Share

Kabanata 2

Author: IceOnMyEyes
last update Last Updated: 2021-07-31 22:01:03

Kyle's POV.

"Kung gusto mong dito muna manirahan, ipapakilala kita sa nakakataas subalit mas maganda kung umalis kana lang dahil sa lugar na 'to, hindi maaaring magmahal ang lalake at babae na kagaya ko at kagaya mo sapagkat walang nilalang sa lugar na 'to ang nais manirahan kasama ang ibang kasarian." Isang seryosong tingin ang ipinukol niya sa 'kin.

Muli akong natigilan dahil sa narinig. Bawal daw magmahal? Anong klaseng lugar ba talaga ang napuntahan ko?

Ilang minuto akong hindi kumibo at nang hindi na ko makatiis ay humagalpak na ko ng tawa habang nakahawak pa sa tiyan ko na sumasakit na. 

Nagsalubong ang dalawang kilay niya sa naging asal ko at naguguluhan niya kong tinitigan.

"Hindi mo naman sinabi kanina na mahilig ka rin pa lang magpatawa? Biruin mo, akala ko ay seryoso ka sa sinabi mong bawal magmahal. Buti na lang ay matalino ako at naisip ko kaagad na nagbibiro ka lang." 

Wala pa rin humpay ang pagtawa ko. Pakiramdam ko nga ay maluluha na rin ako sa kakatawa.

Laugh trip talaga siya. Pakiramdam ko ay napunta ako sa ibang mundo dahil sa sinabi niya. Saan parte ng Pilipinas kaya ko naroroon ngayon?

"Tss. Ewan ko sa 'yo. Ayaw ko ng makipag-usap sa 'yo. Bahala ka na lang d'yan." Inirapan niya ko bago siya lumabas ng kuwarto at iniwan akong tulala at natigilan.

Hala! Anong nangyari sa kanya? 

Nagmadali akong tumayo at lumabas ng kuwarto para sundan siya.

"Hey! Hintayin mo naman ako!" 

Nakailan tawag na ko sa kanya, pero hindi man lang siya lumilingon at humihinto sa paglalakad. 

"Hey! Ano bang problema mo? Hindi naman kita inaano d'yan ah." Napapailing na lang ako.

Binilisan ko pa ang paglalakad ko upang maabutan ko siya.

"Tumahimik ka at huwag mo na kong sundan." 

Kinilabutan ako ng marinig ko ang malamig niyang boses subalit hindi ako nakinig sa sinabi niya at patuloy ko pa rin siyang sinundan. Hanggang sa nakarating kami sa isang room na parang illusion. 

Alam mo 'yon? Kapag hinawakan mo ang isang bagay ay wala kang mahahawakan at para lang itong hangin subalit may nakikita kang bagay. 

"Anong gagawin na 'tin dito?" tanong ko sa kasama ko ngunit hindi siya sumagot at pumasok lang sa loob.

Ang galing! Nakapasok siya sa lugar na illusion! Masubukan ko nga rin. High-tech pala ang mga bagay dito eh. Hahaha. 

Sumunod ako sa kanya at binuksan ang pinto ng kuwarto kahit wala naman akong nahahawakan at napangisi ako ng malawak nang makapasok ako sa loob ngunit bahagya akong natigilan nang mapansin ang itsura ng kuwartong napuntahan ko.

"Waah!" Hindi ko natuloy ang pagsigaw ko dahil bigla na lang akong kinurot nitong babaeng 'to eh. 

Ano ba 'yan. Parang nagiging bakla na ko sa storya. Tss. Ang dahilan lang naman kung bakit sumigaw ako kanina, 'yon ay dahil wala akong makita sa paligid. As in parang block out lang. Tapos nang ilinga ko ang aking mga mata, may nakita akong mata na nakatingin sa akin. Parang umiilaw pa nga 'yon at kulay green 'yong mata. Nasa ibang planeta na yata ako eh. 

Bumuntong hininga ako ng malalim upang mapanatili ang pagiging kalmado ko.

"Tss. Bading." 

Napasimangot ako nang marinig ko 'yong bulong ng babae. Grabe naman siya. Siguro gano'n din 'yong mata niya sa dilim kaya hindi na siya natatakot.

"Hoy! Hin-" 

Hindi ko ulit natapos ang sasabihin ko nang bigla na lamang siya lumapit doon sa mata na nakita ko kanina. Nalaman ko lang ang paglakad ng kasama ko dahil parang may nag-glow sa kamay niya. 

"Pinuno, may isang mortal ang napadpad dito sa ating lugar. Ano ang maaari kong gawin sa kanya?" 

Ano raw? Akala ko ba ipapaalam niya ko na rito muna ako maninirahan? Ano ba ngayon ang tinatanong niya? Hindi ko talaga siya maintindihan.

"Hayaan mo lang muna siya rito." 

May bigla na lang nagsalita na sobrang laki ng boses. 'Yon yata ang kausap ng babae. Teka. . . nagsasalita 'yong mata? Ibang klase naman ang mga tao, alien o kung sino sa lugar na 'to. Pati mata ay nagsasalita.

"Pero, Pinuno. . ."

Ang sama naman ng babaeng 'to! Mukhang ayaw pa yata akong patirahin dito. Astig pa naman ng lugar na 'to, pero ang weird din. Kasi naman, parang nasa ibang planeta talaga ako eh. Hindi ko maiwasang mapabuntong hininga ng malalim.

"Sundin mo na lang ang utos ko." 

"Masusunod, Pinuno." 

Dama ko ang pagkadismaya sa boses ng babaeng kasama ko pagkatapos kong marinig ang huli niyang sinabi. Nauna na siyang lumabas sa 'kin at iniwan na naman niya ko.

Mabilis akong sumunod sa kanya palabas. Baka mamaya kasi ay bigla na lang akong hilahin at kainin ng umiilaw na mata na 'yon. Mahirap na, guwapo pa naman ako. Napailing ako sa naisip.

"Tsk. Bakit ba kasi dinala pa-"

"Secret!" 

Napahinto sa pagsasalita 'yong babae nang may bigla na lamang sumigaw.

Sabay kaming napalingon ng babae sa pinanggalingan ng boses at doon ko nakita ang isa pang weird na babae. Nakalutang siya at nakasakay siya sa parang wand na kasing laki ng isang walis tambo.

"What?" Walang expression na tinitigan ng kasama ko 'yong bagong dating na babae.

"Hinahanap ka kasi namin tapos-" Huminto siya sa pagsasalita at lumingon sa direksyon ko. 

Todo pa-cute naman akong ngumiti sa kanya. Maganda rin kasi siya eh. Ang suot niya ay katulad ng suot ng babaeng kasama ko kanina pa. Magkaiba lang sila ng buhok dahil maikli ang buhok ng isang ito at kulot sa baba.

"Sino ka?"

Ouch! Sino raw ako? Anak ng tinapa, toyo with tokwa't baboy naman oh. Parang mataray din ang isang 'to.

Tula

"Ako nga pala si Kyle Joseph Alonzo. Ikaw?" Nakangiti kong inabot ang kamay ko sa kanya ngunit hindi man lang niya ito pinansin kaya binaba ko na lang.

Sabi ko nga eh, bawal ang love sa lugar na 'to. 

"Ako si Zhyrah Khishra Cacache. Pasensiya na, ngayon pa lang kasi kitang nakita rito."

Ngumiti na lang ako ulit sa kanya bilang tugon. Ay, oo nga pala! Lumingon ako sa direksyon ng babaeng kasama ko kanina pa at ngumiti din ng malawak sa kanya.

"Ikaw naman, anong pangalan mo?" 

Kanina ko pa siya kasama, pero hindi ko pa rin nalalaman ang pangalan niya. Ngayon ko lang naisip na magtanong sa kanya. Hahaha.

"Mahalaga pa bang malaman 'yon?" Inirapan na naman niya ko.

"Siya lang naman si-"

"Secret. It's Secret." 

Napasimangot ako nang putulin ng babae ang pananalita ni Zhyrah. Huh? Ano raw?

"Sabihin mo na! Pangit ba pangalan mo para hindi mo sabihin?" 

"Tss. Ang kulit mo. Ang pangalan ko nga ay Secret." Kulang na lang ay gilitan niya na ang leeg ko dahil sa sama ng tingin niya sa 'kin.

Secret name niya? 

"Ang kulit naman ng pangalan na pinangalan sa 'yo ng magulang mo. Secret? Ayos ah." 

Hindi ko napigilan ang sarili ko at napahagalpak na naman ako ng tawa.  

"Gusto mo na bang mamatay?" Nakita ko ang pagkairita sa mga mata niya.

Natigilan ako sa pagtawa dahil parang mas lalong sumeryoso na ngayon ang tono ng boses niya.

Tinitigan ko siya at inalam kung nagloloko siya, pero hindi man lang siya kumukurap. Hala! Nagalit ko yata si Ms. Secret! Pft.

Related chapters

  • Memory Forest   Kabanata 3

    Secret's POV."Ano?! Nagkakilala lang kayo sa labas ng palasyo?!" gulat na tanong ni Zhyrah.Walang gana ko siyang tinitigan habang nakatingin sa kanya.Katulad ng inaasahan ko, nagulat nga siya sa pinaliwanag ko. Hindi na lang sana ako nagbalak pang magkuwento sa kanya. Tss.Hindi rin alam ng aking isipan kung bakit dinala ko pa ang lalakeng nilalang sa lugar na 'to.Naalala ko 'yong unang pagkikita naming dalawa at hanggang ngayon ay bumabalik pa rin ito sa aking alaala."Kung gano'n. . . isa kang halimaw!" Sabay kaming sumigaw ng isang nilalang na kaharap ko.Nakita ko siyang akmang hahampasin ako, pero naunahan ko siya at agad na kinumpas ang kamay ko para patulugin siya. Unti-onting pumikit ang kanyang mata ngunit bago pa mangyari 'yon ay nakita niya ang pagkumpas ko ng aking kamay. Pagkatapos ay tuluyan na siyang n

    Last Updated : 2021-07-31
  • Memory Forest   Kabanata 4

    Kyle's POV."Pssst! Zhyrah, bakit nga parang walang lalake sa lugar na 'to?" muling tanong ko kay Zhyrah pagkaalis na pagkaalis ni Secret.S'yempre, gusto ko talaga malaman kung bakit parang ako lang ang lalake dito. Malay ko ba na baka sadyang wala talagang lalake sa lahi nila. Baka naman mayro'n, pero nagmukhang lalake lang?"Eh? Akala ko ba hindi ka na magtatanong katulad ng sinabi mo kay Secret?" Nag-aalangang tumingin sa 'kin si Zhyrah.Waah! Bakit ba ayaw nilang sabihin sa akin ang dahilan? Sasabihin lang naman eh. Ang daya naman!"Huwag kang maingay. Wala naman si Secret eh. Sabihin mo na. Tsaka pangako ko, hindi ko sasabihin sa kanya na sinabi mo sa 'kin. Sabihin mo na kasi."Sa ilang minutong pangungulit ko kay Zhyrah ay napailing na lang siya at napahawak sa kanyang noo. Pagkatapos ay bumuntong hininga siya ng malalim.Yes! Mukhang sasabihin na niya."Pasensiya ka na ha. Malalagot kasi ako kay Secret kapag

    Last Updated : 2021-07-31
  • Memory Forest   Panimula

    Sa isang kulay bughaw na sapa, masayang umaawit ang isang napakagandang dalaga habang siya ay naliligo.Matulis ang kanyang mga tainga, kulay puti ang kanyang buhok, kilay at pilik-mata. Ang kanyang kutis ay mala-porselana at mayroon siyang nakabibighaning ngiti sa kanyang labi.Ito ang Ilan sa kanyang katangian kaya siya kinagigiliwan ng lahat ng nilalang na ninirahan sa aming tahanan.Isa na ko sa mga nilalang na nabihag ng kanyang kagandahan, pero nais kong ipagmalaki na iba ako sa mga lalake nagkagusto sa kanya.Angat ako sa kanila."Rosella!"Lumingon siya agad sa direksyon ko pagkarinig niya sa aking tinig. Isang ngiti ang ipinukol niya sa 'kin na agad ko rin namang sinuklian."Roberto, anong ginagawa mo rito?" Naglakad siya patungo sa mas malalim pang parte ng sapa.&nb

    Last Updated : 2021-07-31
  • Memory Forest   Kabanata 1

    Kyle's POV."Oh, ano kayo ngayon? Sabi ko naman kasi sa inyo huwag na tayo dito eh. Naligaw pa tuloy tayo." Hindi ko maiwasan sumimangot habang naglalakad.Nauuna na kong maglakad sa kanila dahil sa inis ko.Ako si Kyle Joseph Alonzo at hindi dapat ako naglalakad lang dito sa gubat ng paulit-ulit. Tss. Hilig ko ang mag-adventure kapag walang pasok sa school o kaya kapag bakasyon. Kasama ko lagi sa gala ang mga tropa ko. Tawag nga nila sakin, Giego. Yong pinsan ni Dora. Tss. Pet lovers din kasi ako. Kasalanan ko ba na love na love ko ang mga animals? Nasaan ang katarungan?At ito na nga, nandito kami ngayon sa isang gubat at naliligaw na. Sabi ko kasi sa kanila, doon na lang kami sa bulkang Mayon. Napangiti ako sa naisip. Mahilig ako sa mga bundok, pero ang mga kasama ko naman, takot doon. Baka raw bigla na lang mag-alburoto. Ewan ko ba sa kanila.Pero bago ang lahat, nasaan parte na ba kami ng gubat? Naliligaw na talaga kami

    Last Updated : 2021-07-31

Latest chapter

  • Memory Forest   Kabanata 2

    Kyle's POV."Kung gusto mong dito muna manirahan, ipapakilala kita sa nakakataas subalit mas maganda kung umalis kana lang dahil sa lugar na 'to, hindi maaaring magmahal ang lalake at babae na kagaya ko at kagaya mo sapagkat walang nilalang sa lugar na 'to ang nais manirahan kasama ang ibang kasarian." Isang seryosong tingin ang ipinukol niya sa 'kin.Muli akong natigilan dahil sa narinig. Bawal daw magmahal? Anong klaseng lugar ba talaga ang napuntahan ko?Ilang minuto akong hindi kumibo at nang hindi na ko makatiis ay humagalpak na ko ng tawa habang nakahawak pa sa tiyan ko na sumasakit na.Nagsalubong ang dalawang kilay niya sa naging asal ko at naguguluhan niya kong tinitigan."Hindi mo naman sinabi kanina na mahilig ka rin pa lang magpatawa? Biruin mo, akala ko ay seryoso ka sa sinabi mong bawal magmahal. Buti na lang ay matalino ako at naisip ko kaagad na nagbibiro ka

  • Memory Forest   Kabanata 1

    Kyle's POV."Oh, ano kayo ngayon? Sabi ko naman kasi sa inyo huwag na tayo dito eh. Naligaw pa tuloy tayo." Hindi ko maiwasan sumimangot habang naglalakad.Nauuna na kong maglakad sa kanila dahil sa inis ko.Ako si Kyle Joseph Alonzo at hindi dapat ako naglalakad lang dito sa gubat ng paulit-ulit. Tss. Hilig ko ang mag-adventure kapag walang pasok sa school o kaya kapag bakasyon. Kasama ko lagi sa gala ang mga tropa ko. Tawag nga nila sakin, Giego. Yong pinsan ni Dora. Tss. Pet lovers din kasi ako. Kasalanan ko ba na love na love ko ang mga animals? Nasaan ang katarungan?At ito na nga, nandito kami ngayon sa isang gubat at naliligaw na. Sabi ko kasi sa kanila, doon na lang kami sa bulkang Mayon. Napangiti ako sa naisip. Mahilig ako sa mga bundok, pero ang mga kasama ko naman, takot doon. Baka raw bigla na lang mag-alburoto. Ewan ko ba sa kanila.Pero bago ang lahat, nasaan parte na ba kami ng gubat? Naliligaw na talaga kami

  • Memory Forest   Panimula

    Sa isang kulay bughaw na sapa, masayang umaawit ang isang napakagandang dalaga habang siya ay naliligo.Matulis ang kanyang mga tainga, kulay puti ang kanyang buhok, kilay at pilik-mata. Ang kanyang kutis ay mala-porselana at mayroon siyang nakabibighaning ngiti sa kanyang labi.Ito ang Ilan sa kanyang katangian kaya siya kinagigiliwan ng lahat ng nilalang na ninirahan sa aming tahanan.Isa na ko sa mga nilalang na nabihag ng kanyang kagandahan, pero nais kong ipagmalaki na iba ako sa mga lalake nagkagusto sa kanya.Angat ako sa kanila."Rosella!"Lumingon siya agad sa direksyon ko pagkarinig niya sa aking tinig. Isang ngiti ang ipinukol niya sa 'kin na agad ko rin namang sinuklian."Roberto, anong ginagawa mo rito?" Naglakad siya patungo sa mas malalim pang parte ng sapa.&nb

DMCA.com Protection Status