MALAKI ang ibinabayad sa kanila sa bawat misyon. At simula nang magkaroon na ang anak ng mga sarili nitong kita, hindi niya iyon pinapakialaman. Kaya naman madali lang para sa anak ang makakuha ng isang condominium unit.
Ganoon pa man, hindi mapigilan ni Agatha na huwag magduda sa biglaang pagbili ni Oliver ng condo nang hindi man lang nagsasabi sa kanila. May nararamdaman siyang hindi tama tungkol doon.Nang araw na `yon, gabi pa ang misyon ni Agatha. Kaya naman ginamit niya ang pagkakataong `yon para masilip ang condo ng anak. Gusto lang niyang masiguro na wala itong ginagawang hindi niya magugustuhan.Mabuti na lang at kilala niya ang nagmamay-ari ng building. Naging madali lang para sa kanya ang makakuha ng spare key. Sa pagpasok niya sa unit ni Oliver, mukhang wala naman nakakapagduda doon. Mga gamit lang ng anak ang nasa kwarto. Malamang gusto lang talaga nito magkaroon ng sariling space.Paalis na siya nang makarinig ng katok. Could it be her son? Pero ang alam niya, nasa isang misyon ito. Baka staff ng hotel. Sa pagbukas niya ng pinto, nagulat siya nang makita ang isang babae na may hawak na cake at ilang paper bag. Ang mas nakapagpagulat pa sa kanya ay nang ipakilala nito ang sarili bilang girlfriend ni Oliver. Ito na nga ba ang inaalala niya.May usapan sila ng anak. Hindi ito maaaring magkaroon ng kasintahan dahil magiging hadlang lang ito para sa pangarap niya para kay Oliver. Magalit na si Oliver sa kanyang gagawin pero hindi siya makakapayag na masira ang mga plano niya dahil lang sa babaeng ito.“I don’t know how long you’ve been together with my son but from now on, I want you to stay away from him. Do you understand?”Napakunot ang noo nito.“Sandali naman po. Ni hindi niyo pa nga po ako nakikilala. Hayaan niyo na po muna akong-.”“Look,” pinutol niya ang sinasabi nito. “Wala akong pakialam kung sino ka. Kahit anak ka pa ng pinakayamang tao sa Pilipinas, I don’t care. Ang gusto ko ay layuan mo ang anak ko. And I’m warning you. Kapag nalaman ko na bumalik ka pa dito, sisiguraduhin ko na pagsisisihan mo.”Hindi na niya hinantay pa na magsalita ito at mabilis nang umalis. Bago ang kanyang misyon, magkakaroon pa siya ng pagkakataon na makausap ang anak. Hindi na siya makakapaghintay ng bukas bago ito makausap tungkol sa girlfriend nito. At sisiguraduhin niyang hindi pa sumisikat ang araw kinabukasan ay maghihiwalay na ang dalawa.GUSTO sanang habulin ni Serenity ang Mama ni Oliver pero baka lalo lang itong ma-bad trip sa kanya.“Paano na `to?”Unang beses pa lang nilang pagkikita pero hindi na agad siya nito gusto. Malamang ganoon din ang magiging reaksiyon ng Papa niya kapag nakita nito si Oliver.Napabuntong-hininga siya.Bago pa lang ang relasyon nila ni Oliver pero parang nai-stress na siya. Simula pa lang kasi, marami na ang ang kontra. Bakit nga ba gano’n ang mga magulang? Mahirap ba sa kanila na maging masaya na lang para sa kanila? Sana kahit kaonti, pagkatiwalaan sila nito. Para naman hindi sila dumaan sa ganoong stage.Muli siyang kumatok sa unit ni Oliver. Nasaan na ba kasi ito? Akala ba niya nasa condo lang ito nang oras na `yon? Sinubukan niya itong tawagan pero hindi man lang ma-contact.“Nasaan ka na ba, Oliver?”“YOU promised me, Oliver. Wala kang ibang magiging priority kundi ang Merciless. Paano mo ako nagawang suwayin?”Iyon agad ang bungad sa kanya ng ina nang dumating ito sa headquarters. Sa lakas ng boses nito, lahat sila ay natigilan. Kararating lang kasi ng team niya galing sa misyon. Pero mabilis din naman umalis ang mga ito para bigyan sila ng privacy.“Ma. I don’t know what you’re talking about.”Kahit ba sanay na siya sa trabaho, may mga pagkakataon pa rin na kinakabahan siya. Pero mas kabado pa yata siya nang oras na iyon kaysa sa lahat ng naging misyon niya.“Akala mo ba hindi ko malalaman ang tungkol sa condo unit mo?”“Hindi naman bawal `yon sa grupo, hindi ba?”“Paano kung sabihin ko sa `yo na may nakita akong babae na naghihintay sa `yo sa unit mo? Hindi mo na maikakaila dahil siya mismo ang nagpakilala sa akin bilang girlfriend mo. Binabalaan kita, Oliver. Hiwalayan mo siya kung ayaw mong mapahamak ang babaeng `yon.”Ito na nga ba ang inaalala niya, na malaman ng ina na kumuha siya ng sariling tirahan. Sigurado kasing magtataka ito at mag-iimbistiga.Napasubo na rin siya nang magyaya si Serenity magtungo sa tinitirhan niya. Hindi rin naman niya ito pwedeng dalhin sa headquarters kaya kumuha na lang siya ng sarili niyang condo.Ang hindi niya inaasahan ay gano’n kabilis mahuhuli ng ina ang relasyon nila ni Serenity. Ano ba kasi ang ginagawa ni Serenity sa condo niya? Wala naman itong nabanggit na pupunta ito doon.“Natahimik ka. Hindi mo ba inaasahan na malalaman ko ang tungkol sa inyo? Hindi ako kahapon lang ipinanganak, Oliver. Kaya huwag mo akong minamaliit.”“Anong ginawa niyo kay Serenity?”“Wala pa. Pero hindi ko nasisiguro na wala pa rin mangyayari sa susunod na makita ko siya.”“Ma, gagawin ko pa rin naman ang ipinangako ko sa `yo. Hindi magiging hadlang si Serenity sa trabaho ko.”“Paano ka nakakasiguro? At gaano mo na ba kakilala ang babaeng `yon para ipagtanggol mo siya sa akin? Matagal mo na bang itinatago sa akin ang relasyon niyo?”“Ma, please, pagkatiwalaan niyo na lang po sana ako. Ipaubaya niyo na sa akin `to.”“Pagkatiwalaan? Bago ka pa nga lang nagsisimula bilang isang Merciless pero sinira mo na ang tiwala ko. Paano pa kung hahayaan kita sa gusto mo?“Marami ka pang pagdaraanan, Oliver. Alam mo rin kung gaano kadelikado ang trabaho natin. At sigurado ako, sa oras na malaman ng babaeng `yon kung ano ang trabaho mo, siguradong hindi rin siya mananatili sa buhay mo. Kaya habang maaga pa, alisin mo na sa buhay mo ang mga magiging sagabal lang para sa pangarap natin.”“Pangarap mo lang, Ma.”“Anong sabi mo?”Kahit minsan, hindi siya nagkaroon ng lakas na loob na sabihin sa ina ang totoong nararamdaman. Alam kasi niya na masasaktan ito. Pero nang oras na iyon, bigla siyang nagkaroon ng lakas ng loob.“Hindi ko pangarap ang maging leader ng grupo na `to, Ma. At kung may pagkakataon lang ako, gusto ko ng normal na buhay. Hindi ito ang mundong gusto ko para sa-,” natigilan siya nang sampalin ng ina.“Iyan na ba ang naidulot sa `yo ng babaeng `yon? Bago mo pa lang siya nakilala pero kaya mo na kaming talikuran?”“Walang kasalanan si Serenity sa kung ano man ang-.”“Enough.”“Kung hindi ko sasabihin sa inyo ang lahat ng-.”“I said enough! May misyon pa `ko. Kapag nalaman ko na hindi mo pa hinihiwalayan ang babaeng `yon sa pagbabalik ko, hindi ko alam kung anong magagawa ko sa kanya.”Tuluyan na siyang tinalikuran ng ina. Napabuntong hininga na lang si Oliver. Alam niya na kapag nakapag-desisyon na ang ina, hindi na nagbabago ang isip nito. Kaya sigurado siyang kahit kailan, hindi nito matatanggap si Serenity. Siguradong gagawin nito ang lahat mapaghiwalay lang silang dalawa.“EXCUSE ME. Ma’am, hindi pa rin ba bumabalik si Sir?”“Hindi pa nga, Romeo. Huwag kang mag-alala, kapag hindi pa rin siya nakabalik sa loob ng isang oras, uuwi na rin ako.”Kanina pa niya tinatawagan si Oliver pero hindi talaga ito sumasagot. Ayaw din naman niyang umuwi dahil baka nandoon ang Papa niya. Kaya nagtiis na lang siya na maghintay na lang muna sa labas ng unit ni Oliver. Mabuti na lang at mabait si Romeo, staff sa condo. Nang makita siya nito doon, binigyan pa siya ng upuan.Napatingin siya sa kanyang phone nang tumunog iyon. Agad niyang sinagot ang tawag nang makitang si Oliver ang tumatawag.“Hello, Oliver? Nasaan ka na ba? Kanina pa kita hinihintay. Nandito ako sa-.”“Let’s elope, Serenity.”Natigilan siya sa sinabi nito. Nagkamali lang ba siya ng dinig?“A-ano nga ulit ang sinabi mo?”“Ang sabi ko magtanan na tayo. Sasama ka ba sa `kin?”Hindi siya nakaimik. Nagkausap na kaya ito at ang Mama nito? Para masabi iyon ni Oliver, mukhang tutol talaga ito sa relasyon nila. Ganoon din naman ang Papa niya. Pero kailangan ba talagang humantong sila sa pagtatanan?Mabuti na lang at pumayag si Oliver na pag-isipan na muna niya iyon. Kaya lang kailangan daw niyang magbigay agad ng sagot sa oras na makarating na ito sa condo. Ano na ang gagawin niya?Napatingin siya sa kanyang cellphone nang muli iyong tumunog. Sa pagkakataong iyon, ang Mama na niya ang tumatawag. Nagdalawang-isip pa siyang sagutin pero sa huli, sinagot na rin niya.Nag-alala siya nang marinig na umiiyak ito.“Ma? Umiiyak ka ba? Anong nangyari?”“U-umuwi ka na anak. Kailangan nating umalis.”“Umalis? Bakit?”“Ang Papa mo.”Napatayo siya. “Anong nangyari kay Papa?”“W-wala na ang Papa mo, Serenity.”NANG makarating si Oliver sa apartment niya, may nadatnan siyang paper bag at isang box sa labas ng pinto pero wala na doon si Serenity. Malamang ay hindi pa nito kayang sagutin ang tanong niya kaya naisipan nitong umalis na lang. Pero kung umayaw man ito, hindi rin naman niya pipilitin si Serenity. Kahit ba mahal nila ang isa’t-isa, alam niyang mahirap kay Serenity ang mag-desisyon. Syimpre, nag-aaral pa sila. Hindi rin nito alam na kaya na niya itong buhayin sa laki ng pera na meron siya. “Sir. Andito na pala kayo. Sayang, kaaalis lang ni Mam.” Napatingin siya sa lalaking nakipag-usap sa kanya. Kapag may nakakasalubong siyang staff, minumukhaan niya at binabasa ang nameplate. Kaya naman agad niyang nakilala si Romeo. At mukhang kilala na rin ito ni Serenity. “Sayang. Dinalhan pa naman kayo ni Mam ng cake at pagkain. Saan ba kasi kayo galing, Sir?” Tahimik lang siya pero hindi niya ata nagugustuhan ang pakikialam nito. At mukhang ayaw pa talaga nitong tumigil. “Sa susunod, Sir,
MATAPOS niyang maipadala ang message na iyon kay Serenity, pinatay na niya ang kanyang cellphone. Papalitan na rin niya iyon ng bagong simcard para tuluyan nang maputol ang ugnayan nila. Masakit man para kay Oliver ang pakikipaghiwalay kay Serenity, iyon ang naisip niyang pinakamabuting gawin sa lahat ng nangyayari. Mapapahamak lang ito kapag pinahaba pa nila ang kanilang relasyon. Gustong umiyak ni Oliver nang malaman na wala na nga ang Mama niya. Pero ni isang patak, walang tumulo mula sa kanyang mga mata. Puno ng galit ang puso niya. Gusto niyang maghiganti sa may kagagawan no’n sa kanyang ina at sa iba pang mga kasamahan. At maliban sa galit, ramdam din niya ang guilt. Guilt dahil sa huling hininga ng ina, dala-dala nito ang galit sa kanya dahil sinuway niya ito. Ayaw man niyang isipin pero sa galing ng Mama niya, paano kung naging dahilan iyon kaya hindi ito nakapag-concentrate at namatay? Hindi pa man naiuuwi sa HQ ang bangkay ng ina, naitawag na sa kanila ang nangyari. At ko
AFTER TWO YEARS... “SORRY kung ito lang ang regalo ko sa birthday mo. Nag-iipon kasi ako,” ani Serenity sa kapatid habang hawak ang cake na siya mismo ang may gawa.” “Sapat na sa `kin `to, Ate. Maraming salamat,” hinipan na ng kapatid ang kandila. “Thank you uli, Ate.” “Walang ano man para sa gwapo kong kapatid.” Tumingin sa paligid ang kapatid. Mukhang alam na niya ang hinahanap nito. “Hindi pa siya dumarating. Malay mo, may surprise din siya sa `yo.” “I doubt. Mula nang mawala si Papa, nakalimutan na niya ang maraming bagay. Nakalimutan na nga ata niya na nandito pa tayo.” Dalawang taon na mula nang dumating sila sa Singapore. Ganoon na rin katagal mula nang isubsob ng ina ang sarili sa trabaho. Madalas, wala ito sa bahay. Minsan nga feeling nila hindi lang ama ang nawala sa kanila. Hindi tuloy niya maiwasang isipin na may inililihim nga sa kanila ang ina. May hindi tama sa mga nangyayari. Ano nga kaya kung may itinatago sa kanya ang ina? Matapos nilang kumain, naghugas na s
“HE’S Bullet Do, bago nating miyembro. Anak siya ni Russell,” wika ng ama. “Bullet, meet my son, Oliver Kim,” turo nito sa kanya. Tumingin sa kanya si Bullet. Tumango ito at ganoon rin ang naging tugon niya dito. Ipinakilala rin ng ama dito si Kristoff at Marigold. Ang totoo niyan ay matagal na niyang kilala si Bullet. Madalas kasing ipagyabang ni Sir Russell sa kanila ang galing nito. Kahit eighteen pa lang ito, tulad ng ama, eksperto na ito pagdating sa paggawa ng mga bomba, mga armas at iba pang inventions na maari nilang magamit sa kanilang mga misyon. Minsan nga ay may dinala si Sir Russell na parang mga simpleng candies lang pero kapag ihinahagis, sumasabog pala. At ayon dito, si Bullet ang may gawa no’n. Ganoon ito ka genius. “Siya nga pala. Akala ko ba darating din ngayon ang kapatid mo?” ani Kristoff kay Marigold.“Iyon ang sabi niya sa `kin. Baka may dinaanan lang.”“O baka naman nagbago na ang isip? Baka natakot na.”“Kung nagbago man ang isip niya, hindi ako ma
KAHIT madilim, hindi nakaramdam ng takot si Serenity nang makapasok na siya sa bahay. Ni hindi siya nagbukas ng kandila. Ayaw niya kasing makuha ang atensiyon ng ibang tao. Baka akalain pa na may multo sa bahay nila. Sapat na rin sa kanya ang ilaw sa poste at ng buwanKahit maalikabok, naupo siya sa paborito niyang upuan sa hapag kainan. Napahinga siya nang malalim. Akala niya si Oliver na ang tinutukoy ni Aling Tasing pero mukhang mali siya. Tingin daw kasi nito, kaedad ng Papa niya ang dalawang lalaki na nagpupunta doon. Kahit ba curious siya kung sino ang mga iyon, lamang pa rin ang lungkot niya dahil kahit minsan, hindi man lang nagtungo doon si Oliver. Mukhang naka-move on na talaga ito habang hindi pa rin ito mawala sa isip niya. “Nakakainis!” aniya sabay hagis ng nahawakan niyang picture frame sa sahig. “Ano bang problema mo, Serenity? Bakit ba sinasayang mo ang luha mo sa isang lalaking hindi ka naman panindigan? Tama na `yang kabaliwan mo. It’s been two years. Mag-
“AKALA ko ay mahihirapan akong ipaliwanag sa iyo ang Merciless. Pero mukhang may ideya ka na pala sa grupo namin,” wika ni Dr. Kim.Hindi siya nagkamali. Miyembro nga ng Merciless ang kanyang ama. “Sa panahon ngayon, sino ba naman ang hindi nakakakilala sa Merciless,” aniya. Kahit nga mga bata ay bukambibig ang Merciless. Sa katunayan, marami sa mga kabataan ngayon ang humahanga sa grupo. At sa totoo lang, isa siya sa humahanga sa mga ito. Minsan mas matinik pa kasi ang mga ito kaysa sa mga pulis na makahuli ng mga druglord at leader ng mga sindikato. Pero sa totoo lang, habang nakatingin siya kay Dr. Kim, hindi niya maisip na miyembro ito ng ganoong grupo. Napakaamo kasi ng mukha nito. “Ang gusto kong malaman ay kung paano napabilang sa grupo niyo ang Papa ko, at kung ano nga ba ang nangyari sa kanya.”“Isa ang iyong ama sa mga pinakaunang miyembro ng Merciless. Hindi pa man niya nakikilala ang iyong ina ay kasapi na siya ng grupo.”Kaya naman pala ganoon na lang ang pagma
PUMAYAG si Serenity na sumama kay Dr. Kim magtungo sa HQ ng Merciless. Medyo natakot pa nga siya dahil halos wala na silang nadadaanan na kabahayan habang nagdra-drive ito. Pumasok na nga rin sa utak niya na tumalon ng sasakyan. Sa huli, nakarating pa rin naman siya nang buhay at ligtas sa headquarters. At doon, isang tao ang hindi niya inaasahan na muling makita. Si Oliver.Kaya pala ganoon na lang kagaling si Oliver makipaglaban nang iligtas siya nito. Miyembro pala ito ng Merciless. Maging ang kaibigan nito na bigla rin nawala sa University ay miyembro rin pala ng grupo. Pero ang nakakainis, kung umasta ang mga ito ay para bang hindi man lang sila magkakakilala. “Serenity, let me introduce to you my son, Oliver Kim. Siya na muna ang bahala sa iyo. Oliver, maari mo bang i-tour si Serenity sa HQ? Kakausapin ko lang sandali si Brylle.”Hindi ito humindi pero hindi rin ito nagsalita. At nang sila na lang dalawa ang naiwan, sa halip na kamustahin ay para bang pinapaalis na siya
RAMDAM ni Oliver ang sakit ng kanyang panga nang imulat ang kanyang mga mata. Napatingin siya sa paligid at na-realize niyang nasa loob siya ng kanyang kwarto. Ilang segundo rin siyang napaisip kung anong nangyari hanggang sa maalala niya ang ginawang pagsipa sa kanya ni Serenity. “Gising ka na pala,” wika ni Kristoff nang pumasok ito ng kanyang kwarto. “Ano, masakit pa ba? Nag-alala pa naman ako kay Serenity tapos ikaw pala ang madadatnan kong walang malay sa sahig,” halata sa boses ng pinsan na nang-aasar ito. Naupo siya sa kama. “She cheated. Sinugod niya `ko nang biglaan.” “Bakit, kapag may mga misyon tayo biglaan lang din naman tayong sinusugod ng mga kalaban pero nagagawa natin mag-counterattack. Ang sabihin mo, masyado mong minaliit ang kakayanan ni Serenity.” Hindi siya nakaimik. “Paano na `yan? Hindi mo napaalis si Serenity tapos napahiya ka pa. Alam na kaya ng lahat ang nangyari.” Hindi dahil napatumba siya ni Serenity ay mahina na siya. Marami na din siyang napatunayan

NANG makarating si Oliver sa apartment niya, may nadatnan siyang paper bag at isang box sa labas ng pinto pero wala na doon si Serenity. Malamang ay hindi pa nito kayang sagutin ang tanong niya kaya naisipan nitong umalis na lang. Pero kung umayaw man ito, hindi rin naman niya pipilitin si Serenity. Kahit ba mahal nila ang isa’t-isa, alam niyang mahirap kay Serenity ang mag-desisyon. Syimpre, nag-aaral pa sila. Hindi rin nito alam na kaya na niya itong buhayin sa laki ng pera na meron siya. “Sir. Andito na pala kayo. Sayang, kaaalis lang ni Mam.” Napatingin siya sa lalaking nakipag-usap sa kanya. Kapag may nakakasalubong siyang staff, minumukhaan niya at binabasa ang nameplate. Kaya naman agad niyang nakilala si Romeo. At mukhang kilala na rin ito ni Serenity. “Sayang. Dinalhan pa naman kayo ni Mam ng cake at pagkain. Saan ba kasi kayo galing, Sir?” Tahimik lang siya pero hindi niya ata nagugustuhan ang pakikialam nito. At mukhang ayaw pa talaga nitong tumigil. “Sa susunod, Sir,
MALAKI ang ibinabayad sa kanila sa bawat misyon. At simula nang magkaroon na ang anak ng mga sarili nitong kita, hindi niya iyon pinapakialaman. Kaya naman madali lang para sa anak ang makakuha ng isang condominium unit. Ganoon pa man, hindi mapigilan ni Agatha na huwag magduda sa biglaang pagbili ni Oliver ng condo nang hindi man lang nagsasabi sa kanila. May nararamdaman siyang hindi tama tungkol doon. Nang araw na `yon, gabi pa ang misyon ni Agatha. Kaya naman ginamit niya ang pagkakataong `yon para masilip ang condo ng anak. Gusto lang niyang masiguro na wala itong ginagawang hindi niya magugustuhan. Mabuti na lang at kilala niya ang nagmamay-ari ng building. Naging madali lang para sa kanya ang makakuha ng spare key. Sa pagpasok niya sa unit ni Oliver, mukhang wala naman nakakapagduda doon. Mga gamit lang ng anak ang nasa kwarto. Malamang gusto lang talaga nito magkaroon ng sariling space. Paalis na siya nang makarinig ng katok. Could it be her son? Pero ang alam niya, nasa is