Home / Romance / Marry me, Teacher Luke / Chapter V: Matinding Damdamin

Share

Chapter V: Matinding Damdamin

Author: MikhaelRiver
last update Last Updated: 2023-06-01 09:58:48

“Oh, ang aga n’yo naman yatang umuwi?” Tanong ni mama Millet ko sa amin matapos n’yang makita ang pagmumukha ko at ni Sefira pagbukas ko ng pinto. Naabutan ko nga palang nagwawalis si mama kaya medyo makalat pa yung sahig.

“Lola!” Agad na tumakbo si Sefira sa kanyang lola at niyakap ito nang mahigpit.

“Eh, paano kasi, nilagnat yang si Sef. Mabuti na lang natawagan ako ng nurse.”

“Ito, nilagnat? Eh, mas malakas pa sa kalabaw itong batang ito, ah? Kita mo may payapos yapos pa.” Hinawakan ni mama yung noo ni Sefira, pagkatapos ay tinignan ako ng nanlalaki n’yang mga mata. “Oh, medyo umiinit na naman yung bata. Mabuti pa patulugin mo na lang muna ‘to, tapos ako na bahala at pumasok ka na sa trabaho.”

“Ay, ma nag-undertime ako today para maalagan ko si Sefira.” Paliwanag ko sa nanay ko, habang naglalakad papalapit sa kanya. 

“Oh, sige ikaw na magpatulog kay Sef at ipagluluto ko s’ya ng sabaw para naman may mahigop s’ya bago uminom ulit ng gamot.”

“Lola, may kwento po ako.” Hay naku, parang walang dinaramdam. Napatingin tuloy si mama sa’kin na para bang gusto n’yang i-take over ko yung pagluluto.

“Ako na nga lang magluluto.” Pag-volunteer ko. “Ano pa gusto n’yo, bukod sa soup?”

“Ah, isang kwento mula sa batang ito.” Agad na hinatak ni Sefira ang kanyang lola sa kwarto at nagkulong kasama ng mama ko. Ang maglola talaga. 

Sinimulan ko na ngang lutuin yung soup, tapos nagprito na rin ako ng tilapia, para naman hindi lang sabaw ang kakainin namin. Habang hinihintay maluto yung pagkain, hindi pa rin maalis sa isip ko si Luke. Yung malambing n’yang boses, yung nilalanggam n’yang ngiti, tapos yung amoy n’yang parang naligo sa bubbles na humahatak sa’kin para lapitan s’ya kanina. Naku po,hindi na yata normal ‘tong nararamdaman kong ‘to. Nakangiti nga ako habang nagluluto at pinagninilay-nilayan ang nakaka-attract na mukha ni Luke.

Sa sobrang lawak nga ng imagination ko, heto at nasunog na nga yung isda. Pagkakita ko, kulay itim na yung balat ng isda, tapos napasobra na sa crisptyness yung tilapia. Pumuputok-putok pa nga yung mantika habang inaalis ko sa pagkakadikit yung tilapia sa kawali. Napailing na nga lang ako sa nagawa ko, at nakangiwing inahon yung isda sa kahirapan, este kawali. Pikit mata ko na ngang nilagay sa lamesa yung sunog na isda, at napakamot na lang ako sa ulo ko’t sinabunutan ang sarili sa sobrang inis sa nagawa kong pagsunog sa isda. Mukha na ngang uling yung tilapia, eh. Aba’y paano namin yan kakainin ng ganyan? Oh, muntik ko na nga makalimutan yung soup, kaya agad na kong sumandok at nilagay yung malaking bowl na may lamang sabaw sa lamesa.

Ready na nga yung mga pagkain at handa na rin yung tainga ko sa mga salitang mabibitiwan ni mama paglabas n’ya ng kwarto. Pikit mata na nga akong pumunta sa nakasaradong pinto. Pero teka, na-curious ako kung ano yung pinag-uusapan nila, kaya nilapat ko yung tainga ko sa parteng may butas at nakinig sa kwentuhan nila.

“Lola, kanina sobrang sakit ng ulo ko, kaya dinala ako ni teacher Luke sa clinic.” Saad ni Sefira. 

“Kawawa naman pala itong apo ko.” Tugon naman ni mama.

“Pinainom nila ako ng bigesic, tapos pinatulog po nila ako sa clinic. Pero lola alam mo ba, nung pagdating ni mama narinig ko yung pinag-uusapan nila.”

“Sinong nila? Yung nurse?”

‘Hindi, ni teacher Luke.”

“Teacher Luke? Nagkita na sila?” Tignan mo ‘tong si mama, gulat na gulat kung maka-react. 

“Opo, kasi pinatawag ni sir sa nurse si mama para sunduin ako.”

“Oh, tapos ano’ng nangyari?”

“Nung umpisa po, malambing si mama magsalita. Pero nung pinakilala ko na po s’ya kay teacher, ayun naging masungit.”

“Ang nanay mo, magsusungit? Totoo ba yan? Hindi nga n’yan ako tinarayan, eh.”

“Totoo po lola. Kasi hindi na n’ya pinapansin si sir nung pinakilala ko s’ya. Hindi ko nga po alam bakit, eh. Ok naman si mama nung una tapos biglang nagsungit. Tapos nagtataas pa ng kilay kay sir, tinatarayan pa po yung teacher ko.”

“Hayaan mo na yang nanay mo, baka may dalaw lang s’ya ngayon.” Paliwanag ni mama kay Sef. Ay, paano ba naman kasi, nung umupo na s’ya sa tabi ni Sefira, kitang kita ko na yung kagwapuhan n’ya. Malaking lalaki, maskulado tapos ang ganda pa ng pagka-brown ng mata n’ya. Malinis pa yung mukha, walang balbas man lang o bigote. Saka wala akong dalaw, sinong dadalaw sa’kin, eh wala naman akong boyfriend? Ay, mens pala yun. “Pwede bang makita yung itsura ni sir Luke mo?”

Kahit hindi ko makita kung ano yung ginagawa ni Sefira sa loob ng kwarto, alam ko namang dumudutdot s’ya sa cellphone n’ya, para ipakita yung picture ni Luke mula sa socials. Paano, wala naman kasing printed copy ng picture ni Luke si Sef, ano. 

“Ito po s’ya lola, oh.” Hindi ko mapigilan ang sarili ko, at sumilip na nga ako sa maliit na butas ng pinto. Nakita kong binigay ni Sefira yung cellphone n’ya kay mama, para ipakita yung picture ni Luke.

“Ah, kaya naman pala.”Tugon ni mama habang hawka-hawak yung cellphone ni Sefira.

“Alin pong kaya pala?” Nagtatakang tanong ni Sefira.

“Crush ng nanay mo yung teacher mo, kaya yun nagsusungit!” Ha? Ako may crush kay Luke? Ano ba naman, nakakawindang naman yung sinabi ni mama. ‘Di ba nga nangako ako na hindi na ako magmamahal ulit? So, paano ako magkakagusto sa ibang lalaki? Kaya ko lang yun tinatarayan kasi… Ayaw ko sa mga lalaki. 

“Mama, Sefira, kain na tayo!” Ayan, bago pa lumala yung kwentuhan ng dalawa tinawag ko na sila. Tumakbo nga ako papunta sa lamesa bago sila lumabas. Para naman hindi sila maghinala na nakikinig ako sa kwentuhan nila. Nagkunwari akong nag-aayos ng mga pagkain para bongga na yung acting skills na ipapakita ko.

“May naaamoy akong sunog.” Wika ni mama habang naglalakad papuntang lamesa. Naku po! Ngumiti na lang ako habang kinakamot ang ulo ko. Tapos ay iniiwasan ng tingin si mama nang maka-upo na s’ya. Napakagat ako ng labi at hiyang hiya sa sarili nang tignan ni mama yung tilapia. “Ano ‘to, Rachel?” Tanong n’ya sa’kin habang nakatitig sa mukha ko ang nanlalaki n’yang mga mata.

“Ah, isda mama.” Sagot ko sa kanya na tila umiiwas sa sagot na gusto n’yang marinig.

“Ay, ang tinatanong ko, anong nangyari at nasunog mo!” Sigaw sa akin ng mama ko. Ayan na nga ba ang sinasabi ko, eh. 

“Mama, ganyan na talaga yung bago ngayon. Tawag d’yan ano, toasted tilapia.” Oh, tignan mo, nagpalusot pa, akala mo naman hindi alam ng mama n’ya.

“Huwag kang pilosopo, Rachel ka. Hindi ka naman nakakasunog ng pagkain dati, ha?”

“Eh, kasi naman, eh.” Bulong ko habang nakayuko sa kahihiyan ang mukha ko. Pero ‘tong si mama malakas ang pandinig.

“Anong ‘Eh, kasi naman?’ May iniisip ka siguro, ano?”

“Wala po, ah. Sino’ng nagsabing may iniisip ako?” Tignan mo, nagsisinungaling pa yan sa nanay n’ya.

“Ayan na nga ang sinasabi ko.” Saad ni mama na alam kong nagpipigil ng galit n’ya sa’kin. “Hindi ba ang bilin ko sa’yo, mag-practice kang mag-concentrate sa pagluluto! Kung may customer ka lang nireklamo ka na, eh.”

“Sorry na po.” Paghingi ko ng paumanhin.

“Oh, sige na, umupo ka na rito at kumain na tayo.” Umupo na nga ako sa tabi ni Sefira kahit nahihiya pa rin ako sa nangyari. Nakakainis naman kasing isip ‘to. Parang gusto ko nang palitan ng memory card para hindi na kung sa’n-sa’n pumupunta..

Ito namang si Sefira, nasa kainan na nga, dala-dala pa yung notebook n’ya sa english. At tinabi pa talaga sa’kin, ano.

“Lola, mukhang tama po kayo.” Saad ni Sefiraa habang ngumunguya ng pagkain.

“Wait, anong ‘tama po kayo?’” Nagtatakang tanong ko.

“Iniisip ni mama si sir Luke. Crush mo po yata si sir, eh.” Ha?

“Sefira, ang bata-bata mo pa! Kanino mo narinig yang crush na yan?”

“Kay lola po.” Hay, si mama talaga. Nakakagigil.

“Mama!” Saad ko habang pinandidilatan ng mata ang nanay ko.

“Bakit hindi ba? Kita mo nga, oh. Nakaharap lang sa’yo yung noteook ni Sef na may pangalan ni Luke, nakangiti ka na d’yan.” Ha? Ako nakangiti? Hinawakan ko tuloy yung bibig ko para ma-check kung totoo nga. 

“Hindi naman ako nakangiti, eh.” Depensa ko.

“Anong hindi? Huli ka na namin, h’wag ka nang mag-deny pa d’yan.”

“Alam mo mama, ang weird mo ngayon. Kasi kanina, sinusungitan mo si sir, tapos nakasunog ka pa ng ulam, tapos ngayon bigla ka na lang ngumingiti wala namang naakatawa.” Tugon ni Sefira sa’kin.

“Ganyan talaga, kapag may crush, Sef.” Sambit naman ng mama ko.

“Mama, wala akong crush. Saka ‘di ba sinabi ko naman na hindi na ko magmamahal ulit?”

“Eh, mama, bakit ka po namula kanina nung kaharap mo na si sir? Iniiwasan mo nga po s’ya ng tingin, eh.”

“Talaga ba? Sabi na sa’yo crush ng nanay mo yang teacher mo, eh.”

“Ayie, si mama may bagong crush.” Tignan mo nga naman ‘tong maglola na ‘to. Hindi sila matigilan kaka-ayie nila sa’kin. Hindi ko naman crush yun, ano ba.

“Tumigil ka, Sefira, ha. Kumain ka d’yan at nang maka-inom ka na ng gamot.” Paalala ko sa anak kong mapang-asar.

“Mama, si sir Luke nand’yan sa labas po.”

Napatingin nga ako agad sa bintana para hanapin si Luke, pero hindi ko naman s’ya nakita. Nagmadali pa nga akong tumayo sa upuan at binuksan yung pinto, pero wala talaga si Luke.

“Wala naman, ah.” Saad ko pagkaupong muli sa silya. Ang nakakainis lang, bigla ba namang nagtawanan yung maglola pagksabi kong wala si Luke.

“Hindi raw n’ya crush, pero nagmadali nung sinabing nasa labas s’ya.” Saad ni mama habang hindi mapigilan ang pagtawa. Hay, naku, prank lang pala ng maglola.

“Kayong dalawa, tumigil na nga kayo!”

“Ayie, Lu-chel.” Pag-aasar ni Sefira sa’kin.

“Lu-chel, Lu-chel, Lu-chel…” Sabay na pagbigkas ng maglola sa ginawa nilang love-team name namin. 

“Sinabi nang tumigil na, ay ang kukulit.” Hindi na nga mapigil ang pang-aasar nila, hanggang sa matapos kami sa pagkain. Ayun, hindi tuloy ako nakakain nang maayos.

Related chapters

  • Marry me, Teacher Luke   Chapter VI: Coffee Lover Teachers

    “Mama, need na po nating umalis!” Paalala ko kay mama habang nasa kwarto ako’t tinatali ang maiksi kong buhok. Nakiusap kasi si mama sa akin kagabi na samahan muna s’yang mamalengke. Pero d’yan lang naman sa kanto. Need kasi naming makapalengke ng ibang ingredients sa lulutuin ni mama para sa karinderya n’ya. Ok lang naman sa’kin, kasi 10 AM naman yung duty ko, alas-kwatro pa lang ngayon. “Ok, five minutes, ready na ko.” Sagot naman sa’kin ng mama ko. At ito na nga mga mars, eksaktong five minutes natapos naman yung nanay ko. So, mga 4:10 AM kami naka-alis ng bahay, at 4:25 AM kami nakarating sa palengke. Sinimulan na nga naming bumili ng bawang, sibuyas, kamatis, upo, at kung ano-ano pang gulay na nasa listahan namin. Hindi na kami bumili ng karne, kasi marami pa naman sa bahay. Pati na rin isda, galunggong lang yung binili namin saka bangus. Pagdating kasi ng gabi, minsan nag-iihaw din si mama. Pagkatapos nga naming bilhin yung mga dapat naming mabili, pumunta muna ako sa bili

    Last Updated : 2023-06-13
  • Marry me, Teacher Luke   Chapter VII: Mga Marites ng Taon

    “Oh, I’m really sorry, Ma’am.” Paghingi ko ng pasensya sa babaeng customer. “Papalitan ko na lang po, I’m so sorry po talaga.” Nanghihina na nga yung mga tuhod ko n’yan. Daig ko pa yata yung nahampas ng baseball bat sa sobrang panginginig ng tuhod ko. Ilang segundo pa, baka nakaluhod na ko nito. “Don’t say sorry, my dear. It’s just a reminder that you must be careful next time.” Ha? Ganun na lang yun? Hindi ba ko pagagalitan nito? “Yang mukha mong yan, nakaunot yung kilay mo. Gusto mo yata pagalitan kita, eh.” Nakangiting pagbibiro ni Dhalia. “Naku Ma’am, hindi po. Handa naman po akong palitan yung frapuccino n’yo.” “Hindi, eh. Gusto mo yata sumigaw ako rito nang malakas at pahiyain kita.” “Sorry po talaga, Ma’am.” “Don’t worry, hindi naman ako Karen. Saka isang lagok pa lang yung naiimon ko, ano. Nung nalasahan ko yung almond, tinigil ko na. Plus, I brought my meds with me. In case na hindi sinasadyang makakain ako ng bawal, at least meron akong gamot.” “Naku, pasensya na po t

    Last Updated : 2023-06-27
  • Marry me, Teacher Luke   CHAPTER I: Ang Bunga ng Pagkakamali ko

    Naalala ko, noong kabataan ko. Madalas akong nasasabihan noon ng aking ina, na maging maingat sa mga barkada. ‘Rachel, huwag kang basta-basta sasama sa mga barkada mong iyan, ha. Ikaw pinaaalalahana kita, hindi yan magiging mabuti para sa’yo.’ ‘Yan ang madalas kong marinig mula sa nanay ko. Kaya madalas kaming nagkakabanggaan tungkol d’yan, eh. Masyado kasing judgemental ang nanay, eh hindi naman lahat ng kinakasama ko, bad influence kung tawagin. Pero napaisip din ako, kung bakit ganito na lang yung sinasabi ng nanay ko sa akin. Hanggang sa na-realize ko na nga kung bakit. Makwento ko lang, noong unang panahon. Ay wow, matanda yarn? Chariz lang! Noong nagdadalaga pa lang kasi ako, teenager, kumbaga, nagkayayaan kaming magkakaibigan na pumunta sa bar. College pa lang ako noon, mga first year. Wala pang senior high noong panahon ko, kaya maaga akong nag-college. Kakatapos pa lang ng midtern, umawra agad kami sa bar pagsapit ng gabi. Todo inom kami nung time na ‘yon, at talagang sinag

    Last Updated : 2023-05-16
  • Marry me, Teacher Luke   Chapter II: Unang Araw sa Eskwela

    Luke’s POV “Good morning, Ma’am Ces!” Pagbati ko sa kasamahan kong guro, habang nilalapag ko ang bitbit kong backpack, sa ilalim ng lamesa ko. Nagmamadali na nga ako, kasi late na naman akong pumasok, alam ko na ngang may klase pa ako ng nine-thirty. Ngumiti na lang ako sa kanilang lahat, kasi hindi rin naman ako nakikinig sa mga bati nila. Nilabas ko mula sa bag ko yung librong puro english poetries, dahil babasahin mamaya ng mga estudyante ko ‘to. Tapos ay naglabas rin ako ng tatlong lata ng chocochip cookies, pati mga makukulay na papel na gagamitin mamaya ng mga bata para sa artwork nila. Sa tingin ko, hindi naman marami yung mga dala ko para sa klase, pero itong si Ma’am Ces, kung makatitig naman para akong may ginawang krimen. Tinitignan ako, mula ulo hanggang paa, habang nakahawak pa sa temple ng salamin n’ya. “Oh, Luke! Ang dami mo namang dala-dala.” Sambit sa akin ni Ma’am Ces. “The Children need to learn in a pleasurable way.” Sagot ko kay Ma.am. Syempre, english te

    Last Updated : 2023-05-16
  • Marry me, Teacher Luke   Chapter III: Rachel, the Man Hater

    Alas-singko na nga ng hapon at nag-out na rin ako sa trabaho. Nakakapagod ‘tong araw na ‘to. Kalahati na kasi ng buwan. Meaning, sweldo na ng mga empleyado. Kaya ayun, madaming kumain sa shop. Excited na nga akong umuwi sa bahay para makapagpahinga, eh. So ayun, pili na nga ako sa sakayan ng tricycle. Medyo natagalan nga lang dahil mahaba ang pila, pero ok lang. Fifteen minutes lang, nakasakay na rin ako. Mabilis lang makasakay. Well, malapit lang naman sa bahay at sa school yung work ko. Kaya nga lang, pagod na ‘ko at hindi ko na kayang maglakad. Ten minutes lang, nakarating na ‘ko sa bahay. Pagpasok ko nga ay sinalubong agad ako ni Sefira. Naabutan ko s’yang kumakain habang nag-ce-cell phone. “Nandito na ‘ko!” Bati ko sa kanya habang inaalis yung sapatos ko sa may pinto. “Mama!” Agad na tinigil ni Sefira ang pagkain, tumayo at tumakbo papunta sa akin. Niyakap n’ya ako nang mahigpit, tapos ay iniharap ang anyang mukha nang may ngiti. “Kumusta naman ang first day?” Tanong ko sa

    Last Updated : 2023-05-16
  • Marry me, Teacher Luke   Chapter IV: Kwento ng Aming Unang Pagkikita

    Alas-dose na nga pala ng tanghali, pero marami pa ring customers sa coffee shop. Oo nga pala, bakit ba ako nagtataka na maraming tao sa ganitong oras, eh tanghali na, oras na para mag-lunch yung mga tao. Malapit lang kami sa mga buildings at university. Iniisip ko nga kung dito sa Christian College ko pag-aaralin si Sef ng college, eh. Mura lang naman yung tuition, afford ko naman, saka malapit sa bahay namin. Pero ang kaso nga lang, syempre matagal pa yun. Kakaumpisa pa lang ni Sefira na pumasok sa school. Masyado talagang advance mag-isip ang mga magulang. Yung parang hindi ka pa nga lumulublob sa pool, maiisip na agad nilang malulunod ka. Hay, ganyan talaga mag-isip ang mga nanay. “Good afternoon, Ma’am!” Bati ko sa matandang customer na kaharap ko, habang tumitingin pa s’ya sa menu ng shop namin sa itaas. “Hi, I would like to order a French vanilla latte. I like it cold and medium, please.” Sambit ng matandang babae sa akin. “May I know your name, Ma’am?” “It’s Lydia.” At sin

    Last Updated : 2023-05-25

Latest chapter

  • Marry me, Teacher Luke   Chapter V: Matinding Damdamin

    “Oh, ang aga n’yo naman yatang umuwi?” Tanong ni mama Millet ko sa amin matapos n’yang makita ang pagmumukha ko at ni Sefira pagbukas ko ng pinto. Naabutan ko nga palang nagwawalis si mama kaya medyo makalat pa yung sahig.“Lola!” Agad na tumakbo si Sefira sa kanyang lola at niyakap ito nang mahigpit.“Eh, paano kasi, nilagnat yang si Sef. Mabuti na lang natawagan ako ng nurse.”“Ito, nilagnat? Eh, mas malakas pa sa kalabaw itong batang ito, ah? Kita mo may payapos yapos pa.” Hinawakan ni mama yung noo ni Sefira, pagkatapos ay tinignan ako ng nanlalaki n’yang mga mata. “Oh, medyo umiinit na naman yung bata. Mabuti pa patulugin mo na lang muna ‘to, tapos ako na bahala at pumasok ka na sa trabaho.”“Ay, ma nag-undertime ako today para maalagan ko si Sefira.” Paliwanag ko sa nanay ko, habang naglalakad papalapit sa kanya. “Oh, sige ikaw na magpatulog kay Sef at ipagluluto ko s’ya ng sabaw para naman may mahigop s’ya bago uminom ulit ng gamot.”“Lola, may kwento po ako.” Hay naku, parang

  • Marry me, Teacher Luke   Chapter IV: Kwento ng Aming Unang Pagkikita

    Alas-dose na nga pala ng tanghali, pero marami pa ring customers sa coffee shop. Oo nga pala, bakit ba ako nagtataka na maraming tao sa ganitong oras, eh tanghali na, oras na para mag-lunch yung mga tao. Malapit lang kami sa mga buildings at university. Iniisip ko nga kung dito sa Christian College ko pag-aaralin si Sef ng college, eh. Mura lang naman yung tuition, afford ko naman, saka malapit sa bahay namin. Pero ang kaso nga lang, syempre matagal pa yun. Kakaumpisa pa lang ni Sefira na pumasok sa school. Masyado talagang advance mag-isip ang mga magulang. Yung parang hindi ka pa nga lumulublob sa pool, maiisip na agad nilang malulunod ka. Hay, ganyan talaga mag-isip ang mga nanay. “Good afternoon, Ma’am!” Bati ko sa matandang customer na kaharap ko, habang tumitingin pa s’ya sa menu ng shop namin sa itaas. “Hi, I would like to order a French vanilla latte. I like it cold and medium, please.” Sambit ng matandang babae sa akin. “May I know your name, Ma’am?” “It’s Lydia.” At sin

  • Marry me, Teacher Luke   Chapter III: Rachel, the Man Hater

    Alas-singko na nga ng hapon at nag-out na rin ako sa trabaho. Nakakapagod ‘tong araw na ‘to. Kalahati na kasi ng buwan. Meaning, sweldo na ng mga empleyado. Kaya ayun, madaming kumain sa shop. Excited na nga akong umuwi sa bahay para makapagpahinga, eh. So ayun, pili na nga ako sa sakayan ng tricycle. Medyo natagalan nga lang dahil mahaba ang pila, pero ok lang. Fifteen minutes lang, nakasakay na rin ako. Mabilis lang makasakay. Well, malapit lang naman sa bahay at sa school yung work ko. Kaya nga lang, pagod na ‘ko at hindi ko na kayang maglakad. Ten minutes lang, nakarating na ‘ko sa bahay. Pagpasok ko nga ay sinalubong agad ako ni Sefira. Naabutan ko s’yang kumakain habang nag-ce-cell phone. “Nandito na ‘ko!” Bati ko sa kanya habang inaalis yung sapatos ko sa may pinto. “Mama!” Agad na tinigil ni Sefira ang pagkain, tumayo at tumakbo papunta sa akin. Niyakap n’ya ako nang mahigpit, tapos ay iniharap ang anyang mukha nang may ngiti. “Kumusta naman ang first day?” Tanong ko sa

  • Marry me, Teacher Luke   Chapter II: Unang Araw sa Eskwela

    Luke’s POV “Good morning, Ma’am Ces!” Pagbati ko sa kasamahan kong guro, habang nilalapag ko ang bitbit kong backpack, sa ilalim ng lamesa ko. Nagmamadali na nga ako, kasi late na naman akong pumasok, alam ko na ngang may klase pa ako ng nine-thirty. Ngumiti na lang ako sa kanilang lahat, kasi hindi rin naman ako nakikinig sa mga bati nila. Nilabas ko mula sa bag ko yung librong puro english poetries, dahil babasahin mamaya ng mga estudyante ko ‘to. Tapos ay naglabas rin ako ng tatlong lata ng chocochip cookies, pati mga makukulay na papel na gagamitin mamaya ng mga bata para sa artwork nila. Sa tingin ko, hindi naman marami yung mga dala ko para sa klase, pero itong si Ma’am Ces, kung makatitig naman para akong may ginawang krimen. Tinitignan ako, mula ulo hanggang paa, habang nakahawak pa sa temple ng salamin n’ya. “Oh, Luke! Ang dami mo namang dala-dala.” Sambit sa akin ni Ma’am Ces. “The Children need to learn in a pleasurable way.” Sagot ko kay Ma.am. Syempre, english te

  • Marry me, Teacher Luke   CHAPTER I: Ang Bunga ng Pagkakamali ko

    Naalala ko, noong kabataan ko. Madalas akong nasasabihan noon ng aking ina, na maging maingat sa mga barkada. ‘Rachel, huwag kang basta-basta sasama sa mga barkada mong iyan, ha. Ikaw pinaaalalahana kita, hindi yan magiging mabuti para sa’yo.’ ‘Yan ang madalas kong marinig mula sa nanay ko. Kaya madalas kaming nagkakabanggaan tungkol d’yan, eh. Masyado kasing judgemental ang nanay, eh hindi naman lahat ng kinakasama ko, bad influence kung tawagin. Pero napaisip din ako, kung bakit ganito na lang yung sinasabi ng nanay ko sa akin. Hanggang sa na-realize ko na nga kung bakit. Makwento ko lang, noong unang panahon. Ay wow, matanda yarn? Chariz lang! Noong nagdadalaga pa lang kasi ako, teenager, kumbaga, nagkayayaan kaming magkakaibigan na pumunta sa bar. College pa lang ako noon, mga first year. Wala pang senior high noong panahon ko, kaya maaga akong nag-college. Kakatapos pa lang ng midtern, umawra agad kami sa bar pagsapit ng gabi. Todo inom kami nung time na ‘yon, at talagang sinag

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status