KAHIT madilim, hindi nakaramdam ng takot si Serenity nang makapasok na siya sa bahay. Ni hindi siya nagbukas ng kandila. Ayaw niya kasing makuha ang atensiyon ng ibang tao. Baka akalain pa na may multo sa bahay nila. Sapat na rin sa kanya ang ilaw sa poste at ng buwan
Kahit maalikabok, naupo siya sa paborito niyang upuan sa hapag kainan.Napahinga siya nang malalim.Akala niya si Oliver na ang tinutukoy ni Aling Tasing pero mukhang mali siya. Tingin daw kasi nito, kaedad ng Papa niya ang dalawang lalaki na nagpupunta doon.Kahit ba curious siya kung sino ang mga iyon, lamang pa rin ang lungkot niya dahil kahit minsan, hindi man lang nagtungo doon si Oliver. Mukhang naka-move on na talaga ito habang hindi pa rin ito mawala sa isip niya.“Nakakainis!” aniya sabay hagis ng nahawakan niyang picture frame sa sahig.“Ano bang problema mo, Serenity? Bakit ba sinasayang mo ang luha mo sa isang lalaking hindi ka naman panindigan? Tama na `yang kabaliwan mo. It’s been two years. Mag-move ka na,” aniya sabay pahid sa luha. “Dinamay mo pa pati picture frame ng family mo,” wika niya sa sarili sabay pulot sa picture frame na inihagis niya.Medyo madilim man, nagawa pa rin niyang makita ang mga taong nasa larawan. Kaya naman napakunot ang noo niya nang makita ang hindi pamilyar na lalaki kasama ang Papa niya.Ngayon lang niya napansin ang picture na iyon. At kahit kailan, hindi pa ata niya nakikita ang kasama nito sa larawan na iyon nang personal. Bigla siyang napatingin sa paligid. May nagsadya kayang maglagay niyon sa bahay nila habang wala sila?Bigla niyang naalala ang sinabi ni Aling Tasing. Baka isa sa mga lalaking nagpupunta doon ang lalaking iyon. Pero bakit naman nito iiwan ang litratong iyon sa bahay nila?Binaliktad niya ang picture. Nagsitayuan ang balahibo niya nang may makitang nakasulat doon. Inilawan niya iyon gamit ang kanyang cellphone.“Kung gusto mong malaman ang totoong nangyari sa pagkawala ng iyong ama, magpunta ka sa ospital na ito at hanapin mo ako.”Nakasulat sa likod ng larawan ang pangalan ng isang pribadong ospital at pangalan ng isang Dr. Richard Kim.Hindi kaya siya mapahamak kapag nagtungo siya sa lugar na iyon at puntahan ito? Pero iyon naman talaga ang dahilan kaya bumalik siya sa Manila, hindi ba? Ang makahanap ng clue sa totoong nangyari sa kanyari kanyang ama.Para mag-iwan ito ng address nito at totoong pangalan, hindi naman siguro ito masamang tao.Muli siyang tumingin sa paligid. May iniwan pa kaya itong ibang clue sa bahay nila?Bigla niyang naalala ang lihim na pinto kung saan madalas manatili ang Papa niya noon. Kahit minsan, hindi pa siya nakapasok sa lugar na iyon. Maging ang Mama nga niya mukhang walang alam tungkol sa kwartong iyon. Baka may mahanap siyang clue doon.Mga twelve years old siya nang pumasok siya sa kwarto ng magulang kahit bawal. Nang malaman niya na may paparating, agad siyang nagtago doon. Noon niya nalaman na may secret door pala sa likod ng salamin sa room ng parents niya. Pumasok kasi ang Papa niya doon.At ngayon, pagkalipas ng nine years ay nagawi uli siya sa kwartong iyon.“Wow,” aniya nang maitulak ang salamin. Wala siyang pinipindot pero kusang bumukas ang mga ilaw sa loob ng kwarto.Sa kabila ng kanyang paghanga, natakot siya nang makita ang klase-klaseng armas na naka-display sa kwartong iyon. Alam niyang may baril ang ama pero hindi niya akalain na ganoon kadami ang mga iyon.Pero ang mas nakakuha ng atensiyon niya ay ang pulang mask na nakadikit sa dingding.Kahit ba wala pang nahuhuli na miyembro ng Merciless ang pulisya, madalas mai-report sa TV ang mga ito kapag may namamatay na leader ng sindikato.Kaya naman hindi siya maaaring magkamali. Ganoon na ganoon ang itsura ng mask ng mga miyembro Merciless na nakukunan ng CCTV.Ibig sabihin ba no’n miyembro ng Merciless ang kanyang ama? Kung ganoon, iyon pala ang tinutukoy ng Papa niya na grupo.Ngayon alam na niya kung bakit ganoon na lang ang takot ng kanyang ina nang malaman na patay na ang kanyang ama. Malamang may ideya na ito kung anong klase ng tao ang maaaring pumatay sa asawa nito.Naiintindihan na rin niya kung para saan ang lahat ng itinuro ng ama sa kanila. Paghahanda iyon para sa oras na maging miyembro din sila ng Merciless at kung sakaling balikan sila ng mga naging kalaban nito.“Iyan nga!” ani Aling Tasing nang ipakita niya dito kinabukasan ang larawan ng ama kasama si Dr. Kim. “Iyan nga iyong lalaki na ilang beses nagpunta dito.”Dalawang lalaki ang nasabi ni Aling Tasing na nagpunta doon habang wala sila. Malamang miyembro din ng Merciless ang isa pang nagtungo doon.“Kamag-anak niyo ba iyan?”“Opo. Sige po, Aling Tasing. Salamat sa pagkumpirma. Aalis na po ako.”“Aalis ka na agad? Babalik ka pa ba dito?”“Hindi ko pa po alam. Sige po.”Sa natuklasan niya, mas mabuting wala na lang alam si Aling Tasing.Agad na siyang nagtungo sa ospital na nakasulat sa likod ng larawan at hinanap si Dr. Kim.Nang una, tinanong siya ng babae sa information area kung may appointment ba siya kay Dr. Richard Kim. Nang sabihin niyang wala, sinabihan siya na mag-iwan na lang ng pangalan at telephone number. Tatawagan na lang siya para sa schedule niya.Na ginawa niya.Pero nang papalabas na siya ng ospital, nagulat na lang siya nang habulin siya ng babae doon.“Bakit, Miss? May problema ba?” aniya.“Sorry Mam kung hindi ko agad nabasa ang pangalan niyo. Sumama po kayo sa akin. Sasamahan ko kayo sa office ni Dr. Kim.”Napakunot naman ang noo niya. Ganoon lang pala kabilis maghintay para sa schedule niya. Hinayaan pa siyang makaalis.“Dito po muna kayo, Mam. May tinatapos lang na meeting si Dr. Kim pero nasabi ko na sa kanya ang pagdating niyo. Siguradong magtutungo na iyon dito. Sige po.”At hindi nga tumagal ay dumating na si Dr. Richard Kim.“You finally came,” wika nito na para bang inaasahan na nito ang pagdating niya.Kabado man, hinarap niya ito. “Anong alam mo sa pagkamatay ng Papa ko? At anong koneksiyon niyo sa Merciless?”“AKALA ko ay mahihirapan akong ipaliwanag sa iyo ang Merciless. Pero mukhang may ideya ka na pala sa grupo namin,” wika ni Dr. Kim.Hindi siya nagkamali. Miyembro nga ng Merciless ang kanyang ama. “Sa panahon ngayon, sino ba naman ang hindi nakakakilala sa Merciless,” aniya. Kahit nga mga bata ay bukambibig ang Merciless. Sa katunayan, marami sa mga kabataan ngayon ang humahanga sa grupo. At sa totoo lang, isa siya sa humahanga sa mga ito. Minsan mas matinik pa kasi ang mga ito kaysa sa mga pulis na makahuli ng mga druglord at leader ng mga sindikato. Pero sa totoo lang, habang nakatingin siya kay Dr. Kim, hindi niya maisip na miyembro ito ng ganoong grupo. Napakaamo kasi ng mukha nito. “Ang gusto kong malaman ay kung paano napabilang sa grupo niyo ang Papa ko, at kung ano nga ba ang nangyari sa kanya.”“Isa ang iyong ama sa mga pinakaunang miyembro ng Merciless. Hindi pa man niya nakikilala ang iyong ina ay kasapi na siya ng grupo.”Kaya naman pala ganoon na lang ang pagma
PUMAYAG si Serenity na sumama kay Dr. Kim magtungo sa HQ ng Merciless. Medyo natakot pa nga siya dahil halos wala na silang nadadaanan na kabahayan habang nagdra-drive ito. Pumasok na nga rin sa utak niya na tumalon ng sasakyan. Sa huli, nakarating pa rin naman siya nang buhay at ligtas sa headquarters. At doon, isang tao ang hindi niya inaasahan na muling makita. Si Oliver.Kaya pala ganoon na lang kagaling si Oliver makipaglaban nang iligtas siya nito. Miyembro pala ito ng Merciless. Maging ang kaibigan nito na bigla rin nawala sa University ay miyembro rin pala ng grupo. Pero ang nakakainis, kung umasta ang mga ito ay para bang hindi man lang sila magkakakilala. “Serenity, let me introduce to you my son, Oliver Kim. Siya na muna ang bahala sa iyo. Oliver, maari mo bang i-tour si Serenity sa HQ? Kakausapin ko lang sandali si Brylle.”Hindi ito humindi pero hindi rin ito nagsalita. At nang sila na lang dalawa ang naiwan, sa halip na kamustahin ay para bang pinapaalis na siya
RAMDAM ni Oliver ang sakit ng kanyang panga nang imulat ang kanyang mga mata. Napatingin siya sa paligid at na-realize niyang nasa loob siya ng kanyang kwarto. Ilang segundo rin siyang napaisip kung anong nangyari hanggang sa maalala niya ang ginawang pagsipa sa kanya ni Serenity. “Gising ka na pala,” wika ni Kristoff nang pumasok ito ng kanyang kwarto. “Ano, masakit pa ba? Nag-alala pa naman ako kay Serenity tapos ikaw pala ang madadatnan kong walang malay sa sahig,” halata sa boses ng pinsan na nang-aasar ito. Naupo siya sa kama. “She cheated. Sinugod niya `ko nang biglaan.” “Bakit, kapag may mga misyon tayo biglaan lang din naman tayong sinusugod ng mga kalaban pero nagagawa natin mag-counterattack. Ang sabihin mo, masyado mong minaliit ang kakayanan ni Serenity.” Hindi siya nakaimik. “Paano na `yan? Hindi mo napaalis si Serenity tapos napahiya ka pa. Alam na kaya ng lahat ang nangyari.” Hindi dahil napatumba siya ni Serenity ay mahina na siya. Marami na din siyang napatunayan
“SERENITY,” mabilis na tumabi sa kanya ang kaibigan at kaklase niyang si Maricris nang makalabas ang professor nila. “Nasa labas si Jason. Mukhang ikaw ata ang inaantay. Hindi ba, nanliligaw `yon sa `yo?” Agad umasim ang itsura ni Serenity. Napagsabihan na kasi niya si Jason na wala siyang gusto rito pero mukhang wala pa ata itong balak sumuko. Nang lumingon siya, agad itong kumaway at ngumiti sa kanya. Simangot naman ang naging reaksiyon niya dito. Sa malas, wala siyang choice kundi harapin ito. Doon lang kasi siya makakadaan para makalabas ng classroom. “Serenity, can we talk?” wika nito nang makalabas siya ng classroom. “Wala tayong dapat pag-usapan, Jason.” Nagpatuloy lang siya sa paglalakad. Patakbo naman itong humabol sa kanya. “Alam kong hindi maganda ang image ko. Marami na akong napaiyak na babae. Pero hindi ibig sabihin no’n na hindi ako nagseseryoso sa pag-ibig. Hindi lang siguro kami nagkasundo sa maraming bagay ng mga naging ex ko. Pero malay mo, ikaw na pala ang baba
“OLIVER. What happened? Unang mission niyo kagabi pero hindi ka daw nakaabot. Hindi mo ba siniseryoso ang trabaho natin?” Iyon agad ang bungad sa kanya ng ina nang magising siya kinaumagahan. Para bang hinintay lang talaga nito na dumilat siya para masermonan. “I’m sorry, Ma. May emergency lang. I had to help someone. Iyon naman talaga ang totoong misyon natin, hindi ba? Ang tumulong sa mga inaapi kahit labas sa mga opisyal na misyon natin.” Tiningnan siya nang masama ng ina pero hindi na ito nangulit sa dahilan niya. Napabuntong hininga na lang ito. “Siguraduhin mong makakasama ka na mamaya. Paano ka magiging Leader ng henerasyon niyo kung palagi kang wala sa mga misyon? Bumangon ka na diyan at may pasok ka pa.” Umalis na ng kwarto ang kanyang Mama. Siya naman ang napabuntong hininga. Bago pa nga lang siyang sasalang sa totoong misyon, iniisip na agad ng ina ang pagiging leader niya sa hinaharap. Lalo tuloy siyang napre-pressure. “Maganda ba ang gising mo?” ani Kristoff nang mak
“SABAY na tayo,” ani Maricris matapos ang last subject nila nang araw na `yon. “Hindi na. Mauna ka na. Kailangan ko pang magpunta sa library.” “Gano’n ba? O sige. Sigurado kang ayos lang sa`yo na mag-isa? Sa nangyari kahapon, baka balikan ka ni Jason.” Kung sakali man na harapin nga siya si Jason, mas magkaka-problema lang siya kung kasama si Maricris. “Huwag kang mag-alala. Kaya ko ang sarili ko. Saka pagkatapos ko dito, dadaan pa `ko sa restaurant. Magpapasa ako ng resignation letter kaya mauna ka na lang.” “Naku, doon ka nga pala inabangan. Kung sa akin nangyari `yon, baka nag-resign din ako. Nakakatakot na talagang mag-isa ngayon. Kaya nga ba dapat magka-jowa na tayo. Para may tagahatid na tayo at tagasundo,” nakatawa nitong sabi. Natawa na lang din siya. Muli niyang naalala ang ginawang pagtatanggol sa kanya ni Oliver. Kung ito man ang magiging boyfriend, siguradong magagawa nga nitong protektahan siya. Medyo natagalan man dahil sa pag-uusap nila ni Maricris, mabuti na lang
“MABUTI naman at makakasama ka na ngayon, Oliver,” wika sa kanya ni Simon. Tulad ng kanyang ina, isa ito sa mga pioneers ng Merciless at Team Leader nila sa misyong iyon. Dahil mga trainees pa lang sila, may isa o dalawang senior member silang kasama sa bawat misyon. “Nagkaroon lang ng emergency kahapon, Sir.” “Palalampasin ko ito sa ngayon pero sa susunod, wala akong tatanggapin na dahilan kung bakit hindi kayo makakasama maliban sa nag-aagaw buhay kayo. Nagkakaintindihan ba tayo?” “Yes, Sir,” sagot niya at ng dalawa pang kasama sa misyon na `yon na sina Kristoff at Marigold. “Good. Sa misyong ito, dalawa lang ang dapat niyong gawin. Una, ang mapatay ang target. Pangalawa, ang siguraduhing makakauwi kayo nang buhay.” Nakakakilabot man pero iyon ang mga pinaka-importanteng bagay na dapat nila isaisip sa bawat misyon. Kahit ba pinaghandaan nila iyon sa loob ng mahabang panahon, iba pa rin na totoong kalaban na ang kahaharapin nila. Nang gabing iyon, misyon nilang patayin si Jangg
-NASA room na ako. Ikaw?- Iyon ang laman ng message ni Serenity para kay Oliver. Ilang segundo lang ay nakatanggap na siya ng reply mula dito. -Papunta pa lang ako ng University. Kumain ka na ba? Maaga pa. Want to eat together? I’ll be there in fifteen minutes. See you at the canteen.- Muli na naman nitong napabilis ang tibok ng puso ni Serenity. Isang linggo na silang nagpapalitan ng messages pero hindi pa sila nagkaka-usap ng personal. Kaya naman bigla siyang nag-panic nang yayain siya nitong mag-agahan. Kinakabahan man, syimpre hindi niya iyon aatrasan. -Okay.- Nagmamadali siyang nagtungo sa ladiesroom. Syimpre, kailangan niyang siguraduhin na maganda siya kapag nakaharap ito. Napangiti siya. Hindi pa rin nabubura ang lipstick niya. Presentable pa naman siyang tingnan. “AALIS ka na? Ang aga naman ata,” ani Marigold nang magkasalubong sila sa living room. “Mukhang good mood ka rin. Dahil ba nakatanggap ka ng papuri kay Sir Edward?” Tulad nila ni Kristoff, nag-aaral pa rin si M
RAMDAM ni Oliver ang sakit ng kanyang panga nang imulat ang kanyang mga mata. Napatingin siya sa paligid at na-realize niyang nasa loob siya ng kanyang kwarto. Ilang segundo rin siyang napaisip kung anong nangyari hanggang sa maalala niya ang ginawang pagsipa sa kanya ni Serenity. “Gising ka na pala,” wika ni Kristoff nang pumasok ito ng kanyang kwarto. “Ano, masakit pa ba? Nag-alala pa naman ako kay Serenity tapos ikaw pala ang madadatnan kong walang malay sa sahig,” halata sa boses ng pinsan na nang-aasar ito. Naupo siya sa kama. “She cheated. Sinugod niya `ko nang biglaan.” “Bakit, kapag may mga misyon tayo biglaan lang din naman tayong sinusugod ng mga kalaban pero nagagawa natin mag-counterattack. Ang sabihin mo, masyado mong minaliit ang kakayanan ni Serenity.” Hindi siya nakaimik. “Paano na `yan? Hindi mo napaalis si Serenity tapos napahiya ka pa. Alam na kaya ng lahat ang nangyari.” Hindi dahil napatumba siya ni Serenity ay mahina na siya. Marami na din siyang napatunayan
PUMAYAG si Serenity na sumama kay Dr. Kim magtungo sa HQ ng Merciless. Medyo natakot pa nga siya dahil halos wala na silang nadadaanan na kabahayan habang nagdra-drive ito. Pumasok na nga rin sa utak niya na tumalon ng sasakyan. Sa huli, nakarating pa rin naman siya nang buhay at ligtas sa headquarters. At doon, isang tao ang hindi niya inaasahan na muling makita. Si Oliver.Kaya pala ganoon na lang kagaling si Oliver makipaglaban nang iligtas siya nito. Miyembro pala ito ng Merciless. Maging ang kaibigan nito na bigla rin nawala sa University ay miyembro rin pala ng grupo. Pero ang nakakainis, kung umasta ang mga ito ay para bang hindi man lang sila magkakakilala. “Serenity, let me introduce to you my son, Oliver Kim. Siya na muna ang bahala sa iyo. Oliver, maari mo bang i-tour si Serenity sa HQ? Kakausapin ko lang sandali si Brylle.”Hindi ito humindi pero hindi rin ito nagsalita. At nang sila na lang dalawa ang naiwan, sa halip na kamustahin ay para bang pinapaalis na siya
“AKALA ko ay mahihirapan akong ipaliwanag sa iyo ang Merciless. Pero mukhang may ideya ka na pala sa grupo namin,” wika ni Dr. Kim.Hindi siya nagkamali. Miyembro nga ng Merciless ang kanyang ama. “Sa panahon ngayon, sino ba naman ang hindi nakakakilala sa Merciless,” aniya. Kahit nga mga bata ay bukambibig ang Merciless. Sa katunayan, marami sa mga kabataan ngayon ang humahanga sa grupo. At sa totoo lang, isa siya sa humahanga sa mga ito. Minsan mas matinik pa kasi ang mga ito kaysa sa mga pulis na makahuli ng mga druglord at leader ng mga sindikato. Pero sa totoo lang, habang nakatingin siya kay Dr. Kim, hindi niya maisip na miyembro ito ng ganoong grupo. Napakaamo kasi ng mukha nito. “Ang gusto kong malaman ay kung paano napabilang sa grupo niyo ang Papa ko, at kung ano nga ba ang nangyari sa kanya.”“Isa ang iyong ama sa mga pinakaunang miyembro ng Merciless. Hindi pa man niya nakikilala ang iyong ina ay kasapi na siya ng grupo.”Kaya naman pala ganoon na lang ang pagma
KAHIT madilim, hindi nakaramdam ng takot si Serenity nang makapasok na siya sa bahay. Ni hindi siya nagbukas ng kandila. Ayaw niya kasing makuha ang atensiyon ng ibang tao. Baka akalain pa na may multo sa bahay nila. Sapat na rin sa kanya ang ilaw sa poste at ng buwanKahit maalikabok, naupo siya sa paborito niyang upuan sa hapag kainan. Napahinga siya nang malalim. Akala niya si Oliver na ang tinutukoy ni Aling Tasing pero mukhang mali siya. Tingin daw kasi nito, kaedad ng Papa niya ang dalawang lalaki na nagpupunta doon. Kahit ba curious siya kung sino ang mga iyon, lamang pa rin ang lungkot niya dahil kahit minsan, hindi man lang nagtungo doon si Oliver. Mukhang naka-move on na talaga ito habang hindi pa rin ito mawala sa isip niya. “Nakakainis!” aniya sabay hagis ng nahawakan niyang picture frame sa sahig. “Ano bang problema mo, Serenity? Bakit ba sinasayang mo ang luha mo sa isang lalaking hindi ka naman panindigan? Tama na `yang kabaliwan mo. It’s been two years. Mag-
“HE’S Bullet Do, bago nating miyembro. Anak siya ni Russell,” wika ng ama. “Bullet, meet my son, Oliver Kim,” turo nito sa kanya. Tumingin sa kanya si Bullet. Tumango ito at ganoon rin ang naging tugon niya dito. Ipinakilala rin ng ama dito si Kristoff at Marigold. Ang totoo niyan ay matagal na niyang kilala si Bullet. Madalas kasing ipagyabang ni Sir Russell sa kanila ang galing nito. Kahit eighteen pa lang ito, tulad ng ama, eksperto na ito pagdating sa paggawa ng mga bomba, mga armas at iba pang inventions na maari nilang magamit sa kanilang mga misyon. Minsan nga ay may dinala si Sir Russell na parang mga simpleng candies lang pero kapag ihinahagis, sumasabog pala. At ayon dito, si Bullet ang may gawa no’n. Ganoon ito ka genius. “Siya nga pala. Akala ko ba darating din ngayon ang kapatid mo?” ani Kristoff kay Marigold.“Iyon ang sabi niya sa `kin. Baka may dinaanan lang.”“O baka naman nagbago na ang isip? Baka natakot na.”“Kung nagbago man ang isip niya, hindi ako ma
AFTER TWO YEARS... “SORRY kung ito lang ang regalo ko sa birthday mo. Nag-iipon kasi ako,” ani Serenity sa kapatid habang hawak ang cake na siya mismo ang may gawa.” “Sapat na sa `kin `to, Ate. Maraming salamat,” hinipan na ng kapatid ang kandila. “Thank you uli, Ate.” “Walang ano man para sa gwapo kong kapatid.” Tumingin sa paligid ang kapatid. Mukhang alam na niya ang hinahanap nito. “Hindi pa siya dumarating. Malay mo, may surprise din siya sa `yo.” “I doubt. Mula nang mawala si Papa, nakalimutan na niya ang maraming bagay. Nakalimutan na nga ata niya na nandito pa tayo.” Dalawang taon na mula nang dumating sila sa Singapore. Ganoon na rin katagal mula nang isubsob ng ina ang sarili sa trabaho. Madalas, wala ito sa bahay. Minsan nga feeling nila hindi lang ama ang nawala sa kanila. Hindi tuloy niya maiwasang isipin na may inililihim nga sa kanila ang ina. May hindi tama sa mga nangyayari. Ano nga kaya kung may itinatago sa kanya ang ina? Matapos nilang kumain, naghugas na s
MATAPOS niyang maipadala ang message na iyon kay Serenity, pinatay na niya ang kanyang cellphone. Papalitan na rin niya iyon ng bagong simcard para tuluyan nang maputol ang ugnayan nila. Masakit man para kay Oliver ang pakikipaghiwalay kay Serenity, iyon ang naisip niyang pinakamabuting gawin sa lahat ng nangyayari. Mapapahamak lang ito kapag pinahaba pa nila ang kanilang relasyon. Gustong umiyak ni Oliver nang malaman na wala na nga ang Mama niya. Pero ni isang patak, walang tumulo mula sa kanyang mga mata. Puno ng galit ang puso niya. Gusto niyang maghiganti sa may kagagawan no’n sa kanyang ina at sa iba pang mga kasamahan. At maliban sa galit, ramdam din niya ang guilt. Guilt dahil sa huling hininga ng ina, dala-dala nito ang galit sa kanya dahil sinuway niya ito. Ayaw man niyang isipin pero sa galing ng Mama niya, paano kung naging dahilan iyon kaya hindi ito nakapag-concentrate at namatay? Hindi pa man naiuuwi sa HQ ang bangkay ng ina, naitawag na sa kanila ang nangyari. At ko
NANG makarating si Oliver sa apartment niya, may nadatnan siyang paper bag at isang box sa labas ng pinto pero wala na doon si Serenity. Malamang ay hindi pa nito kayang sagutin ang tanong niya kaya naisipan nitong umalis na lang. Pero kung umayaw man ito, hindi rin naman niya pipilitin si Serenity. Kahit ba mahal nila ang isa’t-isa, alam niyang mahirap kay Serenity ang mag-desisyon. Syimpre, nag-aaral pa sila. Hindi rin nito alam na kaya na niya itong buhayin sa laki ng pera na meron siya. “Sir. Andito na pala kayo. Sayang, kaaalis lang ni Mam.” Napatingin siya sa lalaking nakipag-usap sa kanya. Kapag may nakakasalubong siyang staff, minumukhaan niya at binabasa ang nameplate. Kaya naman agad niyang nakilala si Romeo. At mukhang kilala na rin ito ni Serenity. “Sayang. Dinalhan pa naman kayo ni Mam ng cake at pagkain. Saan ba kasi kayo galing, Sir?” Tahimik lang siya pero hindi niya ata nagugustuhan ang pakikialam nito. At mukhang ayaw pa talaga nitong tumigil. “Sa susunod, Sir,
MALAKI ang ibinabayad sa kanila sa bawat misyon. At simula nang magkaroon na ang anak ng mga sarili nitong kita, hindi niya iyon pinapakialaman. Kaya naman madali lang para sa anak ang makakuha ng isang condominium unit. Ganoon pa man, hindi mapigilan ni Agatha na huwag magduda sa biglaang pagbili ni Oliver ng condo nang hindi man lang nagsasabi sa kanila. May nararamdaman siyang hindi tama tungkol doon. Nang araw na `yon, gabi pa ang misyon ni Agatha. Kaya naman ginamit niya ang pagkakataong `yon para masilip ang condo ng anak. Gusto lang niyang masiguro na wala itong ginagawang hindi niya magugustuhan. Mabuti na lang at kilala niya ang nagmamay-ari ng building. Naging madali lang para sa kanya ang makakuha ng spare key. Sa pagpasok niya sa unit ni Oliver, mukhang wala naman nakakapagduda doon. Mga gamit lang ng anak ang nasa kwarto. Malamang gusto lang talaga nito magkaroon ng sariling space. Paalis na siya nang makarinig ng katok. Could it be her son? Pero ang alam niya, nasa is