Share

Montevallo Series 1: Twisted Betrayal
Montevallo Series 1: Twisted Betrayal
Author: Deigratiamimi

Chapter 1

"Mauuna na ako sa inyo. Baka hinihintay na ako ng boyfriend ko," kinikilig na saad ni Emily habang nililigpit ang mga gamit niya para umuwi at ipagdiwang ang ika-pitong taong anibersaryo nila ng boyfriend niyang si Ethan.

"Happy 7th Anniversary sa inyo. Kailan pala kayo magpapakasal? Ang tagal-tagal niyo na hindi pa rin siya nag-po-propose sa 'yo?" Palihim na isinilid ni Tina ang isang box ng condom sa bag ni Emily.

"Kaya nga kailangan ko ng umuwi. Baka ngayon niya ako yayayaing magpakasal!" Hindi maitago ni Emily ang excitement habang iniisip si Ethan, nakaluhod ito sa harapan niya at hinihingi ang kamay niya upang isilid ang singsing.

"Balitaan mo kami kapag nag-propose na si Ethan. Excited na kaming lahat na makita kayong ikasal!" saad ni Luna at sinundot-sundot ang tagiliran ni Emily.

Dumaan muna si Emily sa paborito niyang salon para magpaganda. Gusto niyang surpresahin ang boyfriend niya. Isang linggo na kasi siyang hindi umuuwi sa bahay nila dahil may seminar sila sa ibang lugar. Isang linggo na rin silang hindi nag-uusap ng boyfriend niya kaya namimiss niya na ito.

Hindi niya maalis ang paningin niya sa relong binili niya para kay Ethan habang nilalagyan siya ng nail extensions. Abot langit ang ngiti niya sa kaiisip kung ano ang mangyayari mamaya pag-uwi niya. Pagkatapos niyang ayosan, sinuot niya na agad ang binili niyang pulang dress noong isang araw.

Pumara siya ng taxi pauwi sa bahay nila ni Ethan. Halos ayaw niyang bitawan ang paper bag dahil natatakot siyang mahulog ito at masira ang regalo na para sa boyfriend niya. Huminga siya ng malalim nang nasa tapat na siya ng bahay nila. Maingat siyang naglalakad sa pathway dahil natatakot siyang matapilok.

Hinawakan niya ang pintuan. Ngumiti siya nang napagtantong bukas ito. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto.

"I'm home, Babe. I miss you so -" Hindi niya natapos ang sasabihin niya nang bumungad sa kaniya sina Ethan at Eunice na naghahalikan. Nabitawan niya ang paper bag sa sobrang gulat ng nasaksihan niya ang pagtataksil nila.

"Babe, let me explain," kinakabahang saad ni Ethan at itinulak papalayo si Eunice.

Nanlalambot ang tuhod ni Emily. Napaupo siya sa sahig habang tinititigan ang matalik niyang kaibigan na nag-aayos ng sarili. Niyakap siya ni Ethan at paulit-ulit itong humihingi ng kapatawaran. Itinulak niya papalayo si Ethan at sinugod si Eunice.

"Mang-aagaw! Wala kang utang na loob! Pinatira kita rito dahil wala kang matutuloyan! Kaibigan kita pero sinulot mo ang boyfriend ko!" galit na sigaw niya habang pinagsasampal at sinasabunotan ng buhok si Eunice.

"Babe, magpapaliwanag kami," sabi ni Ethan at pilit na inilalayo si Emily sa kaibigan nito.

Bumagsak ang mga luha ni Emily. Hindi siya makapaniwala na may relasyon ang boyfriend niya at ang kaibigan niya.

"Magpapaliwanag kayo? Para saan pa, Ethan? Nahuli ko na kayo! Niloko ninyo ako! Mga hayop kayo!" Pinagpapalo niya si Ethan at pinagsisipa. "Bakit sa kaibigan ko pa? Bakit siya pa ang pinatulan mo, Ethan? Ano ba ang meron sa kaibigan ko na wala sa akin? Ibinibigay ko naman ang lahat ng mga pangangailangan mo. Bakit mo ako nagawang lokohin nang ganoon kadali? Bakit si Eunice pa?"

Ngumisi si Eunice nang natapos na siyang mag-ayos sa sarili. Lumapit siya sa kaibigan niya. "Sigurado ka ba, Emily, na naibigay mo na lahat-lahat sa kaniya?"

"Eunice," saway ni Ethan pero hindi ito nagpatinag.

"Kahit kailan, hindi siya magiging masaya sa feeling mo dahil hindi mo kayang ibigay ang gusto niya, Emily. Pitong taon na kayo pero hindi mo kayang ibigay ang sarili mo sa kaniya?"

"Tama na, Eunice. Umalis ka na lang. Mag-uusap kami ni Emily," saad ni Ethan at itinulak ito papalayo.

"Hinding-hindi ako aalis dito, Ethan. Total, nalaman niya na ang tungkol sa relasyon natin. Bakit hindi na lang natin ipagpatuloy?" Hinawakan ni Eunice ang batok ni Ethan at siniil ito ng halik.

Napasinghap si Emily at napahawak sa dibdib niya. Para siyang aatakihin sa puso sa sobrang sakit ng nasaksihan niya. "W-We're done," saad niya kahit nahihirapan siyang ibuka ang bibig niya. Napapikit siya habang inaalala ang mga pinagdaanan nila.

"Emily, let's talk. Patawarin mo ako. Nadala lang ako dahil -" Napahawak si Ethan sa pisngi niya nang bigla siyang sampalin ng malakas ni Emily.

"Hindi mo ba naiintindihan ang sinabi ko?" namamaos na tanong niya. "Tapos na tayo, Ethan!" galit na singhal niya bago tinalikuran ang boyfriend niya.

"Emily!" sambit ni Ethan at sinubokan niya itong habolin, pero mabilis siyang pinigilan ni Eunice.

"Leave me alone asshole! Magsama kayo ng babae mo!" Tumakbo si Emily papasok sa kwarto niya upang kunin ang susi ng kaniyang kotse.

"Emily, mag-usap tayo, please. Huwag mo naman akong iwan dahil lang sa isang pagkakamaling nagawa ko," pagmamakaawa ni Ethan nang buhayin ng dalaga ang makina ng kotse nito. Pumagitna ito sa daan at lumuhod.

"Aalis ka ba riyan o sasagasaan kita?!" pagbabanta ng dalaga.

Hinila ni Eunice ang binata at niyakap ito ng mahigpit. "Pabayaan mo siya, Ethan! Nandito naman ako. Ito rin naman ang gusto mo -" Naputol ang sasabihin ng dalaga nang itulak siya papalayo nito.

"Leave us alone, Eunice!" galit na singhal ng binata, ngunit parang bingi ang dalaga. Niyakap siya uli nito kasabay no'n ang pagbagsak ng mga luha ni Eunice.

Padabog na isinara ni Emily ang pinto ng sasakyan pagdating niya sa isa sa pinakapaborito niyang exclusive bar. Tiningnan niya ang sarili sa salamin bago tuloyang pumasok sa loob para magsaya at maghanap ng taong makakaalis ng sakit na nararamdaman niya.

Pagpasok niya sa loob ng bar, umorder siya agad ng alak. She's broken. Gusto niyang magpakalasing. Gusto niyang makalimutan ang nangyari sa bahay nila kahit panandalian lang. Napasinghap siya nang nagsimula na namang magsilabasan ang mga luha niya nang sumagi sa isipan niya ang ginawa nina Ethan at Eunice. Dahil lang sa hindi niya kayang ibigay kay Ethan ang sarili niya, pumatol ito sa best friend niya. Mahigit isang oras na siyang umiinom ng alak, pero pakiramdam niya hindi pa rin siya nalalasing.

"You look like a mess," saad ng matipunong lalaki at tumabi kay Emily. Sinalinan niya ng alak ang baso ng dalaga.

Kinuha ni Emily ang bote ng alak at inubos ang laman nito. Gulat namang napatitig ang binata sa ginawa ng dalaga.

"Are you single? If yes, then take my virginity," she said as she grabbed two glasses of vodka and drank them. "My boyfriend and my best friend have a relationship. They betrayed me -" Emily's words were cut off as she was pulled towards the man, and he kissed her.

Napabalikwas ng bangon si Emily kinaumagahan nang nakita niyang nakayakap ang binata sa kaniya. Pinasadahan niya ng tingin ang kanilang mga sarili. Napahawak siya sa ulo niya nang naalala ang ginawa niya kagabi kasama ang lalaking ngayon niya lang nakita. Ang bilis niyang naisuko ang sarili niya sa estranghero kesa ibigay ito sa long time boyfriend niya.

Maingat niyang pinulot ang mga gamit niya sa sahig at mabilis na nagbihis para makaalis na siya. Kumuha siya ng pera sa wallet niya at inilagay ito sa ibabaw ng bedside table.

"Thank you for the good sex," bulong niya sa tainga ng lalaki kahit namimilipit pa siya sa sakit ng pagkababae niya.

Nagmulat ng mata ang binata nang napansin niyang lumabas na ng kwarto si Emily. Hindi niya mapigilang matawa sa sinabi ng dalaga. Umahon siya sa kama at dinial ang numero ng sekretarya niya. Mas lalong lumaki ang ngiti niya nang nakita ang perang iniwan ng dalaga sa ibabaw ng bedside table.

"Gather all the employees. I'll be there before ten," utos niya sa kaniyang sekretarya bago ibaba ang tawag.

Dumapo ang paningin niya sa blood stained. Napakagat-labi siya nang naalala ang malakas na pag-ungol ng dalaga. Gusto niya itong makita. Hindi siya papayag na iiwan lang siya ng ganoon ng dalaga matapos itong ma-satisfied sa sex performance niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status