Home / Romance / Meant For Two / Chapter 7: Date

Share

Chapter 7: Date

"Wag na lang kaya?" nag-aalangan na tuloy akong bumaba ng kotse nila.

"Gusto mo ba sapakin din kita?"

"Ano?!"

"Dali na naghihintay na si mommy!"

Wala na din ako nagawa kundi ang bumaba sa kotse at magpakaladkad kay Tristan papasok ng restaurant. Pero bago kami tuluyang makapasok ay pinigilan ko si Tristan saglit.

"What now?"

"Pero Tristan kasi hindi naayon yung suot ko dito?"

"Alyson, just be yourself. Your clothes dont matter." hinawakan nya kamay ko. Napangiti naman ako. Hinigpitan ko din hawak sa kamay nya saka pumasok na kami ng tuluyan.

Pero ng nasa loob na kami ay lalo ako kinabahan. Mas lalo na ng makita ko ang mama nya na nakaupo sa table namin na naka-dress na naman at pagkaganda-ganda.

"Mom," tawag ni Tristan. Lumingon ito at sinalubong kami ng isang malaking ngiti saka tumayo sa kinauupuan nya. Mas nakaka-intimidate itsura ni Tita ngayon. Mukha talagang madam.

"Hi sweetie!" bati nito sabay beso sila ni Tristan. Ng ako na ang susunod, natigilan muna sya at napatingin sa suot ko mula ulo hanggang paa. Pero niyakap nya pa din ako. Sabi ko na di bagay suot ko dito eh.

"Hello po tita."

"Hija, you look so simple today."

Hindi ko alam kung compliment yun o criticism pero inignore ko na lang. Naupo na kaming tatlo sa table namin tapos may binigay sya bigla na paper bag sa akin.

"Ano po ito?"

"You see, i really wanted to have a daughter. I mean I'm so lucky to have Tristan but ofcourse being a mom I dreamt of dressing up and matching outfit with my daughter. So, when i heard that Tristan had a girlfriend, plus to be able to know that it's you, I'm just so happy. So please, Alyson, allow me to be a mom to you."

"Ah, tita sa totoo naman po pinangarap ko din na maranasan ang pakiramdam ng may nanay," hindi ko alam bakit maluha-luha ako pagkasabi ko nun. "at natutuwa po ako na anak na agad ang tingin ninyo sa akin. At kung yan po ang magpapasaya sainyo, isang karangalan po na maging dahilan ng kasiyahan nyo."

"Oh dear!" niyakap nya ako at umiyak na.

"You two are just so melodramatic." si Tristan yun. Kinurot ko naman sa braso at napa-aray naman sya. Kumalas na ako sa pagkakayakap ni Tita.

"Alam nyo po Tita minsan ang sarap lang din talaga saktan ng anak nyo."

Natawa naman ito bigla, "I never did that to him though."

"Talaga po?"

"But sometimes sa sobrang tigas ng ulo nya I really want to hurt him. It's funny that you can do that to him, because I know my son will learn."

"Narinig mo yun ah! Okay lang kay Tita na sapakin kita!" tila pagyayabang ko naman kay Tristan. 

"Oh and Aly, call me mom."

Ayan na naman si Tita pinipilit naman ako sa pagtawag ng 'mama' sa kanya. Nakakailang kasi eh.

"Ah, ano po kasi.. M-mama na lang po. Ang sosyal naman po kasi," nahihiya kong sabi na ikinagalak naman nya.

"Much better!"

"What in the world was that?!"

Si Jane. Biglang dumating kasama sina John, Alex and Mart. Invited din ba ito?

"What is this girl doing here? And with that kind of clothes?!" tila diring-diri pa sa akin ang babaeng ito na makita ako dito sa restaurant. Tumayo naman si er, mama.

"Well hello Jane dear." sabay beso nya kay Jane.

"Hi Tita! How are you?" 

Wow! Ang galing mag-switch ng character? Bait-baitan kay Tita tapos sa akin m*****a? Plastic lang?

"I'm fine. And it seemed like you're still that same rude girl I knew."

Ang ganda ng pagkakadeliver ni Tita non ah! Sarcasm with a poise! Parang nahiya naman sya bigla. Marunong din pala mahiya ang Jane na ito?

"I'm sorry, Tita."

"No it's okay. I know, you're just exactly like your mom.

"Ako na humihingi ng pasensya sa kambal ko, Tita." si Alex.

"Hi Alex! Hi boys! Alam mo, no worries. Sanay na ako. Good thing you and your dad are different." nagtawanan naman silang dalawa.

"True that, tita." pag-sang ayon nina John and Mart na nakitanawanan din sa kanila.

"Well you boys are as handsome as always. Let's all sit." at nagsi-upuan na sila.

:Aly? Andito ka din pala?" tanong ni Alex sabay tabi at upo nya sa kaliwang side ko.

"You know her?"

"Ah, magkakaklase po kasi kami Tita."

"Ah, I see! So i guess I dont need to introduce my daughter to you guys."

"Daughter?!" sabay-sabay na sabi ng apat.

"W-what do you mean Tita?!"

"Jane dear, are you yelling at me?" natawa ako, kasi parang ako si Tita, er, mama pagpinagsasabihan ko si Tristan.

"Ssorry Tita. I did'nt meant to. It's just that, this girl? This ugly poor thing-"

"Jane!"inawat naman sya ni Alex.

"It's okay Alex," pagpapatuloy ni Ti- mama. Hindi pa din talaga ako kumbensido sa mama eh."Jane my dear you are very much different from Aly. You're too classy and bratty. Unlike her, she's just that 'ugly poor thing' you're saying but that's what makes me and Tristan love her." 

Napatingin naman ako kay Tita pagkasabi nya nun. Nakakakilig naman.

"Ah, mama-"

"Mama?!" sabay-sabay nilang tanong. Kanina pa sila baguguat sa mga rebelasyon dito. well, hindi lang naman sila, pati kami ni Tristan din.

"You're calling tita your mom?! Napaka-ambisyosa mo talaga!"

""Jane ano ba! Kanina ka pa!" pag-awat muli ni Alex sa kambal nya. Hindi ko na din naman napigilan ang sarili ko kaya hinarap ko na sya.

"Una sa lahat Jane, hindi ako ambisyosa. Tsaka ano naman masama kung tawagin kong mama ang mama ni Tristan? Eh boyfriend ko naman ang anak nya?"

"Boyfriend?!"sabay-sabay ulit sila.

"Grabe naman makasigaw? Tsaka kailangan talaga saby-sabay kayo ulit?"

"Bro cong rats! Di mo naman kami ininform! Kelan pa?" pagbati sabay akbay ni John kay Tristan.

"This is not funny! Tell me, this is a joke right Tristan? She's just using you!"

Si Alex bigla ang nagsalita. Tiningnan ko sya, tila gulat na may halong kaunting lungkot ang mukha nya."Ano ka ba Jane. Narinig mo naman diba?" tumingin naman sya sa akin, "congrats Ms. Li. Kaya pala busted ako sayo eh. Si Tristan pala nasa puso mo."

"Alex,"

"Gosh twin! She is not your loss!"

"Salamat, Alex. Friends naman tayo diba?"

"Eew ang landi mo talaga!"

"Jane!"

"That's enough! Jane dear, aren't you being too much? Did Aly did something wrong to you?" parang naiirita na si Mama kay Jane.

"T-tita it's just that,"

"It's just that what?"

"Im sorry Tita." nag-sorry sya kay Tita pero tiningnan nya ako ng masama. Tiningnan ko din naman sya ng pormal. 

"Anyway, so yun nga. Since Aly is my daughter now, the reason why i gathered you all here is because I want to tell everyone that from now on, she will be staying in our house!"

"Po?!" this time, sabay-sabay na kaming napasabi nun.

"Mom! We talked about this right? Sabi mo you will wait for Aly's decision?"

"I guess i can't wait any longer! Sorry dear, I just can't help but get excited!"

Napangiti nalang ako kahit di ako sigurado sa mga sinasabi ni mama. Para naman kasing may choice pa ako diba?

"So, it's an okay na ba, hija?" di ako nakasagot agad. Ano ba dapat ko isagot? Yes po? Okay? Eh alam ko naman sa sarili ko na hindi ako ganon ka-certain sa mga nangyayari. Parang ang bilis lang kasi talaga. Pero hindi pa man ako nakakapagsalita ay tumayo na si Mama.

"It's settled then! Oh my gosh I'm so happy I officially have a daughter finally!"sabay yakap nya sa akin. "Thank you so much Alyson! Baka sa susunod apo naman ha?"

Naubo ako sa sinabi ni Mama. Ano daw?!

"Mom!" si Tristan yun, nagulat din sa sinabi ni Mama. Nagtawanan naman silang lahat maliban kay Jane na mukhang sasabog na sa galit.

Matapos ang lunch na iyon ay hinatid na muna nila ako sa kina Aunty saka umuwi na sila. Si Tristan naman ay may lakad pa daw sila nina John. Paano kaya ako nito magpapaalam kina aunty? 

Napabuntong hininga na lang ako habang nag-aayos ng mga gamit ko dito sa kwarto. Pumasok bigla si Aunty na may dala-dalang tsaa. Nilapag nya ito saka tiningnan ako at ngumiti na parang pilit lang. Kita sa mga mata nya yung lungkot. Umupo sya sa tabi ko saka hinaplos yung buhok ko.

"Alyson anak, baka sabihin nila pinalayas kita ha?" tumawa sya tapos nagsalita ulit,"alam mo ba, naaalala ko pa yung araw na kinuha ka namin sa orphanage. Napaka-mahiyain mo nun. Ayaw mo lumapit sa akin. Kapit na kapit ka sa palda nung madre na kasama mo. Pero nung una ko nakita itsura mo, napaluha ako kasi kamukhang kamukha mo talaga ang nanay mo. Lalo nang lumaki at nagdalaga ka na. Pwede kayong mapagkamalang kambal."

"Sinabi nyo na po yan sa akin dti aunty eh!" tila nagpipigil din ako ng luha.

"Anak, mamimiss kita. Namin nina kuya at ate mo."

"Ako din naman po aunty eh. Maraming, maraming, maraming salamat sa lahat ng naitulong nyo sa akin mula noon hanggang nagyon. Di bale aunty pag hindi ko nagustuhan dun babalik ako dito agad!"

"Gaga! Dapat magpakabait ka dun. Nakakahiya sa mga bago mong pamilya. Ang yayaman pa naman." sabay tawanan naming dalawa."Pero alam mo, ang swerte mo. Wag mo kaming kakalimutan imbitahan sa kasal nyo ah?"pangangantyaw ni aunty.

"Auty naman eh!"tumawa ulit sya.

"Sayang di ka na maabutan nina kuya at ate mo. May nilakad kasi ang mga iyon."

"Di bale aunty, dadalaw-dalaw ako dito pag may time. Pakisabi na lang po kina kuya mamimiss ko sila. Pati yung bakeshop po."

Nagmu-moment pa kami nun ni Aunty ng biglang may bumusina na sasakyan sa labas. Mukhang andito na ang sundo ko.

"Andito na yata sundo mo, Aly."

"Aunty~" nagyakapan kaming dalawa. Pakatapos ay tinulungan nya na ako buhatin at ilabas ang mga gamit ko. Isa isa naman iyong sinakay sa kotse ng bodyguards na nasundo saakin.

"Sige po aunty."

"Ingat ka dun ha? Pag may mang-api sayo sabihan mo agad ako riresbakan natin."

"Ano ka ba aunty, mababait sila dun.Kasing bait ninyo."

"Nangbola ka pa eh. Sige na,"

Binuksan na nung isang bodyguard yung pinto ng kotse, hudyat para sumakay na ako. "Si Tristan kuya, bakit wala?"

"Hinahantay na po kayo sa mansion ng signorito."

"Ah sige po," hinarap ko ulit si aunty at niyakap muli. "Aalis na po ako aunty."

"Ingat ka lagi, Aly."

"Opo." kumalas na kami sa pagkakayakap at sumakay na ako agad sa sasakyan. Ng papaalis na kami ay kumaway na ako ulit kay aunty. Pinipigilan ko pa din ang maiyak. Nakakapanibago lang na sa isang iglap hindi ko na makakasama ang mga taong nakasanayan ko mula bata. Mamimiss ko talaga sila.

"Nakarating na kami sa mansyon. Pagpasok na pagpasok pa lang namin ay sinalubong na ako ng mga kasamahan nila sa bahay. Iyong para bang kagaya ng pagsalubong nila kay mama nung dumating? Tapos speaking of mama, lumabas sya mula sa di ko alam kung saan at niyakap ako.

"Finally! Welcome home, Aly." ngiting ngiti ito at kitang-kita sa mukha ang pagkagalak.

"Mom, is this really necessary?" si Tristan na sumulpot din out of nowhere. Ano ba meron, kabote ba theme bakit bigla na lang sila nagsusulputan? O lutang lang ako dahil sa mga nangyayari.

"Very necessary son." sabay hawak ni mama sa kamay ko at hinila na ako paakyat ng mansyon.

"I'll show you your room!" excited nitong sabi. Ng makaakyat na sa taas, huminto kami sa kwarto katabi ng kay Tristan."Here it is!"

"Dito po? Sa tabi ng kwarto ng baklang yan?"sabay turo ko kay Tristan na nakasunod naman agad sa amin.

"Hey!"

"Sinisi-" magsasabbi pa lang sana ako pero sumingit bigla si mama.

""Sinisigawan mo ba anak ko?!"akala ko sa akin yun sinabi ni mama, magsu-sorry na nga sana ako eh pero para kay Tristan pala.

"Mom, i am your son!"

"Sinisigawan mo si mama?!" pagsita ko naman kay Tristan.

"Pinagtutulungan nyo ba ako?"napipikon na naman sya. Ang cute lang talaga ng itsura nya pag inaasar.

"Girl power."sabay kindat ni mama sa akin. Hindi nya na lang pinansin si Tristan at binuksan na ang pinto ng kwarto saka pumasok na kami. Bumungad sa amin ang napakagandang silid! As in! Ibang-iba sya sa una kong punta at pasok dito dati. Sakto pang pinalitan ang kulay pula ang loob, na favorite color ko pa! Tapos simple lang yung mga decoration, sakto kasi minimalist ako. Tipong kama na, kabinet in one pa. Tapos yung pader, alternate floral white and red. Ang ganda talaga! Tapos dun sa may dashboard ngkamang pagkalaki na king size bed ata ay may nakalagay at nakasulat na maiksing quotation. Sakto kasi mahilig din ako magsusulat ng poems at stories.

"Do you like it anak?" tanong ni mama.

"H-hindi po,"

"Hindi? Di mo gusto? Tell me which one you dont like ipapaayos natin agad!"

"Hindi po. Hindi ko po sya gusto, gustong-gusto ko po sya!"kung pwede pa lang magspark ang mga mata ko literal baka kanina pa sila nag-spark ng bongga."Maraming salamat po mama!"sabay yakap ko sa kanya.

"I'm so glad you loved it. Go in to your room now!"

Agad naman akong sumampa sa kama 'ko'. Lumundag-lundag doon na parang bata at inamoy-amoy ang mga unang pagkabango-bango. Grabe, sa tanang buhay ko ngayon lang ako nagkaroon ng ganito karangyang kwarto at mga gamit. Pumunta ako sa may bintana, binuksan ang kurtina at bumungad ang pagkagandang view! Isang maliit na ilog sa isang malawak na parang forest. Sa kanila pa rin ba yun? Ang presko sa  paningin at pakiramdam!

"You're enjoying too much?" si Tristan na umupo na sa kama ko.

Tumabi naman ako at nginitian sya,"salamat ha?"

"Shouldn't be saying that to mom?" napansin kong wala na duon sa loob ng kwarto ko si mama,"Umalis na?"

"She told me she had some things to do so ako na daw bahala sayo."

"Pero, salamat sainyo pareho. Sa tanang buhay ko, ni hindi ako pinagarap o inisip na makakatira ako sa ganto kagandang bahay. At lalong lalo,"hindi ko alam napaluha na lang ako,"nagkaroon ako ng ganitong klaseng pamilya."

Hindi sya umimik kaya nagpatuloy lang ako," napaka-swerte mo Tristan. Dapat pahalagahan mo ang mga tao at bagay na nasa paligid mo."

"You keep saying that, you know."

"Hindi ako magsasawa at mapapagod na ulit-ulitin yan sayo. Kasi hindi mo naransan at hindi mo mararanasan ang mga naranasan ko. Hindi mo alam kung gaano kahirap mabuhay ng mag-isa. Yung pag may nakikita kang mga bata na kasama kumpleto ang mga magulng nila, may nanay may tatay at masaya, iyong inggit na inggit ka. Yung batang may uuwiang bahay na may kasama ang totoo mong pamilya. Ibig ko sabihin, ppara sa akin tunay ko na ding pamilya sina unty at mga anak nya pero minsan hindi ko din maiwasang isipin. May mga kapatid kaya ako sa tatay ko? Sino kaya totoo kong tatay? Asan kaya sya? Alam nya bang may anak sila ni nanay? Alam nya kayang merong ako? Kasi iba pa din yung alam mong kumpleto ka, yung buo ang pagkatao mo kasi alam mo kung saan yung pinaggalingan mo at sino yung mga taong karugtong mo." 

He hugged me suddenly."I'm here, i love you."

"Shunga. Alam kong mahal mo ako. Mahal din kita. Salamat ulit dito ha?"

Gabi na nun. Nasa kwarto na ako at matutulo na. Tapos na kami magdinner kanina pa. Sobrang saya pa nga ni mama kasi first dinner daw namin as a family. Hindi pa din talaga ako makapaniwala na andito na ako sa mansyon nila Tristan nakatira. Di ko lubos maisip na mangyayari ito. Fairytale lang ang peg? Parang oo na hindi. Pero baka nga, baka totoo na merong happy ending.

Sumilip ako sa bintana, lumabas sa terrace at nagmuni-muni. Tumingala ako sa kangit, ang ganda kasi puno ng mga stars.

"Hi nay. Kumusta ka na? Ako po ito, si Alyson." may mga pagkakataon na kapag malungkot ako o kaya basta lang nagmu-moment ay kinakausap ko ang nanay ko sa langit. Alam ko hindi ko sya na-meet kahit kelan pero alam ko ndyan sya nakatingin at nakabantay sa akin.

"Yayamanin na po ako nay. Nasa plano poba ito ni God? Sinabi nyo po ba sa Kanya?Kung ganun po, pakisabi na maraming maraming salamat. Sayang po ano? Sana andito kayo. Sana sabay nating nararanasan to,"napaluha na ako."Sayang kasi ni hindi man lang ako nabigyan ng pagkakataon na makasam kayo at mabigay sainyo ang mga bagay na dapat para sainyo. Pero salamat ppa din, kasi kahit di kita nakilala at nakasama alam ko lagi kang nandyan mula noon hanggang ngayon para bantayan ako at hindi puinapabayaan. Alam nyo nay, kahit ganito, mahal na mahal pa din kita. Kasi wala ako sa mundong ito ngayon kung hindi dahil sainyo."

Ilang oras din ako nanatili dun sa terrace. Pakatapos ay pumasok na ako sa loob at natulog na. Kinabukasan ay papasok na kami sa paaralan. Balik eskwela na naman at siguradong iintrigahin na naman ako nito ng bffs ko.

At hindi din naman ako nagkamali, dahil pagbaba na pagbaba ko sa sasakyan na kasama si tristan ay agad nila ako sinalubong ng tila mapanghusga at excited na mga tingin. Pero nagulat ako ng hawakan bigla ni Tristan ang kamay ko saka dumiretso lang kami papasok ng classroom. Pagpasok namin duon ay nilapitan na agad ako nina Mai at Jai.

"HHWW, girl?" kantyaw ni Maileen.

"Hi prends."ngiti ko sa kanila sabay upo namin sa mga chairs namin.

"Chapter 2 na besh."si Jai.

"H-huh?" Pa-inosente kong tanong kunwari.

"Kwento."

"Huwag pa-inosente effect girl. Di kami bulag at bingi. Marites kami remember? Sinabi na kaya sa amin nina John."

"Alam mo Alyson, nakakatampo ka na. Lagi ka na naglilihim sa amin. Kaibigan mo pa ba kami o ano?"kunwaring natatampong sabi ni Jai.

"Tsaka ikaw ha, kinain mo din sianbi mo na noon na 'hindi ako magkakagusto dyan kay Tristan mamatay ka man ngayon!'. Papatayin mo pa ako bes, kaloka ka."natawa ako kasi naalala ko yung sinabi kong yun.

"Sorry na mga friends. O sige kasi ganito nga yun."at kinwento ko na sa kanila. Matapos ang pagkahaba-habang pagsisiwalat ay tila baga windang ang dalawa sa mga narinig nila.

"So nagka-jowa ka na, nagka-instant mother-in-law ka pa?! Saya besh, parang teleserye amg peg ng buhay mo ah! Cinderella ikaw ba yan?"

"Gaga di ganun yun!"

"Ginandahan mo naman kasi masyado eh. How to be you po?"

"Sapak gusto nyo?"

"Brutal pa din."sabay tawanan naming tatlo.

Recess time na ng tanungin ako nina Mai."Sasaby ka ba samin o may date kayo ni Papa T?

"Kinakareer mo na din yang Papa T na yan Mai. Ang corny huh?"

"Sus if i know kilig ka naman."

"Tara na nga!"

Nasa labas na kami ng room naglalakd papuntang canteen ng harangin kami ni Jane sa daan.

"So it's true."

"Uy ang bruha pala."si Jai. Ang tapang lang girl?

""Jane,"

"Kayo na nga ni Tristan."sabi nito kasabay ng masamng tingin sa akin.

"Ay nahuli ba ito sa balita?"sagot ni Mai. Inawat ko naman sya. 

"Gold digger? Attention seeker? No wait, desperate for money? Tell me. Did you hypnotix=ze Tristan and Tita? Gayuma?"

"Hoy bruha ang o.a a! Inggit ka lang at hindi ikaw ang pinili ni Papa T eh!"gigil na sagot ni Jai kay Jane.

"Jai, tama na."

"Eh sobra naman makapgsalita sayo Aly eh!"

Napansin ko na lang na pinagtitinginan na kami ng ibang mga estudyante sa hallway.

"Pa-good girl ka na ngayon ganun? Diba ng nakaraan lang ang lakas ng loob mo na sumagot-sagot? Palibhasa kasama natin si Tita."

Tila ayaw pa din paawat ni Jane. 

"Ayoko ng gulo, Jane. Hindi ngayon." aalis na sana kami kaso hinatak nya ako bigla sa braso.

"Hindi pa ako tapos." madiin at galit nyang sabi.

Napabuntong hininga ako. "Jane alam mo, maganda ka. Wag mong sirain ang sarili mo dahil lang sa inggit mo sa isang tao-"hindi ko na natapos sasabihin ko kasi bigla nya akong sinampal. Nagulat naman sina Jai at Mai.

"Inggit? Ako? Jealous of someone like you? Ambisyosa ka ngang talaga."

Dumating bigla sina John.

"Jane ano to?" lumapit si Alex sa kambal nya,"ano nangyayari dito?"

"Leave us alone, Alex."

"Tama na Jane. Wag mang mag-scandal dito."awat naman ni Mart.

"Scandal? Me? Akopa talaga sinasabihan mo nyan,Mart? I am your friend!"

"You are our firned Jane. Kaya nga tigilan mo na to."

"Pinagkakakampi-kampihan nyo ba ako against this ugly girl here?!"

"Walang nagkakampi-kampihan Jane. At kung meron man, sigurado ako andyan sina Alex para saiyo-" sinamapal nya ako ulit, this time mas malakas na sa kanina kaya napatumba na ako.

"Aly!"inalalayan naman ako nina Mai at Jai para gad makatayo.

"Shut up! Just shut up! Who told you to speak? I am so pissed off of your face i literally want to rip it rightnow!"

"Jane ano ba?!"si Alex yun, tila galit na din sya sa kakambal nya.

"No Alex,"binalik nya tingin nya sa akin,"you b*tch. Hindi porket kayo na ni Tristan at sa kanila ka na nakatira ay magpapatalo ako sayo. You dont know what I'm capable of, Alyson Li. Wait until you got a taste of it!"sabay alis nya. Sumunod naman sina Jhn, Mart at bago pa man sumunod si Alex ay humingi muna ito ng paumanhin sa amin tsaka umalis na din.

"Besh? okay ka lang?"pag-aallang tanong ni Jai. Pinaupo nila ako sa isang malapit na bench duon kasi bigla ako nakaramdam ng pagkahilo.

"Hayaan mo na yun besh. Inggit lang sayo yungbabaeng yun. Ang laki ng insecurity sa katawan grabe! Nakakaloka din naman talaga-Aly!" habang kasi  nadaldal si Mai sa tabi ko ay bigla na lang nandilim ang paningin ko saka sunod na lang nangyari ay nawalan na ako ng mlay.

Dinala naman nila ako agad sa school clinic sa tulong ng iba pang mga estudyante na nagbuhat sa akin.

"How is she?"

"Ano ka ba Papa T! Bakit nagyon ka lang? Hinimatay ang jowa mo kanina pa!"

"Oo nga. Inaway-away ba naman nung bruhang Jane kanina sa may canteen."sumbong ni Jai kay Tristan.

"Si Jane?"

"saan ka ba kasi nagsususuot?"

Hindi nya naman sinagot ang tanong ni Mai.

"Ano sabi ng nurse?"

"Baka sa stress daw at pagod."

"Kayo ha? Ano ginawa nyo kagabi?" kutya pa nitong si Mai.

"Jai." Ako yun. Nakahiga pa din at nakapikit kaya mahina lang pagkatawag ko kay Jai. Kanina pa ako gising at kanina kopa naririnig ang ingay nila pero dahil pakiramdam ko nanghihina pa din ako kaya hindi ko agad sila pinansin.

"Aly!"sabay-sabay silang tatlo nun. Dinilat ko na ang mga mata ko.

"Are you okay?"  bumungad sa kain ang nag-aalalang si Tristan na hawak-hawak ang kanan kong kamay.

"Okay ka na besh?"

"I

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status