Share

Chapter 14

Emily's POV

Napaigtad ako nang bigla akong kalabitin nina Luna at Tina. Hinila nila ako patungo sa labas ng opisina ni Marco. Nanlaki ang mga mata ko nang narinig ang malakas na pagdaing ng babae sa loob.

"Kilala mo ba ang babaeng kasama ni Sir Marco sa loob?" tanong ni Luna, idinikit niya ang tainga niya sa pinto.

Mabilis akong umiling. "Hindi."

"Akala namin ikaw ang kasama niya," wika ni Luna. Napamura siya nang hampasin ko siya ng malakas sa balikat niya.

"Kung hindi ka lang namin nakita sa table mo aakalain talaga namin -" Napautol ang sasabihin ni Tina nang biglang bumukas ang pinto. Muntik pang matumba si Luna.

Tumuwid kami ng tayo nang napansin ang malalim na pagtingin ng babaeng lumabas sa opisina ni Marco. "Good afternoon, Ma'am!" bati naming tatlo, pero hindi niya kami pinansin. Dire-diretso lang ang paglakad niya.

Sinubokan naming sumilip sa loob, ngunit napansin namin ang paglakad ni Marco palabas. Muntik na akong matumba nang hilahin ako ng mga kaibigan ko paalis.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status