“HINDI ka uuwi? Bakit?"
“Lilipad papuntang Cebu ang boss ko at bilang miyembro ng kanyang security team, kailangan namin siyang samahan.”“Kailan naman daw kayo uuwi?”“Hindi ko pa masasabi pero huwag kang mag-alala, araw-araw naman kitang tatawagan.”“Halos ilang oras na nga lang tayo magkasama sa bahay, lalayo ka pa. Hindi ka ba talaga pwedeng humanap na lang ng ibang trabaho?”“I’m sorry, Rose pero alam mo naman kung gaano kahalaga sa akin ang trabaho ko.”“Pero hindi ko naman akalain na kahit may mga anak na tayo, mas importante pa rin pala sa `yo ang trabaho mo kaysa sa pamilya natin. Sa akin. Nakakapagod na rin mag-adjust, Simon. Sobrang nakakapagod na,” umiiyak na umalis ng hapag kainan ang kanilang ina.Tahimik lang si Serenity maging ang kapatid niyang si Dean. Nasa harap sila ng hapag kainan pero mukhang wala na siyang ganang kumain. Nalulungkot kasi siya para sa Mama niya.Sa halip na sumunod sa kwarto, nanatili lang kasama nila ang ama.“Kayo na muna ang bahala sa Mama niyo habang wala ako. Huwag niyo siyang bigyan ng sakit ng ulo tulad ko.”“Pa, talaga bang trabaho ang dahilan kaya aalis kayo?”Simula noong maliit pa siya, ang alam niya ay nagta-trabaho sa isang security agency ang ama. Pero kahit kailan, never pa nilang napuntahan kung saan iyon. Ni wala silang kakilala na katrabaho nito. Paano kaya kung hindi pala talaga iyon ang trabaho ng Dad niya? Na kaya pala palagi itong wala ay dahil may iba itong pamilya? Paano kung second family lang pala sila nito? Iyon ang nga tanong na tumatakbo sa kanyang isipan mula pa man noon. Pero kahit kailan, hindi niya iyon nagawang maitanong dito.“Ikaw, ang Mama mo, at ang kapatid mo lang ang pinakamahahalagang tao sa buhay ko, Serenity.”“Pero tulad ng sabi ni Mama, hindi kami kasing halaga ng trabaho niyo. Ganoon po ba? Bakit nga ba hindi na lang kayo humanap ng ibang trabaho, Pa?”“Kung alam mo lang kung ilang beses ko na sinubukang gawin `yon. Kaya lang, habang nabubuhay ako, wala akong choice kundi manatili sa trabaho ko.“Bago ko pa nakilala ang Mama mo, ito na ang trabaho ko. Kung hindi dahil sa trabaho ko, baka matagal na rin akong wala sa mundong `to. Baka hindi ko na rin nakilala ang Mama mo.“Hindi ko man maipaliwanag sa inyo ang lahat, sana maintindihan niyo pa rin ako. Para din sa inyo ang ginagawa ko. Kahit anong mangyari, sana tandaan niyo palagi na mahal na mahal ko kayo.”Hindi na siya nakaimik. Umalis naman ang ama at sinundan na sa kwarta ang Mama nila.Mabait naman ang Papa niya. Kahit isa, wala itong bisyo. Never din niyang narinig na nag-away ang magulang dahil sa isang babae. Pero kung may naririnig man siyang palaging pinagtatalunan ng magulang, iyon ay ang trabaho nito. Mas maraming oras pa kasi ang ginugugol ng ama para sa trabaho nito kaysa sa kanila. Lalo na sa Mama niya. Kapag kasi umuuwi ang Papa nila, mas inuuna pa nitong i-train sila kaysa magkaroon ng quality time kasama ang asawa nito.Hindi niya alam kung ano ang naging ending ng usapan ng mga ito pero nang gabing iyon, umalis pa rin ang Papa niya.Masakit ang ulo niya dahil hindi siya nakatulog kagabi. Tapos ngayon, nadagdagan pa dahil sa nangyari kanina. Napatingin siya sa kanyang phone. Naka-charge nga pala iyon. Binuksan niya iyon at naghintay ng ilang minuto pero walang dumating na message. Mukhang hindi pa rin nagre-reply sa text niya si Oliver. Napahinga siya nang malalim. Nasaan na kaya ito? Mukhang siya yata ang nangangailangan ng yakap mula dito.Nagulat siya nang biglang nag-ring ang kanyang phone. Si Oliver ang tumatawag. Agad naman niya iyong sinagot.“Hello, Oliver? Bakit ngayon ka lang tumawag? Bakit hindi ka sumagot sa mga text ko? Ayos ka lang ba?” Sunud-sunod niyang mga tanong dito.“Are you in your room?”Napakunot noo siya. Sa dami ng sinabi niya, iyon talaga ang una nitong naisip sabihin?“Oo. Bakit?”“Pwede ka bang sumilip sa may bintana?”Napatayo siya sa kama.“Bakit?” aniya habang nagmamadaling nagtungo sa may bintana.Nanlaki ang mga mata niya nang matanaw ito sa ibaba. Kagaya noong araw na tinulungan siya nito, naka-all black din ito. Paano nito natunton ang bahay nila?Binaba niya ang kanyang phone sa kama at mabilis nang tumakbo pababa.“A-anong ginagawa mo dito?” humigingal pa siya nang makalabas ng gate.“Bumabawi dahil hindi ko nasagot ang mga text mo. Nandito rin ako para hingin ang utang mo sa `kin na yakap.”Hindi siya umiyak kanina sa hapag kainan. Kahit nang umalis ang Papa niya. Pero nang oras na `yon, bigla siyang naging emosyonal. Hindi na niya napigilan ang mapaiyak. Kitang-kitang naman niya ang pag-aalala sa mukha ni Oliver.“Galit ka ba sa `kin? Sorry kung hindi ko nasagot ang mga text mo.”Umiling siya habang pinupunasan ang kanyang mga luha. “Hindi ako galit sa `yo.”“Kung gano’n, bakit ka umiiyak? May problema ka ba?”“Alam kong ako ang may utang sa `yo na yakap pero mukhang ako yata ang-,” hindi na niya naituloy ang sinasabi nang yakapin siya ni Oliver. At dahil sa ginawa nito, lalo lang tuloy siyang napaiyak.“Sa susunod mo na lang ibigay sa `kin ang utang mo na yakap. Sa ngayon, ako na muna ang yayakap sa `yo.”Mula noong bata pa sila, tinuruan sila ng ama na huwag magpakita ng kahinaan sa harap ng ibang tao. Pero ewan ba, pagdating kay Oliver, nagiging mahina siya.NAGPUNTA si Oliver sa University para kausapin si Serenity pero hindi na niya ito naabutan. Sinubukan niya itong tawagan pero hindi rin niya ito ma-contact. Nag-alala siya na baka nagalit ito sa hindi niya pagsagot. Hindi siya mapakali kaya naman humingi siya ng pabor kay Sir Lendon, member ng Merciless at pinakamalupit pagdating sa paghahanap sa mga target nila. Naisip niya na kung kaya nga nitong hanapin ang location ng mga target nila, malamang madali lang para dito na hanapin si Serenity. Hindi nga siya nagkamali dahil ilang minuto lang, nahanap na nito ang address ni Serenity.Nang una nagdadalawang isip siyang tawagan ito at sabihing nasa harap siya ng bahay nito. Baka kasi isipin nito na isa siyang stalker. Pero mabuti na lang at sa huli, mas naging matimbang ang kagustuhan niya na makita ito. Ito pala ang may kailangan ng yakap niya. Ewan ba pero nang makita niyang umiyak si Serenity, parang may pumiga sa puso niya. Maliban sa kanyang pamilya, iyon pa yata ang unang pagkakataon na naramdaman niya iyon para sa ibang tao. Sa puntong iyon, na-realize niya hindi lang basta-basta ang nararamdaman niya para kay Serenity. Espesyal ito sa lahat ng babaeng nakilala niya.“FEELING better?” tanong sa kanya ni Oliver nang maging kalmado na siya. “What happened? If you want, we can talk about it.” Kahit ba magaan ang loob niya kay Oliver, hindi pa siya handang ibahagi dito ang mga drama sa buhay ng pamilya niya. Bilin din kasi iyon sa kanya ng ama. As much as possible, gusto nitong maging pribado ang lahat ng pangyayari sa buhay nila. “Wala. Medyo nagkatampuhan lang ang parents ko pero okay lang sila. Hindi ko lang maiwasan na hindi maapektuhan. Siya nga pala,” humiwalay na siya sa pagkakayakap kay Oliver. “Hindi ba’t may sakit ang Dad mo? Ayos na ba siya?” “He’s better now,” maikli nitong sagot. Mukhang tulad niya, hindi rin ito iyong klase ng tao na makuwento tungkol sa pamilya, at ayos lang naman iyon sa kanya. Hindi iyon big deal sa kanya. Ang importante, ayos lang ang dad nito. Ngayong malapit sila sa isa’t-isa at nakatingin siya sa mukha nito, pansin niya na tulad niya, mukhang wala pa rin tulog si Oliver. Kahit ba gwapo pa rin ito, mukhang pago
“PURE Filipina ang Mama ko. Ang Papa ko naman, pure Korean. Pero dito na siya sa Pilipinas lumaki. Ikaw ba?” tanong ni Serenity kay Oliver habang nasa rooftop sila ng University. Lunch break nila at doon nila naisipan mananghalian. Mabuti na lang at nagkataon na makulimlim ang langit. Hindi sila nababad sa init. “My father is half-Filipino- half-Korean. Ang Mama ko naman pure Korean pero dito na rin siya lumaki. Mas may alam pa nga na Korean ang Dad ko kaysa kay Mama.” “Pareho pala sila ng Papa ko. Hindi na rin natuto mag-Korean.” Unti-unti, nagagawa na nilang mag-share ng tungkol sa kanilang pamilya. Pero napansin niya na kung ano lang ang sinasabi niya, iyon lang din ang mga bagay na binabanggit ni Oliver tungkol sa pamilya nito. “Kamusta na pala ang Dad mo?” “He’s okay. Magaling na siya.” Tumangu-tango siya. “Mabuti naman kung gano’n.” “Ang parents mo, nagkabati na ba?” “Hindi pa umuuwi si Papa pero tingin ko naman ay okay na sila.” Tulad ng pangako ng kanyang ama, araw-ar
“MAY nangyari bang maganda sa rooftop at maaliwalas `yang mukha mo?” ani Kristoff nang pumasok si Oliver sa afternoon class nila. Sana nga hindi na lang siya pumasok. Wala pala ang professor nila. Gustong sumabay ni Kristoff sa kanya mananghalian kanina, at hindi siya nito tinantanan hangga’t hindi niya sinasabi kung saan siya papunta. Kaya naman napilitan na lang siyang banggitin dito ang lunchdate nila ni Serenity. Mabilis siyang umiwas ng tingin sa pinsan. “Hindi ko alam ang pinagsasasabi mo.” “Come on, Oliver. Kilala na kita. Hindi man malawak `yang ngiti mo, alam kong masaya ka. Kayo na ba ni Serenity?” Huminga siya nang malalim. “Fine. She’s my girlfriend,” pag-amin niya. Alam din naman kasi niyang wala siyang maililihim kay Kristoff. “Wow, congratulations. Mukhang tulad mo, inlove na inlove din si Serenity sa `yo. Imagine, sinagot ka na niya agad? Pero sana naman pumili ka ng mas magandang venue. Tapos ni wala ka man lang ata dalang flowers or chocolates.” Hindi naman kasi
“INGAT sa pag-uwi,” ani Serenity nang makarating na sila sa tapat ng bahay nila. Gaya ng mga nakaraang araw, inihatid siya ni Oliver pauwi. Pababa na siya ng sasakyan nang may maalala. “Siya nga pala. May lakad ka ba bukas?” “Wala naman. Bakit?” “Wala lang,” nginitian niya ito. “Naitanong ko lang. Sige, mauna na `ko. Bye,” hinalikan niya ito sa pisngi at mabilis nang lumabas ng sasakyan. Hindi na siya lumingon dito at mabilis nang pumasok ng gate. Nakangiti siya habang patungo sa pinto. Kailangan na niyang mag-bake ng cookies. Mukhang matutuloy ang celebration nila bukas. Sa pagbukas niya ng pinto, nawala ang ngiti niya nang ang ama ang sumalubong sa kanya. Mukhang kararating pa lang nito at napakaseryoso ng mukha. “P-Pa. N-nakauwi na po pala kayo.” “Sino `yon? Sino `yong lalaking naghatid sa `yo? Boyfriend mo ba `yon?” Biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Paano nalaman ng Papa niya ang paghatid sa kanya ni Oliver? Sumilip kaya ito sa bintana? “Pa, mabuting tao po si-.” “Hi
MALAKI ang ibinabayad sa kanila sa bawat misyon. At simula nang magkaroon na ang anak ng mga sarili nitong kita, hindi niya iyon pinapakialaman. Kaya naman madali lang para sa anak ang makakuha ng isang condominium unit. Ganoon pa man, hindi mapigilan ni Agatha na huwag magduda sa biglaang pagbili ni Oliver ng condo nang hindi man lang nagsasabi sa kanila. May nararamdaman siyang hindi tama tungkol doon. Nang araw na `yon, gabi pa ang misyon ni Agatha. Kaya naman ginamit niya ang pagkakataong `yon para masilip ang condo ng anak. Gusto lang niyang masiguro na wala itong ginagawang hindi niya magugustuhan. Mabuti na lang at kilala niya ang nagmamay-ari ng building. Naging madali lang para sa kanya ang makakuha ng spare key. Sa pagpasok niya sa unit ni Oliver, mukhang wala naman nakakapagduda doon. Mga gamit lang ng anak ang nasa kwarto. Malamang gusto lang talaga nito magkaroon ng sariling space. Paalis na siya nang makarinig ng katok. Could it be her son? Pero ang alam niya, nasa is
NANG makarating si Oliver sa apartment niya, may nadatnan siyang paper bag at isang box sa labas ng pinto pero wala na doon si Serenity. Malamang ay hindi pa nito kayang sagutin ang tanong niya kaya naisipan nitong umalis na lang. Pero kung umayaw man ito, hindi rin naman niya pipilitin si Serenity. Kahit ba mahal nila ang isa’t-isa, alam niyang mahirap kay Serenity ang mag-desisyon. Syimpre, nag-aaral pa sila. Hindi rin nito alam na kaya na niya itong buhayin sa laki ng pera na meron siya. “Sir. Andito na pala kayo. Sayang, kaaalis lang ni Mam.” Napatingin siya sa lalaking nakipag-usap sa kanya. Kapag may nakakasalubong siyang staff, minumukhaan niya at binabasa ang nameplate. Kaya naman agad niyang nakilala si Romeo. At mukhang kilala na rin ito ni Serenity. “Sayang. Dinalhan pa naman kayo ni Mam ng cake at pagkain. Saan ba kasi kayo galing, Sir?” Tahimik lang siya pero hindi niya ata nagugustuhan ang pakikialam nito. At mukhang ayaw pa talaga nitong tumigil. “Sa susunod, Sir,
MATAPOS niyang maipadala ang message na iyon kay Serenity, pinatay na niya ang kanyang cellphone. Papalitan na rin niya iyon ng bagong simcard para tuluyan nang maputol ang ugnayan nila. Masakit man para kay Oliver ang pakikipaghiwalay kay Serenity, iyon ang naisip niyang pinakamabuting gawin sa lahat ng nangyayari. Mapapahamak lang ito kapag pinahaba pa nila ang kanilang relasyon. Gustong umiyak ni Oliver nang malaman na wala na nga ang Mama niya. Pero ni isang patak, walang tumulo mula sa kanyang mga mata. Puno ng galit ang puso niya. Gusto niyang maghiganti sa may kagagawan no’n sa kanyang ina at sa iba pang mga kasamahan. At maliban sa galit, ramdam din niya ang guilt. Guilt dahil sa huling hininga ng ina, dala-dala nito ang galit sa kanya dahil sinuway niya ito. Ayaw man niyang isipin pero sa galing ng Mama niya, paano kung naging dahilan iyon kaya hindi ito nakapag-concentrate at namatay? Hindi pa man naiuuwi sa HQ ang bangkay ng ina, naitawag na sa kanila ang nangyari. At ko
AFTER TWO YEARS... “SORRY kung ito lang ang regalo ko sa birthday mo. Nag-iipon kasi ako,” ani Serenity sa kapatid habang hawak ang cake na siya mismo ang may gawa.” “Sapat na sa `kin `to, Ate. Maraming salamat,” hinipan na ng kapatid ang kandila. “Thank you uli, Ate.” “Walang ano man para sa gwapo kong kapatid.” Tumingin sa paligid ang kapatid. Mukhang alam na niya ang hinahanap nito. “Hindi pa siya dumarating. Malay mo, may surprise din siya sa `yo.” “I doubt. Mula nang mawala si Papa, nakalimutan na niya ang maraming bagay. Nakalimutan na nga ata niya na nandito pa tayo.” Dalawang taon na mula nang dumating sila sa Singapore. Ganoon na rin katagal mula nang isubsob ng ina ang sarili sa trabaho. Madalas, wala ito sa bahay. Minsan nga feeling nila hindi lang ama ang nawala sa kanila. Hindi tuloy niya maiwasang isipin na may inililihim nga sa kanila ang ina. May hindi tama sa mga nangyayari. Ano nga kaya kung may itinatago sa kanya ang ina? Matapos nilang kumain, naghugas na s
RAMDAM ni Oliver ang sakit ng kanyang panga nang imulat ang kanyang mga mata. Napatingin siya sa paligid at na-realize niyang nasa loob siya ng kanyang kwarto. Ilang segundo rin siyang napaisip kung anong nangyari hanggang sa maalala niya ang ginawang pagsipa sa kanya ni Serenity. “Gising ka na pala,” wika ni Kristoff nang pumasok ito ng kanyang kwarto. “Ano, masakit pa ba? Nag-alala pa naman ako kay Serenity tapos ikaw pala ang madadatnan kong walang malay sa sahig,” halata sa boses ng pinsan na nang-aasar ito. Naupo siya sa kama. “She cheated. Sinugod niya `ko nang biglaan.” “Bakit, kapag may mga misyon tayo biglaan lang din naman tayong sinusugod ng mga kalaban pero nagagawa natin mag-counterattack. Ang sabihin mo, masyado mong minaliit ang kakayanan ni Serenity.” Hindi siya nakaimik. “Paano na `yan? Hindi mo napaalis si Serenity tapos napahiya ka pa. Alam na kaya ng lahat ang nangyari.” Hindi dahil napatumba siya ni Serenity ay mahina na siya. Marami na din siyang napatunayan
PUMAYAG si Serenity na sumama kay Dr. Kim magtungo sa HQ ng Merciless. Medyo natakot pa nga siya dahil halos wala na silang nadadaanan na kabahayan habang nagdra-drive ito. Pumasok na nga rin sa utak niya na tumalon ng sasakyan. Sa huli, nakarating pa rin naman siya nang buhay at ligtas sa headquarters. At doon, isang tao ang hindi niya inaasahan na muling makita. Si Oliver.Kaya pala ganoon na lang kagaling si Oliver makipaglaban nang iligtas siya nito. Miyembro pala ito ng Merciless. Maging ang kaibigan nito na bigla rin nawala sa University ay miyembro rin pala ng grupo. Pero ang nakakainis, kung umasta ang mga ito ay para bang hindi man lang sila magkakakilala. “Serenity, let me introduce to you my son, Oliver Kim. Siya na muna ang bahala sa iyo. Oliver, maari mo bang i-tour si Serenity sa HQ? Kakausapin ko lang sandali si Brylle.”Hindi ito humindi pero hindi rin ito nagsalita. At nang sila na lang dalawa ang naiwan, sa halip na kamustahin ay para bang pinapaalis na siya
“AKALA ko ay mahihirapan akong ipaliwanag sa iyo ang Merciless. Pero mukhang may ideya ka na pala sa grupo namin,” wika ni Dr. Kim.Hindi siya nagkamali. Miyembro nga ng Merciless ang kanyang ama. “Sa panahon ngayon, sino ba naman ang hindi nakakakilala sa Merciless,” aniya. Kahit nga mga bata ay bukambibig ang Merciless. Sa katunayan, marami sa mga kabataan ngayon ang humahanga sa grupo. At sa totoo lang, isa siya sa humahanga sa mga ito. Minsan mas matinik pa kasi ang mga ito kaysa sa mga pulis na makahuli ng mga druglord at leader ng mga sindikato. Pero sa totoo lang, habang nakatingin siya kay Dr. Kim, hindi niya maisip na miyembro ito ng ganoong grupo. Napakaamo kasi ng mukha nito. “Ang gusto kong malaman ay kung paano napabilang sa grupo niyo ang Papa ko, at kung ano nga ba ang nangyari sa kanya.”“Isa ang iyong ama sa mga pinakaunang miyembro ng Merciless. Hindi pa man niya nakikilala ang iyong ina ay kasapi na siya ng grupo.”Kaya naman pala ganoon na lang ang pagma
KAHIT madilim, hindi nakaramdam ng takot si Serenity nang makapasok na siya sa bahay. Ni hindi siya nagbukas ng kandila. Ayaw niya kasing makuha ang atensiyon ng ibang tao. Baka akalain pa na may multo sa bahay nila. Sapat na rin sa kanya ang ilaw sa poste at ng buwanKahit maalikabok, naupo siya sa paborito niyang upuan sa hapag kainan. Napahinga siya nang malalim. Akala niya si Oliver na ang tinutukoy ni Aling Tasing pero mukhang mali siya. Tingin daw kasi nito, kaedad ng Papa niya ang dalawang lalaki na nagpupunta doon. Kahit ba curious siya kung sino ang mga iyon, lamang pa rin ang lungkot niya dahil kahit minsan, hindi man lang nagtungo doon si Oliver. Mukhang naka-move on na talaga ito habang hindi pa rin ito mawala sa isip niya. “Nakakainis!” aniya sabay hagis ng nahawakan niyang picture frame sa sahig. “Ano bang problema mo, Serenity? Bakit ba sinasayang mo ang luha mo sa isang lalaking hindi ka naman panindigan? Tama na `yang kabaliwan mo. It’s been two years. Mag-
“HE’S Bullet Do, bago nating miyembro. Anak siya ni Russell,” wika ng ama. “Bullet, meet my son, Oliver Kim,” turo nito sa kanya. Tumingin sa kanya si Bullet. Tumango ito at ganoon rin ang naging tugon niya dito. Ipinakilala rin ng ama dito si Kristoff at Marigold. Ang totoo niyan ay matagal na niyang kilala si Bullet. Madalas kasing ipagyabang ni Sir Russell sa kanila ang galing nito. Kahit eighteen pa lang ito, tulad ng ama, eksperto na ito pagdating sa paggawa ng mga bomba, mga armas at iba pang inventions na maari nilang magamit sa kanilang mga misyon. Minsan nga ay may dinala si Sir Russell na parang mga simpleng candies lang pero kapag ihinahagis, sumasabog pala. At ayon dito, si Bullet ang may gawa no’n. Ganoon ito ka genius. “Siya nga pala. Akala ko ba darating din ngayon ang kapatid mo?” ani Kristoff kay Marigold.“Iyon ang sabi niya sa `kin. Baka may dinaanan lang.”“O baka naman nagbago na ang isip? Baka natakot na.”“Kung nagbago man ang isip niya, hindi ako ma