Pagdating ko sa bahay, nakahanda na ang hapunan namin ni nanay. Agad na ako dumiretso sa kwarto at nagbihis na ng pambahay tsaka naupo na sa hapag-kainan. Sumabay naman na din si nanay.
"Nay,"
"Oh?"
"Alam nyo po, ang weird ng araw ko ngayon sa school.""Bakita naman?"
"Eh kasi yung boss namin, yung may-ari mismo ng paaralan, pinatawag ako sa Head's Office."nagulat naman bigla si nanay kaya agad naman ako pinagsabihan.
"Anak! Ano ginawa mo?! Naku naman sabi ko saiyo wag masyadong magpasaway! Hindi ka na estudyante ano ka ba?!"
"Nay hindi naman ganun! Hindi naman po ako nanggulo o ano. Wala akong ginawang kalokohan."kumalma naman sya ng kaunti.
"Oh eh bakit ka naman pinatawag kung ganun?"
"Eh kasi nanay yung bo
Malalim na ang gabi ngunit hindi pa din ako makatulog kaya naisipan kong magsurf na lang sa internet at maglog in sa aking social media account. Tinitingan ko ulit iyong account ni sir Tristan lalo na iyong picture nila nung ex na suot yung kwintas. Hindi ko napansin na pati sa ibang larawwan nila ay suot nya din iyon pero madalas nakatago lang. Bigla ko naisipan i-search ang pangalang Alyson Li sa social media at nag-appear naman agad ito. Mutual friends sila ni sir Tristan eh. Agad ko naman pinindot iyon at tiningnan ang profile nya."Sya nga ito," base sa profile picture nya, sya nga si Alyson Li. Updated six years ago pa. Malamang kasi patay na. Ang mga naka-post sa wall ng account nya ay mga farewell messages. Ang dami nga eh, andaming nagmamahal sa kanya. At halos lahat ng nakasulat ay 'i miss you' ang nakalagay. Binasa ko naman yun isa-isa.'We will miss you Aly. Rest in peace.''
Buong magdamag kong sinamahan si Ana hanggang maihatid na ang bangkay ng nanay nya sa bahay nila. Umaga na ng nakauwi ako. Buti na lang weekends kaya okay lang magpuyat. Sinabi ko na din naman kay nanay ang mga nangyari kaya naintindihan nya naman. Ginugol ko yung weekends ko sa pagchi-check ng papers ng mga bata. Naalala ko lang bigla yung mga sinabi ko kay sir Tristan ng gabing iyon. Kahit papano ay nagi-guilty ako pag naaalala ko pero kasi tama din naman na sinabi ko na sa kanya ang totoo. Na naiilang ako at nau-awkward sa kanya.Mabilis lumipas ang linggo at di mo mamamalayang lunes na naman. Pasukan na naman. Sana lang, hindi na sya magpakita dito sa school, please lang.Nasa faculty na kami at naghahanda na para sa aming mga klase. Pero gaya ng dating gawi, bago iyon ay kailangan may chismisan munang maganap sa aming dalawa ni Tin."Sinabi mo yun sa kanya?!"gulat na reaksyon
Nakahiga na ako sa kama ko ngayon, pero hindi pa din ako makatulog. Naaalala ko pa din kasi yung kaninang nangyari eh. Ang saya lang at ang sarap sa pakiramdam. Ngayon ko lang naramdaman ito. Palibhasa kasi no boyfriend since birth.Bumangon ako at pumunta sa study table ko saka binuksan ang laptop ko. Naglog in ako sa social media account ko at hinanap duon kung online pa si Nathan pero wala. Baka tulog na, dis oras na din kasi ng gabi. Miss ko na agad sya. Nag-scroll na lang din ako sa newsfeed ko pero maynagchat bigla. Na-excite ako at baka si Nathan pero napa-frown na lang ako ng makita ko ang pangalan kung sino.Tristan: So you're having fun with Nathan.Me: Excuse me po,sir?Ano naman sayo kung I'm having fun with your pinsan?Tristan: Why? Why can you be friends with him while I can't?Me: I'm sorry sir, I dont get your point.
Napakaagang pumunta ni Nathan sa school, ang usapan namin after class pa pero sabi nya pumunta daw talaga sya ng university para kausapin si Tristan for important matters. Hinintay nya din naman na matapos ang klase ko maghapon. Ang tiyaga lang. Hindi naman nya kailangan gawin yun pero okay lang naman daw, gusto din naman nya.Ng uwian na, agad nya ako sinundo sa labas ng campus."So, where do we go?"Nakasakay na kami sa kotse nya paalis na ng university."Hindi ko din akam. tsaka ikaw nagyaya diba?""Well yeah actually. What do you like? Para magka-idea ako saan tayo pupunta."Nag-isip naman ako," gusto ko pumunta ng amusement park!"excited kong sabi."Ano ka bata?"sabay tawa nya."Masama ba yun?""Hindi naman. Cute nga.
Matapos ang ilang araw ng leave sa trabaho ay naisipan ko nang bumalik at pumasok ulit. Pakiramdam ko kasi kung magmumukmok lang ako sa bahay ng matagal, lalo ko lamang mamimiss ang nanay."Good morning ma'am!"masiglang bati sa akin ng mga estudyante ko. Nakakatuwa namang makita na sabik din naman sila sa pagbabalik ko. Namiss ko din sila sa totoo lang. Napapangiti naman ako ng sobra ng mga batang ito."Kumusta kayo?"bati ko sa kanila."Ma'am kayo po ang kumusta? Kasi ma'am okay lang naman po kami."sabi ng isa kong estudyante. Napakabait din naman talaga ng mga anak-anakan kong mga ito. Inaaalala din naman talaga ako."Okay na ako, wag na kayo mag-alala. Salamat sainyo."nilapag ko na ang mga libro kong dala sa mesa ko saka binuklat yung aklat na subject namin ngayon,"Ano nga last na ginawa nyo sa subject natin?"At nagsimula nang muli ang
Gabi na kaya nag-insist syang ihatid na daw ako pauwi kahit sabi kong pwede naman na akong sumakay ng jeep o bus. Kaya naman andito na kami ngayon sa tapat ng aking bahay. Nasa may gate na ako pero si Tristan ay hindi ko na pinababa ng sasakyan nya."Salamat ulit ng madami, Tristan. Ah, sa susunod ulit na kwentuhan. Marami pa akong gustong malaman tungkol kay Aly.""No problem. I still want to know about you more as well."Nahiya naman ako bigla sa sinabi nya. Sa totoo lang, part ng pagpapasalamat ko dahil sobrang saya ko ngayong araw ay maliban sa mga nalaman ko tungkol sa kapatid ko ay dahil din sa mga natuklasan ko tungkol kay Tristan."And about the kiss a while ago,"nabigla ako at lalong nahiya. Bakit binanggit nya pa iyon at pinaalala?!"It's not because I see Aly in you or because kapatid ka nya."pagpapaliwanag
Matapos kong ikutin ang buong kwarto ni kambal ay lumabas ako ng pinto saglit para sipatin kung nasaan si Tristan. Napansin ko kasing kanina pa sya lumabas. Nakapagtataka at bakit ang tagal nya ata kumuha ng pagkain.Naglakad na ako papuntang bandang kaliwa mula sa kwarto ni kambal. Hindi ko actually sigurado kung saan ako papunta pero nagpatuloy na lang ako sa paglakad. Sa dulo noon ay nakita ko ang isang hagdan pababa. Hindi ito yung hagdang inakyatan namin ni Tristan kanina dahil dun yun sa kabila. Bumaba na ako ng tuluyan doon hanggang sa pagbaba na pagbaba ko ay bigla na lang nagsitakbuhan yung mga katulong nila na pawang may emergency. Ano nangyayari? May ganap ba ngayon sa bahay nila?"Ate!" tawag ko dun sa isang katulong na tila nagmamadali,"Ano po nangyayari? Ano meron?""Si Madam po kasi,"sabay takbo nya. Madam? Yung nanay ni Tristan ba yun? Sinundan ko naman yung
Kinagabihan ay hinatid din naman ako ni Tristan sa bahay. Hindi ko na din nabanggit sa kanya ang tungkol sa napag-usapan namin ng nanay nya at bakamas lalo lang syang malungkot pag nalaman nya iyon. Sa totoo lang, hindi ako nakasagot ng mga oras na yun nung naki-usap sa akin ang mama nya, dahil na din sa di ko malamang dahilan."Hay naku~" nahiga na ako sa kama ko matapos kong magbihis at pinikit ang mga mata.'Please take care of my son for me.'Nakakaloka! Nagi-echo pa din sa akin yung boses ng nanay ni Tristan. Ramdam na ramdam ko ang pag-aalala nung sinabi nya ang mga iyon sa akin. Nakabait ng nanay nya, na naging nanay mo kambal. Alam ko pag tinanong kita, baka ganun din ang sabihin mo sa akin. Na alagaan ko ang pinakamamahal mo, na aaminin ko ay unti-unti ko na ding nagugustuhan, kambal. Pero nung naki-usap sa akin yung nanay nya, pakiramdam ko, sa ngayon sya