Home / Romance / Meant For Two / Chapter 8: Symptoms

Share

Chapter 8: Symptoms

last update Last Updated: 2021-11-07 14:13:24

Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko. 

"Okay ako." Pinilit kong maupo sa kama kahit nahihilo pa ako sabay sabi ng,"bunganga mo Jai."

"Mukhang okay ka na nga bes! Ano ba kasi nangyari sayo?"

"Di ko alam Mai. Bigla na lang ako nahilo kanina."

"Did you even eat breakfast at home?" tanong ni Tristan.

"Shunga. Sabay sabay tayong nag-almusal nina mama kanina diba?"

"Huwaw! mama na talaga tawag nya! Parang bagong kasal ah? Wait! Hindi kaya, buntis ka?! Ouch!" sinapak ko sya pero mahina lang. 

"Bunganga mo din Mai eh."

"Sorry naman. Oh sya sige, may klase pa kasi tayo remember? Pahinga ka na muna dyan. Ii-excuse ka na lang namin sa teacher natin, okay?"

"Oo nga. Si Papa T na bahala sayo ha? Byee!"sabay na umalis yung dalawa. Mga kaibigan ko talagang yun kahit kailan mga baliw din eh.

"Should we go home?"

"O.A naman. Okay na ako pramis. Pwede pa ako para sa sunod na klase natin."

"Sabi mo eh. But,"

"Ano?"

"Inaway ka daw ni Jane kanina?"

"Wala yun. Alam mo si Jane baka kasi nagsiselos lang yun. Ikaw kasi bakit hindi na lang sya ang jinowa mo."sabay tawa ko.

"She's my friend."

"Oooh, friend naman pala. Kausapin mo na lang sya. Baka kasi umaasa. Tsaka baka kasi may paasa? Nagmahal, nasaktan, umasa?"pang-aasar ko sa kanya. Kumunot naman noo nya kaya natawa ako ulit.

"Silly. But thanks, di mo pinatulan."

"Muntik na!"biro ko, "Pero wala din naman mangyayari pag pareho namin pinairal init ng ulo namin. Tsaka naiintindihan ko din naman siguro ng slight yung pinanggagalingan nya. Plus, wala ako energy makipagtalo sa kanya kanina kaya swerte nya. Pero pag yun di pa natigil baka patulan ko na din."

"Alam mo, I really dot understand you. If you're really mabait o masungit o matapang o hindi. I mean, I'm still figuring it all out."

"Well then, goodluck sa pag find out!"

Naka-attend pa ako ng dalawa pang subject namin kanina. Tapos na naman ang isang buong araw at salamat at hndi na din naman nagkrus ang landas namin ng Jane na yun. Sabi ng kabilang section umabsent daw. Ewan ko dun, bahala sya sa buhay nya. Nandito na naman akong muli sa Publication Room ngayon. 

"Hi kuya Art!"bati ko kay Kuya na nag-aayos ng mga documents sa shelves.

"Uy, blooming! Mukhang totoo nga ang balita ah?"tila pangangantyaw ni Kuya.

"Huh?"

"Ikaw talaga Aly, ang cute mo!" pakiramdam ko namula pisngi ko sa sinabi ni Kuya Art. Wag ganun kuya, marupok ako. Nakakailig kaya!

"So ano? Ako ba magsusulat ng article tungkol sa inyong dalawa o ikaw? O iba nating team members?"

"Kaloka kuya! Bakit mo isusulat yun?!"

"Alyson Li, anak ngmay-a*i ng Johnsohn University ang boyfriend mo, alalahanin mo yan."

"Ayoko alalahanin kuya."

"Baliw ka din talaga eh. Pero hinimatay ka daw kanina? Okay ka na ba?"

"Oo naman kuya, ano ka ba! Okay na okay na ako."

"Ikaw Aly ha. Baka sa susunod na article na isusulat natin dito may little Alyson na ha? Mag-aral muna!" 

"Kuya Art!" tumawa naman sya ng malakas. Sayang saya talaga eh sa pang-aasar sa akin.

"Biro lang. Ito naman."

Hinantay ako ni Tristan hanggang matapos ako sa PR at sabay na kaming umuwi. Ng makarating sa bahay nila, agad kaming nag-ayos at nagbihis at ilang minuto lang din ay naghanda na para sa dinner. Lagi kasi kaming sabay-sabay na nakain na. Sayang saya dun si Mama pagkaganun. Kaya lang wala sya ngayon at nasa London sya. Umalis sya kahapon pa.

"Hinimatay ka daw sa school kanina?" si Mama yun. Nasa videocall sya ngayon kausap namin habang nakain.

"Ah, opo pero okay na po ako. Wag po kayo mag-alala."

"Sorry i was not there. I badly need to do things from work and had to rush back here in London. I was so worried the moment I heard you fainted. Wait, where is Tristan?"

"Okay lang po naiintindihan ko po. Andito po mama," sabay bigay ko ng phone kay Tristan.

"Yes mom? Yeah sure. I'm fine. And she seems fine now. Yeah, okay bye." sabay off ng phone nito.

"Ganun lang kayo mag-usap? Yeah, okay, sure, bye? Tapos sabay baba ng telepono?"

"What else is there to say?"

"Wala. Ang bakla mo talaga."

"Stop that."

"Oh bakit?"

"If you keep saying that, i might not help it but kiss you." nabilaukan ako bigla kaya agad ako uminom ng tubig. Nagsitawanan naman na tila kinikilig yung mga katulong na nakatayo sa gilid ng hapag-kainan nila. Ilang araw na ako dito pero di pa din talaga ako sanay sa kanila. Ang awkward lang kasi na nakain ka tapos may mga nakatingin sayo.

Kinabukasan, isang panibagong araw na naman sa paaralan.

"Hi bes!"maligayang bati ni Mai.

"Hi din sayo."

"Ganda mo ngayon besh, ah." biglang puri ni Jai.

"Mas maganda ka Jai."

"Alam ko naman yun eh,"proud nyang pagmamayabang. Aba iba din naman talaga ang confidence ng friend kong ito.

Biglang namang dumating sina John, Mart at Alex.

"Hi Aly and friends!"

Teka, bakit ang sisigla ng mga ito ngayon? Ano meron? Nilapitan naman ako  ni Alex bigla.

"Okay ka lang Miss Li? Parang maputla ka ata?"

"oo nga bes, maputla ka? Sigurado ka bang okay ka na?"

"I asked her that already and she said she's okay na."

"Naku! Baka naman di mo inaalagaan ang besh namin Papa T ah!"

"What?"

"Hoy ano ba kayo! Gustuhin ko man maging alalay si Tristan pero malabo eh," natawa ako sa sinabi ko. "Pero okay na ako, pramis."

"Told you."

Nagsimula na ang klase. Pero habang nagdidiscuss yung teacher namin sa unahan ay nakaramdam na naman ako ng panghihina. Yung parang may masakit sayo pero wala naman? Tapos bigla na lang ako napahawak kay Jai na nasa kanang side at katabi ko. Tinawag pa ako ni Jai pero ang sunod na lang na nangyari ay nandilim na ang paningin ko ng tuluyan.

"Aly!"

Hindi din nagtagal ay nagising ako at naalimpungatan sa ingay mula kina Jai at Mai.

"Ano ba kasi nangyayari sa kanya ha, Tristan? Kahapon pa sya hinihimatay."

"Ipa-doctor na kaya natin?"

Ipinatawag naman ni Tristan sa nurse ang school doctor.

"Ano ba kasi nangyayari kay besprend."mangiyak-ngiyak at may pag-aalalang sabi ni Mai.

Natulog na lang ulit ako. Pakiramdam ko kasi gusto ko na lang matulog sa sobrang hinang hina yung katawan ko. Ilang oras o minuto lang din siguro yun at nagising na ulit ako.

"Aly?"

"Tristan? Ano na naman nangyari sa akin?"

"I should be the one asking you that. What is happening to you again?"

"Hindi  ko din alam eh. Pakiramdam ko hinang hina ako."

"Kumakain ka naman sa bahay ah?"

"Gagi, sabay kaya tayo lagi."

Dumating naman na yung school doctor.

"Tristan?"

"Doc? Kumusta po?"

"According to her labs and tests, okay naman lahat sa kanya. Siguro pagod lang or puyat?  Wala ka naman bang masyadong pinagkakaabalahan hija?"

"Wala naman po doc." Pinagkakabalahan? Maliban sa articles and newswriting, di pa dun kasama homeworks, reports and projects, may iba pa ba akong dapat pagkaabalahan? Hindi na nga ako nakakapanood ng inaabangan kong korean drama eh.

"Okay kung ganoon. Bibigyan na lang kita ng vitamins."

"Okay doc, thank you." bati ni Tristan, sabay alis din ng doctor.

Pakatapos nun ay pinauwi na lang ako. Utos yun ni mama kasi nag-alala masyado. Wag na daw ako magklase at magpahinga na nga lang daw. In-excuse nya na din daw ako sa mga teachers ko. At take note! Tinawagan nya pang head mismo ng highschool department! Iba talaga ang madam, palibhasa may-a*i ng paaralan eh.

Nasa kwarto lang ako ngayon at nanunood ng tv. Nabu-bore na ako, wala nang ibang nagawa dito. Hindi ako sanay um-absent sa klase. First time ko lang ngayon, at first time ko din na magkasakit ng ganito sa tanang buhay ko, pramis! Walang halong biro.

Bumangon ako at pumunta ng banyo para umihi. Nanalamin muna ako dun saglit. Napansin kong pumapayat ata ako? Kung kelan naman ang sasarap parati ng kinakain ko dito sa mansyon saka pa ako n angayayat. Ewan naninibago pa din siguro ako. Umupo na ako sa toilet bowl. Pagbaba ko ng pambabang damit ay napansin kong may iilan akong maliit na pasa sa legs. Ay alam ko na! Baka dadatnan ako ng regla? Madalas kasi pag bago ako datnan ay kung ano-anong nangyayari sa akin. Pero parang ang aga naman ata?

"Ma'am Aly?"

"Po?"sigaw ko mula sa banyo. Tinawag kasi ako ng isang katulong eh. Nagmadali ako lumabas ng banyo at pinagbuksan yung katulong.

"Bakit po ate?"

"May bisita po kayo."

Bago pa ako magtanong kung sino ay pumasok na si aunty sa kwarto ko.

"Aunty!"nginitian nya ako at nagyakapan kami pareho.

"Pasok ka aunty." Naupo kami duon sa mini-sala dito sa kwarto ko.

""Ang ganda ng kwarto mo ah. Yayamanin ka na talaga, Aly." pinagmamasdan nya yung paligid ng kwarto ko at manghang mangha sa mga nakikita nya.

"Hindi naman aunty. Mas miss ko pa din kwarto ko sainyo. Andami ko kayang memories dun."

"Miss mo lang ako eh."

"Sobra aunty!"

"Pero ano yung nabalitaan kong panay daw himatay mo sa klase nyo? Nag-alala ako. Kaya napatakbo ako dito eh. Ano ba nangyayari sayo?"

"Wala yun aunty. Pagod lang siguro."

"Pagod? Bakit, kinakawawa ka ba nila dito? Inaalipin?"

"Hindi po! Hindi ganun. Ang ibig ko sabihin, pagod sa mga gawain sa school."

"Ikaw naman kasi eh. Nabawasan na nga mga gawain mo kasi di ka na natrabaho sa bakeshop, tsaka ka naman nagkakasakit. Samantala nung andun ka sa bahay okay ka naman."

"Kaya nga aunty eh. Baka namimiss lang ng katawan ko magbantay sa bakeshop. At baka homesick na din aunty. Sobra ko na kayong miss tsaka sina ate at kuya."

"Miss ka na din ng mga iyon. Gusto nga sana nila sumama papunta dito kaso walang magbabantay sa bakeshop."

"Aunty~"yumakap muli ako sa kanya,"kumusta na po kayo?"

"Batang ito, oo. Napakalambing mo kahit kelan. Okay ako. Wag mo kami alalahanin kasi okay kami. Ikaw, alagaan mo ang sarili mo dito. Pag ikaw nagkasakit ulit iuuwi na kita sa bahay, sige ka."

"Parang gusto ko yun aunty."biro ko naman sa kanya.

"Gaga!" at tumawa kami pareho. Maghapon din nanatili si aunty sa mansyon at magdamag din kami nagkwentuhan. Matapos ay umalis na din naman sya at umuwi na baka daw kasi gabihin sya. Pinahatid ko sya sa driver nina Tristan, sinunod din naman ako. Inaasar pa nga ako ni anuty na sosyal na daw ako kasi may driver at nauutusan na. Si aunty talaga.Lalo ko tuloy sya namiss at lalo ako na-homesick.

Ng gabi ding iyon, dumating na si Tristan galing sa school.

"Aly? Are you sleeping?"

"Tristan? Kadarating mo lang?"

"Yeah. Did you have dinner?"

"Oo kanina pa. Hinatidan pa nga ako dito sa kwarto ni Tay Niko. Sabi ko sa baba na lang ako kakain kasi ang hassle. Effort masyado hindi naman ako baldado."

"I told him that."

"Ano, may homework ba? Yung group project taka activity natin okay na ba? Ano sabi nina ma'am, hinanap ba ako?"

"Don't worry everything is fine. No homework, just some readings. But hey, why do you still look so pale?"

"Hindi ah. Baka sa ilaw lang yan."

"Silly,"hinaplos nya yung pisngi ko at kunwari'y kinurot ito,"Go and have a rest."

"Sige,"nahiga na ako sa kama. Inaantok na din ako ng kaunti. "Pero Tristan, pwede naman na ako pumasok bukas diba?"

"If okay ka na."

"Okay sige goodnight."

"Goodnight Aly,"he kissed my forehead and said," I love you."

I smiled. "Alam ko."saka pinikit ko na ang aking mga mata.

Ang ganda ng gabing iyon, punong puno ng mga bituin ang langit. Naglalakad ako sa labas hanggang sa di ko namalayan napadpad ako sa isang malapit na park. Andaming tao, ang saya nila tingnan. May mga nagtatawanan at mga batang naghahabulan, pero nahawi ng mga mata ko sa may bandang carousel ang isang babae na nakatayo at tila pamilyar ang itsura.

"Nay?"

Hindi ko nakita sa personal si nanay, oo, pero alam o ang itsura nya dahil na din sa mga pictures na pinakita sa akin ni aunty. At sigurado akong si nanay ang babaeng iyon sa may carousel. Tinawag ko sya ulit pero hindi nya ako narinig. Nagsimula na syang maglakad kaya hinabol ko sya. 

"Nay sandali!"

Pabilis ng pabilis ang lakad nya kaya halos patakbo na din ako. Hinabol ko sya ng hinabol hanggang sa mapunta ako sa isang kwarto? Nakabukas yung pinto tapos nakakasilaw sa loob. Duon ko naabutan si nanay, pero this time may kasama na syang lalake at magkahawak kamay silang nakaharap sa pintuan na yun.

"Nay!"tawag kong muli.

Nilingon nya naman ako at nginitian. Tama ga ako, si nanay nga. Yung itsura nya, yun na yun mismo na nasa mga pictures kina aunty. 

"Nay!" masaya kong tawag muli sa kanya. Sa wakas nakita na kita, nanay. 

Tinaas bigla ni nanay ang isa nyang kamay at tila inaabot ito sa akin na para bang niyayaya akong sumama sa kanila.

"Saan kayo pupunta, nay? Sino yang kasama mo?"

Hindi lumilingon yung lalake. Hindi din ako sinagot ni nanay bagkus inaabot nya pa din kamay nya sa akin. Sinubukan kong lumapit sa kanila pero hindi ko maihakbang ang mga paa ko. Tiningnan ko inaapakan ko kung may nakaharang ba pero wala naman. Muli ko tiningnan sina nanay pero nagsimula na silang maglakad papasok sa kwarto.

"Nay sandali!" Hindi na sya sumagot at hindi na din ako nilingon.

"Nay? Nay!"naglakad na sila hanggang sa tuluyan na silang nawala sa paningin ko.

"Nay?!"nagising ako bigla at napaupo sa kama ko. Panaginip lang pala. Pero bakit parang totoong totoo? Hinawakan ko ang pisngi ko, b**a ng luha.

"Aly?" Tumatakbong pumasok si Tristan sa kwarto ko sabay tabi sa akin at umupo sa kama."Are you okay? I heard you shouting from my room."

"Tristan?"

"Is something wrong?"pag-aalala nitong tanong.

"Tristan si nanay,"

"Did you have nightmare?"

"Si nanay kasi,"umiyak na ako ng tuluyan. Niyakap nya naman ako.

"Calm down now. It's okay, im already here," patuloy lang ako sa pag-iyak habang patuloy din akong pinapatahan ni Tristan. Pero ilang sandali lang ay nakaramdam na naman ako ng panghihina. Humawak ako sa damit ni Tristan. Napansin nya siguro kaya kumalas sya sa pagkakayakap sa akin pero hawak nya pa din ako sa braso.

"Aly? Hey, Aly!" sumunod na nangyari ay tuluyan na lang nandilim muli ang paningin ko.

Ng nagising ako, nakaramdam ako ng sakit sa kanang kamay ko dahil sa tusok ng karayom? Dinilat ko ang mga mata ko pero nasilaw ako sa liwanag ng ilaw.

"Aly?"

"Bes? Si Jai to."alam ko, gaga.

Ng maidilat ko na ang mga mata ko ay nakita ko si Tristan sa tabi ko, hawak ang isa kong kamay at yung isa naman ay may nakatusok duon na dextrose. Sabi ko na nga ba, nasa ospital ako. Tiningnan ko ang paligid at nandun sina Jai at Mai pati na din sina John, Mart at Alex.

"Bes, okay ka na ba? May kailangan ka?"

"Anong nangyari? Bakit ako nandito?"

"Oh my gosh!"nagulat kaming lahat sa sigaw ni Mai.

"Mai?"

"Alam ko na to eh! Napanood ko na to!"

"Ano?"

"Amnesia! Hindi nya tayo maalala ni Aly- aray!"binatukan sya bigla ni Jai. Gusto kong tumawa dahil sa dalawang ito pero wala akong lakas.

"Yan napapala mo sa kaadikan sa teleserye eh! Bruha ka napaka-o.a!"

"Aly, do you really not remember?"

"Ano ba nangyari Tristan?"

"Two days ago sa bahay,"

Two days ago? Dalawang araw?

"Dalawang araw ka nang walang malay besh! Ano ka ba alalang-alala na kami sayo akala namin patay ka n-- aray ano ba?!" this time si Mai na ang bumatok kay Mai. Mga kaibigan ko talagang ito kahit kailan at kahit saan puro kalokohan.

"Ikaw din kasi o.a eh!"

"Dalawang araw akong walang malay?" sinubukan kong alalahanin kung ano ba nangyari,"si nanay. Napanaginipan ko si nanay."

Biglang may pumasosk na doctor na may kasamang nurse.

"Family of Ms. Li?"

"Ako po."sabay tayo ni Tristan.

"Kapatid mo?"

"Hindi po doc! Boyfriend po yan ng pasyente. Ulila na po eh." si Jai ang sumagot. Ang daldal talaga neto, inawat naman sya ni Mai.

"I see. Well, we had some tests with the patient yeserday and the other day and,"tumingin ang doctor sa akin.

"What is it doc?"

"I think it's better if we have someone older here. Any other relatives or guardian?"

"Si Tatay Niko,"sagot ko naman. Tinawag din naman nila John si Tatay at pinapasok ito sa kwarto. Ng makapasok na si Tatay, nagsalita na ulit yung doctor.

"Okay so, like I said we had some tests with the patient and we found some symptoms based on the results."

"Symptoms of what?" tanong ulit ni Tristan. Atat na atat din itong isang ito eh. Well, ako din naman, si doc kasi pabitin pa eh.

"Based from the results, the symptoms matches with,"

"Dok naman ang lakas mo mambitin! Ano po ba sakit ng kaibigan namin?!"

"Hoy Mai ano ba?!"awat ni Jai.

"The patient is positive with leukemia."

"Po?!"sabay-sabay silang napasigaw.

"I'm so sorry. You need to decide on her medication and she also needs to undergo chemotheraphy."

"Doc, joke time ka naman eh!"hirit pa ni Jai.

"I'm sorry."

"Totoo po ba doc?" nagtinginan sila lahat sa akin, "Leukemia? Mamamatay na po ba ako doc?"

"Aly no! No. I will tell mom about this. You will go through whatever medications you need at gagaling ka. Ipapagamot ka namin." tila balisang sambit ni Tristan. Kita sa mukha nya ang pagkagulat, pagkatuliro at pag-aalala. Kinuha nya phone nya saka lumabas. Nilapitan naman ako ni Tatay Niko.

"Signorita Aly,"nakikita ko din ang lungkot sa mukha ni Tay Niko.

Sinubukan kong kalmahin ang sarili ko. Hindi ko pa din mai-process yung mga narinig ko kay doc kanina eh. Feeling ko nananaginip pa din ako. Pero alam ko din na hindi ngayon ang tamang oras para ipakita ko sa kanila na mahina ako.

"Okay lang ako tay,"i smiled weakly. Okay lang yan, ipapagamot naman daw ako nina Tristan eh. gagaling naman siguro ako diba?"

"Best," lumapit din sina Mai at Jai sa akin. Nakakainis lang, kasi ayoko yung pakiramdam na kinaaawaan ka. Pero sa kalagayan ko ngayon, kaawa-awa naman talaga.

Bumalik si Tristan sa loob ng kwarto at tinawag si Tay Niko."Cho Niko, I called mom. She said she's coming home."

"Agad-agad po naming susunduin ang Madam. Nasa labas lang din po ang ibang guards kung may kailangan kayo."

Pagkasabi nya nun ay agad naman lumabas at umalis si Tatay Niko. Nilapitan ako ni Tristan at hinawakan muli ang kamay ko. Nginitian ko naman sya. Natutuwa ako kasi nakikita ko sa kanila lahat na nag-aalala talaga sila sa akin. Hindi naman nila ko talagang kaano-ano pero ganun na lang malasakit nila. Mababait ang mga tauhan nina Tristan.

"Bro, is there anything we can help?"tanong ni Mart.

"Maybe, for now you can just go. Aly needs to rest."

"Okay sige, pero kung may kailangan ka, just call us."

"Got it. Thanks."

"Miss Li," si Alex yun.

"We will get throught this right, Alex? She will be okay right?"ani Tristan.

"Oo naman bro. She's a fighter diba." nginitian naman ako ni Alex, sinuklian ko din sya ng ngiti."We're all in this together."

"Sige bro, we'll be back na lang tomorrow. Update us." si John.

"By the way guys, don't tell anyone at school yet."

"Walang problema samin yun, Papa T. Alam namin yun din gusto ni bes."

"Prend, pahinga ka na ha? Babalik kami bukas." tumango lang ako.

"Bye Aly, Tristan," at nagsilabasan na sila.

Pagkaalis nila ay nagkatinginan kami ni Tristan. Hawak pa din nya kamay ko kaya hinigpitan ko din pagkakahawak ko sa kamay nya.

"Are you okay? Are you sleepy?"

Ipinahiga na nya ako sa kama pero hindi pa din kami bumitaw sa isa't isa.

"I already told mom. She said, she's taking the earliest flight in London. She will be home soon. Wag ka nang mag-isip ng kung ano ha? Magpahinga ka lang."

"Wag mag-isip?"pinikit ko ang mga mata ko,"parang ang hirap nun. Sabihin mo nga, nananaginip pa rin ba ako?"

"Aly,"

"Nung narinig ko kanina yung sinabi ng doctor di ko alam ano magiging reaction ko. Unang pumasok sa isip ko, mamamatay na ba ako? Leukemia? Kanser? Ako? Paano? Gusto ko magwala o kaya umiyak kanina. Parang yung sa mga drama na parang naghi-hysteric ka? Pero alam mo, nung makita kita kanina na natataranta, tapos sina Mai and Jai na nag-iiyakan sa gilid, pati sina John, Mart tsaka Alex natahimik. Tapos lalo si Tatay na kitang kita sa mukha yung pag-aalala, hindi ko alam bakit parang umatras pabalik yung luha ko. Kasi kung magwala pa ako, baka lalo kayong mataranta lahat."

"Aly, listen. You don't have to worry about us. We love you that's why we will do naything to make you feel better okay? You know what? I suddenly remembered something funny."

"Ano naman yun?"

"When we first met. Ang tapang mo nun, ang lakas ng loob mong tarayan ako tsaka sina Jane. 'kung gusto mo ibigay mo na lang sa akin sapatos mo at lilinisan ko' yun ang sinabi mo", inimitate nya yung sinabi ko nung araw na yun. Natawa din ako kasi naalala ko din yung araw na yun.

"That's when I told myself, wow this girl is a little different. No one even dared to fight back gainst us but then there you are, walang pakialam what we might do to you."

"Ayoko lang maging prey ninyo, kaya ganun."natawa din sya.

"Prey talaga? But seriously, knowing you, kaya kita nagustuhan is because I've known you as a strong and independent girl, Alyson. And I know, that not even this illness can stop you from fighting. Plus, I'm with you now. So we will fight this together, okay?"

"Together." sabay yakap ko sa braso nya. Hinalikan nya naman ako sa noo. Nakakagaan lang ng loob, because somehow I know tht hindi ako mag-isa with my battle. My biggest battle in life, by far.

"

"

"

Related chapters

  • Meant For Two   Chapter 9: Home

    "Where's my daughter?!" biglang bumukas ang pinto at pumasok si mama. Si Tristan naman ay naalimpungatan ng marinig si mama. Natutulog sana ito sa sofa ng room namin dito sa ospital. Ako naman ay nakapikit lang at nagpapahinga pero nadilat na din ng dumating si mama."Mama?""Aly!"agad sya dumiretso sa akin at niyakap ako. "Oh my God dear are you okay? Are you in pain?""Okay po ako, mama. Pasensya na po pinag-alala ko kayo. Naabala ko pa kayo sa trabaho.""Never ever say na abala ka.""Mom." si Tristan yun, bumangon na at lumapit na din sa amin."Tristan, ano sabi ni doc? Did you transfer her to doctor Lang?""Pina-transfer na namin agad kay doc. Lang as soon as you told us.""I'm so sorry my dear. Wala ako sa tabi ninyo. But I'm here

    Last Updated : 2021-11-08
  • Meant For Two   Chapter 10: Beginnings

    "Nay! Aalis na po ako!""Ingat anak!""Sige po." at nagmadali na akong pumunta ng bus stop. Naku, ayoko maiwanan mahirap na, baka ma-late pa ako sa unang araw ko sa trabaho.Agad din naman akong nakasakay ng bus. Naupo ako sa bandang unahan sa kanang bahagi ng bus, malapit sa bintana. Sa kahit nong sasakyan, gutsong-gusto ko talaga lagi yung nasa may bintana kasi gusto ko yung nakikita yung mga tanawin o kaya mga dadaanan. May maliit na tv yung bus, nakabukas ito at balita ang palabas.'Johnsohn Corporation officially released a statement and confirmed that the president and son of the founder of the well-known company had passed away this morning, 5am at the Johnsohn Hospital, which is owned by the latter's cousin. Alfred Johnsohn had been diagnosed and suffered from lung cancer early last year. Since then, his only son, Tristan Johnsohn has been temporarily taking his pl

    Last Updated : 2021-11-09
  • Meant For Two   Chapter 11: His Ex

    Pagdating ko sa bahay, nakahanda na ang hapunan namin ni nanay. Agad na ako dumiretso sa kwarto at nagbihis na ng pambahay tsaka naupo na sa hapag-kainan. Sumabay naman na din si nanay."Nay,""Oh?""Alam nyo po, ang weird ng araw ko ngayon sa school.""Bakita naman?""Eh kasi yung boss namin, yung may-ari mismo ng paaralan, pinatawag ako sa Head's Office."nagulat naman bigla si nanay kaya agad naman ako pinagsabihan."Anak! Ano ginawa mo?! Naku naman sabi ko saiyo wag masyadong magpasaway! Hindi ka na estudyante ano ka ba?!""Nay hindi naman ganun! Hindi naman po ako nanggulo o ano. Wala akong ginawang kalokohan."kumalma naman sya ng kaunti."Oh eh bakit ka naman pinatawag kung ganun?""Eh kasi nanay yung bo

    Last Updated : 2021-11-10
  • Meant For Two   Chapter 12: Me and Her

    Malalim na ang gabi ngunit hindi pa din ako makatulog kaya naisipan kong magsurf na lang sa internet at maglog in sa aking social media account. Tinitingan ko ulit iyong account ni sir Tristan lalo na iyong picture nila nung ex na suot yung kwintas. Hindi ko napansin na pati sa ibang larawwan nila ay suot nya din iyon pero madalas nakatago lang. Bigla ko naisipan i-search ang pangalang Alyson Li sa social media at nag-appear naman agad ito. Mutual friends sila ni sir Tristan eh. Agad ko naman pinindot iyon at tiningnan ang profile nya."Sya nga ito," base sa profile picture nya, sya nga si Alyson Li. Updated six years ago pa. Malamang kasi patay na. Ang mga naka-post sa wall ng account nya ay mga farewell messages. Ang dami nga eh, andaming nagmamahal sa kanya. At halos lahat ng nakasulat ay 'i miss you' ang nakalagay. Binasa ko naman yun isa-isa.'We will miss you Aly. Rest in peace.''

    Last Updated : 2021-11-11
  • Meant For Two   Chapter 13: Nathan

    Buong magdamag kong sinamahan si Ana hanggang maihatid na ang bangkay ng nanay nya sa bahay nila. Umaga na ng nakauwi ako. Buti na lang weekends kaya okay lang magpuyat. Sinabi ko na din naman kay nanay ang mga nangyari kaya naintindihan nya naman. Ginugol ko yung weekends ko sa pagchi-check ng papers ng mga bata. Naalala ko lang bigla yung mga sinabi ko kay sir Tristan ng gabing iyon. Kahit papano ay nagi-guilty ako pag naaalala ko pero kasi tama din naman na sinabi ko na sa kanya ang totoo. Na naiilang ako at nau-awkward sa kanya.Mabilis lumipas ang linggo at di mo mamamalayang lunes na naman. Pasukan na naman. Sana lang, hindi na sya magpakita dito sa school, please lang.Nasa faculty na kami at naghahanda na para sa aming mga klase. Pero gaya ng dating gawi, bago iyon ay kailangan may chismisan munang maganap sa aming dalawa ni Tin."Sinabi mo yun sa kanya?!"gulat na reaksyon

    Last Updated : 2021-11-14
  • Meant For Two   Chapter 14: Necklace

    Nakahiga na ako sa kama ko ngayon, pero hindi pa din ako makatulog. Naaalala ko pa din kasi yung kaninang nangyari eh. Ang saya lang at ang sarap sa pakiramdam. Ngayon ko lang naramdaman ito. Palibhasa kasi no boyfriend since birth.Bumangon ako at pumunta sa study table ko saka binuksan ang laptop ko. Naglog in ako sa social media account ko at hinanap duon kung online pa si Nathan pero wala. Baka tulog na, dis oras na din kasi ng gabi. Miss ko na agad sya. Nag-scroll na lang din ako sa newsfeed ko pero maynagchat bigla. Na-excite ako at baka si Nathan pero napa-frown na lang ako ng makita ko ang pangalan kung sino.Tristan: So you're having fun with Nathan.Me: Excuse me po,sir?Ano naman sayo kung I'm having fun with your pinsan?Tristan: Why? Why can you be friends with him while I can't?Me: I'm sorry sir, I dont get your point.

    Last Updated : 2021-11-15
  • Meant For Two   Chapter 15: Date

    Napakaagang pumunta ni Nathan sa school, ang usapan namin after class pa pero sabi nya pumunta daw talaga sya ng university para kausapin si Tristan for important matters. Hinintay nya din naman na matapos ang klase ko maghapon. Ang tiyaga lang. Hindi naman nya kailangan gawin yun pero okay lang naman daw, gusto din naman nya.Ng uwian na, agad nya ako sinundo sa labas ng campus."So, where do we go?"Nakasakay na kami sa kotse nya paalis na ng university."Hindi ko din akam. tsaka ikaw nagyaya diba?""Well yeah actually. What do you like? Para magka-idea ako saan tayo pupunta."Nag-isip naman ako," gusto ko pumunta ng amusement park!"excited kong sabi."Ano ka bata?"sabay tawa nya."Masama ba yun?""Hindi naman. Cute nga.

    Last Updated : 2021-11-16
  • Meant For Two   Chapter 16: Tristan

    Matapos ang ilang araw ng leave sa trabaho ay naisipan ko nang bumalik at pumasok ulit. Pakiramdam ko kasi kung magmumukmok lang ako sa bahay ng matagal, lalo ko lamang mamimiss ang nanay."Good morning ma'am!"masiglang bati sa akin ng mga estudyante ko. Nakakatuwa namang makita na sabik din naman sila sa pagbabalik ko. Namiss ko din sila sa totoo lang. Napapangiti naman ako ng sobra ng mga batang ito."Kumusta kayo?"bati ko sa kanila."Ma'am kayo po ang kumusta? Kasi ma'am okay lang naman po kami."sabi ng isa kong estudyante. Napakabait din naman talaga ng mga anak-anakan kong mga ito. Inaaalala din naman talaga ako."Okay na ako, wag na kayo mag-alala. Salamat sainyo."nilapag ko na ang mga libro kong dala sa mesa ko saka binuklat yung aklat na subject namin ngayon,"Ano nga last na ginawa nyo sa subject natin?"At nagsimula nang muli ang

    Last Updated : 2021-11-23

Latest chapter

  • Meant For Two   Chapter 35: Happy Ever After

    Ilang araw ding nagpabalik-balik si Cathy sa bahay para sa tutor niya kay Dan. Hindi din naman sila aging sa kwarto lang, dahil minsan ay sa sala na sila lalo pa ng malaman ni Tristan. Muntik pa kaming mag-away na mag-asawa at sinermonan ako. Kung ano-ano na lang daw kasi ang mga pinaggagawa ko. Pero sa bandang huli ay naipaliwanag ko naman sa kanya ng maayos. Last day of tutorial na nila ngayon at sila ay nasa sala. Sa naglipas na isang linggo, napansin kong mula sa day one na pagiging masungit ni Dan ay nabawasan na ito sa mga sumunod na araw. Madali din naman daw kasi matuto si Cathy sabi nya. Totoo naman at hindi naman sya basta-basat pipiliin na representative ng klase nila kung hindi siya magaling. Masaya akong pinagmamasdan ang dalawa sa sala mula dito sa mini kitchen namin ng lapitan naman ako ni Clara. "Bagay sila ano?"mukhang kilig na kilig din naman si Clara sa dalawang bata. "Sinabi mo pa."sang-ayon ko naman. "Kaya lang ang babata pa nila, Jill." "Alam ko naman eh."

  • Meant For Two   Chapter 34: Catherine

    Nagsimula na ang laro nina Dan. Halos parehong teams ang gagaling lang na para bagang mga ayaw magpatalo. Laging magkadikit lagi ang kanilang scores kaya si Tristan ay intense na intense din namankaya hindi na nya naiwasang bumaba at puntahan si Dan during breaktime."Hoy! Saan ka pupunta?"paghawak ko naman sa laylayan ng damit nya."I need to go there and talk to Mart and Dan.""Para saan?""To calm me down."at dumiretso na sya pababa. Ang baklang iyon, kulang na lang sya na mismo ang maglaro. Masyado na atang feel na feel ang laro at hindi na napigilan ang sarili na puntahan ang anak nya. Iba din naman talaga. At kinausap nya nga din naman si Dan pati na din si Mart at hindi na ito bumalik duon sa amin ni Ella hanggang sa matapos ang laro. Hindi nanalo ang team ng anak ko, pero isang puntos lang din naman ang lamang kaya proud pa din naman ako

  • Meant For Two   Chapter 33: Little Nathan

    Matapos ang dinner namin iyon ay bumalik na din kami sa hotel na tinutuluyannamin. Gustuhin man ni Lola Carmen na mag-stay kami at magpalipas ng gabi ay hindi din maaari dahil masyado kaming madami at hindi sapat ang silid nila. Kaya kahit late na ay bumalik pa din kami ng hotel. Halos tahimik nga ang lahat sa biyahe at tulog at madaling araw na din ng makarating kami sa tinutuluyan namin. Kaya kinabukasan ay araw ng pagpapahinga namin.Tanghali na ng magising ako. Mahimbing pa ang tulog ni Tristan na balot na balot sa kama. Lumabas ako sa verranda at doon nag-unat unat ng aking katawan na tila nangangalay pa buhat ng pagod sa biyahe kahapon. Tirik na tirik na ang araw at ramdam ko na ang init nito sa katawan kaya bumalik na ako sa loob ng kwarto at naghilamos na. Nasa loob ako ng banyo ng may kumatok sa pinto namin kaya agad ko din naman pinagbuksan."Nate? Bakit ganyan itsura mo? May problema ba?"tila nata

  • Meant For Two   Chapter 32: Lola Carmela

    Kinabukasan ay nagsipaghanda na kami para sa pagdalaw nina Martha at Maileen sa kanilang mga kamag-anak dito sa Davao partikular na sa kanilang pinakamamahal na mga lola. At syempre kasama na din duon ang paghahanap ng cravings nilang pareho na mangga at bagoong. "Ready na ba lahat? Baka mamaya may magsisisgaw na naman dyan at makaramdam ng tawag ng kalikasan na naman dyan sa gitna ng biyahe ah?"pabiro pang sabi ni John habang isa-isa na kaming sumasakay sa van. Natawa naman kami ng maalala nung biyahe namin papunta dito at ang nangyari kay Mai. "Pwede ba, John? Magmove on ka na?"tila nahihiya namang sabi ni Mai. "Okay lang yan, Mai. May nangyayari talagang ganyan."kunwari namang pagcomfort ni Alex sa kay Mai pero tatawa din sa huli. Ng lahat na nakasakay sa van ay agad na kaming umalis. Uunahin daw namin puntahan ang sa kina Martha kaya nama

  • Meant For Two   Chapter 31: First Trip

    Isang linggo ang lumipas at nakalabas na din ako ng ospital sa wakas. Although may bandage pa din ang sugat ko sa braso na magaling na din naman, maliban dun ay okay na okay na ako at balik nang muli sa normal. Bumalik na din ako sa trabaho at nagtuturo nang muli. Isang araw habang nasa faculty room ako at naghahanda para sa susunod kong klase ay biglang may pumasok na babae sa loob ng room at lumapit sa akin. "Hi ma'am."nakangiti nyang bati sa akin. Nagtaka naman ako dahil hindi ko kilala kong sino itong magandang babaeng mukhang sopistikada na bigla na lang sumulpot dito sa harapan ko. Inisip kong baka isa sya sa mga parents or guardian o di kaya relatives ng isa sa mga estudyante ko o estudyante ng iba kong co-teachers. Tumayo naman ako sa kinauupuan ko at binati din sya ng nakangiti. "Hi din po. May kailangan po ba kayo?" &

  • Meant For Two   Chapter 30: Happy Ending

    "Ano nangyari kay Ella?"kabado kong tanong kay Dylan. "Si Tito Nate po kasi tumawag," "Ano sabi?"tanong naman ni Tristan kay Dan. "Ano po kasi,"tila pabitin pang wika ni Dan na ikina-inip ko naman kaya hindi ko sinasadyang mapasigaw na. "Ano ba, Dan! Sabihin mo na! Anong nangyari sa kapatid mo?!" "Si Ella daw po, nagyaya na pauwi kaya hinatid na nila sa bahay." Halos matameme naman kami dun ngunit nakahinga din naman ng maluwag. "Hoy Daniel! Kailan ka pa natutong mangprank? Kanino mo natutunan yan? Kay Tristan ba? Nakakaloka ka ha!"asar na tanong sa kanya ni Jai na sinang-ayunan naman ni Mai. "Oo nga Dan! Halos kinabahan kami lahat bigla sa

  • Meant For Two   Chapter 29: Jill

    Agad akong dumiretso sa parking lot at sumakay ng kote. Mabuti na lang at may spare key ako ng sasakyan ni Tristan at lagi kong dala iyon, kung hindi ay hindi nya sa akin ibibigay ang susi kung sakali. Agad ko nang pinaandar ang sasakyan at habang nagmamaneho ay nagdial ako sa phone ko."Hello? Tin?""Mars! Ano? Na-trace na ni Kenneth yung contact number nung Jane. Nasaan ka na? Sasamahan ka namin!"Mabuti na lang at isang magaling na police ang boyfriend ni Tin. Hindi din naman kami nawalan ng communication sa isa't isa. Kahit na madalang lang ay alam pa din naman namin ang nangyayari sa bawat isa. At kanina habang palabas ako ng ospital ay sya agad ang una kong hiningan ng tulong lalo't alam kung sya at ang boyfriend nya lang makakatulong sa akin pagdating sa mga nawawala."Hindi na Tin, kaya ko na to. Maraming sala

  • Meant For Two   Chapter 28: Fall Down

    "What brings you here?"tanong ni Nathan kay Jane. "Why? Masama bang maki-join sa kwentuhan nyong dalawa?"naupo ito sa table namin,"order mo din ako ng food Nate, ang daya mo naman." "Jane,"tila pag-aalala ni Nathan. "Don't worry, I did not come here para manggulo. Di ko sya papatayin while you get my food." "Jane ano ba." "Sige, ako na lang bibili ng pagkain para sayo Jane."singit ko naman. "So nice naman of you." Umalis na ako at um-order na ng pagkain para kay Jane. Saglit lang ako nun at bumalik na din agad sa table namin. Nilapag ko na yung pagkain tapos naupo na kami ni Nathan. "Ano ba talaga ang pakay mo dito Jane?"tano

  • Meant For Two   Chapter 27: Revenge

    Habang kumakain kaming mga girls ay hindi naman namin maiwasang hindi mapag-usapan ang kambal ni Alex. "Actually, mga tatlong beses ko lang sya nameet since Alex and I dated. Unang kita namin, napansin ko na talaga na may attitude sya. In-explain na din sa akin ni Alex beforehand ang tungkol sa kambal nya. Pero sabi ko since girlfriend naman na ako ng kambal nya, baka maging mabait din naman sya sa akin kahit papano. But no, hindi din kami ganun ka-close. She only talk to me kapag gusto nya lang. Even after Alex and I got married, ganun lang ang relationship namin as magsister-in-law. Hindi sa sinisiraan ko ah? Pero halos pareho sya ng mother-in-law ko. Ang kaibahan din naman kahit papaano eh mabait naman sa akin ang mama ni Alex. Pero madalas pag sa mga katulong nila and sa ibang tao, may pagka-m*****a din." "No wonder. Alam mo na kung saan talaga nagmana yang bruha na yan."

DMCA.com Protection Status