Kyle's POV."Oh, ano kayo ngayon? Sabi ko naman kasi sa inyo huwag na tayo dito eh. Naligaw pa tuloy tayo." Hindi ko maiwasan sumimangot habang naglalakad. Nauuna na kong maglakad sa kanila dahil sa inis ko.Ako si Kyle Joseph Alonzo at hindi dapat ako naglalakad lang dito sa gubat ng paulit-ulit. Tss. Hilig ko ang mag-adventure kapag walang pasok sa school o kaya kapag bakasyon. Kasama ko lagi sa gala ang mga tropa ko. Tawag nga nila sakin, Giego. Yong pinsan ni Dora. Tss. Pet lovers din kasi ako. Kasalanan ko ba na love na love ko ang mga animals? Nasaan ang katarungan? At ito na nga, nandito kami ngayon sa isang gubat at naliligaw na. Sabi ko kasi sa kanila, doon na lang kami sa bulkang Mayon. Napangiti ako sa naisip. Mahilig ako sa mga bundok, pero ang mga kasama ko naman, takot doon. Baka raw bigla na lang mag-alburoto. Ewan ko ba sa kanila. Pero bago ang lahat, nasaan parte na ba kami ng gubat? Naliligaw na talaga kami
Last Updated : 2021-07-31 Read more