Share

Kabanata 1

Author: IceOnMyEyes
last update Last Updated: 2021-07-31 22:00:25

Kyle's POV.

"Oh, ano kayo ngayon? Sabi ko naman kasi sa inyo huwag na tayo dito eh. Naligaw pa tuloy tayo." Hindi ko maiwasan sumimangot habang naglalakad. 

Nauuna na kong maglakad sa kanila dahil sa inis ko.

Ako si Kyle Joseph Alonzo at hindi dapat ako naglalakad lang dito sa gubat ng paulit-ulit. Tss. Hilig ko ang mag-adventure kapag walang pasok sa school o kaya kapag bakasyon. Kasama ko lagi sa gala ang mga tropa ko. Tawag nga nila sakin, Giego. Yong pinsan ni Dora. Tss. Pet lovers din kasi ako. Kasalanan ko ba na love na love ko ang mga animals? Nasaan ang katarungan? 

At ito na nga, nandito kami ngayon sa isang gubat at naliligaw na. Sabi ko kasi sa kanila, doon na lang kami sa bulkang Mayon. Napangiti ako sa naisip. Mahilig ako sa mga bundok, pero ang mga kasama ko naman, takot doon. Baka raw bigla na lang mag-alburoto. Ewan ko ba sa kanila. 

Pero bago ang lahat, nasaan parte na ba kami ng gubat? Naliligaw na talaga kami at baka may mga wild animals pa rito. Tsk. Parang mas nakakatakot pa nga yata ang lugar na kinalalagyan namin ngayon eh.

"Hoy! Wala man lang ba kayong gagawin para makabalik tayo?" Lumingon ako sa mga kasama ko. 

Tinitigan ko sila ng masama, pero nagsalubong ang dalawang kilay ko nang malaman na wala na pala kong kasama. 

Hala! Sadali... Nasaan na sila? Ako lang yata ang naliligaw. Lagot na!

"Hey! Guys, nasaan na kayo?! Yohoo!" Halos mapaos na ko kakasigaw, pero wala pa ring sumasagot sa 'kin. 

Waah! Nasaan na kayo? Ayaw kong umiyak dahil nakakabakla lang. Bumuntong hininga ako ng malalim. 

Sa kakalakad at kakahanap ko sa mga kasama ko ay may nabangga akong isang tao. Isang tao dahil masakit sa katawan kung puno, 'di ba? Napaupo ito at napasalampak sa lupa.

"Hey! Miss, are you okay?" tanong ko sa kanya at inabot ang aking kamay para tulungan siyang makatayo.

Sandali... Paano pala nagkaroon ng tao rito sa gubat?

"Huh? Ano 'yon?" tanong niya rin sa 'kin at mag-isang tumayo. 

Hindi ko maaninag ang mukha niya dahil natatakpan ito ng bangs niya. Nakakulay puti siyang damit. 

"Hoy! Naliligaw ka ba o galing ka sa ibang planeta?" tanong ko ulit sa kanya.

Hindi kasi yata nakakaintindi ng English language. Grabe naman siya kung gano'n, 'di ba?

"Sandali... Hindi ka taga-rito? Isa ka bang mortal?" tanong niya rin sa 'kin.

Oh, sige. Magtanungan na lang kami. Ang saya-saya, kuya Will. Tsk.

"Ano bang pinagsasabi mo? Posible namang may nakatira sa gubat na 'to. Depende na lang kung. . ." Napahinto ako sa pagsasalita nang may biglang idea ang pumasok sa aking isip.

Hala! Bakit hindi ko naisip agad? Patay na!

"Kung gano'n. . . Ikaw nga ay hindi taga-rito!" 

"Kung gano'n... Isa kang halimaw!" 

Sabay kaming sumigaw ng babae at hindi ko gaanong narinig ang sinabi niya.

Hahampasin ko na sana siya, pero naunahan niya ko. Hindi ko alam kung bakit parang unti-onting nagdidilim ang paningin ko subalit bago ang lahat ay nakita ko pang nagliliwanag ang kanyang kamay at kinumpas ito sa harap ko. Pagkatapos ay tuluyan na kong nawalan ng malay.

*

Pagkamulat ng aking mata ay isang hindi pamilyar na kuwarto ang aking nabungaran. Med'yo kakaiba ang kuwarto dahil nakakaamoy ako ng halaman kahit nasa loob. 

Nasaan ako? 

Inalala ko ang mga nangyari sa 'kin bago ako mapunta rito at muling bumalot ang kaba at takot sa aking dibdib nang maalala 'yon.

"Waah! Nasa bahay ba ko ngayon ng halimaw? Pagkatapos ay kakatayin din nila ko mamaya at kakainin? Waah! End of the-

Mas'yadong mabilis ang pangyayari at naramdaman ko na lang ang paghapdi ng pisngi ko.

"Hoy! Bakit ka nananampal?" Tinitigan ko ng masama 'yong babae na nakita ko kanina. 

Nakapoker-face siya sa akin habang nakakrus ang dalawang kamay niya.

"Ayos ka lang? Para sabihin ko sa 'yo, hindi ako halimaw." 

Napaisip ako sa sinabi niya. 

Ay... hehe. Hindi pala siya halimaw. Eh, ano siya? Sabagay, Hindi naman siya mukhang halimaw. Hehe.

"Bakit ka pala nandito sa gubat? Naliligaw ka rin ba?" tanong ko sa kanya sabay ngiti ng matamis. 

Ganda kaya niya. Katulad ng sinabi ko kanina. Nakasuot siya ng kulay puting dress na may puting bulaklak sa kanyang bewang. Nakatali ang kanyang tuwid na buhok na hanggang bewang ang haba. Ang kulay ng mata niya ay parang isang green na golen na paborito kong laruin nang bata pa ko. Hahaha. Kaya lang, wala siyang suot na kahit anong pangyapak. May nakalagay lang na puting laso sa magkabila niyang paa.

"Tss. Mas'yado kang weirdo. Mukha ba kong naliligaw? Baka ikaw 'yong naliligaw?" Umirap siya sa akin pagkatapos magsalita.

Tss. Maganda nga, sama naman ng ugali. Tsk. Hindi maaalis sa bawat titig niya sa akin ang masamang tingin na kanina niya pa binabato sa direksyon ko.

"Eh 'di dito ka nga nakatira sa gubat?" 

Bumuntong hininga siya ng malalim. "Una sa lahat, hindi ito gubat. Ito ay tahanan ng mga kagaya namin. Kagaya naming mga immortal." 

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Nagpaliwanag siya, pero mas lalo akong naguluhan.

"Huh? Ano? P'wede mo bang ipaliwanag ng maayos?" 

Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa isang sofa katabi ng kama na hinihigaan ko ngayon. Pagkatapos ay binuksan niya ang pintuan sa kuwarto at saka muling humarap sa akin.

"Halika rito at ipapaliwanag ko." 

Agad akong tumayo at nagtungo sa direksyon niya.

"Ito ang Teitan Magical Forest. Kung saan naninirahan ang mga kagaya naming may kapangyarihan." Tinuro niya ang lugar na sinasabi niya.

Natulala ako at hindi agad nakapagsalita sa aking nakita. Puno ng iba't ibang mahika ang paligid. Sobrang kulay at sigla ng buong lugar at sobrang dami ring mga hayop! 

Waah! Mga hayop na hindi ko pa nakita sa buong buhay ko. Pakiramdam ko tuloy naghuhugis puso na 'yong mata ko dahil sa nakita. Waah! Ang saya-saya, kuya Will! 

"Tss. Sana hindi nasira utak mo sa ginawa ko kanina." 

Nagbalik lang sa realidad ang isip ko nang igawayway ng babae 'yong kamay niya sa harap ko.

"Sorry naman, okay? Excited lang. Bawal ba ma-excite at mamangha?" Malawak akong ngumiti sa kanya. 

Sinamaan na naman niya ko ng tingin dahil sa sinabi ko.

"Wala akong panahon para makipagtalo sa 'yo. Tss." Umirap na naman siya sa akin.

"Alangan namang mamangha ako na parang baliw at magtatatalon sa tuwa? Nakakabading lang, 'di ba? Ginagawa lang 'yon ng mga babae at hindi ng tulad kong guwapo." Isang kindat ang binigay ko sa kanya.

Mukhang lalo siyang nainis dahil nanliit bigla ang mata niya.

"Ganyan ba magsalita ang mga mortal? Tss."

Nginitian ko na lang siya. Kung makapagsalita naman siya. Ano bang klaseng ugali mayro'n dito ang mga kagaya niya?  

"Kung gusto mong dito muna manirahan, ipapakilala kita sa nakakataas subalit mas maganda kung umalis kana lang dahil sa lugar na 'to, hindi maaaring magmahal ang lalake at babae na kagaya ko at kagaya mo sapagkat walang nilalang sa lugar na 'to ang nais manirahan kasama ang ibang kasarian." Isang seryosong tingin ang ipinukol niya sa 'kin.

Muli akong natigilan dahil sa narinig. Bawal daw magmahal? Anong klaseng lugar ba talaga ang napuntahan ko?

Related chapters

  • Memory Forest   Kabanata 2

    Kyle's POV."Kung gusto mong dito muna manirahan, ipapakilala kita sa nakakataas subalit mas maganda kung umalis kana lang dahil sa lugar na 'to, hindi maaaring magmahal ang lalake at babae na kagaya ko at kagaya mo sapagkat walang nilalang sa lugar na 'to ang nais manirahan kasama ang ibang kasarian." Isang seryosong tingin ang ipinukol niya sa 'kin.Muli akong natigilan dahil sa narinig. Bawal daw magmahal? Anong klaseng lugar ba talaga ang napuntahan ko?Ilang minuto akong hindi kumibo at nang hindi na ko makatiis ay humagalpak na ko ng tawa habang nakahawak pa sa tiyan ko na sumasakit na.Nagsalubong ang dalawang kilay niya sa naging asal ko at naguguluhan niya kong tinitigan."Hindi mo naman sinabi kanina na mahilig ka rin pa lang magpatawa? Biruin mo, akala ko ay seryoso ka sa sinabi mong bawal magmahal. Buti na lang ay matalino ako at naisip ko kaagad na nagbibiro ka

    Last Updated : 2021-07-31
  • Memory Forest   Kabanata 3

    Secret's POV."Ano?! Nagkakilala lang kayo sa labas ng palasyo?!" gulat na tanong ni Zhyrah.Walang gana ko siyang tinitigan habang nakatingin sa kanya.Katulad ng inaasahan ko, nagulat nga siya sa pinaliwanag ko. Hindi na lang sana ako nagbalak pang magkuwento sa kanya. Tss.Hindi rin alam ng aking isipan kung bakit dinala ko pa ang lalakeng nilalang sa lugar na 'to.Naalala ko 'yong unang pagkikita naming dalawa at hanggang ngayon ay bumabalik pa rin ito sa aking alaala."Kung gano'n. . . isa kang halimaw!" Sabay kaming sumigaw ng isang nilalang na kaharap ko.Nakita ko siyang akmang hahampasin ako, pero naunahan ko siya at agad na kinumpas ang kamay ko para patulugin siya. Unti-onting pumikit ang kanyang mata ngunit bago pa mangyari 'yon ay nakita niya ang pagkumpas ko ng aking kamay. Pagkatapos ay tuluyan na siyang n

    Last Updated : 2021-07-31
  • Memory Forest   Kabanata 4

    Kyle's POV."Pssst! Zhyrah, bakit nga parang walang lalake sa lugar na 'to?" muling tanong ko kay Zhyrah pagkaalis na pagkaalis ni Secret.S'yempre, gusto ko talaga malaman kung bakit parang ako lang ang lalake dito. Malay ko ba na baka sadyang wala talagang lalake sa lahi nila. Baka naman mayro'n, pero nagmukhang lalake lang?"Eh? Akala ko ba hindi ka na magtatanong katulad ng sinabi mo kay Secret?" Nag-aalangang tumingin sa 'kin si Zhyrah.Waah! Bakit ba ayaw nilang sabihin sa akin ang dahilan? Sasabihin lang naman eh. Ang daya naman!"Huwag kang maingay. Wala naman si Secret eh. Sabihin mo na. Tsaka pangako ko, hindi ko sasabihin sa kanya na sinabi mo sa 'kin. Sabihin mo na kasi."Sa ilang minutong pangungulit ko kay Zhyrah ay napailing na lang siya at napahawak sa kanyang noo. Pagkatapos ay bumuntong hininga siya ng malalim.Yes! Mukhang sasabihin na niya."Pasensiya ka na ha. Malalagot kasi ako kay Secret kapag

    Last Updated : 2021-07-31
  • Memory Forest   Panimula

    Sa isang kulay bughaw na sapa, masayang umaawit ang isang napakagandang dalaga habang siya ay naliligo.Matulis ang kanyang mga tainga, kulay puti ang kanyang buhok, kilay at pilik-mata. Ang kanyang kutis ay mala-porselana at mayroon siyang nakabibighaning ngiti sa kanyang labi.Ito ang Ilan sa kanyang katangian kaya siya kinagigiliwan ng lahat ng nilalang na ninirahan sa aming tahanan.Isa na ko sa mga nilalang na nabihag ng kanyang kagandahan, pero nais kong ipagmalaki na iba ako sa mga lalake nagkagusto sa kanya.Angat ako sa kanila."Rosella!"Lumingon siya agad sa direksyon ko pagkarinig niya sa aking tinig. Isang ngiti ang ipinukol niya sa 'kin na agad ko rin namang sinuklian."Roberto, anong ginagawa mo rito?" Naglakad siya patungo sa mas malalim pang parte ng sapa.&nb

    Last Updated : 2021-07-31

Latest chapter

  • Memory Forest   Kabanata 1

    Kyle's POV."Oh, ano kayo ngayon? Sabi ko naman kasi sa inyo huwag na tayo dito eh. Naligaw pa tuloy tayo." Hindi ko maiwasan sumimangot habang naglalakad.Nauuna na kong maglakad sa kanila dahil sa inis ko.Ako si Kyle Joseph Alonzo at hindi dapat ako naglalakad lang dito sa gubat ng paulit-ulit. Tss. Hilig ko ang mag-adventure kapag walang pasok sa school o kaya kapag bakasyon. Kasama ko lagi sa gala ang mga tropa ko. Tawag nga nila sakin, Giego. Yong pinsan ni Dora. Tss. Pet lovers din kasi ako. Kasalanan ko ba na love na love ko ang mga animals? Nasaan ang katarungan?At ito na nga, nandito kami ngayon sa isang gubat at naliligaw na. Sabi ko kasi sa kanila, doon na lang kami sa bulkang Mayon. Napangiti ako sa naisip. Mahilig ako sa mga bundok, pero ang mga kasama ko naman, takot doon. Baka raw bigla na lang mag-alburoto. Ewan ko ba sa kanila.Pero bago ang lahat, nasaan parte na ba kami ng gubat? Naliligaw na talaga kami

  • Memory Forest   Panimula

    Sa isang kulay bughaw na sapa, masayang umaawit ang isang napakagandang dalaga habang siya ay naliligo.Matulis ang kanyang mga tainga, kulay puti ang kanyang buhok, kilay at pilik-mata. Ang kanyang kutis ay mala-porselana at mayroon siyang nakabibighaning ngiti sa kanyang labi.Ito ang Ilan sa kanyang katangian kaya siya kinagigiliwan ng lahat ng nilalang na ninirahan sa aming tahanan.Isa na ko sa mga nilalang na nabihag ng kanyang kagandahan, pero nais kong ipagmalaki na iba ako sa mga lalake nagkagusto sa kanya.Angat ako sa kanila."Rosella!"Lumingon siya agad sa direksyon ko pagkarinig niya sa aking tinig. Isang ngiti ang ipinukol niya sa 'kin na agad ko rin namang sinuklian."Roberto, anong ginagawa mo rito?" Naglakad siya patungo sa mas malalim pang parte ng sapa.&nb

DMCA.com Protection Status