita niya si Luna na nagbubukas ng wine. Nakalapag sa mahabang mesa ang mga pagkain at inomin, at para siyang mabibingi sa sobrang lakas ng musikang pinapatugtog ng mga kaibigan niya.

Ikinuwento ni Emily ang nangyari kagabi sa bahay nila habang kumakain at nag-iinoman. Kahit papaano ay nabawasan ang sakit na nararamdaman niya. Hindi niya naramdaman ang mag-isa.

"Saan ka natulog kagabi? Don't tell us na sa bar ka naabotan ng umaga o umuwi ka pa rin sa bahay niyo," tanong ni Tina bago uminom ng wine.

Napahinto si Emily sa pag-inom ng wine at tumingin sa mga kaibigan niya. Nakataas ang mga kilay nito habang hinihintay siyang sumagot.

"Imposibleng sa bar ka natulog," dagdag pa ni Tina.

"I slept with another man," nahihiyang pag-amin niya. Wala siyang balak umamin sa katangahang ginawa niya kagabi, pero ayaw niya rin maglihim sa mga kaibigan niya.

"What?" sigaw ng dalawang kaibigan niya. Natapon pa ang ilang mga pagkain at wine sa sobrang gulat.

"Sino? Kilala mo ba? Guwapo? Mayaman?" sunod-sunod na tanong ni Luna.

"So, inisuko mo ang 'yong sarili sa lalaking kagabi mo lang nakita kesa sa ibigay ito sa long-time boyfriend mo?" tanong naman ni Tina.

"Wait lang. Isa-isa lang. Ang dami niyong tanong," reklamo ni Emily at muling uminom ng wine.

Ikinuwento niya ang nangyari, pero hindi niya sinabi kung sino ang lalaking nakakuha sa kaniya kagabi. Ang mahalaga ay alam ng mga kaibigan niya ang nangyari.

"Dapat hiningi mo ang pangalan ng lalaki. What if nabuntis ka?" pangungulit ni Luna.

"Hindi ako mabubuntis. Nakita ko naman kung paano niya isinuot ang condom," saad ni Emily.

"Ang taray! Biglang naging wild ang mala-anghel nating kaibigan. Nagmahal, nasaktan, nakipag-one-night stand!" pagbibiro ni Tina at sinundot-sundot ang tagiliran ni Emily.

"Alam niyo naman kung gaano ako ka-loyal kay Ethan. Pitong taon akong loyal sa lalaking 'yon, pero niloko niya pa rin ako. Hindi naman considered na cheating ang ginawa ko. Nakipaghiwalay ako sa kaniya bago ako pumatol sa ibang lalaki." Napahawak si Emily sa ulo niya nang bigla itong sumakit. "May gamot ka ba sa sakit ng ulo, Tina?"

Agad namang kumuha ng gamot si Tina at ibinigay ito kay Emily. "Panghuling bote na 'to. May mga trabaho pa tayo bukas. Lalo ka na, Emily. Sumasakit na naman ang ulo mo."

Napatingin si Emily sa cellphone niya nang napansin ang pag-vibrate nito. Kinuha niya ang cellphone niya at tiningnan kung sino ang nag-text. Agad niyang binuksan ang mensahe nang nabasa ang pangalan ni Manager Norma.

"You are one of employees who will be chosen to be Sir Marco's personal assistant. Don't be late tomorrow because he will choose who will be his personal assistant. If you are late, your salary will be deducted."

Gulat na napatingin ang mga kaibigan ni Emily sa kaniya pagkatapos niyang ibato ang cellphone sa couch. Pinulot ni Luna ang cellphone niya at binasa ang mensahe galing kay Manager Norma. Hindi rin mapigilang makiusyoso ni Tina lalo na't nakabusangot na ang mukha ng kaibigan niya.

Nagtatalon sa sobrang tuwa ang mga kaibigan niya matapos nilang basahin ang mensahe. Niyakap nila ng mahigpit si Emily at niyuyugyog ang katawan nito.

"Galingan mo bukas! Dapat ikaw ang mahigit personal assistant niya para lagi kang may update sa mga ginagawa ni Sir Marco!" saad ni Tina habang tumitili.

"Ayokong maging personal assistant niya, 'no. Ayos na sa akin ang trabaho ko," reklamo ni Emily. Kung wala lang sanang nangyari sa kanila kagabi, hindi siya maiilang na makatrabaho ang boss nila. Pakiramdam niya, gusto lang siyang asarin ng binata o pagtripan.

"I'll resign," saad niya na siyang ikinagulat ng mga kaibigan niya.

Kaugnay na kabanata

  • Montevallo Series 1: Twisted Betrayal   Chapter 5

    Hindi nakatulog ng maayos si Emily sa kaiisip kung ano ang gagawin niya para hindi siya ang piliing maging personal assistant niya. Nang sabihin niya sa kaibigan niya na mag-re-resign siya, kinuha nila ang cellphone at laptop ni Emily para hindi ito makagawa ng resignation letter. "Inhale, exhale," saad ni Tina habang pinapaypayan si Emily pagkarating nila sa labas ng opisina ng boss nila. "Miss Emily, pumasok ka na. Kanina pa naghihintay si Sir Marco," saad ni Manager Norma at naunang pumasok sa loob ng opisina. "Go, girl! Kaya mo 'yan!" sabi ng mga kaibigan niya at itinulak siya papasok sa loob. Humugot ng malahim na hininga si Emily nang nakita niya ang limang empleyadong nakatayo sa harapan ni Marco. Nang napansin ni Marco ang pagdating niya ay saka pa lang ito nag-angat ng tingin. "Let's start," kaswal na saad ng binata habang binabasa ang mga resume ng anim na kandidata. May hinandang random questions ang binata na kailangang masagot ng mga empleyado. Ito ang pagbabasehan

    Huling Na-update : 2024-07-09
  • Montevallo Series 1: Twisted Betrayal   Chapter 6

    Emily needs to reserve an exclusive restaurant as instructed by her boss. That's her first task as the newly appointed personal assistant. Despite her reluctance to do this kind of job, she had no choice. Apat na taon na siyang nagtatrabaho sa kompanya. Nagsimula siya bilang isang intern. Nang nakatapos sa pag-aaral ay nag-apply siya agad at nakuha siya bilang isang Junior Staffer. Dahil masipag at malinis siyang magtrabaho, matapos ang dalawang taon ay na-promote siya bilang isang Department Specialist. Ngayon, isa naman siyang personal assistant ng boss niya na hindi niya aakalaing mangyayari. "Congratulations, Emily!" bati ng mga kaibigan niya pagbalik sa table niya. She grunted hard when she realized that she would always see and be with her boss. She also had no idea how to get along with him or how he treated his employees. She's the 40th person who became her boss's personal assistant. Agad na magpapalit ng bagong personal assistant ang binatang CEO kapag hindi siya satisfied

    Huling Na-update : 2024-07-10
  • Montevallo Series 1: Twisted Betrayal   Chapter 7

    Nasapo ni Marco ang noo niya nang nakita ang reservation time na ibinigay ng kaniyang personal assistant. Kasasabi niya lang na palitan ang oras, pero binawasan lang ng isang oras. "Maganda naman ang ambiance ng restaurant na napili niya. And you are a night owl, Marco. Hindi ka natutulog pagsapit ng alas diyes kasi kadalasan nasa bar ka," saad ng kaniyang sekretarya na si Nick. "Noon 'yon, Nick. Hindi na ngayon. Babaguhin ko na ang sleeping time ko -" "Really, Mr. Montevallo? Galing ka sa bar noong isang araw, right?" Tinaasan siya ng kilay ni Nick. "Kakain lang naman kayo ni Serenity." "May choice pa ba ako? Tito Michael will get mad at me again." Halos paliparin na ng binata ang pagmamaneho sa kotse niya patungo sa restaurant kung saan sila magkikita ni Serenity, ang anak ng Tito Michael niya. Serenity is his childhood friend at parang best friend na rin. Sabay silang lumaki. Magkaibigan kasi ang mga magulang nila. Pero biglang nagbago ang pagtingin niya rito matapos itong um

    Huling Na-update : 2024-07-11
  • Montevallo Series 1: Twisted Betrayal   Chapter 8

    "Marco, mawawala ako ng dalawang linggo kasi pupunta kami ng asawa ko sa Australia," saad ni Nick at inabot sa binata ang vacation leave letter. "Nandiyan naman si Miss Emily. Baka pwedeng siya muna ang papalit sa posisyon ko. She will be your instant secretary at personal assistant for the mean time." "Okay," tipid na sabi ng binata bago pinirmahan ang papel at ibinalik ito agad kay Nick. "Mag-asawa ka na rin kasi malapit ka ng lumagpas sa kalendaryo," natatawang saad ni Nick at ibinalik sa loob ng brown envelope ang letter. "Wala ka naman sigurong balak kagayahin ang kapatid mong si Kalix na single pa rin hanggang ngayon." "Hindi pa nga ako nagkaka-girlfriend gusto mo na agad akong mag-asawa?" Tinaasan ni Marco ng kilay ang binata. "Ang arte mo kasi. Nandiyan naman si Serenity, pero ayaw mo sa kaniya. Maraming babae ang umaaligid sa 'yo, pero ni isa wala kang pinapatulan. Baka hindi talaga babae ang gusto mo -" Naputol ang sasabihin ni Nick nang napansin ang masamang pagtitig ni

    Huling Na-update : 2024-07-12
  • Montevallo Series 1: Twisted Betrayal   Chapter 9

    Padabog na umupo si Emily sa swivel chair na siyang ikinagulat ng mga kaibigan niya at ng ibang empleyado. Kinuha niyang maliit na salamin sa bag niya upang tingnan ang mukha niya at ng makasiguro siyang hindi siya namumula sa harap ng binata. "Si Ethan na naman ba 'yan? Para ka na namang pinagsakluban ng langit at lupa!" saad ni Luna at maingay na inilagay sa table ni Emily ang laptop nito. Tumingin si Luna sa table ni Eunice. "Wala pa rin si Eunice? Kahapon ko pa napapansin na hindi siya pumasok." Hindi rin mapigilan ni Emily na lumingon sa table ng dati niyang kaibigan. "Bahala siya sa buhay niya," bulalas ng dalaga at muling tiningnan ang sarili sa maliit na salamin. Napakagat-labi siya nang nakitang pulang-pula ang mukha niya. Binuksan ni Emily ang computer niya upang gumawa ng resignation letter. Kating-kati na siyang bumalik sa dati niyang trabaho. Nagkunwari siyang manuod ng mga palabas at balita para hindi mapansin ng mga kaibigan niya na gumagawa siya ng resignation lette

    Huling Na-update : 2024-07-13
  • Montevallo Series 1: Twisted Betrayal   Chapter 10

    Halos makipag-away na si Emily sa ibang customers ng flower shop para lang makabili siya ng sampung bulaklak para sa mga babaeng magiging ka-date ng boss niya. Naikwento ni Manager Norma sa dalaga na hindi na raw bago sa kanila ang ganoong eksena, na biglaang ikakansela lahat ng meeting para lang makipag-date ang binata. Pakana kasi ito ng ina ng binata na si Caroline. Nang aminin ni Marco na wala siyang gusto sa anak ng kaibigan ng Daddy niya na si Serenity, walang ibang naisip na paraan ang ina para mag-asawa ang mga anak niya kundi i-blind date ito. Gusto ng Mommy ni Marco na mag-asawa na siya kasi tumatanda na rin sila. Natatakot ang ina na baka matulad ang ibang mga anak niya sa panganay nilang anak na si Kalix. "Bayad po," saad ni Emily pagkatapos niyang i-check kung kumpleto na ba ang sampung bulaklak na nasa loob ng kotse niya. "Keep the change na lang po," dagdag niya nang ibigay ng tindera ang sukli. Pagkarating ni Emily sa restaurant kung saan gaganapin ang blind dates, a

    Huling Na-update : 2024-07-14
  • Montevallo Series 1: Twisted Betrayal   Chapter 11

    Paalis na sana sina Emily at Marco nang bigla silang pinigilan ni Ethan. Ngumisi si Ethan. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Marco, na ito ang papalit sa kaniya. "Emily, alam ko namang may nararamdaman ka pa sa akin. Itatama ko lahat ng mga pagkakamali ko. Huwag mo lang akong ipagpalit sa lalaking 'yan!" saad ng binata. Sinubokan niyang hawakan uli kamay ng dalaga, ngunit agad siyang hinarangan ni Marco. "Huwag mo siyang hahawakan kung gusto mo pang mabuhay ng matagal," pagbabanta ni Marco. Hindi niya na rin maitago ang nararamdaman niyang galit sa binata kasi halos araw-araw nitong kinukulit ang dalaga. "Ethan, tama na. Mahiya ka naman. Ikaw pa 'tong nangloko sa akin tapos ikaw pa ang galit," singit ng dalaga at inalis ang nakapulupot na kamay ni Marco sa beywang niya. "Hinding-hindi na ako babalik sa 'yo. Huwag mo na uli gugulohin ang buhay ko." "Emily..." sambit ni Ethan. "Ethan, isang lapit mo pa sa akin, ipapapulis na talaga kita!" pagbabanta ng dalaga at hinila paalis an

    Huling Na-update : 2024-07-15
  • Montevallo Series 1: Twisted Betrayal   Chapter 12

    Napadilat ng mata si Emily nang napansin niyang may bumuhat sa kaniya. Napalunok siya nang bigla siyang ipasok sa loob ng kwarto ng binata at maingat na ibinaba sa kama. "Nagising ba kita?" tanong ng binata nang napansin niyang nakatingin ang dalaga sa kaniya. "Dito ka na lang magpalipas ng gabi. Hindi pa rin tumitila ang ulan." Inayos ng binata ang kama. "Anong oras na ba?" tanong ng dalaga at tumingin sa relos niya. "Okay. Basta siguradohin mong walang makakaalam na rito ako natulog sa condo mo," bilin ng dalaga. "Magbihis ka muna ng damit. Gamitin mo na lang ang damit ni Mommy," sabi ng binata bago ito lumabas para kunin ang damit ng Mommy Caroline niya. "Sigurado ka bang ayos lang sa Mommy mo na hiramin ang damit niya? Baka mapagalitan ka." Bumaba ang paningin ng dalaga sa mga dress. "Ayos lang naman kung matulog akong nakaganito. Baka masira ko pa 'yan." "How about my clothes? Kung ayaw mong suotin ang damit ni Mommy, you can use mine." "Sige," tipid na sagot ng dalaga. Na

    Huling Na-update : 2024-07-18

Pinakabagong kabanata

  • Montevallo Series 1: Twisted Betrayal   Chapter 38

    Emily’s POV Halos malaglag ang panga ko sa tanong niya. Parang tumigil ang oras, at hindi ko alam kung paano ko sasagutin. “Ha?” iyon lang ang nasabi ko, pero nakita kong napangiti siya, halatang natutuwa sa reaksiyon ko. “Huwag kang magulat,” sabi niya, bahagyang tumatawa. “Pero oo, seryoso ako. Matagal ko nang gustong sabihin ‘to, pero ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob. Gusto kita, Emily. At gusto kong malaman kung may chance ba ako sa ’yo. Ang hirap kasi magselos sa ex-boyfriend mong manloloko kung wala naman tayong label. Gusto kong lagyan ng label ang relasyon nating dalawa.” Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Parang hindi ko alam kung saan ako titingin, pero hindi ko rin kayang alisin ang tingin ko sa kaniya. “Marco,” sabi ko, halos pabulong. “Sigurado ka ba rito? Hindi mo ako pinagtitripan?” “Sigurado,” sagot niya, walang pag-aalinlangan. “Alam kong hindi ito perpekto, at may mga bagay tayong kailangang harapin. Pero isa lang ang sigurado ako—ayokon

  • Montevallo Series 1: Twisted Betrayal   Chapter 37

    Emily’s POV Pagkarating namin sa sasakyan, inakala kong ihahatid na ako ni Marco pabalik sa kumpanya, pero sa halip na dumiretso sa opisina, kumanan siya papunta sa direksyon ng condo namin. “Marco, hindi ba dapat bumalik tayo sa opisina?” tanong ko habang tahimik siyang nagmamaneho. Tumingin siya sa akin nang saglit, isang ngiting may kasamang panunukso ang bumakas sa mukha niya. “Hindi na,” sagot niya. “Mas importante ngayon ang makapagpahinga ka.” “Ha? Pero may mga reports pa akong kailangang tapusin—” “Emily,” putol niya sa akin, “minsan lang akong magdesisyon para sa atin, pagbigyan mo na ako.” Napanganga ako, hindi alam kung matatawa o magagalit. “Para sa atin? Kailan pa naging tayo?” pabirong sagot ko, kahit ang totoo, ang lakas ng tibok ng puso ko sa sinabi niya. Ngumiti siya, halatang natutuwa sa reaksyon ko. “Eh ‘di simula ngayon,” sagot niya bago bumalik ang atensyon sa daan. Hindi ko na siya sinagot. Alam kong kahit anong sabihin ko, siya pa rin ang masusuno

  • Montevallo Series 1: Twisted Betrayal   Chapter 36

    Emily’s POV Paglabas namin mula sa restaurant, akala ko ay babalik na kami sa opisina para tapusin ang natitira pang trabaho. Pero habang naglalakad kami pabalik sa parking lot, biglang tumigil si Marco at tumingin sa akin na parang may iniisip. “Emily,” tawag niya. “Yes, Sir?” sagot ko, kahit ang totoo, nasanay na akong tawagin siyang ‘Marco’ sa mga personal naming usapan. Tumawa siya nang mahina, halatang naaaliw sa pagtawag kong ‘Sir.’ “Marco,” pag-ulit niya, “ilang beses ko bang kailangang ipaalala na Marco na lang ang itawag mo kapag tayong dalawa lang?” “Okay, Marco,” sagot ko, pilit na hindi nagpapahalata na naaasiwa ako. “Ano po ‘yon?” Ngumiti siya nang malapad, ang ngiting iyon na parang laging may balak. “Ayaw mo bang mag-relax muna? Ayoko sanang bumalik agad sa opisina.” Nagtaas ako ng kilay, hindi sigurado kung ano ang ibig niyang sabihin. “Anong ibig mong sabihin?” Tumuro siya sa kalye sa tapat ng restaurant. Napatingin ako at nakita ang isang cine na may m

  • Montevallo Series 1: Twisted Betrayal   Chapter 35

    Emily’s POV Ang tahimik na pag-ikot ng air conditioner at ang tunog ng keyboard ang karaniwang kasama ko sa buong araw. Pero ngayong araw na ito, parang may kakaibang hangin na bumalot sa paligid. Hindi ko maipaliwanag, pero pakiramdam ko, lahat ng galaw ko ay sinusundan ng isang pares ng mga mata. “Emily,” tawag ni Marco mula sa kabilang mesa. Hindi ko alam kung bakit, pero kahit simpleng pagbanggit lang ng pangalan ko mula sa kaniya, para bang may kakaibang kilabot na dumadaloy sa akin. Tumingala ako mula sa laptop ko. Nakaupo siya sa harap ng kaniyang desk, bahagyang nakasandal at naglalabas ng isang mapanuksong ngiti. Ang ganda ng ngiti niyang iyon—nakakapanghina. “Yes, Sir?” sagot ko, pilit na pinapanatili ang propesyonal kong tono. “Kanina pa kita pinagmamasdan,” sabi niya, kaswal, ngunit may halong lambing sa boses. “Mukhang masyado kang seryoso sa trabaho. Hindi ka ba napapagod?” Napatigil ako. Hindi ko alam kung paano sasagot. “Ah, hindi naman. Marami lang talaga

  • Montevallo Series 1: Twisted Betrayal   Chapter 34

    Emily’s POV “What the –” Napatakip ako nang bibig nang bumungad sa akin ang sandamakmak na mga branded bags sa loob ng kwarto ko. Kagigising ko lang. Dali-dali akong lumabas sa aking kwarto, hinanap ko si Marco. Nakita ko siya sa sala, umiinom ng kape, nakaupo ng pandikwatro. Tumingin siya sa akin sabay taas ng kaniyang kilay. “Nagustohan mo ba ang mga bags na binili ko?” “Y-You bought those branded bags? Nababaliw ka na ba? Paano ko gagamitin ang mga ‘yon?” Umupo ako sa harapan niya. “Hindi mo ba nagustohan? Sinabihan na kita kagabi, na itapon lahat ng bagay na galing sa ex-boyfriend mo, Emily. Use those bags,” kalmadong sabi ni Marco at sumimsim ng kape. “Mamaya naman ay darating ang mga damit at sapatos na binili ko para sa ‘yo.” “Nababaliw ka na talaga!” sigaw ko kay Marco. “Well, sa ‘yo ako nababaliw, Emily,” hirit ni Marco sabay kindat sa akin. “Gusto kitang bigyan ng magaan na buhay. From now on, you will live like a Disney Princess.” “Disney Princess mo ang mukh

  • Montevallo Series 1: Twisted Betrayal   Chapter 33

    Emily’s POV“Hey, may nagawa ba akong mali?” tanong ni Marco at hinawakan ang braso ko.“Pagod ako. Magpapahinga na ako.” “Pinagluto kita ng paborito mong pagkain,” saad niya sa malambing na boses. Dahan-dahan akong humarap sa kaniya. “I’m not hungry,” I lied. Kanina pa ako nagugutom. “Emily, galit ka ba sa akin?” Pinasadahan niya ako ng tingin. “Where is your necklace? Bakit hindi mo suot ang kwintas na binigay ko?”Napahawak ako sa leeg ko at nasapo ang aking noo. “Nakalimutan ko kanina,” pagsisinungaling ko ulit.Sa totoo lang, hinubad ko ‘yon kasi nakakapansin na ang mga kaibigan ko. “Ang bata-bata mo pa nagiging ulyanin ka na. Wear it.” Binitawan niya ang braso ko. “Saan mo naiwan? Ako na ang kukuha at nagsusuot ng kwintas na ‘yon sa ‘yo.” “Sa banyo – hindi pala. Ako na lang ang kukuha.” Mabilis akong tumakbo papasok sa aking silid. Ginulo ko ang aking buhok kasi hindi ko maalala kung saan ko nailagay ang kwintas na ‘yon. Tiningnan ko sa banyo, pero wala roon. Tiningnan ko

  • Montevallo Series 1: Twisted Betrayal   Chapter 32

    Emily’s POV Gabi na nang makauwi ako sa condo na pagmamay-ari ni Marco. Humiga kaagad ako sa kama dahil pagod na pagod ang aking buong katawan. Kinapa ko ang phone ko sa loob ng bag nang marinig na may tumatawag. “Hello?” “I miss you.” Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ang boses ni Marco sa kabilang linya.“Umuwi ka na kung miss mo ma ako,” pagbibiro ko. Binuksan ko ang camera upang makita ang mukha niya. Napalunok ako nang makitang topless siya habang nakahiga sa kama. “Tomorrow. Uuwi ako.”Lumiwanag ang mukha ko. “Really?” “Yes, Em. Hindi mo ba ako na-miss?”“Hindi.”“Why?” Nangunot ang noo niya at bumangon sa pagkakahiga. “Nabalitaan ko kanina, bumisita na naman daw ang ex-boyfriend mo sa opisina.” Nanliliksik ang mga mata niya.“Oo. Pero pinaalis ko naman siya. Bakit mukhang galit ka na naman?”“Ano ang ginagawa niya sa opisina mo?” “Gusto niyang makipag-usap, pero hindi ko pinayagan. Pinaalis ko siya kaagad. Okay na ba?” I rolled my eyes. “Seloso.”“Hindi ka pa ba

  • Montevallo Series 1: Twisted Betrayal   Chapter 31

    Emily’s POV“Another email from Mr. Alvarez asking for the latest sales figures for the European market,” bulong ko sa sarili habang nagtipa sa keyboard. Napabuntong-hininga ako. Kahit wala si Marco sa bansa, hindi naman nagbabago ang workload ko. Simula nang umalis si Marco para sa business trip niya sa Singapore, parang naging double duty ang trabaho ko. Hindi lang ako ang personal assistant niya, kundi pati na rin ang temporaryong tagapangasiwa ng mga proyekto niya rito sa opisina. “Emily, pwede bang tulungan mo akong i-compile ‘yung mga data para sa presentation bukas?” tanong ni Sarah, ang isa sa mga kasamahan ko. Tumango na lang ako kahit medyo na-overwhelm na. Hindi lang emails at reports ang inaasikaso ko. May mga tawag pa akong sinasagot, mga meeting na ina-attend-an, at mga bisitang inaasikaso. Kahit weekends, hindi ako nakakapagpahinga dahil may mga urgent matters na kailangan kong asikasuhin.“Emily, may naghahanap sa ’yo sa baba,” sabi ni Anna, ang receptionist. Bumab

  • Montevallo Series 1: Twisted Betrayal   Chapter 30

    Emily's POV Kanina ko pa napapansin na panay sulyap sa akin ang kapatid ni Marco na si Kalix. Hindi ako makapag-focus sa pakikinig ng pinag-uusapan nila kasi nadi-distract ako. Umupo ako sa tabi ni Marco. Bakas naman ang gulat sa mukha niya dahil sa ginawa ko. "May gusto ba 'yang kapatid mo sa akin? Panay ang tingin kasi," reklamo ko. "He will like you? No way, Em! He's a bachelor, pero hindi ka pasok sa standard niya." Mas lalo lang akong nainis sa sinabi ni Marco. Sana pala hindi na lang ako nagsumbong kasi parang ang pangit ng pagkakaintindi niya sa sinabi ko. "Type mo ba ang kapatid ko?" tanong ni Marco. I rolled my eyes. "Hindi ako pumapatol sa matanda, 'no." Tinawanan niya ako. "How about me, Emily?" Biglang nanuyo ang lalamunan ko sa tanong niya. Hindi rin ako makatingin ng diretso sa kaniya. "Let's not talk about it. Pareho lang kayong magkakapatid," saad ko at ibinaling ang atensiyon ko sa mga magulang nila. "Really?" Napaigtad ako nang maramdaman ang kamay ni Marc

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status