Share

III

Author: Gigi Lang
last update Last Updated: 2022-05-25 22:34:46

“SABAY na tayo,” ani Maricris matapos ang last subject nila nang araw na `yon.

“Hindi na. Mauna ka na. Kailangan ko pang magpunta sa library.”

“Gano’n ba? O sige. Sigurado kang ayos lang sa`yo na mag-isa? Sa nangyari kahapon, baka balikan ka ni Jason.”

Kung sakali man na harapin nga siya si Jason, mas magkaka-problema lang siya kung kasama si Maricris.

“Huwag kang mag-alala. Kaya ko ang sarili ko. Saka pagkatapos ko dito, dadaan pa `ko sa restaurant. Magpapasa ako ng resignation letter kaya mauna ka na lang.”

“Naku, doon ka nga pala inabangan. Kung sa akin nangyari `yon, baka nag-resign din ako. Nakakatakot na talagang mag-isa ngayon. Kaya nga ba dapat magka-jowa na tayo. Para may tagahatid na tayo at tagasundo,” nakatawa nitong sabi.

Natawa na lang din siya. Muli niyang naalala ang ginawang pagtatanggol sa kanya ni Oliver. Kung ito man ang magiging boyfriend, siguradong magagawa nga nitong protektahan siya.

Medyo natagalan man dahil sa pag-uusap nila ni Maricris, mabuti na lang at hindi na ito nagpumilit na samahan siya. Patungo na siya sa library nang may biglang humila sa kanya sa loob ng isang classroom. Nagawa man niyang mapatumba ang may gawa no’n, naipasok pa rin siya sa kwarto.

Napatingin siya sa paligid nang makarinig ng palakpak. Naikuyom niya ang ang kamao nang makitang naroon si Jason kasama ang iba pang kalalakihan.

“Wow. Akalain mo `yon? Nakatiyamba ka at napatumba ang kasama ko. Sa bagay, lampa naman `yan. Kamusta ka na nga pala? Akala mo ba makakatakas ka na sa `kin dahil may nagligtas sa `yo kahapon? Hindi pa `ko tapos sa `yo, Serenity.”

Mas lalo lang siyang na-disappoint kay Jason. Mukhang wala na talaga itong pag-asa. Puro na lang kasamaan at paghihiganti ang nasa utak.

“Itigil mo na `to, Jason. Wala akong balak patulan ka.”

Natawa ito. “Ako pa ngayon ang ayaw mong patulan? Nakakatawa ka talaga. Pero pasensiya na. Kahit babae ka, wala akong pakialam. Kahit kailan, wala pang babaeng nagkalakas ng loob na ipahiya ako. Kaya dapat lang sa `yo ang gagawin ko.”

Inuubos talaga ng lalaking `to ang pasensiya niya. Sa bagay, matagal-tagal na rin naman niyang hindi nagagamit ang mga natutunan.

Binilang niya ang mga lalaking naroon sa silid. Panglima si Jason. Kahit ba mukhang malakas ang mga ito, lamang pa rin ang may tamang pamamaraan ng pakikipaglaban.

“Okay fine. Tingnan na lang natin kung sino sa ating dalawa ang masasaktan. Basta ba pagkatapos nito, huwag niyo na akong gulohin.”

Muling tumawa si Jason. “Iba ka talaga, Serenity. Sige nga, tingnan natin ang tapang mo.”

Nagsimula na siyang sugurin ng mga kasamahan nito. At gaya ng inaasahan niya, laki lang ng katawan ang panlaban ng mga ito.

Hammer strike, groin kick, heel palm strike, elbow strike, escape from bear hug attack, escape with hands trapped, and escape from side headlock. Iyon ang mga bagay na gusto ng ama na ma-master niya simula pagkabata. Mga paraan upang madepensahan niya ang kanyang sarili. At sa ilang taon ba naman niyang pag-iinsayo,madali na lang aa kanya ang pag-execute ng mga moves na iyon. Kaya naman ilang segundo lang, napatumba na niya ang mga kasama ni Jason.

Pinagpag niya ang mga kamay at ipinunas iyon sa kanyang damit. Tiningnan niya si Jason na noo’y nakatayo lang at mukhang natulala sa nangyari.

“Ano, itutuloy pa ba natin `to? May balak ka pa bang sugurin ako?”

Sa halip na sugurin siya, napaatras si Jason. “S-sino ka ba talaga?”

Hindi niya napigilang matawa sa itsura nito. Kanina lang ay ang tapang-tapang pa nito. Pero ngayon, daig pa ni Jason ang nakakita ng multo. “Sino ako? Nagka-amnesia ka na ba? Kilala mo `ko, Jason. Hindi pa naman ako nagbabago ng pangalan.”

“Hindi iyon ang tinutukoy ko. Paano mo natutunan ang mga `yan? Sigurado akong hindi lang basta tiyamba ang ginawa mo.”

Gusto sana niyang biruin si Jason na miyembro siya ng Merciless, iyong grupo na pumapatay ng mga kriminal. Kaso baka maniwala ito. Mapahamak pa siya. Kahit ba masasama lang ang pinapatay ng Merciless, sa batas, krimen pa rin ang ginagawa ng mga ito.

“Ah, `yon ba? Sorry, pero hindi ko pwedeng sabihin sa iyo. Pero kapag hindi mo pa `ko tinigilan, higit pa dito ang matitikman niyo,” aniya at lumabas na siya ng classroom.

Sa halip na sa library, nagmadali na siyang umalis ng University. Kahit ba kabado, hindi niya maiwasang matuwa at bumilib sa sarili. May maitutulong din pala talaga sa kanila ang itinuro ng Papa nila sa loob ng ilang taon. Sana lang talaga tigilan na siya nila Jason.

“Mabuti at maaga kang umuwi ngayon. Nag-resign ka na ba?” Tanong kay Serenity ng ina nang makarating siya ng bahay.

“Opo, Ma.”

“Mabuti. Hindi mo naman kailangang gawin `yon. Magkakapera ka nga pero mapapahamak ka naman. Kaya ka naman namin buhayin ng Papa mo.”

Nasermonan na siya kagabi pero inaasahan na rin naman niya na may kasunod `yon. Pero hindi naman siya galit. Alam naman kasi niya na kapakanan lang niya ang inaalala ng magulang.

Gusto lang talaga kasi niyang makaipon para sa birthday ng nakababata niyang kapatid. Hindi nga sana siya magre-resign pero pati Papa niya napagalitan na rin siya. Baka kapag nagmatigas pa siya, mas lalo lang itong maghigpit sa kanya.

Nahiga siya sa kama at napatingin sa wall clock. T-TH-S ang schedule ng training niya kasama ang ama mula pa man noong bata siya. M-W-F naman para sa kapatid niyang si Dean. Martes nang araw na `yon pero alas sais na wala pa ang Papa niya. Ibig sabihin, libre siya para sa gabing `yon.

Honestly, hindi pa rin niya alam kung bakit ganoon na lang ka-dedicated ang Papa nila pagdating sa pagtuturo sa kanila ng mga self defense at martial arts moves. Sa tuwing tinatanong kasi niya ito, sinasabi lang nito na malalaman din niya iyon sa tamang panahon.

Pero eighteen na siya at hindi pa rin niya alam ang dahilan. Siguro nga gusto lang talaga nitong matuto silang protektahan ang sarili. Malamang iyon din ang natututunan nito sa security agency kung saan ito pumapasok.

Tiningnan niya ang kanyang cellphone. Napasimangot siya nang wala pa rin natatanggap na message man lang mula kay Oliver. Mukhang wala yatang effect ang ganda niya dito. Hindi siguro siya type.

Nag-effort siya para mapansin nito. Pero kung ayaw ni Oliver sa kanya, hindi niya ipagpipilitan ang sarili. May pride din naman siya. Minsan lang siya ma-fall pero hindi ibig sabihin na doon na lang din niya itutuon ang atensiyon.

Huminga siya nang malalim. “Fine. Time to move on.”

Related chapters

  • Merciless Series Book 1: Target Locked   IV

    “MABUTI naman at makakasama ka na ngayon, Oliver,” wika sa kanya ni Simon. Tulad ng kanyang ina, isa ito sa mga pioneers ng Merciless at Team Leader nila sa misyong iyon. Dahil mga trainees pa lang sila, may isa o dalawang senior member silang kasama sa bawat misyon. “Nagkaroon lang ng emergency kahapon, Sir.” “Palalampasin ko ito sa ngayon pero sa susunod, wala akong tatanggapin na dahilan kung bakit hindi kayo makakasama maliban sa nag-aagaw buhay kayo. Nagkakaintindihan ba tayo?” “Yes, Sir,” sagot niya at ng dalawa pang kasama sa misyon na `yon na sina Kristoff at Marigold. “Good. Sa misyong ito, dalawa lang ang dapat niyong gawin. Una, ang mapatay ang target. Pangalawa, ang siguraduhing makakauwi kayo nang buhay.” Nakakakilabot man pero iyon ang mga pinaka-importanteng bagay na dapat nila isaisip sa bawat misyon. Kahit ba pinaghandaan nila iyon sa loob ng mahabang panahon, iba pa rin na totoong kalaban na ang kahaharapin nila. Nang gabing iyon, misyon nilang patayin si Jangg

    Last Updated : 2022-05-25
  • Merciless Series Book 1: Target Locked   V

    -NASA room na ako. Ikaw?- Iyon ang laman ng message ni Serenity para kay Oliver. Ilang segundo lang ay nakatanggap na siya ng reply mula dito. -Papunta pa lang ako ng University. Kumain ka na ba? Maaga pa. Want to eat together? I’ll be there in fifteen minutes. See you at the canteen.- Muli na naman nitong napabilis ang tibok ng puso ni Serenity. Isang linggo na silang nagpapalitan ng messages pero hindi pa sila nagkaka-usap ng personal. Kaya naman bigla siyang nag-panic nang yayain siya nitong mag-agahan. Kinakabahan man, syimpre hindi niya iyon aatrasan. -Okay.- Nagmamadali siyang nagtungo sa ladiesroom. Syimpre, kailangan niyang siguraduhin na maganda siya kapag nakaharap ito. Napangiti siya. Hindi pa rin nabubura ang lipstick niya. Presentable pa naman siyang tingnan. “AALIS ka na? Ang aga naman ata,” ani Marigold nang magkasalubong sila sa living room. “Mukhang good mood ka rin. Dahil ba nakatanggap ka ng papuri kay Sir Edward?” Tulad nila ni Kristoff, nag-aaral pa rin si M

    Last Updated : 2022-05-25
  • Merciless Series Book 1: Target Locked   VI

    NAWALA ang ngiti ni Serenity nang makita niya ang ama na nakaabang sa may gate nila. Ni hindi na niya hinintay ang sukli at bumaba na ng Taxi. “Pa, ano pong ginagawa niyo dito? Nagpapahangin po ba kayo?” Nanatiling seryoso ang mukha ng ama. “Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?” Napalunok siya. “Pasensiya na po, hindi ko napansin. Masyado akong naging busy.” “Pumasok ka na. Sabihin mo na lang sa Mama mo na umalis na `ko.” Doon lang niya napansin na may dalang bag ang Papa niya. Mukhang late na nga talaga siyang nakauwi. Paalis na kasi ito. Madalas wala sa bahay ang Papa niya. Umuuwi na nga lang ata ito para i-train sila. Tapos kinagabihan, umaalis lang din ito. “Sige po, Pa. Mag-ingat po kayo.” Nakahinga siya nang maluwang nang hindi na nag-usisa ang Papa niya. Istrikto man ang ama pagdating sa trainings nila, mabait naman ito. Pero dahil nga may sekreto siya, ang bilis tuloy ng tibok ng kanyang puso. Isa sa mga instructions nito sa kanila na hindi sila pwedeng magkaroon

    Last Updated : 2022-07-26
  • Merciless Series Book 1: Target Locked   VII

    HIRAP makatulog si Serenity kagabi. At dahil sa tawag ni Oliver, lalo tuloy nawala ang antok niya. Hanggang nga sa inumaga na lang siya kakaikot sa kama pero ni isang minuto ay hindi man lang niya nagawang makaidlip. Ngayon naiintindihan na niya kung bakit ayaw ng Papa niya na magkaroon siya ng karelasyon habang nag-aaral. Hindi pa nga niya boyfriend si Oliver pero nagkakagano’n na siya. Hindi niya ma-explain ang nararamdaman. Basta, ito lang ang nasa isip niya magdamag. Paulit-ulit din bumabalik sa isipan niya ang napag-usapan nila kagabi tungkol sa yakap na aasahan daw nito sa araw na `yon. Wala man tulog, energetic siyang nagtungo sa University. Pero ang excitement niya ay nauwi sa disappointment nang mag-text si Oliver at sinabing hindi ito makakapasok. Naiintindihan naman niya iyon dahil sa kondisyon ng Dad nito. Gayun pa man, hindi pa rin niya maiwasang malungkot. “Bakit ganyan `yang istura mo? May sakit ka ba?” tanong ni Maricris nang makarating siya sa classroom nila. “Akala

    Last Updated : 2022-07-26
  • Merciless Series Book 1: Target Locked   VIII

    “HINDI ka uuwi? Bakit?" “Lilipad papuntang Cebu ang boss ko at bilang miyembro ng kanyang security team, kailangan namin siyang samahan.” “Kailan naman daw kayo uuwi?” “Hindi ko pa masasabi pero huwag kang mag-alala, araw-araw naman kitang tatawagan.” “Halos ilang oras na nga lang tayo magkasama sa bahay, lalayo ka pa. Hindi ka ba talaga pwedeng humanap na lang ng ibang trabaho?” “I’m sorry, Rose pero alam mo naman kung gaano kahalaga sa akin ang trabaho ko.” “Pero hindi ko naman akalain na kahit may mga anak na tayo, mas importante pa rin pala sa `yo ang trabaho mo kaysa sa pamilya natin. Sa akin. Nakakapagod na rin mag-adjust, Simon. Sobrang nakakapagod na,” umiiyak na umalis ng hapag kainan ang kanilang ina. Tahimik lang si Serenity maging ang kapatid niyang si Dean. Nasa harap sila ng hapag kainan pero mukhang wala na siyang ganang kumain. Nalulungkot kasi siya para sa Mama niya. Sa halip na sumunod sa kwarto, nanatili lang kasama nila ang ama. “Kayo na muna ang bahala sa

    Last Updated : 2022-07-27
  • Merciless Series Book 1: Target Locked   IX

    “FEELING better?” tanong sa kanya ni Oliver nang maging kalmado na siya. “What happened? If you want, we can talk about it.” Kahit ba magaan ang loob niya kay Oliver, hindi pa siya handang ibahagi dito ang mga drama sa buhay ng pamilya niya. Bilin din kasi iyon sa kanya ng ama. As much as possible, gusto nitong maging pribado ang lahat ng pangyayari sa buhay nila. “Wala. Medyo nagkatampuhan lang ang parents ko pero okay lang sila. Hindi ko lang maiwasan na hindi maapektuhan. Siya nga pala,” humiwalay na siya sa pagkakayakap kay Oliver. “Hindi ba’t may sakit ang Dad mo? Ayos na ba siya?” “He’s better now,” maikli nitong sagot. Mukhang tulad niya, hindi rin ito iyong klase ng tao na makuwento tungkol sa pamilya, at ayos lang naman iyon sa kanya. Hindi iyon big deal sa kanya. Ang importante, ayos lang ang dad nito. Ngayong malapit sila sa isa’t-isa at nakatingin siya sa mukha nito, pansin niya na tulad niya, mukhang wala pa rin tulog si Oliver. Kahit ba gwapo pa rin ito, mukhang pago

    Last Updated : 2022-08-12
  • Merciless Series Book 1: Target Locked   X

    “PURE Filipina ang Mama ko. Ang Papa ko naman, pure Korean. Pero dito na siya sa Pilipinas lumaki. Ikaw ba?” tanong ni Serenity kay Oliver habang nasa rooftop sila ng University. Lunch break nila at doon nila naisipan mananghalian. Mabuti na lang at nagkataon na makulimlim ang langit. Hindi sila nababad sa init. “My father is half-Filipino- half-Korean. Ang Mama ko naman pure Korean pero dito na rin siya lumaki. Mas may alam pa nga na Korean ang Dad ko kaysa kay Mama.” “Pareho pala sila ng Papa ko. Hindi na rin natuto mag-Korean.” Unti-unti, nagagawa na nilang mag-share ng tungkol sa kanilang pamilya. Pero napansin niya na kung ano lang ang sinasabi niya, iyon lang din ang mga bagay na binabanggit ni Oliver tungkol sa pamilya nito. “Kamusta na pala ang Dad mo?” “He’s okay. Magaling na siya.” Tumangu-tango siya. “Mabuti naman kung gano’n.” “Ang parents mo, nagkabati na ba?” “Hindi pa umuuwi si Papa pero tingin ko naman ay okay na sila.” Tulad ng pangako ng kanyang ama, araw-ar

    Last Updated : 2022-08-12
  • Merciless Series Book 1: Target Locked   XI

    “MAY nangyari bang maganda sa rooftop at maaliwalas `yang mukha mo?” ani Kristoff nang pumasok si Oliver sa afternoon class nila. Sana nga hindi na lang siya pumasok. Wala pala ang professor nila. Gustong sumabay ni Kristoff sa kanya mananghalian kanina, at hindi siya nito tinantanan hangga’t hindi niya sinasabi kung saan siya papunta. Kaya naman napilitan na lang siyang banggitin dito ang lunchdate nila ni Serenity. Mabilis siyang umiwas ng tingin sa pinsan. “Hindi ko alam ang pinagsasasabi mo.” “Come on, Oliver. Kilala na kita. Hindi man malawak `yang ngiti mo, alam kong masaya ka. Kayo na ba ni Serenity?” Huminga siya nang malalim. “Fine. She’s my girlfriend,” pag-amin niya. Alam din naman kasi niyang wala siyang maililihim kay Kristoff. “Wow, congratulations. Mukhang tulad mo, inlove na inlove din si Serenity sa `yo. Imagine, sinagot ka na niya agad? Pero sana naman pumili ka ng mas magandang venue. Tapos ni wala ka man lang ata dalang flowers or chocolates.” Hindi naman kasi

    Last Updated : 2022-08-12

Latest chapter

  • Merciless Series Book 1: Target Locked   XXI

    RAMDAM ni Oliver ang sakit ng kanyang panga nang imulat ang kanyang mga mata. Napatingin siya sa paligid at na-realize niyang nasa loob siya ng kanyang kwarto. Ilang segundo rin siyang napaisip kung anong nangyari hanggang sa maalala niya ang ginawang pagsipa sa kanya ni Serenity. “Gising ka na pala,” wika ni Kristoff nang pumasok ito ng kanyang kwarto. “Ano, masakit pa ba? Nag-alala pa naman ako kay Serenity tapos ikaw pala ang madadatnan kong walang malay sa sahig,” halata sa boses ng pinsan na nang-aasar ito. Naupo siya sa kama. “She cheated. Sinugod niya `ko nang biglaan.” “Bakit, kapag may mga misyon tayo biglaan lang din naman tayong sinusugod ng mga kalaban pero nagagawa natin mag-counterattack. Ang sabihin mo, masyado mong minaliit ang kakayanan ni Serenity.” Hindi siya nakaimik. “Paano na `yan? Hindi mo napaalis si Serenity tapos napahiya ka pa. Alam na kaya ng lahat ang nangyari.” Hindi dahil napatumba siya ni Serenity ay mahina na siya. Marami na din siyang napatunayan

  • Merciless Series Book 1: Target Locked   XX

    PUMAYAG si Serenity na sumama kay Dr. Kim magtungo sa HQ ng Merciless. Medyo natakot pa nga siya dahil halos wala na silang nadadaanan na kabahayan habang nagdra-drive ito. Pumasok na nga rin sa utak niya na tumalon ng sasakyan. Sa huli, nakarating pa rin naman siya nang buhay at ligtas sa headquarters. At doon, isang tao ang hindi niya inaasahan na muling makita. Si Oliver.Kaya pala ganoon na lang kagaling si Oliver makipaglaban nang iligtas siya nito. Miyembro pala ito ng Merciless. Maging ang kaibigan nito na bigla rin nawala sa University ay miyembro rin pala ng grupo. Pero ang nakakainis, kung umasta ang mga ito ay para bang hindi man lang sila magkakakilala. “Serenity, let me introduce to you my son, Oliver Kim. Siya na muna ang bahala sa iyo. Oliver, maari mo bang i-tour si Serenity sa HQ? Kakausapin ko lang sandali si Brylle.”Hindi ito humindi pero hindi rin ito nagsalita. At nang sila na lang dalawa ang naiwan, sa halip na kamustahin ay para bang pinapaalis na siya

  • Merciless Series Book 1: Target Locked   XIX

    “AKALA ko ay mahihirapan akong ipaliwanag sa iyo ang Merciless. Pero mukhang may ideya ka na pala sa grupo namin,” wika ni Dr. Kim.Hindi siya nagkamali. Miyembro nga ng Merciless ang kanyang ama. “Sa panahon ngayon, sino ba naman ang hindi nakakakilala sa Merciless,” aniya. Kahit nga mga bata ay bukambibig ang Merciless. Sa katunayan, marami sa mga kabataan ngayon ang humahanga sa grupo. At sa totoo lang, isa siya sa humahanga sa mga ito. Minsan mas matinik pa kasi ang mga ito kaysa sa mga pulis na makahuli ng mga druglord at leader ng mga sindikato. Pero sa totoo lang, habang nakatingin siya kay Dr. Kim, hindi niya maisip na miyembro ito ng ganoong grupo. Napakaamo kasi ng mukha nito. “Ang gusto kong malaman ay kung paano napabilang sa grupo niyo ang Papa ko, at kung ano nga ba ang nangyari sa kanya.”“Isa ang iyong ama sa mga pinakaunang miyembro ng Merciless. Hindi pa man niya nakikilala ang iyong ina ay kasapi na siya ng grupo.”Kaya naman pala ganoon na lang ang pagma

  • Merciless Series Book 1: Target Locked   XVIII

    KAHIT madilim, hindi nakaramdam ng takot si Serenity nang makapasok na siya sa bahay. Ni hindi siya nagbukas ng kandila. Ayaw niya kasing makuha ang atensiyon ng ibang tao. Baka akalain pa na may multo sa bahay nila. Sapat na rin sa kanya ang ilaw sa poste at ng buwanKahit maalikabok, naupo siya sa paborito niyang upuan sa hapag kainan. Napahinga siya nang malalim. Akala niya si Oliver na ang tinutukoy ni Aling Tasing pero mukhang mali siya. Tingin daw kasi nito, kaedad ng Papa niya ang dalawang lalaki na nagpupunta doon. Kahit ba curious siya kung sino ang mga iyon, lamang pa rin ang lungkot niya dahil kahit minsan, hindi man lang nagtungo doon si Oliver. Mukhang naka-move on na talaga ito habang hindi pa rin ito mawala sa isip niya. “Nakakainis!” aniya sabay hagis ng nahawakan niyang picture frame sa sahig. “Ano bang problema mo, Serenity? Bakit ba sinasayang mo ang luha mo sa isang lalaking hindi ka naman panindigan? Tama na `yang kabaliwan mo. It’s been two years. Mag-

  • Merciless Series Book 1: Target Locked   XVII

    “HE’S Bullet Do, bago nating miyembro. Anak siya ni Russell,” wika ng ama. “Bullet, meet my son, Oliver Kim,” turo nito sa kanya. Tumingin sa kanya si Bullet. Tumango ito at ganoon rin ang naging tugon niya dito. Ipinakilala rin ng ama dito si Kristoff at Marigold. Ang totoo niyan ay matagal na niyang kilala si Bullet. Madalas kasing ipagyabang ni Sir Russell sa kanila ang galing nito. Kahit eighteen pa lang ito, tulad ng ama, eksperto na ito pagdating sa paggawa ng mga bomba, mga armas at iba pang inventions na maari nilang magamit sa kanilang mga misyon. Minsan nga ay may dinala si Sir Russell na parang mga simpleng candies lang pero kapag ihinahagis, sumasabog pala. At ayon dito, si Bullet ang may gawa no’n. Ganoon ito ka genius. “Siya nga pala. Akala ko ba darating din ngayon ang kapatid mo?” ani Kristoff kay Marigold.“Iyon ang sabi niya sa `kin. Baka may dinaanan lang.”“O baka naman nagbago na ang isip? Baka natakot na.”“Kung nagbago man ang isip niya, hindi ako ma

  • Merciless Series Book 1: Target Locked   XVI

    AFTER TWO YEARS... “SORRY kung ito lang ang regalo ko sa birthday mo. Nag-iipon kasi ako,” ani Serenity sa kapatid habang hawak ang cake na siya mismo ang may gawa.” “Sapat na sa `kin `to, Ate. Maraming salamat,” hinipan na ng kapatid ang kandila. “Thank you uli, Ate.” “Walang ano man para sa gwapo kong kapatid.” Tumingin sa paligid ang kapatid. Mukhang alam na niya ang hinahanap nito. “Hindi pa siya dumarating. Malay mo, may surprise din siya sa `yo.” “I doubt. Mula nang mawala si Papa, nakalimutan na niya ang maraming bagay. Nakalimutan na nga ata niya na nandito pa tayo.” Dalawang taon na mula nang dumating sila sa Singapore. Ganoon na rin katagal mula nang isubsob ng ina ang sarili sa trabaho. Madalas, wala ito sa bahay. Minsan nga feeling nila hindi lang ama ang nawala sa kanila. Hindi tuloy niya maiwasang isipin na may inililihim nga sa kanila ang ina. May hindi tama sa mga nangyayari. Ano nga kaya kung may itinatago sa kanya ang ina? Matapos nilang kumain, naghugas na s

  • Merciless Series Book 1: Target Locked   XV

    MATAPOS niyang maipadala ang message na iyon kay Serenity, pinatay na niya ang kanyang cellphone. Papalitan na rin niya iyon ng bagong simcard para tuluyan nang maputol ang ugnayan nila. Masakit man para kay Oliver ang pakikipaghiwalay kay Serenity, iyon ang naisip niyang pinakamabuting gawin sa lahat ng nangyayari. Mapapahamak lang ito kapag pinahaba pa nila ang kanilang relasyon. Gustong umiyak ni Oliver nang malaman na wala na nga ang Mama niya. Pero ni isang patak, walang tumulo mula sa kanyang mga mata. Puno ng galit ang puso niya. Gusto niyang maghiganti sa may kagagawan no’n sa kanyang ina at sa iba pang mga kasamahan. At maliban sa galit, ramdam din niya ang guilt. Guilt dahil sa huling hininga ng ina, dala-dala nito ang galit sa kanya dahil sinuway niya ito. Ayaw man niyang isipin pero sa galing ng Mama niya, paano kung naging dahilan iyon kaya hindi ito nakapag-concentrate at namatay? Hindi pa man naiuuwi sa HQ ang bangkay ng ina, naitawag na sa kanila ang nangyari. At ko

  • Merciless Series Book 1: Target Locked   XIV

    NANG makarating si Oliver sa apartment niya, may nadatnan siyang paper bag at isang box sa labas ng pinto pero wala na doon si Serenity. Malamang ay hindi pa nito kayang sagutin ang tanong niya kaya naisipan nitong umalis na lang. Pero kung umayaw man ito, hindi rin naman niya pipilitin si Serenity. Kahit ba mahal nila ang isa’t-isa, alam niyang mahirap kay Serenity ang mag-desisyon. Syimpre, nag-aaral pa sila. Hindi rin nito alam na kaya na niya itong buhayin sa laki ng pera na meron siya. “Sir. Andito na pala kayo. Sayang, kaaalis lang ni Mam.” Napatingin siya sa lalaking nakipag-usap sa kanya. Kapag may nakakasalubong siyang staff, minumukhaan niya at binabasa ang nameplate. Kaya naman agad niyang nakilala si Romeo. At mukhang kilala na rin ito ni Serenity. “Sayang. Dinalhan pa naman kayo ni Mam ng cake at pagkain. Saan ba kasi kayo galing, Sir?” Tahimik lang siya pero hindi niya ata nagugustuhan ang pakikialam nito. At mukhang ayaw pa talaga nitong tumigil. “Sa susunod, Sir,

  • Merciless Series Book 1: Target Locked   XIII

    MALAKI ang ibinabayad sa kanila sa bawat misyon. At simula nang magkaroon na ang anak ng mga sarili nitong kita, hindi niya iyon pinapakialaman. Kaya naman madali lang para sa anak ang makakuha ng isang condominium unit. Ganoon pa man, hindi mapigilan ni Agatha na huwag magduda sa biglaang pagbili ni Oliver ng condo nang hindi man lang nagsasabi sa kanila. May nararamdaman siyang hindi tama tungkol doon. Nang araw na `yon, gabi pa ang misyon ni Agatha. Kaya naman ginamit niya ang pagkakataong `yon para masilip ang condo ng anak. Gusto lang niyang masiguro na wala itong ginagawang hindi niya magugustuhan. Mabuti na lang at kilala niya ang nagmamay-ari ng building. Naging madali lang para sa kanya ang makakuha ng spare key. Sa pagpasok niya sa unit ni Oliver, mukhang wala naman nakakapagduda doon. Mga gamit lang ng anak ang nasa kwarto. Malamang gusto lang talaga nito magkaroon ng sariling space. Paalis na siya nang makarinig ng katok. Could it be her son? Pero ang alam niya, nasa is

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status