Share

VI

Author: Gigi Lang
last update Huling Na-update: 2022-07-26 22:43:04

NAWALA ang ngiti ni Serenity nang makita niya ang ama na nakaabang sa may gate nila. Ni hindi na niya hinintay ang sukli at bumaba na ng Taxi.

“Pa, ano pong ginagawa niyo dito? Nagpapahangin po ba kayo?”

Nanatiling seryoso ang mukha ng ama. “Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?”

Napalunok siya. “Pasensiya na po, hindi ko napansin. Masyado akong naging busy.”

“Pumasok ka na. Sabihin mo na lang sa Mama mo na umalis na `ko.”

Doon lang niya napansin na may dalang bag ang Papa niya. Mukhang late na nga talaga siyang nakauwi. Paalis na kasi ito.

Madalas wala sa bahay ang Papa niya. Umuuwi na nga lang ata ito para i-train sila. Tapos kinagabihan, umaalis lang din ito.

“Sige po, Pa. Mag-ingat po kayo.”

Nakahinga siya nang maluwang nang hindi na nag-usisa ang Papa niya. Istrikto man ang ama pagdating sa trainings nila, mabait naman ito. Pero dahil nga may sekreto siya, ang bilis tuloy ng tibok ng kanyang puso.

Isa sa mga instructions nito sa kanila na hindi sila pwedeng magkaroon ng karelasyon hangga’t hindi pa sila nakakatapos ng pag-aaral. Kaya kung maging sila man ni Oliver, mukhang kakailanganin niya iyong ilihim sa magulang nang matagal-tagal.

Advance man siyang mag-isip, syimpre hindi naman siya makikipag-date para mag-enjoy lang at makipaglaro. At sa ugali ni Oliver, sa tingin naman niya ito `yong klase ng lalaki na seryoso din pagdating sa isang relasyon.

Napatingin siya sa kanyang phone. Nakauwi na siya pero wala siyang na-receive na text man lang mula kay Oliver. Na-curious tuloy siya kung sino ang tumawag dito. Wala naman siguro itong itinatagong girlfriend sa kanya.

NAGMADILING pumasok si Oliver sa van kung saan naroon na rin ang ilang miyembro ng Merciless. Napatingin siya sa mga naroon. Nagulat pa siya nang makita ang Mama niya. Hindi niya inaasahan na ito ang makakasamang Team Leader sa misyon na iyon.

“Ngayong kompleto na ang lahat, tayo na.”

Nakatanggap siya ng tawag para sa isang emergency mission. Magiging back-up sila para sa misyon ng Dad niya. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na makakasama niya ang magulang kaya hindi tuloy niya maiwasang maging emosyonal. Lalo na at ang Dad niya ang nangangailangan ng tulong. Siguradong nag-aalala rin ang kanyang Mama para dito.

Nang makarating sila sa location, wala silang naririnig na putukan. Ganoon pa man, wala rin silang matanggap na response mula sa Team ng kanyang Dad.

“Richard, answer me. Nasaan kayo?”

Pinipilit man ng ina na maging kalmado, ramdam niya sa boses nito ang pag-aalala para sa Dad niya. Ganoon pa man, hindi niya maiwasang humanga dito. Nagagawa pa rin kasi nitong maging propesyonal sa trabaho kahit ba asawa nito ang nasa panganib. Siguro ay gusto pa rin nitong patunayan na kahit ilang taon na ang lumipas, hindi magkakatotoo ang iniisip ng ibang kasamahan tungkol dito at sa Dad niya.

Hinahangaan ang Mama niya ng mga kasamahan. Kahit nga karamihan sa mga orihinal na miyembro ng Merciless ay lalaki, takot sa Mama niya ang mga ito. Ganoon ito ka-respetado sa grupo. Wala kasi itong inaatrasan.

Sa mga narinig niyang kwento, hindi sang-ayon ang ibang members sa Dad niya noon. Magiging hadlang lang daw kasi ito sa performance ng Mama nila. Muntikan na nga rin sumuko ang mama niya sa relasyon ng mga ito dahil mas mahalaga para dito ang Merciless. Pero dahil nga sa pagmamahal ng ama sa Mama niya, pumasok ito sa grupo. Nagsikap maging malakas dahil sa pag-ibig.

Bigla tuloy niyang naisip si Serenity. Paano kung naging sila at nalaman nito ang uri ng trabaho na meron siya? Ano kaya ang magiging reaksiyon nito? Pero kung siya ang tatanungin, mas gusto niyang hindi nito malaman ang totoo. Kung maging sila nga sa hinaharap at magkaroon sila ng sariling pamilya, ayaw niyang pag-alalahanin ang mga taong minamahal niya sa kanya.

Napailing-iling siya. Hindi dapat ang sarili ang iniisip niya sa oras na `yon. Maaaring nasa panganib ang Dad niya. Kailangan nila itong iligtas.

“Richard!” narinig niyang sigaw ng kanyang ina sa kanyang earpiece.

Nahanap na kaya nito ang Dad niya?

“Ma, nasaan kayo ni Dad?”

Nabaril ang Dad niya. Maswerte pa nga daw na nabuhay ito. Namatay kasi lahat ng kasama nito sa misyon na iyon na ikinabigla ng lahat. Iyon ang unang beses na nangyari iyon. Para bang alam ng kalaban na darating sila. May mga pagkakataon man na pumapalpak sila sa isang misyon, iyon ang unang pagkakataon na nalagasan nang ganoon kadami ang grupo nila.

Kahit ba sumasama sa mga missions ang Dad niya, sa main profession nito, isang doktor ang kanyang ama. Isa rin ito sa mga nag-aasikaso ng mga miyembro kapag napalaban sila at umuwi nang sugatan. Pero nang oras na iyon, ito ang pasyente. Mabuti na lang at naroon ang Tito Andrew niya, ang Dad ni Kristoff. Tulad ng Dad niya, isa rin itong doktor.

“How’s Dad?” Tanong niya sa kanyang Mama nang lumabas ito ng silid kung saan naroon ang ama.

Kinabahan siya dahil napaka-seryoso ng itsura ng kanyang ina. Akala niya nasa kritikal na kalagayan ang Dad niya. Iyon pala, pagagalitan lang siya.

“Hindi ko nagustuhan ang inasal mo kanina. Anong itinawag mo sa amin ng Dad mo?”

Sandali siyang napaisip at napakunot noo. “Mama and Dad?”

“Which was wrong. You have to be a professional at all times. Hindi mo dapat hinahalo sa personal na buhay ang trabaho natin. Nagkakaintindihan ba tayo?”

Napatayo siya nang tuwid. “Yes, Ms. Kim.

Huminga ito nang malalim. “Your Dad is out of the woods but he’s resting. If you want to see him, just make sure you won’t make a noise,” tinapik siya nito sa balikat bago umalis.

Alam niyang pinipilit lang ng ina na maging matatag. Pero minsan, nahihirapan din siya sa sitwasyon nila. May mga pagkakataon na hinihiling niya na sana normal na tao na lang sila. May mga panahon na may pinagdaraanan siya pero wala man lang siyang inang mapagsabihan at magbibigay sa kanya ng payo. Alam kasi niyang magagalit lang ito kapag nagpakita siya ng kahinaan.

Pagpasok niya sa kwarto, para lang natutulog ang ama. Ganoon pa man, hindi niya maiwasang mag-alala para dito. Kahit ba malakas pa ang Dad niya, isang taon na lang ay fifty na ito. Kahit nga ang Mama niya ay nasa forties na rin. Matanda na ang mga ito para sa ganoong uri ng trabaho.

Alam niyang sobrang mahalaga sa ina ang Merciless pero hiling niya, sana habang may pagkakataon pa, magawang ma-enjoy ng magulang ang buhay ng mga ito. Mag-travel at gawin ang mga bagay na hindi pa nila nagagawa bilang mag-asawa. Mula kasi nang nagkaisip siya, wala yata siyang maalala na nagawa nila `yon bilang pamilya.

Sandali lang siyang nanatili sa kwarto ng ama. Siguradong naghihintay lang ang Mama niya na lumabas siya para makabalik ito sa loob. Alam niyang hindi ito makakatulog nang wala sa tabi ng kanyang ama. Hindi man masyadong nagpapahalata ang ina, alam niya kung gaano nito kamahal ang Dad niya.

Sa mga nangyari, mukhang hindi pa yata siya makakatulog. Napatingin siya sa kanyang cellphone. Gising pa kaya si Serenity?

-GISING ka pa?-

Napaupo si Serenity sa kama nang ma-receive ang message na `yon mula kay Oliver. Mag-a-alas dose na kaya hindi niya inaasahan na magte-text pa ito. Nagkataon lang talaga na gising pa siya. At para mag-text ito nang ganoong oras, mukhang hindi yata maganda ang balitang dala ng tawag dito kanina.

-Hindi ako makatulog. Ikaw rin ba? May nangyari ba?-

-My Dad is sick.-

Kaya pala ganoon na lang ito kabilis umalis kanina.

-I wish I could comfort you. Kung pwede lang kitang I-hug ngayon. Sana mabilis maka-recover ang Dad mo.-

Kahit ba naging komportable na siya dito kanina, ang bilis pa rin ng tibok ng puso niya nang bigla itong tumawag.

“Aasahan ko `yan bukas.”

Napakunot noo siya. Aasahan? Ang alin? Bigla ata siyang nagka-amnesia.

“Ang alin?”

“Ang yakap mo.”

Naramdaman niya ang pag-init ng kanyang mukha. May sakit na nga ang Dad nito, nagpapaka-pilyo pa. Pero siguro sinusubukan lang nito i-divert sa ibang bagay ang pag-aalala nito sa ama.

Napangiti siya.

“Promise, pagkakita ko sa`yo bukas, yayakapin kita agad.”

Kaugnay na kabanata

  • Merciless Series Book 1: Target Locked   VII

    HIRAP makatulog si Serenity kagabi. At dahil sa tawag ni Oliver, lalo tuloy nawala ang antok niya. Hanggang nga sa inumaga na lang siya kakaikot sa kama pero ni isang minuto ay hindi man lang niya nagawang makaidlip. Ngayon naiintindihan na niya kung bakit ayaw ng Papa niya na magkaroon siya ng karelasyon habang nag-aaral. Hindi pa nga niya boyfriend si Oliver pero nagkakagano’n na siya. Hindi niya ma-explain ang nararamdaman. Basta, ito lang ang nasa isip niya magdamag. Paulit-ulit din bumabalik sa isipan niya ang napag-usapan nila kagabi tungkol sa yakap na aasahan daw nito sa araw na `yon. Wala man tulog, energetic siyang nagtungo sa University. Pero ang excitement niya ay nauwi sa disappointment nang mag-text si Oliver at sinabing hindi ito makakapasok. Naiintindihan naman niya iyon dahil sa kondisyon ng Dad nito. Gayun pa man, hindi pa rin niya maiwasang malungkot. “Bakit ganyan `yang istura mo? May sakit ka ba?” tanong ni Maricris nang makarating siya sa classroom nila. “Akala

    Huling Na-update : 2022-07-26
  • Merciless Series Book 1: Target Locked   VIII

    “HINDI ka uuwi? Bakit?" “Lilipad papuntang Cebu ang boss ko at bilang miyembro ng kanyang security team, kailangan namin siyang samahan.” “Kailan naman daw kayo uuwi?” “Hindi ko pa masasabi pero huwag kang mag-alala, araw-araw naman kitang tatawagan.” “Halos ilang oras na nga lang tayo magkasama sa bahay, lalayo ka pa. Hindi ka ba talaga pwedeng humanap na lang ng ibang trabaho?” “I’m sorry, Rose pero alam mo naman kung gaano kahalaga sa akin ang trabaho ko.” “Pero hindi ko naman akalain na kahit may mga anak na tayo, mas importante pa rin pala sa `yo ang trabaho mo kaysa sa pamilya natin. Sa akin. Nakakapagod na rin mag-adjust, Simon. Sobrang nakakapagod na,” umiiyak na umalis ng hapag kainan ang kanilang ina. Tahimik lang si Serenity maging ang kapatid niyang si Dean. Nasa harap sila ng hapag kainan pero mukhang wala na siyang ganang kumain. Nalulungkot kasi siya para sa Mama niya. Sa halip na sumunod sa kwarto, nanatili lang kasama nila ang ama. “Kayo na muna ang bahala sa

    Huling Na-update : 2022-07-27
  • Merciless Series Book 1: Target Locked   IX

    “FEELING better?” tanong sa kanya ni Oliver nang maging kalmado na siya. “What happened? If you want, we can talk about it.” Kahit ba magaan ang loob niya kay Oliver, hindi pa siya handang ibahagi dito ang mga drama sa buhay ng pamilya niya. Bilin din kasi iyon sa kanya ng ama. As much as possible, gusto nitong maging pribado ang lahat ng pangyayari sa buhay nila. “Wala. Medyo nagkatampuhan lang ang parents ko pero okay lang sila. Hindi ko lang maiwasan na hindi maapektuhan. Siya nga pala,” humiwalay na siya sa pagkakayakap kay Oliver. “Hindi ba’t may sakit ang Dad mo? Ayos na ba siya?” “He’s better now,” maikli nitong sagot. Mukhang tulad niya, hindi rin ito iyong klase ng tao na makuwento tungkol sa pamilya, at ayos lang naman iyon sa kanya. Hindi iyon big deal sa kanya. Ang importante, ayos lang ang dad nito. Ngayong malapit sila sa isa’t-isa at nakatingin siya sa mukha nito, pansin niya na tulad niya, mukhang wala pa rin tulog si Oliver. Kahit ba gwapo pa rin ito, mukhang pago

    Huling Na-update : 2022-08-12
  • Merciless Series Book 1: Target Locked   X

    “PURE Filipina ang Mama ko. Ang Papa ko naman, pure Korean. Pero dito na siya sa Pilipinas lumaki. Ikaw ba?” tanong ni Serenity kay Oliver habang nasa rooftop sila ng University. Lunch break nila at doon nila naisipan mananghalian. Mabuti na lang at nagkataon na makulimlim ang langit. Hindi sila nababad sa init. “My father is half-Filipino- half-Korean. Ang Mama ko naman pure Korean pero dito na rin siya lumaki. Mas may alam pa nga na Korean ang Dad ko kaysa kay Mama.” “Pareho pala sila ng Papa ko. Hindi na rin natuto mag-Korean.” Unti-unti, nagagawa na nilang mag-share ng tungkol sa kanilang pamilya. Pero napansin niya na kung ano lang ang sinasabi niya, iyon lang din ang mga bagay na binabanggit ni Oliver tungkol sa pamilya nito. “Kamusta na pala ang Dad mo?” “He’s okay. Magaling na siya.” Tumangu-tango siya. “Mabuti naman kung gano’n.” “Ang parents mo, nagkabati na ba?” “Hindi pa umuuwi si Papa pero tingin ko naman ay okay na sila.” Tulad ng pangako ng kanyang ama, araw-ar

    Huling Na-update : 2022-08-12
  • Merciless Series Book 1: Target Locked   XI

    “MAY nangyari bang maganda sa rooftop at maaliwalas `yang mukha mo?” ani Kristoff nang pumasok si Oliver sa afternoon class nila. Sana nga hindi na lang siya pumasok. Wala pala ang professor nila. Gustong sumabay ni Kristoff sa kanya mananghalian kanina, at hindi siya nito tinantanan hangga’t hindi niya sinasabi kung saan siya papunta. Kaya naman napilitan na lang siyang banggitin dito ang lunchdate nila ni Serenity. Mabilis siyang umiwas ng tingin sa pinsan. “Hindi ko alam ang pinagsasasabi mo.” “Come on, Oliver. Kilala na kita. Hindi man malawak `yang ngiti mo, alam kong masaya ka. Kayo na ba ni Serenity?” Huminga siya nang malalim. “Fine. She’s my girlfriend,” pag-amin niya. Alam din naman kasi niyang wala siyang maililihim kay Kristoff. “Wow, congratulations. Mukhang tulad mo, inlove na inlove din si Serenity sa `yo. Imagine, sinagot ka na niya agad? Pero sana naman pumili ka ng mas magandang venue. Tapos ni wala ka man lang ata dalang flowers or chocolates.” Hindi naman kasi

    Huling Na-update : 2022-08-12
  • Merciless Series Book 1: Target Locked   XII

    “INGAT sa pag-uwi,” ani Serenity nang makarating na sila sa tapat ng bahay nila. Gaya ng mga nakaraang araw, inihatid siya ni Oliver pauwi. Pababa na siya ng sasakyan nang may maalala. “Siya nga pala. May lakad ka ba bukas?” “Wala naman. Bakit?” “Wala lang,” nginitian niya ito. “Naitanong ko lang. Sige, mauna na `ko. Bye,” hinalikan niya ito sa pisngi at mabilis nang lumabas ng sasakyan. Hindi na siya lumingon dito at mabilis nang pumasok ng gate. Nakangiti siya habang patungo sa pinto. Kailangan na niyang mag-bake ng cookies. Mukhang matutuloy ang celebration nila bukas. Sa pagbukas niya ng pinto, nawala ang ngiti niya nang ang ama ang sumalubong sa kanya. Mukhang kararating pa lang nito at napakaseryoso ng mukha. “P-Pa. N-nakauwi na po pala kayo.” “Sino `yon? Sino `yong lalaking naghatid sa `yo? Boyfriend mo ba `yon?” Biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Paano nalaman ng Papa niya ang paghatid sa kanya ni Oliver? Sumilip kaya ito sa bintana? “Pa, mabuting tao po si-.” “Hi

    Huling Na-update : 2022-08-28
  • Merciless Series Book 1: Target Locked   XIII

    MALAKI ang ibinabayad sa kanila sa bawat misyon. At simula nang magkaroon na ang anak ng mga sarili nitong kita, hindi niya iyon pinapakialaman. Kaya naman madali lang para sa anak ang makakuha ng isang condominium unit. Ganoon pa man, hindi mapigilan ni Agatha na huwag magduda sa biglaang pagbili ni Oliver ng condo nang hindi man lang nagsasabi sa kanila. May nararamdaman siyang hindi tama tungkol doon. Nang araw na `yon, gabi pa ang misyon ni Agatha. Kaya naman ginamit niya ang pagkakataong `yon para masilip ang condo ng anak. Gusto lang niyang masiguro na wala itong ginagawang hindi niya magugustuhan. Mabuti na lang at kilala niya ang nagmamay-ari ng building. Naging madali lang para sa kanya ang makakuha ng spare key. Sa pagpasok niya sa unit ni Oliver, mukhang wala naman nakakapagduda doon. Mga gamit lang ng anak ang nasa kwarto. Malamang gusto lang talaga nito magkaroon ng sariling space. Paalis na siya nang makarinig ng katok. Could it be her son? Pero ang alam niya, nasa is

    Huling Na-update : 2022-09-11
  • Merciless Series Book 1: Target Locked   XIV

    NANG makarating si Oliver sa apartment niya, may nadatnan siyang paper bag at isang box sa labas ng pinto pero wala na doon si Serenity. Malamang ay hindi pa nito kayang sagutin ang tanong niya kaya naisipan nitong umalis na lang. Pero kung umayaw man ito, hindi rin naman niya pipilitin si Serenity. Kahit ba mahal nila ang isa’t-isa, alam niyang mahirap kay Serenity ang mag-desisyon. Syimpre, nag-aaral pa sila. Hindi rin nito alam na kaya na niya itong buhayin sa laki ng pera na meron siya. “Sir. Andito na pala kayo. Sayang, kaaalis lang ni Mam.” Napatingin siya sa lalaking nakipag-usap sa kanya. Kapag may nakakasalubong siyang staff, minumukhaan niya at binabasa ang nameplate. Kaya naman agad niyang nakilala si Romeo. At mukhang kilala na rin ito ni Serenity. “Sayang. Dinalhan pa naman kayo ni Mam ng cake at pagkain. Saan ba kasi kayo galing, Sir?” Tahimik lang siya pero hindi niya ata nagugustuhan ang pakikialam nito. At mukhang ayaw pa talaga nitong tumigil. “Sa susunod, Sir,

    Huling Na-update : 2022-09-11

Pinakabagong kabanata

  • Merciless Series Book 1: Target Locked   XXI

    RAMDAM ni Oliver ang sakit ng kanyang panga nang imulat ang kanyang mga mata. Napatingin siya sa paligid at na-realize niyang nasa loob siya ng kanyang kwarto. Ilang segundo rin siyang napaisip kung anong nangyari hanggang sa maalala niya ang ginawang pagsipa sa kanya ni Serenity. “Gising ka na pala,” wika ni Kristoff nang pumasok ito ng kanyang kwarto. “Ano, masakit pa ba? Nag-alala pa naman ako kay Serenity tapos ikaw pala ang madadatnan kong walang malay sa sahig,” halata sa boses ng pinsan na nang-aasar ito. Naupo siya sa kama. “She cheated. Sinugod niya `ko nang biglaan.” “Bakit, kapag may mga misyon tayo biglaan lang din naman tayong sinusugod ng mga kalaban pero nagagawa natin mag-counterattack. Ang sabihin mo, masyado mong minaliit ang kakayanan ni Serenity.” Hindi siya nakaimik. “Paano na `yan? Hindi mo napaalis si Serenity tapos napahiya ka pa. Alam na kaya ng lahat ang nangyari.” Hindi dahil napatumba siya ni Serenity ay mahina na siya. Marami na din siyang napatunayan

  • Merciless Series Book 1: Target Locked   XX

    PUMAYAG si Serenity na sumama kay Dr. Kim magtungo sa HQ ng Merciless. Medyo natakot pa nga siya dahil halos wala na silang nadadaanan na kabahayan habang nagdra-drive ito. Pumasok na nga rin sa utak niya na tumalon ng sasakyan. Sa huli, nakarating pa rin naman siya nang buhay at ligtas sa headquarters. At doon, isang tao ang hindi niya inaasahan na muling makita. Si Oliver.Kaya pala ganoon na lang kagaling si Oliver makipaglaban nang iligtas siya nito. Miyembro pala ito ng Merciless. Maging ang kaibigan nito na bigla rin nawala sa University ay miyembro rin pala ng grupo. Pero ang nakakainis, kung umasta ang mga ito ay para bang hindi man lang sila magkakakilala. “Serenity, let me introduce to you my son, Oliver Kim. Siya na muna ang bahala sa iyo. Oliver, maari mo bang i-tour si Serenity sa HQ? Kakausapin ko lang sandali si Brylle.”Hindi ito humindi pero hindi rin ito nagsalita. At nang sila na lang dalawa ang naiwan, sa halip na kamustahin ay para bang pinapaalis na siya

  • Merciless Series Book 1: Target Locked   XIX

    “AKALA ko ay mahihirapan akong ipaliwanag sa iyo ang Merciless. Pero mukhang may ideya ka na pala sa grupo namin,” wika ni Dr. Kim.Hindi siya nagkamali. Miyembro nga ng Merciless ang kanyang ama. “Sa panahon ngayon, sino ba naman ang hindi nakakakilala sa Merciless,” aniya. Kahit nga mga bata ay bukambibig ang Merciless. Sa katunayan, marami sa mga kabataan ngayon ang humahanga sa grupo. At sa totoo lang, isa siya sa humahanga sa mga ito. Minsan mas matinik pa kasi ang mga ito kaysa sa mga pulis na makahuli ng mga druglord at leader ng mga sindikato. Pero sa totoo lang, habang nakatingin siya kay Dr. Kim, hindi niya maisip na miyembro ito ng ganoong grupo. Napakaamo kasi ng mukha nito. “Ang gusto kong malaman ay kung paano napabilang sa grupo niyo ang Papa ko, at kung ano nga ba ang nangyari sa kanya.”“Isa ang iyong ama sa mga pinakaunang miyembro ng Merciless. Hindi pa man niya nakikilala ang iyong ina ay kasapi na siya ng grupo.”Kaya naman pala ganoon na lang ang pagma

  • Merciless Series Book 1: Target Locked   XVIII

    KAHIT madilim, hindi nakaramdam ng takot si Serenity nang makapasok na siya sa bahay. Ni hindi siya nagbukas ng kandila. Ayaw niya kasing makuha ang atensiyon ng ibang tao. Baka akalain pa na may multo sa bahay nila. Sapat na rin sa kanya ang ilaw sa poste at ng buwanKahit maalikabok, naupo siya sa paborito niyang upuan sa hapag kainan. Napahinga siya nang malalim. Akala niya si Oliver na ang tinutukoy ni Aling Tasing pero mukhang mali siya. Tingin daw kasi nito, kaedad ng Papa niya ang dalawang lalaki na nagpupunta doon. Kahit ba curious siya kung sino ang mga iyon, lamang pa rin ang lungkot niya dahil kahit minsan, hindi man lang nagtungo doon si Oliver. Mukhang naka-move on na talaga ito habang hindi pa rin ito mawala sa isip niya. “Nakakainis!” aniya sabay hagis ng nahawakan niyang picture frame sa sahig. “Ano bang problema mo, Serenity? Bakit ba sinasayang mo ang luha mo sa isang lalaking hindi ka naman panindigan? Tama na `yang kabaliwan mo. It’s been two years. Mag-

  • Merciless Series Book 1: Target Locked   XVII

    “HE’S Bullet Do, bago nating miyembro. Anak siya ni Russell,” wika ng ama. “Bullet, meet my son, Oliver Kim,” turo nito sa kanya. Tumingin sa kanya si Bullet. Tumango ito at ganoon rin ang naging tugon niya dito. Ipinakilala rin ng ama dito si Kristoff at Marigold. Ang totoo niyan ay matagal na niyang kilala si Bullet. Madalas kasing ipagyabang ni Sir Russell sa kanila ang galing nito. Kahit eighteen pa lang ito, tulad ng ama, eksperto na ito pagdating sa paggawa ng mga bomba, mga armas at iba pang inventions na maari nilang magamit sa kanilang mga misyon. Minsan nga ay may dinala si Sir Russell na parang mga simpleng candies lang pero kapag ihinahagis, sumasabog pala. At ayon dito, si Bullet ang may gawa no’n. Ganoon ito ka genius. “Siya nga pala. Akala ko ba darating din ngayon ang kapatid mo?” ani Kristoff kay Marigold.“Iyon ang sabi niya sa `kin. Baka may dinaanan lang.”“O baka naman nagbago na ang isip? Baka natakot na.”“Kung nagbago man ang isip niya, hindi ako ma

  • Merciless Series Book 1: Target Locked   XVI

    AFTER TWO YEARS... “SORRY kung ito lang ang regalo ko sa birthday mo. Nag-iipon kasi ako,” ani Serenity sa kapatid habang hawak ang cake na siya mismo ang may gawa.” “Sapat na sa `kin `to, Ate. Maraming salamat,” hinipan na ng kapatid ang kandila. “Thank you uli, Ate.” “Walang ano man para sa gwapo kong kapatid.” Tumingin sa paligid ang kapatid. Mukhang alam na niya ang hinahanap nito. “Hindi pa siya dumarating. Malay mo, may surprise din siya sa `yo.” “I doubt. Mula nang mawala si Papa, nakalimutan na niya ang maraming bagay. Nakalimutan na nga ata niya na nandito pa tayo.” Dalawang taon na mula nang dumating sila sa Singapore. Ganoon na rin katagal mula nang isubsob ng ina ang sarili sa trabaho. Madalas, wala ito sa bahay. Minsan nga feeling nila hindi lang ama ang nawala sa kanila. Hindi tuloy niya maiwasang isipin na may inililihim nga sa kanila ang ina. May hindi tama sa mga nangyayari. Ano nga kaya kung may itinatago sa kanya ang ina? Matapos nilang kumain, naghugas na s

  • Merciless Series Book 1: Target Locked   XV

    MATAPOS niyang maipadala ang message na iyon kay Serenity, pinatay na niya ang kanyang cellphone. Papalitan na rin niya iyon ng bagong simcard para tuluyan nang maputol ang ugnayan nila. Masakit man para kay Oliver ang pakikipaghiwalay kay Serenity, iyon ang naisip niyang pinakamabuting gawin sa lahat ng nangyayari. Mapapahamak lang ito kapag pinahaba pa nila ang kanilang relasyon. Gustong umiyak ni Oliver nang malaman na wala na nga ang Mama niya. Pero ni isang patak, walang tumulo mula sa kanyang mga mata. Puno ng galit ang puso niya. Gusto niyang maghiganti sa may kagagawan no’n sa kanyang ina at sa iba pang mga kasamahan. At maliban sa galit, ramdam din niya ang guilt. Guilt dahil sa huling hininga ng ina, dala-dala nito ang galit sa kanya dahil sinuway niya ito. Ayaw man niyang isipin pero sa galing ng Mama niya, paano kung naging dahilan iyon kaya hindi ito nakapag-concentrate at namatay? Hindi pa man naiuuwi sa HQ ang bangkay ng ina, naitawag na sa kanila ang nangyari. At ko

  • Merciless Series Book 1: Target Locked   XIV

    NANG makarating si Oliver sa apartment niya, may nadatnan siyang paper bag at isang box sa labas ng pinto pero wala na doon si Serenity. Malamang ay hindi pa nito kayang sagutin ang tanong niya kaya naisipan nitong umalis na lang. Pero kung umayaw man ito, hindi rin naman niya pipilitin si Serenity. Kahit ba mahal nila ang isa’t-isa, alam niyang mahirap kay Serenity ang mag-desisyon. Syimpre, nag-aaral pa sila. Hindi rin nito alam na kaya na niya itong buhayin sa laki ng pera na meron siya. “Sir. Andito na pala kayo. Sayang, kaaalis lang ni Mam.” Napatingin siya sa lalaking nakipag-usap sa kanya. Kapag may nakakasalubong siyang staff, minumukhaan niya at binabasa ang nameplate. Kaya naman agad niyang nakilala si Romeo. At mukhang kilala na rin ito ni Serenity. “Sayang. Dinalhan pa naman kayo ni Mam ng cake at pagkain. Saan ba kasi kayo galing, Sir?” Tahimik lang siya pero hindi niya ata nagugustuhan ang pakikialam nito. At mukhang ayaw pa talaga nitong tumigil. “Sa susunod, Sir,

  • Merciless Series Book 1: Target Locked   XIII

    MALAKI ang ibinabayad sa kanila sa bawat misyon. At simula nang magkaroon na ang anak ng mga sarili nitong kita, hindi niya iyon pinapakialaman. Kaya naman madali lang para sa anak ang makakuha ng isang condominium unit. Ganoon pa man, hindi mapigilan ni Agatha na huwag magduda sa biglaang pagbili ni Oliver ng condo nang hindi man lang nagsasabi sa kanila. May nararamdaman siyang hindi tama tungkol doon. Nang araw na `yon, gabi pa ang misyon ni Agatha. Kaya naman ginamit niya ang pagkakataong `yon para masilip ang condo ng anak. Gusto lang niyang masiguro na wala itong ginagawang hindi niya magugustuhan. Mabuti na lang at kilala niya ang nagmamay-ari ng building. Naging madali lang para sa kanya ang makakuha ng spare key. Sa pagpasok niya sa unit ni Oliver, mukhang wala naman nakakapagduda doon. Mga gamit lang ng anak ang nasa kwarto. Malamang gusto lang talaga nito magkaroon ng sariling space. Paalis na siya nang makarinig ng katok. Could it be her son? Pero ang alam niya, nasa is

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status