“SERENITY,” mabilis na tumabi sa kanya ang kaibigan at kaklase niyang si Maricris nang makalabas ang professor nila. “Nasa labas si Jason. Mukhang ikaw ata ang inaantay. Hindi ba, nanliligaw `yon sa `yo?”
Agad umasim ang itsura ni Serenity. Napagsabihan na kasi niya si Jason na wala siyang gusto rito pero mukhang wala pa ata itong balak sumuko. Nang lumingon siya, agad itong kumaway at ngumiti sa kanya. Simangot naman ang naging reaksiyon niya dito. Sa malas, wala siyang choice kundi harapin ito. Doon lang kasi siya makakadaan para makalabas ng classroom.“Serenity, can we talk?” wika nito nang makalabas siya ng classroom.“Wala tayong dapat pag-usapan, Jason.”Nagpatuloy lang siya sa paglalakad. Patakbo naman itong humabol sa kanya.“Alam kong hindi maganda ang image ko. Marami na akong napaiyak na babae. Pero hindi ibig sabihin no’n na hindi ako nagseseryoso sa pag-ibig. Hindi lang siguro kami nagkasundo sa maraming bagay ng mga naging ex ko. Pero malay mo, ikaw na pala ang babaeng para sa `kin.“Baka kapag mas nakilala mo `ko, magbago ang isip mo. Gusto kita, Serenity. Kaya sana bigyan mo `ko ng chance na mas makilala ka.”Sa mga pinagsasabi ni Jason, lalo lang siyang nainis dito. Mukha kasing sinadya nitong lakasan ang boses para marinig ng iba. Pero kung kinilig man ang mga taong nakarinig sa mga sinabi nito, hindi siya. Sa katunayan, nayayabangan siya dito.Kilala niya si Jason Sanchez. Kahit ba hindi siya interesado dito, madalas itong mapag-usapan ng mga kaklase. Hindi nga niya maintindihan kung bakit karamihan sa mga kaklase ay may gusto rito. Oo, hindi maikakailang may itsura ito pero maliban sa kilala itong playboy, leader din daw ito ng isang gang. Ilang beses na rin itong napabalitang may binugbog na estudyante sa University.Masyado na atang na-adik ang mga kaklase niya sa mga nobela tungkol sa mga astig pero lover boy na gangster. Hindi na nakikita ng mga ito ang maling pag-uugali ni Jason.Tumigil siya sa paglalakad at hinarap si Jason. “I’m sorry pero hindi talaga kita gusto. Kaya please, iba na lang ang ligawan mo.”Hindi na niya hinintay na magsalita pa si Jason. Tinalikuran na niya ito at nagpatuloy sa paglalakad. At sa pagkakataong iyon, hindi na siya nito sinundan. Maraming nakarinig sa sinabi niya kaya malamang napahiya na ito. Mabuti na rin iyon at nang hindi na siya nito guluhin.“TAMA na, Jason. Baka mapatay mo si Phillip!” awat sa kanya ng isa sa mga kasamahan sa gang.Matapos siyang ipahiya ni Serenity kanina, si Phillip ang napagbuntungan niya ng galit. Pero kahit halos mabasag na ang pagmumukha nito, hindi pa rin nababawasan ang galit niya.“Ang lakas ng loob ng babaeng `yon na ipahiya ako sa harap ng madaming tao. Humanda siya sa `kin. Gusto ko sana siyang gawing prinsesa pero dahil sa ginawa niya, gagawin kong impyerno ang buhay niya.“Ikaw, ikaw, ikaw, at kayong dalawa,” turo niya sa mga kasama. “Sasama kayo sa akin. Ipapakita ko sa babaeng `yon na mali ang taong kinalaban niya.”Nang una niyang makita si Serenity, agad siyang nabighani sa ganda ng dalaga. Pero dahil sa ginawa nito, gusto na niyang burahin ang pagmumukha nito.BYE, Serenity. Bukas uli,” paakyat na ng jeep si Rita nang matigilan ito. “Okay lang ba talaga na iwan kita nang mag-isa dito?”Nginitian niya ito. “Sige na, umalis ka na. Okay lang ako. Hindi tayo makakauwi kung hihintayin pa natin magsabay ang mga sasakyan natin.”Napangiti na rin ito. “Mag-ingat ka.”“Ikaw rin.”Tuluyan na itong sumakay ng jeep. Kinawayan nila ang isa’t-isa. Ilang sandali lang ay nawala na sa panigin niya ang sinasakyan nitong Jeep.Napatingin siya sa kanyang relo. Alas onse na rin pala ng gabi. Siguradong mapapagalitan na siya ng magulang pag-uwi.Sa katunayan kanina pang alas otso tawag nang tawag ang Mama niya. Dapat kasi ay nasa bahay na siya ng ganoong oras. Hanggang alas siyete lang dapat ang part-time job niya sa isang fastfood restaurant. Pero dahil maraming tao at may nag-absent na crew, kinailangan niyang mag-extend hanggang closing. Kahit nag-text siya sa Mama niya, siguradong magagalit pa rin ito.Napatingin siya sa daan. Mukhang aabutin na naman ata ng isang oras bago may dumaan na Jeep. Ganoon din kasi sila katagal naghintay bago nakasakay si Rita.Dati-rati , maingay pa ang kalsada nang ganoong oras. Pero mula noong nagka-pandemic, aakalain mong madaling araw na. Minsan nga kahit alas siyete pa lang, sobrang tahimik na ng paligid.“Hi, Serenity.”Napalingon siya nang marinig ang boses ni Jason. Hindi nga siya nagkamali at ito ang naroon. Hindi na ito nakasuot ng uniform. Hindi rin mukhang mga estudyante ang mga lalaking kasama nito.Bakit pakiramdam niya hindi lang basta coincidence na napadaan ang mga ito roon nang mga oras na iyon?“Mag-isa ka lang ata. Gusto mo bang ihatid ka namin pauwi?” ani Jason.“Hindi na,” aniya at mabilis na umiwas ng tingin dito.Bigla itong tumawa. “Mag-isa ka na nga lang pero malakas pa rin ang loob mo na magsungit sa `kin. Tingnan nga natin kung hanggang saan ang tapang mo.”Pagkasabi nito noon ay hinawakan ni Jason nang mahigpit ang braso niya. Agad naman niya itong tiningnan ng masama.“Bitawan mo `ko.”Muli itong tumawa. “Ibang klaseng babae ka rin talaga. Sabihin mo nga sa `kin. Saan mo kinukuha `yang katapangan mo, ha? Alam mo bang kahit sumigaw ka, walang taong tutulong sa `yo dito?”Medyo malayo na rin ang nilakad nila ni Rita makasakay lang. Nagkataon na sa lugar na `yon, wala ng bukas na establisment. Sa katunayan, wala na nga yatang ibang tao doon maliban sa kanila.Ramdam ni Serenity ang mas paghigpit ng hawak ni Jason sa kanyang braso. Mukhang hindi yata ito maka-move on sa pagkapahiya kanina sa University kaya gigil na gigil at gusto siyang saktan. Ganoon pa man, nananatili pa rin siyang kalmado.“Pwede ba, bitawan mo `ko.”“At kung ayoko? May magagawa ka ba?”“NASAAN ka na, Oliver?” Tanong sa kanya ng pinsan na si Kristoff. “By the way, I already got your mask with me.”Dapat ay dala niya iyon kanina pang umaga pero dahil sa kaba at excitement para sa una nilang misyon, hindi niya iyon nailagay sa bag.“Thanks. Don’t worry, I’m on my way.”“Bilisan mo. Unang misyon natin `to. Hindi tayo pwedeng pumalpak.”Miyembro sila ng isang grupo, ng Merciless. Ang Merciless ay binubuo ng kanilang mga magulang at iba pang mga assassin. Kumikitil sila ng mga taong wala ng silbi sa lipunan. Mga taong walang ibang dulot kundi karahasan at kapahamakan sa mga inosenting mga tao.Isa ang pinsan sa mga kasamahan niyang nagtri-training upang maging ganap na miyembro ng Merciless. At nang gabing iyon, gaganapin ang pinakauna nilang misyon.At habang patungo siya sa kanilang meeting place, may napansin siyang isang babae na ginugulo ng ilang kalalakihan.Kasama sa itinuro sa kanila ang ilihim ang kanilang kakayahan upang walang magduda sa kanilang katauhan. Sa malas, wala siyang dalang mask para takpan ang kanyang mukha. Pero hindi rin ata kakayanin ng konsensiya niyang may mangyari dito gayong may magagawa naman siya para tumulong.Mabilis na niyang ihininto ang sasakyan. Wala na siyang oras para kausapin pa ang mga lalaki. Ginamit niya ang natutunan para mapatumba ang mga ito nang hindi gaanong nasasaktan.NAIKUYOM ni Serenity ang mga kamao. Mukhang sinusubukan talaga ni Jason ang pasensiya niya. Hindi man halata, lumaki siyang kargado sa training ng ama. Tinuruan siya nito ng iba’t-ibang martial arts moves upang depensahan ang kanyang sarili. Napatingin siya sa mga kasamahan ni Jason. Sa tingin niya ay wala naman dalang mga armas ang mga ito. Kung pisikal lang, may laban siya. Bago pa man may gawing masama ang mga ito, uunahan na niya. Pero bago pa man siya makakilos, bigla na lang may lalaking sinugod ang mga kasama ni Jason.Hindi si Serenity ang klase ng babaeng nangangailangan ng tulong ng iba para protektahan ang sarili. Sa isang iglap kaya niyang kumawala kay Jason. Pero nang oras na iyon, hinayaan niyang magmukhang mahina ang sarili at mamangha sa lalaking sumugod sa mga kasama ni Jason. Isang galaw lang ng lalaki, tumba na agad ang kalaban. Halatang alam nito ang ginagawa.“Sino ka ba? Bakit ka nakikialam dito?” ani Jason. Nakahawak pa rin ito sa kanya kaya ramdam niyang nanlalamig ang kamay nito. Mukhang nagtatapang-tapangan lang pero halatang kinakabahan.“Bitiwan mo siya kung ayaw mong matulad sa mga kasama mo,” wika ng lalaki na boses pa lang, ang gwapo na ng dating.Dahil nakaharap na sa kanila ang lalaki, nagkaroon na siya ng pagkakataong matitigan ang mukha nito. Hindi lang pala ito magaling makipaglaban. Napaka-gwapo rin. Pero bakit parang pamilyar ang itsura nito? Napakunot ang noo niya nang mamukhaan ang lalaki.Hindi siya maaring magkamali. Wala lang itong suot na eyeglasses pero sigurado siyang ito si Oliver Kim, schoolmate nila sa University. Kahit freshmen pa lang sila last year, ang dami ng kilala ni Maricris sa University. Lalo na iyong mga gwapo at sikat. At isa nga nga sa mga taong iyon si Oliver na ngayon ay nasa third year na nito bilang isang business administration student. Gwapo daw kasi ito at matangkad. Kaya lang ay nerd. Wala itong pinapansin at madalang lang magsalita. Sinong mag-aakala na sa lahat ng tao, ito pa ang tutulong sa kanya? Bigla tuloy niyang na-imagine si Superman. Aakalain mong mahina pero may superpowers pala.Biglang tumawa si Jason. “Huwag mo `kong ikumpara sa mga mahihinang nilalang na `yan,” binitawan na siya ni Jason.Kinabahan siya at baka mabugbog nga nito si Oliver. Leader ng gang si Jason kaya malamang malakas din ito. Kung sakali man, tutulong na siya. Pero hindi pa man nagagawang makatama ni Jason, kinarate chop ito ni Oliver sa batok at sa isang iglap, nasa sahig na ito at walang malay.Napatingin siya kay Oliver at napatingin din ito sa kanya. Pakiramdam niya ilang segundo rin silang magkatitigan hanggang sa tumunog ang cellphone nito.“I’m sorry but I have to leave,” wika nito at mabilis nang sumakay sa kotse nito.Nakatingin lang siya sa itim na sasakyan hanggang sa mawala ito sa kanyang paningin. Mula nang turuan siya ng ama na protektahan ang sarili, naging mahina na ang tingin ni Serenity sa mga lalaki. Kahit gaano pa kagwapo ang mga ito, hindi siya madaling ma-impress. Pero kay Oliver, biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso.“OLIVER. What happened? Unang mission niyo kagabi pero hindi ka daw nakaabot. Hindi mo ba siniseryoso ang trabaho natin?” Iyon agad ang bungad sa kanya ng ina nang magising siya kinaumagahan. Para bang hinintay lang talaga nito na dumilat siya para masermonan. “I’m sorry, Ma. May emergency lang. I had to help someone. Iyon naman talaga ang totoong misyon natin, hindi ba? Ang tumulong sa mga inaapi kahit labas sa mga opisyal na misyon natin.” Tiningnan siya nang masama ng ina pero hindi na ito nangulit sa dahilan niya. Napabuntong hininga na lang ito. “Siguraduhin mong makakasama ka na mamaya. Paano ka magiging Leader ng henerasyon niyo kung palagi kang wala sa mga misyon? Bumangon ka na diyan at may pasok ka pa.” Umalis na ng kwarto ang kanyang Mama. Siya naman ang napabuntong hininga. Bago pa nga lang siyang sasalang sa totoong misyon, iniisip na agad ng ina ang pagiging leader niya sa hinaharap. Lalo tuloy siyang napre-pressure. “Maganda ba ang gising mo?” ani Kristoff nang mak
“SABAY na tayo,” ani Maricris matapos ang last subject nila nang araw na `yon. “Hindi na. Mauna ka na. Kailangan ko pang magpunta sa library.” “Gano’n ba? O sige. Sigurado kang ayos lang sa`yo na mag-isa? Sa nangyari kahapon, baka balikan ka ni Jason.” Kung sakali man na harapin nga siya si Jason, mas magkaka-problema lang siya kung kasama si Maricris. “Huwag kang mag-alala. Kaya ko ang sarili ko. Saka pagkatapos ko dito, dadaan pa `ko sa restaurant. Magpapasa ako ng resignation letter kaya mauna ka na lang.” “Naku, doon ka nga pala inabangan. Kung sa akin nangyari `yon, baka nag-resign din ako. Nakakatakot na talagang mag-isa ngayon. Kaya nga ba dapat magka-jowa na tayo. Para may tagahatid na tayo at tagasundo,” nakatawa nitong sabi. Natawa na lang din siya. Muli niyang naalala ang ginawang pagtatanggol sa kanya ni Oliver. Kung ito man ang magiging boyfriend, siguradong magagawa nga nitong protektahan siya. Medyo natagalan man dahil sa pag-uusap nila ni Maricris, mabuti na lang
“MABUTI naman at makakasama ka na ngayon, Oliver,” wika sa kanya ni Simon. Tulad ng kanyang ina, isa ito sa mga pioneers ng Merciless at Team Leader nila sa misyong iyon. Dahil mga trainees pa lang sila, may isa o dalawang senior member silang kasama sa bawat misyon. “Nagkaroon lang ng emergency kahapon, Sir.” “Palalampasin ko ito sa ngayon pero sa susunod, wala akong tatanggapin na dahilan kung bakit hindi kayo makakasama maliban sa nag-aagaw buhay kayo. Nagkakaintindihan ba tayo?” “Yes, Sir,” sagot niya at ng dalawa pang kasama sa misyon na `yon na sina Kristoff at Marigold. “Good. Sa misyong ito, dalawa lang ang dapat niyong gawin. Una, ang mapatay ang target. Pangalawa, ang siguraduhing makakauwi kayo nang buhay.” Nakakakilabot man pero iyon ang mga pinaka-importanteng bagay na dapat nila isaisip sa bawat misyon. Kahit ba pinaghandaan nila iyon sa loob ng mahabang panahon, iba pa rin na totoong kalaban na ang kahaharapin nila. Nang gabing iyon, misyon nilang patayin si Jangg
-NASA room na ako. Ikaw?- Iyon ang laman ng message ni Serenity para kay Oliver. Ilang segundo lang ay nakatanggap na siya ng reply mula dito. -Papunta pa lang ako ng University. Kumain ka na ba? Maaga pa. Want to eat together? I’ll be there in fifteen minutes. See you at the canteen.- Muli na naman nitong napabilis ang tibok ng puso ni Serenity. Isang linggo na silang nagpapalitan ng messages pero hindi pa sila nagkaka-usap ng personal. Kaya naman bigla siyang nag-panic nang yayain siya nitong mag-agahan. Kinakabahan man, syimpre hindi niya iyon aatrasan. -Okay.- Nagmamadali siyang nagtungo sa ladiesroom. Syimpre, kailangan niyang siguraduhin na maganda siya kapag nakaharap ito. Napangiti siya. Hindi pa rin nabubura ang lipstick niya. Presentable pa naman siyang tingnan. “AALIS ka na? Ang aga naman ata,” ani Marigold nang magkasalubong sila sa living room. “Mukhang good mood ka rin. Dahil ba nakatanggap ka ng papuri kay Sir Edward?” Tulad nila ni Kristoff, nag-aaral pa rin si M
NAWALA ang ngiti ni Serenity nang makita niya ang ama na nakaabang sa may gate nila. Ni hindi na niya hinintay ang sukli at bumaba na ng Taxi. “Pa, ano pong ginagawa niyo dito? Nagpapahangin po ba kayo?” Nanatiling seryoso ang mukha ng ama. “Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?” Napalunok siya. “Pasensiya na po, hindi ko napansin. Masyado akong naging busy.” “Pumasok ka na. Sabihin mo na lang sa Mama mo na umalis na `ko.” Doon lang niya napansin na may dalang bag ang Papa niya. Mukhang late na nga talaga siyang nakauwi. Paalis na kasi ito. Madalas wala sa bahay ang Papa niya. Umuuwi na nga lang ata ito para i-train sila. Tapos kinagabihan, umaalis lang din ito. “Sige po, Pa. Mag-ingat po kayo.” Nakahinga siya nang maluwang nang hindi na nag-usisa ang Papa niya. Istrikto man ang ama pagdating sa trainings nila, mabait naman ito. Pero dahil nga may sekreto siya, ang bilis tuloy ng tibok ng kanyang puso. Isa sa mga instructions nito sa kanila na hindi sila pwedeng magkaroon
HIRAP makatulog si Serenity kagabi. At dahil sa tawag ni Oliver, lalo tuloy nawala ang antok niya. Hanggang nga sa inumaga na lang siya kakaikot sa kama pero ni isang minuto ay hindi man lang niya nagawang makaidlip. Ngayon naiintindihan na niya kung bakit ayaw ng Papa niya na magkaroon siya ng karelasyon habang nag-aaral. Hindi pa nga niya boyfriend si Oliver pero nagkakagano’n na siya. Hindi niya ma-explain ang nararamdaman. Basta, ito lang ang nasa isip niya magdamag. Paulit-ulit din bumabalik sa isipan niya ang napag-usapan nila kagabi tungkol sa yakap na aasahan daw nito sa araw na `yon. Wala man tulog, energetic siyang nagtungo sa University. Pero ang excitement niya ay nauwi sa disappointment nang mag-text si Oliver at sinabing hindi ito makakapasok. Naiintindihan naman niya iyon dahil sa kondisyon ng Dad nito. Gayun pa man, hindi pa rin niya maiwasang malungkot. “Bakit ganyan `yang istura mo? May sakit ka ba?” tanong ni Maricris nang makarating siya sa classroom nila. “Akala
“HINDI ka uuwi? Bakit?" “Lilipad papuntang Cebu ang boss ko at bilang miyembro ng kanyang security team, kailangan namin siyang samahan.” “Kailan naman daw kayo uuwi?” “Hindi ko pa masasabi pero huwag kang mag-alala, araw-araw naman kitang tatawagan.” “Halos ilang oras na nga lang tayo magkasama sa bahay, lalayo ka pa. Hindi ka ba talaga pwedeng humanap na lang ng ibang trabaho?” “I’m sorry, Rose pero alam mo naman kung gaano kahalaga sa akin ang trabaho ko.” “Pero hindi ko naman akalain na kahit may mga anak na tayo, mas importante pa rin pala sa `yo ang trabaho mo kaysa sa pamilya natin. Sa akin. Nakakapagod na rin mag-adjust, Simon. Sobrang nakakapagod na,” umiiyak na umalis ng hapag kainan ang kanilang ina. Tahimik lang si Serenity maging ang kapatid niyang si Dean. Nasa harap sila ng hapag kainan pero mukhang wala na siyang ganang kumain. Nalulungkot kasi siya para sa Mama niya. Sa halip na sumunod sa kwarto, nanatili lang kasama nila ang ama. “Kayo na muna ang bahala sa
“FEELING better?” tanong sa kanya ni Oliver nang maging kalmado na siya. “What happened? If you want, we can talk about it.” Kahit ba magaan ang loob niya kay Oliver, hindi pa siya handang ibahagi dito ang mga drama sa buhay ng pamilya niya. Bilin din kasi iyon sa kanya ng ama. As much as possible, gusto nitong maging pribado ang lahat ng pangyayari sa buhay nila. “Wala. Medyo nagkatampuhan lang ang parents ko pero okay lang sila. Hindi ko lang maiwasan na hindi maapektuhan. Siya nga pala,” humiwalay na siya sa pagkakayakap kay Oliver. “Hindi ba’t may sakit ang Dad mo? Ayos na ba siya?” “He’s better now,” maikli nitong sagot. Mukhang tulad niya, hindi rin ito iyong klase ng tao na makuwento tungkol sa pamilya, at ayos lang naman iyon sa kanya. Hindi iyon big deal sa kanya. Ang importante, ayos lang ang dad nito. Ngayong malapit sila sa isa’t-isa at nakatingin siya sa mukha nito, pansin niya na tulad niya, mukhang wala pa rin tulog si Oliver. Kahit ba gwapo pa rin ito, mukhang pago
RAMDAM ni Oliver ang sakit ng kanyang panga nang imulat ang kanyang mga mata. Napatingin siya sa paligid at na-realize niyang nasa loob siya ng kanyang kwarto. Ilang segundo rin siyang napaisip kung anong nangyari hanggang sa maalala niya ang ginawang pagsipa sa kanya ni Serenity. “Gising ka na pala,” wika ni Kristoff nang pumasok ito ng kanyang kwarto. “Ano, masakit pa ba? Nag-alala pa naman ako kay Serenity tapos ikaw pala ang madadatnan kong walang malay sa sahig,” halata sa boses ng pinsan na nang-aasar ito. Naupo siya sa kama. “She cheated. Sinugod niya `ko nang biglaan.” “Bakit, kapag may mga misyon tayo biglaan lang din naman tayong sinusugod ng mga kalaban pero nagagawa natin mag-counterattack. Ang sabihin mo, masyado mong minaliit ang kakayanan ni Serenity.” Hindi siya nakaimik. “Paano na `yan? Hindi mo napaalis si Serenity tapos napahiya ka pa. Alam na kaya ng lahat ang nangyari.” Hindi dahil napatumba siya ni Serenity ay mahina na siya. Marami na din siyang napatunayan
PUMAYAG si Serenity na sumama kay Dr. Kim magtungo sa HQ ng Merciless. Medyo natakot pa nga siya dahil halos wala na silang nadadaanan na kabahayan habang nagdra-drive ito. Pumasok na nga rin sa utak niya na tumalon ng sasakyan. Sa huli, nakarating pa rin naman siya nang buhay at ligtas sa headquarters. At doon, isang tao ang hindi niya inaasahan na muling makita. Si Oliver.Kaya pala ganoon na lang kagaling si Oliver makipaglaban nang iligtas siya nito. Miyembro pala ito ng Merciless. Maging ang kaibigan nito na bigla rin nawala sa University ay miyembro rin pala ng grupo. Pero ang nakakainis, kung umasta ang mga ito ay para bang hindi man lang sila magkakakilala. “Serenity, let me introduce to you my son, Oliver Kim. Siya na muna ang bahala sa iyo. Oliver, maari mo bang i-tour si Serenity sa HQ? Kakausapin ko lang sandali si Brylle.”Hindi ito humindi pero hindi rin ito nagsalita. At nang sila na lang dalawa ang naiwan, sa halip na kamustahin ay para bang pinapaalis na siya
“AKALA ko ay mahihirapan akong ipaliwanag sa iyo ang Merciless. Pero mukhang may ideya ka na pala sa grupo namin,” wika ni Dr. Kim.Hindi siya nagkamali. Miyembro nga ng Merciless ang kanyang ama. “Sa panahon ngayon, sino ba naman ang hindi nakakakilala sa Merciless,” aniya. Kahit nga mga bata ay bukambibig ang Merciless. Sa katunayan, marami sa mga kabataan ngayon ang humahanga sa grupo. At sa totoo lang, isa siya sa humahanga sa mga ito. Minsan mas matinik pa kasi ang mga ito kaysa sa mga pulis na makahuli ng mga druglord at leader ng mga sindikato. Pero sa totoo lang, habang nakatingin siya kay Dr. Kim, hindi niya maisip na miyembro ito ng ganoong grupo. Napakaamo kasi ng mukha nito. “Ang gusto kong malaman ay kung paano napabilang sa grupo niyo ang Papa ko, at kung ano nga ba ang nangyari sa kanya.”“Isa ang iyong ama sa mga pinakaunang miyembro ng Merciless. Hindi pa man niya nakikilala ang iyong ina ay kasapi na siya ng grupo.”Kaya naman pala ganoon na lang ang pagma
KAHIT madilim, hindi nakaramdam ng takot si Serenity nang makapasok na siya sa bahay. Ni hindi siya nagbukas ng kandila. Ayaw niya kasing makuha ang atensiyon ng ibang tao. Baka akalain pa na may multo sa bahay nila. Sapat na rin sa kanya ang ilaw sa poste at ng buwanKahit maalikabok, naupo siya sa paborito niyang upuan sa hapag kainan. Napahinga siya nang malalim. Akala niya si Oliver na ang tinutukoy ni Aling Tasing pero mukhang mali siya. Tingin daw kasi nito, kaedad ng Papa niya ang dalawang lalaki na nagpupunta doon. Kahit ba curious siya kung sino ang mga iyon, lamang pa rin ang lungkot niya dahil kahit minsan, hindi man lang nagtungo doon si Oliver. Mukhang naka-move on na talaga ito habang hindi pa rin ito mawala sa isip niya. “Nakakainis!” aniya sabay hagis ng nahawakan niyang picture frame sa sahig. “Ano bang problema mo, Serenity? Bakit ba sinasayang mo ang luha mo sa isang lalaking hindi ka naman panindigan? Tama na `yang kabaliwan mo. It’s been two years. Mag-
“HE’S Bullet Do, bago nating miyembro. Anak siya ni Russell,” wika ng ama. “Bullet, meet my son, Oliver Kim,” turo nito sa kanya. Tumingin sa kanya si Bullet. Tumango ito at ganoon rin ang naging tugon niya dito. Ipinakilala rin ng ama dito si Kristoff at Marigold. Ang totoo niyan ay matagal na niyang kilala si Bullet. Madalas kasing ipagyabang ni Sir Russell sa kanila ang galing nito. Kahit eighteen pa lang ito, tulad ng ama, eksperto na ito pagdating sa paggawa ng mga bomba, mga armas at iba pang inventions na maari nilang magamit sa kanilang mga misyon. Minsan nga ay may dinala si Sir Russell na parang mga simpleng candies lang pero kapag ihinahagis, sumasabog pala. At ayon dito, si Bullet ang may gawa no’n. Ganoon ito ka genius. “Siya nga pala. Akala ko ba darating din ngayon ang kapatid mo?” ani Kristoff kay Marigold.“Iyon ang sabi niya sa `kin. Baka may dinaanan lang.”“O baka naman nagbago na ang isip? Baka natakot na.”“Kung nagbago man ang isip niya, hindi ako ma
AFTER TWO YEARS... “SORRY kung ito lang ang regalo ko sa birthday mo. Nag-iipon kasi ako,” ani Serenity sa kapatid habang hawak ang cake na siya mismo ang may gawa.” “Sapat na sa `kin `to, Ate. Maraming salamat,” hinipan na ng kapatid ang kandila. “Thank you uli, Ate.” “Walang ano man para sa gwapo kong kapatid.” Tumingin sa paligid ang kapatid. Mukhang alam na niya ang hinahanap nito. “Hindi pa siya dumarating. Malay mo, may surprise din siya sa `yo.” “I doubt. Mula nang mawala si Papa, nakalimutan na niya ang maraming bagay. Nakalimutan na nga ata niya na nandito pa tayo.” Dalawang taon na mula nang dumating sila sa Singapore. Ganoon na rin katagal mula nang isubsob ng ina ang sarili sa trabaho. Madalas, wala ito sa bahay. Minsan nga feeling nila hindi lang ama ang nawala sa kanila. Hindi tuloy niya maiwasang isipin na may inililihim nga sa kanila ang ina. May hindi tama sa mga nangyayari. Ano nga kaya kung may itinatago sa kanya ang ina? Matapos nilang kumain, naghugas na s
MATAPOS niyang maipadala ang message na iyon kay Serenity, pinatay na niya ang kanyang cellphone. Papalitan na rin niya iyon ng bagong simcard para tuluyan nang maputol ang ugnayan nila. Masakit man para kay Oliver ang pakikipaghiwalay kay Serenity, iyon ang naisip niyang pinakamabuting gawin sa lahat ng nangyayari. Mapapahamak lang ito kapag pinahaba pa nila ang kanilang relasyon. Gustong umiyak ni Oliver nang malaman na wala na nga ang Mama niya. Pero ni isang patak, walang tumulo mula sa kanyang mga mata. Puno ng galit ang puso niya. Gusto niyang maghiganti sa may kagagawan no’n sa kanyang ina at sa iba pang mga kasamahan. At maliban sa galit, ramdam din niya ang guilt. Guilt dahil sa huling hininga ng ina, dala-dala nito ang galit sa kanya dahil sinuway niya ito. Ayaw man niyang isipin pero sa galing ng Mama niya, paano kung naging dahilan iyon kaya hindi ito nakapag-concentrate at namatay? Hindi pa man naiuuwi sa HQ ang bangkay ng ina, naitawag na sa kanila ang nangyari. At ko
NANG makarating si Oliver sa apartment niya, may nadatnan siyang paper bag at isang box sa labas ng pinto pero wala na doon si Serenity. Malamang ay hindi pa nito kayang sagutin ang tanong niya kaya naisipan nitong umalis na lang. Pero kung umayaw man ito, hindi rin naman niya pipilitin si Serenity. Kahit ba mahal nila ang isa’t-isa, alam niyang mahirap kay Serenity ang mag-desisyon. Syimpre, nag-aaral pa sila. Hindi rin nito alam na kaya na niya itong buhayin sa laki ng pera na meron siya. “Sir. Andito na pala kayo. Sayang, kaaalis lang ni Mam.” Napatingin siya sa lalaking nakipag-usap sa kanya. Kapag may nakakasalubong siyang staff, minumukhaan niya at binabasa ang nameplate. Kaya naman agad niyang nakilala si Romeo. At mukhang kilala na rin ito ni Serenity. “Sayang. Dinalhan pa naman kayo ni Mam ng cake at pagkain. Saan ba kasi kayo galing, Sir?” Tahimik lang siya pero hindi niya ata nagugustuhan ang pakikialam nito. At mukhang ayaw pa talaga nitong tumigil. “Sa susunod, Sir,
MALAKI ang ibinabayad sa kanila sa bawat misyon. At simula nang magkaroon na ang anak ng mga sarili nitong kita, hindi niya iyon pinapakialaman. Kaya naman madali lang para sa anak ang makakuha ng isang condominium unit. Ganoon pa man, hindi mapigilan ni Agatha na huwag magduda sa biglaang pagbili ni Oliver ng condo nang hindi man lang nagsasabi sa kanila. May nararamdaman siyang hindi tama tungkol doon. Nang araw na `yon, gabi pa ang misyon ni Agatha. Kaya naman ginamit niya ang pagkakataong `yon para masilip ang condo ng anak. Gusto lang niyang masiguro na wala itong ginagawang hindi niya magugustuhan. Mabuti na lang at kilala niya ang nagmamay-ari ng building. Naging madali lang para sa kanya ang makakuha ng spare key. Sa pagpasok niya sa unit ni Oliver, mukhang wala naman nakakapagduda doon. Mga gamit lang ng anak ang nasa kwarto. Malamang gusto lang talaga nito magkaroon ng sariling space. Paalis na siya nang makarinig ng katok. Could it be her son? Pero ang alam niya, nasa is