Share

Memory Forest
Memory Forest
Author: IceOnMyEyes

Panimula

Author: IceOnMyEyes
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Sa isang kulay bughaw na sapa, masayang umaawit ang isang napakagandang dalaga habang siya ay naliligo. 

Matulis ang kanyang mga tainga, kulay puti ang kanyang buhok, kilay at pilik-mata. Ang kanyang kutis ay mala-porselana at mayroon siyang nakabibighaning ngiti sa kanyang labi. 

Ito ang Ilan sa kanyang  katangian kaya siya kinagigiliwan ng lahat ng nilalang na ninirahan sa aming tahanan. 

Isa na ko sa mga nilalang na nabihag ng kanyang kagandahan, pero nais kong ipagmalaki na iba ako sa mga lalake nagkagusto sa kanya. 

Angat ako sa kanila.

"Rosella!" 

Lumingon siya agad sa direksyon ko pagkarinig niya sa aking tinig. Isang ngiti ang ipinukol niya sa 'kin na agad ko rin namang sinuklian. 

"Roberto, anong ginagawa mo rito?" Naglakad siya patungo sa mas malalim pang parte ng sapa.

"Pinagmamasdan ko lamang ang 'yong kagandahan." Isang pilyong ngiti ang ipinukol ko sa kanya.

Mapaglarong tawa ang tinugon niya sa 'kin.  "Naliligo ako, Roberto. Hindi mo ba nakikita? Nais mo yatang sumabay sa 'kin na magpaanod sa sapa." 

"Kung 'yong mararapatin." 

Isang katahimikan ang namagitan sa aming dalaga. Sinundan ko 'yon ng isang halakhak.

"Nagbibiro lamang ako. Nais ko lang siguraduhin na walang ibang lalake ang nagmamasid sa 'yo bukod sa 'kin." 

Inilubog ko ang kalahati ng aking katawan sa tubig hanggang sa unti-onti akong lumapit sa kanya. 

Nang magkasalubong ang aming mga landas ay isang halik ang ipinukol namin sa isa't-isa. 

"Huwag kang mag-alala, Roberto. Matagal na silang talo sa 'yo sapagkat dati mo pa nabihag ang puso ko." 

Sa pagtitig niya sa aking mga mata, hindi ko mapigilan makaramdam ng isang kidlat na biglang dumaloy sa aking loob. Pakiramdam ko ay bigla akong lumutang sa ere. 

Sa bawat minuto na lumilipas, pakiramdam ko ay ilang minuto pa lang din simula nang maging akin siya. Maging akin si Rosella.

"Ayaw ko lang naman makita ng iba ang katawan ng aking nobya sapagkat 'yan ay pagmamay-ari ko na." 

Muling nanaig ang katahimikan sa pagitan namin at pagkalipas ng ilang minuto ay sabay kaming tumawa. 

"Hindi na talaga nabago ang pagiging pilyo mo, Roberto. Hintayan mo ko sa gilid ng sama at aahon na ko." 

Tumango ako sa kanya. Gamit ang aking mahika, kinumpas ko ang aking kamay upang bigyan ng takip o kasuotan ang aking katawan. 

Nagtungo ako sa gilid ng sapa at inilibot ko ang aking paningin sa paligid upang siguraduhin na wala ngang naligaw na nilalang sa aming kinalalagyan. 

Nakita ko ang magandang hubog ng katawan ng aking sinisinta pagkaahon niya sa sapa. Kinumpas niya ang kanyang kamay upang mabilis na mapatuyo ang kanyang sarili. Pagkatapos ay tinulungan ko siya upang malagyan ng takip o kasuotan ang kanyang katawan. 

"Salamat. Halika na at bumalik na tayo sa ating tirahan." Hinawakan niya ang kamay ko at muli siyang ngumiti sa 'kin. 

Nauna siyang naglakad sa 'kin, pero agad din siyang huminto sa paglalakad sapagkat hindi ako sumunod sa kanya. 

"Sigurado kana ba sa ating plano, mahal?" 

Mababakas ko ang lungkot sa mga mata ni Rosella, pero nagawa pa rin niyang ngumiti sa 'kin. 

"Ayaw mo ba? Nagdadalawang-isip kana ba? Kung nakakaramdam ka ng takot ay ako na lang at-" 

"Hindi! Hindi sa gano'n, Rosella. Iniisip ko lamang ang mangyayari sa 'yo sa oras na matupad ang ating plano sapagkat mahal na mahal kita." 

Hindi ko mapigilan ang nag-uumapaw kong emosyon. Hinila ko siya palapit sa 'kin at iginapos ko siyang sa aking mga braso. Isang mahigpit na yakap ang binigay ko sa kanya habang mahina akong lumuluha. 

Parang hindi ko yata kaya... 

"Paumanhin, Rosella. Paumanhin kung hindi ako naging mas matapang na nilalang para sa 'yo. Paumanhin kung mahina ako." 

Naramdaman ko ang pagyakap niya sa 'kin pabalik. 

"Hindi mo kasalanan ang lahat, Roberto. Hindi pa ito ang wakas para sa ating dalawa. Mahal na mahal din kita." 

Mas humigpit pa ang yakap niya sa 'kin at naramdaman ko ang luha niya sa aking damit. 

Marahil ay hindi lang ito ang tamang panahon para ipagpatuloy ang pag-iibigan naming dalawa. 

Pagkalipas ng ilang saglit ay sabay kaming kumalas sa pagyayakapan at magkahawak-kamay kaming nagtungo sa aming tirahan. 

Nang marating namin ang bungad ng aming tirahan ay walang gana kaming kumalas sa isa't-isa. Naramdaman ko pa ang mahigpit niyang paghawak sa kamay ko bago niya ko tuluyang binitiwan. 

Maingay ang paligid. Maraming nagtatawanan, at abala ang lahat sa pagkukuwentuhan. May ibang lalake na binibigyan ng aliw ang mga babae na natitipuhan nila. Ang iba ay kumakanta at ang iba ay sumasayaw. May ilan namang tahimik lang at nakamasid sa kanilang paligid. 

Lumingon sa 'kin si Rosella at tinitigan niya ko. Isang tingin na ngayon ko lamang nakita sa kanyang mukha. 

Mukhang papatak na nga ang luha sa kanyang mga mata subalit kinakagat niya ang kanyang ibabang labi upang pigilan ito. 

"Paalam," huling wika niya.

"Paalam." Ngumiti ako sa kanya at saka tumalikod. 

Hindi na ko nag-abala na lumingon pa ulit sa kanya sapagkat mas magiging mahirap lamang sa akin ang lahat. Isa pa, mas masasaktan lang si Rosella kung lilingon pa ko sa kanya. 

Naglakad ako palayo sa lugar na 'yon. Habang naglalakad ako ay gano'n din ang pagtulo ng luha ko na walang humpay. Pakiramdam ko ay may isang sapa na namumuhay sa aking katawan dahil sa bawat luha na pumapatak sa aking pisngi. 

Ito na ang pansamantala naming paghihiwalay. 

Huminto ako sa tapat ng isang malaking puno kung saan maaaring makita ang portal patungo sa kabilang mundo. 

Hindi na ko nagdalawang isip pa. Bumuntong hininga ako ng malalim at walang alinlangan na pumasok dito. 

Ilang minuto akong nakaramdam ng pagkahilo sapagkat batid ko na ako ay naglalakbay sa ibang mundo. 

Pagkalipas ng ilang oras ay tumigil ang pagkahilo na nararamdaman ko. Inilibot ko ang aking paningin at tumambad sa akin ang iba't-ibang klase ng bagay na ngayon ko lamang napagmasdan sa buong buhay ko. 

Ngumiti ako. Dito na pansamantalang matatapos ang buhay ko. 

Umusal ako ng isang makapangyarihang salita.

Isang makapangyarihang salita maglalaho ang aking wangis at lilipat ang aking espiritu sa isang nilalang mula rito sa lugar na pinuntahan ko.

Related chapters

  • Memory Forest   Kabanata 1

    Kyle's POV."Oh, ano kayo ngayon? Sabi ko naman kasi sa inyo huwag na tayo dito eh. Naligaw pa tuloy tayo." Hindi ko maiwasan sumimangot habang naglalakad.Nauuna na kong maglakad sa kanila dahil sa inis ko.Ako si Kyle Joseph Alonzo at hindi dapat ako naglalakad lang dito sa gubat ng paulit-ulit. Tss. Hilig ko ang mag-adventure kapag walang pasok sa school o kaya kapag bakasyon. Kasama ko lagi sa gala ang mga tropa ko. Tawag nga nila sakin, Giego. Yong pinsan ni Dora. Tss. Pet lovers din kasi ako. Kasalanan ko ba na love na love ko ang mga animals? Nasaan ang katarungan?At ito na nga, nandito kami ngayon sa isang gubat at naliligaw na. Sabi ko kasi sa kanila, doon na lang kami sa bulkang Mayon. Napangiti ako sa naisip. Mahilig ako sa mga bundok, pero ang mga kasama ko naman, takot doon. Baka raw bigla na lang mag-alburoto. Ewan ko ba sa kanila.Pero bago ang lahat, nasaan parte na ba kami ng gubat? Naliligaw na talaga kami

  • Memory Forest   Kabanata 2

    Kyle's POV."Kung gusto mong dito muna manirahan, ipapakilala kita sa nakakataas subalit mas maganda kung umalis kana lang dahil sa lugar na 'to, hindi maaaring magmahal ang lalake at babae na kagaya ko at kagaya mo sapagkat walang nilalang sa lugar na 'to ang nais manirahan kasama ang ibang kasarian." Isang seryosong tingin ang ipinukol niya sa 'kin.Muli akong natigilan dahil sa narinig. Bawal daw magmahal? Anong klaseng lugar ba talaga ang napuntahan ko?Ilang minuto akong hindi kumibo at nang hindi na ko makatiis ay humagalpak na ko ng tawa habang nakahawak pa sa tiyan ko na sumasakit na.Nagsalubong ang dalawang kilay niya sa naging asal ko at naguguluhan niya kong tinitigan."Hindi mo naman sinabi kanina na mahilig ka rin pa lang magpatawa? Biruin mo, akala ko ay seryoso ka sa sinabi mong bawal magmahal. Buti na lang ay matalino ako at naisip ko kaagad na nagbibiro ka

  • Memory Forest   Kabanata 3

    Secret's POV."Ano?! Nagkakilala lang kayo sa labas ng palasyo?!" gulat na tanong ni Zhyrah.Walang gana ko siyang tinitigan habang nakatingin sa kanya.Katulad ng inaasahan ko, nagulat nga siya sa pinaliwanag ko. Hindi na lang sana ako nagbalak pang magkuwento sa kanya. Tss.Hindi rin alam ng aking isipan kung bakit dinala ko pa ang lalakeng nilalang sa lugar na 'to.Naalala ko 'yong unang pagkikita naming dalawa at hanggang ngayon ay bumabalik pa rin ito sa aking alaala."Kung gano'n. . . isa kang halimaw!" Sabay kaming sumigaw ng isang nilalang na kaharap ko.Nakita ko siyang akmang hahampasin ako, pero naunahan ko siya at agad na kinumpas ang kamay ko para patulugin siya. Unti-onting pumikit ang kanyang mata ngunit bago pa mangyari 'yon ay nakita niya ang pagkumpas ko ng aking kamay. Pagkatapos ay tuluyan na siyang n

  • Memory Forest   Kabanata 4

    Kyle's POV."Pssst! Zhyrah, bakit nga parang walang lalake sa lugar na 'to?" muling tanong ko kay Zhyrah pagkaalis na pagkaalis ni Secret.S'yempre, gusto ko talaga malaman kung bakit parang ako lang ang lalake dito. Malay ko ba na baka sadyang wala talagang lalake sa lahi nila. Baka naman mayro'n, pero nagmukhang lalake lang?"Eh? Akala ko ba hindi ka na magtatanong katulad ng sinabi mo kay Secret?" Nag-aalangang tumingin sa 'kin si Zhyrah.Waah! Bakit ba ayaw nilang sabihin sa akin ang dahilan? Sasabihin lang naman eh. Ang daya naman!"Huwag kang maingay. Wala naman si Secret eh. Sabihin mo na. Tsaka pangako ko, hindi ko sasabihin sa kanya na sinabi mo sa 'kin. Sabihin mo na kasi."Sa ilang minutong pangungulit ko kay Zhyrah ay napailing na lang siya at napahawak sa kanyang noo. Pagkatapos ay bumuntong hininga siya ng malalim.Yes! Mukhang sasabihin na niya."Pasensiya ka na ha. Malalagot kasi ako kay Secret kapag

Latest chapter

  • Memory Forest   Panimula

    Sa isang kulay bughaw na sapa, masayang umaawit ang isang napakagandang dalaga habang siya ay naliligo.Matulis ang kanyang mga tainga, kulay puti ang kanyang buhok, kilay at pilik-mata. Ang kanyang kutis ay mala-porselana at mayroon siyang nakabibighaning ngiti sa kanyang labi.Ito ang Ilan sa kanyang katangian kaya siya kinagigiliwan ng lahat ng nilalang na ninirahan sa aming tahanan.Isa na ko sa mga nilalang na nabihag ng kanyang kagandahan, pero nais kong ipagmalaki na iba ako sa mga lalake nagkagusto sa kanya.Angat ako sa kanila."Rosella!"Lumingon siya agad sa direksyon ko pagkarinig niya sa aking tinig. Isang ngiti ang ipinukol niya sa 'kin na agad ko rin namang sinuklian."Roberto, anong ginagawa mo rito?" Naglakad siya patungo sa mas malalim pang parte ng sapa.&nb

DMCA.com Protection Status