“PURE Filipina ang Mama ko. Ang Papa ko naman, pure Korean. Pero dito na siya sa Pilipinas lumaki. Ikaw ba?” tanong ni Serenity kay Oliver habang nasa rooftop sila ng University.
Lunch break nila at doon nila naisipan mananghalian. Mabuti na lang at nagkataon na makulimlim ang langit. Hindi sila nababad sa init.“My father is half-Filipino- half-Korean. Ang Mama ko naman pure Korean pero dito na rin siya lumaki. Mas may alam pa nga na Korean ang Dad ko kaysa kay Mama.”“Pareho pala sila ng Papa ko. Hindi na rin natuto mag-Korean.”Unti-unti, nagagawa na nilang mag-share ng tungkol sa kanilang pamilya. Pero napansin niya na kung ano lang ang sinasabi niya, iyon lang din ang mga bagay na binabanggit ni Oliver tungkol sa pamilya nito.“Kamusta na pala ang Dad mo?”“He’s okay. Magaling na siya.”Tumangu-tango siya. “Mabuti naman kung gano’n.”“Ang parents mo, nagkabati na ba?”“Hindi pa umuuwi si Papa pero tingin ko naman ay okay na sila.”Tulad ng pangako ng kanyang ama, araw-araw nitong tinatawagan ang Mama niya. Noong una, malimit lang kung sumagot ang Mama niya. Pero nitong huli, tumatawa na ito kapag magkausap sila kaya malamang nagkasundo na ang mga ito.“How about us?” tanong ni Oliver.Na nakapagpakunot sa noo niya. “Tayo? Magkaaway ba tayo?”“Gusto kong malaman kung kailan magiging tayo. Kung kailan mo `ko sasagutin.”Buti na lang walang laman ang bibig niya kundi, nabilaukan na siya.“Hindi ba’t napakabilis naman ata kung sasagutin na kita? Isang linggo pa naman tayong nagliligawan.”Isang linggo pa lang naman kasi ang nakalipas mula noong una silang mag-date. Hindi nga niya sure kung nagliligawan na nga ba sila. Hindi ba magkaiba pa `yong dating stage at courting stage?“Doon lang din naman tayo patungo, hindi ba?”Aaminin niya, espesyal ang nararamdaman niya para kay Oliver. Mula nang magsimula silang magpalitan ng messages, parang hindi na buo ang araw niya nang hindi ito nakikita o nakakausap. Pero syimpre, gusto pa muna sana niya itong pahirapan. Ang sabi kasi ng Mama niya dapat pahirapan niya ang kung sino man lalaki na magkakalakas ng loob na ligawan siya. Kapag daw kasi nanatili pa rin ito hanggang dulo, ibig sabihin mahal talaga siya nito. Ang kaso, magagawa nga kaya niyang tiisin ito nang matagal?NEVER pang nanligaw si Oliver kaya hindi niya alam kung kailan nga ba ang tamang pagkakataon para itanong niya iyon. If it’s just him, hindi naman importante sa kanya ang label. Basta, alam niyang espesyal sa kanya si Serenity at masaya siya sa tuwing kasama at kausap niya ito. Pero feeling niya unfair naman iyon kay Serenity. Kaya para ma-prove niya ang nararamdaman para dito, naisip niyang itanong na iyon dito. Unang date pa lang nila, itinanong na nito sa kanya kung ano ang intensiyon niya para dito. Kaya akala niya, ready na itong mag-level up ang relasyon nila. Mukhang hindi pa pala.Dati, takot siyang makipag-relasyon dahil iyon nga, hindi niya mahuhulaan ang takbo ng panahon. Who knows, baka sa makalawa may mangyari sa kanya. Ayaw niyang may maiwan. Ayaw niyang may masaktan sa pagkawala niya.Pero mula nang makilala niya si Serenity, bigla siyang naging selfish. Gusto rin pala niyang maging masaya. Hindi niya alam kung tama ba o mali pero mas ayaw na niyang magsisi na hindi niya sinubukan ang mga bagay na sana ay pwede niyang ginawa.“Naisip ko lang kasi na hindi natin alam kung hanggang kailan lang tayo mabubuhay. Kaya kung may mga bagay na magagawa natin para maging mas masaya, bakit pa natin patatagalin, hindi ba? Pero kung hindi ka pa handa, ayos lang din naman,” hinawakan niya ang kamay nito. “Hindi kita mamadaliin.”SA unang tingin pa lang, alam niyang seryosong tao si Oliver. Pero hindi niya akalain na ganoon ito ka-mature mag-isip. Nakaka-goosebumps. Parang lalo siyang na-inlove dito. Nakaka-guilty tuloy na pahirapan pa niya ito. Siguro naman hindi siya magagawang saktan ng lalaking `to. Isa pa, may punto din naman si Oliver.“Tama ka. Bakit nga ba patatagalin pa natin? Mahal naman natin ang-,” natigilan siya. Hindi pa nga pala niya naririnig mula kay Oliver ang salitang `yon. Na mahal siya nito.“Are you doubting me because I’ve never said those words yet?”Hindi agad siya nakaimik. Huling-huli na kasi siya nito. Makakapag-deny pa ba siya?“Hindi naman sa nagdududa. Naisip ko lang na hindi mo pa pala nasasabi sa `kin `yon.”“Hindi mo pa rin naman `yon nasasabi sa `kin. We’re just even.”Tama naman ito. Pero hindi ba dapat lalaki ang unang nagsasabi no’n?“Pero alam ko kung ano ang nararamdaman ko para sa `yo,” pagdadahilan niya.“Gano’n din naman ako. You know what? Why don’t we just say it together?”“N-ngayon na?”Bago niya nakilala si Oliver, never pumasok sa isipan niya ang makipag-relasyon. At sa totoo lang, kahit sa sariling pamilya ay hindi niya iyon magawang sabihin nang harapan. Kaya nang sabihin iyon ni Oliver, bigla siyang nakaramdam ng hiya.“Don’t you love me?” tanong nito.“H-hindi naman sa gano’n. Hindi lang ako sanay na sabihin ang mga katagang `yon.”“Ako din naman. I don’t think I’ve ever said those words to anyone before. Not even to my family. Pero para sa `yo, gagawin ko. I love you, Serenity. And I’m serious about my feelings for you.”Nakatingin sa mga mata niya si Oliver kaya naman tagos ata hanggang kaluluwa niya ang mga sinabi nito. Ramdam na ramdam niya ang sinseridad nito. Gusto niyang magtitili sa kilig pero sa isip na lang niya ginawa `yon.At ang kanina na akala niya ay hindi niya magagawang sabihin, bigla na lang lumabas sa kanyang bibig.“Mahal din kita, Oliver.”“Ibig sabihin ba nito tayo na?”Naramdaman niya ang pag-init ng kanyang mukha. “Oo. Sinasagot na kita, Oliver Kim.”Pagkatapos niyang sabihin iyon, para bang natulala na lang si Oliver. Wala itong naging reaksiyon. Ni walang bakas ng saya ang mukha nito. Nakatitig lang ito sa kanya.“Hindi ka ba masaya sa sinabi ko?”“Of course, I am. It’s just that, I don’t know how I’d react. Gusto kitang halikan pero baka isipin mo na nagti-take advantage ako sa `yo dahil sinagot mo na `ko. Baka-.”Hindi na nito nagawang maituloy ang sinasabi nang halikan niya ito sa labi. Sandali lang naman pero sapat lang para magkalapit ang labi nila.“Ako na ang humalik sa `yo para hindi-.”Sa pagkakataong iyon, siya naman ang hindi nakapagsalita. Hinalikan kasi siya nito. Simpleng halik lang ang halik na iginawad nito sa kanya pero mas matagal na naglapat ang kanilang mga labi.“I love you, Serenity. Pinapangako kong ikaw lang ang nag-iisang babae na sasabihin ko ng mga katagang `yon,” muli siya nitong hinalikan. Pero sa pagkakataong iyon, sa noo niya dumampi ang halik nito.Pareho pa silang nasa college ni Oliver. Nineteen siya at twenty ito. At nasa unang araw pa lang sila ng kanilang relasyon. Pero ewan ba, ramdam na ramdam niya ang pangakong binitawan ni Oliver sa kanya. Para bang hinding-hindi nito sisirain ang pangakong iyon.“MAY nangyari bang maganda sa rooftop at maaliwalas `yang mukha mo?” ani Kristoff nang pumasok si Oliver sa afternoon class nila. Sana nga hindi na lang siya pumasok. Wala pala ang professor nila. Gustong sumabay ni Kristoff sa kanya mananghalian kanina, at hindi siya nito tinantanan hangga’t hindi niya sinasabi kung saan siya papunta. Kaya naman napilitan na lang siyang banggitin dito ang lunchdate nila ni Serenity. Mabilis siyang umiwas ng tingin sa pinsan. “Hindi ko alam ang pinagsasasabi mo.” “Come on, Oliver. Kilala na kita. Hindi man malawak `yang ngiti mo, alam kong masaya ka. Kayo na ba ni Serenity?” Huminga siya nang malalim. “Fine. She’s my girlfriend,” pag-amin niya. Alam din naman kasi niyang wala siyang maililihim kay Kristoff. “Wow, congratulations. Mukhang tulad mo, inlove na inlove din si Serenity sa `yo. Imagine, sinagot ka na niya agad? Pero sana naman pumili ka ng mas magandang venue. Tapos ni wala ka man lang ata dalang flowers or chocolates.” Hindi naman kasi
“INGAT sa pag-uwi,” ani Serenity nang makarating na sila sa tapat ng bahay nila. Gaya ng mga nakaraang araw, inihatid siya ni Oliver pauwi. Pababa na siya ng sasakyan nang may maalala. “Siya nga pala. May lakad ka ba bukas?” “Wala naman. Bakit?” “Wala lang,” nginitian niya ito. “Naitanong ko lang. Sige, mauna na `ko. Bye,” hinalikan niya ito sa pisngi at mabilis nang lumabas ng sasakyan. Hindi na siya lumingon dito at mabilis nang pumasok ng gate. Nakangiti siya habang patungo sa pinto. Kailangan na niyang mag-bake ng cookies. Mukhang matutuloy ang celebration nila bukas. Sa pagbukas niya ng pinto, nawala ang ngiti niya nang ang ama ang sumalubong sa kanya. Mukhang kararating pa lang nito at napakaseryoso ng mukha. “P-Pa. N-nakauwi na po pala kayo.” “Sino `yon? Sino `yong lalaking naghatid sa `yo? Boyfriend mo ba `yon?” Biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Paano nalaman ng Papa niya ang paghatid sa kanya ni Oliver? Sumilip kaya ito sa bintana? “Pa, mabuting tao po si-.” “Hi
MALAKI ang ibinabayad sa kanila sa bawat misyon. At simula nang magkaroon na ang anak ng mga sarili nitong kita, hindi niya iyon pinapakialaman. Kaya naman madali lang para sa anak ang makakuha ng isang condominium unit. Ganoon pa man, hindi mapigilan ni Agatha na huwag magduda sa biglaang pagbili ni Oliver ng condo nang hindi man lang nagsasabi sa kanila. May nararamdaman siyang hindi tama tungkol doon. Nang araw na `yon, gabi pa ang misyon ni Agatha. Kaya naman ginamit niya ang pagkakataong `yon para masilip ang condo ng anak. Gusto lang niyang masiguro na wala itong ginagawang hindi niya magugustuhan. Mabuti na lang at kilala niya ang nagmamay-ari ng building. Naging madali lang para sa kanya ang makakuha ng spare key. Sa pagpasok niya sa unit ni Oliver, mukhang wala naman nakakapagduda doon. Mga gamit lang ng anak ang nasa kwarto. Malamang gusto lang talaga nito magkaroon ng sariling space. Paalis na siya nang makarinig ng katok. Could it be her son? Pero ang alam niya, nasa is
NANG makarating si Oliver sa apartment niya, may nadatnan siyang paper bag at isang box sa labas ng pinto pero wala na doon si Serenity. Malamang ay hindi pa nito kayang sagutin ang tanong niya kaya naisipan nitong umalis na lang. Pero kung umayaw man ito, hindi rin naman niya pipilitin si Serenity. Kahit ba mahal nila ang isa’t-isa, alam niyang mahirap kay Serenity ang mag-desisyon. Syimpre, nag-aaral pa sila. Hindi rin nito alam na kaya na niya itong buhayin sa laki ng pera na meron siya. “Sir. Andito na pala kayo. Sayang, kaaalis lang ni Mam.” Napatingin siya sa lalaking nakipag-usap sa kanya. Kapag may nakakasalubong siyang staff, minumukhaan niya at binabasa ang nameplate. Kaya naman agad niyang nakilala si Romeo. At mukhang kilala na rin ito ni Serenity. “Sayang. Dinalhan pa naman kayo ni Mam ng cake at pagkain. Saan ba kasi kayo galing, Sir?” Tahimik lang siya pero hindi niya ata nagugustuhan ang pakikialam nito. At mukhang ayaw pa talaga nitong tumigil. “Sa susunod, Sir,
MATAPOS niyang maipadala ang message na iyon kay Serenity, pinatay na niya ang kanyang cellphone. Papalitan na rin niya iyon ng bagong simcard para tuluyan nang maputol ang ugnayan nila. Masakit man para kay Oliver ang pakikipaghiwalay kay Serenity, iyon ang naisip niyang pinakamabuting gawin sa lahat ng nangyayari. Mapapahamak lang ito kapag pinahaba pa nila ang kanilang relasyon. Gustong umiyak ni Oliver nang malaman na wala na nga ang Mama niya. Pero ni isang patak, walang tumulo mula sa kanyang mga mata. Puno ng galit ang puso niya. Gusto niyang maghiganti sa may kagagawan no’n sa kanyang ina at sa iba pang mga kasamahan. At maliban sa galit, ramdam din niya ang guilt. Guilt dahil sa huling hininga ng ina, dala-dala nito ang galit sa kanya dahil sinuway niya ito. Ayaw man niyang isipin pero sa galing ng Mama niya, paano kung naging dahilan iyon kaya hindi ito nakapag-concentrate at namatay? Hindi pa man naiuuwi sa HQ ang bangkay ng ina, naitawag na sa kanila ang nangyari. At ko
AFTER TWO YEARS... “SORRY kung ito lang ang regalo ko sa birthday mo. Nag-iipon kasi ako,” ani Serenity sa kapatid habang hawak ang cake na siya mismo ang may gawa.” “Sapat na sa `kin `to, Ate. Maraming salamat,” hinipan na ng kapatid ang kandila. “Thank you uli, Ate.” “Walang ano man para sa gwapo kong kapatid.” Tumingin sa paligid ang kapatid. Mukhang alam na niya ang hinahanap nito. “Hindi pa siya dumarating. Malay mo, may surprise din siya sa `yo.” “I doubt. Mula nang mawala si Papa, nakalimutan na niya ang maraming bagay. Nakalimutan na nga ata niya na nandito pa tayo.” Dalawang taon na mula nang dumating sila sa Singapore. Ganoon na rin katagal mula nang isubsob ng ina ang sarili sa trabaho. Madalas, wala ito sa bahay. Minsan nga feeling nila hindi lang ama ang nawala sa kanila. Hindi tuloy niya maiwasang isipin na may inililihim nga sa kanila ang ina. May hindi tama sa mga nangyayari. Ano nga kaya kung may itinatago sa kanya ang ina? Matapos nilang kumain, naghugas na s
“HE’S Bullet Do, bago nating miyembro. Anak siya ni Russell,” wika ng ama. “Bullet, meet my son, Oliver Kim,” turo nito sa kanya. Tumingin sa kanya si Bullet. Tumango ito at ganoon rin ang naging tugon niya dito. Ipinakilala rin ng ama dito si Kristoff at Marigold. Ang totoo niyan ay matagal na niyang kilala si Bullet. Madalas kasing ipagyabang ni Sir Russell sa kanila ang galing nito. Kahit eighteen pa lang ito, tulad ng ama, eksperto na ito pagdating sa paggawa ng mga bomba, mga armas at iba pang inventions na maari nilang magamit sa kanilang mga misyon. Minsan nga ay may dinala si Sir Russell na parang mga simpleng candies lang pero kapag ihinahagis, sumasabog pala. At ayon dito, si Bullet ang may gawa no’n. Ganoon ito ka genius. “Siya nga pala. Akala ko ba darating din ngayon ang kapatid mo?” ani Kristoff kay Marigold.“Iyon ang sabi niya sa `kin. Baka may dinaanan lang.”“O baka naman nagbago na ang isip? Baka natakot na.”“Kung nagbago man ang isip niya, hindi ako ma
KAHIT madilim, hindi nakaramdam ng takot si Serenity nang makapasok na siya sa bahay. Ni hindi siya nagbukas ng kandila. Ayaw niya kasing makuha ang atensiyon ng ibang tao. Baka akalain pa na may multo sa bahay nila. Sapat na rin sa kanya ang ilaw sa poste at ng buwanKahit maalikabok, naupo siya sa paborito niyang upuan sa hapag kainan. Napahinga siya nang malalim. Akala niya si Oliver na ang tinutukoy ni Aling Tasing pero mukhang mali siya. Tingin daw kasi nito, kaedad ng Papa niya ang dalawang lalaki na nagpupunta doon. Kahit ba curious siya kung sino ang mga iyon, lamang pa rin ang lungkot niya dahil kahit minsan, hindi man lang nagtungo doon si Oliver. Mukhang naka-move on na talaga ito habang hindi pa rin ito mawala sa isip niya. “Nakakainis!” aniya sabay hagis ng nahawakan niyang picture frame sa sahig. “Ano bang problema mo, Serenity? Bakit ba sinasayang mo ang luha mo sa isang lalaking hindi ka naman panindigan? Tama na `yang kabaliwan mo. It’s been two years. Mag-
RAMDAM ni Oliver ang sakit ng kanyang panga nang imulat ang kanyang mga mata. Napatingin siya sa paligid at na-realize niyang nasa loob siya ng kanyang kwarto. Ilang segundo rin siyang napaisip kung anong nangyari hanggang sa maalala niya ang ginawang pagsipa sa kanya ni Serenity. “Gising ka na pala,” wika ni Kristoff nang pumasok ito ng kanyang kwarto. “Ano, masakit pa ba? Nag-alala pa naman ako kay Serenity tapos ikaw pala ang madadatnan kong walang malay sa sahig,” halata sa boses ng pinsan na nang-aasar ito. Naupo siya sa kama. “She cheated. Sinugod niya `ko nang biglaan.” “Bakit, kapag may mga misyon tayo biglaan lang din naman tayong sinusugod ng mga kalaban pero nagagawa natin mag-counterattack. Ang sabihin mo, masyado mong minaliit ang kakayanan ni Serenity.” Hindi siya nakaimik. “Paano na `yan? Hindi mo napaalis si Serenity tapos napahiya ka pa. Alam na kaya ng lahat ang nangyari.” Hindi dahil napatumba siya ni Serenity ay mahina na siya. Marami na din siyang napatunayan
PUMAYAG si Serenity na sumama kay Dr. Kim magtungo sa HQ ng Merciless. Medyo natakot pa nga siya dahil halos wala na silang nadadaanan na kabahayan habang nagdra-drive ito. Pumasok na nga rin sa utak niya na tumalon ng sasakyan. Sa huli, nakarating pa rin naman siya nang buhay at ligtas sa headquarters. At doon, isang tao ang hindi niya inaasahan na muling makita. Si Oliver.Kaya pala ganoon na lang kagaling si Oliver makipaglaban nang iligtas siya nito. Miyembro pala ito ng Merciless. Maging ang kaibigan nito na bigla rin nawala sa University ay miyembro rin pala ng grupo. Pero ang nakakainis, kung umasta ang mga ito ay para bang hindi man lang sila magkakakilala. “Serenity, let me introduce to you my son, Oliver Kim. Siya na muna ang bahala sa iyo. Oliver, maari mo bang i-tour si Serenity sa HQ? Kakausapin ko lang sandali si Brylle.”Hindi ito humindi pero hindi rin ito nagsalita. At nang sila na lang dalawa ang naiwan, sa halip na kamustahin ay para bang pinapaalis na siya
“AKALA ko ay mahihirapan akong ipaliwanag sa iyo ang Merciless. Pero mukhang may ideya ka na pala sa grupo namin,” wika ni Dr. Kim.Hindi siya nagkamali. Miyembro nga ng Merciless ang kanyang ama. “Sa panahon ngayon, sino ba naman ang hindi nakakakilala sa Merciless,” aniya. Kahit nga mga bata ay bukambibig ang Merciless. Sa katunayan, marami sa mga kabataan ngayon ang humahanga sa grupo. At sa totoo lang, isa siya sa humahanga sa mga ito. Minsan mas matinik pa kasi ang mga ito kaysa sa mga pulis na makahuli ng mga druglord at leader ng mga sindikato. Pero sa totoo lang, habang nakatingin siya kay Dr. Kim, hindi niya maisip na miyembro ito ng ganoong grupo. Napakaamo kasi ng mukha nito. “Ang gusto kong malaman ay kung paano napabilang sa grupo niyo ang Papa ko, at kung ano nga ba ang nangyari sa kanya.”“Isa ang iyong ama sa mga pinakaunang miyembro ng Merciless. Hindi pa man niya nakikilala ang iyong ina ay kasapi na siya ng grupo.”Kaya naman pala ganoon na lang ang pagma