Meant For Two:
Ang yabang nya! Pamatay ang hangin, akala mo kung sinong hari eh anak lang naman sya ng may-ari ng paaralan namin. Well oo, he has the right to show off pero kahit na! Nakakainis pa din sya! Sukdulan ng kahambugan as in to the nth power!
Pero, mas nakakainis ako. Bakit ako na-inlove sa kanya?
Chapter 1:
First day of class bilang isang senior highschool student at wala na akong ibang hiling kung hindi ang maging tahimik at maayos ng huling taon ko dito, kagaya ng mga naunang taon.
“Alysoooon!” sabay na tawag sa akin ng aking best friends na sina Maileen at Jaicee. Sila mga naging unang kaibigan ko dito sa Johnson University. Magkakaklase na kami since first year.
“Uy! Makasigaw wagas?” bati ko sa kanila.
"Wagas ka dyan! Di ka na nasanay samin. Oh ba’t andaming mong bitbit?” tanong ni Maileen sabay turo sa mga bitbit kong folders.
"Ah, eto ba? Mga articles ipapasa ko kay Kuya Art.”
Scholar ako at member ng publication team dito sa Johnson University. Isa ako sa mga contributor/writer nito since first year palang. Hilig ko na talaga ang pagsusulat at nung elementary ako, sumasali at sinasali na ako ng dati kong school sa mga writing contests. Kaya nga ako nabigyan ng scholarship at nakapasok dito sa JU dahil dun.
“Grabe naman Ali. First day na first day oh. Ni hindi pa nga tayo nagpu- formal lesson tapos yan ka na agad sa mga mahal mong artikulo. Ikaw na talaga!”
“Ganun talaga para sa ekonomiya.”
Nagpatuloy na kami sa paglakad papuntang campus. Bago pumasok ay chini-check muna ng guard ang mga bags and ID namin. Yung iba kasing mga estudyante pumapasok na may mga ID pero iba naman pala may ari. Tamang makalusot lang.
Malaking paaralan ang Johnson University. Isa sa mga pinakasikat na paaralan dito sa bansa. Madami na ding mga sikat na personalidad gaya ng artista, politiko, athlete at iba pang larangan ang naging produkto ng university na to. Pag sinabing sa JU ka pumapasok, ibig sabihin mayaman ka, pero ako hindi.
Ulila ako. Ang mama ko ay namatay ng pinaganak nya ako. Ang tatay ko naman di ko na nakilala mula simula. Wala akong kapatid at di ko din alam sino at nasaan mga kamag-anak ko. Lumaki ako sa isang orphanage house tapos nung mag-six years old na ako inampon na ako ng aunty ko. Pero hindi kami blood related, best friend daw sya ng mama ko yun sabi nya sa akin. Sa kanila na ako lumaki kasama ng mga anak ni Aunty na sina kuya Ding at Ate Bella. Para ko na silang mga tunay na kapatid talaga. Pero nung mag-sixteen na ako, nakiusap ako kay aunty na parang di tama na mag-stay ako sa kanila ng libre kaya kung maaari ay magtrabaho ako at magbayad ako ng renta sa kanila. May bakeshop kasi sina aunty. Nung una ayaw nyang pumayag pero kalaunan ay nakumbinse ko din. Hindi nya daw alam bakit ko daw ba ginagawa yun pero sige na nga lang daw. Mabait sina aunty pero feeling ko lang hindi tama na makikitira at makikikain lang ako sa kanila. Kaya sa umaga estudyante ako, tindera naman sa gabi. Kaya malaking blessing sakin na nakapasok ako ng JU.
“O sige Ali, una na kami sa room.” Paalam nina Jai and Mai. Nakarating na pala kami sa building namin dito sa Highschool department. Pangalawang building malapit sa main entrance ng campus. Kasunod ng Basic Education department building kung saan mga preschool and elementary ang estudyante tapos sa likod ng building namin di kalayuan ay ang campus naman para sa college. Mas malaki campus nila since iba’t ibang courses ino-offer ng school. Parang ang ganda nga mag-college dito eh kaso di ko lang sigurado kung aabot pa ng college ang scholarship ko.
“Sige, sige. Idadaan ko lang to kay kuya Art.” Nagdire-diretso na ako ng lakad. Di naman kalayuan room namin sa Publication Room eh. Yung room namin second to first room na madadaanan mo sa second floor ng building tapos mga four to five rooms after nun, sa dulo yung publication room tapos katabi hagdan papuntang third floor at pababa papuntang first floor. Every Monday ako nagpapasa ng mga write ups ko kay Kuya Art. Itong mga dala ko, recycled articles na to nung last school year pa.
Patuloy lang ako sa paglalakad habang ini-scan mga dala-dala kong folders ng bigla akong may makabangga dahilan para matumba ako at magliparan mga papel na bitbit ko.
“Sorry po!” Sabi ko habang isa-isa kong pinupulot mga papel sa sahig. Ng mapulot ko na lahat ay agad na ako tumayo.
“Sorry po kuya! Sorry po talaga,” napatigil ako sa pagsalita ng makita ko kung sino ang nakabangga ko.
Ang beast, ang halimaw, ang panget, este gwapo pero ubod ng yabang na anak ng may-ari ng university na kinabibilangan ko. Si Tristan Johnson kasama ang tropa nyang sina Mart Felix Castro na anak ng isa sa pinakasikat na five star hotel sa bansa, John Elton Cruz na pinsan ng isang sikat na artista sa Hollywood, at ang kambal na sina Alex Christian at Jane Lynne Fernandez na anak ng Isa sa pinakatanyag na politiko sa bansa.
“Grabe! Look at where you’re going naman! Idiot!” maarteng pagtataray ni Jane.
“S-sorry.” Tila pagpapakumbaba kong sabi.
“Sorry?! Lang?! Aanhin namin yang sorry mo? Mapapalitan ba nyan yung nadumihang sapatos ni Tristan?!”
Napanganga ako sa sinabi ng maarteng Jane. Tumingin ako sa sapatos ni Tristan. Nadumihan? Gusto ko sana itanong kung saan banda yung nadumihan at paano pero ayoko na lang pumatol.
“Lilinisan ko nalang. O kaya lalabahan kung gusto mo”. Aalis na sana ako ng biglang hawakan ni Tristan ang isa kong kamay sabay hatak sa akin dahilan para magkalapit kami at magkaharap. Naptulala naman ako bigla. Ngayon ko lang nasilayan ang mukha nito ng mabuti. Gwapo nga pala talaga ang lalakeng ito lalo pag sa malapitan. Kung di lang kasi hambog eh. Di ko alam bakit bigla nalang bumilis tibok ng puso ko, lalo na ng magsalita sya habang nakatitig pa din sa akin.
“Where do you think you’re going?”
Lagot na. Dooms day ko na yata talaga. Sa tatlong taon kong pag iwas sa kanya at sa grupo nila, dumating na yata ang araw ko para maging bagong laruan at biktima nila. Ang malas lang.
“Eh? Aalis na. Pupunta pa akong publication room eh. Ipapasa ko pa itong mga papel Kaya later na lang ha? Ay hindi mali pala. Kung gusto mo ibigay mo nalang sakin yang gold mong sapatos para malinisam ko pakatapos ibabalik ko na lang sayo bukas?” dire-diretso at walang hingahan kong sabi. Wala na, pinahamak ko nalang din naman ang sarili ko kaya lubos-lubusin ko na.
“Are you some kind of dumb? Or are you insulting me?” Halatang napikon sya sa sinagot ko pero mahinahon pa din ang pagsasalita nya.
“Ay hindi ah! Pero if you think it that way then so be it. Sige ha, aalis na ako”. Aalis na sana talaga ako kaso lalo nya hinigpitan hawak sa kamay ko kaya napa-aray ako ng slight.
“Bitawan nyo si Aly!” Dumating naman bigla ang bff’s ko na sina Mai at Jai.
“Bro tara na. Let’s just let her go.” Awat nung isang kaibigan ni Tristan, yung Alex ata yun. Pero hindi sya pinansin ni Tristan na nakatitig pa din sa akin.
“Shut up, brother”. Si Jane na tuwang-tuwa naman habang tinutusta ako dito ng tropa nila. Kainis lang.
“So you think you’re tough?” Si Tristan yun.
Nagroll eyes nalang ako at bumulong sa sarili.
“Maygawd! Sa dami naman ng araw na pwede kong makasalubong tong mga ito ngayong unang araw pa ng senior year ko diba?”
“Saying something Miss Li?”
“Ah wala! Sabi ko ano, masyadong kang gwapo para pagtuunan ng pansin ang kagaya ko. Kaya kung ako sayo bitawan mo na ako dahil masasayang lang oras mo sakin.”
Dahan-dahan kong inalis kamay ko sa kanya sabay paalam. “Sige ha? Wag na sana tayo magkita. Bye!” at kumaripas na ako ng takbo paalis.
Tumakbo lang ako hanggang makarating sa isang sulok ng hallway at nagtago. Akala ko end of the world na. Buti nalang talaga. Huminga na ako ng malalim saka naglakad na papuntang publication room. Ng makarating na ako ay nakita kong andun na si Kuya Art nakaupo sa desk nya.
“Hi kuya Art! Sorry natagalan ako," bati ko sa kanya.
“Oh Aly, andito ka na pala. Okay lang medyo kadadating ko lang din. Bakit ganyan itsura mo?”napamsin nya sigurong dugyot at tila hinihingal pa.
“Ah wala kuya, hinabol lang ako ng aso sa kanto.” natawa naman sya sa sinabi ko.
Nilapag ko na mga papel ko sa desk ko sabay upo. Di ko naman mapigilan mapatitig kay kuya habang may ginagawa sya. Napakagwapo talaga nya, nakakawala ng stress at pagod. Nakalimutan kong may nakakabwiset na nangyari sa akin kanina lang. Isa din sa mga dahilan bakit ako sumali sa publication team ng university ay dahil kay Kuya Art. Crush ko na talaga sya simula first year palang, pero secret lang.
“Matunaw ako nyan Aly, sige ka”, natauhan ako. Napansin nya sigurong kanina ko pa sya tinitingnan. Nakakahiya!
“Huh? Ano ka ba kuya! Ang feeler mo!” Pakiramdam ko para na akong kamatis sa sobrang init at pula ng pisngi ko. Tumawa naman ulit si kuya Art.
“Biro lang. Sige na pumasok ka na sa klase mo. Mamaya na lang ulit.”
“Ah sige kuya. Una na ako.” Tumayo na ako at lumabas ng PR. Naglakad na ko pabalik ng room, pero bumaba muna ako ng first floor at duon dumaan saka umakyat ng hagdan sa dulo kung saan malapit din room namin. Yung room namin tsaka Publication room kasi magkaduluhan sa second floor. Kumbaga sa tabi ng. PR may hagdan pababa ng second floor at paakyat ng 3rd floor. Yung room namin namin nasa second to the first room na makikita mo pag akyat mo sa kabilang hagdan mula 1st floor. Nilibot ko nalang, mahirap na baka makasalubong ko naman ulit yung beast and friends. Naku!
Ng makarating na ako ng room namin ay agad na ako umupo.
“Huy best! Ang tapang mo kanina ah! Speechless sayo sina Tristan.” Tila papuri na salubong sa akin ni Jai.
“Eh ganun talaga. Kesa ma-trap ako sa kanila.”
“Andaming nakatingin sainyo kanina at bilib na bilib sayo best ang buong building. Brave girl yan?” Proud na wika ni Maileen.
“Wala yun. Hayaan nyo na. Sana lang di na maulit.”
Maya-maya lang ay dumating na teacher namin kaya nagsipag-ayos na kami. Pero kasunod ng pagpasok ng teacher namin ay may pumasok ding apat na estudyante. At ang nakakagulat dun, ay pamilyar pa ang mga mukha ng apat.
“Okay class before we start, here is your lipat-bahay classmates: Mr. Johnson, Mr. Cruz, Mr. Castro and Mr. Fernandez.”
Malas pa ata ako sa malas. Bakit nilipat tong mga to dito? Eh mula first year lagi tong nasa star section ah?
“Okay boys please find your sits.”
Sumakto din namang ang mga vacant sits eh nasa malapit sa amin nina Jai at Mai. At sumakto pa sa sakto eh apat din ang bakanteng upuan. Masyado naman atang nagkataon? Napatingin sakin si Tristan at sa upuang katabi ko saka naupo sya dun. Na-taken aback naman ako. Dito talaga sa katabi ko?
“Bes, malas ata talaga first day mo.” Pang-aasar na bulong ni Maileen sa akin.
“Shadap Mai.”
Nagsimula na ang klase. Hindi ko na lang din pinansin ang katabi ko. Pero yung isa kumati yata ang lalamunan at hindi nakapagpigil dumaldal at inusog pa upuan nya sa likod ko para makalapit sa akin.
“Hi Miss Li.” Si Alex, Yung kambal ng maarteng Jane na hindi ko alam bakit hindi yata nakasama sa lipat- bahay na mga ito?
“Goodbye.” Pagsusuplada ko. Wala ako sa mood pakipagkaibigan sa kahit kanino sa kanila. Tumawa naman ng mahina si Alex. Baka marinig sya ng teacher namin madamay pa ako. Diretso lang tingin ko sa board at sa teacher namin na nagdi-discuss.
“You really are weird. Sabi ko na nga ba eh, tingin ko palang sayo kaina, I knew I like you.”
Halos malaglag ang panga ko at lumuwa ang mata nina Tristan, John at Mart pati nina Jai at Mai sa narinig nila kay Alex. Mas lalo siguro kung andito kambal neto, baka kanina pa yun nagwala.
“N-nice joke Mr. Fernandez. Why don’t you just pay attention to the class—”
“That’s right Miss Li. Why don’t you pay attention to my class. Or is there anything else you’d like to discuss in front? You as well Mr. Fernandez and your friends?” Nagulat na lng kami kasi nasa harap na naming pito yung teacher namin.
“Sorry mam,” sabay-sabay naming sabi. Mapapahamak pa yata ako dahil sa mga ito.
“I’m watching you seven.” Sabay balik nito sa unahan at nagdiscuss na ulit.
Natatawa ako. Infairness sa apat na to kahit sisiga-siga sa campus, sumusunod din naman sa mga teachers at sa school rules and regulations.
Break time namin. Andito kami sa canteen nina Jai and Mai kumakain ng paborito naming burger. Masarap sya, yung kahit araw-arawin mo di ka magsasawa. Malaki din canteen ng building namin, and araw-araw halos iba-iba lagi niluluto nilang putahe. Pero ewan bakit mas bet talaga namin itong burger.
“Bakit ba kasi nangyayari to sakin? Bakit kaylangan maging kaklase natin sila? Bakit? Bakit?”
“Chill lang Ali. Mabuti pa para mawala yang inis mo, tara sa rooftop magtambay saglit!”
At ayun nga nagpunta kami ng rooftop ng building namin. Dati na din kami tumatambay dito pag walang lesson. Maganda ang rooftop ng highschool building, kasi bukod sa sariwang hangin at magandang view sa baba, may mini garden din dito na puno ng iba't ibang klaseng halaman at bulaklak. Sobrang maaliwalas sa paningin tsaka sa pakiramdam.
“Ano ginagawa nyo dito?!” Si Jai. Nagulat na lang kasi kami ng makita naming andito din sina Tristan. Napabuntong hininga na lang ako. Lord, ano po ba kasalanan ko this past few days?
“Bakit? Pag-aari nyo ba rooftop?!” Pagtataray nung Jane. Kasama pala nila.
“Tambayan namin to eh!”
“Tama na Jai. Hayaan mo na,” pag-awat ko naman.
“Eh Kasi naman eh! Lahat na lang ng puntahan natin sumusulpot din itong mga kumag na to eh! Sinusundan nyo ba kami?!”
Natawa yung John bigla. “Miss, joke ba yun? Kami susundan kayo? Hindi ba pwedeng masyado lang maliit ang building na to kaya kahit saang sulok mgkikita at magkikita talaga tayo?”
“And ang feeling lang din naman ah? This isn’t your building in the first place. Right, Tristan?” Sumabat pa ang Jane na to. Wala din namang pakialam yung Tristan at panay lang kaka-cellphone.
“Kapal ng mukha! Eh para ka lang namang foundation na tinubuan ng mukha eh!”napikon na siguro si Jai Kaya di na napigilan na makapagsalita ng di maganda. Pero natawa ako sa sinabi nya. Kasi totoo naman eh, sobrang puti ng mukha ng Jane. Maganda sya, oo, siguro kung simple lang make up nya. Eh kaso halos magmukha nang espasol mukha sa puti dahil sa foundation, tapos yung labi akala mo puputok na sa sobrang pula ng lipstick. Palibhasa hindi bawal sa school kaya siguro araw-araw din nito kina-kareer make-up nya.
“What did you just call me?!"namula na sa inis ang mukha ni Jane.
“Tama na sis. Stop bugging my girl and her friends.” Sino pa ba? Eh di si Alex na inawat yung kambal nya.
“Your what?!"
“You know, I like her.”
“Seryoso ka talaga dyan bro?” tanong nung Mart Kay Alex.
“Yup.”
Kung pwede lang ako manginig sa kilabot, baka kanina pa ako nanginig.
Kinabukasan, nasa classroom kaming lahat at naghihintay ng susunod naming klase. May mga kanya-kanyang trip sa loob ng classroom kumbaga. Yung iba nagchi-chismisan, yung iba naglalaro ng kung anong mga dala gaya ng baraha pero patago lang kasi bawal dito sa school. Kami naman nina Mai at Jai kasama iba naming kaklase ay nagsa-soundtrip.
“Oh Aly, ikaw naman kumanta!”
“Ayoko nga. Baka umulan pa eh.”
Gaga! Sa ganda ng boses mo baka bumaba si mareng araw sa lupang bongga.”
“Sarcasm, Jai.”
“Sige na Aly. Gusto ulit namin marinig boses mo. “ si Bryan, class president namin na sinang-ayunan naman ng iba naming kaklase.
“Sige na, sige na. “dahil sa pangungulit nila ay napilitan na din akong kumanta.
Sininulan ko nang kumanta. Nasa kalagitnaan na ako ng bigla dumating sina Tristan. Di ko pa man natapos ang kanta ay nagsalita bigla si Alex dahilan para mapatigil ako.
“I knew it!Kaya nga ba gusto kita eh! You have the look, the brain and the talent!”
“Tinamaan ka na nga yata talaga bro!”sabi nung John sabay akbay kay Alex.
“Bakit? Maganda kaya si Miss Li. Diba Tristan?”
Hindi kumibo yung Tristan. Dumiretso lang sya sa upuan nya saka nilapag bag nya. Pero bago pa man ito tuluyang umupo ay nagsalita ito.
“She’s like a monkey to me. She’s thin, she’s plain, she’s flat. She’s a nobody.”
Hindi ko alam bakit bigla nalang nag-init katawan ko na feeling ko gusto ko sumabog kaya di ko na mapgilan at napatayo na ako.
“Hoy Mr. Tristan na akala mo kung sinong anak ng may ari ng paaralang ito na ubod ng yabang na walang ibang ginawa kundi mangbwiset ng buhay ng ibang tao. Mawalang galang na ha?”
Nagsmirk naman sya. “Kilala mo pala ako. And so?”
Sasagot pa sana ako kaso biglang nagsihiyawan at kantyawan mga kaklase namin.
“Uy kayo ha? Baka magkatuluyan kayo nyan!”sabi nung isa naming kaklase.
“Yak! Eew! Wag ka nga magbiro ng ganyan? Never ako magkakagusto sa kumag na yan no! Hinding hindi yun mangyayari!”
“Swear mo bes? Di ka magkakagusto may Tristan?”
“Mamatay ka man ngayon Mai.”
“Grabe ka naman Alyson!” at nagtawanan na buong klase. Ano kaya nakakatawa dun?
Uwian na sa wakas. Sinamahan ako nina Mai at Jai na dumaan sa Publication room para sa mga ipapasa kong articles at saka dumiretso na din kami para umuwi. Ng nasa labas na kami ng campus sakto ding dumaan yung sasakyan ni Tristan. Iba iyon sa usual na ginagamit para sunduin sya. Siguro sarili nyang sasakyan ang gamit ngayon. Napakabilis ng pagkakapatakbo nito na pawang may ari nagpapasikat sa mga dinadaanan. Kahit sa pagpapatakbo ng sasakyan, napakayabang pa din nya. Akala mo hari ng kalsada. Pagdating ko sa bahay, agad na ako nagbihis para pumasok na sa bakeshop ni Aunty. “Kumusta ang school mo, Ali?” tanong ni Aunty. Nasa bakeshop nila kami ngayon. Mga anak nya ang gumagawa at nagbi-bake nitong mga tinapay at cake na tinitinda nila. Masasarap din atsaka sikat at mabenta din dito sa aming lugar. “Okay naman po, Aunty.” sagot ko habang nag-aayos ng mga nakahilerang tinapay sa lalagyan. “Ga-graduate ka na. Ang bilis ng panahon ano? Kung andito lang mama mo matutuwa iyon.”parang madr
“Hi Aly.”“Hi,” naupo na ako sa aking upuan. Pero etong si Alex panay pa din ang dikit sa akin. Nagsisimula na akong mairita sa totoo lang.“Ahm, Alyson about yesterday,”Mukhang hindi nya yata talaga ako titigilan hangga’t di nya nakukuha ang sagot ko. Kaya napag-isip isip ko nang sabihin na sa kanya. Huminga muna ako ng malalim saka hinarap sya. Hindi ko sya dapat pinag-aantay lalong pinapaasa. Dapat sinabi ko na agad in the first place kung ano totoo kong naramdaman at hindi na magpabitin pa.“Alex, tungkol kahapon pasensya na.”“Huh? Naku kayong dalawa ah! Ano nangyari sainyo kahapon?” pangangantyaw na pagsingit ni Mai sa usapan namin ni Alex.“No, it’s okay Aly. I can wait. Maybe you need some time to process things. Ginulat din kasi kita eh.”“Hindi. Ano kasi, ako talaga ang mali eh. Dapat sinabi ko na agad sayo ang totoo.&rdq
Chapter 4: “Tell me.” “What?” Nasa room pa din ako ni Tristan, kumakain nung breakfast na hinanda nila sa akin. May parang mini dining area dito sa kwarto nyang pagkalaki na akala mo para nang bahay dahil kung sa luto, kumpleto rekado na. May banyo, may sala, may hapag-kainan at may malakimg tv pa! Mapapa- sana all ka naang talaga eh. “Kapalit nga kasi!” Nasa mini dining area ako tapos si Tristan nasa sala, nanunood sa tv nya. “I said I’m not even asking for anything.” “Ako. I’m asking for anything.” Nilingon nya ako, “why?” “Because! Because ayoko magka- utang na loob sa kahit kanino. Kaya sabihin mo na ano gusto mo, gagawin ko promise.” “Naririnig mo ba sinasabi mo, Alyson?” “Huh?” “Kahit ano? Talaga?” “Oo, bakit?” Nag-smirk sya bigla. “Then let me think about it.” Nagpatuloy na sya ulit sa panunood ng tv. “Tristan,” di sya umimik kaya tinawag ko ulit. &n
Chapter 5:“Hi Alyson.”Nakaupo na ako sa seat ko nun sa classroom at naghihintay sa bestfriends ko ng dumating din si Alex at binati ako.“Uy, ikaw pala. Ang aga mo yata.”“Ah, oo. Ikaw din naman eh.” Naupo na din sya sa seat nya.“Himala hindi mo kasama friends mo?” pagtataka kong tanong ko sa kanya.“Ah, nasa baba pa sila. Susunod na din ang mga yun.”“Ah okay.”Nagkaroon ng katahimikan. Bakit parang ang awkward ata? Last na usap namin nito ni Alex nung na-friendzone ko sya. Tapos ilang araw din sya di namansin nun. Akala ko nga may samad ng loob na ito sa akin eh, pero mabait sya kasi hindi naman nya ako tuluyang iniwasan. Nakakahiya tuloy.“Ah, Miss Li can I ask you a question? If you don’t mind.”“Tungkol saan?”“Ahm.. is it true that Tristan is courting you?”Kung pwede lang ako ma
Chapter 6:Nasa kwarto pa din kami ni Tristan at nasa kalagitnaan ng pag-uusap ng bigla may kumatok at bumukas ang pinto sabay pasok ni Tay Niko.“Tay!”“Paumanhin po signorita Aly, signorito. Naisturbo ko po ba kayo?”tila pag-aalangan nito.“May kailangan ka Cho?” tanong ni Tristan.“Wala namn po. Pero nais ko lang po sabihin na tumawag ang madam at kinakamusta kayo.”Madam? Napatingin ako kay Tristan. Yung pagkasabi kasi ni Tay ng madam, sumimangot bigla ang mukha ni Tristan eh.“Pakisabi buhay pa—aray!” sinapak ko sya bigla. Iyong pagkakasagot nya kasi kay Tatay hindi ko nagustuhan eh.“Bakit ganyan ka makasagot Kay Tatay?!”You don’t know anything! Aray ano ba!?” nasapak ko po ulit.“Sinisigawan mo ako?!”“Bakit? Bawal ba?!”“Sinisigawan mo ang girlfriend mo?!” nagulat sya
"Wag na lang kaya?" nag-aalangan na tuloy akong bumaba ng kotse nila."Gusto mo ba sapakin din kita?""Ano?!""Dali na naghihintay na si mommy!"Wala na din ako nagawa kundi ang bumaba sa kotse at magpakaladkad kay Tristan papasok ng restaurant. Pero bago kami tuluyang makapasok ay pinigilan ko si Tristan saglit."What now?""Pero Tristan kasi hindi naayon yung suot ko dito?""Alyson, just be yourself. Your clothes dont matter." hinawakan nya kamay ko. Napangiti naman ako. Hinigpitan ko din hawak sa kamay nya saka pumasok na kami ng tuluyan.Pero ng nasa loob na kami ay lalo ako kinabahan. Mas lalo na ng makita ko ang mama nya na nakaupo sa table namin na naka-dress na naman at pagkaganda-ganda."Mom," tawag ni Tristan. Lumingon ito at sinalubong kami ng isang malaking ngiti saka tumayo sa kinauup
Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko."Okay ako." Pinilit kong maupo sa kama kahit nahihilo pa ako sabay sabi ng,"bunganga mo Jai.""Mukhang okay ka na nga bes! Ano ba kasi nangyari sayo?""Di ko alam Mai. Bigla na lang ako nahilo kanina.""Did you even eat breakfast at home?" tanong ni Tristan."Shunga. Sabay sabay tayong nag-almusal nina mama kanina diba?""Huwaw! mama na talaga tawag nya! Parang bagong kasal ah? Wait! Hindi kaya, buntis ka?! Ouch!" sinapak ko sya pero mahina lang."Bunganga mo din Mai eh.""Sorry naman. Oh sya sige, may klase pa kasi tayo remember? Pahinga ka na muna dyan. Ii-excuse ka na lang namin sa teacher natin, okay?""Oo nga. Si Papa T na bahala sayo ha? Byee!"sabay na uma
"Where's my daughter?!" biglang bumukas ang pinto at pumasok si mama. Si Tristan naman ay naalimpungatan ng marinig si mama. Natutulog sana ito sa sofa ng room namin dito sa ospital. Ako naman ay nakapikit lang at nagpapahinga pero nadilat na din ng dumating si mama."Mama?""Aly!"agad sya dumiretso sa akin at niyakap ako. "Oh my God dear are you okay? Are you in pain?""Okay po ako, mama. Pasensya na po pinag-alala ko kayo. Naabala ko pa kayo sa trabaho.""Never ever say na abala ka.""Mom." si Tristan yun, bumangon na at lumapit na din sa amin."Tristan, ano sabi ni doc? Did you transfer her to doctor Lang?""Pina-transfer na namin agad kay doc. Lang as soon as you told us.""I'm so sorry my dear. Wala ako sa tabi ninyo. But I'm here
Ilang araw ding nagpabalik-balik si Cathy sa bahay para sa tutor niya kay Dan. Hindi din naman sila aging sa kwarto lang, dahil minsan ay sa sala na sila lalo pa ng malaman ni Tristan. Muntik pa kaming mag-away na mag-asawa at sinermonan ako. Kung ano-ano na lang daw kasi ang mga pinaggagawa ko. Pero sa bandang huli ay naipaliwanag ko naman sa kanya ng maayos. Last day of tutorial na nila ngayon at sila ay nasa sala. Sa naglipas na isang linggo, napansin kong mula sa day one na pagiging masungit ni Dan ay nabawasan na ito sa mga sumunod na araw. Madali din naman daw kasi matuto si Cathy sabi nya. Totoo naman at hindi naman sya basta-basat pipiliin na representative ng klase nila kung hindi siya magaling. Masaya akong pinagmamasdan ang dalawa sa sala mula dito sa mini kitchen namin ng lapitan naman ako ni Clara. "Bagay sila ano?"mukhang kilig na kilig din naman si Clara sa dalawang bata. "Sinabi mo pa."sang-ayon ko naman. "Kaya lang ang babata pa nila, Jill." "Alam ko naman eh."
Nagsimula na ang laro nina Dan. Halos parehong teams ang gagaling lang na para bagang mga ayaw magpatalo. Laging magkadikit lagi ang kanilang scores kaya si Tristan ay intense na intense din namankaya hindi na nya naiwasang bumaba at puntahan si Dan during breaktime."Hoy! Saan ka pupunta?"paghawak ko naman sa laylayan ng damit nya."I need to go there and talk to Mart and Dan.""Para saan?""To calm me down."at dumiretso na sya pababa. Ang baklang iyon, kulang na lang sya na mismo ang maglaro. Masyado na atang feel na feel ang laro at hindi na napigilan ang sarili na puntahan ang anak nya. Iba din naman talaga. At kinausap nya nga din naman si Dan pati na din si Mart at hindi na ito bumalik duon sa amin ni Ella hanggang sa matapos ang laro. Hindi nanalo ang team ng anak ko, pero isang puntos lang din naman ang lamang kaya proud pa din naman ako
Matapos ang dinner namin iyon ay bumalik na din kami sa hotel na tinutuluyannamin. Gustuhin man ni Lola Carmen na mag-stay kami at magpalipas ng gabi ay hindi din maaari dahil masyado kaming madami at hindi sapat ang silid nila. Kaya kahit late na ay bumalik pa din kami ng hotel. Halos tahimik nga ang lahat sa biyahe at tulog at madaling araw na din ng makarating kami sa tinutuluyan namin. Kaya kinabukasan ay araw ng pagpapahinga namin.Tanghali na ng magising ako. Mahimbing pa ang tulog ni Tristan na balot na balot sa kama. Lumabas ako sa verranda at doon nag-unat unat ng aking katawan na tila nangangalay pa buhat ng pagod sa biyahe kahapon. Tirik na tirik na ang araw at ramdam ko na ang init nito sa katawan kaya bumalik na ako sa loob ng kwarto at naghilamos na. Nasa loob ako ng banyo ng may kumatok sa pinto namin kaya agad ko din naman pinagbuksan."Nate? Bakit ganyan itsura mo? May problema ba?"tila nata
Kinabukasan ay nagsipaghanda na kami para sa pagdalaw nina Martha at Maileen sa kanilang mga kamag-anak dito sa Davao partikular na sa kanilang pinakamamahal na mga lola. At syempre kasama na din duon ang paghahanap ng cravings nilang pareho na mangga at bagoong. "Ready na ba lahat? Baka mamaya may magsisisgaw na naman dyan at makaramdam ng tawag ng kalikasan na naman dyan sa gitna ng biyahe ah?"pabiro pang sabi ni John habang isa-isa na kaming sumasakay sa van. Natawa naman kami ng maalala nung biyahe namin papunta dito at ang nangyari kay Mai. "Pwede ba, John? Magmove on ka na?"tila nahihiya namang sabi ni Mai. "Okay lang yan, Mai. May nangyayari talagang ganyan."kunwari namang pagcomfort ni Alex sa kay Mai pero tatawa din sa huli. Ng lahat na nakasakay sa van ay agad na kaming umalis. Uunahin daw namin puntahan ang sa kina Martha kaya nama
Isang linggo ang lumipas at nakalabas na din ako ng ospital sa wakas. Although may bandage pa din ang sugat ko sa braso na magaling na din naman, maliban dun ay okay na okay na ako at balik nang muli sa normal. Bumalik na din ako sa trabaho at nagtuturo nang muli. Isang araw habang nasa faculty room ako at naghahanda para sa susunod kong klase ay biglang may pumasok na babae sa loob ng room at lumapit sa akin. "Hi ma'am."nakangiti nyang bati sa akin. Nagtaka naman ako dahil hindi ko kilala kong sino itong magandang babaeng mukhang sopistikada na bigla na lang sumulpot dito sa harapan ko. Inisip kong baka isa sya sa mga parents or guardian o di kaya relatives ng isa sa mga estudyante ko o estudyante ng iba kong co-teachers. Tumayo naman ako sa kinauupuan ko at binati din sya ng nakangiti. "Hi din po. May kailangan po ba kayo?" &
"Ano nangyari kay Ella?"kabado kong tanong kay Dylan. "Si Tito Nate po kasi tumawag," "Ano sabi?"tanong naman ni Tristan kay Dan. "Ano po kasi,"tila pabitin pang wika ni Dan na ikina-inip ko naman kaya hindi ko sinasadyang mapasigaw na. "Ano ba, Dan! Sabihin mo na! Anong nangyari sa kapatid mo?!" "Si Ella daw po, nagyaya na pauwi kaya hinatid na nila sa bahay." Halos matameme naman kami dun ngunit nakahinga din naman ng maluwag. "Hoy Daniel! Kailan ka pa natutong mangprank? Kanino mo natutunan yan? Kay Tristan ba? Nakakaloka ka ha!"asar na tanong sa kanya ni Jai na sinang-ayunan naman ni Mai. "Oo nga Dan! Halos kinabahan kami lahat bigla sa
Agad akong dumiretso sa parking lot at sumakay ng kote. Mabuti na lang at may spare key ako ng sasakyan ni Tristan at lagi kong dala iyon, kung hindi ay hindi nya sa akin ibibigay ang susi kung sakali. Agad ko nang pinaandar ang sasakyan at habang nagmamaneho ay nagdial ako sa phone ko."Hello? Tin?""Mars! Ano? Na-trace na ni Kenneth yung contact number nung Jane. Nasaan ka na? Sasamahan ka namin!"Mabuti na lang at isang magaling na police ang boyfriend ni Tin. Hindi din naman kami nawalan ng communication sa isa't isa. Kahit na madalang lang ay alam pa din naman namin ang nangyayari sa bawat isa. At kanina habang palabas ako ng ospital ay sya agad ang una kong hiningan ng tulong lalo't alam kung sya at ang boyfriend nya lang makakatulong sa akin pagdating sa mga nawawala."Hindi na Tin, kaya ko na to. Maraming sala
"What brings you here?"tanong ni Nathan kay Jane. "Why? Masama bang maki-join sa kwentuhan nyong dalawa?"naupo ito sa table namin,"order mo din ako ng food Nate, ang daya mo naman." "Jane,"tila pag-aalala ni Nathan. "Don't worry, I did not come here para manggulo. Di ko sya papatayin while you get my food." "Jane ano ba." "Sige, ako na lang bibili ng pagkain para sayo Jane."singit ko naman. "So nice naman of you." Umalis na ako at um-order na ng pagkain para kay Jane. Saglit lang ako nun at bumalik na din agad sa table namin. Nilapag ko na yung pagkain tapos naupo na kami ni Nathan. "Ano ba talaga ang pakay mo dito Jane?"tano
Habang kumakain kaming mga girls ay hindi naman namin maiwasang hindi mapag-usapan ang kambal ni Alex. "Actually, mga tatlong beses ko lang sya nameet since Alex and I dated. Unang kita namin, napansin ko na talaga na may attitude sya. In-explain na din sa akin ni Alex beforehand ang tungkol sa kambal nya. Pero sabi ko since girlfriend naman na ako ng kambal nya, baka maging mabait din naman sya sa akin kahit papano. But no, hindi din kami ganun ka-close. She only talk to me kapag gusto nya lang. Even after Alex and I got married, ganun lang ang relationship namin as magsister-in-law. Hindi sa sinisiraan ko ah? Pero halos pareho sya ng mother-in-law ko. Ang kaibahan din naman kahit papaano eh mabait naman sa akin ang mama ni Alex. Pero madalas pag sa mga katulong nila and sa ibang tao, may pagka-m*****a din." "No wonder. Alam mo na kung saan talaga nagmana yang bruha na yan."