Share

Chapter 19

"Emily, nananaginip ka."

Napabalikwas ako ng bangon nang narinig ko ang boses ni Marco. Napahawak ako sa leeg ko nang naisip ko ang kwintas, pinagpapawisan ako.

"Ayos ka lang ba? Naririnig ko sa kwarto ko ang boses mo. Tumatawa ka habang natutulog," sabi ni Marco at pinunasan ang pawis ko.

Napakagat-labi ako at napahawak sa noo ko. Akala ko totoo na ang lahat. Panaginip lang pala 'yon?

"Naging baliw ka ba sa panaginip mo?" tanong niya at pinigilan ang sariling matawa.

Kumunot agad ang noo ko. "Kung ikaw kaya ang gawin kong baliw sa totoong buhay?" pagsusungit ko.

"Wala ka pa ngang ginagawa nababaliw na ako sa 'yo," hirit niya.

Umahon ako sa kama at itinulak siya papalayo sa akin. "Tigil-tigilan mo nga ako sa mga trip mo!"

"Maligo na lang tayo sa pool para mawala 'yang init ng ulo mo," sabi niya.

Napamura ako nang bigla niya akong buhatin. "Ibaba mo ako! Hindi ako maliligo!" sigaw ko at paulit-ulit na sinasampal ang dibdib niya.

"Sabayan mo na lang ako."

"Ayoko!"

"Hindi pwe
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status