Wet and hot afternoon, everyone!🩷🫰
Marco's POV Pinagmasdan ko si Emily, na mahimbing na natutulog sa aking bisig. Inayos ko ang takas niyang buhok at niyakap ng mahigpit. Hindi pa rin ako makapaniwalang may nangyari na naman sa amin. At first, I was hesitant to do it lalo na't pareho kaming hindi nakainom ng alak. Nililigawan ko pa siya at ayokong i-take advantage si Emily. Seryoso ako sa panliligaw sa kaniya at alam kong hindi agad siya maniniwala sa ginagawa at pinapakita ko. Kaya kahit gaano pa 'yan katagal, hihintayin ko ang matamis niyang oo. Naputol ako sa pag-iisip nang marinig ang pagdaing niya. Hindi ko mapigilang kagatin ang pang-ibabang labi ko nang marinig ang maganda niyang boses. Hinaplus-haplos ko ang mahaba niyang buhok habang paulit-ulit na hinahalikan ang noo niya. "I love you," bulong ko. Dahan-dahan kong nilagyan ng unan ang ulo niya. Sobrang himbing ng tulog niya at ayokong gisingin siya. She looks so tired. Ang lakas niyang humilik, pero para sa akin, ang ganda ng boses niya sa pandinig ko.
Umupo ako nang maayos nang makita kong pumasok si Emily sa loob ng opisina ko. Napakagat-labi ako nang biglang sumagi sa isipan ko ang nangyari sa amin sa resort. "Good morning, S-Sir," she greeted. "May meeting po kayo ngayong araw -" "Alam ko na lahat ng 'yan, Miss Em. Umupo ka muna riyan at kumalma. Mukhang kinakabahan ka. May problema ba?" "Wala naman. Naninibago lang." Tinaasan ko siya ng kilay. "At bakit ka naninibago?" "Ilang linggo rin kasi akong nawala." Bumukas ang pinto at nakita kong pumasok si Nick. Nagtagal ng ilang segundo ang paningin niya kay Emily. "Nagawa mo ba ang pinapagawa ko?" "Yes, Marco. We'll be there before lunch," sagot ni Nick. "Miss Emily," sambit ko. Tumayo siya ng matuwid at tumingin sa akin. "Come with me." "Yes, Sir!" tugon niya at inayos ang suot niyang skirt. Pagdating namin sa parking lot, inagaw ko ang susi ng kotse kay Nick. Nagulat siya sa ginawa ko, pero nginitian ko na lang siya. Pinagbuksan niya ng pintuan si Emily. "Ikaw muna ang
Emily's POV Kanina ko pa napapansin na panay sulyap sa akin ang kapatid ni Marco na si Kalix. Hindi ako makapag-focus sa pakikinig ng pinag-uusapan nila kasi nadi-distract ako. Umupo ako sa tabi ni Marco. Bakas naman ang gulat sa mukha niya dahil sa ginawa ko. "May gusto ba 'yang kapatid mo sa akin? Panay ang tingin kasi," reklamo ko. "He will like you? No way, Em! He's a bachelor, pero hindi ka pasok sa standard niya." Mas lalo lang akong nainis sa sinabi ni Marco. Sana pala hindi na lang ako nagsumbong kasi parang ang pangit ng pagkakaintindi niya sa sinabi ko. "Type mo ba ang kapatid ko?" tanong ni Marco. I rolled my eyes. "Hindi ako pumapatol sa matanda, 'no." Tinawanan niya ako. "How about me, Emily?" Biglang nanuyo ang lalamunan ko sa tanong niya. Hindi rin ako makatingin ng diretso sa kaniya. "Let's not talk about it. Pareho lang kayong magkakapatid," saad ko at ibinaling ang atensiyon ko sa mga magulang nila. "Really?" Napaigtad ako nang maramdaman ang kamay ni Marc
Emily’s POV“Another email from Mr. Alvarez asking for the latest sales figures for the European market,” bulong ko sa sarili habang nagtipa sa keyboard. Napabuntong-hininga ako. Kahit wala si Marco sa bansa, hindi naman nagbabago ang workload ko. Simula nang umalis si Marco para sa business trip niya sa Singapore, parang naging double duty ang trabaho ko. Hindi lang ako ang personal assistant niya, kundi pati na rin ang temporaryong tagapangasiwa ng mga proyekto niya rito sa opisina. “Emily, pwede bang tulungan mo akong i-compile ‘yung mga data para sa presentation bukas?” tanong ni Sarah, ang isa sa mga kasamahan ko. Tumango na lang ako kahit medyo na-overwhelm na. Hindi lang emails at reports ang inaasikaso ko. May mga tawag pa akong sinasagot, mga meeting na ina-attend-an, at mga bisitang inaasikaso. Kahit weekends, hindi ako nakakapagpahinga dahil may mga urgent matters na kailangan kong asikasuhin.“Emily, may naghahanap sa ’yo sa baba,” sabi ni Anna, ang receptionist. Bumab
Emily’s POV Gabi na nang makauwi ako sa condo na pagmamay-ari ni Marco. Humiga kaagad ako sa kama dahil pagod na pagod ang aking buong katawan. Kinapa ko ang phone ko sa loob ng bag nang marinig na may tumatawag. “Hello?” “I miss you.” Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ang boses ni Marco sa kabilang linya.“Umuwi ka na kung miss mo ma ako,” pagbibiro ko. Binuksan ko ang camera upang makita ang mukha niya. Napalunok ako nang makitang topless siya habang nakahiga sa kama. “Tomorrow. Uuwi ako.”Lumiwanag ang mukha ko. “Really?” “Yes, Em. Hindi mo ba ako na-miss?”“Hindi.”“Why?” Nangunot ang noo niya at bumangon sa pagkakahiga. “Nabalitaan ko kanina, bumisita na naman daw ang ex-boyfriend mo sa opisina.” Nanliliksik ang mga mata niya.“Oo. Pero pinaalis ko naman siya. Bakit mukhang galit ka na naman?”“Ano ang ginagawa niya sa opisina mo?” “Gusto niyang makipag-usap, pero hindi ko pinayagan. Pinaalis ko siya kaagad. Okay na ba?” I rolled my eyes. “Seloso.”“Hindi ka pa ba
Emily’s POV“Hey, may nagawa ba akong mali?” tanong ni Marco at hinawakan ang braso ko.“Pagod ako. Magpapahinga na ako.” “Pinagluto kita ng paborito mong pagkain,” saad niya sa malambing na boses. Dahan-dahan akong humarap sa kaniya. “I’m not hungry,” I lied. Kanina pa ako nagugutom. “Emily, galit ka ba sa akin?” Pinasadahan niya ako ng tingin. “Where is your necklace? Bakit hindi mo suot ang kwintas na binigay ko?”Napahawak ako sa leeg ko at nasapo ang aking noo. “Nakalimutan ko kanina,” pagsisinungaling ko ulit.Sa totoo lang, hinubad ko ‘yon kasi nakakapansin na ang mga kaibigan ko. “Ang bata-bata mo pa nagiging ulyanin ka na. Wear it.” Binitawan niya ang braso ko. “Saan mo naiwan? Ako na ang kukuha at nagsusuot ng kwintas na ‘yon sa ‘yo.” “Sa banyo – hindi pala. Ako na lang ang kukuha.” Mabilis akong tumakbo papasok sa aking silid. Ginulo ko ang aking buhok kasi hindi ko maalala kung saan ko nailagay ang kwintas na ‘yon. Tiningnan ko sa banyo, pero wala roon. Tiningnan ko
Emily’s POV “What the –” Napatakip ako nang bibig nang bumungad sa akin ang sandamakmak na mga branded bags sa loob ng kwarto ko. Kagigising ko lang. Dali-dali akong lumabas sa aking kwarto, hinanap ko si Marco. Nakita ko siya sa sala, umiinom ng kape, nakaupo ng pandikwatro. Tumingin siya sa akin sabay taas ng kaniyang kilay. “Nagustohan mo ba ang mga bags na binili ko?” “Y-You bought those branded bags? Nababaliw ka na ba? Paano ko gagamitin ang mga ‘yon?” Umupo ako sa harapan niya. “Hindi mo ba nagustohan? Sinabihan na kita kagabi, na itapon lahat ng bagay na galing sa ex-boyfriend mo, Emily. Use those bags,” kalmadong sabi ni Marco at sumimsim ng kape. “Mamaya naman ay darating ang mga damit at sapatos na binili ko para sa ‘yo.” “Nababaliw ka na talaga!” sigaw ko kay Marco. “Well, sa ‘yo ako nababaliw, Emily,” hirit ni Marco sabay kindat sa akin. “Gusto kitang bigyan ng magaan na buhay. From now on, you will live like a Disney Princess.” “Disney Princess mo ang mukh
Emily’s POV Ang tahimik na pag-ikot ng air conditioner at ang tunog ng keyboard ang karaniwang kasama ko sa buong araw. Pero ngayong araw na ito, parang may kakaibang hangin na bumalot sa paligid. Hindi ko maipaliwanag, pero pakiramdam ko, lahat ng galaw ko ay sinusundan ng isang pares ng mga mata. “Emily,” tawag ni Marco mula sa kabilang mesa. Hindi ko alam kung bakit, pero kahit simpleng pagbanggit lang ng pangalan ko mula sa kaniya, para bang may kakaibang kilabot na dumadaloy sa akin. Tumingala ako mula sa laptop ko. Nakaupo siya sa harap ng kaniyang desk, bahagyang nakasandal at naglalabas ng isang mapanuksong ngiti. Ang ganda ng ngiti niyang iyon—nakakapanghina. “Yes, Sir?” sagot ko, pilit na pinapanatili ang propesyonal kong tono. “Kanina pa kita pinagmamasdan,” sabi niya, kaswal, ngunit may halong lambing sa boses. “Mukhang masyado kang seryoso sa trabaho. Hindi ka ba napapagod?” Napatigil ako. Hindi ko alam kung paano sasagot. “Ah, hindi naman. Marami lang talaga
Emily's POV Pagkalipas ng ilang buwan, mas lalo pang naging matibay ang pagsasama namin ni Marco. Simula nang bumalik siya sa buhay namin ni Frost, wala na akong ibang hinangad kundi ang magkaroon ng isang buong pamilya kasama siya. Ngayon, nandito kami sa isang pribadong beach resort na pagmamay-ari ng pamilya niya. Isang linggo na kaming nandito, at hindi ko akalaing magiging ganito ako kasaya. "Mommy! Daddy!" sigaw ni Frost habang tumatakbo sa buhanginan. "Tara na! Malapit nang lumubog ang araw!" Nakangiting hinila ako ni Marco papunta sa dalampasigan. Hawak-kamay kaming naglakad patungo kay Frost, na masayang naglalaro sa buhangin. Napakaganda ng tanawin—ang papalubog na araw, ang malamig na simoy ng hangin, at ang masayang tawanan ng aming anak. Pakiramdam ko, wala na akong mahihiling pa. Nang makarating kami sa tabi ni Frost, biglang bumitaw si Marco sa kamay ko. Napatingin ako sa kanya, at laking gulat ko nang bigla siyang lumuhod sa harapan ko. "Marco?!" gulat kong tawa
Emily's POV Pagkalipas ng ilang araw, unti-unting bumalik sa normal ang buhay namin. Matapos ang lahat ng gulong idinulot ni Serenity, ngayon lang ulit ako nakahinga nang maluwag. Pero kahit tapos na ang laban, hindi maalis sa isip ko ang trauma at sakit na dinaanan namin ni Marco.Maaga akong nagising isang umaga at lumabas ng kwarto para maghanda ng almusal. Napangiti ako nang makita kong mahimbing pa ring natutulog si Frost sa kama niya. Para siyang anghel na walang kamalay-malay sa lahat ng pinagdaanan namin.Sa kusina, inihanda ko ang paboritong agahan ni Marco—garlic rice, tapa, at scrambled eggs. Pero bago ko pa man matapos ang pagluluto, naramdaman kong may mga bisig na biglang pumalibot sa bewang ko."Good morning, Mrs. Montevallo," malambing na bulong ni Marco sa tenga ko.Napangiti ako at sinandig ang ulo ko sa dibdib niya. "Good morning, Mr. Montevallo. Ang aga mong gumising.""Hindi ako sanay na hindi ikaw ang unang bumabati sa akin pagkagising," sagot niya, sabay halik
Emily's POV Tahimik ang paligid ng safehouse, pero hindi ako mapanatag. Kahit nasa bisig na ako ni Marco, kahit mahimbing na ang tulog ni Frost sa kwarto, hindi mawala ang kaba sa dibdib ko."Morgan said we’re safe here," bulong ni Marco habang hinahaplos ang likod ko."I know," mahina kong sagot, pero hindi ko pa rin kayang itago ang pag-aalala. "Pero hanggang kailan tayo magtatago? Hanggang kailan tayo matatakot na baka bigla na lang siyang sumulpot?"Naramdaman ko ang pagpisil ni Marco sa kamay ko. "We’re not running forever, Emily. This is just temporary. Kapag nahanap na natin ang ebidensyang magsasangkot kay Serenity sa lahat ng ginawa niya, she will pay for everything."Bumuntong-hininga ako at tumango. Gusto kong maniwala. Gusto kong isipin na may katapusan ang bangungot na ito.Biglang bumukas ang pinto ng kwarto at lumabas si Morgan. Halatang puyat at pagod."May balita na ba?" tanong agad ni Marco.Tumango si Morgan, pero seryoso ang ekspresyon niya. "She’s looking for you
Emily's POV Nagising ako sa mahina at malamig na haplos sa aking buhok. Dahan-dahang bumalik ang aking ulirat, at nang iminulat ko ang aking mga mata, bumungad sa akin ang maamong mukha ni Marco. Nakaupo siya sa gilid ng kama, nakasuot ng isang simpleng itim na shirt at pajama, pero kahit ganoon, bakas pa rin sa kanya ang awtoridad at lakas ng isang Montevallo."Good morning, sweetheart," mahina niyang sabi habang marahang inaayos ang ilang hibla ng buhok ko.Saglit akong natulala. Ilang taon ko siyang hindi nakasama nang ganito. Ilang taon kong inakala na nawala na siya sa buhay ko, at ngayon, nasa tabi ko na siya ulit.Napayakap ako sa kanya, mahigpit, para lang masiguradong hindi ito isang panaginip."I'm here," bulong niya sa tenga ko. "And I'm never leaving again."Napapikit ako habang pilit na pinipigilan ang luhang nagbabadyang tumulo."Huwag mo akong iiwan ulit, Marco..." mahina kong bulong.Hinawakan niya ang mukha ko at marahang tinapik ang ilong ko. "I promised you before,
Emily's POV Matapos ang pag-uusap namin ni Marco, mabilis na umandar ang mga pangyayari. Halos hindi ko na namalayan ang oras sa dami ng kailangang ayusin. Gusto ko mang manatili at ipaglaban ang tahanan namin, pero mas nangingibabaw ang takot na baka isang araw ay magising na lang ako na may nangyaring masama kay Frost."Mommy, are we going on vacation?" inosenteng tanong ni Frost habang abala ako sa pag-aayos ng maleta niya.Napatingin ako sa kanya. Kita ko sa mga mata niya ang excitement, hindi niya alam na hindi ito basta isang simpleng bakasyon lang."Yes, baby," pilit kong nginitian siya. "It’s going to be fun. We’ll be in a different place for a while.""Where?""Secret," singit ni Marco na kakapasok lang sa kwarto. Lumapit siya at kinarga si Frost bago nito ginulo ang buhok ng bata. "But I promise you, you’ll love it.""Yay! Can we go to Disneyland?"Napatawa si Marco. "Of course. Anything for my little prince."Nakita ko ang saya sa mukha ni Frost kaya kahit papaano ay nabaw
Emily's POV Mula nang mapansin ko ang itim na sasakyan na tila sumusunod sa akin, hindi na nawala ang kaba sa dibdib ko. Kahit anong gawin kong pagpapakalma sa sarili, may bumubulong sa isip ko na may hindi tama, na may paparating na panganib.Kinagabihan, habang mahimbing na natutulog si Frost sa kanyang kwarto, ako naman ay nakatayo sa veranda ng kwarto namin ni Marco. Mahigpit kong niyakap ang sarili habang nakatitig sa madilim na kalangitan. Malamig ang hangin, ngunit hindi sapat iyon para maibsan ang init ng kaba sa katawan ko."Kanina ka pa tahimik," malalim na boses ni Marco ang gumising sa malalim kong pag-iisip. Lumapit siya sa akin at marahang hinaplos ang aking likuran. "Anong iniisip mo?"Napayuko ako at mariing napakagat sa labi bago siya tiningnan. "Marco, hindi ko gusto ‘tong nararamdaman ko. Hindi ako mapakali. Hindi ko alam kung sino ang sumusunod sa akin at kung ano ang gusto nilang mangyari.""Alam ko," sagot niya habang mas hinigpitan ang yakap sa akin. "At hindi
Emily's POV Pagkalipas ng ilang araw, unti-unti nang bumalik sa normal ang takbo ng buhay namin ni Marco at Frost. Pero kahit anong pilit kong itago ang pag-aalala, alam kong hindi pa tapos ang lahat. Lalo na nang malaman kong umalis na ng bansa si Serenity. Hindi ko alam kung dapat akong matuwa o matakot.Alam kong hindi siya susuko nang ganoon lang.Ngunit sa kabila ng pangambang iyon, pinili kong ituon ang sarili ko sa pamilya namin.Isang gabi, habang nagpapahinga kami ni Marco sa kwarto…“Emily…”Napalingon ako sa kanya. Katatapos lang naming ihatid si Frost sa kwarto niya, at ngayon ay kami na lang dalawa ang natira sa master's bedroom.May seryoso siyang ekspresyon sa mukha, halatang may bumabagabag sa kanya.Hinawakan ko ang kamay niya. “What’s wrong?”Huminga siya nang malalim bago nagsalita. “Kinausap ako ni Morgan kanina. May sinabi siya tungkol kay Serenity.”Napakunot ang noo ko. “Anong sinabi niya?”Tila nag-alinlangan si Marco bago nagsalita. “Baka hindi pa siya tapos
Emily's POV Matapos umalis ni Serenity, nanatili akong nakaupo sa sofa, ramdam ko pa rin ang panginginig ng mga kamay ko. Hindi ko alam kung dahil sa galit, kaba, o takot sa kung ano pang kayang gawin ng babaeng iyon. Isa lang ang sigurado ako—hindi pa siya tapos.“Emily.”Napatingin ako kay Marco na ngayon ay nakaluhod sa harapan ko. Nakahawak siya sa magkabilang balikat ko, at sa kabila ng galit sa mga mata niya kanina, ngayon ay puno ito ng pag-aalala.“You okay?” tanong niya, mas mahina ang boses.Tumango ako, pilit na ngumiti. “I’m fine.”Pero alam kong hindi siya kumbinsido. “Are you sure?”Muli akong tumango, pero this time, pinilit kong itago ang kaba sa puso ko. Ayoko nang dagdagan pa ang iniisip niya. Sapat na sa akin na alam kong pinagtanggol niya ako.Biglang bumukas ang isang pinto.“Mommy?”Napalingon kami ni Marco sa direksyon ng boses. Si Frost. Nakatayo siya sa tapat ng pintuan ng kwarto niya, kinakagat ang ibabang labi, kita sa mukha niya ang pag-aalalang hindi niya
Emily's POVKinabukasan, nagising ako sa malalakas na katok mula sa pintuan. Agad akong bumangon, sinilip si Frost na mahimbing pa ring natutulog sa tabi ko, at mabilis na lumabas ng kwarto. Pagbaba ko, nakita kong si Marco ang nagbukas ng pinto—at bumungad sa amin si Morgan."Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Marco, bakas sa boses niya ang gulat at pagtataka.Mukhang hindi maganda ang balita dahil seryoso ang mukha ni Morgan. "Kailangan nating mag-usap. Tungkol kay Serenity."Napakunot ang noo ko. "Ano na naman ang ginawa niya?"Pumasok si Morgan at agad naming isinara ang pinto. Pinaupo namin siya sa sala, at hindi ko maiwasang kabahan sa magiging sagot niya."Nagbanta siya," diretso niyang sabi. "Hindi siya titigil hangga't hindi niya nakukuha ang gusto niya."Napalunok ako. "At ano ang gusto niya?""Ikaw, Marco," sagot ni Morgan. "Gagawin niya ang lahat para makuha ka pabalik. At kapag hindi siya nagtagumpay…" Natigilan siya sandali, bago tumingin sa akin. "...si Emily ang pagbab