Emily needs to reserve an exclusive restaurant as instructed by her boss. That's her first task as the newly appointed personal assistant. Despite her reluctance to do this kind of job, she had no choice. Apat na taon na siyang nagtatrabaho sa kompanya. Nagsimula siya bilang isang intern. Nang nakatapos sa pag-aaral ay nag-apply siya agad at nakuha siya bilang isang Junior Staffer. Dahil masipag at malinis siyang magtrabaho, matapos ang dalawang taon ay na-promote siya bilang isang Department Specialist. Ngayon, isa naman siyang personal assistant ng boss niya na hindi niya aakalaing mangyayari.
"Congratulations, Emily!" bati ng mga kaibigan niya pagbalik sa table niya. She grunted hard when she realized that she would always see and be with her boss. She also had no idea how to get along with him or how he treated his employees. She's the 40th person who became her boss's personal assistant. Agad na magpapalit ng bagong personal assistant ang binatang CEO kapag hindi siya satisfied sa ginagawa ng empleyado niya. Kaya mas lalong nakaramdam ng kaba at takot ang dalaga dahil baka ganitong trabaho lang ang magpapabagsak sa kaniya. She's competent and competitive. Other employees envy her excellent work skills. But even though her colleagues are envious, they are always willing to support her at all costs. "I'm a Department Specialist, pero bakit naging ganito ang trabaho ko," saad ng dalaga habang pinapadiyak ang paa at isinubsob ang mukha niya sa table. "Personal Assistant? Sana hindi na lang ako nag-aral at nagsumikap na ma-promote!" "Girl, advantage mo na 'yan na makasama ang poging boss natin, 'no. Kung ako sa 'yo, hindi ako magrereklamo!" sambit ni Tina at tumayo. Hinawakan niya ang likod ng kaibigan niya at hinilut-hilot ito. "Libreng massage para sa kaibigan natin kasi siya ang bagong personal assistant ni Sir Pogi!" "Tigil-tigilan mo nga ako, Tina. Hindi ako natutuwa sa bagong trabaho ko!" iritadong saway niya sa kaibigan niya at isinandal ang ulo sa upoan. "Paano kapag nagkamali ako? Edi, tatanggalin niya agad ako kagaya ng mga ginagawa niya sa mga dating personal assistant niya!" "Edi akitin mo para hindi ka tanggalin sa trabaho!" suhesiyon ni Luna. "Hindi ako ganoon, Luna. Never kong gagawin 'yan. Over my dead body. I won't seduce him para lang tumagal ako sa trabaho," saad ni Emily at sinimulang kainin ang inorder nilang burger sa isang fast-food restaurant. "Binibiro ka lang, Em. At bakit ka ba nag-iisip ng ganiyan? Hindi ka pa nga nagsisimulang magtrabaho bilang personal assistant niya?" "I know, Luna. Damn it! Bakit kasi isa pa ako sa napili ni Manager Norma? Ako tuloy 'tong nanganganib ang trabaho kasi anytime pwede akong mawalan ng trabaho!" Uminom siya ng ice coffee. "Kung tatanggalin ka niya, mag-apply ka na lang sa ibang kompanya. May potensiyal ka naman!" suhesiyon ni Luna. "Paano kayo? Ayoko, 'no. Ang hirap-hirap mag-adjust sa bagong kompanya. Pag-aaralan ko pa ang mga ugali ng boss at lahat ng empleyado. Lord, bakit naman ganito? Hindi naman ako nag-aral para lang maging isang personal assistant!" Ipinilig niya ang ulo niya sa table. "Umayos ka nga riyan, Em. Baka isipin ng ibang tao, napaka-unprofessional mo," saway ni Tina at uminom ng juice. "Nagawa mo na ba ang inutos niya sa 'yo?" tanong ni Luna kaya umayos ng upo si Emily at inilabas ang laptop niya. "Shit! Anong oras na ba? Kailangan ko pang magpa-reserve ng restaurant para sa kaibigan niya," tanong niya habang abala sa paghanap ng exclusive restaurant. "Almost seven o'clock," sagot ni Luna. "Fuck! Makakapagpa-reserve pa kaya ako? Bakit kasi ganito ang bago kong trabaho? Hindi ako sanay!" reklamo niya. Tinulongan si Emily ng mga kaibigan niya sa paghahanap ng exclusive restaurant na magugustohan ng boss nila. Mahigit kalahating oras din silang nag-scroll sa internet kasi pareho silang walang mga ideya kung ano ang tipo ng boss niya pagdating sa restaurant. "Thank you, Girls!" bulalas ni Emily pagkatapos niyang i-email ang location ng restaurant sa sekretarya ng boss nila. "Hindi kaya magagalit si Sir Pogi kapag nalaman niyang 10pm ang oras na pinili natin?" Curious na tanong ni Luna habang ni-re-review ang website ng restaurant. "Pasalamat siya at pumayag akong utosan niya kahit bukas pa dapat ako magsisimula!" asik ni Emily at ipinagpatuloy ang pagkain niya. Napatingin si Emily sa cellphone niya nang napansing niyang may tumatawag. Kumunot ang noo niya nang nakita ang unregistered number. Uminom muna siya ng tubig bago ito sinagot. "Are you kidding me? 10pm pa ang time ng reservation? Tulog na ako sa ganoong oras," diretsong tanong ng binata sa kabilang linya. Hindi niya na naitago ang inis na nararamdaman para sa dalaga. Napapikit si Emily. Gusto niya itong murahin, pero hindi niya magawa baka 'yon pa ang magiging dahilan na tanggalin diya agad sa trabaho. "Sino 'yan? Ikaw ha. Bagong lalaki mo?" tanong ni Tina at kinuha ang cellphone ng dalaga. Hindi mapigilan ng mga kaibigan niyang makiusyoso sa taong tumawag kay Emily. "Our boss," bulong niya kaya biglang nalaglag ang mga panga ng kaibigan niya at ibinalik ang cellphone sa dalaga. "Change the reservation time. Right. Now!" the young man ordered as he ended the call. "Damn it!" Emily couldn't help but shout in frustration. She took out her laptop again to change the reservation time.Nasapo ni Marco ang noo niya nang nakita ang reservation time na ibinigay ng kaniyang personal assistant. Kasasabi niya lang na palitan ang oras, pero binawasan lang ng isang oras. "Maganda naman ang ambiance ng restaurant na napili niya. And you are a night owl, Marco. Hindi ka natutulog pagsapit ng alas diyes kasi kadalasan nasa bar ka," saad ng kaniyang sekretarya na si Nick. "Noon 'yon, Nick. Hindi na ngayon. Babaguhin ko na ang sleeping time ko -" "Really, Mr. Montevallo? Galing ka sa bar noong isang araw, right?" Tinaasan siya ng kilay ni Nick. "Kakain lang naman kayo ni Serenity." "May choice pa ba ako? Tito Michael will get mad at me again." Halos paliparin na ng binata ang pagmamaneho sa kotse niya patungo sa restaurant kung saan sila magkikita ni Serenity, ang anak ng Tito Michael niya. Serenity is his childhood friend at parang best friend na rin. Sabay silang lumaki. Magkaibigan kasi ang mga magulang nila. Pero biglang nagbago ang pagtingin niya rito matapos itong um
"Marco, mawawala ako ng dalawang linggo kasi pupunta kami ng asawa ko sa Australia," saad ni Nick at inabot sa binata ang vacation leave letter. "Nandiyan naman si Miss Emily. Baka pwedeng siya muna ang papalit sa posisyon ko. She will be your instant secretary at personal assistant for the mean time." "Okay," tipid na sabi ng binata bago pinirmahan ang papel at ibinalik ito agad kay Nick. "Mag-asawa ka na rin kasi malapit ka ng lumagpas sa kalendaryo," natatawang saad ni Nick at ibinalik sa loob ng brown envelope ang letter. "Wala ka naman sigurong balak kagayahin ang kapatid mong si Kalix na single pa rin hanggang ngayon." "Hindi pa nga ako nagkaka-girlfriend gusto mo na agad akong mag-asawa?" Tinaasan ni Marco ng kilay ang binata. "Ang arte mo kasi. Nandiyan naman si Serenity, pero ayaw mo sa kaniya. Maraming babae ang umaaligid sa 'yo, pero ni isa wala kang pinapatulan. Baka hindi talaga babae ang gusto mo -" Naputol ang sasabihin ni Nick nang napansin ang masamang pagtitig ni
Padabog na umupo si Emily sa swivel chair na siyang ikinagulat ng mga kaibigan niya at ng ibang empleyado. Kinuha niyang maliit na salamin sa bag niya upang tingnan ang mukha niya at ng makasiguro siyang hindi siya namumula sa harap ng binata. "Si Ethan na naman ba 'yan? Para ka na namang pinagsakluban ng langit at lupa!" saad ni Luna at maingay na inilagay sa table ni Emily ang laptop nito. Tumingin si Luna sa table ni Eunice. "Wala pa rin si Eunice? Kahapon ko pa napapansin na hindi siya pumasok." Hindi rin mapigilan ni Emily na lumingon sa table ng dati niyang kaibigan. "Bahala siya sa buhay niya," bulalas ng dalaga at muling tiningnan ang sarili sa maliit na salamin. Napakagat-labi siya nang nakitang pulang-pula ang mukha niya. Binuksan ni Emily ang computer niya upang gumawa ng resignation letter. Kating-kati na siyang bumalik sa dati niyang trabaho. Nagkunwari siyang manuod ng mga palabas at balita para hindi mapansin ng mga kaibigan niya na gumagawa siya ng resignation lette
Halos makipag-away na si Emily sa ibang customers ng flower shop para lang makabili siya ng sampung bulaklak para sa mga babaeng magiging ka-date ng boss niya. Naikwento ni Manager Norma sa dalaga na hindi na raw bago sa kanila ang ganoong eksena, na biglaang ikakansela lahat ng meeting para lang makipag-date ang binata. Pakana kasi ito ng ina ng binata na si Caroline. Nang aminin ni Marco na wala siyang gusto sa anak ng kaibigan ng Daddy niya na si Serenity, walang ibang naisip na paraan ang ina para mag-asawa ang mga anak niya kundi i-blind date ito. Gusto ng Mommy ni Marco na mag-asawa na siya kasi tumatanda na rin sila. Natatakot ang ina na baka matulad ang ibang mga anak niya sa panganay nilang anak na si Kalix. "Bayad po," saad ni Emily pagkatapos niyang i-check kung kumpleto na ba ang sampung bulaklak na nasa loob ng kotse niya. "Keep the change na lang po," dagdag niya nang ibigay ng tindera ang sukli. Pagkarating ni Emily sa restaurant kung saan gaganapin ang blind dates, a
Paalis na sana sina Emily at Marco nang bigla silang pinigilan ni Ethan. Ngumisi si Ethan. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Marco, na ito ang papalit sa kaniya. "Emily, alam ko namang may nararamdaman ka pa sa akin. Itatama ko lahat ng mga pagkakamali ko. Huwag mo lang akong ipagpalit sa lalaking 'yan!" saad ng binata. Sinubokan niyang hawakan uli kamay ng dalaga, ngunit agad siyang hinarangan ni Marco. "Huwag mo siyang hahawakan kung gusto mo pang mabuhay ng matagal," pagbabanta ni Marco. Hindi niya na rin maitago ang nararamdaman niyang galit sa binata kasi halos araw-araw nitong kinukulit ang dalaga. "Ethan, tama na. Mahiya ka naman. Ikaw pa 'tong nangloko sa akin tapos ikaw pa ang galit," singit ng dalaga at inalis ang nakapulupot na kamay ni Marco sa beywang niya. "Hinding-hindi na ako babalik sa 'yo. Huwag mo na uli gugulohin ang buhay ko." "Emily..." sambit ni Ethan. "Ethan, isang lapit mo pa sa akin, ipapapulis na talaga kita!" pagbabanta ng dalaga at hinila paalis an
Napadilat ng mata si Emily nang napansin niyang may bumuhat sa kaniya. Napalunok siya nang bigla siyang ipasok sa loob ng kwarto ng binata at maingat na ibinaba sa kama. "Nagising ba kita?" tanong ng binata nang napansin niyang nakatingin ang dalaga sa kaniya. "Dito ka na lang magpalipas ng gabi. Hindi pa rin tumitila ang ulan." Inayos ng binata ang kama. "Anong oras na ba?" tanong ng dalaga at tumingin sa relos niya. "Okay. Basta siguradohin mong walang makakaalam na rito ako natulog sa condo mo," bilin ng dalaga. "Magbihis ka muna ng damit. Gamitin mo na lang ang damit ni Mommy," sabi ng binata bago ito lumabas para kunin ang damit ng Mommy Caroline niya. "Sigurado ka bang ayos lang sa Mommy mo na hiramin ang damit niya? Baka mapagalitan ka." Bumaba ang paningin ng dalaga sa mga dress. "Ayos lang naman kung matulog akong nakaganito. Baka masira ko pa 'yan." "How about my clothes? Kung ayaw mong suotin ang damit ni Mommy, you can use mine." "Sige," tipid na sagot ng dalaga. Na
Mahigpit na hinawakan ni Marco ang kamay ng kaibigan niyang si Serenity nang lumabas ang personal assistant niya. "Don't you dare open up again of what happened to the gardener, Serenity!" Marahas niyang binitawan ang dalaga. "Don't you dare!" "Bakit? Dahil ba namatay siya nang dahil sa 'yo?" Ngumisi si Serenity at inayos ang necktie ng binata. "Bakit ganiyan ka naman maka-react, Marco? Hindi naman siya ang anak ni Emilio -" "Shut up, Serenity!" saway ng binata. Hinalikan ng dalaga ang labi ni Marco kaya mas lalo itong nagalit. Itinulak ng binata ang dalaga. Napaupo ito sa couch sa lakas ng pagkatulak niya. Nang nakita ni Emily ang ginawa ng binata, mabilis siyang lumapit kay Serenity upang i-check ito. "A-Ayos lang po ba kayo?" nag-aalalang tanong ng dalaga. "Umalis ka na, Serenity," wika ni Marco gamit ang maawtoridad niyang boses. Padabog na tumayo naman ang dalaga at lumabas ito ng opisina. Napabuga ng hangin ang binata at sinipa ang couch. Hindi mapigilan ni Emily ang mag-a
Emily's POV Napaigtad ako nang bigla akong kalabitin nina Luna at Tina. Hinila nila ako patungo sa labas ng opisina ni Marco. Nanlaki ang mga mata ko nang narinig ang malakas na pagdaing ng babae sa loob. "Kilala mo ba ang babaeng kasama ni Sir Marco sa loob?" tanong ni Luna, idinikit niya ang tainga niya sa pinto. Mabilis akong umiling. "Hindi." "Akala namin ikaw ang kasama niya," wika ni Luna. Napamura siya nang hampasin ko siya ng malakas sa balikat niya. "Kung hindi ka lang namin nakita sa table mo aakalain talaga namin -" Napautol ang sasabihin ni Tina nang biglang bumukas ang pinto. Muntik pang matumba si Luna. Tumuwid kami ng tayo nang napansin ang malalim na pagtingin ng babaeng lumabas sa opisina ni Marco. "Good afternoon, Ma'am!" bati naming tatlo, pero hindi niya kami pinansin. Dire-diretso lang ang paglakad niya. Sinubokan naming sumilip sa loob, ngunit napansin namin ang paglakad ni Marco palabas. Muntik na akong matumba nang hilahin ako ng mga kaibigan ko paalis.
Emily’s POV Halos malaglag ang panga ko sa tanong niya. Parang tumigil ang oras, at hindi ko alam kung paano ko sasagutin. “Ha?” iyon lang ang nasabi ko, pero nakita kong napangiti siya, halatang natutuwa sa reaksiyon ko. “Huwag kang magulat,” sabi niya, bahagyang tumatawa. “Pero oo, seryoso ako. Matagal ko nang gustong sabihin ‘to, pero ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob. Gusto kita, Emily. At gusto kong malaman kung may chance ba ako sa ’yo. Ang hirap kasi magselos sa ex-boyfriend mong manloloko kung wala naman tayong label. Gusto kong lagyan ng label ang relasyon nating dalawa.” Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Parang hindi ko alam kung saan ako titingin, pero hindi ko rin kayang alisin ang tingin ko sa kaniya. “Marco,” sabi ko, halos pabulong. “Sigurado ka ba rito? Hindi mo ako pinagtitripan?” “Sigurado,” sagot niya, walang pag-aalinlangan. “Alam kong hindi ito perpekto, at may mga bagay tayong kailangang harapin. Pero isa lang ang sigurado ako—ayokon
Emily’s POV Pagkarating namin sa sasakyan, inakala kong ihahatid na ako ni Marco pabalik sa kumpanya, pero sa halip na dumiretso sa opisina, kumanan siya papunta sa direksyon ng condo namin. “Marco, hindi ba dapat bumalik tayo sa opisina?” tanong ko habang tahimik siyang nagmamaneho. Tumingin siya sa akin nang saglit, isang ngiting may kasamang panunukso ang bumakas sa mukha niya. “Hindi na,” sagot niya. “Mas importante ngayon ang makapagpahinga ka.” “Ha? Pero may mga reports pa akong kailangang tapusin—” “Emily,” putol niya sa akin, “minsan lang akong magdesisyon para sa atin, pagbigyan mo na ako.” Napanganga ako, hindi alam kung matatawa o magagalit. “Para sa atin? Kailan pa naging tayo?” pabirong sagot ko, kahit ang totoo, ang lakas ng tibok ng puso ko sa sinabi niya. Ngumiti siya, halatang natutuwa sa reaksyon ko. “Eh ‘di simula ngayon,” sagot niya bago bumalik ang atensyon sa daan. Hindi ko na siya sinagot. Alam kong kahit anong sabihin ko, siya pa rin ang masusuno
Emily’s POV Paglabas namin mula sa restaurant, akala ko ay babalik na kami sa opisina para tapusin ang natitira pang trabaho. Pero habang naglalakad kami pabalik sa parking lot, biglang tumigil si Marco at tumingin sa akin na parang may iniisip. “Emily,” tawag niya. “Yes, Sir?” sagot ko, kahit ang totoo, nasanay na akong tawagin siyang ‘Marco’ sa mga personal naming usapan. Tumawa siya nang mahina, halatang naaaliw sa pagtawag kong ‘Sir.’ “Marco,” pag-ulit niya, “ilang beses ko bang kailangang ipaalala na Marco na lang ang itawag mo kapag tayong dalawa lang?” “Okay, Marco,” sagot ko, pilit na hindi nagpapahalata na naaasiwa ako. “Ano po ‘yon?” Ngumiti siya nang malapad, ang ngiting iyon na parang laging may balak. “Ayaw mo bang mag-relax muna? Ayoko sanang bumalik agad sa opisina.” Nagtaas ako ng kilay, hindi sigurado kung ano ang ibig niyang sabihin. “Anong ibig mong sabihin?” Tumuro siya sa kalye sa tapat ng restaurant. Napatingin ako at nakita ang isang cine na may m
Emily’s POV Ang tahimik na pag-ikot ng air conditioner at ang tunog ng keyboard ang karaniwang kasama ko sa buong araw. Pero ngayong araw na ito, parang may kakaibang hangin na bumalot sa paligid. Hindi ko maipaliwanag, pero pakiramdam ko, lahat ng galaw ko ay sinusundan ng isang pares ng mga mata. “Emily,” tawag ni Marco mula sa kabilang mesa. Hindi ko alam kung bakit, pero kahit simpleng pagbanggit lang ng pangalan ko mula sa kaniya, para bang may kakaibang kilabot na dumadaloy sa akin. Tumingala ako mula sa laptop ko. Nakaupo siya sa harap ng kaniyang desk, bahagyang nakasandal at naglalabas ng isang mapanuksong ngiti. Ang ganda ng ngiti niyang iyon—nakakapanghina. “Yes, Sir?” sagot ko, pilit na pinapanatili ang propesyonal kong tono. “Kanina pa kita pinagmamasdan,” sabi niya, kaswal, ngunit may halong lambing sa boses. “Mukhang masyado kang seryoso sa trabaho. Hindi ka ba napapagod?” Napatigil ako. Hindi ko alam kung paano sasagot. “Ah, hindi naman. Marami lang talaga
Emily’s POV “What the –” Napatakip ako nang bibig nang bumungad sa akin ang sandamakmak na mga branded bags sa loob ng kwarto ko. Kagigising ko lang. Dali-dali akong lumabas sa aking kwarto, hinanap ko si Marco. Nakita ko siya sa sala, umiinom ng kape, nakaupo ng pandikwatro. Tumingin siya sa akin sabay taas ng kaniyang kilay. “Nagustohan mo ba ang mga bags na binili ko?” “Y-You bought those branded bags? Nababaliw ka na ba? Paano ko gagamitin ang mga ‘yon?” Umupo ako sa harapan niya. “Hindi mo ba nagustohan? Sinabihan na kita kagabi, na itapon lahat ng bagay na galing sa ex-boyfriend mo, Emily. Use those bags,” kalmadong sabi ni Marco at sumimsim ng kape. “Mamaya naman ay darating ang mga damit at sapatos na binili ko para sa ‘yo.” “Nababaliw ka na talaga!” sigaw ko kay Marco. “Well, sa ‘yo ako nababaliw, Emily,” hirit ni Marco sabay kindat sa akin. “Gusto kitang bigyan ng magaan na buhay. From now on, you will live like a Disney Princess.” “Disney Princess mo ang mukh
Emily’s POV“Hey, may nagawa ba akong mali?” tanong ni Marco at hinawakan ang braso ko.“Pagod ako. Magpapahinga na ako.” “Pinagluto kita ng paborito mong pagkain,” saad niya sa malambing na boses. Dahan-dahan akong humarap sa kaniya. “I’m not hungry,” I lied. Kanina pa ako nagugutom. “Emily, galit ka ba sa akin?” Pinasadahan niya ako ng tingin. “Where is your necklace? Bakit hindi mo suot ang kwintas na binigay ko?”Napahawak ako sa leeg ko at nasapo ang aking noo. “Nakalimutan ko kanina,” pagsisinungaling ko ulit.Sa totoo lang, hinubad ko ‘yon kasi nakakapansin na ang mga kaibigan ko. “Ang bata-bata mo pa nagiging ulyanin ka na. Wear it.” Binitawan niya ang braso ko. “Saan mo naiwan? Ako na ang kukuha at nagsusuot ng kwintas na ‘yon sa ‘yo.” “Sa banyo – hindi pala. Ako na lang ang kukuha.” Mabilis akong tumakbo papasok sa aking silid. Ginulo ko ang aking buhok kasi hindi ko maalala kung saan ko nailagay ang kwintas na ‘yon. Tiningnan ko sa banyo, pero wala roon. Tiningnan ko
Emily’s POV Gabi na nang makauwi ako sa condo na pagmamay-ari ni Marco. Humiga kaagad ako sa kama dahil pagod na pagod ang aking buong katawan. Kinapa ko ang phone ko sa loob ng bag nang marinig na may tumatawag. “Hello?” “I miss you.” Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ang boses ni Marco sa kabilang linya.“Umuwi ka na kung miss mo ma ako,” pagbibiro ko. Binuksan ko ang camera upang makita ang mukha niya. Napalunok ako nang makitang topless siya habang nakahiga sa kama. “Tomorrow. Uuwi ako.”Lumiwanag ang mukha ko. “Really?” “Yes, Em. Hindi mo ba ako na-miss?”“Hindi.”“Why?” Nangunot ang noo niya at bumangon sa pagkakahiga. “Nabalitaan ko kanina, bumisita na naman daw ang ex-boyfriend mo sa opisina.” Nanliliksik ang mga mata niya.“Oo. Pero pinaalis ko naman siya. Bakit mukhang galit ka na naman?”“Ano ang ginagawa niya sa opisina mo?” “Gusto niyang makipag-usap, pero hindi ko pinayagan. Pinaalis ko siya kaagad. Okay na ba?” I rolled my eyes. “Seloso.”“Hindi ka pa ba
Emily’s POV“Another email from Mr. Alvarez asking for the latest sales figures for the European market,” bulong ko sa sarili habang nagtipa sa keyboard. Napabuntong-hininga ako. Kahit wala si Marco sa bansa, hindi naman nagbabago ang workload ko. Simula nang umalis si Marco para sa business trip niya sa Singapore, parang naging double duty ang trabaho ko. Hindi lang ako ang personal assistant niya, kundi pati na rin ang temporaryong tagapangasiwa ng mga proyekto niya rito sa opisina. “Emily, pwede bang tulungan mo akong i-compile ‘yung mga data para sa presentation bukas?” tanong ni Sarah, ang isa sa mga kasamahan ko. Tumango na lang ako kahit medyo na-overwhelm na. Hindi lang emails at reports ang inaasikaso ko. May mga tawag pa akong sinasagot, mga meeting na ina-attend-an, at mga bisitang inaasikaso. Kahit weekends, hindi ako nakakapagpahinga dahil may mga urgent matters na kailangan kong asikasuhin.“Emily, may naghahanap sa ’yo sa baba,” sabi ni Anna, ang receptionist. Bumab
Emily's POV Kanina ko pa napapansin na panay sulyap sa akin ang kapatid ni Marco na si Kalix. Hindi ako makapag-focus sa pakikinig ng pinag-uusapan nila kasi nadi-distract ako. Umupo ako sa tabi ni Marco. Bakas naman ang gulat sa mukha niya dahil sa ginawa ko. "May gusto ba 'yang kapatid mo sa akin? Panay ang tingin kasi," reklamo ko. "He will like you? No way, Em! He's a bachelor, pero hindi ka pasok sa standard niya." Mas lalo lang akong nainis sa sinabi ni Marco. Sana pala hindi na lang ako nagsumbong kasi parang ang pangit ng pagkakaintindi niya sa sinabi ko. "Type mo ba ang kapatid ko?" tanong ni Marco. I rolled my eyes. "Hindi ako pumapatol sa matanda, 'no." Tinawanan niya ako. "How about me, Emily?" Biglang nanuyo ang lalamunan ko sa tanong niya. Hindi rin ako makatingin ng diretso sa kaniya. "Let's not talk about it. Pareho lang kayong magkakapatid," saad ko at ibinaling ang atensiyon ko sa mga magulang nila. "Really?" Napaigtad ako nang maramdaman ang kamay ni Marc