Hindi nakatakas sa pandinig ko ang sinasabi ng mga taong nadadaanan namin palabas ng venue. Isinubsob ko na lang ang mukha ko sa leeg ni Marco nang napansing may kumukuha ng litrato sa amin. "Ibaba muna ako. Nasa labas na tayo," reklamo ko nang nahagip ng mga mata ko ang nanlalakihang mga mata ni Serenity nang nakita niya kami. "Mamaya na. Nandiyan pa siya," bulong ni Marco. "Sino? Ang demonyita mong kaibigan at ex-fling?" tanong ko. Hindi ko maitago ang iritasyon sa boses ko matapos sirain ng babaeng 'yon ang dress ko. "She's not my ex-fling. Magkaibigan lang kami," sabi niya. Sinulyapan ko si Serenity, idiniin ko ang pagkapit sa batok ni Marco. Palihim akong napangisi nang padabog siyang umalis papalayo. Bumaling ako kay Marco nang bigla siyang huminto sa paglalakad. "Where's your room?" tanong niya. Nasapo ko ang noo ko nang naalala ang susi ng kwarto ko. Dali-dali akong bumaba at tumakbo patungo sa tapat ng kung saan nahulog ang mga gamit ko kanina. Hindi ako makakapasok sa
"Let him stay here, Marco," sabi ko at pilit na hindi pinapahalatang naiilang ako sa kaniya. Kung may makakakita man sa amin, malaking issue ito kasi kasama kong kakain ang CEO ng Montevallo Enterprises. "Fine!" pagmamaktol niya at sinundan ang mga tauhan niya. Mabuti na lang at hindi ito umabot kay Ethan. Baka magkagulo na naman. Umupo na lang ako sa table namin habang hinihintay siyang makabalik. Sinilip ko si Marco sa kinaroroonan ni Ethan nang napansing hindi pa rin siya nakabalik sa table namin, ngunit wala siya roon, at tahimik ding kumakain si Ethan. Napalunok ako nang nakita ang limang staffs na naglagay ng pagkain sa table. Nakakatakam ang mga pagkain dito. My eyes widened when one of the staffs gave me a bouquet of sunflower. "Pinapabigay po pala sa inyo, Ma'am," sabi ng staff. Napakagat-labi ako bago tinanggap ang bulaklak at hinanap si Marco. Tumindig ang lahat ng balahibo ko nang may lumapit na namang staffs sa akin habang nagpi-play ng violin. Yumuko ako nang napans
"Emily, nananaginip ka." Napabalikwas ako ng bangon nang narinig ko ang boses ni Marco. Napahawak ako sa leeg ko nang naisip ko ang kwintas, pinagpapawisan ako. "Ayos ka lang ba? Naririnig ko sa kwarto ko ang boses mo. Tumatawa ka habang natutulog," sabi ni Marco at pinunasan ang pawis ko. Napakagat-labi ako at napahawak sa noo ko. Akala ko totoo na ang lahat. Panaginip lang pala 'yon? "Naging baliw ka ba sa panaginip mo?" tanong niya at pinigilan ang sariling matawa. Kumunot agad ang noo ko. "Kung ikaw kaya ang gawin kong baliw sa totoong buhay?" pagsusungit ko. "Wala ka pa ngang ginagawa nababaliw na ako sa 'yo," hirit niya. Umahon ako sa kama at itinulak siya papalayo sa akin. "Tigil-tigilan mo nga ako sa mga trip mo!" "Maligo na lang tayo sa pool para mawala 'yang init ng ulo mo," sabi niya. Napamura ako nang bigla niya akong buhatin. "Ibaba mo ako! Hindi ako maliligo!" sigaw ko at paulit-ulit na sinasampal ang dibdib niya. "Sabayan mo na lang ako." "Ayoko!" "Hindi pwe
Napabalikwas ako ng bangon nang narinig ko ang pagkatok ni Marco sa pinto ng kwarto ko. Kahit labag sa loob ko ang makita siya matapos niya akong talunin kagabi, pinagbuksan ko pa rin siya ng pintuan kasi nakikitulog lang naman ako rito. Napalunok ako nang nakita ng food tray na may lamang mga pagkain. Napatingin ako wall clock upang tingnan kung anong oras na ba. "Ipinagluto kita ng pagkain," nakangiting sabi niya. "Hindi ako nagugutom," pagsusungit ko, pero nasa pagkain ang mga mata ko. "Baka nilagyan mo 'yan ng gayuma." Nawala ang ngiti sa labi niya. "Bakit naman kita gagayumahin? Anong akala mo sa akin obsess sa 'yo?" "Hindi ba?" "Pero hindi ako ganoon ka desperado para lang makuha ka, Emily. Kung hindi ka madadaan sa pangliligaw, baka gawin ko ang bagay na 'yon," saad niya at pumasok sa loob ng kwarto. Inilagay niya sa table ang mga pagkain. "Seryoso ka ba talaga sa pangliligaw mo sa akin?" tanong ko at pinagkrus ang mga braso ko. "Gusto mo bang pakasalan na lang kita aga
Kinalabit ko si Marco nang nakalayo na ang mga kaibigan ko sa amin. "Sa 'yo ba 'to galing? Couple necklace, ganoon?" tanong ko. "It's just a necklace. Baka sa susunod, singsing na ang ipapasuot ko sa 'yo," sagot niya at inakbayan ako. Mabilis ko namang inalis ang kamay niya sa balikat ko nang biglang lumingon sina Luna at Tina sa gawi namin. Huhubarin ko na sana ang kwintas nang bigla niya akong pinigilan. "Ano ba? Ibabalik ko 'to sa 'yo! Hindi ako tumatanggap ng ganitong bagay!" "Subokan mong hubarin. Hahalikan talaga kita at wala akong pakialam kung makakita man sa atin ang lahat ng empleyado ko," pagbabanta niya sa akin. "Nababaliw ka na nga!" asik ko at binilisan ang paglalakad papalayo sa kaniya. Nasa lobby na kaming lahat, nagkukwentuhan at nagtatawanan. Ang aming team leader, si Manager Norma, ay nagbigay ng maikling briefing tungkol sa mga gagawin namin para sa araw na ito. May mga laro, mga activities, at syempre, masasarap na pagkain.Naglakad kami papunta sa isang ma
"Ang sabi mo may gagawin ka ngayon. Anong ginagawa mo sa silid ko?" tanong ko sabay taas ng kilay ko. "I canceled the meeting," sagot niya at hinila ako paupo sa kama ko. Pagod ang nakikita ko sa mukha niya. "I canceled it because I miss you," dagdag niya na siyang ikinagulat ko. Napatitig ako ng ilang segundo sa kaniya at unti-unti ko ring nararamdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko. "Gusto kitang makatabing matulog. Kung ayaw mo, hindi kita pipilitin." "Marco, hindi pa nga ako pumayag na magpaligaw sa 'yo tapos tatabi ka na sa aking matutulog," sabi ko at tumayo saka inilagay sa ibabaw ng table ang bulaklak. "Baka makita rin tayo ng mga kaibigan ko at ibang mga empleyado tapos bibigyan nila ng ibang kahulugan -" "Then I will tell them that we are dating," he interrupted what I was about to say. He stood up and started unbuttoning his polo. Tinakpan ko naman ang mga mata ko. "Huwag mong takpan ang mga mata mo, Emily. Nakita mo naman 'to lahat," nakangising saad niya bago pumasok
Idinilat ko ko ang aking mga mata nang naramdaman kong may yumakap sa akin. Nakita ko si Miguel, na mahimbing na natutulog habang nakayakap pa rin sa akin. Dahan-dahan kong inalis ang braso niya, ngunit mas lalo niya lang hinigpitan ang pagyakap sa akin, na para bang mauubosan ako ng hininga. "I can't breath," sabi ko. Nang napansin ko ang pagdilat ng mga mata niya, agad akong bumangon at tumayo. "Kung makayakap ka naman sa akin, mauubosan ako ng hininga." Napatingin ako sa pinto nang may narinig akong ingay na nanggagaling sa labas. Bubuksan ko na sana ang pintuan nang hilahin ako ni Marco papalapit sa kaniya. "Nandito ang Mommy ko," he whispered. "Mommy mo?" "Mommy natin." Tumayo ako at napatingin sa kaniya. Naka-topless pa rin siya. Kung alam ng Mommy niya na rito siya natulog at makikitang nakahubad ang anak niya baka kung ano ang iisipin no'n. Kinuha ko ang polo shirt miya at ibinato ito sa kaniya. "Suotin mo 'yan. Baka isipin ng Mommy mo na may ginagawa tayong milagro kap
"Bored ka ba?" tanong ko imbes sagutin ang tanong niya. Umigting ang panga ni Marco. "Kung bored lang ako hindi kita hahabulin matapos kitang makuha ng gabing 'yon," seryosong saad niya na siyang ikinalaglag ng panga ko. "Fine! I'll be your date for today. Huwag mo ngang ipaalala sa akin ang nangyari sa atin!" asik ko at isinara ang pinto pagkatapos kong kunin ang bulaklak at teddy bear sa kaniya. Tiningnan ko ang sarili ko sa malaking salamin habang nagsusukat ng dress. Hindi ko alam kung bakit ako nahihirapang mamili ng susuotin ko ngayong araw. Makikipag-date siya sa akin at hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Balak ko pa naman sanang maligo ng dagat ngayong araw, pero mukhang malabong mangyari 'yon kasi wrong timing ang pagyaya niya sa akin. Makalipas ang mahigit sampung minutong pag-iisip kung ano ang susuotin ko, nagpasya akong magsuot ng itim na tube at short. Naglagay ako ng light make up para hindi naman ako haggard tingnan. "Saan tayo pupunta?" tanong ko pagkalab