“FEELING better?” tanong sa kanya ni Oliver nang maging kalmado na siya. “What happened? If you want, we can talk about it.”
Kahit ba magaan ang loob niya kay Oliver, hindi pa siya handang ibahagi dito ang mga drama sa buhay ng pamilya niya. Bilin din kasi iyon sa kanya ng ama. As much as possible, gusto nitong maging pribado ang lahat ng pangyayari sa buhay nila.“Wala. Medyo nagkatampuhan lang ang parents ko pero okay lang sila. Hindi ko lang maiwasan na hindi maapektuhan. Siya nga pala,” humiwalay na siya sa pagkakayakap kay Oliver. “Hindi ba’t may sakit ang Dad mo? Ayos na ba siya?”“He’s better now,” maikli nitong sagot.Mukhang tulad niya, hindi rin ito iyong klase ng tao na makuwento tungkol sa pamilya, at ayos lang naman iyon sa kanya. Hindi iyon big deal sa kanya. Ang importante, ayos lang ang dad nito.Ngayong malapit sila sa isa’t-isa at nakatingin siya sa mukha nito, pansin niya na tulad niya, mukhang wala pa rin tulog si Oliver. Kahit ba gwapo pa rin ito, mukhang pagod ito. Malamang buong araw itong nagbantay sa Dad nito.“Ayos lang ba na nandito ka? Baka hinahanap ka na sa inyo.”“It’s okay. I can still stay with you a bit longer. Baka kasi kailanganin mo uli ang yakap ko.”Nagulat siya nang bigla nitong hawakan ang kamay niya. Napatingin tuloy siya sa bahay nila. Baka kasi nakatanaw pala sa kanila ang Mama niya. Nakahinga siya nang maluwang nang mapansing patay na ang ilaw sa kwarto nito. Malamang ay nakahiga at nagpapahinga na ang Mama niya. Pero hindi pa rin siya dapat mapanatag. Paano na lang kung biglang bumalik ang Papa niya? Mas lagot siya kapag nakita nitong may kausap siyang lalaki at kasing gwapo ni Oliver. Siguradong hindi nito iisipin na kaibigan lang niya si Oliver lalo't magka-holding hands pa sila.“A-ano, okay na `ko. Maraming salamat. Sige na, mukhang pagod ka na rin. Bukas na lang ulit tayo mag-usap.”Sandali itong natahimik. Akala niya magmamatigas pa ito pero mabuti na lang at nakinig ito sa kanya.“Okay. See you tomorrow. Remember, may utang ka pa rin na yakap sa `kin.”Napangiti siya. “Sabihin mo lang kung kailan mo kailangan ang yakap ko. Ibibigay ko agad sa `yo.”“Sinabi mo `yan. How about you? Sigurado ka bang hindi mo na kailangan ang yakap ko?”Umiling siya. “Hindi na. Thank you. Sasabihan na lang din kita kung kakailanganin ko ulit ang yakap mo. Sige na. Ingat ka sa pag-uwi. Goodnight.”“Goodnight.”Nang bitawan ni Oliver ang kamay niya, saka lang niya namalayan na magkahawak kamay pa rin pala sila. Kung hindi pa ito nagpaalam, hindi niya mamamalayan. At kaaalis pa lang nito, mukhang miss na niya agad si Oliver.“Kung bakit kasi pinaalis mo agad,” aniya sa sarili.Pero ayaw din naman niyang maging selfish. Alam niyang kailangan nito ng pahinga. Siya din. Kaso, mukhang hindi ulit ata siya makakatulog sa gabing `yon. Pero aaminin niya, kahit sandali lang ito, nakatulong ng malaki ang pagdating nito. Kahit papaano ay gumaan ang loob niya. Sana ganoon rin ang naging epekto niya dito sa pagkikita nila.Nawala sa loob niyang itanong kanina pero paano nga kaya nalaman ni Oliver ang address nila? Kahit nga si Maricris na naging kaibigan niya, never pa niyang naisama sa bahay.“WHERE have you been? Mukhang importante ang naging lakad mo at tumawag ka pa talaga kay Sir Lendon para humingi ng tulong,” ani Kristoff nang makarating siya sa headquarters. Mukhang inabangan talaga siya nito para lang itanong `yon.“Bakit, ipinagsabi niya?” nakakunot-noo niyang tanong. Hindi naman kasi ganoon ang pagkakakilala niya kay Sir Lendon. Saka hiniling pa nga niya dito na huwag iyon ipagsabi kahit kanino.“Hindi. Nagkataon lang na narinig ko ang usapan niyo. Pero hindi naman lahat. So,” inakbayan siya nito sa balikat. “Why did you ask for that woman’s address, huh? From what I remember, inayawan mo `yong gift niya sa `yo na chocolates. Tapos ngayon, malalaman ko na lang na pinupuntahan mo na siya. Mukhang hindi na yata ako updated sa lovelife mo.”Napatingin siya sa paligid. “Shut up, Kristoff. Baka marinig ka ni Mama.”“Oh, right. Siguradong hindi ka titigilan ni Ms. Kim kapag nalaman niya na may nililigawan ka,” pabulong nitong sabi. “Sabihin mo na kasi. Ano bang real score niyo ni Ms. Oh? Promise, hindi ko ipagkakalat.”Kung hindi niya sasagot, siguradong mangungulit lang din si Kristoff. He knows his cousin too well.Huminga siya nang malalim. “We’re just friends.”Itinulak siya ni Kristoff. “Come on, Oliver.”“What? Nagsasabi ako ng totoo. Sige na, pupuntahan ko muna si Dad,” iniwan na niya ang pinsan.Iyon naman talaga kasi ang totoo. Magkaibigan lang sila ni Serenity.For now.“How are you, Dad?” aniya nang makitang gising ang ama at nakasandal sa unan at headboard.Nginitian siya ng ama. “Luckily, still alive, son.”Maputla pa rin ito at halatang nanghihina pero mukhang mas ayos na ang kondisyon nito kumpara kahapon.“Where’s Mom? Bakit mag-isa lang kayo dito?”“Hindi na ako bata para bantayan pa ng Mama mo. Isa pa, alam mo naman kung gaano iyon ka-dedicated sa trabaho niya. Wala na nga yatang makakatalo do'n pagdating sa bagay na `yon."Kahit ba parang ayos lang sa ama na wala doon ang Mama niya, malamang deep inside, disappointed ito. Iyon kasi ang nararamdaman niya nang oras na `yon. Pati ba naman sa ganoong sitwasyon ibang tao pa rin ang iniisip ng Mama niya? Alam niya na sa bawat misyon nila, maraming tao ang naiiligtas nila sa kapahamakan. Ganoon pa man, hindi naman siguro kalabisan na paminsan-minsan, unahin nila ang mga taong mahalaga sa kanila.“Dad. I’m just curious. Kahit minsan ba hindi kayo nagsisi na sumali kayo sa grupo?”“Iyong totoo? Syimpre naman. Hindi madaling maging miyembro ng Merciless. Sa katunayan, ilang beses kong naisipan na tumiwalag. Pero maliban sa kamatayan lang ang makakapagpatiwalag sa `tin sa grupo, hindi ko rin talaga kayang iwan ang Mama mo. Kaya heto, nandito pa rin ako. Bakit mo nga pala biglang naitanong `yan? Ayaw mo na ba?”Hindi siya agad nakapagsalita. “Nothing, Dad. Na-curious lang talaga `ko. Sige na, magpahinga na kayo para mas mapabilis ang paggaling niyo.”Sa simula naman kasi, ayaw na talaga niyang maging bahagi ng Merciless. Minsan nga naiinggit siya sa kapatid. Kung naging sakitin lang din sana siya, baka wala siya sa sitwasyon niya ngayon. Pero kung nangyari naman `yon, baka hindi rin niya nakilala si Serenity.“How did it go? Did you see her?”Nagulat siya nang may kumausap sa kanya habang patungo siya sa kanyang silid. Si Sir Lendon pala.“Yes, Sir. Salamat sa tulong niyo.”Ngumiti ito. “It’s nothing. I’ve been in love before as well. Mahirap talagang pigilan ang bugso ng damdamin. But be careful. If your mom finds that out, I’m sure it’s gonna be a big trouble,” tinapik siya nito sa balikat. “Goodnight, young man.”“Good night, Sir.”Maliban sa ama, ito lang yata ang kaisa-isang senior member na hindi istrikto sa kanila. Kasundo nga ito ng lahat. Kahit ba ka-edad na ito ng Mama niya, ka-vibes pa rin ng mga bagong miyembro. Madalas din kasi itong magpatawa. Sa pagkakakilala niya kay Sir Lendon, mukhang hindi naman siya nito ibubuko sa Mama niya.“PURE Filipina ang Mama ko. Ang Papa ko naman, pure Korean. Pero dito na siya sa Pilipinas lumaki. Ikaw ba?” tanong ni Serenity kay Oliver habang nasa rooftop sila ng University. Lunch break nila at doon nila naisipan mananghalian. Mabuti na lang at nagkataon na makulimlim ang langit. Hindi sila nababad sa init. “My father is half-Filipino- half-Korean. Ang Mama ko naman pure Korean pero dito na rin siya lumaki. Mas may alam pa nga na Korean ang Dad ko kaysa kay Mama.” “Pareho pala sila ng Papa ko. Hindi na rin natuto mag-Korean.” Unti-unti, nagagawa na nilang mag-share ng tungkol sa kanilang pamilya. Pero napansin niya na kung ano lang ang sinasabi niya, iyon lang din ang mga bagay na binabanggit ni Oliver tungkol sa pamilya nito. “Kamusta na pala ang Dad mo?” “He’s okay. Magaling na siya.” Tumangu-tango siya. “Mabuti naman kung gano’n.” “Ang parents mo, nagkabati na ba?” “Hindi pa umuuwi si Papa pero tingin ko naman ay okay na sila.” Tulad ng pangako ng kanyang ama, araw-ar
“MAY nangyari bang maganda sa rooftop at maaliwalas `yang mukha mo?” ani Kristoff nang pumasok si Oliver sa afternoon class nila. Sana nga hindi na lang siya pumasok. Wala pala ang professor nila. Gustong sumabay ni Kristoff sa kanya mananghalian kanina, at hindi siya nito tinantanan hangga’t hindi niya sinasabi kung saan siya papunta. Kaya naman napilitan na lang siyang banggitin dito ang lunchdate nila ni Serenity. Mabilis siyang umiwas ng tingin sa pinsan. “Hindi ko alam ang pinagsasasabi mo.” “Come on, Oliver. Kilala na kita. Hindi man malawak `yang ngiti mo, alam kong masaya ka. Kayo na ba ni Serenity?” Huminga siya nang malalim. “Fine. She’s my girlfriend,” pag-amin niya. Alam din naman kasi niyang wala siyang maililihim kay Kristoff. “Wow, congratulations. Mukhang tulad mo, inlove na inlove din si Serenity sa `yo. Imagine, sinagot ka na niya agad? Pero sana naman pumili ka ng mas magandang venue. Tapos ni wala ka man lang ata dalang flowers or chocolates.” Hindi naman kasi
“INGAT sa pag-uwi,” ani Serenity nang makarating na sila sa tapat ng bahay nila. Gaya ng mga nakaraang araw, inihatid siya ni Oliver pauwi. Pababa na siya ng sasakyan nang may maalala. “Siya nga pala. May lakad ka ba bukas?” “Wala naman. Bakit?” “Wala lang,” nginitian niya ito. “Naitanong ko lang. Sige, mauna na `ko. Bye,” hinalikan niya ito sa pisngi at mabilis nang lumabas ng sasakyan. Hindi na siya lumingon dito at mabilis nang pumasok ng gate. Nakangiti siya habang patungo sa pinto. Kailangan na niyang mag-bake ng cookies. Mukhang matutuloy ang celebration nila bukas. Sa pagbukas niya ng pinto, nawala ang ngiti niya nang ang ama ang sumalubong sa kanya. Mukhang kararating pa lang nito at napakaseryoso ng mukha. “P-Pa. N-nakauwi na po pala kayo.” “Sino `yon? Sino `yong lalaking naghatid sa `yo? Boyfriend mo ba `yon?” Biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Paano nalaman ng Papa niya ang paghatid sa kanya ni Oliver? Sumilip kaya ito sa bintana? “Pa, mabuting tao po si-.” “Hi
MALAKI ang ibinabayad sa kanila sa bawat misyon. At simula nang magkaroon na ang anak ng mga sarili nitong kita, hindi niya iyon pinapakialaman. Kaya naman madali lang para sa anak ang makakuha ng isang condominium unit. Ganoon pa man, hindi mapigilan ni Agatha na huwag magduda sa biglaang pagbili ni Oliver ng condo nang hindi man lang nagsasabi sa kanila. May nararamdaman siyang hindi tama tungkol doon. Nang araw na `yon, gabi pa ang misyon ni Agatha. Kaya naman ginamit niya ang pagkakataong `yon para masilip ang condo ng anak. Gusto lang niyang masiguro na wala itong ginagawang hindi niya magugustuhan. Mabuti na lang at kilala niya ang nagmamay-ari ng building. Naging madali lang para sa kanya ang makakuha ng spare key. Sa pagpasok niya sa unit ni Oliver, mukhang wala naman nakakapagduda doon. Mga gamit lang ng anak ang nasa kwarto. Malamang gusto lang talaga nito magkaroon ng sariling space. Paalis na siya nang makarinig ng katok. Could it be her son? Pero ang alam niya, nasa is
NANG makarating si Oliver sa apartment niya, may nadatnan siyang paper bag at isang box sa labas ng pinto pero wala na doon si Serenity. Malamang ay hindi pa nito kayang sagutin ang tanong niya kaya naisipan nitong umalis na lang. Pero kung umayaw man ito, hindi rin naman niya pipilitin si Serenity. Kahit ba mahal nila ang isa’t-isa, alam niyang mahirap kay Serenity ang mag-desisyon. Syimpre, nag-aaral pa sila. Hindi rin nito alam na kaya na niya itong buhayin sa laki ng pera na meron siya. “Sir. Andito na pala kayo. Sayang, kaaalis lang ni Mam.” Napatingin siya sa lalaking nakipag-usap sa kanya. Kapag may nakakasalubong siyang staff, minumukhaan niya at binabasa ang nameplate. Kaya naman agad niyang nakilala si Romeo. At mukhang kilala na rin ito ni Serenity. “Sayang. Dinalhan pa naman kayo ni Mam ng cake at pagkain. Saan ba kasi kayo galing, Sir?” Tahimik lang siya pero hindi niya ata nagugustuhan ang pakikialam nito. At mukhang ayaw pa talaga nitong tumigil. “Sa susunod, Sir,
MATAPOS niyang maipadala ang message na iyon kay Serenity, pinatay na niya ang kanyang cellphone. Papalitan na rin niya iyon ng bagong simcard para tuluyan nang maputol ang ugnayan nila. Masakit man para kay Oliver ang pakikipaghiwalay kay Serenity, iyon ang naisip niyang pinakamabuting gawin sa lahat ng nangyayari. Mapapahamak lang ito kapag pinahaba pa nila ang kanilang relasyon. Gustong umiyak ni Oliver nang malaman na wala na nga ang Mama niya. Pero ni isang patak, walang tumulo mula sa kanyang mga mata. Puno ng galit ang puso niya. Gusto niyang maghiganti sa may kagagawan no’n sa kanyang ina at sa iba pang mga kasamahan. At maliban sa galit, ramdam din niya ang guilt. Guilt dahil sa huling hininga ng ina, dala-dala nito ang galit sa kanya dahil sinuway niya ito. Ayaw man niyang isipin pero sa galing ng Mama niya, paano kung naging dahilan iyon kaya hindi ito nakapag-concentrate at namatay? Hindi pa man naiuuwi sa HQ ang bangkay ng ina, naitawag na sa kanila ang nangyari. At ko
AFTER TWO YEARS... “SORRY kung ito lang ang regalo ko sa birthday mo. Nag-iipon kasi ako,” ani Serenity sa kapatid habang hawak ang cake na siya mismo ang may gawa.” “Sapat na sa `kin `to, Ate. Maraming salamat,” hinipan na ng kapatid ang kandila. “Thank you uli, Ate.” “Walang ano man para sa gwapo kong kapatid.” Tumingin sa paligid ang kapatid. Mukhang alam na niya ang hinahanap nito. “Hindi pa siya dumarating. Malay mo, may surprise din siya sa `yo.” “I doubt. Mula nang mawala si Papa, nakalimutan na niya ang maraming bagay. Nakalimutan na nga ata niya na nandito pa tayo.” Dalawang taon na mula nang dumating sila sa Singapore. Ganoon na rin katagal mula nang isubsob ng ina ang sarili sa trabaho. Madalas, wala ito sa bahay. Minsan nga feeling nila hindi lang ama ang nawala sa kanila. Hindi tuloy niya maiwasang isipin na may inililihim nga sa kanila ang ina. May hindi tama sa mga nangyayari. Ano nga kaya kung may itinatago sa kanya ang ina? Matapos nilang kumain, naghugas na s
“HE’S Bullet Do, bago nating miyembro. Anak siya ni Russell,” wika ng ama. “Bullet, meet my son, Oliver Kim,” turo nito sa kanya. Tumingin sa kanya si Bullet. Tumango ito at ganoon rin ang naging tugon niya dito. Ipinakilala rin ng ama dito si Kristoff at Marigold. Ang totoo niyan ay matagal na niyang kilala si Bullet. Madalas kasing ipagyabang ni Sir Russell sa kanila ang galing nito. Kahit eighteen pa lang ito, tulad ng ama, eksperto na ito pagdating sa paggawa ng mga bomba, mga armas at iba pang inventions na maari nilang magamit sa kanilang mga misyon. Minsan nga ay may dinala si Sir Russell na parang mga simpleng candies lang pero kapag ihinahagis, sumasabog pala. At ayon dito, si Bullet ang may gawa no’n. Ganoon ito ka genius. “Siya nga pala. Akala ko ba darating din ngayon ang kapatid mo?” ani Kristoff kay Marigold.“Iyon ang sabi niya sa `kin. Baka may dinaanan lang.”“O baka naman nagbago na ang isip? Baka natakot na.”“Kung nagbago man ang isip niya, hindi ako ma
RAMDAM ni Oliver ang sakit ng kanyang panga nang imulat ang kanyang mga mata. Napatingin siya sa paligid at na-realize niyang nasa loob siya ng kanyang kwarto. Ilang segundo rin siyang napaisip kung anong nangyari hanggang sa maalala niya ang ginawang pagsipa sa kanya ni Serenity. “Gising ka na pala,” wika ni Kristoff nang pumasok ito ng kanyang kwarto. “Ano, masakit pa ba? Nag-alala pa naman ako kay Serenity tapos ikaw pala ang madadatnan kong walang malay sa sahig,” halata sa boses ng pinsan na nang-aasar ito. Naupo siya sa kama. “She cheated. Sinugod niya `ko nang biglaan.” “Bakit, kapag may mga misyon tayo biglaan lang din naman tayong sinusugod ng mga kalaban pero nagagawa natin mag-counterattack. Ang sabihin mo, masyado mong minaliit ang kakayanan ni Serenity.” Hindi siya nakaimik. “Paano na `yan? Hindi mo napaalis si Serenity tapos napahiya ka pa. Alam na kaya ng lahat ang nangyari.” Hindi dahil napatumba siya ni Serenity ay mahina na siya. Marami na din siyang napatunayan
PUMAYAG si Serenity na sumama kay Dr. Kim magtungo sa HQ ng Merciless. Medyo natakot pa nga siya dahil halos wala na silang nadadaanan na kabahayan habang nagdra-drive ito. Pumasok na nga rin sa utak niya na tumalon ng sasakyan. Sa huli, nakarating pa rin naman siya nang buhay at ligtas sa headquarters. At doon, isang tao ang hindi niya inaasahan na muling makita. Si Oliver.Kaya pala ganoon na lang kagaling si Oliver makipaglaban nang iligtas siya nito. Miyembro pala ito ng Merciless. Maging ang kaibigan nito na bigla rin nawala sa University ay miyembro rin pala ng grupo. Pero ang nakakainis, kung umasta ang mga ito ay para bang hindi man lang sila magkakakilala. “Serenity, let me introduce to you my son, Oliver Kim. Siya na muna ang bahala sa iyo. Oliver, maari mo bang i-tour si Serenity sa HQ? Kakausapin ko lang sandali si Brylle.”Hindi ito humindi pero hindi rin ito nagsalita. At nang sila na lang dalawa ang naiwan, sa halip na kamustahin ay para bang pinapaalis na siya
“AKALA ko ay mahihirapan akong ipaliwanag sa iyo ang Merciless. Pero mukhang may ideya ka na pala sa grupo namin,” wika ni Dr. Kim.Hindi siya nagkamali. Miyembro nga ng Merciless ang kanyang ama. “Sa panahon ngayon, sino ba naman ang hindi nakakakilala sa Merciless,” aniya. Kahit nga mga bata ay bukambibig ang Merciless. Sa katunayan, marami sa mga kabataan ngayon ang humahanga sa grupo. At sa totoo lang, isa siya sa humahanga sa mga ito. Minsan mas matinik pa kasi ang mga ito kaysa sa mga pulis na makahuli ng mga druglord at leader ng mga sindikato. Pero sa totoo lang, habang nakatingin siya kay Dr. Kim, hindi niya maisip na miyembro ito ng ganoong grupo. Napakaamo kasi ng mukha nito. “Ang gusto kong malaman ay kung paano napabilang sa grupo niyo ang Papa ko, at kung ano nga ba ang nangyari sa kanya.”“Isa ang iyong ama sa mga pinakaunang miyembro ng Merciless. Hindi pa man niya nakikilala ang iyong ina ay kasapi na siya ng grupo.”Kaya naman pala ganoon na lang ang pagma
KAHIT madilim, hindi nakaramdam ng takot si Serenity nang makapasok na siya sa bahay. Ni hindi siya nagbukas ng kandila. Ayaw niya kasing makuha ang atensiyon ng ibang tao. Baka akalain pa na may multo sa bahay nila. Sapat na rin sa kanya ang ilaw sa poste at ng buwanKahit maalikabok, naupo siya sa paborito niyang upuan sa hapag kainan. Napahinga siya nang malalim. Akala niya si Oliver na ang tinutukoy ni Aling Tasing pero mukhang mali siya. Tingin daw kasi nito, kaedad ng Papa niya ang dalawang lalaki na nagpupunta doon. Kahit ba curious siya kung sino ang mga iyon, lamang pa rin ang lungkot niya dahil kahit minsan, hindi man lang nagtungo doon si Oliver. Mukhang naka-move on na talaga ito habang hindi pa rin ito mawala sa isip niya. “Nakakainis!” aniya sabay hagis ng nahawakan niyang picture frame sa sahig. “Ano bang problema mo, Serenity? Bakit ba sinasayang mo ang luha mo sa isang lalaking hindi ka naman panindigan? Tama na `yang kabaliwan mo. It’s been two years. Mag-