"Ayos ka lang ba?" tanong ni Luna kay Emily nang napansing tahimik ito habang kumakain sila ng pananghalian sa pantry.
"Ikwento mo na lang kaya sa amin kung paano mo nalaman na may relasyon silang dalawa," pagpaparinig ni Tina nang nakitang dumaan si Eunice sa harapan nila. "Huwag dito, Luna," saway ni Emily. Kahit ganoon ang ginawa ng matalik niyang kaibigan, ayaw niya pa rin itong ipahiya sa maraming tao. Ilang taon niya rin kasi itong nakasama. At sa mahabang taon ng pinagsamahan nila, hindi niya man lang napansin na may relasyon ang boyfriend at best friend niya. "Emily..." Nabitawan ng dalaga ang hawak niyang kubyertos nang narinig niya ang boses ni Ethan. Tumayo ang dalaga at hinarap ang binata. Ngumisi siya nang nakitang may dala itong bulaklak. "Anong ginagawa mo rito?" kaswal na tanong niya. Napasinghap siya nang napansin ang paglingon ng ilang empleyado sa kanila. "Pakinggan mo naman ako, please..." pagmamakaawa ng binata. Kinrus ni Emily ang mga braso niya. "Para saan pa, Ethan? Umalis ka na rito kung ayaw mong ipakaladkad kita sa mga guwardiya," pagbabanta niya, pero hindi nagpatinag ang binata. "Mag-usap muna tayo. Bigyan mo ako ng kahit sampung minuto lang -" "May trabaho pa ako," sabi ng dalaga. Niligpit niya ang kaniyang mga gamit. Humakbang papalapit si Ethan sa kaniya kaya napahinto ang dalaga sa ginagawa niya. Hindi na rin ipinagpatuloy ng mga kaibigan ni Emily ang pagkain kasi nakuha ni Ethan ang mg atensiyon nila. Galit din sila kasi niloko nito ang kaibigan nila. "Miss Emily Ford, pinapatawag po kayo ni Sir Marco," anunsiyo ng isang empleyado na kapapasok lang sa pantry. Nasapo ni Emily ang noo niya nang naalala ang nangyari kagabi kasama ang boss niya. Napakagat-labi siya nang sumagi sa isipan niya ang ginawa niya kanina bago ito umalis sa kwarto ng binata. Iniwan niya pa ito ng pera. Wala siyang ibang choice kundi puntahan ang boss niya para na rin maiwasan si Ethan. Mas gugustohin niya pang puntahan ang boss niya kesa harapin ang lalaking nangloko sa kaniya. Huminga muna ng malalim si Emily pagdating niya sa labas ng opisina ng kanilang boss. Pinagpapawisan siya sa sobrang kaba kahit malakas naman ang aircon. "Hindi niya sana ako mamukmahaan," bulong niya sa sarili habang nagpupunas ng pawis. "Pasok po kayo, Ma'am Em," saad ng janitor na si Junjun nang nakita nitong nakatayo ang dalaga sa labas. "Nandiyan ba sa loob ang boss natin?" tanong ng dalaga at sumilip sa loob. "Yes, Ma'am." Bumilang muna siya ng lima bago pumasok sa loob. She's still wondering kung bakit siya pinatawag ng boss nila. Kung tungkol ito sa reports na kinolekta ng manager nila kanina, sigurado naman siya na natapos niya ang trabaho niya bago ang deadline. "Good afternoon, Sir," kinakabahang bati ng dalaga pagkapasok niya sa loob at nanatiling nakayuko. "Good afternoon, Miss Emily," bati naman ng binata na siyang nagpatindig sa balahibo ng dalaga. Tumayo ang binata at umupo sa mesa. Pinagmasdan niya ang kabuohan ng dalaga. Gusto niyang matawa nang naalala ang ginawa nito kanina. "I didn't know that you're one of my top employees." Nanigas ang dalaga sa kinatatayoan niya. Hindi siya makatingin sa binata kasi nahihiya siya. Nanunuyo rin ang lalamunan niya sa sobrang kaba. "Pinatawag kita rito kasi may ibabalik ako sa 'yo," saad ng binata at kinuha ang perang ibinigay ni Emily sa kaniya kanina. Dahan-dahang nag-angat ng tingin si Emily sa binata. Nagtataka ito kung ano ang isasauli ng binata sa kaniya kasi wala siyang maalala na may hiniram ito sa kaniya. Humakbang papalapit ang binata kay Emily, dahilan kaya mas lalong nakaramdam ng kaba ang dalaga. "I'll return this money," ani ng binata at ipinakita ang perang iniwan ni Emily bago ito lumabas ng kwarto kaninang umaga. Kinuha niya ang kamay ng dalaga para ibinalik ang pera. "I'm not a prostitute. I'm your boss, Emily Ford," bulong ng binata na siyang nagpatindig ng balahibo ng dalaga. Nanlalamig ang buong katawan ng dalaga nang lumabas siya sa opisina hawak-hawak ang isinauling pera ng binata. Hiyang-hiya siya sa boss niya kasi naibigay niya ang sarili rito. Pakiramdam niya pinandidirian siya nito kasi nakipag-one-night stand. "Anong nangyari sa mukha mo? Para ka namang pinagsakluban ng langit at lupa," bungad na tanong ni Tina sa dalaga habang sumisimsim ito ng milk tea. "May mali ba sa trabaho mo kaya ka pinatawag? Imposibleng magkakamali ka sa trabaho mo kasi isa ka sa pinakamagaling dito!" dagdag pa ni Tina. Pagod na umupo si Emily sa upoan niya at ipinikit ang mga mata. "Gusto ko ng umuwi. Maghahanap pa ako ng malilipatan mamaya," sabi ni Emily imbes sagotin ang tanong ng kaibigan niya. "'Yan lang ba ang pinoproblema mo? Welcome na welcome ka sa condo ko." Kumunot ang noo ni Tina nang naisip kung bakit ito naghahanap ng malilipatan. "Aalis ka sa bahay mo at hahayaan mong tumira ang mga taksil na 'yon doon? Wow, Emily! Ang bait-bait mo naman. Bahay mo 'yon, 'di ba? Tapos ibang tao ang makikinabang?" "Tina, baka may makarinig sa 'yo," saway ng dalaga. Lumingon siya sa table ni Eunice. Hindi niya ito nakita. "Kumukulo ang dugo ko kanina nang nakita ko ang lalaking 'yon! Sinayang niya ang pitong taon -" "Tina," may pagbabanta na ang boses ni Emily. "Mamaya na lang natin pag-usapan ang tungkol dito." "Anong problema, Em? Bakit ka pinatawag ni Sir Marco?" nag-aalalang tanong ng kaibigan niyang si Luna pagkabalik nito galing banyo. "Wala naman. Gusto niya lang makilala ang mga top employees ng kompanya," pagsisinungaling ng dalaga. "Bakit hindi niya kami pinatawag?" Curious na tanong ni Tina. Napakagat-labi ang dalaga. "Hindi ko alam..." Nangangapa siya ng isasagot. "Baka bukas ipapatawag niya kayo. May ginagawa kasi siya sa opisina niya." Nagpaalam si Emily sa manager nila na uuwi siya ng maaga ngayong araw kasi may aayosin siya sa bahay nila. Hindi niya sinabi ang totoong dahilan lalo na't!napaka-personal ng dahilan niya. Dahil isa si Emily sa mga empleyado na nakatapos sa pinapagawang trabaho, pinayagan siya agad. Papasok na siya ng elevator nang nakita niya ang kaniyang boss. Dali-dali niyang isinara ang elevator para hindi siya maabotan. Ngunit hindi niya nagawa kasi may sumakay na empleyado. Napapikit na lang siya nang nakitang pumasok ang boss nila. "Good afternoon, Sir Marco," bati ng mga empleyado sa loob ng elevator. Ngumiti lang ang binatang boss nila at tumabi ito kay Emily. Palihim na tinitingnan ni Marco ang dalaga. Nakayuko lang ito at walang balak na lingonin niya. Isa-isang nagsilabasan ang mga empleyado. Tumikhim ang binata nang napansing silang dalawa na lang ang natitira. "Small world," he whispered. Nanatili pa ring tahimik ang dalaga. Ayaw niyang tingnan ang binata kasi nahihiya pa rin siya. Hindi siya makapaniwalang naalala siya nito. Humugot si Emily ng malamim na hinga bago nag-angat ng tingin. "Kung ano man ang nangyari kagabi, kalimutan na lang natin 'yon. Pareho tayong nakainom kagabi," kaswal na saad ng dalaga. "Ano pala ang nangyari kagabi?" Napalunok si Emily at napatitig ng ilang segundo sa binata. "W-Wala naman," nauutal niyang sagot at agad na lumabas ng elevator nang bumukas ito.Pagkauwi ni Emily sa bahay nila, tumambad sa kaniya ang mga basag na bote ng alak at ilang mga kagamitan nila na nakakalat sa sala. Basag din ang kabibiling flatscreen na TV nila. Agad siyang nagtungo sa kwarto nila para kunin ang mga gamit niya. Sa condo ni Tina muna siya pansamantalang titira habang kasi maghahanap pa siya ng bagong malilipatan niya. "Aalis ka?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ethan pagkapasok nito sa kwarto nila. Hindi siya pinansin ng dalaga. Dire-direso lang ito sa pagsilid ng mga gamit nito sa loob ng maleta. Humakbang siya papalapit sa dalaga, pero agad rin siyang napahinto nang bigla siyang batohin ng unan ni Emily. "Huwag na huwag kang lalapit sa akin!" sigaw ng dalaga at isinara ang cabinet. "Pakinggan mo muna ako, Emily. Hindi ko sinasadya. Nadala lang ako. Hindi ko mahal ang kaibigan mo. Ikaw ang mahal ko," ani ng binata at muling humakbang papalapit sa dalaga. "Emily, patawarin mo ako. Huwag mo naman akong iiwan. Sayang ang pitong taong pinagdaanan nat
Hindi nakatulog ng maayos si Emily sa kaiisip kung ano ang gagawin niya para hindi siya ang piliing maging personal assistant niya. Nang sabihin niya sa kaibigan niya na mag-re-resign siya, kinuha nila ang cellphone at laptop ni Emily para hindi ito makagawa ng resignation letter. "Inhale, exhale," saad ni Tina habang pinapaypayan si Emily pagkarating nila sa labas ng opisina ng boss nila. "Miss Emily, pumasok ka na. Kanina pa naghihintay si Sir Marco," saad ni Manager Norma at naunang pumasok sa loob ng opisina. "Go, girl! Kaya mo 'yan!" sabi ng mga kaibigan niya at itinulak siya papasok sa loob. Humugot ng malahim na hininga si Emily nang nakita niya ang limang empleyadong nakatayo sa harapan ni Marco. Nang napansin ni Marco ang pagdating niya ay saka pa lang ito nag-angat ng tingin. "Let's start," kaswal na saad ng binata habang binabasa ang mga resume ng anim na kandidata. May hinandang random questions ang binata na kailangang masagot ng mga empleyado. Ito ang pagbabasehan
Emily needs to reserve an exclusive restaurant as instructed by her boss. That's her first task as the newly appointed personal assistant. Despite her reluctance to do this kind of job, she had no choice. Apat na taon na siyang nagtatrabaho sa kompanya. Nagsimula siya bilang isang intern. Nang nakatapos sa pag-aaral ay nag-apply siya agad at nakuha siya bilang isang Junior Staffer. Dahil masipag at malinis siyang magtrabaho, matapos ang dalawang taon ay na-promote siya bilang isang Department Specialist. Ngayon, isa naman siyang personal assistant ng boss niya na hindi niya aakalaing mangyayari. "Congratulations, Emily!" bati ng mga kaibigan niya pagbalik sa table niya. She grunted hard when she realized that she would always see and be with her boss. She also had no idea how to get along with him or how he treated his employees. She's the 40th person who became her boss's personal assistant. Agad na magpapalit ng bagong personal assistant ang binatang CEO kapag hindi siya satisfied
Nasapo ni Marco ang noo niya nang nakita ang reservation time na ibinigay ng kaniyang personal assistant. Kasasabi niya lang na palitan ang oras, pero binawasan lang ng isang oras. "Maganda naman ang ambiance ng restaurant na napili niya. And you are a night owl, Marco. Hindi ka natutulog pagsapit ng alas diyes kasi kadalasan nasa bar ka," saad ng kaniyang sekretarya na si Nick. "Noon 'yon, Nick. Hindi na ngayon. Babaguhin ko na ang sleeping time ko -" "Really, Mr. Montevallo? Galing ka sa bar noong isang araw, right?" Tinaasan siya ng kilay ni Nick. "Kakain lang naman kayo ni Serenity." "May choice pa ba ako? Tito Michael will get mad at me again." Halos paliparin na ng binata ang pagmamaneho sa kotse niya patungo sa restaurant kung saan sila magkikita ni Serenity, ang anak ng Tito Michael niya. Serenity is his childhood friend at parang best friend na rin. Sabay silang lumaki. Magkaibigan kasi ang mga magulang nila. Pero biglang nagbago ang pagtingin niya rito matapos itong um
"Marco, mawawala ako ng dalawang linggo kasi pupunta kami ng asawa ko sa Australia," saad ni Nick at inabot sa binata ang vacation leave letter. "Nandiyan naman si Miss Emily. Baka pwedeng siya muna ang papalit sa posisyon ko. She will be your instant secretary at personal assistant for the mean time." "Okay," tipid na sabi ng binata bago pinirmahan ang papel at ibinalik ito agad kay Nick. "Mag-asawa ka na rin kasi malapit ka ng lumagpas sa kalendaryo," natatawang saad ni Nick at ibinalik sa loob ng brown envelope ang letter. "Wala ka naman sigurong balak kagayahin ang kapatid mong si Kalix na single pa rin hanggang ngayon." "Hindi pa nga ako nagkaka-girlfriend gusto mo na agad akong mag-asawa?" Tinaasan ni Marco ng kilay ang binata. "Ang arte mo kasi. Nandiyan naman si Serenity, pero ayaw mo sa kaniya. Maraming babae ang umaaligid sa 'yo, pero ni isa wala kang pinapatulan. Baka hindi talaga babae ang gusto mo -" Naputol ang sasabihin ni Nick nang napansin ang masamang pagtitig ni
Padabog na umupo si Emily sa swivel chair na siyang ikinagulat ng mga kaibigan niya at ng ibang empleyado. Kinuha niyang maliit na salamin sa bag niya upang tingnan ang mukha niya at ng makasiguro siyang hindi siya namumula sa harap ng binata. "Si Ethan na naman ba 'yan? Para ka na namang pinagsakluban ng langit at lupa!" saad ni Luna at maingay na inilagay sa table ni Emily ang laptop nito. Tumingin si Luna sa table ni Eunice. "Wala pa rin si Eunice? Kahapon ko pa napapansin na hindi siya pumasok." Hindi rin mapigilan ni Emily na lumingon sa table ng dati niyang kaibigan. "Bahala siya sa buhay niya," bulalas ng dalaga at muling tiningnan ang sarili sa maliit na salamin. Napakagat-labi siya nang nakitang pulang-pula ang mukha niya. Binuksan ni Emily ang computer niya upang gumawa ng resignation letter. Kating-kati na siyang bumalik sa dati niyang trabaho. Nagkunwari siyang manuod ng mga palabas at balita para hindi mapansin ng mga kaibigan niya na gumagawa siya ng resignation lette
Halos makipag-away na si Emily sa ibang customers ng flower shop para lang makabili siya ng sampung bulaklak para sa mga babaeng magiging ka-date ng boss niya. Naikwento ni Manager Norma sa dalaga na hindi na raw bago sa kanila ang ganoong eksena, na biglaang ikakansela lahat ng meeting para lang makipag-date ang binata. Pakana kasi ito ng ina ng binata na si Caroline. Nang aminin ni Marco na wala siyang gusto sa anak ng kaibigan ng Daddy niya na si Serenity, walang ibang naisip na paraan ang ina para mag-asawa ang mga anak niya kundi i-blind date ito. Gusto ng Mommy ni Marco na mag-asawa na siya kasi tumatanda na rin sila. Natatakot ang ina na baka matulad ang ibang mga anak niya sa panganay nilang anak na si Kalix. "Bayad po," saad ni Emily pagkatapos niyang i-check kung kumpleto na ba ang sampung bulaklak na nasa loob ng kotse niya. "Keep the change na lang po," dagdag niya nang ibigay ng tindera ang sukli. Pagkarating ni Emily sa restaurant kung saan gaganapin ang blind dates, a
Paalis na sana sina Emily at Marco nang bigla silang pinigilan ni Ethan. Ngumisi si Ethan. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Marco, na ito ang papalit sa kaniya. "Emily, alam ko namang may nararamdaman ka pa sa akin. Itatama ko lahat ng mga pagkakamali ko. Huwag mo lang akong ipagpalit sa lalaking 'yan!" saad ng binata. Sinubokan niyang hawakan uli kamay ng dalaga, ngunit agad siyang hinarangan ni Marco. "Huwag mo siyang hahawakan kung gusto mo pang mabuhay ng matagal," pagbabanta ni Marco. Hindi niya na rin maitago ang nararamdaman niyang galit sa binata kasi halos araw-araw nitong kinukulit ang dalaga. "Ethan, tama na. Mahiya ka naman. Ikaw pa 'tong nangloko sa akin tapos ikaw pa ang galit," singit ng dalaga at inalis ang nakapulupot na kamay ni Marco sa beywang niya. "Hinding-hindi na ako babalik sa 'yo. Huwag mo na uli gugulohin ang buhay ko." "Emily..." sambit ni Ethan. "Ethan, isang lapit mo pa sa akin, ipapapulis na talaga kita!" pagbabanta ng dalaga at hinila paalis an
Emily's POV Kanina ko pa napapansin na panay sulyap sa akin ang kapatid ni Marco na si Kalix. Hindi ako makapag-focus sa pakikinig ng pinag-uusapan nila kasi nadi-distract ako. Umupo ako sa tabi ni Marco. Bakas naman ang gulat sa mukha niya dahil sa ginawa ko. "May gusto ba 'yang kapatid mo sa akin? Panay ang tingin kasi," reklamo ko. "He will like you? No way, Em! He's a bachelor, pero hindi ka pasok sa standard niya." Mas lalo lang akong nainis sa sinabi ni Marco. Sana pala hindi na lang ako nagsumbong kasi parang ang pangit ng pagkakaintindi niya sa sinabi ko. "Type mo ba ang kapatid ko?" tanong ni Marco. I rolled my eyes. "Hindi ako pumapatol sa matanda, 'no." Tinawanan niya ako. "How about me, Emily?" Biglang nanuyo ang lalamunan ko sa tanong niya. Hindi rin ako makatingin ng diretso sa kaniya. "Let's not talk about it. Pareho lang kayong magkakapatid," saad ko at ibinaling ang atensiyon ko sa mga magulang nila. "Really?" Napaigtad ako nang maramdaman ang kamay ni Marc
Umupo ako nang maayos nang makita kong pumasok si Emily sa loob ng opisina ko. Napakagat-labi ako nang biglang sumagi sa isipan ko ang nangyari sa amin sa resort. "Good morning, S-Sir," she greeted. "May meeting po kayo ngayong araw -" "Alam ko na lahat ng 'yan, Miss Em. Umupo ka muna riyan at kumalma. Mukhang kinakabahan ka. May problema ba?" "Wala naman. Naninibago lang." Tinaasan ko siya ng kilay. "At bakit ka naninibago?" "Ilang linggo rin kasi akong nawala." Bumukas ang pinto at nakita kong pumasok si Nick. Nagtagal ng ilang segundo ang paningin niya kay Emily. "Nagawa mo ba ang pinapagawa ko?" "Yes, Marco. We'll be there before lunch," sagot ni Nick. "Miss Emily," sambit ko. Tumayo siya ng matuwid at tumingin sa akin. "Come with me." "Yes, Sir!" tugon niya at inayos ang suot niyang skirt. Pagdating namin sa parking lot, inagaw ko ang susi ng kotse kay Nick. Nagulat siya sa ginawa ko, pero nginitian ko na lang siya. Pinagbuksan niya ng pintuan si Emily. "Ikaw muna ang
Marco's POV Pinagmasdan ko si Emily, na mahimbing na natutulog sa aking bisig. Inayos ko ang takas niyang buhok at niyakap ng mahigpit. Hindi pa rin ako makapaniwalang may nangyari na naman sa amin. At first, I was hesitant to do it lalo na't pareho kaming hindi nakainom ng alak. Nililigawan ko pa siya at ayokong i-take advantage si Emily. Seryoso ako sa panliligaw sa kaniya at alam kong hindi agad siya maniniwala sa ginagawa at pinapakita ko. Kaya kahit gaano pa 'yan katagal, hihintayin ko ang matamis niyang oo. Naputol ako sa pag-iisip nang marinig ang pagdaing niya. Hindi ko mapigilang kagatin ang pang-ibabang labi ko nang marinig ang maganda niyang boses. Hinaplus-haplos ko ang mahaba niyang buhok habang paulit-ulit na hinahalikan ang noo niya. "I love you," bulong ko. Dahan-dahan kong nilagyan ng unan ang ulo niya. Sobrang himbing ng tulog niya at ayokong gisingin siya. She looks so tired. Ang lakas niyang humilik, pero para sa akin, ang ganda ng boses niya sa pandinig ko.
Nakapatong pa rin ako sa kaniya habang patuloy sa paghalik. Habang tumatagal ay mas lalong lumalalim ang halikan namin. Ayaw niyang pakawalan ang labi ko. Tumukod ako sa sahig nang naramdaman ko ang pagbangon niya. Pareho na kaming nakaupo at walang ni isa sa aming may balak, na huminto sa paghalik. Pareho kaming uhaw sa isa't isa. Napadaing ako nang bigla niyang kagatin ang pang-ibabang labi ko at bumaba ang kamay niya sa pang-upo ko. "Is this what you want?" bulong niya sa gitna ng paghahalikan namin. Pakiramdam ko pinamulahan ako ng mukha sa tanong niya. Tumango ako, hindi ko maalis ang paningin ko sa labi niya. Napakapit ako sa batok niya nang bigla niya akong buhatin. Kaagad kong ipinulupot ang mga paa ko sa beywang niya. Napalunok ako nang nakitang lumusog siya sa pool. Nang tuloyan na kaming nabasa, siniil niya na naman ulit ng halik ang labi ko. He drowned me with hungry and suffocating deep kisses. Umatras ako habang ginagawa niya iyon dahil masyadong agresibo ang kani
Buong maghapon kaming naligo ng swimming pool ni Marco na nasa loob ng villa nila. Mula nang nakita ko kasi si Eunice nawalan na ako ng ganang lumabas baka makita kaming magkasama ni Marco at baka may mapadpad na mga empleyado sa resort. Kahit papaano hindi naman ako nainip kasi may mga oras ding nanunuod kami ng palabas habang kumakain ng pagkain. "Want some rice?" tanong niya pagkatapos niyang lagyan ng kanin ang plato niya. Umiling ako agad. Pakiramdam ko parang sasabog na ang tiyan ko sa sobrang busog. Kanina pa kami kumakain. At paniguradong tataba ako kapag siya palagi ang kasama ko. Nasa villa niya pa rin kami, kumakain ng hapunan. Mag-a-alas siyete na ng gabi at hindi pa rin kami bumabalik sa kabilang resort. Infairness may pagka-boyscout din 'tong si Marco kasi palagi siyang handa. Kahit underwear ay hindi ako nagdala, pero hindi ko aakalaing binilhan niya na pala ako ng mga gamit kahapon. Kaya pala hindi rin siya nag-abalang magdala ng ibang gamit na susuotin niya kasi m
Sumandal ako sa malaking puno habang pinagmamasdan si Marco na naliligo sa dagat. Nangunot ang noo ko nang napansing may lumapit sa kaniyang tatlong babae nang umahon na siya sa tubig. Napatayo ako nang hawakan ng isang babae ang braso ni Marco habang kinukunan sila ng litrato. Nag-igting ang panga ko nang napansing nakangiti lang si Marco at mukhang nag-e-enjoy kasi naka-two-piece ang mga babae. Parang sasabog din ang mga dibdib nila sa sobrang laki. Nag-unat-unat muna ako bago hinubad ang suot kong damit at jogging pants. Ako ang date niya ngayong araw, pero ibang babae ang kinakausap niya. Inayos ko ang buhok ko bago nagpasyang maglakad papalapit sa kinaroroonan nila. Inirapan ko si Marco nang nahuli ko siyang nakatingin sa akin. May nakita akong dalawang foreigners, na nakatingin din sa akin. Imbes magtungo sa kinaroroonan ni Marco, sinadya kong dumaan sa harapan ng mga foreigners upang magpapansin. Hindi ako pwedeng magpakabog sa mga babaeng kausap niya ngayon. Palihim akong n
"Bored ka ba?" tanong ko imbes sagutin ang tanong niya. Umigting ang panga ni Marco. "Kung bored lang ako hindi kita hahabulin matapos kitang makuha ng gabing 'yon," seryosong saad niya na siyang ikinalaglag ng panga ko. "Fine! I'll be your date for today. Huwag mo ngang ipaalala sa akin ang nangyari sa atin!" asik ko at isinara ang pinto pagkatapos kong kunin ang bulaklak at teddy bear sa kaniya. Tiningnan ko ang sarili ko sa malaking salamin habang nagsusukat ng dress. Hindi ko alam kung bakit ako nahihirapang mamili ng susuotin ko ngayong araw. Makikipag-date siya sa akin at hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Balak ko pa naman sanang maligo ng dagat ngayong araw, pero mukhang malabong mangyari 'yon kasi wrong timing ang pagyaya niya sa akin. Makalipas ang mahigit sampung minutong pag-iisip kung ano ang susuotin ko, nagpasya akong magsuot ng itim na tube at short. Naglagay ako ng light make up para hindi naman ako haggard tingnan. "Saan tayo pupunta?" tanong ko pagkalab
Idinilat ko ko ang aking mga mata nang naramdaman kong may yumakap sa akin. Nakita ko si Miguel, na mahimbing na natutulog habang nakayakap pa rin sa akin. Dahan-dahan kong inalis ang braso niya, ngunit mas lalo niya lang hinigpitan ang pagyakap sa akin, na para bang mauubosan ako ng hininga. "I can't breath," sabi ko. Nang napansin ko ang pagdilat ng mga mata niya, agad akong bumangon at tumayo. "Kung makayakap ka naman sa akin, mauubosan ako ng hininga." Napatingin ako sa pinto nang may narinig akong ingay na nanggagaling sa labas. Bubuksan ko na sana ang pintuan nang hilahin ako ni Marco papalapit sa kaniya. "Nandito ang Mommy ko," he whispered. "Mommy mo?" "Mommy natin." Tumayo ako at napatingin sa kaniya. Naka-topless pa rin siya. Kung alam ng Mommy niya na rito siya natulog at makikitang nakahubad ang anak niya baka kung ano ang iisipin no'n. Kinuha ko ang polo shirt miya at ibinato ito sa kaniya. "Suotin mo 'yan. Baka isipin ng Mommy mo na may ginagawa tayong milagro kap
"Ang sabi mo may gagawin ka ngayon. Anong ginagawa mo sa silid ko?" tanong ko sabay taas ng kilay ko. "I canceled the meeting," sagot niya at hinila ako paupo sa kama ko. Pagod ang nakikita ko sa mukha niya. "I canceled it because I miss you," dagdag niya na siyang ikinagulat ko. Napatitig ako ng ilang segundo sa kaniya at unti-unti ko ring nararamdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko. "Gusto kitang makatabing matulog. Kung ayaw mo, hindi kita pipilitin." "Marco, hindi pa nga ako pumayag na magpaligaw sa 'yo tapos tatabi ka na sa aking matutulog," sabi ko at tumayo saka inilagay sa ibabaw ng table ang bulaklak. "Baka makita rin tayo ng mga kaibigan ko at ibang mga empleyado tapos bibigyan nila ng ibang kahulugan -" "Then I will tell them that we are dating," he interrupted what I was about to say. He stood up and started unbuttoning his polo. Tinakpan ko naman ang mga mata ko. "Huwag mong takpan ang mga mata mo, Emily. Nakita mo naman 'to lahat," nakangising saad niya bago pumasok