"Where's my daughter?!" biglang bumukas ang pinto at pumasok si mama. Si Tristan naman ay naalimpungatan ng marinig si mama. Natutulog sana ito sa sofa ng room namin dito sa ospital. Ako naman ay nakapikit lang at nagpapahinga pero nadilat na din ng dumating si mama.
"Mama?"
"Aly!"agad sya dumiretso sa akin at niyakap ako. "Oh my God dear are you okay? Are you in pain?"
"Okay po ako, mama. Pasensya na po pinag-alala ko kayo. Naabala ko pa kayo sa trabaho."
"Never ever say na abala ka."
"Mom." si Tristan yun, bumangon na at lumapit na din sa amin.
"Tristan, ano sabi ni doc? Did you transfer her to doctor Lang?"
"Pina-transfer na namin agad kay doc. Lang as soon as you told us."
"I'm so sorry my dear. Wala ako sa tabi ninyo. But I'm here now. Mom is here now. Ipapagamot natin si Alyson sa kahit saang ospital o bansa pa yan basta gumaling lang sya."
Napangiti naman ako,"maraming salamat po, mama. Maswerte pa din talaga ako na nakilala ko kayo ni Tristan."
"We too, Aly. We too."
Ngayong andito na si mama, gumaan na ang pakiramdam ko. Pasalamat ako kasi sa nangyayari sa akin ngayon, ramdam ko na marami din pala ang pwede kong masandalan. May Tristan ako at may mga kaibigang handang tumulong, at higit sa lahat, may nanay ako, na sakali man umabot at kailangan ko nang umalis, kahit papaano ay naranasan ko pa din ng magkaroon ng ina sa pamamagitan nina aunty at mama. Kaya lang, natatakot pa din ako. Kasi pag nagkataong mangyari nga iyon, alam kong masasaktan ko silang lahat.
Makalipas ang ilang araw at ilang linggo, hindi ako iniwan nina Tristan. Nananatili pa din ako sa hospital. Halos araw-araw akong dinadalaw ng mga kaibigan namin, pati ng iba naming mga kaklase nung nalaman nila ang kalagayan ko. Maging sina Kuya Art at Ate Joey ay nabisita din. Si mama naman, halos pabalik-balik na ng London at Pinas para lang sa akin. Naawa na nga ako eh, kasi alam kong pagod na sya sa trabaho, nakadagdag pa ako sa aasikasuhin at iisipin nya. Pero nakakataba ng puso kasi ramdam ko kung gaano nya ako bantayan, alagaan at alalahanin na parang totoo nya talaga akong anak. Minsan nagi-guilty na nga ako kasi pakiramdam ko mas inaalala na nya ako kesa sa sarili nyang anak eh. Mabauti na lang hindi nagtatampo si Tristan. Pero madalas mainitin pa din ang ulo ng laakeng iyon. Siguro dala na din ng pagod at puyat kakaasikaso sa akin, kaya naiintindihan ko naman.
Ako naman, panay lang din ang pagpapagamot. Tuloy ang pagpapalakas, tuloy ang laban. Ginagawa nila lahat ng paraan para gumaling ako, kaya kailangan gawin ko din ang part ko. May mga araw na okay ako at feeling ko lumalakas na ako, pero may mga araw din na din kaya at pakiramdam ko gusto ko na sumuko. Pero pinapakita nila na andyan sila lagi sa tabi ko para palakasin ang loob ko. Sobrang pasasalamat ko sa kanila. Pero nalulungkot ako, kasi alam ko sa sarili ko na pahina na ako ng pahina. Pumapayat, namumutla, naglalagas ang buhok dahil sa chemo, at dumadami ang pasa. Kung anu-ano na tinuturok at pinapainom nila sa akin, minsan umiiyak na ako sa sakit. Pero lumalaban ako para sa mga taong nasa paligid ko. Sabi nga ni Tristan, kailangan nila ako as much as kailangan ko din sila, kaya para sa kanila at para na din sa sarili ko, magpapalakas ako.
"Aly, it's time to eat." si Tristan, madalas hindi na din napasok sa school. Wala naman na din daw sya pakialam. Useless na din daw ang school kasi wala ako dun kaya baka mag-stop na din daw sya. Nainis nga ako ng sinabi nya iyon eh, at minsan napapagalitan ko pa dahil sa mga pilosopong sagot pero madalas wala na din ako lakas na makipagtalo. Namimiss ko na din sapakin itong isang ito at sigawan. May mga oras kasing parang bumabalik na naman sa pagka-suplado at mayabang kagaya nung una kong encounter sa kanya.
"Tristan, parang gusto ko nang umuwi."
"Huh?"pagtataka nya.
"Gusto ko na umuwi sa bahay. Ayoko na dito."
"Pero kailangan ka mabantayan ng mga doktor. You know your condition, right?"
"Please Tristan. Sabihan mo si mama na gusto ko na umuwi."
"Aly,"
"Mas maganda dun sa bahay Tristan. Mas gagaling ako dun. Pakiramdam ko kasi lalo ako manghihina dito sa ospital eh. Ayoko na dito. Tsaka, ikaw kayo nina mama, alam ko napapagod na kayo dito kakabantay sa akin."
"That's not true Alyson."
"Please Tristan. Duon na lang tayo sa bahay ha?"
"Aly,"hinalikan nya ako sa noo,"i love you, okay? We'll see about that. But eat this first." Ngumiti naman ako.
"Magpramis ka muna."
"What?"
"Kakainin ko yan, pero mangako ka na uuwi na tayo ha?"
"Yes, we will go home. Kainin mo na muna to ppara lumakas ka." sinubuan nya ako. Naka-ilang subo din naman ako pero pakatapos nun ay nakaramdam na naman ako ng pagsusuka.
"Aly?"tila na-gets nya ang itsura ko kaya agad nya kinuha yung isang tabo tsaka binigay sa akin para duon ako magsuka. Ang nakakatuwa kay Tristan, napansin kong hindi sya maarteng tao. Na porket anak mayaman ay madaling mandiri kagaya sa mga sitwasyong ganito. Ang swerte ko talaga sa lalakeng ito. Pakatapos ko magsuka ay pinainom nya na ako ng tubig saka tinapon sa banyo iyong tabong may suka.
"Okay ka na?"
Tumango naman ako.
"So tell me, paano tayo mamakuwi kung ganito ka?"
"Tristan please,"napabuntong hininga naman sya.
"I'll tell mom, okay? I promise."ngumit ako.
At nasunod din naman ang kagustuhan kong umuwi na ng bahay dahil sa pangungulit ko sa kanila. Napilitan sina mama na iuwi na lang ako at duon na lang ipagpatuloy ang aking pagpapagamot. Mayroon din silang inatasang private doctor and nurses na magmomonitor sa akin. Iba talaga pag mayaman. Halos nga minu-minuto ako tinitingnan ng mga nurses eh kasi yun daw ang utos ng madam sa kanila. Si Tristan naman pumapasok na sa klase kahit paano. Sinabihan ko sya na pumasok na at wag na masyado mag-alala sa akin dahil okay naman na ako at nandito na sa bahay. Lagi pa din ako dinadalaw ng mga kaibigan namin at kaklase. Manghang-mangha nga sila nung unang punta nila dito kasi first time daw nila makapasok ng isang yayamaning bahay. Lumalakas loob ko pag nadalaw sila kasi feeling ko normal ulit ako. Panandalian kong nalilimutan na may sakit ako kapag andito sila. Para lang din akong nasa paaralan at nakikipagkulitan sa kanila. Sina John, Mart at Alex pati sina Mai at Jai din halos araw-aaraw pumupunta dito. Pero napansin ko lang na hindi ko na nakikita yung Jane na yun simula ng inaway ako. Tinanong ko kay Alex, ang sabi nya sumama daw sa mama nila at duon na sa ibang bansa mag-aaral. Natawa ako, kasi ang tapang-tapang nya pa akong binalaan tapos ang lagay ngayon parang sya pa yung natakot at lumayo. Ang weird din ng babaeng yun. Speaking of ibang bansa, si mama pala bumalik na ulit sa London para sa trabaho. Araw-araw din sya natawag sa akin at nangungumusta.
Nasa kwarto pa din ako, nakahiga as usual, at nanunood ng korean dramang pagkatagal-tagal ko nang hindi nasusubaybayan. Kung hindi pa ako magkasakit hindi ko pa siguro matatapos ito. Naalala ko last ko na pinanuod ito nung nasa Publication Room ako sa school tapos chat ng chat si Tristan kaya hindi ko madire-diretso yung nakakakilig na scene. Tapos ang tagal pa magreply ni tristan kaya inis na inis ako. Iyon yung araw na nagulantang ako sa mga kast message nyang pasabog kasi nagtapat sya bigla sa akin, at online pa! Tapos kinabukasan nun, absent sya sa klase kasi nagkasakit sya. Iyon yung unang beses kong pagpunta dito sa mansyon, at yun din ang araw na naging kami ni Tristan. Ang bilis lang ng panahon. Sinong mag-aakala na aabot kami, ako sa ganutong sitwasyon? Natawa ako habang inaalala ko yun. Itong korean drama na ito, ito na lang ang isa sa mga nagiging libangan ko na kahit papano para ko syang escape sa reality. Tutok ako sa panunood nun ng may biglang kumatok sa pinto.
"Pasok po."
Bumukas ang pinto at nagulat ako sa dumating na bisita.
"Aunty," gustuhin ko mang maupo at bumangon sa kama pero hindi pwede kaya si aunty na lang ang agad na lumapit sa akin. Pansin kong nagpipigil sya ng iyak habang pinagmamasdan ako.
"Alyson,"hinawakan nya ang kamay ko at hinimas-himas ito,"kelan ka pa natutong maglihim sa akin bata ka? Wala ka bang balak tawagan ako at sabihin sa akin, ha?"
"Aunty, sorry."
"Ikaw talaga, oo. Manang mana ka sa nanay mo!"
"Aunty,"lumuha na akong tuluyan.
"Laban lang tayo ha, Aly? Ang nanay mo ng pinagbubuntis ka nya, hanggang sa ipinanganak ka nya, hindi sya sumuko at lumaban sya hanggang sa huli. Ng lumalaki ka, kitang kita kong kagayang kagaya ka ng nanay mong palaban at matapang. Hindi man kayo nagkasama pero yun ang alam kong mga ipinamana nya saiyo. Kaya kaya mo yan ha, Alyson."
"Aunty, alam nyo po isang beses napanaginipan ko si nanay. Yung mukha nya dun, yun na yun mismo sa mga larawan na laginyo pinapakita sa akin pag nag-aayos kayo ng photo albums sa bahay? Tapos dun sa panaginip ko na yun, meron syang kasamang lalake. Matangkad, balingkinitan ang katawan at maputing lalake. Pero hindi sya lumingon kaya hindi ko nakita itsura nya,"tumigil ako saglit saka tiningnan ko si aunty, "Aunty, may gusto lang po ako malaman."
"Ano yun?"
"Matagal ko na din po gusto itanong sa'yo eh. Kaso natatakot din ako. Pero aunty okay lang naman diba? Sasabihin nyo naman po ang totoo diba?"
"Ano ba yun, Aly?"
"Ang tungkol po sa tatay ko," tila nagulat sya at di nakaimik."Asan na po sya?"
"Hija kasi,"huminga muna sya ng malalim,"Aly ang totoo nyan, hindi ko din alam lahat ng tungkol sa tatay mo eh. Matagal ko nang hindi alam kung nasaan na sya. Matagal na panahon na nung huli ko syang nakita. Hindi ka pa nun pinapanganak ng mama mo, siguro mga ilang buwan ka pa lang sa tyan nya. Hindi ko nga alam kung alam ng tatay mo na buntis ang nanay mo eh. Ang nanay mo kasi at ang tatay mo, hindi naman ikinasal."
"Pero kilala nyo po ba sya?"
"Alyson,"
"Aunty, please."
"Hija, ang tatay mo kasi, kababata namin sya ng nanay mo. Pero hindi kami ganoon ka-close sa tatay mo. Kumbaga kapitbahay namin sya noo, at may pagkakataong nakakasama sa mga larong bata. Halos sabay-sabay na din kaming lumaki, pero kinalaunan nung magsi-highschool na kami, siguro mga nasa edad mo ngayon na bihira na namin sya makita. Alam mo kasi ang nanay mo madalas malihim din eh. Isang araw nagtapat na lang sya sa akin na buntis sya. Ayaw nyang umuwi sa kanila kasi alam nyang kamumuhian sya ng pamilya nya. Ang pamilya ng mama mo na hindi ko din nakilala dahil hindi nya din naikwento sa akin. Ang alam ko lang, may kaya ang pamilya nila. Kaya ayu, duon sya sa amin namalagi ng ilang linggo. Tapos nagulat na lang kami pag gising namin, wala na sya at umalis. Tanging ang sulat na lang na naiwan ang naandun at ang sabi nya dun ay pasensya na daw na naging abala sya sa amin. Sisikapin nya daw maghanap ng matitirahan at sya na gagawa ng paraan para buhayin ka, kayong mag-ina. Nakakatampo din ang nanay mo nun, kasi matalik kaming magkaibigan. Nirespeto kong hindi nya gusto na magkwento tungkol sa buong buhay nya pero sana hindi sya umalis ng ganon na lang,"naluha na si aunty pero nagpatuloy pa din sya,"hanggang sa ilang taon kong paghahanap sa inyong dalawa, nabalitaan ko na lang na namatay sya sa panganganak sayo. Duon ako mas lalong nagkalakas ng loob na hanapin ka, at nakita nga kita sa orphanage."
"Napakabait nyo po aunty, isa kayong tunay na kaibigan."
"Sana ganoon din ang turing sa akin ng nanay mo. Pero matagal na panahon na iyon."
"Peroyung tatay ko po, ano po ba pangalan nya?"
Huminga muna sya ng malalim saka nagsalita,"Alicio Mendes. Sya si Alicio Mendes, Aly."
Mahaba pa ang naging usapan naming iyon ni Aunty. Umuwi na din sya pakatapos nun. Miss ko pa din talaga duon sa kanila, pati sina kuya at ate. Miss ko na nung normal pa lahat at sa kanila pa ako nakatira. Iyong mga panahong nagtatrabaho pa ako sa bakeshop nila. Simple at masaya lang lahat, at higit sa lahat wala pa akong sakit. Sinong mag-aakalang aabot ako sa ganito? Kung pwede lang sana ibalik ang lahat sa dati.
Pero hindi ko din malimutan ang naging usapan namin ni aunty tungkol sa tatay ko. Alicio Mendes daw ang pangalan. Naisipan kong i-search online pero andami nyang kapareho ng pangalan. Hindi ko din naman kasi alam ang itsura eh. Sabi din ni aunty hindi nya na din halos maalala ang mukha dahil batang bata pa sila noong huli nyang kita sa kanya. Malay mo naman daw nag-iba na ang itsura. Mukhang malabo ko na nga talaga syang makilala.
"Aly?"sabay pasok ni Tristan sa kwarto ko. Agad ito lumapit sa akin at lagi nya akong hinahalikan sa noo kada dating nya."What were you doing?"
"Ah, wala naman. Naglilibang lang."
"Are you that bored already?"tumango ako.
"Hey, I asked mom about this and even Doc Lang."
"Tungkol saan?"
"Do you want to go out?"
Natuwa ako sa narinig ko."Totoo ba yan Tristan?"
"Yes. I'll take you out for a walk."
Naiyak naman ako. Ang tagal ko nang nakakulong sa kwarto simula nung na-ospital ako hanggang dito sa bahay. Miss na miss ko na lumabas. Miss ko na ang sariwang hangin, miss ko na ang outside world. Kaya naiyak ako bigla sa sinabi ni Tristan.
"Don't cry. We're going out now, okay? It's a date!"
"Alam mo, tama talaga ako eh. Yayabang-yabang ka, lalambot-lambot ka din naman pala deep inside."
"Silly. Let's go, I'll just call Cho Niko."
Matapos ako bihisan ng mga nurse at sinakay sa wheelchair, paglabas na paglabas pa lang namin ng bahay nila, tipong nasa garden pa lang kami, manghang mangha na ako sa paligid. Sobra ko talagang namiss ito. Sumakay na kami ng sasakyan at habang nasa biyahe, panay ko pa din ang tingin sa bintana. Kailan kaya ako ulit makakalabas at makaka-gala gaya ng dati? Baka hindi na.
Pumunta kami sa isang park. Nagkataon din na kaunti lang ang mga taong nandun kaya halos tahimik lang din ang paigid. Ang ganda kasi halos puro iba't ibang klaseng mga bulaklak ang nasa ppalibot, malinis at maaliwalas ang park. Nilatag ni Tristan ang dala nyang malaking tela, at mula sa wheelchair binuhat nya ako para iupo duon sa malawak na damuhan. Napansin ko naman na may iilang bodyguards na nakabantay sa amin.
"Kailangan may bodyguards pa?"
"Bakit? Ayaw mo ba?"
"Hindi naman. Kaso,"magsasalita pa sana ako kaso inutusan na nya yung mga bodyguards na iwan muna kaming dalawa. Sumunod naman ang mga ito. Ang awkward lang kasi para sa akin eh. Gusto ko kami lang ni Tristan. Kaming dalawa, kahit ngayon lang.
"Naupo na si Tristan sa tabi ko. Sinandal ko naman ang ulo ko sa balikat nya.
"Ang ganda dito. Sayang ngayon lang tayo nakapunta. Dapat matagal mo na akong dinala dito eh."
"Yeah, I also thought of that. Sorry, I was late."
Tristan,"
"Hmm?"
Ayoko man sabihin sa kanya, pero pakiramdam ko hindi na din ako magtagal.
"Mahal namahal kita," mahal na mahal kita Tristan. Alam kong alam mo yan. Napakaswerte kong nakilala kita at minahal mo ako higit pa sa pagmamahal ko saiyo. Nagpapasalamat ako at natutuwa na dumating ka sa buhay ko, kayo ni mama. Marami akong natutunan at dadalhing magagandang ala-ala sainyo kahit sa maikling panahon nating pagsasama.
"I know. I love you too, silly."hinawakan nya ang kamay ko.
"Ikaw ha? Wag mo nang sisigawan sina mama tsaka Tatay Niko pati mga kasamahan sa bahay." Sana maisip mo na pag dumating ang oras, sila at sila lang din ang mga makakasama mo at dadamayan ka.
"I'm not! I mean, oo minsan pero hindi na din naman madalas diba?"
"Tama yan. Dapat magpakabait ka." Magpakabait ka lagi. Kasi baka pag wala na ako, wala nang sasaway sayo. Wala nang mananapak sayo, Tristan. Miss ko na yun at mamimiss ko iyon.
"Why are you even lecturing me? Are we here to argue?"natawa ako ng kaunti dun. Pati iyong pag-aaway namin, mamimiss ko din.
"Uy hindi naman. Kasi nga diba mahal kita kaya pinapaalala ko lang sayo. Tsaka ikaw lang naman iniisip ko."Iniisip, inaalala at aalalahanin kita saan man ako mapunta. Mawala man ako sa tabi mo, sana ay lagi mong tandaan na mahal na mahal kita at kahit anong mangyari andito lang ako lagi sa tabi mo. Andito lang ako,Tristan.
"Aly, you know what? I really can't imagine a life without you."hinalikan nya ako sa noo, ang pinakapaborito kong ginagawa nya sa akin. Naluha ako, pero hindi nya siguro napansin at hindi ko din pinahalata.
"Ako din naman eh. Hindi ko alam gagawin ko kung wala ka, lalo sa kalagayan ko ngayon." Ayaw man kitang iwan pero di ko na din kaya Tristan. Sinubukan ko naman eh, lumaban naman ako, pero pakiramdam ko hanggang dito na lang ang laban ko."Vitamins ka ba? Ikaw kasi nagpapalakas sa akin eh."biniro ko naman sya.
"Pumi-pick up line ka na ha?"natawa naman ito.
"Ngayon lang, ano ka ba!" ngayon lang, ngayon na lang. Ngayon ang una at huling beses na magdi-date atyo, Tristan. Nakakalungkot man, pero sana sa mga susunod na araw makayanan mong tanggapin na wala na ako sa tabi mo, mahal ko. Ngayon lang, ngayon ko lang naranasan na sabay ng pagsandal ko sa balikat mo, at paghawak mo sa mga kamay ko, ngayon lang mararamdaman ko sa huling pagkakataon at huling sandali ang pagmamahal mo. Ngayon, bago man lang ako lumisan, gusto kong malaman mo na masaya akong ikaw ang kasama ko, Tristan.
"Are you tired?"napansin nya sigurong lumuluwag na ang hawak ko sa kamay nya. Pinikit ko na din ang mga mata ko. "Should we go home?"
"Hindi. Wag muna. Gusto ko dito muna tayo." Dito na lang tayo, kasi Tristan hanggang dito na lang ako.
"Okay sige. You can rest for a while."
Kasabay ng pag-okay nya ay ang pagpikit kong tuluyan ng aking mga mata.
Mahal kita Tristan, mahal na mahal kita. Paalam.
----
Makalipas ang ilang minuto, naramdaman kong tila nahuhulog na ang ulo ni Aly na nakasandal sa balikat ko. Maybe she fell asleep immediately.
"Aly? Are you asleep? I told you we should go home. Pagod ka na oh."She did not answer me. I'm still holding her hands but I feel like she's losing her grip. Bigla akong kinabahan.
"hey, Aly? Alyson?"
Inalis ko ang pagkakasandal nya sa akin at hinawkan ang ulo nya. Pinahiga ko sya sa lap ko at pilit na ginising. "Aly? Hey, stop joking it's not funny. Alyson!"
I touched her wrist to check her pulse but i felt nothing. I touched her nose to check if she's still breathing, but that's when I figured it all out. I'm starting to get scared so I started calling the guards to help me carry her and bring her to the hospital. While on the car, I'm still arrying her on my lap ang=d holding her hand and I still keep talking to her.
"Aly, please wake up. Babe, please don't do this to me. Not now."
We arrived immadiately at the hospital. Agad nila pinasok si Aly sa emergency room and there I was left at the corridor, hindi mapakali and started to get teary. I don't know what to do, I can't bear losing Alyson now, not this time. I tried to calm myself down and called mom.
"Son are you okay? Asan na kayo ni Aly?"
"Mom," I suddenly don't know what to say to her. I can't speak.
"Are you okay?"she started to sound worried.
"Mom, si Aly."
"Why? What happened? Tristan, what happened?"
"Before I could tell mom, the doctors suddenly came out from the emergency room and approached me.
"Doc?"
"I'm sorry."
Yun lang, yun lang sinabi nila but that alone tells everything. That very moment, everything went blank to me, I was there standing, can't even move a leg, knowing that Aly is gone. She left me. She never said any goodbyes, but she still choose to stay with me on her very last breath. She left me.
"Anak? What happened?!"
Nakalimutan kong nasa telepono pa pala si mom.
"Mom,"
"What's that I hear anak? Sino yun? Ano ba nangyayari?!"
"Mom, she's gone."
She is gone. My love is gone.
"Nay! Aalis na po ako!""Ingat anak!""Sige po." at nagmadali na akong pumunta ng bus stop. Naku, ayoko maiwanan mahirap na, baka ma-late pa ako sa unang araw ko sa trabaho.Agad din naman akong nakasakay ng bus. Naupo ako sa bandang unahan sa kanang bahagi ng bus, malapit sa bintana. Sa kahit nong sasakyan, gutsong-gusto ko talaga lagi yung nasa may bintana kasi gusto ko yung nakikita yung mga tanawin o kaya mga dadaanan. May maliit na tv yung bus, nakabukas ito at balita ang palabas.'Johnsohn Corporation officially released a statement and confirmed that the president and son of the founder of the well-known company had passed away this morning, 5am at the Johnsohn Hospital, which is owned by the latter's cousin. Alfred Johnsohn had been diagnosed and suffered from lung cancer early last year. Since then, his only son, Tristan Johnsohn has been temporarily taking his pl
Pagdating ko sa bahay, nakahanda na ang hapunan namin ni nanay. Agad na ako dumiretso sa kwarto at nagbihis na ng pambahay tsaka naupo na sa hapag-kainan. Sumabay naman na din si nanay."Nay,""Oh?""Alam nyo po, ang weird ng araw ko ngayon sa school.""Bakita naman?""Eh kasi yung boss namin, yung may-ari mismo ng paaralan, pinatawag ako sa Head's Office."nagulat naman bigla si nanay kaya agad naman ako pinagsabihan."Anak! Ano ginawa mo?! Naku naman sabi ko saiyo wag masyadong magpasaway! Hindi ka na estudyante ano ka ba?!""Nay hindi naman ganun! Hindi naman po ako nanggulo o ano. Wala akong ginawang kalokohan."kumalma naman sya ng kaunti."Oh eh bakit ka naman pinatawag kung ganun?""Eh kasi nanay yung bo
Malalim na ang gabi ngunit hindi pa din ako makatulog kaya naisipan kong magsurf na lang sa internet at maglog in sa aking social media account. Tinitingan ko ulit iyong account ni sir Tristan lalo na iyong picture nila nung ex na suot yung kwintas. Hindi ko napansin na pati sa ibang larawwan nila ay suot nya din iyon pero madalas nakatago lang. Bigla ko naisipan i-search ang pangalang Alyson Li sa social media at nag-appear naman agad ito. Mutual friends sila ni sir Tristan eh. Agad ko naman pinindot iyon at tiningnan ang profile nya."Sya nga ito," base sa profile picture nya, sya nga si Alyson Li. Updated six years ago pa. Malamang kasi patay na. Ang mga naka-post sa wall ng account nya ay mga farewell messages. Ang dami nga eh, andaming nagmamahal sa kanya. At halos lahat ng nakasulat ay 'i miss you' ang nakalagay. Binasa ko naman yun isa-isa.'We will miss you Aly. Rest in peace.''
Buong magdamag kong sinamahan si Ana hanggang maihatid na ang bangkay ng nanay nya sa bahay nila. Umaga na ng nakauwi ako. Buti na lang weekends kaya okay lang magpuyat. Sinabi ko na din naman kay nanay ang mga nangyari kaya naintindihan nya naman. Ginugol ko yung weekends ko sa pagchi-check ng papers ng mga bata. Naalala ko lang bigla yung mga sinabi ko kay sir Tristan ng gabing iyon. Kahit papano ay nagi-guilty ako pag naaalala ko pero kasi tama din naman na sinabi ko na sa kanya ang totoo. Na naiilang ako at nau-awkward sa kanya.Mabilis lumipas ang linggo at di mo mamamalayang lunes na naman. Pasukan na naman. Sana lang, hindi na sya magpakita dito sa school, please lang.Nasa faculty na kami at naghahanda na para sa aming mga klase. Pero gaya ng dating gawi, bago iyon ay kailangan may chismisan munang maganap sa aming dalawa ni Tin."Sinabi mo yun sa kanya?!"gulat na reaksyon
Nakahiga na ako sa kama ko ngayon, pero hindi pa din ako makatulog. Naaalala ko pa din kasi yung kaninang nangyari eh. Ang saya lang at ang sarap sa pakiramdam. Ngayon ko lang naramdaman ito. Palibhasa kasi no boyfriend since birth.Bumangon ako at pumunta sa study table ko saka binuksan ang laptop ko. Naglog in ako sa social media account ko at hinanap duon kung online pa si Nathan pero wala. Baka tulog na, dis oras na din kasi ng gabi. Miss ko na agad sya. Nag-scroll na lang din ako sa newsfeed ko pero maynagchat bigla. Na-excite ako at baka si Nathan pero napa-frown na lang ako ng makita ko ang pangalan kung sino.Tristan: So you're having fun with Nathan.Me: Excuse me po,sir?Ano naman sayo kung I'm having fun with your pinsan?Tristan: Why? Why can you be friends with him while I can't?Me: I'm sorry sir, I dont get your point.
Napakaagang pumunta ni Nathan sa school, ang usapan namin after class pa pero sabi nya pumunta daw talaga sya ng university para kausapin si Tristan for important matters. Hinintay nya din naman na matapos ang klase ko maghapon. Ang tiyaga lang. Hindi naman nya kailangan gawin yun pero okay lang naman daw, gusto din naman nya.Ng uwian na, agad nya ako sinundo sa labas ng campus."So, where do we go?"Nakasakay na kami sa kotse nya paalis na ng university."Hindi ko din akam. tsaka ikaw nagyaya diba?""Well yeah actually. What do you like? Para magka-idea ako saan tayo pupunta."Nag-isip naman ako," gusto ko pumunta ng amusement park!"excited kong sabi."Ano ka bata?"sabay tawa nya."Masama ba yun?""Hindi naman. Cute nga.
Matapos ang ilang araw ng leave sa trabaho ay naisipan ko nang bumalik at pumasok ulit. Pakiramdam ko kasi kung magmumukmok lang ako sa bahay ng matagal, lalo ko lamang mamimiss ang nanay."Good morning ma'am!"masiglang bati sa akin ng mga estudyante ko. Nakakatuwa namang makita na sabik din naman sila sa pagbabalik ko. Namiss ko din sila sa totoo lang. Napapangiti naman ako ng sobra ng mga batang ito."Kumusta kayo?"bati ko sa kanila."Ma'am kayo po ang kumusta? Kasi ma'am okay lang naman po kami."sabi ng isa kong estudyante. Napakabait din naman talaga ng mga anak-anakan kong mga ito. Inaaalala din naman talaga ako."Okay na ako, wag na kayo mag-alala. Salamat sainyo."nilapag ko na ang mga libro kong dala sa mesa ko saka binuklat yung aklat na subject namin ngayon,"Ano nga last na ginawa nyo sa subject natin?"At nagsimula nang muli ang
Gabi na kaya nag-insist syang ihatid na daw ako pauwi kahit sabi kong pwede naman na akong sumakay ng jeep o bus. Kaya naman andito na kami ngayon sa tapat ng aking bahay. Nasa may gate na ako pero si Tristan ay hindi ko na pinababa ng sasakyan nya."Salamat ulit ng madami, Tristan. Ah, sa susunod ulit na kwentuhan. Marami pa akong gustong malaman tungkol kay Aly.""No problem. I still want to know about you more as well."Nahiya naman ako bigla sa sinabi nya. Sa totoo lang, part ng pagpapasalamat ko dahil sobrang saya ko ngayong araw ay maliban sa mga nalaman ko tungkol sa kapatid ko ay dahil din sa mga natuklasan ko tungkol kay Tristan."And about the kiss a while ago,"nabigla ako at lalong nahiya. Bakit binanggit nya pa iyon at pinaalala?!"It's not because I see Aly in you or because kapatid ka nya."pagpapaliwanag
Ilang araw ding nagpabalik-balik si Cathy sa bahay para sa tutor niya kay Dan. Hindi din naman sila aging sa kwarto lang, dahil minsan ay sa sala na sila lalo pa ng malaman ni Tristan. Muntik pa kaming mag-away na mag-asawa at sinermonan ako. Kung ano-ano na lang daw kasi ang mga pinaggagawa ko. Pero sa bandang huli ay naipaliwanag ko naman sa kanya ng maayos. Last day of tutorial na nila ngayon at sila ay nasa sala. Sa naglipas na isang linggo, napansin kong mula sa day one na pagiging masungit ni Dan ay nabawasan na ito sa mga sumunod na araw. Madali din naman daw kasi matuto si Cathy sabi nya. Totoo naman at hindi naman sya basta-basat pipiliin na representative ng klase nila kung hindi siya magaling. Masaya akong pinagmamasdan ang dalawa sa sala mula dito sa mini kitchen namin ng lapitan naman ako ni Clara. "Bagay sila ano?"mukhang kilig na kilig din naman si Clara sa dalawang bata. "Sinabi mo pa."sang-ayon ko naman. "Kaya lang ang babata pa nila, Jill." "Alam ko naman eh."
Nagsimula na ang laro nina Dan. Halos parehong teams ang gagaling lang na para bagang mga ayaw magpatalo. Laging magkadikit lagi ang kanilang scores kaya si Tristan ay intense na intense din namankaya hindi na nya naiwasang bumaba at puntahan si Dan during breaktime."Hoy! Saan ka pupunta?"paghawak ko naman sa laylayan ng damit nya."I need to go there and talk to Mart and Dan.""Para saan?""To calm me down."at dumiretso na sya pababa. Ang baklang iyon, kulang na lang sya na mismo ang maglaro. Masyado na atang feel na feel ang laro at hindi na napigilan ang sarili na puntahan ang anak nya. Iba din naman talaga. At kinausap nya nga din naman si Dan pati na din si Mart at hindi na ito bumalik duon sa amin ni Ella hanggang sa matapos ang laro. Hindi nanalo ang team ng anak ko, pero isang puntos lang din naman ang lamang kaya proud pa din naman ako
Matapos ang dinner namin iyon ay bumalik na din kami sa hotel na tinutuluyannamin. Gustuhin man ni Lola Carmen na mag-stay kami at magpalipas ng gabi ay hindi din maaari dahil masyado kaming madami at hindi sapat ang silid nila. Kaya kahit late na ay bumalik pa din kami ng hotel. Halos tahimik nga ang lahat sa biyahe at tulog at madaling araw na din ng makarating kami sa tinutuluyan namin. Kaya kinabukasan ay araw ng pagpapahinga namin.Tanghali na ng magising ako. Mahimbing pa ang tulog ni Tristan na balot na balot sa kama. Lumabas ako sa verranda at doon nag-unat unat ng aking katawan na tila nangangalay pa buhat ng pagod sa biyahe kahapon. Tirik na tirik na ang araw at ramdam ko na ang init nito sa katawan kaya bumalik na ako sa loob ng kwarto at naghilamos na. Nasa loob ako ng banyo ng may kumatok sa pinto namin kaya agad ko din naman pinagbuksan."Nate? Bakit ganyan itsura mo? May problema ba?"tila nata
Kinabukasan ay nagsipaghanda na kami para sa pagdalaw nina Martha at Maileen sa kanilang mga kamag-anak dito sa Davao partikular na sa kanilang pinakamamahal na mga lola. At syempre kasama na din duon ang paghahanap ng cravings nilang pareho na mangga at bagoong. "Ready na ba lahat? Baka mamaya may magsisisgaw na naman dyan at makaramdam ng tawag ng kalikasan na naman dyan sa gitna ng biyahe ah?"pabiro pang sabi ni John habang isa-isa na kaming sumasakay sa van. Natawa naman kami ng maalala nung biyahe namin papunta dito at ang nangyari kay Mai. "Pwede ba, John? Magmove on ka na?"tila nahihiya namang sabi ni Mai. "Okay lang yan, Mai. May nangyayari talagang ganyan."kunwari namang pagcomfort ni Alex sa kay Mai pero tatawa din sa huli. Ng lahat na nakasakay sa van ay agad na kaming umalis. Uunahin daw namin puntahan ang sa kina Martha kaya nama
Isang linggo ang lumipas at nakalabas na din ako ng ospital sa wakas. Although may bandage pa din ang sugat ko sa braso na magaling na din naman, maliban dun ay okay na okay na ako at balik nang muli sa normal. Bumalik na din ako sa trabaho at nagtuturo nang muli. Isang araw habang nasa faculty room ako at naghahanda para sa susunod kong klase ay biglang may pumasok na babae sa loob ng room at lumapit sa akin. "Hi ma'am."nakangiti nyang bati sa akin. Nagtaka naman ako dahil hindi ko kilala kong sino itong magandang babaeng mukhang sopistikada na bigla na lang sumulpot dito sa harapan ko. Inisip kong baka isa sya sa mga parents or guardian o di kaya relatives ng isa sa mga estudyante ko o estudyante ng iba kong co-teachers. Tumayo naman ako sa kinauupuan ko at binati din sya ng nakangiti. "Hi din po. May kailangan po ba kayo?" &
"Ano nangyari kay Ella?"kabado kong tanong kay Dylan. "Si Tito Nate po kasi tumawag," "Ano sabi?"tanong naman ni Tristan kay Dan. "Ano po kasi,"tila pabitin pang wika ni Dan na ikina-inip ko naman kaya hindi ko sinasadyang mapasigaw na. "Ano ba, Dan! Sabihin mo na! Anong nangyari sa kapatid mo?!" "Si Ella daw po, nagyaya na pauwi kaya hinatid na nila sa bahay." Halos matameme naman kami dun ngunit nakahinga din naman ng maluwag. "Hoy Daniel! Kailan ka pa natutong mangprank? Kanino mo natutunan yan? Kay Tristan ba? Nakakaloka ka ha!"asar na tanong sa kanya ni Jai na sinang-ayunan naman ni Mai. "Oo nga Dan! Halos kinabahan kami lahat bigla sa
Agad akong dumiretso sa parking lot at sumakay ng kote. Mabuti na lang at may spare key ako ng sasakyan ni Tristan at lagi kong dala iyon, kung hindi ay hindi nya sa akin ibibigay ang susi kung sakali. Agad ko nang pinaandar ang sasakyan at habang nagmamaneho ay nagdial ako sa phone ko."Hello? Tin?""Mars! Ano? Na-trace na ni Kenneth yung contact number nung Jane. Nasaan ka na? Sasamahan ka namin!"Mabuti na lang at isang magaling na police ang boyfriend ni Tin. Hindi din naman kami nawalan ng communication sa isa't isa. Kahit na madalang lang ay alam pa din naman namin ang nangyayari sa bawat isa. At kanina habang palabas ako ng ospital ay sya agad ang una kong hiningan ng tulong lalo't alam kung sya at ang boyfriend nya lang makakatulong sa akin pagdating sa mga nawawala."Hindi na Tin, kaya ko na to. Maraming sala
"What brings you here?"tanong ni Nathan kay Jane. "Why? Masama bang maki-join sa kwentuhan nyong dalawa?"naupo ito sa table namin,"order mo din ako ng food Nate, ang daya mo naman." "Jane,"tila pag-aalala ni Nathan. "Don't worry, I did not come here para manggulo. Di ko sya papatayin while you get my food." "Jane ano ba." "Sige, ako na lang bibili ng pagkain para sayo Jane."singit ko naman. "So nice naman of you." Umalis na ako at um-order na ng pagkain para kay Jane. Saglit lang ako nun at bumalik na din agad sa table namin. Nilapag ko na yung pagkain tapos naupo na kami ni Nathan. "Ano ba talaga ang pakay mo dito Jane?"tano
Habang kumakain kaming mga girls ay hindi naman namin maiwasang hindi mapag-usapan ang kambal ni Alex. "Actually, mga tatlong beses ko lang sya nameet since Alex and I dated. Unang kita namin, napansin ko na talaga na may attitude sya. In-explain na din sa akin ni Alex beforehand ang tungkol sa kambal nya. Pero sabi ko since girlfriend naman na ako ng kambal nya, baka maging mabait din naman sya sa akin kahit papano. But no, hindi din kami ganun ka-close. She only talk to me kapag gusto nya lang. Even after Alex and I got married, ganun lang ang relationship namin as magsister-in-law. Hindi sa sinisiraan ko ah? Pero halos pareho sya ng mother-in-law ko. Ang kaibahan din naman kahit papaano eh mabait naman sa akin ang mama ni Alex. Pero madalas pag sa mga katulong nila and sa ibang tao, may pagka-m*****a din." "No wonder. Alam mo na kung saan talaga nagmana yang bruha na yan."