Si Kyle Joseph Alonzo ay isang pet lover at isang manlalakbay kasama ang kanyang mga kaibigan ngunit sa kanyang paglalakad, naligaw siya sa gitna ng kagubatan at napahiwalay sa kanyang mga kasama. Sa kalagitnaan ng kanyang pangamba dahil siya ay nag-iisa na lang ay nakasalubong niya ang isang babae na nababalot ng kulay puting damit. Sila ay nagkagulatan kaya napatulog siya nito at nang muli siyang magising ay iba na ang kanyang kapaligiran at tila siya ay napunta sa isang lugar na hindi pa niya nakikita sa buong buhay niya.
Lihat lebih banyakKyle's POV."Pssst! Zhyrah, bakit nga parang walang lalake sa lugar na 'to?" muling tanong ko kay Zhyrah pagkaalis na pagkaalis ni Secret.S'yempre, gusto ko talaga malaman kung bakit parang ako lang ang lalake dito. Malay ko ba na baka sadyang wala talagang lalake sa lahi nila. Baka naman mayro'n, pero nagmukhang lalake lang?"Eh? Akala ko ba hindi ka na magtatanong katulad ng sinabi mo kay Secret?" Nag-aalangang tumingin sa 'kin si Zhyrah.Waah! Bakit ba ayaw nilang sabihin sa akin ang dahilan? Sasabihin lang naman eh. Ang daya naman!"Huwag kang maingay. Wala naman si Secret eh. Sabihin mo na. Tsaka pangako ko, hindi ko sasabihin sa kanya na sinabi mo sa 'kin. Sabihin mo na kasi."Sa ilang minutong pangungulit ko kay Zhyrah ay napailing na lang siya at napahawak sa kanyang noo. Pagkatapos ay bumuntong hininga siya ng malalim.Yes! Mukhang sasabihin na niya."Pasensiya ka na ha. Malalagot kasi ako kay Secret kapag
Secret's POV."Ano?! Nagkakilala lang kayo sa labas ng palasyo?!" gulat na tanong ni Zhyrah.Walang gana ko siyang tinitigan habang nakatingin sa kanya.Katulad ng inaasahan ko, nagulat nga siya sa pinaliwanag ko. Hindi na lang sana ako nagbalak pang magkuwento sa kanya. Tss.Hindi rin alam ng aking isipan kung bakit dinala ko pa ang lalakeng nilalang sa lugar na 'to.Naalala ko 'yong unang pagkikita naming dalawa at hanggang ngayon ay bumabalik pa rin ito sa aking alaala."Kung gano'n. . . isa kang halimaw!" Sabay kaming sumigaw ng isang nilalang na kaharap ko.Nakita ko siyang akmang hahampasin ako, pero naunahan ko siya at agad na kinumpas ang kamay ko para patulugin siya. Unti-onting pumikit ang kanyang mata ngunit bago pa mangyari 'yon ay nakita niya ang pagkumpas ko ng aking kamay. Pagkatapos ay tuluyan na siyang n
Kyle's POV."Kung gusto mong dito muna manirahan, ipapakilala kita sa nakakataas subalit mas maganda kung umalis kana lang dahil sa lugar na 'to, hindi maaaring magmahal ang lalake at babae na kagaya ko at kagaya mo sapagkat walang nilalang sa lugar na 'to ang nais manirahan kasama ang ibang kasarian." Isang seryosong tingin ang ipinukol niya sa 'kin.Muli akong natigilan dahil sa narinig. Bawal daw magmahal? Anong klaseng lugar ba talaga ang napuntahan ko?Ilang minuto akong hindi kumibo at nang hindi na ko makatiis ay humagalpak na ko ng tawa habang nakahawak pa sa tiyan ko na sumasakit na.Nagsalubong ang dalawang kilay niya sa naging asal ko at naguguluhan niya kong tinitigan."Hindi mo naman sinabi kanina na mahilig ka rin pa lang magpatawa? Biruin mo, akala ko ay seryoso ka sa sinabi mong bawal magmahal. Buti na lang ay matalino ako at naisip ko kaagad na nagbibiro ka
Kyle's POV."Oh, ano kayo ngayon? Sabi ko naman kasi sa inyo huwag na tayo dito eh. Naligaw pa tuloy tayo." Hindi ko maiwasan sumimangot habang naglalakad.Nauuna na kong maglakad sa kanila dahil sa inis ko.Ako si Kyle Joseph Alonzo at hindi dapat ako naglalakad lang dito sa gubat ng paulit-ulit. Tss. Hilig ko ang mag-adventure kapag walang pasok sa school o kaya kapag bakasyon. Kasama ko lagi sa gala ang mga tropa ko. Tawag nga nila sakin, Giego. Yong pinsan ni Dora. Tss. Pet lovers din kasi ako. Kasalanan ko ba na love na love ko ang mga animals? Nasaan ang katarungan?At ito na nga, nandito kami ngayon sa isang gubat at naliligaw na. Sabi ko kasi sa kanila, doon na lang kami sa bulkang Mayon. Napangiti ako sa naisip. Mahilig ako sa mga bundok, pero ang mga kasama ko naman, takot doon. Baka raw bigla na lang mag-alburoto. Ewan ko ba sa kanila.Pero bago ang lahat, nasaan parte na ba kami ng gubat? Naliligaw na talaga kami
Sa isang kulay bughaw na sapa, masayang umaawit ang isang napakagandang dalaga habang siya ay naliligo.Matulis ang kanyang mga tainga, kulay puti ang kanyang buhok, kilay at pilik-mata. Ang kanyang kutis ay mala-porselana at mayroon siyang nakabibighaning ngiti sa kanyang labi.Ito ang Ilan sa kanyang katangian kaya siya kinagigiliwan ng lahat ng nilalang na ninirahan sa aming tahanan.Isa na ko sa mga nilalang na nabihag ng kanyang kagandahan, pero nais kong ipagmalaki na iba ako sa mga lalake nagkagusto sa kanya.Angat ako sa kanila."Rosella!"Lumingon siya agad sa direksyon ko pagkarinig niya sa aking tinig. Isang ngiti ang ipinukol niya sa 'kin na agad ko rin namang sinuklian."Roberto, anong ginagawa mo rito?" Naglakad siya patungo sa mas malalim pang parte ng sapa.&nb
Sa isang kulay bughaw na sapa, masayang umaawit ang isang napakagandang dalaga habang siya ay naliligo.Matulis ang kanyang mga tainga, kulay puti ang kanyang buhok, kilay at pilik-mata. Ang kanyang kutis ay mala-porselana at mayroon siyang nakabibighaning ngiti sa kanyang labi.Ito ang Ilan sa kanyang katangian kaya siya kinagigiliwan ng lahat ng nilalang na ninirahan sa aming tahanan.Isa na ko sa mga nilalang na nabihag ng kanyang kagandahan, pero nais kong ipagmalaki na iba ako sa mga lalake nagkagusto sa kanya.Angat ako sa kanila."Rosella!"Lumingon siya agad sa direksyon ko pagkarinig niya sa aking tinig. Isang ngiti ang ipinukol niya sa 'kin na agad ko rin namang sinuklian."Roberto, anong ginagawa mo rito?" Naglakad siya patungo sa mas malalim pang parte ng sapa.&nb
Komen