"You better not make her cry again, Dave," kuyom ang kamaong saad ni Leo habang mataman na nakatingin sa kanya. Bakas sa mukha ni Leo ang magkahhalong lungkot at poot dahil sa katotohanang hinding-hindi mapapa-sakanya ang dalagang minamahal. "...you know, I will always be there for her," Leo supplied, clenching his teeth. "Makakaasa ka, Leo," tanging tugon na lamang ni Davidson saka muling binuhay ang engine ng sasaķyan saka mabilis na pinaharurot palayo. 'I know, hindi kita pagmamay-ari. But, I will always claim that you're mine," kausap ni Davidson sa kanyang sarili. Mahal na mahal niyang talaga si Keirah. At hinding-hindi na ito masasaktan pa. ****** "DAD? Totoo ba 'to?!" nanlalaki ang mga matang bulalas ni Keirah habang kausap ang ama. "What? Do you not trust me?" tumikom ang mga labi ni Ador para hintayin ang sagot ng anak. Kinunsulta niya kasi si Keirah tungkol sa pag-yaya niyang magpakasal muli. Alam niya nang magugulat talaga ang anak niya. Mahigit limang tao
"CJ? Alam mo namang..." hindi maituloy ni Keirah ang gusto niyang sabihin sa binata. Gusto niyang i-comfort ito ngunit paano? Kapatid lang talaga ang kaya niyang ituring sa binata. Hanggang doon lang. Ngayon tuloy, hindi niya alam kung anong susunod na sasabihin niya rito para maintindihan nito ang sitwasyon. "...alam mong, kapatid lang ang turing ko sayo. I'm really inlove with Davidson. Alam mo 'yan." Humugot ng malalim na hininga ang dalaga. Sana'y maunawaan siya ni CJ. Ngunit sa halip na makinig ito sa sinabi niya, niyakap lamang ulit siya nito. Damang-dama niya ang sinseridad ni CJ sa nararamdaman para sa kanya. "Just let me love you, Keirah." **** Hanggang sa pagdating ng gabi, dala-dala pa rin ni Keirah ang huling sinabi ni CJ. Biling-baliktad sa higaan ang dalaga, kahit anong gawin niya ay hindi siya dapuan ng antok. Nang hindi talaga siya makatulog, bumangon na lang siya saka naglakad palabas ng kwarto. Tutungo sana siya sa kusina, nang madaanan niya ang
"Love, how are you? Sorry kung medyo busy ako ngayon ha, nagtatampo ka ba?" Maka-isang beses pang humugot ng malalim na hininga si Keirah. Halos isang araw din na hindi siya tinawagan ni Davidson. Kung kailan papunta siya ng meeting ngayon, with Stacy and Mrs. Liu, ngayon lang nito naisipan siyang tawagan. "Okay naman ako, Love. May meeting lang ako with Mrs. Liu," aniya habang ang telepono ay naka-ipit sa pagitan ng tenga at balikat. Hindi inalis ng dalaga ang tuon sa mga papeles na binabasa habang kausap ang nobyo. "O nga pala, okay na ba yung mga sasakyan?" naitanong niya sa binata. Alam niyang ang mga sasakyan ni Davidson ang aarangkada sa Drift sa Japan. "Yeah. Actually, nandito ako sa Clark ngayon. Nagte-test drive kami." Bahagyang nagulat si Keirah sa narinig. 'Hindi ba sa Pampanga yun?' "May gusto ka ba? I'll buy some souvenir." Napangiti siya. Ang sweet naman ng boyfriend niya. Inaalala siyang talaga. "Huwag na, Love. Presence mo lang, okay na ako, h
Naiwan na panay ang buntong-hininga si Keirah sa loob ng kanyang opisina. Hindi niya makeri ang kagagahan ni Stacey Hong! Talaga namang pinagseselosan siya nito? Ngayon alam niya ng talaga kung gaano siya kaganda. Muling humugot ng malalim na hininga ang dalaga. Panalangin niya lang na sana'y ang hindi nila pagkakaunawan ni Stacey, ay hindi makaapekto sa kanilang trabaho. Kaysa magmukmok sa loob ng office, naisipan na lang niyang lumabas. Naiinip na rin naman siya sa opisina niya. Silang dalawa lang naman kasi ng secretary niya roon. "Uh, Belle," tawag niya rito ng madaanan niya ito sa cubicle nito. "Ma'am? May kailangan po kayo?" halatang nabigla pa ang sekretarya ng makita siya. Mabilis itong tumayo. "Wala. Aalis na 'ko. Ikaw, kung wala ka ng trabaho pwede ka ng umuwi," aniya. Umaliwalas naman ang mukha ng sekratarya. "Talaga po? Thanks, Ma'am. Ang totoo po niyan, magpapaalam nga po sana ako eh. Birthday kasi ng nanang ko," nakangiti nitong kwento. "G
Makalipas ang ilang araw pagkatapos ng kaarawan.... "Anak! Anak!" sigaw ni Nanang Dolor habang tumatakbo palabas ng gate. Pupuntahan niya ang malaking truck na nakaparada sa tabi ng bakuran nila. "Belle! Bilisan mo anak..." Humahangos na lumabas ng bahay si Belle para puntahan ang Nanang niyang sumisigaw. Nagsalubong ang dalawang kilay ng dalaga nang matanaw ang truck na nakaparada. "Nang, bakit ho may truck r'yan?" kunot-noong tanong ni Belle. "Ewan ko ba, tatanungin ko nga eh," sabay lapit sa tabi ng bintana ng truck. Tumingala si Dolor sa bintana ng truck at siya namang dungaw ng isang pahinante. "Belle Soriano po?" magalang na tanong ng pahinante. Sa labis na pagtataka, lumapit na si Belle sa direksyon ng Nanang niya. "Nang, anong meron?" "Ah delivery lang po ma'am. Belle Soriano po ang magre-recieved." "Ha? Ako yun ah. Pero wala akong matandaan na may in-order ako," bulalas ni Belle. Kung ano mang laman ng truck na yun, kinakabahan siyang talaga!
"Alex, it's good to see you here. Buti nakarating ka," ani Keirah pagkakita sa binata. Napansin niya ang pagsimangot ni Davidson. Pasimple pang inunat nito ang braso at kunwari'y inakbayan siya. Hilaw itong ngumiti sa kapatid. This situation kinda awkward. "Uh, I arrived two days ago," maikling tugon ng binata. "Ah.." tumango-tango ang dalaga. Tinatago niya ang awkwardness sa pagitan nilang tatlo. "Si Stacy?" kunwa'y tanong niya na lang para magbukas ng topic. "Delayed ang flight niya eh. Baka bukas." Tumango-tango ulit si Keirah. Kinagat niya ang ibabang labi nang umupo si Alexander sa tabi niya. Hinubad nito ang sunglasses at tumanaw sa baba ng dome. "Sana maging successful ang drift na 'to." "Oo nga," pahina ng pahina ang pag-uusap nila ni Alexander. Naiilang kasi siya sa mga panaka-nakang tingin ni Davidson sa kanila. Parang bawat sasabihin niya ay inaabangan ng lalake. Hays, alam niyang not in good terms ang magkapatid, ayaw niya ring maging dahilan ng hin
"I'm sorry, Keirah," marahang bulong ni Davidson sa kanya. Nasa restroom pa rin silang dalawa at nagsusuyuan. Pinapakalma niya ang praning nitong utak. "Gosh, girl. He's so freakin' hot!" Mabilis na nagkatinginan si Keirah at Davidson nang makarinig ng boses ng mga babaeng papasok ng restroom. "Oh my God!" nanlalaki ang mga matang bulalas niya sabay tulak kay Davidson palayo. "Anak ng-- may paparating, baka kung anong isipin nila--" Naputol ang sasabihin niya nang mabilis siyang hilahin ni Davidson papasok sa isang bakanteng cubicle. Aangal pa sana siya ngunit mabilis na tinakpan ni Davidson ng palad nito ang bibig niya. "Shhh. Quiet!" maawtoridad na utos ng binata habang dahan-dahang inaalis ang palad sa kanya. Gusto niyang matawa, para silang bagong mag-jowa na nagme-make love at takot mahuli. 'Echosera' "He's staring at me... But why did he looks so sad? Despite of his pretty face, there's a sadness. I can tell it," ani pa ng isang babae. Nasisilip nil
"Congratulations, Mr. Montevella." Katatapos lang ng carshow, lahat ng mga big investors ay lumalapit kay Davidson para makipag-kamay sa kanya. Tuwang-tuwa ang binata dahil naging successful naman ang carshow kasama na ang mga sasakyan niya. Lalong lalaki ang sales ng mga sportscar niya dahil sa mga big investor na mag-iinvest dito. "Sir, deretcho na po tayo sa Shangri-La Hotel para sa party," bulong sa kanya ni Sandra. "Okay. Si Keirah?" kanina pa nga niya ginagala ang paningin ngunit hindi niya makita si Keirah sa paligid. Kanina lang ay magkasama sila ngunit bigla na lamang itong nawala. Hindi na niya nagawa pa itong hanapin dahil naharang na siya ng mga investors na gustong makipag-usap sa kanya. "Hindi ko po s'ya napansin, Sir," tipid na sagot ni Sandra at binalik ang tuon sa schedule na binabasa. "I'll just call her na lang." Iniwan niya sandali ang sekretarya para lumabas ng building at tawagan si Keirah. Nagri-ring naman ang cellphone nito ngunit hindi sumasag